Ikalawang Kabanata
May matinding kirot sa puso ni Carmina.
Ikinuyom niya ng mahigpit ang kanyang mga kamao at mahinahong ibinuka ang bibig para magsalita.
“Hindi na mahalaga kung sino ang lalaking tinutukoy ko dahil mayroon na siyang ibang gusto at malapit na rin siyang magpakasal muli.” Tila isang mapait na pagkain ang mga salitang kaniyang binitawan na nagdulot ng agam-agam sa kaniyang puso.
Ang sagot ni Carmina ay medyo ikinagulat ni Enrico. "Ikakasal MULI? He was married?" May diin sa salitang muli ang pagkakabigkas ni Enrico dahil hindi siya makapaniwala.
After two years of being married to Carmina, ay hindi pa niya nagawang talunin ang isang lalaking may asawa na pero minamahal pa rin nito? May kirot na naramdaman si Enrico na bigla rin naman niyang ipinagtaka. Pinigilan niya ang nararamdaman dahil wala siyang karapatang magalit, at mas lalong wala siyang karapatang masaktan.
Bahagyang tumango si Carmina. "Well, napilitan siya noon na pakasalan ang taong hindi niya naman mahal para maging asawa niya. Ngayong bumalik na ang babaeng totoo niyang mahal, ay pinaplano nilang na magpakasal pag naaprubahan ang kanilang divorce."
Walang kaalam alam si Enrico kung sino ang tinutukoy ni Carmina. Nang marinig niya ito ay agad siyang nakaramdam ng galit at hindi na nga niya napigilan ang sarili na magbigay komento.
"Then, he's a scumbag.” He gritted his teeth. “At the same moment, he played and hurt both of your hearts. Ang ganyang klase ng lalaki ay hindi karapat-dapat na magustuhan at mahalin. I am sure na mas magiging masaya ka kung magmamahal ka ng lalaking ikaw lang ang palaging mamahalin at pipiliin. Sa susunod ay pag-isipan mong mabutik ung tama bang mahalin mo ang isang tao." Seryosong litanya ni Enrico habang malalim ang titig sa mga mata ni Carmina.
“I genuinely, deeply, desperately wish… that with just one wish, I could stop loving someone...” Tumango si Carmina at mapait na ngumiti. Tumingin si Carmina kay Enrico “...but I can’t.”
Nagtagal ang tingin nito sa kaniya. He looked shocked, then pissed, then mad.
Ngunit ano ang gagawin niya kung ang puso niya ay ayaw sumuko? Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang sinubukan na kalimutan at alisin si Enrico sa kaniyang puso pero parati siyang bigo. Hanggang sa hindi niya na napansin na sampung taon na niya itong minamahal. Sampung taon na siyang nagtitiis at hinihiling na sana… sana mahalin siya nito pabalik. Kung kaya niya lang alisin ang isang tao sa puso niya, matagal na niya itong binago. Ang ilang pag-ibig, kapag nag-ugat at umusbong kailanman ay hindi na ito mabubunot. Lubos siyang nahulog sa kabuuan ni Enrico.
‘Enrico, sampung taon na kitang minahal, alam mo ba? Ang taong mahal ko ay hindi ibang tao, kundi ikaw… ikaw lang at wala ng iba pa.’ Naikuyom ni Carmina ang kanyang mga kamay, palihim na paulit-ulit itong sinasabi sa kanyang puso.
Mas lalong nairita si Enrico kaya hindi maiwasan na sumimangot. Tumingin siya kay Carmina.
"Carmina," biglang tawag nito sa kanya.
"Hmm?"
Saglit na natigilan si Enrico ng may mapagtanto siya. Pakiramdam niya ay siya ang tinutukoy nito pero saglit lamang na dumaan iyon sa kaniyang isipin sapagkat napakaimposible nito, kaya ipinagsawalang bahala niya na lamang. Hindi niya alam kung paano ito haharapin kung ang lalaking tinutukoy ni Carmina ay siya mismo. Naalala niya na noong ikasal sila, sinabi ni Carmina na walong taon niya ng mahal ang taong iyon. Pero noong mga panahong iyon, apat na taon pa lang silang magkakilala, kaya tiyak na hindi siya ang tinutukoy ng asawa.
Muling umiling si Enrico. Pumikit ito nang mariin at tinalikuran siya bago ibinalik sa kaniya ang galit na titig. Should she be insulted? Was he so pissed at what she just said?
“Nothing,” he said with a hint of dismissal.
Natulala talaga si Carmina sa ikinikilos nito. Pagkaalis ni Enrico, nagmamadaling pumunta si Carmina sa basurahan para hanapin ang pregnancy test. Pagkakuha niya ay lalong naging hindi komportable ang katawan, parang mas lalo siyang nahihirapan na huminga, napahiga siya sa kama, at nakatulog sa antok ng mahabang oras hanggang sa tumunog ang telepono.
Kinuha niya ito saka inilagay sa tenga, “Hello?”
Si Enrico ang tumatawag, "Natutulog ka pa rin?" he asked. Ang boses ni Enrico ay kasing banayad ng dati na nagpagising sa kaniya ng tuluyan.
"Ah… kakagising ko lang." Dahil kakagising lang ay mababa ang tono niya saka humikab.
"Malapit na magtanghali,” anito. “Bumangon ka na at magtanghalian. Naibigay ko na ang regalo mo kay Antonio, he'll give it you later."
Pagkatapos matulog, sinadya ni Carmina na kalimutan ang maraming bagay.
"Regalo? Anong regalo?" naguguluhan niyang tanong.
Pumangalumbaba siya at hinintay ang isasagot ni Enrico.
"Regalo ko para sa ikalawang anibersaryo ng ating kasal. Kahit na kaninang umaga ay naghain ako sa'yo ng divorce papers and since it is not yet settled, I will and I shall remember to fulfill my duty and obligations to you as your husband. Does it answer your question, Carmina?"
Napatampal na lang sa noo si Carmina. Isa sa ugaling pinakagusto niya at pinaka-ayaw sa lalaki. Palaging napakaamo at maalalahanin na parang perpekto at walang kapintasan, walang anumang mga bahid. Paano hindi niya mamahalin ang lalaking ito? Only one bad thing is he does not do it because he love her. Kagaya ng sabi ni Enrico, duty and obligation niya ito bilang asawa ni Carmina.
Habang siya ay hindi makasagot, ang boses ni Enrico ay muling nagpaantig sa kaniyang puso.
"But still, gusto ko pa ring humingi ng paumanhin sa iyo, Carmina. I planned to give you a gift that will make you the happiest, but something came up, so I gave you another one.”
Tumango si Carmina, hindi masabi kung ano ang nasa puso niya. “Salamat.” Isang salita lamang na lumabas sa kaniyang bibig.
Malapit nang magdiborsiyo ang dalawa, at ang tinatawag na anniversary gift na ito ay palaging medyo kakaiba.
Pagkatapos niya ibaba ang telepono eksaktong dumating si Antonio kaya bumaba siya sa sala.
Magalang na ibinigay ang regalo sa kaniya kaya inabot niya ito. "Madam, ito na po ang regalong ipinabibigay ni Sir Enrico. Happy second anniversary, Madam!" maligayang bati nito.
Ngumiti siya at tumingin dito, "Maraming salamat."
Ang packaging ng gift box ay katangi-tangi at kakaiba, at ito ay halatang branded sa unang tingin pa lang. Kahit alam niyang hindi iyon ang regalong inaasahan niya, binuksan pa rin ito ni Carmina gamit ang sarili niyang mga kamay. Tahimik siyang ngumiti nang makita niya ang kwintas na ruby at hikaw. Sinusubukan ni Enrico na bumawi para sa kanya.
Dahil hindi nito maibigay sa kanya ang gusto niyang regalo, bumili siya ng isang buong hanay ng mamahaling alahas sa malaking halaga.
Noong nakaraang buwan, nagpunta sila sa isang auction ng alahas. There was a pair of jasper earrings at the auction, which matched the jade bracelet given to her by her grandfather. It was emerald green, beautiful and gentle. She likes it very much.
Enrico saw the astonishment in her eyes, and took the initiative.
“Do you like it?”
Napalingon siya kay Enrico at umiling. “Maganda siya pero hindi ko yata kaya, masyadong mahal.”
“Pwede kong bilhin para sa’yo kung gusto mo,” anito.
Umiling siyang muli, “Hindi na kailangan. Hindi rin naman ako mahilig sa mga alahas…”
After all, they were married by just contract, and she was embarrassed to spend too much money of Enrico. Hindi niya ugali at hindi siya pinalaking gahaman ng kaniyang mga magulang.
"It won't be long before our second wedding anniversary, so please accept this gift from me in celebration of the occasion. If you are concern about your little embarrassment, you can just return it or keep it."
Laking gulat niya sa sinabi ni Enrico. Kaya inaasahan niya na ito ang matatanggap niya ngayon pero nagkamali siya. It is not wise for her to have such high expectations.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, kapag nabanggit ang diborsyo, maging ang mga regalong ibinigay ni Enrico sa kaniya ay hindi niya kayang magdiwang. Tila nararamdaman din ng Diyos na walang kapalaran sa pagitan nilang dalawa, at oras na para maghiwalay sila. Kahit ang tadhana ay namamagitan na rin sa pagsasama nilang dalawa.
Speaking of gift, buong puso nga pala siyang naghanda ng regalo para sa kaniyang asawa, pero at the end alam niyang hindi nito magugustuhan.
Agad na kinuha ni Carmina ang cellphone para tawagan sana si Enrico nang huminto siya at sinulyapan si Antonio.
“Antonio, pabalik ka na rin ba sa kompanya?”
“Oho, madam.”
Dali-daling pumunta si Carmina sa kusina upang kunin ang self-made cake na kaniyang ni-bake. “Pwede mo bang iabot ang cake na ginawa ko para kay Enrico?”
Natigilan si Antonio, at ang mga salita ni Enrico ay tumunog sa kanyang isipan.
Napakamot si Antonio sa batok, “Madam, baka tanggihan ni Sir. Sinabi niya kasi noon sa akin na ayaw niya ng cake o kahit anong matatamis.”
Bahagyang nanlambot si Carmina, humigpit ang kapit niya sa cake na muntik na mabitawan. “G-ganoon ba…”
Sa pagtingin kay Carmina ay hindi nakayanan ni Antonio ang maawa rito. Halatang malungkot ito. Gustohin man niya na dalhin ang cake ay kabilin-bilinan sa kaniya ng Sir Enrico na huwag dadalhan siya ng kahit anong matatamis.
“Pero, Madam, nabanggit sa akin ni Sir na mahilig kayo sa matatamis lalo na sa cake. Kaya mas magiging masaya si Sir kung ikaw na lang kakain nito.” Nakangiting pampalubag loob nitong sambit.
Naikuyom ng mahigpit ni Carmina ang kanyang mga palad, halos hindi na makatayo.
Carmina smiled. “Tama ka….”
“Sige ho, madam, at aalis na rin ako.”
Pagkaalis ni Antonio ay dala-dala ni Carmina ang cake pabalik sa kwarto.
Ang nanlalambot na katawan ni Carmina ay dumulas sa kahabaan ng pinto, at ang mga luha ay parang walang tigil na patak ng ulan na tumatama sa sahig sa malalaking patak.
Sobrang sakit ng puso niya.
Alam niya na hindi gusto ni Enrico ang kahit anong matatamis, at hindi rin niya gusto ang mga cake na masyadong matamis. Kaya't siya ang gumawa ng cake na ito nang mag-isa. It is low-fat and low-sugar, with only a faint milky fragrance, and it is really not sweet at all. And there is no cream, only cake embryos. But he didn't even want to try it. How ironic life can be.
Binuksan ni Carmina ang cake at tiningnan ang maingat na iginuhit na ‘Happy 2nd Anniversarry’, ngumiti siya ng pilit.
Kinuha niya ang cake at kinain ito gamit ang kamay. Ibinaba niya ang kanyang ulo, ganap na hindi pinapansin ang kanyang imahe habang kumakain ng desperado at parang baliw. Napakalaki ng cake kaya nasuka siya sa kalahati nito. Pagkatapos magsuka au niyakap niya ang cake at nagsimulang kumain muli.
Umiiyak siya habang kumakain.
Naghalo ang maalat niyang luha sa cake, at hindi niya masabi kung ano iyon, tanging alam niya lang na kailangan niya itong tapusin. Hindi siya nakuntento hanggang sa naubos niya ang buong cake.
Ngunit kaagad niya rin itong isinuka pagkarating niya sa banyo habang namimilipit sa sakit ng tiyan, at nahihilo ang buong katawan. Walang nakakaalam sa mundong ito na allergic siya sa mga itlog maliban sa kanyang ina.
Kaya sa tuwing birthday niya ay palagi lang siyang kumakain ng cream at hindi kumakain ng mga embryo ng cake. Ngunit sa pagkakataong ito, kinain niya ang buong embryo ng cake.
Pagkatapos ng pagsusuka, umiyak siya ng malakas. Para hindi marinig ng mga tao sa labas, pilit niyang tinakpan ang kanyang mga labi para pigilan ang sarili na makagawa ng ingay.
Humarap siya sa salamin.
“This will be the last time, Carmina.”
Sinabi niya sa kanyang sarili na ito na ang huling pagkakataon na siya ay magpapakabaliw at desperado para kay Enrico.
Pinaglandas niya ang palad sa kaniyang tiyan.
“Baby, I'm sorry… Mom failed to keep Dad,” aniya habangpatuloy na pumapatak ang luha sa kaniyang mga pisngi. "It's clear that Dad does not love Mom because he has another woman in his life. He love someone else, anak and we can't keep him just because we want to. Despite the fact that mom really wants him to stay, mom can't be too self-centered. I can't be selfish."
Patuloy ang paghaplos niya rito.
"Baby, you too, should be strong. Kaya kang palakihin ng maayos ni mama mag-isa."
Biglang nag-ring ang cell phone niya kaya mabilis niyang pinahid ang kaniyang luha bago sinagot ang tawag. It was Enrico who’s calling.
“H-hello?”
"Natanggap mo na ba ang regalo? Nagustuhan mo ba?" tanong ni Enrico. “Pinili ko ang pula na babagay sa iyong kutis,” anito.
Napangiti si Carmina sa narinig. How can you be like this, Enrico? How can you hurt me like this?
“I like it. Thank you!”
"Anyway, hindi ako makakauwi ngayong gabi,” he was sweet with his words but the thought was lethal.
“Love, have you talked to her? Come on, our candlelight dinner is waiting...” Biglang lumutang ang malumanay na boses ni Rebecca.
Napakurap-kurap siya. Napawi ang ngiti niya sa isang iglap… he’s with Rebecca, ang babaeng pinakamamahal nito.
Ikatlong Kabanata “Take care of yourself, Carmina. Bye.” Ibinaba ni Enrico ang tawag pagkatapos magsalita. Hindi na siya nakasagot pa. Bagama't mabilis nitong ibinaba ang tawag, narinig pa rin ni Carmina ang malambing na boses ni Rebecca. Sa dalawang taong anibersaryo nila ng kanyang asawa, nakikipag-candlelight dinner ito kasama ang ibang mga babae. Talagang bumalik na si Rebecca sa buhay ni Enrico! Kahit na ayaw niyang maniwala, ito ang katotohanan na dapat niyang tanggapin na kahit kailan ay hindi mapapasakaniya ang puso ni Enrico kahit siya pa ang pinakasalan nito. She was defeated in an instant. Kung sabagay, in the first place ay wala naman talaga siyang laban dito. Dalawang taon na ang nakalipas at ngayon ay tuluyan na siyang natalo sa kompetisyon ni Rebecca. Kahit na malayo ito at kahit siya ang kasama, kailanman ay hindi niya nabihag ang puso ni Enrico. Kaya paano niya aasahan na pipiliin siya ni Enrico? Dahil lang sa buntis siya? At magkakaroon na sila ng anak? Sa san
Ikaapat na Kabanata Tinawag ni Carmina ang driver upang tulungan si Enrico na akayin papalabas ng kotse. Mabuti na lang at hindi traffic kaya mabilis silang nakarating ng mansyon. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pagkababa niya ng sasakyan ay nakasalubong nila si Arnaldo Dela Muerte, ang ama ni Enrico. “Dad, bakit ka po nandito?” Nanlalaki ang matang tanong ni Carmina sa gulat at kaba. Si Arnaldo Dela Muerte ay malamig na tumingin kay Enrico na lupaypay at walang malay. Halatang hindi nito nagustuhan ang nakita. “Anong nangyari at tila lasing na lasing ang asawa mo, Carmina? Hindi tama ang inaasta niyang magpakalasing ng sobra tapos ikaw ang pahihirapan. Aba! Hindi ka niya pinakasalan para lang alipin,” mabangis nitong pahayag. Agad na ngumiti si Carmina. "Dad, hindi naman po nakakapagtakang lasing si Enrico ngayon, dahil ikalawang anibersaryo ng kasal naming dalawa. Nag-celebrate po kami kasama ang ilang mga kaibigan. Pinilit nila akong uminom pero lahat ay sinalo ng aking asawa.
Ikalimang Kabanata Kinuha ni Enrico ang telepono, itinaas ang kubrekama at dumiretso sa bintana. Ngumuso si Carmina sa naging reaksyon ng kaniyang asawa, hinahayaan niyang magwala ang puso at hinihintay na mapagod ito. Ilang minutong nag uusap na para bang nagkwekwentuhan ang dalawa, ngunit hindi narinig ni Carmina ang kanyang sinasabi, nakita lamang niya ang pagkunot ng mga kilay ni Enrico at saka nabuntonghinga ng malalim. Pagkatapos ibaba ang telepono ay lumapit si Enrico. Nahiyang tumingin sa kanya si Carmina, “Ahm… hindi ko sinasadyang nasagot ang tawag. Akala ko cellphone ko… I hope Rebecca won’t mind me answering her call.” "Naipaliwanag ko na sa kaniya.” Pagkatapos ng isang minutong katahimikan ay tumingin si Enrico kay Carmina, “Tayo ay mag-asawa at normal ang natutulog sa iisang kama, at ang paggising mula sa iisang kama ay hindi na bago sa atin, Carmina.” “I know...” Tumango si Carmina then she bit her lip. Nanginig ang labi niya sa sobrang panggigigil. Gusto navna
Kabanata 6 "Carmina, sinong nagsabi sayong gumamit ng ganyang tono...” Hindi pa tapos magsalita si Enrico. Biglang napatapak ang driver sa preno. Nauntog si Carmina sa mga braso ni Enrico, at ang kanyang mga mata ay natatakpan ng mga gintong bulaklak. Sa kabutihang palad, tinakpan ni Enrico ang kanyang ulo ng kanyang mga kamay, kung hindi ay talagang sasabog ang kanyang ulo. Ang driver ay patuloy na humihingi ng tawad, "I'm sorry, Sir Enrico.” "Mag-ingat ka sa pagmamaneho.” Malamig na binitawan ni Enrico ang pangungusap na ito, at lumingon kay Carmina, "Sino ang nagsabi sa iyo na gumamit ng ganoong tono?” "Asawa kita, ikaw ang nagsabi na nagmamakaawa ang mga tao sa iyo! Bakit tila ayaw mo na ako ang naglalambing sa’yo? Ayaw mo bang Makita akong nagmamakaawa sa’yo?” Patuloy na ginamit ni Carmina ang kanyang kaakit-akit at malambot na boses. Matapos ang napakaraming taong pagsasama, halos ito ang unang pagkakataon na kumilos siya bilang isang mahinhin at malambing na babae kay
Kabanata 7 Hindi makapaniwala si Carmina, hindi maiwasang manginig ang kanyang katawan. Bigla siyang nakaramdam ng lamig. Nanginginig ang lamig mula sa talampakan hanggang sa kanyang mga paa. Biglang may isang alaala ang nag-pop out sa kaniyang isipan, noong tinanong siya ni Lolo Dante, "Carmina, kung gusto ka ba ni Enrico na makasama habang buhay at pakasalan ka, papayag ka ba?” Nabigla siya sa natanong, sa kabilang banda ay labis ang tuwa niya. "Lolo, nagboluntaryo ba siya?” aniya. Hindi agad nakasagot ang matanda. Sa oras na iyon, alam na niya na ang taong mahal ni Enrico ay hindi siya kung ‘di si Rebecca, kaya nagtanong siya ng ganoon. Sinabi niya sa sarili na kapag pinilit ni lolo si Enrico ay hinding-hindi siya papayag, dahil ayaw niyang itali ito sa kasal. Kahit pa mahal niya ang lalaki, ayaw niyang pakasalan siya nito dahil lang sa isang utos at napipilitan. Ayaw niya kasing makuha si Enrico sa ganoong paraan. Sumandal si Rebecca sa wheelchair. “Pareho nating alam na m
Kabanata 8 Kuyom ang mga kamao niya habang seryosong nakatitig kay Rebecca. "Naniniwala ako na mahal na mahal ako ni lolo, pero dapat may dahilan siya kung bakit hindi siya sumang-ayon sa inyo ni Enrico. Kung talagang natutugunan mo ang pamantayan ng apo ni lolo sa kanyang puso.” Nagtaas nang kilay si Carmina. “Kahit ilang beses kang balikan ni Enrico, hindi ibig sabihin nito na papayag na si Lolo sa relasyon niyong dalawa. Tulad ng sinabi mo, dahil hindi nag-atubili si Lolo na gumamit ng napakaraming paraan para paghiwalayin kayong dalawa, ipinapakita lamang nito na ikaw Rebecca ay mayroon kang sariling mga problema kaya ayaw sa’yo ni Lolo.” Ngumisi si Carmina, “Maaaring wala akong alam sa mga nangyayari at isang hamak na simpleng babae, pero hindi ako papaya na magpa-bully sa’yo. Kaya huwag mo akong subukang akusahan ng lahat ng krimen.” Ang mga salitang ito ay malakas na sinabi ni Carmina at namewang. “As far as I remember, walang nag-imbenta sa’yo sa kasal namin ni Enrico kaya h
Ngumisi si Megan. "Si Carmina ay asawa ni Enrico, ang manugang ng pamilya Dela Muerte. Anong mga kwalipikasyon sa tingin mo ang kailangan mong ikumpara sa kanya?” Tanong ni Megan kay Rebecca na tila nagsasabi na walang laban si Rebecca kay Carmina. "Natural lang sa kanya na gumastos ng pera ni Enrico, hindi lang pera ni Enrico, pati na rin ang pera ng buong pamilya Dela Muerte ay pinapayagan na gamitin niya, at kahit si Carmina ay hindi ito kayang ubusin ngunit nagagamit niya hangga't gusto niya.” Pagpapatuloy pa nito. "Kung patungkol naman sa regalo, kung magbibigay si Carmina ng isang dahon, I am sure na sobra itong magugustuhan ni lolo, at iingatan ito na parang isang kayamanan dahil bigay ito ni Carmina, ngunit kung magbibigay ka ng isang gintong dahon, hindi ito pahahalagahan ni lolo, at magdudulot lamang ng kahihiyan sa kanyang sarili.” Mahabang saad na halimbawa ni Megan kay Rebecca. Nang sandaling ibubuka na ni Rebecca ang kanyang mga labi, hinawakan ni Enrico ang kanyang p
Matapos sumuka ng paulit-ulit, sa wakas ay nakaramdam ng kaginhawaan si Carmina.Huminga siya ng malalim, naghilamos siya ng mukha at tinapos ang kaniyang pagmemakeup bago lumabas."Ma, napatawa kita, I just lost my posture right now.”Tumingin si Carmina kay Megan na nakaupo sa sofa at nakaramdam ng sobrang kahihiyan.Ngumiti lang si Megan, "Okay lang.”Pagkatapos ay sinenyasan niya itong umupo, at agad na umupo si Carmina sa tabi niya nang maingat at dahan dahan.Palaisipan ngayon kay Carmina kung bakit biglaang dumalaw sa kaniya ang kaniyang biyenan.‘Ano kaya ang dahilan bakit nandito ang biyenan ko?’ Tanong ni Carmina sa kanyang isipan.Dahil sa kaba, kumakabog ng husto ang kanyang puso, at medyo hindi na mabagal ang kanyang paghinga, ngunit hindi ito ang pinakamahalagang bagay, lalo siyang natatakot na tanungin siya ng kanyang biyenan tungkol sa "pagsusuka".Pero ang pagsusuka niya ay nagkataon lang.Makalipas ang ilang sandalling katahimikan, ang boses ng kanyang biyenan ay uma
Niyakap ni Carmina ang kanyang baywang ng mahigpit, at ang kanyang ulo ay idiniin sa kanyang likod.Naramdaman ang temperatura, na para bang biglang nag init ang buong paligid nila at mas lalong nanigas ang katawan ni Enrico.Matapos igalaw ang kanyang mga daliri, sa wakas ay ibinuka niya ang kanyang bibig: "Okay."Isang malambot na pantig.Bagama't napakasimple nito, napakasaya at nasisiyahan na si Carmina.Pag-uwi niya, nilagyan ni Enrico ng isang garapon ng mainit na tubig si Carmina at ibinilin na magbabad dito ng mabuti.Malakas ang ulan ngayon, at ilang oras na silang basang-basa sa ulan, kung hindi nila naaalis ang lamig sa kanilang katawan ay baka sipunin o kaya naman ay lagnatin silang dalawa mamaya kaya minabuti na nilang agaran upang ito ay maiwasan.Ilang minuto muna silang nagpahinga bago maligo.Pagkatapos maligo, mas uminit ang pakiramdam ni Carmina.May bahid din ng dugo ang mukha niya, at hindi na ito kasing putla ng dati.Habang naliligo si Enrico, agad niyang ininom
Makalipas ang isang araw, libing na ni Lolo.Ang punerarya ay mabigat at nakapanlulumo, at maraming tao ang dumating upang magdalamhati.Lumuhod si Carmina sa harap ng mourning hall, tahimik lang na nakatingin sa litrato ni lolo.Sinabi ni lolo na ayaw niyang umiiyak siya.Sinunod niya ang bilin sa kaniya ng kaniyang Lolo na ito at talagang hindi siya umiyak. Pinigilan niya, pinipigilan niya.Noong araw ng libing, umulan ng malakas.Talagang umulan ng malakas.Si Carmina ay nakasuot ng itim na damit na may puting bulaklak na naka-ipit sa kanyang dibdib. May hawak siyang itim na payong at nakatayo sa karamihan ng taoSa pamamagitan ng malaking tabing ng ulan, tila nakita niya si lolo na nakangiti sa kanya. At parang sinasabi nito na, “Carmina, hija, huwag kang umiyak. Gusto ni Lolo na nakikita kang ngumingiti, Carmina naming na ang ngiti ang pinakamaganda at pinakabagay sa kaniya.”Kaya naman, nanindigan si Carmina. Hindi siya umiyak.Mabilis ang panahon. Parang noong nakaraan lamang a
“Kaya mo bang ipangako?” Inulit muli ni Lolo Dante ang kaniyang tanong kay Enrico.Agad na tumango si Enrico, “Yes, Lolo. I promise you.”"Okay." Tuwang-tuwa ang matanda at masayang ngumiti: "Kung gayon ay makatitiyak si lolo. Go and call Carmina in.”Dahan-dahang tumayo si Enrico at lumabas ng ward upang papasukin si Carmina.Maya maya lamang ay pumasok na si Enrico at kasunod nito si Carmina. Sa pintuan, desperadong pinunasan niya ang kanyang mga luha. Alam niyang gustong makita siya ni lolo na tumatawa, at ayaw siyang makita na umiiyak.Kaya kailangan niyang magpigil, hindi siya maiiyak, hindi siya dapat umiyak.Nakita niya mula sa pintuan ang nakapikit na mga mata ng kanilang Lolo Dante, ngunit napakapayapa ng mukha nito. Kailangan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili at huwag ipakita sa matanda ang nararamdaman nitong kalungkutan.Matapos tuluyang maisaayos ang kanyang kalooban, ngumiti si Carmina ng pilit, lumakad papunta sa gilid ng matanda at hinawakan ang kamay nito.“Lolo,
Ginagawa ni Carmina ang lahat para i-comfort ang kaniyang sarili at saka si Enrico, pero hindi niya magawang aliwin ang kanilang mga isip.Sunod-sunod pa ring bumabagsak ang kanilang mga luha sa damit ni Enrico. At dahil sa rami na rin ng mga luhang kanilang ibinuhos ay mabilis na nabasa ang benda na nasa katawan ni Enrico at nabahiran ang kaniyang sugat.Ang sugat sa likod ni Enrico ay agad na kumalat at ang kulay pulang dugo nito ay tumagos na sa kaniyang puting damit.However, no one has time to take care of it. Ang buong atensyon nila ay nasa kalagayan ngayon ng kanilang Lolo. Hindi na nila matandaan kung gaano katagal na silang naghihintay sa labas ng emergency room hanggang sa mamatay ang ilaw nito at mula sa pinto noon ay lumabas ang doktor.Mabilis na tumakbo ang lahat at dahan-dahang inayos ang kanilang mga sarili. Pinunasan nila ang kanilang mga luha na kanina pang patuloy na tumutulo at pinigilan muna ito saglit.Unang nagsalita si Enrico: “Doc, how is my grandpa?” Kung noo
"Bilisan mo, punta ka sa ospital. Hinimatay raw si Lolo sabi ni Tito Altair, and he’s being rescued just now.” Nanginginig na tapos magsalita si CarminaMatanda na si lolo, at hindi na rin maganda ang kanyang kalusugan.Hindi niya maisip kung makakalabas ng maayos si lolo kapag nakapasok na ito sa emergency room.Natatakot siya.Sobrang takot.Gayunpaman, sa traffic light, nalaman ni Carmina na hindi man lang lumiko si Enrico."Pumunta ka sa ospital, Enrico, saan ka pupunta?" Biglang nagalit si Carmina.Namutla siya sa galit.Hinawakan ni Enrico ang kanyang mga kamay sa manibela, kalmado pa rin at tahimik.Kung ikukumpara sa gulat at kaba ni Carmina, parang hindi naman siya apektado, at palagi siyang kalmado.Bumuntong-hininga siya, "Carmina, don't worry. Sa pagkakaalam ko kay Lolo, he may not be sick."Bakas sa mukha ni Carmina ang sobrang pagtataka. Ngunit bago pa siya makapagreact ay nagpatuloy na sa pagsasalita si Enrico, "Noong bata pa ako, madalas magsinungaling sa akin ang lolo
“Lolo! Tama na po, ang dami na pong dugo sa katawan ni Enrico! Please…tigilan n’yo na po.” Halos mangiyak na rin si Carmina sa sitwasyon nila ngayon habang pinagmamasdan si Enrico.Matapos tumingin ni Lolo Dante kay Carmina, sa wakas ay kumalma ito at parang nanlambot ang kaniyang puso.Ibinaba niya ang kanyang saklay, huminga siya ng malalim: "Ilayo mo siya agad, ayoko muna siyang makita.”"Opo, Lolo." Agad na tumango si Carmina, pagkatapos ay tumingin sa kanyang gilid: "Tito Altair, tulungan n’yo po ako."Pagkalipas ng limang minuto, tinulungan nina Carmina at Altair si Enrico pabalik sa silid."Sobrang masakit ba, Enrico?" Nang magtanong si Carmina, nanginginig ang boses niya. At grabe ang pag-aalala nito.Paanong hindi masakit pagkatapos ng labis na pagdurugo.“Be patient, I--I’ll treat you right away, Enrico.” Pagkatapos magsalita ni Carmina, dali-dali niyang hinanap ang kahon ng gamot.Dahil na rin siguro sa sobrang pagkabalisa, naghanap siya ng ilang lugar bago mahanap ang kaho
“Yes, I remember.” Tumango si Enrico at sinabing, “Pero hintayin mo ako, may gagawin lang muna ako.”Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod siya at dali-daling umalis.Carmina looked at his back fade away, she didn't know what he would do, but since he told her to wait for a while, it means na siguradong babalik siya maya-maya dahil sinabi niya ito. Wala siyang idea kung ano ba ang gagawin ni Enrico that’s why she don’t have a choice, kailangan niya maghintay.Anyway, nagkausap naman sila na magkakaroon sila ng appointment alas dos ng hapon.There is still plenty of time.‘What will happen next?’ Tanong ni Carmina sa kaniyang sarili.Samantala, si Enrico naman ay halos tumakbo na hanggang sa kwarto ng kanilang Lolo Dante.Kumatok muna siya rito at pagkatapos ay binuksan na niya ang pinto. Pagkapasok niya pa lamang ay agad na niyang nakita ang kaniyang Lolo na nakaupo sa isang kahoy na recliner habang nakapikit. Dahan-dahan lamang muna siyang humakbang at naamoy ang mabangong simoy ng
Tumingin ng diretso si Enrico kay Carmina at maikling tumugon, “Okay.” His voice was calm as usual, at para bang walang pag aalinlangan sa boses nito. “But what about the certificate? And si Lolo, napag isipan mo na ba?” Pagtatanong naman ni Enrico. Tumango si Carmina: “Pupunta ako kay Lolo at sasabihin ko sa kaniya about the certificate, and later on baka ibigay na rin siya sa akin ni Lolo. You want to go there with me?” Nag isip pa muna saglit si Enrico bago siya sumagot, “Well, then. Okay, I’ll come with you.” Pagkatapos ng almusal, kanya-kanya silang nag-impake ng mga gamit at sumakay sa kotse para pumunta sa lumang bahay ng mga Dela Muerte kung saan nananatili ang kanilang lolo. Habang nasa byahe ay tahimik lamang sila at halos walang kibo. Wala naman itong problema kay Carmina dahil marami siyang iniisip sa buong paglalakbay nila. Nang makarating sila sa lumang bahay ay agad nilang nakita si Altair at Rosella na tuwang-tuwa. “Ma’am Carmina, alam n’yo ho ba na wala pong ibang
Pagkatapos magsalita ni Carmina ay tumingin siya kay Enrico nang nanlalaki ang mga mata.Pero totoo ang kaniyang sinabi, hindi siya nag sisinungaling nang sabihin niya ito. Gusto rin talaga niya na sa pagkakataong ito, si Enrico ang maghatid sa kaniya pauwi.Sa inihayag ni Carmina ay tila nagulat si Enrico. Ngunit hindi rin naman nagtagal ang kaniyang pagkagulat. Maya maya lang ay iniunat ni Enrico ang kaniyang mga braso at dahan dahang hinaplos ang kaniyang malambot na buhok, “Don’t be self-willed, Carmina uuwi rin naman ako mamayang gabi upang samahan ka.” Sinabi niya ito gamit ang mahinang boses na parang sinusuyo ang isang bata."Okay." Tumango si Carmina: “Sige, sabihin mo na kay Mang Tony na ihatid na lang ako sa bahay.” Hindi na siya nagtanong pa and she didn’t make any sound right after she said it.She really was an obedient one, sa sobrang masunurin ay hindi na siya nakareklamo pa. Hindi na siya tumutol pa sa kung ano ang iniutos ni Enrico. Pero may iba siyang naisip.Sumaka