Share

Chapter 2

Author: Haian
last update Last Updated: 2021-05-22 05:25:45

INO-OBSERBAHAN NI ICE ang waitress na kumukuha ng order nila ni Bastie. Halos hindi siya tapunan ng tingin nito at nasa binata lang ang buong atensyon nito.

"What's new?" Anang tinig sa kanyang isipan.

Oo nga naman, dapat ay sanay na siya. Kahit kailan agaw pansin talaga si Bastie sa mga kabaro niya. Malakas daw kase ang appeal ng mga long hair. Kung sabagay, gwapo naman talaga ang binata. Kahit noong maiksi pa ang buhok nito ay sadyang gwapo na ito.

"Ikaw anong gusto mo?" Tanong ng binata sa kanya na hindi man lang pinapansin ang nagpapa-cute na waitress.

"Kahit ano." Tipid na sagot niya.

"Walang ganoon." Anito na ikina-taas ng kilay niya.

"Ano? Wala naman talagang ganoon sa menu. Yan o, tignan mo." Pamimilosopo nito at itinulak sa kanya ang menu.

Pinukol niya ito ng masamang tingin ngunit ngumiti lang ito. Tiningnan niya ang menu at dahil naiinis siya, pinili niya ang pinaka-mahal.

"Excuse me." Sinubukan niyang kunin ang atensiyon ng waitress ngunit nakatulala lang ito kay Bastie. Samantalang si Bastie ay sa kanya nakatingin.

"Ikaw nalang kaya ang magsabi ng order ko? Mukhang ikaw lang ang nakikita niya eh." Wika niya kay Bastie at itinuro ang waitress na naka tulala rito.

Oo masungit siya pero palaging nasa lugar iyon. Magtataray lang siya kung bibigyan siya ng attitude ng taong kaharap. Sa ngayon hindi naman siya sinusungitan ng waitress yun nga lang mukhang nasa magandang panaginip ito kung saan si Bastie ang bida.

"Hay naku te! Pero deep inside gusto mong sabunutan no?"

Wala siyang mapapala kung makikinig siya sa inner self niya. Kaya nagpasya siyang balewalain iyon.

Binasa ni Bastie ang name plate ng waitress, "Uhm, Jenny, ito daw ang order ng kasama ko." Sabay turo sa menu.

Nakita niyang nag-ningning ang mga mata ni Jenny, "Wow! Sir! Kilala mo ako?"

Nasamid yata siya sa sarili niyang laway. At inubo siya ng inubo dahil sa sinabi nito. Akmang tatayo si Bastie, "Are you okay?"

Pinigilan niya ito at sinabi niyang okay lang siya. Bumaling ulit ito sa waitress, "I saw your name plate." Anito at ngumiti.

"Nagpa-cute pa talaga ang kutong lupa!"

Tila napahiya naman ang waitress na bahagyang namula bago sila tinalikuran.

"Sigurado ka bang yun lang ang order mo?" Tanong ni Bastie ng makaalis ang waitress.

"Yes."

"Himala? Hindi ka yata gutom ngayon?" Tanong nito na may halong pang-iinis. At alam niya kung bakit nasambit iyon ng binata.

Sa mga pagkakataon na naiinis siya sa binata at niyayaya siya nitong kumain sa labas ay talagang paluluhain niya ang wallet nito. Sinasadya niya iyon, mag-order ng marami, okaya naman piliin lahat ng mga may kamahalan sa menu, para mainis ito. 

At pagkatapos ay ipamimigay niya sa mga nangangaylangan sa labas, o di kaya magpapadaan siya sa mga construction site at ipamimigay ang mga pagkain. Ngunit, ilang taon na ba niyang ginagawa iyon? Pero wa-effect kay Bastie. Ngiti at iling lang ang reaksiyon nito na mas lalong nagpapa-inis sa kanya.

"Parang mas gutom pa nga yung waitress, makatulala saiyo kulang nalang lamunin ka." Aniya. 

"Selos ka?" Tanong nito at ngumisi.

"Mangarap ka!" Taas kilay na saad niya rito. 

"I am!" Ang ngiti nito ay abot hanggang tenga! At nangalumbaba pa sa harap niya.

Ilang taon na nga ba ang nakalipas? Nag-bilang siya sa kanyang isipan. Siyam na taon na nga! Halos mag-iisang dekada na nga pala sila ng kutong lupa na ito na ganito ang set-up. Ewan niya kung bakit pinagtiyatiyagaan nito ang ugali niya. Ang totoo ay sinasadya niyang palabasin ang mga sungay niya sa tuwing kaharap niya ito upang sa ganoon ay magsawa nalang ito at hayaan siya. But Bastie stuck like a glue by her side all this time!

She can always brings out the worst of her in front of him but he always stays. Ito na yata ang may pinaka-mahabang pasensiya sa buong mundo o baka naman sadyang masunurin lang ito sa mga magulang. And she hates the last idea!

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang order nila. Hindi siya inasar ni Bastie habang kumakain sila. Pa minsan minsan ay may mga tanong ito na sinasagot naman niya ng matino.

"I always have this feeling whenever I drop you home." Wika ng binata ng nasa tapat na sila ng bahay niya.

Kinalas niya ang seatbelt at hinarap ito, "What feeling?"

"SepAnx..." Seryoso ang binata ng sabihin iyon ngunit hindi niya alam kung bakit kumawala ang malakas na tawa niya.

She's really laughing out loud! Ngunit ng mapansin niyang maang na naka tingin sa kanya si Bastie ay tumigil siya.

"B-Bakit?" She stammered.

"Wala lang, sadyang namamangha lang ako kapag ngumingiti ka o tumatawa ng ganyan." Paliwanag nito.

"Why?" She whispered shyly. 

Nagkibit balikat ito at kinalas din ang seatbelt, "Maybe because for almost a decade, mabibilang ko ang mga pagkakataon na ngumiti ka o tumawa ng ganyan na ang dahilan ay ako."

And when she met his gaze, there was something in his eyes that she can't explain. Unti unting lumalapit ang mukha ni Bastie sa mukha niya. And she really knows what will happen next. But just like before she does not have any strength to break that connection.

Bastie softly kiss her on the lips. Sa una ay banayad lang, ngunit pinalalim nito iyon. Naghahanap ng katugon. But she never responded, and just like before, ang binata na mismo ang pumutol ng halikan nila.

"And for almost a decade, you never kissed me back...." Tila may lungkot sa tinig nito. "Sometimes, I wonder if I am really that bad.... Am I?

"You are what?" Usal niya ngunit sapat na para marinig nito.

"Am I a bad kisser?"

Tumitig siya sa mga mata nito, "No, you are not, your lips are the sweetest..." Pang-aamin niya.

"Then why.... why are you not kissing me back?" Tanong nito.

"Because I don't want to." Iyon lang ang pinaka madaling paliwanag na naisipan niya.

Paano ba niya sasabihin dito na sobra sobrang pagpipigil sa sarili ang ginagawa niya sa tuwing hahalikan siya nito. Oh! Yeah, this is not the first time they kiss. Ngunit sa tuwina'y hindi siya tumutugon sa mga halik nito. Dahil higit kanino man ay alam niya kung ano ang totoong sitwasyon nila.

Bumuntong hininga si Bastie at umibis ng sasakyan. Pinagbuksan siya nito ng pinto at inalalayan siyang makalabas ng sasakyan. The perfect gentleman as ever. 

"Goodnight, thanks for tonight." Aniya at ginawaran ito ng halik sa pisngi. 

Yes, she can do that, kapag tino-topak siya na huwag mainis dito tulad ngayon, wala siyang toyo sa utak.

Amusement was dancing in his eyes, "Goodnight..." Pagkuway saad nito at hinalikan siya sa noo.

Akmang tatalikod na siya nang tawagin siya ng binata. Muli siyang humarap dito.

Strange, wala nga siyang toyo ngayon, kase dapat iniismiran na niya ito kung tinotopak siya.

"I am serious about that SepAnx thing. Sa tuwing hinahatid kita pakiramdam ko gusto pa kitang makasama ng matagal...."

Tumingin siya sa langit, kaya naman pala may mali sa mga emosyon nila ngayong araw na ito. Kabilugan pala ng buwan. Pagkatapos ay maging siya ay napa-kunot ang noo sa naisip na iyon.

"Anong connect?"

Oo nga naman? Walang connect!

"Alam mo, kabilugan pala ng buwan ngayon, itulog mo nalang yan." Aniya rito at tuluyan na siyang pumasok sa gate ng bahay nila. 

Bago tuluyang makalayo, nilingon niya si Bastie. Ngunit wala sa kanya ang atensiyon nito. Nakatingin ito sa bilog na buwan.

Lihim siyang napangiti sa posisyon nito. Nakasandal ito sa sasakyan, nakapamulsa at nakatingala sa langit.

"Aba'y gwapo ngang talaga!"

"SI BASTIE BA iyon?" Bungad ng kanyang ama nang makapasok siya ng bahay.

"C'mon dad, stop acting that you know nothing." Matabang na wika niya.

Matagal ng sira ang relasyon nilang mag-ama. Yeah, it's been 9 years.

"Don't use that tone to me Icelandia!" Dumagundong ang galit na boses ng ama.

Napangiwi siya ng marinig ang buong pangalan niya mula rito. Kaya nga hangga't maaari ay ayaw niyang makipag-usap dito dahil sa tuwina'y nauuwi iyon sa sagutan. Lalo lang lumalaki ang di nila pagkakaunawaan na mag-ama.

"Then, tell Bastie to leave me alone!" Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay yaong pakiramdam na minamanipula ang buhay niya. 

Minsan na nitong ginawa iyon sa kanyang nakatatandang kapatid at hindi iyon kinaya ng ate niya kaya mas pinili pa nitong kitilin ang sariling buhay.

She will not let anyone to decide for her. This is her life after all. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit damay si Bastie dito?

Bumuntong hininga ang kanyang ama. "Why can't you see that I'm doing this for your own sake?"

"I can take care of myself. I can decide on my own. I don't want my life to be manipulated!" Giit niya sa ama. 

"Paulit ulit lang ang usapan na ito." Anang ama na tila nahahapo.

"Exactly! 9 years na itong paulit ulit! At hindi ko maintindihan kung bakit kasama si Bastie dito!" Inis na saad niya sa ama.

"He is a good man." Sa sinabing iyon ng ama ay natikom ang kanyang bibig. 

She don't want to admit it in front of his father but, yes indeed, Bastie is a good man. Kaya nga sunud sunuran ito sa mga magulang nito at sa ama niya!

"He is not your puppet dad!" Mariin na saad niya.

"Sino ba ang nagsabing puppet ko siya?" Tanong ng kanyang ama.

"Stop pretending that you don't know! Stop using him!" May diin sa bawat pagbitiw niya ng mga katagang iyon. 

"Hindi mo alam ang sinasabi mo hija." Anang ama na hinilot ang sentido.

"Because all along you are not explaining it!" May halong hinanakit na sagot niya rito.

"Hindi mo naiintindihan...."

"Because you don't want me to understand."

"Ang mahalaga hija, we are doing this for you."

"No you are not! I won't let you manipulate my life dad. Kung si ate ——"

"Ice!"

Natigilan siya ng marinig ang kanyang ina mula sa itaas. Tumingala siya at lumambot ang ekspresyon niya. Her mother is her only reason why she's still living in this house. Kayang kaya na niyang magsarili lalo na't gusto niyang iwasan ang ama. Ngunit pagdating sa kanyang ina ay malambot ang puso niya. Pinapawi nito ang kalamigan sa kanyang puso.

"Mom..." Bulong niya habang pababa ito ng hagdan. 

Ayaw na ayaw niyang makita sila nitong nag-aaway ng kanyang ama. Bukod sa hindi ito maganda sa kalusugan nito ay napaka emotional ng kanyang ina. Isang katangian na namana ng kanyang ate. Muling dumaan ang kirot sa kanyang puso sa pag-alala sa pumanaw na kapatid.

Hinalikan siya sa pisngi ng ina. Pagkatapos ay hinaplos nito iyon, "I'm glad you are home. Go and change now. Nag-bake ako ng cake, let's have it while sipping our tea?"

Ang totoo ay busog na siya. But she does not have a heart to decline her mother. Madalas ito ang paraan nito para makausap siya. Tumango siya at nagpaalam muna ditong magpapalit ng damit at pagkuway umakyat na siya sa kanyang silid.

Related chapters

  • The Way I've Always Loved You   Chapter 3

    SA VERANDA sa itaas nila napiling pagsaluhan ang cake na bake ng mommy niya. Napatingin siya sa buwang nakasilip. Napakaganda at napaka liwanag, kasabay ng mga bituwing nagniningning sa kalangitan. Pagkuwa'y napakunot ang noo niya ng biglang lumitaw sa kanyang balintataw ang nakangiting gwapong mukha ni Bastie."Bakit ko yun naiisip?""Ang alin?" Tanong ng kanyang ina.Oh! Sa isip lang niya dapat sinasabi iyon, ngunit naisatinig pala niya."Wala po mommy." Kaila niya. Mukhang hindi kumbinsido ang ina ngunit hindi na nagtanong pa.Binigyan siya nito ng isang slice ng cake. Simula ng pumanaw ang ate niya, ibinaling ng kanyang ina ang atensiyon sa pagbi-bake. And it became a coping mechanism for her.

    Last Updated : 2021-07-14
  • The Way I've Always Loved You   Chapter 4

    SA TUWINA AY HINDI masyadong maka-pag-focus si Ice sa kanyang ginagawa. Kahit anong pigil niya sa sarili, panay pa rin ang sulyap niya sa gawi ni Bastie.Noong una ay tumitingin ito ng mga magazines ngunit halata namang hindi ito interesado dahil ang bilis nitong ilipat ang bawat pahina. Sa pangalawang sulyap niya ay sketch pad na niya ang tinititigan nito.Naiiling na ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Bakit ba ito nagti-tiyaga na hintayin siya. Alam naman niya na busy din ito sa negosyo ng pamilya nito.Bastie's family actually owns a hotel chain. At dahil matalik na mag-kaibigan ang mga ama nila, magkasosyo ang mga ito sa negosyo. Ngunit major stock holder pa rin ang pamilya ng binata. Alam niyang hindi biro ang responsibilidad na naka-atang sa balikat ng unico hijo ng mga Antonio. Kaya malaking palaisipan sa kanya

    Last Updated : 2021-07-15
  • The Way I've Always Loved You   Chapter 5

    MATAGAL NANG nakapasok si Ice ng bahay ngunit si Bastie ay nasa may gate pa rin ng bahay ng dalaga. Tulala pa rin.Hindi lang talaga siya makapaniwala na hinalikan siya ni Ice. Sa loob ng siyam na taon ay hindi nito ginawa iyon ni minsan, ngayon lang!Ewan ba niya, hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit pagdating kay Ice ay napaka-tiyaga niya.Maybe because he was hoping that after so many years whatever this thing going on between the two of them, it will work out.Tumingin siya sa bahay, tumingala siya kung saan naroroon ang silid ng dalaga. Nakita niyang bukas pa ang ilaw ng parteng iyon ng bahay. Mayroong maliit na balcony ang silid ni Ice, malabo mang mangyari dahil alam niyang pagod ang dalaga, naghintay siya ng limang minuto, umaasang sisili

    Last Updated : 2021-07-15
  • The Way I've Always Loved You   Chapter 6

    PASADO ALAS-ONSE ng umaga nang magising si Ice. Wala siyang balak pumunta ng boutique ngayon. Hinabilinan na lang niya ang kanyang sekretarya. She's craving some muffins today. At balak niyang mag-bake. Dali dali siyang nag-hilamos at pagkatapos ay dumeretso na siya sa kusina.Nadatnan niya roon si Manang Cora at ang anak nitong si Carmen, mga kasam-bahay nila ang mga ito at pinapag-aral ng mga magulang niya ang anak nito. Ang asawa nito na si Manong Jess ay ang personal driver nila."Good morning sa inyo." Masayang bati niya sa mga ito.There was something in her mood today. Napaka-gaan ng pakiramdam niya."Magandang umaga hija.""Magandang umaga ate."Sabay pa na wika ng m

    Last Updated : 2021-07-15
  • The Way I've Always Loved You   Chapter 7

    KANINA PA NAIINIP si Bastie sa mga kausap. Kanina pa niya gustong umalis ng opisina. Ito ang huling meeting niya ngayong araw at hindi niya inaasahan na halos apat na oras na niyang kausap ang mga ito.Kanina pa niya gustong umalis para mapuntahan si Ice. Muli siyang napangiti ng maalala ang dalaga. She kissed him for the first time! And it's on the lips! Para siyang baliw na ngiti ngiti kapag naaalala iyon. Kahit na halos wala siyang tulog ngayong araw na ito ay pumasok pa rin siya.Kung laging ganoon ang gagawin ng dalaga, siguro kahit araw araw siyang puyat okay lang. Baliw na nga talaga siguro siya dahil naiisip niya iyon.Muli siyang napangiti ng maalala ang mga kaibigang sina Erie, Jayden at Dean. Na binulabog niya kaninang umaga upang sabayan siyang mag-jogging. At muling naglaro sa kanyang isipan ang maganda

    Last Updated : 2021-07-17
  • The Way I've Always Loved You   Chapter 8

    “LET’S HAVE AN EARLY DINNER.”Nang sabihin iyon ni Bastie ay hindi na kumontra pa si Ice. After all, gutom na rin naman siya. Lulan sila ng sasakyan ng binata.“Where do you want to eat?” Tanong ni Bastie sa kanya.“Kahit saan.” Tipid na sagot niya.“Ang hirap mo talagang tanungin. Kapag tinanong ka kung saan sasabihin mo kahit saan. Kapag tinanong ka kung ano ang gusto mong kainin ang sagot mo ay palaging kahit na ano.” Anang binata.“Nagrereklamo ka?” Tanong niya rito habang nanghahaba ang nguso.“Hindi kaya. Sabi ko nga magda-drive nalang ako.” Anito at pinaandar ang sasakyan nito.

    Last Updated : 2021-07-18
  • The Way I've Always Loved You   Chapter 9

    IT WAS REALLY a tiring night! At nagpapasalamat si Ice at natapos na rin ang fashion show na iyon na ginanap sa New York. Kasalukuyan siyang naglalakad pabalik sa kanyang hotel. Malapit lang iyon sa venue kung saan ginanap ang fashion show.Bukas din ng hapon ang flight niya pauwi ng Pilipinas, kung hindi ay baka tuluyan na siyang itakwil ni Jade. Hindi nga lang siya naka-attend ng rehearsal para sa kasal nito ay katakot takot na sermon ang inabot niya, yung hindi pa kaya siya maka-attend ng kasal nito.Naka-yuko siya habang naglalakad kaya naman nagulat pa siya ng biglang tumama ang noo niya sa matipunong dibdib na iyon."What the—— W-What are you doing here?!" Totoong nagulat siya nang makitang si Bastie ang nagmamay-ari ng matipunong dibdib na iyon."Bakit

    Last Updated : 2021-07-19
  • The Way I've Always Loved You   Chapter 10

    NAKAMASID LANG siya kay Bastie habang inaayos nito ang unan sa may sofa. Doon daw ito matutulog. Habang siya ay patuloy na nakikipagtalo sa kanyang sarili dahil sinusundot siya ng kanyang konsensya.Sa tangkad nito at pangangatawan malamang ay mamamaluktot ito sa sofa. And to think they have a long flight tomorrow nabanggit nito kanina na bukas din ang flight nito pabalik ng Pilipinas ngunit hindi niya naitanong sa binata kung anong oras."Uhm... ano nga palang oras ang flight mo bukas?" Kuha niya sa atensyon nito."Same as yours." Sagot nito habang patuloy sa ginagawa."Same flight? As in?" Gulat na tanong niya sa binata."Yes." Anito."Pero paano—"

    Last Updated : 2021-07-19

Latest chapter

  • The Way I've Always Loved You   Chapter 97 - End

    “MY LOVE… MY LOVE... wake up!”Kanina pa ginigising ni Ice si Bastie. Tila ba binabangungot na naman ang asawa. Oo tama asawa na niya si Bastie ngayon. Ang sarap marinig ng katagang iyon. Ilang araw na ba silang kasal? Apat na araw na rin ngayon. Ika-apat na araw na rin nila sa Paris. Doon nila napiling mag-honeymoon.Sa mga nakaraang araw ay palaging binababangungot ang kanyang asawa. Ayon dito ay madalas ang muntik niya na pagkawala ang napapanaginipan nito na nauuwi sa bangungot. Naisipan niya na pag balik nila ng Pilipinas ay ipapa-check up niya ito. May mga pagkakataon na natatakot siya. Paano kung hindi niya ito magising? Tila may trauma pa rin ito sa mga sinapit niya. Dalawang buwan na rin ang nakalipas simula ng sapitin niya ang malagim na pangyayaring iyon.Si Summer is really menta

  • The Way I've Always Loved You   Chapter 96

    UNTI UNTI NG UMAALIS ang mga tao. Ang magandang sikat ng araw kanina ay unti unting nagiging makulimlim. Tila ba nakikisabay sa nararamdaman ng bawat isa ngayong araw na ito.Ang mga kaibigan niya at ang mga magulang ni Ice ay kasama niyang nakatunghay roon. Naririnig pa rin niya ang mahinang pag sinok ni Jade at ni Mrs. Del Mundo, isang patunay na nahihirapan din ang mga ito na tanggapin ang nangyari. Wala ni isa na gustong basagin ang katahimikan. Lahat sila ay naroon lamang, nakatayo at nagluluksa. Tila ang lahat ay hindi pa rin makapaniwala.Ilang oras ang lumipas ay maging ang kanyang mga kaibigan at mga magulang ni Ice ay nagpaalam na. Ilang beses siyang niyaya ng mga ito ng makapagpahinga na rin ngunit magalang siyang tumanggi. Hindi na niya alam ang salitang pahinga. Tila wala na iyon sa kanyang bokabularyo.

  • The Way I've Always Loved You   Chapter 95

    ALAM NI ICE NA BUGBOG SARADO siya at tila naliligo sa sariling dugo. Masakit ang kanyang buong katawan. Hindi niya alam kung makakatagal siya sa ganun na sitwasyon. Pilit niyang nilalabanan ang sakit ngunit hinang hina na siya.Maging ang pina-plano niyang pag-takas ay hindi niya maisagawa dahil sa labis na panghihina. Ang tanging pag-asa lamang niya ngayon ay kung umubra ang kanyang plano. Nang paghahampasin siya ni Summer ay sinikap niyang ilagay sa kamay nito ang friendship bracelet nila ni Jade. And knowing how smart and keen observer Jade is, siguradong makikita ng kaibigan ang bracelet na iyon sa oras na magpakita si Summer dito.Ang hindi lamang niya ay alam ay kung nagpakita ng muli si Summer dito. She’s praying na sana oo dahil hindi niya alam kung may pag-asa pa siyang mabuhay kung magtatagal pa siya sa lugar na ito.

  • The Way I've Always Loved You   Chapter 94

    “BASTIE! BASTIE! BASTIE!”Napabalikwas si Bastie ng marinig ang tawag na iyon ni Ice. He was still disoriented from a nap, so he looked around. Naroon siya sa kanyang opisina! Nakatutok siya sa kanyang laptop ngunit nakatulugan niya ang kanyang ginagawa.It was just a dream but it seems so real. Tinatawag siya ni Ice, tila humihingi ng tulong. Nitong mga nakaraang araw ay wala siyang maayos na tulog. Limang araw ng nawawala si Ice at sa tuwina ay labis ang pag-aalala niya para sa dating kasintahan. Hanggang ngayon ay wala silang lead. Tila ba pinag planuhan na mabuti ang lahat. Maging ang mga magulang ni Ice ay nag-aalala na, isa ito sa mga patunay na nawawala nga ito dahil tama si Jade, si Ice ang klase ng tao na, oo aalis o lalayo ngunit sisiguraduhin nito na hindi nito pag-aalalahanin ang mga magulang nito.

  • The Way I've Always Loved You   Chapter 93

    ITO ANG IKA-APAT NA ARAW ni Ice sa lugar na iyon. Sa mga nakalipas na araw ay tanging iyon lamang ang ginagawa ng dalawang kidnappers, naghahatid ng pagkain at hinahatid siya sa banyo sa tuwing naisin niyang gumamit niyon.Kahit papano ay nagpapasalamat na rin siya at hindi hinahawakan ng mga ito maski dulo ng kanyang daliri. Ngunit hindi niya alam kung hanggang kailan na ganun ang gagawin ng mga ito. Dahil alam niya na isang utos lang mula sa tinatawag na boss ng mga ito ay hindi mangingimi ang mga ito na sundin ang pinag-uutos ng boss ng mga ito.Medyo nanumbalik na rin ang kanyang lakas. Kaya ang tanging iniisip niya ngayon ay kung paano makatakas sa mga kidnappers na ito.Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung ano ang gusto ng boss ng mga ito sa kanya at kung ano ang atraso na sinasab

  • The Way I've Always Loved You   Chapter 92

    ICE OPENED HER eyes. Masakit ang kanyang buong katawan at halos wala siyang makita. Napaka dilim ng paligid. Hindi niya alam kung nasa loob ba siya ng kanyang panaginip o totoong nasa madilim na lugar siya na iyon. Bakit masakit ang kanyang buong katawan? Alam niya na wala din siya sa kama dahil tila nakahandusay siya sa isang sahig. SInikap niya na alalahanin ang mga pangyayari. Matapos ang naging pag-uusap nila ni Bastie ay tuluyan na siyang hindi makapag-focus sa kanyang ginagawa kaya ipinasya niya na umuwi na lamang. On her way home there was a reroute on the road. At nagulat na lamang siya ng biglang may humarang na itim na van sa kanyang sasakyan. Pinababa siya ng dalawang armadong lalaki na naka maskara. Tumalima siya ngunit sinubukan niyang maglaban. Ngunit isang malakas na

  • The Way I've Always Loved You   Chapter 91

    BASTIE WAS READING some documents that day. Hindi niya alam kung bakit hindi siya matapos tapos sa kanyang ginagawa. May mga pagkakataon na humihinto siya dahil biglang sumasagi sa kanyang isipan ang dating nobya. Ito marahil ang rason kung bakit hindi na matapos itong kanyang ginagawa. Dalawang araw na ang nakalipas noong huli silang magkausap ni Ice. At sa tuwina ay hindi iyon maalis sa kanyang isipan. He’s been thinking a lot lately actually. Hindi rin mawala sa kanyang isipan na tama pala ang kanyang hinala. Ito pala ang nahagip niya na pamilyar na bulto noong nasa restaurant sila ni Summer. The truth is he was really busy that day. Pinaunlakan lang niya si Summer ng gabing iyon dahil na rin sa pangungulit nito. Since malapit lang din ang restaurant na iyon kung nasaan siya ng mga araw na iyon, th

  • The Way I've Always Loved You   Chapter 90

    ILANG ORAS NG nasa boutique si Ice ngunit wala pa rin siyang nagagawa. Naroon lamang siya sa kanyang opisina at nakatunghay sa kawalan. Ang hirap talaga kapag may iniinda ka na sakit sa puso. Ang hirap magpanggap na okay ka lang. Kahit anong gawin niya ay hindi pa rin mawala ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa kanyang nasaksihan dalawang araw na ang nakalipas. Oo, dalawang araw na rin siyang ganito. Tulala! Matapos niyang makita si Bastie na nakikipaghalikan kay Summer ay tila lalo siyang pinanghinaan ng loob. She was just about to make plans on how to get him back and then she saw that! Narinig niya na tumunog ang kanyang cellphone. Hindi niya pinansin iyon. Sa nakalipas na dalawang araw piling pili lamang ang sinasagot niyang tawag. Minsan ay hindi niya namalayan na tawag pala ni Bastie ang kanyang

  • The Way I've Always Loved You   Chapter 89

    TININGNAN NI ICE ang ama ni Bastie. Gusto niyang maka-siguro na seryoso ito sa sinabi kanina. “I am a serious hija.” Ani Mr. Antonio na tila alam ang nilalaman ng kanyang isipan. “Design some clothes for you for a start. Kailangan na kasama ka din sa pictorial.” Pagpapatuloy pa nito. She was about to decline the offer but she remembered what Bastie said a while back. “I told you dad, maybe this is a bad idea at all.” On the other hand, advantage ito sa kanya lalo na kung gusto niyang maibalik ang dating pagtingin ni Bastie sa kanya. She will work closely with him. Mas magiging madali para sa kanya ang lahat. Well, that was a good plan indeed! “I think that

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status