Dere-deretso lang ako sa paglalakad ni hindi ko na magawang lumilingon pa sa kung sino man ang nasa paligid ko na kanina pa bumubuka ang mga bibig at sinusundan lang ako ng tingin. Para akong nabibingi sa mga tawag nila o sadyang iniignora na lang sila ng tenga at utak ko?
Wala akong maramdaman tila manhid na ang buong katawan ko maging ang pag-iisip ko. Para akong dahon na hinahangin lang at nagpapatianod na lang sa kung saan man ako dalhin ng dalawang paa ko. Hindi ko na alam kung ano ang ire-react sa mga pangyayari dahil hindi ko inaasahang mangyayari ‘to sa akin.
Patuloy lang ako sa paglalakad, tingin ko nga ay nagmumukha na akong baliw sa paningin ng mga nakakakita sa akin dahil kahit anong tawag nila sa akin hindi ako tumintingin at para akong wala sa sarili.
Takbo-lakad ang ginawa ko hanggang sa huminto ng kusa ang paa ko sa tapat ng isang kwarto. Napatitig lang ako sa doorknob ng pinto at iniisip kung bubuksan ko ba o hindi.
Sa paglipas ng min
Nagulat ang lahat sa loob at nagkaroon ng kaunting ingay at diskusyon. Napansin naman ‘yon ng Judge kaya agad n’yang pinatahimik ang lahat. “Order in the court!” wika ng Judge matapos pukpukin ng dalawang beses ang gavel. Nang wala ng kahit anong ingay bumaling na s’ya sa dalawang lalaking kakabalik lang kani-kanina. “Ano ulit ang nangyari sa akusado?” muling tanong ng Judge na naninigurado. Parang kahit ako nabingi, sana mali lang ako nang pagkakarinig. Lumakad ang dalawang lalaki palapit sa Judge na pinayagan naman. Magkakatapat na silang tatlo at hindi na rinig ang pinag-uusapan nila. Matapos ang mahigit tatlong minuto, naglakad na ang dalawang lalaki palabas ng korte. Nagkaroon ng katahimikan sa loob at halos lahat ng tao ay nag-aantay sa muling pagsasalita ng Judge. Kitang-kita ang hinga nito ng malalim at pagbuga ng hangin. Makalipas ang ilang segundo nagsalita na s’ya. “May nangyari sa isa pang akusado kaya hindi na natin mariri
Mas nilakasan ko pa ang pagsigaw ko. Nanginginig ang buong katawan ko maging ang kamay ko habang dinudukot ang cellphone ko sa bulsa na ayaw pa lumabas. “Ange, bakit? Ano ‘yan?” sigaw ni Tita Iselle habang papunta sa kung nasaan kami ni mama. “Si mama…” Umiiyak kong sambit habang tinitipa na ang 911 na numero. Tinapik-tapik ko muli ang pisngi ni mama ngunit hindi talaga s’ya gumalaw kaya sinubukan ko namang yugyugin ang kan’yang balikat sa pagbabakasakaling magising s’ya. “Ma, please! Wake up!” Tuloy-tuloy na sa pagbagsak ang luha ko sa aking mga mata. Nanginginig ako sa pagkakahawak sa aking cellphone. Sinubukan ko ulit yugyugin si mama dahil no’ng chineck ko ang pulso n’ya meron pa kaya nagbabakasakali ako ngayon. “Angelic! Anong nangyayari?” sigaw ulit ni Titan ang makapasok na s’ya sa kwarto. “Tita! Help! Tita, si Mama! Tita!” tila nakalimutan kong bumuo ng mga salita kaya tanging mga ‘yan na lang ang nabanggit ko.
Naalimpungatan ko naman s’yang tinanong, “Po?” “Tinaas mo pa ang kamay mo sa ere na parang may kinuha ka tapos nagulat ka pa.” Bigla namang nag-flashback sa utak ko kung ano ang napanginipan ko. Bwiset! Akala ko totoo wiw! Nakahinga naman ako ng maluwag. May kasabihan kasi na kung sino ang makakasalo ng bulaklak s’ya na ang sunod na ikakasal. Paano ako ikakasal e wala naman akong boyfriend? Bigla namang bumalik sa ala-ala ko ‘yong mukha ni Tita nang makita akong naglalakad sa gitna, bakit kaya gano’n na lang ang reaksyon n’ya? Nagulat ba s’ya sa clip na suot ko? Speaking of clip, hindi ko na maalala ang mukha no’ng lalaking ka-partner ko na s’ya ring nagbigay sa akin no’ng clip na ‘yon. Sino kaya ‘yon eh sa panaginip ko namumukhaan ko rin s’ya pero hindi ko lang alam kung saan ko s’ya nakita. “Mukhang malalim ang iniisip mo, Nak? Matulog ka na ulit alas dos pa lang ng madaling araw.” Wika ni Tita habang nakatingin sa akin. Tumango lang ako at
“Ano ka ba kung saan-saan ka pumupunta, maiiwan na tayo,” saway n’ya sa akin ng makalapit na ako sa kan’ya. Lumakad naman na kami pabalik ng simbahan. Unti na lang ang tao mukhang nauna na sa reception haha! “Nagugutom na ako,” wika na naman ni Tita. Natawa naman ako. Malapit lang ang reception at pagkarating namin ay nakahanda na ang lahat. Event place s’ya at hindi lang basta-bastang kainan. Sabagay ano bang ie-expect ko sa pamilya ni Stella? Mayaman sila kaya bawat birthday n’ya rin dati ay engrande talaga ang selebrasyon. Ilang minute lang ang inantay naming at nag-serve na ng pagkain ang mga waiter. “Wow, mas masarap to kaysa sa pagkain sa hotel,” “Tita,” mahina kong saway kay Tita dahil nakakahiya sa mga kasama naming sa lamesa baka marinig s’ya. Tita is really vocal. Kung anong gusto n’yang sabihin sasabihin niya talaga at walang makakapigil sa kan’ya. Sinamaan lang ako ng tingin ni Tita at muli nang kumain.
It was a very happy dream. Pakiramdam ko sandali akong nakahinga ng maluwag mula sa nakakapagod at nakakasakal na mundo. Ang gaan sa pakiramdam ng panaginip ko at desisido akong ang panaginip ng mga tao ay nangyayari talaga sa tunay na buhay hindi nga lang agaran.“Oh, mukhang maganda ang gising mo ngayon ah?” nakangiting wika sa akin ni Tita na parang nanunuya habang may dala-dalang tasa atsaka inilapag ‘yon sa lamesa pagkalapit.“Sobra Ta, ang saya-saya ng panaginip ko.”“Eh, ano ba ang napanaginipan mo?” nae-excite n’yang tanong. Ito si Tita basta chika mabilis at hindi slow.“I saw him there, Tita,”Nagsalubong naman ang kilay n’ya. “Sino?”“’Yong Nurse,” nakangiti ko pa ring sabi. Don’t get me wrong, masaya lang ako na nakita ko ulit s’ya. After all these years dito pa talaga kami muli magkikita.I’m kin
"Thank you," he said. Nahihiya naman akong lumingon sa kaniya at ngumiti.Mahigit isang oras din ang pictorial namin and I can say na maganda lahat ng kuha namin at aaminin ko na ang hot naming dalawa sa mga pictures.Pumasok na ako sa cr at nagpalit pagbalik ko sa set ay agad akong lumapit sa nagpicture sa amin nang mapansin niya akong papalapit ay kaagad niyang inabot sa akin ang talent fee ko."Here," sabay abot sa akin ng sobre. "You two really did a good job. Okay lang ba na makuha ang contact number mo? for future use," nahihiya niyang wika. Ngumiti naman ako at tumango. She gave me her phone at doon ko na nilagay ang contact ko.Pagkatapos ay napalingon lingon ako sa paligid. Wala s'ya. Mukhang napansin naman ng kausap ko kaya agad s'yang nagsalita."Tinawag siya kanina ng isang babae, nagmamadali nga eh na parang natataranta." Nangunot ang noo ko."Sige po, susundan ko lang." Tumango
Hanggang sa makauwi ako ay hindi mawala-wala sa isip ko ang nabasa kong article kanina. Why did the hospital suddenly closed? base kasi sa article na nabasa ko nagsara ang ospital nang walang nilabas na dahilan.I searched it through other social media and may mga nabasa ako sa comments na nagsara dahil guilty daw ang mga Fabian sa nangyari may iba naman na nagsasabing ipapaayos lang daw at sa susunod na taon ay magbubukas ulit.Maraming haka ang naglabasan pero ni isa walang naglinaw kung ano nga ba talaga ang dahilan."Oh aalis ka ulit ngayon?" gulat na tanong sa akin ni Tita. Nahihiya naman akong tumango."Aba't saan ka na naman pupunta?""May kikitain lang po."Nagmake face lang siya bago ituro ang lamesa. "Mag-almusal ka muna," aniya at hindi na siya muling nagsalita pa hanggang sa makaalis ako.I arrived early kaya nakapili pa ako ng magandang spot. Sa dulo ako pumwesto at nag order na muna ng kape.
Parang biglang kumulo ang dugo ko nang makita kung sino ang tinutukoy na kasama ko sa "kayo". Sa dami nang pwedeng makasama bakit itong maarte pa? "Hi!" masiglang bati niya sa aming dalawa ng mommy ni Aivy. "Hi," bati rin pabalik ng mommy ni Aivy pero ako hindi ako bumati. "Take your seat," muling dugtong ng mommy ni Aivy at itinuro ang tabi ko. Hindi pa ako umuusog nang bigla na siyang umupo kaya ang ending ay sapilitan akong napaurong. Tinignan ko s'ya ng masama pero isang nakakainis na ngiti lang ang binigay niya sa akin. Umirap ako at napatingin na lang sa labas para kahit papaano ay may makita naman akong maganda. "A-alam kong hindi maayos ang relasyon n'yo sa isa't-isa pero hindi ko naman hinihiling na magkabati kayo ang sa akin lang ay sana matulungan niyo ako dahil kayo na allng ang alam kong makakatulong sa akin." Wika ng ina ni Aivy. Lumipat ang tingin ko sa kaniya
HER POV"When I met him, to be honest nawe-weirduhan ako sa kaniya. He's kinda funny pero 'yong mga jokes niya walang sense hahaha! He likes to ask so many question to the point na parang imbestigador na siya like what's my favorite color, number, music, movies it's like an autograph book na sinasagutan natin noong mga bata pa tayo, ganun siya. And akala ko childish siya dahil sa pagiging ganun niya akala ko late nagdevelop yung utak niya but when I got to know him more deeply, my first impression was untrue. He is really a matured man. He has a lot of words of wisdom. Matututo ka sa kaniya, kung ano 'yong paniniwala niya sobrang hypnotic ng mga sinasabi niya kaya minsan talo eh whenever we had a fight or argument haha! Siguro nga ginayuma niya ako gamit yung mga salita niya kaya kami na ngayon haha!"Nagtawanan ang mga tao, nilingon ko naman siya at ang sama na ng tingin niya sa akin hahaha! ang ganda ganda ng mga sinabi niya tungk
HIS POV"When I met her, that was the moment I told to myself "I already found my better half" while looking at her from afar. She just simply brushing her hair using her fingers and I just couldn't help myself from staring at her for a minute or two. That moment I want to approach her and say "Hey beautiful girl, can I get in into your world?" I don't care if I became weird or corny here but that's just how I met her. She got all of my attention without even trying or giving an effort. And from that moment until here today, I've never seen nothing like her. "Narinig ko ang hiyawan ng mga tao matapos kong magkwento.Napatingin ako sa babaeng pinakamamahal ko at nakangiti lang siyang pinagmamasdan ang mga tao na natutuwa sa kwento ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilang hindi mapatitig sa kaniya. Kulang na kulang pa ang mata ko para lang ma-capture lahat ng kagandahan niya.Never kong hinilin
Kabanata 62 "Sino o may gusto ka bang maging kamukha?" Kalmadong tanong sa akin ni Doc. Umiling iling naman ako at bahagyang ngumiti. "Ikaw na ang bahala, basta ang gusto ko lang ay hindi na ako makikilala nina Rue. Gusto ko na maging malaya," tugon ko na ikinatango tango naman ni Kiyoshi. Iniharap niya sa akin ang computer screen kung saan nandoon ang mukha ko at mga adjustment na gagawin niya. He explained it very well, even the procedures. Tumango ako matapos niyang nagpaliwanag. Napangiti ako sa kaniya dahil hindi ko alam na ito pala ang propesyon niya. I judge him easily dahil akala ko madaldal lang talaga siya na tao. Bigla kong
"Ako."Kitang kita ko sa mata ni Pierre ang pagkagulat. Hindi kaagad siya nakapagsalita matapos kong sabihin na ako ang magpaparetoke.Oo ako. Ito na lang ang nakikita kong paraan para matapos na ang lahat ng ito. Hindi ako papayag na ako ang masisisi sa krimeng sila naman talaga ang gumawa. Oo mayaman sila kaya kayang kaya nilang takpan lahat ng bahong pwedeng lumabas tungkol sakanila pero paano naman akong mahirap lang?Hindi ko kayang pagbayaran ang krimeng hindi ko ginawa. Alam kong kahit anong tago ang gawin ko hindi ako makakawala sa kanila kaya ito na lang ang tangi kong naiisip. At oo aware rin ako na mahal ang magparetoke pero ako na ang bahalang makipag usap. Im not going to use my Profession to manipulate, hypnotize o ano makikipag usap ako bilang pasyente."B-bakit mo naman naisipang magparetoke?" Nagugulahang tanong ni Pierre."May natanggap akong text
“Oo dahil pakiramdam ko may utang na loob ako sayo.”Sakto namang red light kaya nakahinto lahat ng sasakyan. Napatingin siya sa akin.“Utang na loob? Dahil ako yung humabol sa lalaki?” nagtataka niyang tanong. Tumango naman ako. Nakita kong nawala ang ngiti niya sa labi na kanina pa naguhit doon.“Alam mo habang tumatanda ako natutunan kong h’wag humingi ng kapalit sa mga bagay na binigay ko o ginawa ko kasi ginawa ko ‘yon ng bukal sa loob at walang hinihintay na kapalit. Hindi ko sinasabing wag kang tumanaw ng utang na loob pero lagi mo rin iisipin na hindi lahat ng tao humihingi ng kapalit. Hindi masamang suklian ang kabutihang ginawa nila sayo pero para bayaran sila eh gagawa ka rin ng mabuti sa kanila pero labag naman sa loob, edi sana hindi mo na lang ginawa. Where’s the sincerity there?”Nagulat ako dahil bigla siyang sumeryoso. Prankster ba ‘tong lalaki na ‘to? Joker? O baka may mul
Kahit mainit nag abang na lang ako ng dadaang taxi baka meron naman, sadyang hindi ko lang natyempuhan na may mga pasahero ring nag aabang.Inabot na ako ng limang minuto sa pag-aantay hanggang sa may humintong puting kotse sa tapat ko. Kulay taxi naman sana siya pero malinis ang kotse at walang kung anong sulat. Private car yata ito.Nag-abang ako sa pagbaba niya ng bintana.Again, nagulat na naman ako sa kung sino ang sakay ng kotseng nasa harapan ko.Napapikit pikit ako dahil baka kamukha lang pero parang siya talaga. Pinagmasdan ko ang loob ng kotse at mukhang ito nga ang nasakyan ko kanina.Hindi ko namalayang nakalabas na pala siya ng kotse at pinagbuksan na ako ng pinto. Napatingin ako sa kaniya.“Hindi magandang nabibilad, lalo na ang babaeng katulad mo.” Nanatili lang ang titig ko sa kaniya hanggang sa ngumiti siya na parang close na close kami.Bakit siya nandito? Hindi ba siya umalis nung binababa niya ako sa ta
Napatingin ako sa mga mata niya, tila nangungusap ‘yon pero hindi ko mabasa kung ano ba talaga ang gusto niyang ipahiwatig kanina pa bago kami pumunta dito.Nakatitig lang siya sa akin at hindi nagsasalita.Napangiti ako ng mapait sa kaniya bago magsalita. “H’wag ka mag-alala, atleast you saved, Cheska.” Wika ko at dahan-dahan nang inalis ang kamay niya sa palapulsuhan ko. Ayaw niya pa sana akong bitawan pero ako na mismo ang nagpumilit na bumitaw. Alam ko naman na gusto niya na rin mahawakan si Cheska para maramdaman niyang safe na talaga ang babaeng mahal niya.Pagkabitaw niya sa akin ay napatingin ako kay Cheska. I can see pain on her eyes but not just on her eyes but also physically. Magulo ang buhok niya at may sugat siya sa gilid ng labi. Kung hindi ako nagkakamali maaaring nagpumiglas siya kanina kaya siya nasaktan.Napahinga ako ng malalim at napapikit sandali. I’m also in deepest pain right now pero sino ang nandito
“Siya na mismo ang nagsabi, may mapupuntahan pa siya so what’s the point of accepting her? I don’t want to be an option again.”Natahimik naman ako bigla sa isinagot niya. Tama naman siya pero what if nasabi lang ‘yon ni Cheska dahil napahiya na s’ya?She just wants to escape the embarrassment.Pumasok na ng tuluyan si Pierre sa kusina at dumeretso sa sa pagkuha ng baso para magtimpla ng kape.Nagpapalakas naman ako ngayon ng loob kung paano ko ba sasabihin kay Pierre na uuwi na ako.Akmang magsasalita na sana ako nang unahan niya na naman ako.“Bago kita ihatid, mag-almusal muna tayo,” he said in a cold tone.Napapikit naman ako. Ikakagalit niya ba kung magpapaalam na ako ngayon?“’Here,” aniya. Pagkatingin ko ay tinimplahan niya na rin pala ako. Hindi ko napansing dalawang baso pala ang kinuha niya.May lamesa naman dito sa kusina kaya doon ko na lang pi
Nakaramdam ako ng bahagyang pag galaw sa tabi ko kaya naalimpungatan na rin ako kaso gagalaw pa lang sana ako eh nakaramdam na ako ng matinding pagsakit ng ibaba ko. Napangiwi ako at dahan-dahan na lang idinilat ang mga mata.Biglang bumalik lahat sa ala-ala ko ang nangyari kagabi. Mariin ko kaagad isinara ang mata at umiling-iling ako para alisin ‘yon sa isip ko pero the more na inaalis ko the more na naaalala ko lahat. Hindi ko akalaing magagawa ko ‘yon, magagawa namin at ito naman akong si tanga na pumayag.Akala ko mga lalaki lang ang hindi makakaiwas sa tukso pero ako rin pala. I tried to refuse pero hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng sariling isip ang buo kong katawan kagabi.Nang kumalma na ako at ang isip ko, sinuyod ko na ang buong sahig gamit ang mata ko para hanapin ang mga damit ko. “Gotcha,” bulong ko sa sarili nang makita ang mga yon malapit sa pintuan.Dahan dahan akong gumalaw at dahan dahan ko ring hinihila ang