NANG SUMAPIT ang gabi napagpasyahan nilang kumain sa may tabi ng dagat. Naglatag sila ng mga banig sa tabi ng dalampasigan at gumawa ng bonfire. Si Erie ay may dalang gitara at panaka-nakang tumutugtog.
This is really a best way to relax. Yun nga lang medyo na-i-stress ang puso niya sa tuwing nakikita niya kung gaano ka asikaso si Bastie pagdating kay Maine. Dati kase siya ang inaasikaso ng binata.
"Dati yun te." Tudyo ng kanyang isipan.
Biglang napatingin si Bastie sa kanya. Wala siyang lakas para magbaba ng tingin. Nakipag-titigan siya sa binata. Hindi niya maipaliwanag ang emosyon na lumukob sa kanya. Alam niyang sa bawat araw ay nangungulila siya sa binata. She missed him. The way he talks to her, the way he cares for her, the way he protects her and the w
HINDI ALAM ni Ice kung ilang minuto na siyang nakapikit habang nakahiga sa buhanginan. Hindi niya alintana ang lamig dahil sanay naman siya. She actually likes cold weather.Palaisipan pa rin sa kanya kung bakit biglang umalis si Bastie. Hindi din niya alam kung bakit pa-iba-iba ito ng mood. Minsan masungit at minsan naman ay okay. Ang gulo lang talaga!Dumilat siya ng maramdamang may kung anong bumalot sa pang itaas niyang katawan. Pag-dilat niya ay nakita niyang makapal na tuwalya iyon. Pagkatapos ay binalingan niya ang lalaking tumabi sa kanya sa pagkaka-higa. Walang iba kung hindi si Bastie! Biglang parang tinambol ang puso niya. He did not leave her after all."Oo hindi kita iniwan." Anito na parang narinig ang iniisip niya. "Kumuha lang ako ng towel, baka kase magkasakit ka— well pangalawang rason
KINA-UMAGAHAN AY nagpasya silang maglakad lakad ni Jade sa tabing dagat. Napakasarap ng simoy ng hangin. Nakakatuwang panoorin ang bawat paghampas ng alon sa may dalampasigan. Huminga siya ng malalim at tumingin sa karagatan."What is it?" Tanong ni Jade sa kanya."Ha?" Wala sa sariling baling niya sa kaibigan."Bestie, hindi ka okay. Kanina kapa hinga ng hinga ng malalim diyan. So something is bothering you." Wika nito. "Si Bastie no?" Usisa nito ng hindi siya sumagot."Ewan ko ba, ang hirap magpakatotoo sa nararamdaman ko sa kanya bestie." Aniya at tumigil sila pansamantala sa paglalakad at pinanood ang mga alon na humahampas sa dalampasigan."Nag-usap ba kayo kagabi? Kasi hindi na kayo bumalik. Tapos nakatulog na ako at la
HALOS UMUSOK ang ilong ni Ice nang makita si Bastie na pina-pahiran ng Sunblock Cream si Maine sa mga braso. Kutong lupa na to! Kung totoo ang sinasabi nitong mahal siya nito, bakit ang bilis naman yatang mawala ng pagmamahal na sinasabi nito? Bakit ang bilis nitong makahanap ng iba? "May pa, I never stopped watching over you pa! Hmp! Tapos ngayon ibang babae ang tinitingnan!" Hindi maiwasang himutok niya. Lumapit siya sa mga ito. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Bastie kahit ng matapos ito sa ginagawa. "Gusto mo ng sunblock?" Tanong ni Maine sa kanya. Akmang sasagot siya ngunit binalingan ng dalaga si Bastie. "Pahiran mo rin si Ice nito." Nanlalaki ang kanyang mga mata at napatingin siya kay Maine. Kinindatan lang siya nito. Hindi niya ito maintindihan sa
TATLONG ORAS NG naghihintay si Ice sa may reception ng opisina ni Bastie. Ayon sa sekretarya nito ay may mahalaga itong meeting. Noong una ay duda siya ngunit hinayaan siyang sumilip nito sa conference room at totoo ngang may ka-meeting ang binata.Nauubusan na talaga siya ng pasensiya. Pakiramdam niya ay sinasadya ng binatang patagalin ang meeting nito.Bumilang siya sa isip ng isa hanggang isang daan. Nang hindi pa rin lumabas ang binata ay walang pasubaling pumasok siya ng conference room.Nagulat ang lahat ng nasa conference room. Nakatutok lahat sa kanya ang tingin ng mga ito. Malapit na siyang panghinaan ng loob ng marinig ang tinig ni Bastie."Ice? Hindi ba ang instruction sa iyo ay, wait until I finished my meeting?" Tila iritadong salaysay ng binata.
HINDI MAINTINDIHAN ni Ice kung bakit sa mansion ng mga Antonio siya dinala ni Bastie. Medyo nag-alangan tuloy siyang pumasok."C'mon muffin." Ani Bastie ng bigla siyang huminto."A-Anong gagawin natin dito?" Kinakabahan na tanong niya."I'll show you something private." Anito na tila excited.Kumunot ang noo niya. Hindi naman siguro malaswa ang ibig sabihin nito. Baka siya lang ang nag-iisip 'nun. Seryoso siyang tuparin ang pangako sa sarili na kasal muna bago 'honeymoon'. Ganoon ka sagrado ang paniniwala niya pagdating sa bagay na iyon. Ngunit sa tuwing hahalikan siya ng binata ay tila nawawala siya sa tamang huwisyo. Kaya nga hanggat maari siyang umiwas ay iiwas siya."Uhmmm, mag-date nalang kaya tayo?" Aniya at alang
“WOW NAMAN! Ang tamis ha!” Tudyo ni Jayden“Sa sobrang tamis, pati langgam mahihiya.” Segunda ni Dean.Nang araw na iyon ay napag-pasyahan nilang magkakaibigan na mag-picnic sa may tabing ilog. Tinutudyo sila ni Bastie ng mga ito dahil iniumang ng binata ang hawak na hotdog sandwich sa kanyang bibig at kumagat siya ng kaunti sa sandwich.“Sus! Mamatay kayo sa inggit.” Biro ni Bastie sabay akbay sa kanya.“Naku pare, huwag kang gumanyan diyan dahil kung hindi sa amin ay baka hanggang ngayon ay pareho parin kayong “pabebe” na dalawa.” Paalala ni Dean.Minsan talaga ay parang bata ang mga ito kung mag-asaran.
“IT’S RAINING!!!” Halos sabay sabay pa na hiyaw nilang lahat na magkakaibigan. Mabilis nilang pinagkukuha ang mga kagamitan nila at pagkain at pagkatapos ay tumakbo sila ng mabilis sa van na dala nila. May kalayuan pa naman kung saan nila ginarahe ang kanilang sasakyan. Umagapay si Bastie sa kanya, tinanggal ng kasintahan ang suot na t-shirt at ipinatong iyon sa ulo niya. Parang may humaplos sa kanyang puso sa ginawang iyon ng kasintahan. “Gentleman as ever.” Hiyaw ng kanyang isipan. Bawat pagtakbo nila ay lalong lumalakas ang mga patak ng ulan, kaya naman nang mailagay na nila ang kanilang mga gamit at pagkain sa kanilang sasakyan ay basang basa na rin sila. “Maligo
MASAKIT ANG pakiramdam ni Ice ngunit kailangan niyang pumunta sa kanyang boutique ng araw na iyon. May mga naka-schedule siya na mga client meetings na hindi niya pwedeng ipagpaliban. “Are you sure you are okay?” Tanong ni Bastie na sampung beses na yata nitong tinanong buhat kanina. Sinundo siya ng binata mula sa kanyang bahay kagaya ng naka-ugalian nito at ngayon nga ay nasa harapan na sila ng kanyang boutique. “I am okay.” Aniya na sinikap ngumiti. Ayaw niyang makadagdag sa mga alalahanin nito ngayong araw. “You don’t look okay to me.” Anito na may kalakip na pag-aalala. “I am okay. Stop worrying.” Masuyong sagot niya sa kasintahan. “I can’t
“MY LOVE… MY LOVE... wake up!”Kanina pa ginigising ni Ice si Bastie. Tila ba binabangungot na naman ang asawa. Oo tama asawa na niya si Bastie ngayon. Ang sarap marinig ng katagang iyon. Ilang araw na ba silang kasal? Apat na araw na rin ngayon. Ika-apat na araw na rin nila sa Paris. Doon nila napiling mag-honeymoon.Sa mga nakaraang araw ay palaging binababangungot ang kanyang asawa. Ayon dito ay madalas ang muntik niya na pagkawala ang napapanaginipan nito na nauuwi sa bangungot. Naisipan niya na pag balik nila ng Pilipinas ay ipapa-check up niya ito. May mga pagkakataon na natatakot siya. Paano kung hindi niya ito magising? Tila may trauma pa rin ito sa mga sinapit niya. Dalawang buwan na rin ang nakalipas simula ng sapitin niya ang malagim na pangyayaring iyon.Si Summer is really menta
UNTI UNTI NG UMAALIS ang mga tao. Ang magandang sikat ng araw kanina ay unti unting nagiging makulimlim. Tila ba nakikisabay sa nararamdaman ng bawat isa ngayong araw na ito.Ang mga kaibigan niya at ang mga magulang ni Ice ay kasama niyang nakatunghay roon. Naririnig pa rin niya ang mahinang pag sinok ni Jade at ni Mrs. Del Mundo, isang patunay na nahihirapan din ang mga ito na tanggapin ang nangyari. Wala ni isa na gustong basagin ang katahimikan. Lahat sila ay naroon lamang, nakatayo at nagluluksa. Tila ang lahat ay hindi pa rin makapaniwala.Ilang oras ang lumipas ay maging ang kanyang mga kaibigan at mga magulang ni Ice ay nagpaalam na. Ilang beses siyang niyaya ng mga ito ng makapagpahinga na rin ngunit magalang siyang tumanggi. Hindi na niya alam ang salitang pahinga. Tila wala na iyon sa kanyang bokabularyo.
ALAM NI ICE NA BUGBOG SARADO siya at tila naliligo sa sariling dugo. Masakit ang kanyang buong katawan. Hindi niya alam kung makakatagal siya sa ganun na sitwasyon. Pilit niyang nilalabanan ang sakit ngunit hinang hina na siya.Maging ang pina-plano niyang pag-takas ay hindi niya maisagawa dahil sa labis na panghihina. Ang tanging pag-asa lamang niya ngayon ay kung umubra ang kanyang plano. Nang paghahampasin siya ni Summer ay sinikap niyang ilagay sa kamay nito ang friendship bracelet nila ni Jade. And knowing how smart and keen observer Jade is, siguradong makikita ng kaibigan ang bracelet na iyon sa oras na magpakita si Summer dito.Ang hindi lamang niya ay alam ay kung nagpakita ng muli si Summer dito. She’s praying na sana oo dahil hindi niya alam kung may pag-asa pa siyang mabuhay kung magtatagal pa siya sa lugar na ito.
“BASTIE! BASTIE! BASTIE!”Napabalikwas si Bastie ng marinig ang tawag na iyon ni Ice. He was still disoriented from a nap, so he looked around. Naroon siya sa kanyang opisina! Nakatutok siya sa kanyang laptop ngunit nakatulugan niya ang kanyang ginagawa.It was just a dream but it seems so real. Tinatawag siya ni Ice, tila humihingi ng tulong. Nitong mga nakaraang araw ay wala siyang maayos na tulog. Limang araw ng nawawala si Ice at sa tuwina ay labis ang pag-aalala niya para sa dating kasintahan. Hanggang ngayon ay wala silang lead. Tila ba pinag planuhan na mabuti ang lahat. Maging ang mga magulang ni Ice ay nag-aalala na, isa ito sa mga patunay na nawawala nga ito dahil tama si Jade, si Ice ang klase ng tao na, oo aalis o lalayo ngunit sisiguraduhin nito na hindi nito pag-aalalahanin ang mga magulang nito.
ITO ANG IKA-APAT NA ARAW ni Ice sa lugar na iyon. Sa mga nakalipas na araw ay tanging iyon lamang ang ginagawa ng dalawang kidnappers, naghahatid ng pagkain at hinahatid siya sa banyo sa tuwing naisin niyang gumamit niyon.Kahit papano ay nagpapasalamat na rin siya at hindi hinahawakan ng mga ito maski dulo ng kanyang daliri. Ngunit hindi niya alam kung hanggang kailan na ganun ang gagawin ng mga ito. Dahil alam niya na isang utos lang mula sa tinatawag na boss ng mga ito ay hindi mangingimi ang mga ito na sundin ang pinag-uutos ng boss ng mga ito.Medyo nanumbalik na rin ang kanyang lakas. Kaya ang tanging iniisip niya ngayon ay kung paano makatakas sa mga kidnappers na ito.Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung ano ang gusto ng boss ng mga ito sa kanya at kung ano ang atraso na sinasab
ICE OPENED HER eyes. Masakit ang kanyang buong katawan at halos wala siyang makita. Napaka dilim ng paligid. Hindi niya alam kung nasa loob ba siya ng kanyang panaginip o totoong nasa madilim na lugar siya na iyon. Bakit masakit ang kanyang buong katawan? Alam niya na wala din siya sa kama dahil tila nakahandusay siya sa isang sahig. SInikap niya na alalahanin ang mga pangyayari. Matapos ang naging pag-uusap nila ni Bastie ay tuluyan na siyang hindi makapag-focus sa kanyang ginagawa kaya ipinasya niya na umuwi na lamang. On her way home there was a reroute on the road. At nagulat na lamang siya ng biglang may humarang na itim na van sa kanyang sasakyan. Pinababa siya ng dalawang armadong lalaki na naka maskara. Tumalima siya ngunit sinubukan niyang maglaban. Ngunit isang malakas na
BASTIE WAS READING some documents that day. Hindi niya alam kung bakit hindi siya matapos tapos sa kanyang ginagawa. May mga pagkakataon na humihinto siya dahil biglang sumasagi sa kanyang isipan ang dating nobya. Ito marahil ang rason kung bakit hindi na matapos itong kanyang ginagawa. Dalawang araw na ang nakalipas noong huli silang magkausap ni Ice. At sa tuwina ay hindi iyon maalis sa kanyang isipan. He’s been thinking a lot lately actually. Hindi rin mawala sa kanyang isipan na tama pala ang kanyang hinala. Ito pala ang nahagip niya na pamilyar na bulto noong nasa restaurant sila ni Summer. The truth is he was really busy that day. Pinaunlakan lang niya si Summer ng gabing iyon dahil na rin sa pangungulit nito. Since malapit lang din ang restaurant na iyon kung nasaan siya ng mga araw na iyon, th
ILANG ORAS NG nasa boutique si Ice ngunit wala pa rin siyang nagagawa. Naroon lamang siya sa kanyang opisina at nakatunghay sa kawalan. Ang hirap talaga kapag may iniinda ka na sakit sa puso. Ang hirap magpanggap na okay ka lang. Kahit anong gawin niya ay hindi pa rin mawala ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa kanyang nasaksihan dalawang araw na ang nakalipas. Oo, dalawang araw na rin siyang ganito. Tulala! Matapos niyang makita si Bastie na nakikipaghalikan kay Summer ay tila lalo siyang pinanghinaan ng loob. She was just about to make plans on how to get him back and then she saw that! Narinig niya na tumunog ang kanyang cellphone. Hindi niya pinansin iyon. Sa nakalipas na dalawang araw piling pili lamang ang sinasagot niyang tawag. Minsan ay hindi niya namalayan na tawag pala ni Bastie ang kanyang
TININGNAN NI ICE ang ama ni Bastie. Gusto niyang maka-siguro na seryoso ito sa sinabi kanina. “I am a serious hija.” Ani Mr. Antonio na tila alam ang nilalaman ng kanyang isipan. “Design some clothes for you for a start. Kailangan na kasama ka din sa pictorial.” Pagpapatuloy pa nito. She was about to decline the offer but she remembered what Bastie said a while back. “I told you dad, maybe this is a bad idea at all.” On the other hand, advantage ito sa kanya lalo na kung gusto niyang maibalik ang dating pagtingin ni Bastie sa kanya. She will work closely with him. Mas magiging madali para sa kanya ang lahat. Well, that was a good plan indeed! “I think that