“I DON’T LOVE YOU ANYMORE!”
“I don’t love you anymore.”
“I don’t love you anymore.”
“I don’t love you anymore.”
“I don’t love you anymore. Bastie, I don’t love you anymore!”
“I don’t love you anymore. Bastie, I don’t love you anymore!”
“I don’t love you anymore. Bastie, I don’t love you anymore!”
Sinubukan gumalaw ni Bastie ngunit hindi siya makagalaw. Paulit ulit ang tinig na iyon ni Ice. Hindi na siya mahal ng da
BASTIE WAS TRYING to look for Ice. Ngunit kung saan saan na siya tumakbo at bumaling ay hindi niya nakita ang dalaga. Wala siyang ideya kung nasaan siya basta ang tanging tumatakbo lamang sa kanyang isipan ay kailangan niyang makita si Ice. Kailangan niya itong makausap. Kailangan niyang malaman kung okay lang ito.“Muffin! Muffin! Muffin!” Sigaw niya.But his voice just kept on echoing. Walang Ice na sumagot o nagpakita sa kanya.He tried to run again. Kahit hindi niya alam kung saan siya patungo ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Kung hihinto siya ay tila ba mas lalong hindi na niya makikita pa si Ice.“Muffin! Muffin! Muffin!” Muling sigaw niya.
ILANG ARAW NA RIN na nasa ospital si Bastie. He was scheduled to be discharged today. Ramdam niya na nanumbalik na ang kanyang lakas.Ngunit ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib ay hindi niya alam kung kailan maghihilom. He’s been trying to call Ice and message her but he did not receive any reply from her until now. Hindi niya nakita ang dalaga na dumalaw sa kanya ni minsan nitong mga nakaraan na araw na nagpapagaling siya. Lalo iyong nagpapasakit sa kanyang damdamin.“Hello there healthy man!”Napatingin siya sa pintuan kung saan pumasok si Jade at may maaliwalas na ngiti sa mga labi. Nginitian niya ang kaibigan. Labis siyang nagpapasalamat at nagkaroon siya ng mga kaibigan kagaya ni Jade, Eri, Jayden at Dean. Nitong mga nakaraang araw ay naging napakalaking tulong n
ILANG ARAW NG umiikot ang buhay ni Bastie sa alak. Pag-gising niya ay alak kaagad ang kanyang hinahanap. Tila ba wala ng patutunguhan ang kanyang buhay. Tanging alak ang karamay niya at naging saksi sa lahat ng kanyang paghihirap at sakit na nararamdaman.Nitong mga nakaraang araw ay humingi muna siya ng leave sa kanyang ama. Nag-file siya ng indefinite leave at hindi naman iyon tinutulan ng kanyang ama. Hindi siya makapag-focus sa kanyang trabaho kaya bago pa magkaroon ng kapalpakan dahil sa kanyang mga desisyon ay humingi na siya kaagad ng leave.Lingid sa kaalaman ng mga ito na naroroon lang siya sa penthouse at naglalasing buong araw nitong nakalipas na mga araw. Ang akala ng kanyang mga magulang ay nagbakasyon siya upang mag-relax at makalimot sa sakit na nararamdaman. Ngunit wala namang nagbago sa kanyang nararamdaman nitong mga nakaraang araw
NASA ISANG BAR si Bastie ng araw na iyon. Nangako siya sa kanyang sarili na ito na ang huling araw niya na magpapaka-lasing sa alak at iisipin si Ice. Pagkatapos nito ay ibabalik na niya sa normal ang kaniyang pamumuhay. Alam niyang mahirap iyon ngunit kailangan niyang subukan na mabuhay na hindi na iniisip ang dating kasintahan. Kailangan niya labanan ang sakit na nararamdaman.Siguro nga ay kailangan na niyang sumuko dahil kung hindi baka ang buhay niya ang masisira sa kanyang mga pinag-gagagawa. Naging malaking tulong ang kanyang mga kaibigan upang makapag-isip isip siya ng mabuti. Malaking bagay din na hindi siya sinukuan ng kanyang mga kaibigan.“Sir, parang okay kayo ngayon ha.” Puna ng bartender. Marahil dahil sa mga nakalipas na araw ay napapadalas ang pag-inom niya sa bar na iyon kaya namukhaan na siya nito.
ICE STARTED FEELING nostalgic. It’s been three years since she left this town. Marami rami na rin ang nagbago sa lugar. Maraming nagsulputan na mga bagong gusali, mga bagong daan at mga bagong stalls. Ganun pa man may mga ilang stalls at gusali din naman ang nanatiling katulad ng dati.Halo halong emosyon ang kanyang nararamdaman ngayon. Sa totoo lang ay hindi siya mapakali hindi niya alam kung bakit. She felt excited but at the same time nervous. Maraming bagay ang naglalaro sa kanyang isipan.Walang nakakaalam ng kanyang pagbabalik ngayong araw. Maging ang kanyang mga magulang ay hindi niya sinabihan. Gusto niyang sorpresahin ang mga ito. Hindi rin niya alam kung anong sumagi sa kanyang isipan at naisipan niyang bumalik. Kahit alam niya na pwede niyang pagsisihan ang naging desisyon niyang ito ay nanaig pa rin ang kanyang pagnanais na makauw
SANDALING LUMABAS si Bastie sa stall na iyon upang sagutin ang tawag mula sa Antonio Hotels Group.“Yes hello?”Nitong mga nakalipas na araw ay simula ng nagsabi ang kanyang ama sa media na ngayong taon ay inaayos na ang lahat upang maipasa sa kanya ang posisyon bilang CEO ng kumpanya ay halos doble ang nilalaan niya na oras para sa kumpanya. Nag-umpisa na ring magdeligate ng ibang trabaho ang kanyang ama sa kanya as part of his training. Alam niyang hindi madali ang transition ngunit sinisikap niyang kayanin ang lahat.Para sa kanya ay marami pa siyang dapat matutunan mula sa kanyang ama. Dati ay lagi niyang inaasam na dumating ang araw na ipasa na nito sa kanya ang posisyon na iyon. Ngunit ngayon ay tila ba may pangamba siyang nadarama. Marami siyang mga what ifs. Paano kung hindi niy
ILANG ORAS DIN na nagkwentuhan si Ice at ang kanyang mga magulang sa loob ng kanyang silid. Ramdam niya na sobrang na-miss ng kanyang mga magulang. Ramdam din niya ang kasiyahan sa bawat kwento ng mga ito. Napakasigla ng tinig ng kanyang mommy habang nagku-kwento at ang kanyang ama naman ay laging tumatawa. Tila ba sa loob ng tatlong taon ay ang dami niyang na miss na pangyayari sa buhay ng mga ito, kahit pa sabihin na halos araw araw niyang kausap ang mga ito via long distance call. Hindi bale, babawi siya sa kanyang mga magulang ngayong nagbalik na siya. Ilang saglit pa ay iniwan na muna siya ng kanyang mga magulang at sinabihan na magpahinga na muna. Pagkasara ng pintuan ay inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kanyang silid. Tama ang kanyang ina, mukhang alagang alaga nga iyon sa linis kahit sabihing wala siya roon. Wala ring nag-iba sa ayos ng kanyang s
ICE WANTED to go out that night, ngunit pinag-iisipan niya kung saan siya pupunta. Gusto sana niyang mag-chill lang ng makapagpahinga o marelax ang kanyang kaisipan. Wala siyang naisip na ibang lugar kung hindi ang Hanggang Ngayon Cafe na pagmamay-ari nina Jade at Erie. Noong una ay nag-aalangan siya kung ipagpapatuloy niya ang pagpasok sa cafe ngunit ng mapansin niyang tila wala namang nakakakilala sa kanya sa mga empleyado na naka duty ng gabing iyon ay naisipan na niyang pumasok at mag-order kaagad. Tila bago lahat ng mga empleyado na naka duty ngayon dahil wala ni isa siyang natatandaan sa mga ito. Well on the other side, mas maigi na rin siguro iyon. Hindi niya alam kung handa na ba siyang harapin ang kanyang mga kaibigan. Ang totoo ay kinakabahan siya sa mga magiging reaksyon ng mga ito kung sakaling makita siya ng mga ito na nakabalik
“MY LOVE… MY LOVE... wake up!”Kanina pa ginigising ni Ice si Bastie. Tila ba binabangungot na naman ang asawa. Oo tama asawa na niya si Bastie ngayon. Ang sarap marinig ng katagang iyon. Ilang araw na ba silang kasal? Apat na araw na rin ngayon. Ika-apat na araw na rin nila sa Paris. Doon nila napiling mag-honeymoon.Sa mga nakaraang araw ay palaging binababangungot ang kanyang asawa. Ayon dito ay madalas ang muntik niya na pagkawala ang napapanaginipan nito na nauuwi sa bangungot. Naisipan niya na pag balik nila ng Pilipinas ay ipapa-check up niya ito. May mga pagkakataon na natatakot siya. Paano kung hindi niya ito magising? Tila may trauma pa rin ito sa mga sinapit niya. Dalawang buwan na rin ang nakalipas simula ng sapitin niya ang malagim na pangyayaring iyon.Si Summer is really menta
UNTI UNTI NG UMAALIS ang mga tao. Ang magandang sikat ng araw kanina ay unti unting nagiging makulimlim. Tila ba nakikisabay sa nararamdaman ng bawat isa ngayong araw na ito.Ang mga kaibigan niya at ang mga magulang ni Ice ay kasama niyang nakatunghay roon. Naririnig pa rin niya ang mahinang pag sinok ni Jade at ni Mrs. Del Mundo, isang patunay na nahihirapan din ang mga ito na tanggapin ang nangyari. Wala ni isa na gustong basagin ang katahimikan. Lahat sila ay naroon lamang, nakatayo at nagluluksa. Tila ang lahat ay hindi pa rin makapaniwala.Ilang oras ang lumipas ay maging ang kanyang mga kaibigan at mga magulang ni Ice ay nagpaalam na. Ilang beses siyang niyaya ng mga ito ng makapagpahinga na rin ngunit magalang siyang tumanggi. Hindi na niya alam ang salitang pahinga. Tila wala na iyon sa kanyang bokabularyo.
ALAM NI ICE NA BUGBOG SARADO siya at tila naliligo sa sariling dugo. Masakit ang kanyang buong katawan. Hindi niya alam kung makakatagal siya sa ganun na sitwasyon. Pilit niyang nilalabanan ang sakit ngunit hinang hina na siya.Maging ang pina-plano niyang pag-takas ay hindi niya maisagawa dahil sa labis na panghihina. Ang tanging pag-asa lamang niya ngayon ay kung umubra ang kanyang plano. Nang paghahampasin siya ni Summer ay sinikap niyang ilagay sa kamay nito ang friendship bracelet nila ni Jade. And knowing how smart and keen observer Jade is, siguradong makikita ng kaibigan ang bracelet na iyon sa oras na magpakita si Summer dito.Ang hindi lamang niya ay alam ay kung nagpakita ng muli si Summer dito. She’s praying na sana oo dahil hindi niya alam kung may pag-asa pa siyang mabuhay kung magtatagal pa siya sa lugar na ito.
“BASTIE! BASTIE! BASTIE!”Napabalikwas si Bastie ng marinig ang tawag na iyon ni Ice. He was still disoriented from a nap, so he looked around. Naroon siya sa kanyang opisina! Nakatutok siya sa kanyang laptop ngunit nakatulugan niya ang kanyang ginagawa.It was just a dream but it seems so real. Tinatawag siya ni Ice, tila humihingi ng tulong. Nitong mga nakaraang araw ay wala siyang maayos na tulog. Limang araw ng nawawala si Ice at sa tuwina ay labis ang pag-aalala niya para sa dating kasintahan. Hanggang ngayon ay wala silang lead. Tila ba pinag planuhan na mabuti ang lahat. Maging ang mga magulang ni Ice ay nag-aalala na, isa ito sa mga patunay na nawawala nga ito dahil tama si Jade, si Ice ang klase ng tao na, oo aalis o lalayo ngunit sisiguraduhin nito na hindi nito pag-aalalahanin ang mga magulang nito.
ITO ANG IKA-APAT NA ARAW ni Ice sa lugar na iyon. Sa mga nakalipas na araw ay tanging iyon lamang ang ginagawa ng dalawang kidnappers, naghahatid ng pagkain at hinahatid siya sa banyo sa tuwing naisin niyang gumamit niyon.Kahit papano ay nagpapasalamat na rin siya at hindi hinahawakan ng mga ito maski dulo ng kanyang daliri. Ngunit hindi niya alam kung hanggang kailan na ganun ang gagawin ng mga ito. Dahil alam niya na isang utos lang mula sa tinatawag na boss ng mga ito ay hindi mangingimi ang mga ito na sundin ang pinag-uutos ng boss ng mga ito.Medyo nanumbalik na rin ang kanyang lakas. Kaya ang tanging iniisip niya ngayon ay kung paano makatakas sa mga kidnappers na ito.Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung ano ang gusto ng boss ng mga ito sa kanya at kung ano ang atraso na sinasab
ICE OPENED HER eyes. Masakit ang kanyang buong katawan at halos wala siyang makita. Napaka dilim ng paligid. Hindi niya alam kung nasa loob ba siya ng kanyang panaginip o totoong nasa madilim na lugar siya na iyon. Bakit masakit ang kanyang buong katawan? Alam niya na wala din siya sa kama dahil tila nakahandusay siya sa isang sahig. SInikap niya na alalahanin ang mga pangyayari. Matapos ang naging pag-uusap nila ni Bastie ay tuluyan na siyang hindi makapag-focus sa kanyang ginagawa kaya ipinasya niya na umuwi na lamang. On her way home there was a reroute on the road. At nagulat na lamang siya ng biglang may humarang na itim na van sa kanyang sasakyan. Pinababa siya ng dalawang armadong lalaki na naka maskara. Tumalima siya ngunit sinubukan niyang maglaban. Ngunit isang malakas na
BASTIE WAS READING some documents that day. Hindi niya alam kung bakit hindi siya matapos tapos sa kanyang ginagawa. May mga pagkakataon na humihinto siya dahil biglang sumasagi sa kanyang isipan ang dating nobya. Ito marahil ang rason kung bakit hindi na matapos itong kanyang ginagawa. Dalawang araw na ang nakalipas noong huli silang magkausap ni Ice. At sa tuwina ay hindi iyon maalis sa kanyang isipan. He’s been thinking a lot lately actually. Hindi rin mawala sa kanyang isipan na tama pala ang kanyang hinala. Ito pala ang nahagip niya na pamilyar na bulto noong nasa restaurant sila ni Summer. The truth is he was really busy that day. Pinaunlakan lang niya si Summer ng gabing iyon dahil na rin sa pangungulit nito. Since malapit lang din ang restaurant na iyon kung nasaan siya ng mga araw na iyon, th
ILANG ORAS NG nasa boutique si Ice ngunit wala pa rin siyang nagagawa. Naroon lamang siya sa kanyang opisina at nakatunghay sa kawalan. Ang hirap talaga kapag may iniinda ka na sakit sa puso. Ang hirap magpanggap na okay ka lang. Kahit anong gawin niya ay hindi pa rin mawala ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa kanyang nasaksihan dalawang araw na ang nakalipas. Oo, dalawang araw na rin siyang ganito. Tulala! Matapos niyang makita si Bastie na nakikipaghalikan kay Summer ay tila lalo siyang pinanghinaan ng loob. She was just about to make plans on how to get him back and then she saw that! Narinig niya na tumunog ang kanyang cellphone. Hindi niya pinansin iyon. Sa nakalipas na dalawang araw piling pili lamang ang sinasagot niyang tawag. Minsan ay hindi niya namalayan na tawag pala ni Bastie ang kanyang
TININGNAN NI ICE ang ama ni Bastie. Gusto niyang maka-siguro na seryoso ito sa sinabi kanina. “I am a serious hija.” Ani Mr. Antonio na tila alam ang nilalaman ng kanyang isipan. “Design some clothes for you for a start. Kailangan na kasama ka din sa pictorial.” Pagpapatuloy pa nito. She was about to decline the offer but she remembered what Bastie said a while back. “I told you dad, maybe this is a bad idea at all.” On the other hand, advantage ito sa kanya lalo na kung gusto niyang maibalik ang dating pagtingin ni Bastie sa kanya. She will work closely with him. Mas magiging madali para sa kanya ang lahat. Well, that was a good plan indeed! “I think that