Nakauwi kaagad si Grim kaya hindi nakalapit na si King.
“Kailangan kitang ilabas,” kahit ligtas na sa silid ni Grim ay hininaan pa rin niya ang boses.
“Bakit? May masama bang nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Anastacia.
“Hindi, pumayag na si Neo na tumulong at gusto nilang ilabas ka na namin dahil mapanganib.”
Nagliwanag ang mukha ni Anastacia. “Totoo bang pumayag ang emperador?”
Nakangiting tumango si Grim. “Kaya puwede na kitang ilabas, mas magiging maayos rin kung mailalabas kita dahil baka mahuli ka na rito. Hindi natin alam kung may nakararamdam na rin,” sabi ni Grim.
“Ayoko namang maging pabigat, pero—“
“Huwag mo nang alalahanin si King, kami na ang bahala sa kanya. Sa ngayon, mas magiging madali na kung maiaalis ka namin dito. Bukas ay may misyon ako, maaga tayong aalis, ipapalagay ko na lang na natakasan mo ‘ko,” sabi ni Grim.
“Maraming-maraming salamat,” sabi ko sa pangkat na nakapagpatakas sa ‘kin. Naniniwala akong makakaligtas si Grim.“Talaga bang alam mo na ang pabalik?” tanong ng isang lalaki.“Nakakuha ako nitong mga gintong barya, makakasakay na ‘ko pabalik. Maraming-maraming salamat uli. “Muli akong tumungo sa harapan ng limang lalaki sa daungan at nginitian sila. “Kung sakaling kailanganin ninyo rin ng tulong at may kakayahan ako, tutulong ako. Mag-iingat kayo.”Nangiti naman ang isa. “Hindi mo naman kailangan na ibalik ang tulong namin sa ‘yo. Mag-iingat ka kung gano’n. Pero puwede ka naman naming ihatid.” Suhestiyon ng isa pa.Umiling ako “Hindi na, napakalaking bagay na itong nagawa ninyo sa ‘kin.”Nagpaalam na ‘ko sa kanila at naglakad palayo.Isa ‘tong isla pero mukhang pamilihan lamang pala. Lugar kung saan malaya ang mga ta
Gusto ko sanang bumalik sa ‘ming isl pero hindi ko na nagawa dahil nga pakiramdam ko sobrang halaga ng oras. Para bang palagi akong lumalakad habang may katabing isang bombang nagbabadyang sumabog.Pumunta ‘ko sa Zone 66 para sabihin kay Neo ang iba ko pang nalaman lalo ang bagong kaalamang nakuha ko. Mahabang oras ang ibiniyahe ko kay nakapagpahinga pa ‘ko at nakatulog. Nakapaglinis na rin ako at nakapagpalit ng kasuotan na ipinadala ko sa barkong nasakyan ko. Second class ang barko kaya maganda ang serbisyo at mas mabilis kompara sa third class na barko. Gusto ko sana sa first class, iyon lamang ay mukhang nakadidiri ang tingin nila sa ‘kin dahil sa kasuotan ko at marahil wala sa hitsura kong may kakayahan akong magbayad. Baka mapatagal lamang ako.Mas maayos naman ang bestidang nabili ko, mas presentable para sa pagharap sa Emperador.Nasa malaking bag kong dala-dala na nabili ko sa isla kanina ang pinaglalagyan ng halaman. Kailangan k
“Bakit duguan ka? Ganoon ka na ba Katanga?” tanong ni Dark sa kapatid na si Grim. Dumating ‘tong duguan at kapapalit lamang. Naroon sila sa silid ni Grim.“May ambush na naganap, hindi ko naman akalaing mga skilled army ang iba sa kanila,” ani Grim na nahiga sa kanyang kama. Napagod siya, marahil kasama sa pagod ay ‘yong kaba na baka masaktan si Anastacia, pero sa tingin naman niya’y nakaligtas ‘to.Pinalibutan siya ng mga kapatid niya sa kama na akala mo naman ay malala ang tama niya.“Mukhang kailangan kong magpahinga, naubos na ang enerhiya ko, matutulog muna ako ng tatlong araw sabihin ninyo kay ama,” ani Grim na humikab pa.“Nasaan pala ‘yong maid servant mo?” tanong ni Stefan.Gustong dagukan ni Dark at Grim ito dahil alam naman nito.“Nakalulungkot man pero dahil kasama ko siya, isa siya—““Isinama mo siya palabas?!” tano
“Tumigil na nga kayong dalawa!” sigaw ni Stefan kay King at Grim na naglalaban. Halos hindi na nga makita ang mga ito sa bilis nang pagkilos. Ang kakahuyan nila ay marami nang bumagsak na naglalakihang puno.“Kalmado ako, si King ang hindi!” galit na sigaw ni Grim na huminto sa kanilang harapan.Napahampas sa noo si Dark.“Tigilan ninyo ‘yan dahil baka malaman pa ni ama ang ginagawa ninyo lalo lang mapahamak ang babaeng ‘yon!” malakas na sigaw ni Dark.Napahinto naman si King, galit na galit pa rin ito at pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi. Hindi naman malalala ang pinsala ng dalawa, mabilis din maghihilom.Inayos ni Grim ang kanyang kasuotan at tumalikod na.“Mabuti pang umalis na siya, nababaliw na ‘yang kapatid ninyo dahil sa babae,” may iritasyon pa rin sa boses ni Grim.Inakbayan ni Stefan si Grim.Naiwan naman si Dark at King. Kailangan niya ‘tong
Malakas ang hangin sa balkonahe nang silid ni Anastacia.Naipikit ni Anastacia ang mga mata, isang buwan mula ngayon ay makikipaglaban siya kasama ang mga naging kakampi sa laban. Ang kapalit na hinihingi sa kanya ay gawin niyang islang may pangalan at makikilala ang isla kung nasaan siya naroon, kasama rin sa katabing isla kung saan kilala ang mga makamandag na hayop at insekto ay magiging bahagi ng isla niya. Hindi na siya nag-isip, ang naisagot na lamang niya’y—“Gagawin ko ang lahat, basta mapagtagumpayan lamang ito.”Ayon kay Neo, alam nila ang islang ‘yon. At gusto ng mga itong pag-aralan ang lugar. Pero masyadong malayo para tawaging teritoryo, kaya kung may magmamay-ari no’n at magiging kabahagi ng isla ng Zone 66, magiging madali sa mga ito ang magpapunta roon at mag-aral sa lugar. Isama pang naikuwento niyang paunti-unti na ‘yong nagiging progresibong lugar dahil sa mga naroon. Bukas nga ay nakatakda siyang pumunta roo
Nang makababa si Anastacia sa isla ay ipinaliwanag niya kila kina Renan ang tungkol sa lahat-lahat. Naroon sila sa sala ng mga ito at nagkakape.“Aalis din ako rito, nagdesisyon ako dahil gusto kong iligtas si King, hindi ko naisip kaagad na hindi ako ang dapat magdesisyon para sa isla,” ani Anastacia.“Sa tingin ko ay may punto ang Zone 66, nagiging takot na rin sa karamihan ang mga sabi-sabi na napaparami na ‘yong mga ibang mukha rito. Iyon ang mahirap sa isla na ‘to, masyadong bukas sa ibang tao. Napaparami rin ang mga nag-re-research ngayon sa kabilang isla dahil sa mga makakamandag na halaman at hayop,” ani Renan.“Nagbibigay takot na rin ‘yon sa karamihan, tingin ko puwede mo namang subukan na kausapin sila. Malakas ang Zone 66, sigurado ang proteksiyong ibibigay nila,” ani Marina na tumingin sa asawa.“Pero hindi naman dahil iyon ang tingin natin, ganoon din ang tingin ng mga tao rito. Kai
**Nakahinga nang maluwag si Anastacia nang sa wakas ay napapayag niya ang mga tao. Bagaman alaman niyang naghihintay pa rin ang mga ito nang katunayan.Parang lalagnatin siya nang matapos 'yon pero 'di puwedeng magkasakit siya kung kailan panahon na para makipaglaban pa."Anastacia, maayos ka lang ba?"tanong ni Marina sa 'kin."Kailangan ko lang ipahinga 'to ngayong gabi, kailangan ko ring umalis bukas ng maaga.""May gamot dito ako na naibigay ni Doc. Matt. Mahiga ka na lang muna sa kuwarto mo at ihahatid ko sa 'yo."Nahiga si Anastacia sa kanyang silid sa bahay nila Marina.Sumasakit din ang kanyang ulo at katawan. Masyado yata siyang napagod kaya ganoon.Nakaidlip siya't ginising saglit ni Marina para painumin ng gamot. Nang mahiga siya uli ay nakatulog naman uli siya nang mahimbing.Pero parang mas lumala lang 'yon kinabukasan. Nahihilo siya, nanginginig at nanghihina. Kahit pa pilitin niyang bumangon hindi
ANASTACIAHindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon na alam kong nagsisimula na ang lahat.Hindi ko naman gustong mawala ang bata sa ‘king tiyan, pero sana dumating siya sa tamang panahon.Hindi ako mapakali na hindi ko mismo matutulungan si King, mas mahirap pa sa pakiramdam na hindi man lang ako makalaban sa panahon kung saan mas preparado ako.Wala rin akong makuhang impormasyon kaagad.Pakiramdam ko naririnig ko ang mga nagkakadikit na mga espada, mga pagsabog, maging mga sigaw, isang bagay na mahirap alisin kung may digmaan. Nagiging masyadong aktibo ang aking mga imahinasyon.Hindi rin ako makatulong sa laboratoryo, parang naghihina talaga ‘ko kahit kaunting lakad lamang. Hingal na hingal ako na tila kakapusin ng paghinga kahit pumunta lang ako sa C.R. Hindi naman daw ako nakakahawa kaya narito si Kat-Kat para tulungan ako dahil bibo naman siyang bata at maaasahan. Siya ang umaaalay sa ‘kin, bilang kapa
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &
“Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina
“Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya
Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi