Napansin ni Anastacia na titig na titig sa kanya si King.
Isa ito sa masasabi ni Anastacia na nagbago rito.
Hindi ito palatitig nang ganoon kaseryoso, ngayon kasi ay tila ginagalugad na nito ang kanyang pagkatao.
Nagsasalo sila sa tsa’a dahil wala naman siyang maibibigay na bloodwine dito.
Naiilang si Anastacia dahil baka mayroon itong ‘di nagugustuhan sa kanyang mukha.
“Kailan tayo nagkakilala?” tanong nito.
Napakurap si Anastacia, natuwa sa narinig na tanong nito. “Noong nine years old ako, binili ako ng magulang mo para maging personal maid servant mo. No’ng unang kita ko sa ‘yo natakot ako dahil baka saktan mo ‘ko, pero hindi pala, naging mabait ka sa ‘kin, dahil mabait ka sa ‘kin, lahat din sa paligid ko no’n ay naging mabuti sa ‘kin. Hindi ako nakapag-aral kaya nagtiyaga kang turuan akong bumasa at sumulat. Madalas mo rin akong kinukuwentuhan tungkol sa nangy
“Masakit pa rin ang ulo mo?” tanong ni Anastacia nang makainom ‘to ng tubig.Iniabot nito ang baso muli sa kanya.“Biglaan lang sumakit.”Alam ni King na dahil ‘yon sa pagpasok ng alaala sa kanya.Ang ulo niya parang sasabog at ngayon nga na tumigil ang pagkirot no’n nang husto, may nananatili namang tial panaka-nakang pagkirot pa rin.Napakarami niyang naalala, malinaw ‘yon kani-kanina lamang. Pero hindi lahat ng alaalang nakita niya ay napanatili niya dahil sa bilis nang pangyayari.Pumunta si Anastacia sa likuran ni King.Hinawakan niya ang braso nito at minasahe.“Huwag ka munang gumalaw, noon, kapag may nararamdaman ka ay gumiginhawa ang pakiramdam mo kapag namamasahe ka.”Pinakikinggan lang ‘to ni King, ngayon niya napatunayang may malaking papel nga ang babaeng kasama sa kanyang nakaraan. Ibig sabihin, malaking bahagi
Umalis si King at nag-iwan na lang ng number niya kay Anastacia.Mayroon pa pala siyang kailangan na daluhan, kung hindi niya dadaluhan iyon ay paniguradong magtataka ang kanyang ama. Hindi dapat nito malaman ang tungkol kay Anastacia.Magulo pa ang mga alaala niya pero nagpapatuloy na ‘yon sa pagpasok sa kanyang isipan. At kaunti na lamang ay alam niyang magbabago ang lahat-lahat sa kanya oras na ang mga pirasong alaala na ‘yon ay nabuo at napagdikit-dikit niya bilang isang buong kuwento.Nang makarating siya sa kanilang mansion ay mabuting wala pa siyang nakasalubong na kapatid dahil hindi pa niya gusto nang kausap sa mga oras na ‘yon.Pagkapasok niya sa kanyang silid nag-alis siya kaagad ng kasuotan.Iminasahe niya ang ulo.Hindi na talaga natigil ang kanyang isipan sa pagdaloy ng mga alaala.Dapat lamang na walang makaalam nang tungkol sa mga alaala niya.Hindi rin dapat makaramdam ang kanyang ama na may k
Hapunan.“Sino bang unang mag-aasawa, mauna ka na kaya, Grim!” sabi ni Dark sa kapatid.Naroon silang magkakapatid sa balkonahe, naghihintay nang oras kung kailan darating ang ama at ang bisita nila.Sumandal si King sa railing at nagsindi ng sigarilyo.“Kumusta na pala ‘yong hinahanap mong Anastacia?” baling ni Grim kay King.Nagkibit-balikat si King. “Baka halusinasyon lang ‘yon sa dami nang gamot na sinasaksak sa ‘kin.”Nagkatinginan iyong tatlo at lumapit pa kay King pagkatapos.“Dapat ipahinto mo na ‘yon, baka masira lang ang ulo mo dahil sa mga gamot,” mahinang suhestiyon ni Dark.“Oo nga, mabuti at hindi na masyadong matapang ang gamot na ibinibigay nila sa ‘tin. Ewan ko bakit dito kay King, parang hindi nababawasan,” ani Stefan.“Pinag-uusapan pa ninyo ‘yan, alam ninyong kaunting marinig ni ama sa &
Kung saan-saan kami nagsusuot-suot ni Arisa, kailangan naming makahanap nang gumagawa ng sandata. Nagtatanong-tanong na rin kami at madalas ang itinuturo nila ay ang mga panday raw dito sa bahaging ‘to malapit sa isang circus, pero sarado pa sila sa mga oras na ‘to. Pero iyong mga kubol na malapit naman dito ang pakay namin dahil sa mga manggagawa ng sandata.“Sa tingin mo ba ay epektibong Vampire weapon ang makukuha natin?” tanong ni Arisa.“Puwede naman nating ipagawang Vampire Weapon ang makukuha nating sandata. Pinakamahalaga iyong magkaroon lang tayo nang matibay na sandata. Marami na rin nagsasabi sa ‘tin na dito tayo makakakapagpagawa ng magandang kalidad ng sandata dahil talagang mga blacksmith na sinauna ang mga paraan nang paggawa rito.”Pumasok na kami sa isang kubol.“Magandang hapon,” bati ko sa loob.Isang malaking lalaki ‘yon na putok na putok ang katawan at mukhang talagang
“Ano sa palagay ninyo, maayos ba ang sandata?” tanong ni Ajax sa dalawang babae.“Excited na ‘kong makita ang finish product!” Natutuwang sabi ni Arisa.“Tamang-tama ang napili mo para sa ‘yo, hindi ka mahihirapan makipaglaban dahil sakto lamang sa bigat ng iyong pangangatawan. Iyon naman ang pinakamahalaga, iyong magamit mo ang sandata mo kesa maging isang display lamang,” sabi ni Ajax kay Arisa.Nangiti naman si Arisa sa naging papuri nito.“Ikaw naman, medyo malakas ang gusto mong sandata. Pero sa tingin ko ay hindi mo naman ito pipiliin kung alam mong hindi mo kakayanin, hindi ba? Mag-ingat ka lang dahil ito ay double bladed sword, ang ganito ay nakasusugat sa kalaban at maging sa mismong humahawak.”Nauunawaan naman ni Anastacia ‘yon, gusto talaga niya nang makapangyarihang sandata na hindi basta-basta mapuputol sa laban.“Mabuti pa ay magkape muna tay
Hindi alam ni King kung bakit nagagalit siya, pakiramdam niya napagtaksilan siya, samantalang maging siya rin naman ay nakikipagtalik kung kani-kanino. Parang hindi niya matanggap na may ibang lalaking humawak kay Anastacia.“Wala namang problema, hindi mo kailangan magpaliwanag,” sabi ni King.Nagsalin siya ng bloodwine at ininom ‘yon.Nalungkot naman nang husto si Anastacia. Sa totoo lang ay nakokonsensiya rin naman siya para kay Vince. Pero hindi niya talaga kayang isawalang-bahala si King, ito pa rin talaga ang buhay para sa kanya.“Magpahinga ka na, hindi mo kailangan mangamba. Bukas nang umaga ay aalis na rin kami,” sabi ni King.“Young Master—”Tumayo si King kaya tumayo rin si Anastacia para sundan siya.“Young Master.” Pinigilan ni Anastacia ang braso ni King.Lumingon naman sa kanya si King nang nakakunot ang noo. “May problema pa ba tayo?”
“Nasaan na kayo? Magpakita na kayo dahil nagugutom na kami!” Boses ng isa sa dalawang lalaking bampira.“Maghiwalay na lang tayo, marami na ‘kong dugo baka mas mapahamak ka pa,” bulong ko kay Arisa.“Para naman kaya kitang iwanan,” sabi ni Arisa.“Aaaah!” Nagulat silang dalawa nang may palakol na humati sa bahagi ng tinataguan nilang puno.“Anastacia!” Malakas na tawag ni Arisa dahil nagkahiwalay sila dahil do’n.“Huwag mo ‘kong intindihin!” sigaw ni Anastacia.Mabilis ang takbo ng isang lalaki at nag-tig-isa ang mga ito.Masakit ang balakang ni Anastacia pero dahil na rin sa tindi nang takot pa rin niyang mamatay ay nagawa niyang makakilos.Inilabas niya ang kanyang sandata at nakipagsanggaan sa malaking bampira ng sandata. Magilas kumilos ang kalaban kaya halos muntik-muntikan na si Anastacia na mahampas ng sandata ni
“Anong problema? Bakit parang hindi kayo masaya sa hapunan?” tanong ni Don Felipe sa mga anak-anakan.Unang nag-angat ng tingin si King.“Ama, hindi naman, marami lang kaming ginawa at kasama na roon ang pagsasaya,” nakangiting sabi ni King.Tumawa naman nang malakas ang matandang Don.“Ano-ano bang pinagkakaabalahan ninyo? Maaari pa naman kayo magpakasaya. Marami namang misyon na kakayanin na nang mga alipin natin,” tukoy nito sa mga bampirang nasa ilalim nang pag-eeksperimento nito.“Ama, mukhang marami na ang nagagawa mong batalyon ng alipin,” tila excited na sabi ni Dark.Nangiti lalo ang ama. “Oo, marami na, at napakarami nang successful ngayon kaya sobra ang saya ko. Huwag kayong mag-alala, bawat isa sa inyo ay magkakaroon nang maraming aliping susundin kayo sa lahat. Sa ngayon, kinakailangan ko pa lamang na paramihin sila pero pasasaan pa at darami rin naman sila. Ang
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &
“Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina
“Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya
Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi