MASAKIT ANG pakiramdam ni Ice ngunit kailangan niyang pumunta sa kanyang boutique ng araw na iyon. May mga naka-schedule siya na mga client meetings na hindi niya pwedeng ipagpaliban.
“Are you sure you are okay?” Tanong ni Bastie na sampung beses na yata nitong tinanong buhat kanina.
Sinundo siya ng binata mula sa kanyang bahay kagaya ng naka-ugalian nito at ngayon nga ay nasa harapan na sila ng kanyang boutique.
“I am okay.” Aniya na sinikap ngumiti. Ayaw niyang makadagdag sa mga alalahanin nito ngayong araw.
“You don’t look okay to me.” Anito na may kalakip na pag-aalala.
“I am okay. Stop worrying.” Masuyong sagot niya sa kasintahan.
“I can’t
SINIKAP TAPUSIN ni Ice ang lahat ng meetings niya kaninang umaga. Napaka-bigat ng kanyang pakiramdam. Ala una na pero wala pa rin siyang ganang kumain. Nilalamig siya actually.Nagsabi siya sa kanyang mga assistants na magpapahinga muna siya sa kanyang opisina at ayaw muna niyang magambala kung hindi rin naman importante.Humiga siya sa malambot at mahabang sofa sa loob ng kanyang opisina. Hinihila siya ng antok. Tila gusto nalang niyang matulog baka sakaling maibsan ang kanyang hindi magandang nararamdaman.Kanina pa nag-palingon lingon si Ice, noong una ay hindi niya matiyak kung nasaan siya. Ngunit ng naglaon ay natitiyak niya na nasa isang kagubatan siya.Anong ginagawa niya sa gitna ng kagubatan? Sinubukan niyang isigaw ang pangalan ni
NANONOOT SA Ilong ni Ice ang mabangong amoy na iyon. Kasabay niyon ang pagkalam ng kanyang sikmura.“That’s one proof na gutom ka at wala kapang kinain magbuhat kanina.”Napatingin siya sa may ari ng pamilyar na boses na iyon. Nakaupo si Bastie sa gilid ng kanyang kama at tila binabantayan siya nito habang natutulog.Hindi niya namalayan na muli siyang nakatulog. She saw some food on her bedside table. Doon nanggagaling ang mabangong amoy.“Alam ko gutom kana pero kailangan ko munang initin ang pagkain mo.” Ani Bastie.Kumunot ang kanyang noo. Kanina pa ito nakapagdala ng pagkain?“Again, I don’t have the heart to wake yo
NAGISING SI ICE na nararamdaman ang mainit na yakap mula kay Bastie. Last night was really wonderful. Hindi na niya matandaan kung naka ilang pelikula sila. May comedy, romance, action at horror.Patuloy lang sila sa panonood at nagpapalitan ng mga komento sa kanilang pinapanood. She wants to call it a ‘movie date night’. Napangiti siya sa kanyang naisip.Sinubukan niyang damhin ang kanyang noo at ang kanyang leeg, wala na siyang lagnat. And she felt better than yesterday. What can she say? She has a good nurse after all.Tinitigan niya ang gwapong mukha ni Bastie. Napaka-lapit ng mukha nito sa kanyang mukha. Malaya niyang tinitigan ito dahil mukhang himbing na himbing pa ito sa pagtulog.She caressed his face. Banayad niyang hinawi ang mga buhok nito n
NANG ARAW NA IYON ay niyaya ni Jade si Ice na magpa-spa. Tatanggi sana siya ngunit nangungulit si Jade at sinabing libre daw ang lahat.Makakatanggi ba siya kay Jade? Natural hindi! That’s why here they are now pampering themselves.“Ano namang naisip mo at nagpa-spa ka ngayon?” Tanong niya sa kaibigan.“Wala naman,para naman ma-relax relax tayo.” Ani Jade.Kung sabagay, mainam na rin ito. Kailangan din niya ito sa ngayon. Ilang araw na rin siyang pagod sa kanyang trabaho. She needs this kind of break.Pagkatapos nilang mag pa spa ay sa salon naman siya dinala ni Jade.“Anong meron Bestie?” Hindi mapigilan na tanong niya rito.
“ARE YOU OKAY, MUFFIN?”Bahagyang itinabi ni Bastie ang sasakyan at punong puno ng pag-aalala ang kasintahan ng tanungin siya nito.She was still holding her breath. Hindi siya makapaniwala na muntik na silang ma-aksidente ng kasintahan. Kung hindi pa mabilis na iniiwas ni Bastie ang kanilang sasakyan ay talagang mahahagip sila ng mabilis na sasakyan na iyon na tila walang pakundangan sa pagmamaneho.Sa ilang taong nakalipas, napaka-ingat ni Bastie sa pagmamaneho at ni minsan ay hindi nila naranasan ang makasidente. Ngunit ngayon nga ay muntik na silang maaksidente!“Muffin, are you okay?” Ulit na tanong nito.Doon lamang siya natauhan.“Y
“MUFFIN…”Lumabas iyon mula sa bibig ni Bastie na tila hapong hapo. Gusto sana niyang habulin ang kasintahan ngunit bigla siyang na manhid mula sa kanyang pagkakaluhod. Suddenly everything stopped.Kung hindi pa siya inalalayan na tumayo ng mga kaibigan ay hindi pa siya nakaupo sa bench na naroon. He was really shocked and confused at the same time. What went wrong?“I-I’m sorry…”Paulit ulit ang tinig na iyon ni Ice sa kanyang isipan. Hindi ba’t mahal din siya ng kasintahan? Bakit naging ganun ang kasagutan nito?He made sure that evening would be magical. Hindi niya inaasahan na ang gabi sana na puno ng kaligayahan ay mauuwi sa ganito.
KANINA PA NAGHIHINTAY si Bastie sa sala ng bahay ng mga Del Mundo. May dala siyang bulaklak para kay Ice. Nais niya sanang makausap ito ngunit ayon sa mga magulang ng dalaga ay ayaw munang makipag-usap ng dalaga. Bagsak ang mga balikat na nag-isip siya ng ibang paraan. Kaya naman tinawagan niya si Jade. Nagbabakasakali na sa pamamagitan nito ay makipag-usap sa kanya si Ice o kahit malaman lamang ang lagay ng dalaga. “Alam ko masakit hijo, but if there is any consultation, I want you to know that she’s hurting too. Hindi man niya sabihin, bilang ina niya nararamdaman ko iyon.” Emosyonal na saad ng ina ni Ice. Nakakaunawa na tumango siya sa ginang. Gusto niyang maniwala na kahit tinanggihan ng dalaga ang kanyang proposal ay pareho parin sila ng nararamdaman ngayon.
KASALUKUYANG nasa labas ng bahay ng mga Del Mundo si Bastie at matiyagang naghihintay mula sa kanyang sasakyan. Nagbabakasakali na sumilip si Ice mula sa veranda sa itaas okaya naman ay ma-isipan nito na lumabas o pumunta ng boutique nito.Ito ang ikatlong araw ng kanyang paghihintay. Umuuwi lang siya tuwing hatinggabi upang maligo at matulog sandali at pagkatapos ay muling bumabalik sa labas ng bahay nila Ice.Araw araw din siyang may dalang bulaklak at ipina-pasuyo sa mga kasambahay nila Ice. Madalas siyang yayain sa loob ng bahay ng mga kasambahay o ng mga magulang ng dalaga ngunit magalang siyang tumatanggi.Mas gusto niyang maghintay sa labas, upang sa ganoon ay may isa pa siyang pag-asa na makita ang dalaga. Ang veranda sa silid nito. Nagbabakasakali siya na dudungaw ito roon kagaya ng dati.