Hanggang sa makauwi ako ay hindi mawala-wala sa isip ko ang nabasa kong article kanina. Why did the hospital suddenly closed? base kasi sa article na nabasa ko nagsara ang ospital nang walang nilabas na dahilan.
I searched it through other social media and may mga nabasa ako sa comments na nagsara dahil guilty daw ang mga Fabian sa nangyari may iba naman na nagsasabing ipapaayos lang daw at sa susunod na taon ay magbubukas ulit.
Maraming haka ang naglabasan pero ni isa walang naglinaw kung ano nga ba talaga ang dahilan.
"Oh aalis ka ulit ngayon?" gulat na tanong sa akin ni Tita. Nahihiya naman akong tumango.
"Aba't saan ka na naman pupunta?"
"May kikitain lang po."
Nagmake face lang siya bago ituro ang lamesa. "Mag-almusal ka muna," aniya at hindi na siya muling nagsalita pa hanggang sa makaalis ako.
I arrived early kaya nakapili pa ako ng magandang spot. Sa dulo ako pumwesto at nag order na muna ng kape.
<Parang biglang kumulo ang dugo ko nang makita kung sino ang tinutukoy na kasama ko sa "kayo". Sa dami nang pwedeng makasama bakit itong maarte pa? "Hi!" masiglang bati niya sa aming dalawa ng mommy ni Aivy. "Hi," bati rin pabalik ng mommy ni Aivy pero ako hindi ako bumati. "Take your seat," muling dugtong ng mommy ni Aivy at itinuro ang tabi ko. Hindi pa ako umuusog nang bigla na siyang umupo kaya ang ending ay sapilitan akong napaurong. Tinignan ko s'ya ng masama pero isang nakakainis na ngiti lang ang binigay niya sa akin. Umirap ako at napatingin na lang sa labas para kahit papaano ay may makita naman akong maganda. "A-alam kong hindi maayos ang relasyon n'yo sa isa't-isa pero hindi ko naman hinihiling na magkabati kayo ang sa akin lang ay sana matulungan niyo ako dahil kayo na allng ang alam kong makakatulong sa akin." Wika ng ina ni Aivy. Lumipat ang tingin ko sa kaniya
"This is it," wika ni Farrah hanggang sa tumunog na ang elevator hudyat na bubukas na ito at nasa tamang palapag na kami.Akmang hahakbang na sana ako palabas nang saktong pagbukas ng malaki ng elevator ay may tao rin papasok. Dahil sa gulat ko ay muntikan pa kaming magkabanggan, mabuti na lang at napigilan ko kaagad ang paa na humakbang pa."Sorry," sabi ko na s'yang ikinalaki ng mata ko. Sh*t! I shouldn't talk! baka mahalata niyang hindi ako taga dito sa ospital. Humakbang na lang ulit ako para sana tuluyan nang lumayo ngunit pinahinto niya ako."It's okay, but wait..." napahinga ako ng malalim. Mukhang nakaramdam nga s'ya.Dahan-dahan akong umikot paharap sa kan'ya. Mabuti na lang at kahit papaano talaga ay naka-facemask kami ni Farrah kaya tanging mata lang namin ang kita.“Bakit naka ganiyan kayong suot?” nagtaka rin ako bigla. Shocks baka mabisto kami.“Ha? Wala nabasa kasi ‘yong da
“IKAW?!” dahil sa gulat ko ay napalakas ang pagsasalita ko kaya agad ko namang tinakpan ang bibig ko. Shit!“Paano ka napunta dito?” takang-taka kong tanong. Hindi ko naman mabasa ang reaksyon niya dahil para siyang natatawa na ewan.“Mamaya n akita sasagutin ang mahalaga makatakas muna tayo dito,” aniya at sinubukang kumawala sa pagkakatali niya pero palpak dahil hindi niya magawang alisin ang kamay niya. Ginaya ko ang ginawa niya pero sakit lang ang napala ko, sobrang sakit.“Argh!” reklamo ko. Nakita ko naman s’yang napatingin sa akin.“H’wag mong gayahin, baka masugat ang kamay mo,” wika niya at muling nagpokus sa pagtanggal ng kamay niya pero limang minuto na ang lumipas bigo kaming parehas.Nagpahinga muna ako sandal bago naglibot libot ng paningin. Humahanap ako ng bagay na pwedeng makatulong para maputol namin tong tali sa kamay namin.“Makakatayo ka ba, An
“Naaamoy niyo ba ‘yong naaamoy ko?” Nagkunutan naman ang noo nina Ruther at Farrah hanggang sa mapatingin sila sa gilid ng lalaking kasama ko. “Yong mga papel nasusunog!” Mabilis silang tumakbo papunta doon para apulahin ang apoy at kuhain ang libro. “Yong mga ebidensya!” muling sigaw ni Farrah at mas lalo silang nagtaranta dahil mabilis na kumalat ang apoy. Hindi na nila napansin ang kasama ko na nakatayo na. Paano niya nagawang makatakas sa tali? Paano niya nakuha ‘yong nahagis kong lighter sa sahig? Kumakapal na ang usok sa kwarto dahil marami-raming libro na ang nasusunog. “Kumuha kayo ng tubig!” sigaw ni Rue. Mukhang hindi naman siya napansin ng dalawa dahil busy ang mga ‘to na kuhain ang mga librong hindi pa nasusunog. Kaya pala ang laki ng kwartong ‘to dahil dito lahat nakalagay nang ebidensya. Mas lalo pang lumakas ang apoy at kumapal ang usok kaya mas lalo na rin akong nahirapan huminga. Halos maubo-ubo narin s
“Andito na tayo,” aniya at nakita ko na nga ang napakataas na building sa gilid ko. Ang ganda naman dito ang aliwalas, ang sosyal tignan para kang nasa harapan ng isang hotel. I wonder kung magkano ang apartment dito haha.“Ang ganda naman dito,” sabi ko habang pinagmamasdan pa rin ang lugar.“Ang expensive mabuhay sa apartment pero wala akong choice,” tugon niya habang nagda-drive pa rin. Kasalukuyan na kaming papunta sa parking.Bigla naman akong napaisip. Nasaan kaya ang mama at papa niya? Or is he living alone na lang? wala ba s’yang kapatid? Tita? Tito? Imposible namang wala s’yang pamilya siguro pinili niya lang mag-apartment dahil tahimik nga naman ang buhay yun nga lang gaya ng sabi niya expensive. Even naman nurse na siya mahirap pa rin kumita ng pera dahil sobrang baba lang ng sahod dito sa pinas.“Mukhang malalim yata ang iniisip mo ah?” natatawa niyang tanong habang nagmamaniobr
“I’ll stay here.” Desididong sabi ko kahit sa totoo lang ay hiyang-hiya na ako kay Pierre. Sobrang dami nya nang naittulong sa akin tapos ito ako dinadamay siya sa kaguluhang nangyayari sa buhay ko.Napatitig lang s’ya sa akin sandali na parang nagulat pa sa desisyon ko kahit siya naman ang una talagang nag-suggest.“A-ayaw mo ba?” nahihiya kong tanong.Bigla siyang umiling-iling. “H-hindi haha, ayos lang,” nauutal niyang tugon. Marahan naman akong napatango.Nagkaroon na naman ng katahimikan sa pagitan namin. Napaiwas ako nang tingin at napalingon-lingon na lang sa paligid. Ang awkward, hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung anong gagawin ko.“I-itatapon ko muna ‘to.” Aniya at bigla nang lumakad hindi na ako inantay sumagot mukhang pati siya nahihiya na.Arghh! hindi naman sana kailangan na maging ganito eh, sana pala hindi ko na tinaggap ‘yong alok niyang dito mu
“Sure.” Tugon ko na ikinagulat niya naman. Naguluhan ako sa reaksyon niya kaya bigla akong nagtaka at nagtanong sa kan’ya. “Bakit?” hindi ko sure na tanong. Bakit anong laro ba ang ibig niyang sabihin? “W-wala naman akala ko kasi iisipin childish ako.” Nahihiya niyang sagot. Nangunot naman bigla ang noo ko. Ha?! Childish na ba ngayon ang paglalaro? Unless lutu-lutuan ang gusto niyang laro? Natawa naman ako bigla. “Anong childish ka d’yan! Hahaha ano bang laro, lalaruin natin?” “Tara papakita ko sayo,” sumunod naman ako sa kaniya at pumunta kami sa sala. Lumapit siya sa tv at may nilagay na cd doon sa dvd sa baba ng tv. Ahh mukhang alam ko na. Pagkatapos maisalang ‘yong cd ay lumabas na sa screen ng tv ang lalaruin namin. Haha boxing! “Okay lang ba?” nahihiya niyang tanong sa akin. “Walang problema sa akin, ikaw sure ka ba na ito lalaruin natin?” paninigurado ko. Inosente naman s’yang tumango-tango. “Oo,” Tumawa
Gulat na gulat ako nang bigla akong bumagsak sa dibdib niya. Nakita ko ang mahinang pagdaing niya dahil nawalan talaga ako ng balance kaya medyo napalakas ang pagbagsak ko. Tumama pa ang braso ko sa dibdib niya tsk!Dahil sa gulat ko ay napatitig lang ako sa kan’ya. Ang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa at halos hindi ako makahinga ng maayos.Gusto ko n asana umalis pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko at parang ayaw na ayaw niya akong umalis. Nandito na naman ako sa posisyon na napagkakamalan akong isang tao na malapit sa kanila. Ito lang ba talaga ang role ko dito sa mundo? Ang maging shadow ng isang tao? Ang magpanggap bilang isang tao? I mean tao naman ako ang ibig kong sabihin ay magpanggap bilang ibang tao.“Lasing ka na, Pierre,” ani ko pero mabilis s’yang umiling-iling.“Hindi pa ako lasing,” sagot niya bago ngumiti na parang nakikipagbiruan.Bigla akong nawala sa mood sa totoo lan
HER POV"When I met him, to be honest nawe-weirduhan ako sa kaniya. He's kinda funny pero 'yong mga jokes niya walang sense hahaha! He likes to ask so many question to the point na parang imbestigador na siya like what's my favorite color, number, music, movies it's like an autograph book na sinasagutan natin noong mga bata pa tayo, ganun siya. And akala ko childish siya dahil sa pagiging ganun niya akala ko late nagdevelop yung utak niya but when I got to know him more deeply, my first impression was untrue. He is really a matured man. He has a lot of words of wisdom. Matututo ka sa kaniya, kung ano 'yong paniniwala niya sobrang hypnotic ng mga sinasabi niya kaya minsan talo eh whenever we had a fight or argument haha! Siguro nga ginayuma niya ako gamit yung mga salita niya kaya kami na ngayon haha!"Nagtawanan ang mga tao, nilingon ko naman siya at ang sama na ng tingin niya sa akin hahaha! ang ganda ganda ng mga sinabi niya tungk
HIS POV"When I met her, that was the moment I told to myself "I already found my better half" while looking at her from afar. She just simply brushing her hair using her fingers and I just couldn't help myself from staring at her for a minute or two. That moment I want to approach her and say "Hey beautiful girl, can I get in into your world?" I don't care if I became weird or corny here but that's just how I met her. She got all of my attention without even trying or giving an effort. And from that moment until here today, I've never seen nothing like her. "Narinig ko ang hiyawan ng mga tao matapos kong magkwento.Napatingin ako sa babaeng pinakamamahal ko at nakangiti lang siyang pinagmamasdan ang mga tao na natutuwa sa kwento ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilang hindi mapatitig sa kaniya. Kulang na kulang pa ang mata ko para lang ma-capture lahat ng kagandahan niya.Never kong hinilin
Kabanata 62 "Sino o may gusto ka bang maging kamukha?" Kalmadong tanong sa akin ni Doc. Umiling iling naman ako at bahagyang ngumiti. "Ikaw na ang bahala, basta ang gusto ko lang ay hindi na ako makikilala nina Rue. Gusto ko na maging malaya," tugon ko na ikinatango tango naman ni Kiyoshi. Iniharap niya sa akin ang computer screen kung saan nandoon ang mukha ko at mga adjustment na gagawin niya. He explained it very well, even the procedures. Tumango ako matapos niyang nagpaliwanag. Napangiti ako sa kaniya dahil hindi ko alam na ito pala ang propesyon niya. I judge him easily dahil akala ko madaldal lang talaga siya na tao. Bigla kong
"Ako."Kitang kita ko sa mata ni Pierre ang pagkagulat. Hindi kaagad siya nakapagsalita matapos kong sabihin na ako ang magpaparetoke.Oo ako. Ito na lang ang nakikita kong paraan para matapos na ang lahat ng ito. Hindi ako papayag na ako ang masisisi sa krimeng sila naman talaga ang gumawa. Oo mayaman sila kaya kayang kaya nilang takpan lahat ng bahong pwedeng lumabas tungkol sakanila pero paano naman akong mahirap lang?Hindi ko kayang pagbayaran ang krimeng hindi ko ginawa. Alam kong kahit anong tago ang gawin ko hindi ako makakawala sa kanila kaya ito na lang ang tangi kong naiisip. At oo aware rin ako na mahal ang magparetoke pero ako na ang bahalang makipag usap. Im not going to use my Profession to manipulate, hypnotize o ano makikipag usap ako bilang pasyente."B-bakit mo naman naisipang magparetoke?" Nagugulahang tanong ni Pierre."May natanggap akong text
“Oo dahil pakiramdam ko may utang na loob ako sayo.”Sakto namang red light kaya nakahinto lahat ng sasakyan. Napatingin siya sa akin.“Utang na loob? Dahil ako yung humabol sa lalaki?” nagtataka niyang tanong. Tumango naman ako. Nakita kong nawala ang ngiti niya sa labi na kanina pa naguhit doon.“Alam mo habang tumatanda ako natutunan kong h’wag humingi ng kapalit sa mga bagay na binigay ko o ginawa ko kasi ginawa ko ‘yon ng bukal sa loob at walang hinihintay na kapalit. Hindi ko sinasabing wag kang tumanaw ng utang na loob pero lagi mo rin iisipin na hindi lahat ng tao humihingi ng kapalit. Hindi masamang suklian ang kabutihang ginawa nila sayo pero para bayaran sila eh gagawa ka rin ng mabuti sa kanila pero labag naman sa loob, edi sana hindi mo na lang ginawa. Where’s the sincerity there?”Nagulat ako dahil bigla siyang sumeryoso. Prankster ba ‘tong lalaki na ‘to? Joker? O baka may mul
Kahit mainit nag abang na lang ako ng dadaang taxi baka meron naman, sadyang hindi ko lang natyempuhan na may mga pasahero ring nag aabang.Inabot na ako ng limang minuto sa pag-aantay hanggang sa may humintong puting kotse sa tapat ko. Kulay taxi naman sana siya pero malinis ang kotse at walang kung anong sulat. Private car yata ito.Nag-abang ako sa pagbaba niya ng bintana.Again, nagulat na naman ako sa kung sino ang sakay ng kotseng nasa harapan ko.Napapikit pikit ako dahil baka kamukha lang pero parang siya talaga. Pinagmasdan ko ang loob ng kotse at mukhang ito nga ang nasakyan ko kanina.Hindi ko namalayang nakalabas na pala siya ng kotse at pinagbuksan na ako ng pinto. Napatingin ako sa kaniya.“Hindi magandang nabibilad, lalo na ang babaeng katulad mo.” Nanatili lang ang titig ko sa kaniya hanggang sa ngumiti siya na parang close na close kami.Bakit siya nandito? Hindi ba siya umalis nung binababa niya ako sa ta
Napatingin ako sa mga mata niya, tila nangungusap ‘yon pero hindi ko mabasa kung ano ba talaga ang gusto niyang ipahiwatig kanina pa bago kami pumunta dito.Nakatitig lang siya sa akin at hindi nagsasalita.Napangiti ako ng mapait sa kaniya bago magsalita. “H’wag ka mag-alala, atleast you saved, Cheska.” Wika ko at dahan-dahan nang inalis ang kamay niya sa palapulsuhan ko. Ayaw niya pa sana akong bitawan pero ako na mismo ang nagpumilit na bumitaw. Alam ko naman na gusto niya na rin mahawakan si Cheska para maramdaman niyang safe na talaga ang babaeng mahal niya.Pagkabitaw niya sa akin ay napatingin ako kay Cheska. I can see pain on her eyes but not just on her eyes but also physically. Magulo ang buhok niya at may sugat siya sa gilid ng labi. Kung hindi ako nagkakamali maaaring nagpumiglas siya kanina kaya siya nasaktan.Napahinga ako ng malalim at napapikit sandali. I’m also in deepest pain right now pero sino ang nandito
“Siya na mismo ang nagsabi, may mapupuntahan pa siya so what’s the point of accepting her? I don’t want to be an option again.”Natahimik naman ako bigla sa isinagot niya. Tama naman siya pero what if nasabi lang ‘yon ni Cheska dahil napahiya na s’ya?She just wants to escape the embarrassment.Pumasok na ng tuluyan si Pierre sa kusina at dumeretso sa sa pagkuha ng baso para magtimpla ng kape.Nagpapalakas naman ako ngayon ng loob kung paano ko ba sasabihin kay Pierre na uuwi na ako.Akmang magsasalita na sana ako nang unahan niya na naman ako.“Bago kita ihatid, mag-almusal muna tayo,” he said in a cold tone.Napapikit naman ako. Ikakagalit niya ba kung magpapaalam na ako ngayon?“’Here,” aniya. Pagkatingin ko ay tinimplahan niya na rin pala ako. Hindi ko napansing dalawang baso pala ang kinuha niya.May lamesa naman dito sa kusina kaya doon ko na lang pi
Nakaramdam ako ng bahagyang pag galaw sa tabi ko kaya naalimpungatan na rin ako kaso gagalaw pa lang sana ako eh nakaramdam na ako ng matinding pagsakit ng ibaba ko. Napangiwi ako at dahan-dahan na lang idinilat ang mga mata.Biglang bumalik lahat sa ala-ala ko ang nangyari kagabi. Mariin ko kaagad isinara ang mata at umiling-iling ako para alisin ‘yon sa isip ko pero the more na inaalis ko the more na naaalala ko lahat. Hindi ko akalaing magagawa ko ‘yon, magagawa namin at ito naman akong si tanga na pumayag.Akala ko mga lalaki lang ang hindi makakaiwas sa tukso pero ako rin pala. I tried to refuse pero hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng sariling isip ang buo kong katawan kagabi.Nang kumalma na ako at ang isip ko, sinuyod ko na ang buong sahig gamit ang mata ko para hanapin ang mga damit ko. “Gotcha,” bulong ko sa sarili nang makita ang mga yon malapit sa pintuan.Dahan dahan akong gumalaw at dahan dahan ko ring hinihila ang