“Hindi pa ba lalabas si King?”naiiritang tanong ni Grim sa doctor. Umiinit na naman ang kanyang ulo. Nasa harapan niya kasi ang isa sa tauhan sa loob ng laboratoryo.
“Nagpapahinga siya—“
“Anong nagpapahinga? Matagal na siya ro’n, mag-iisang buwan na!”
Nagulat naman ang babae, wala rin kasi siyang alam sa mga pangyayari. Tanging ang pribadong bahagi lamang ng laboratoryo at mga miyembro noon ang nakaaakyat, maging ang mismong lider nilang ama ng mga ito.
“Grim, gumagawa ka na naman nang ingay dito,” sabi ni Jillian, ang babaeng nurse, sa mga gamot ito nakatoka kaya wala itong alam sa itaas. Pero baka kahit paano may nababalitaan ‘to.
Dinala siya ni Jillian, ang pinakamagandang nurse sa lugar sa cafeteria. Pumuwesto sila malayo sa ibang tao.
“Ano na naman ang problema, Grim?” tanong nito nang dumating ang kanilang kape.
“Isang buwan na halos si King sa l
BLACK MARKETKasama ni Anastacia si Rima at Marlion, naiwanan naman sa isla si Delta. Silang tatlo at si Drake ay magkasamang pumunta ng Black Market. Iba pa raw ‘to sa tinatawag na Freed Market.“Mas malaki ang tiyansa na mayroon sa lugar na ‘to ng halaman na ‘yon, dito mga sinauna na ang nagtitinda. Bago umusbong ang Freed Market, ito ang bagsakan ng mga kakaibang bagay,” sabi ni Marlion.“Tama, mas malapit rin ito. Mas mapanganib din ang Freed Market, kung hindi natin makikita rito saka na lamang tayo lumipat,” sabi ni Rima.Sumangayon naman si Anastacia, baka nga mayroon doon. Pansin niya ring mas maraming halamang-gamot at potion na ibinebenta roon.“Hindi ako napapadalas dito kaya hindi ko alam,” sabi ni Drake.Umikot-ikot sila ipinagtanong ang halaman na sinasabi ni Drake.“Mukhang iyong alam kong pangalan niya ay hindi totoo,” sabi ni Drake.
CHAPTER“Napapagod ka na ba?” tanong ni Rima kay Anastacia.Umiling naman si Anastacia. “Hindi, pero kumain na muna tayo.”Sumangayon naman ang lahat. Sa isang kakaunti pa lamang ang mga tao sila pumunta.“Mukhang maraming nalalaman ‘yong nakausap natin kaninang doctor,” sabi ni Drake nang kumakain na sila.“Sa tingin ko rin, sayang nga at may lumapit na sa kanya at ipinatawag siya. Marami pa sana ‘kong gustong itanong sa kanya,” sabi ni Anastacia.“Sa tingin ko ay hindi dapat natin basta-basta ipinakikita ang pagkakagusto sa gano’ng halaman dahil maaaring magdulot ‘yon nang panganib. Lalo ngayong mukhang marami pala ang naghahanap ng halaman na ‘yon,” sabi ni Rima. Hindi niya lang masabi nang tahasan dahil may iba silang kasama, pero sa tingin niya’y dapat malaman ni Anastacia na bahagi ng laboratoryo ng Ashes and B
Freed MarketPaikot-ikot sila Anastacia, halos marami ngang nakakaalam ng halaman at ang pagiging bihira no’n. Ang itinuturo madalas ng mga nakakaalam ay subastahan.“Mabuti pa dumalo na tayo sa subastahan. May Black card ka naman kaya makokonsidera ka ro’n para makasali. Sabihin mo na lamang na mga servant mo kami,” sabi ni Drake.Sumangayon naman si Rima.“Sa tingin ko ay mas mabuti pa ‘yon kesa sa Zone 66,” sangayon din ni Marlion.Tumungo nga sila sa mismong subastahan at katulad ng mga sinabi ng mga ito, matapos i-check ang black card at makuha ang unique code no’n ay iniabot na ‘yon kay Anastacia ng babae na kasama niya sa loob ng silid. Kasama niya si Drake lamang do’n.“Miss, ang black card code mo ay kasama sa Class A, magandang kalidad at malaki ang seguridad,” nakangiting sabi nito. “Siguro ay isa kang prinsesa sa mayamang bansa.”Nangiti la
“Maayos ka lang ba?” tanong ng nurse kay King.Tulak-tulak niya ang wheelchair nito.“Huling gamot na ‘yon at tapos na,” magiliw na sabi nito.Hindi pa rin ito kumikibo.Nakatingin lang sa malayo si King.Nadala niya na ‘to sa laboratoryo.“Ano nang nangyari?” tanong ng lalaking doctor.“Hindi pa rin siya nagsasalita at malayo pa rin ang tingin,” nag-aalalang sabi ng nurse.e“Mukhang nagkaroon siya ng series of trauma, pero huling gamot na naman ‘to at makakapagpahinga na siya.”Tumango naman ang nurse.May humawak na kay King na dalawang lalaki. Sinaksakan ng doctor si King sa braso matapos mahanap ang ugat nito.Tiningnan lang ni King ‘yon.Nasasaktan ang katawan niya pero wala siyang ganang sumigaw para masaktan.Hindi alam ni King kung ano ang mga nagaganap pero ang naalala niya lamang ilang b
“Kumusta ka na? Maayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Krizelle kay King. “May nararamdaman ka bang kakaiba? Para masabi natin kaagad kung mayroon.”Umiling si King. Tinatamad lamang talaga siyang magsalita.Umiiling lang siya’t tumatagos ang paningin dito. Hindi niya maramdaman dito ‘yong pagmamahal na sinasabi nito at gusto nitong ipapaniwala sa kanya. Normal ba ‘yong wala talaga siyang maramdaman?Iniiwasan niya ring magsasalita, hindi niya alam kung may kakampi ba siya sa lugar na ‘yon o wala. Kailangan muna niya ng kompirmasyon sa mga kapatid kung sino ang babaeng kanyang kasama.Paminsan-minsan kumikirot ang buo niyang katawan, masakit na masakit at tila nilalamutak ang pakiramdam ng kanyang laman.Pero ang pag-aalaga’t pananatili ni Kristelle ay nagbibigay sa kanya ng pakiramdam na baka nga mayroon silang espesyal na relasyon at hindi lamang niya ‘yon talaga maramd
“Ilang araw na tayo rito, wala pa ring tayong nakikita no’ng halamang hinahanap natin,” sabi ni Drake.Magkakasama sila sa isang kainan.“Pero ayon sa nakuha nating impormasyon may darating ngayong linggo, may tatlong araw pa naman,” sabi ni Grim.“Tama, maghintay lang tayo at magbigay signal sa isa’t isa. Mas maganda kung hindi kayo mawawalan ng pokus,” sabi ni Stefan.“Kapag wala ngayong linggo siguro kailangan nating subukang kausapin ang Emperador,” suhestiyon ni Anastacia.“Hindi ‘yon magiging madali—“ mukhang hindi sangayon si Dark.“Pero kung malalaman niyang banta rin ang Ashes and Blood, baka kahit paano makatulong din siya sa ‘tin. Ang problema lang naman ay hindi siya naniniwala ‘di ba? Hindi siya naniniwala na may mas kailangan siyang bigyang preparasyon, at kung magpapatuloy na binabalewala niya ang Ashes and Blood, patulo
ZONE 66 CASTLE“Iyon lang ba lahat?” tanong ng Emperador.Nangiti si Klyde, ang isa sa heneral. “Mas malaking pagbabawas dahil iyon ang gusto ninyo, kamahalan.”Nangiti naman si Neo, ang Emperador. “Nakakapagod pumunta sa iba’t ibang imperyo na masyadong pormal.”Naroon sila sa lugar ng pagpupulong dalawa kahit dadalawa lamang sila.Dumating si Margareth, ang nobya nitong isang Pureblood Vampire.“Tapos na kayong mag-usap?” Dala-dala nito ang tray ng pagkain at inumin.“Katatapos lang, princess Margareth,” sabi ni Klyde.Nangiti naman si Neo.“Siya nga pala, kamahalan, lumapit sa ‘kin si Rima.”“Bounty Hunter?” tanong ni Neo. Mayroon pa kasi silang isang Rima na servant naman ng kastilyo.Tumango si Klyde. “Lumapit siya sa ‘kin para humingi ng pabor iyon lamang ay ikaw ang presensi
Noong una’y confident si Anastacia na makipagkita sa Emperador, pero nang makita niya ‘to kahit pa nga normal ang kasuotan nito’y malakas na kaagad ang presensiya nito. Kasing tangkad ‘to ni King, mayroong kulay puting buhok na nakatali at mayroong hikaw na tila tala sa kaliwa.Maganda ang hitsura nito at may kasama ‘tong mukhang manyikang babae na mukhang bata pa, marahil lower than twenty pa ang edad nito o mukha lamang itong pasibol na dalaga.“Magandang gabi, ako si Anastacia, mula ‘ko sa kabilang daigdig bago ‘ko makarating dito sa New World.”Nginitian kaagad siya nito, ang titig nito’y hindi para makinig mabuti, parang mas higit na gusto nitong galugarin ang kanyang pagkatao. Napansin ni Anastacia na saglit naging matang ahas ‘to pero marahil ay guni-guni niya ‘yon dahil normal naman ‘to matapos niyang kumurap.“Nalaman kong gusto mo ‘kong makausap, iyon laman
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &
“Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina
“Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya
Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi