Pasado alas onse na ng gabi nang makauwi si Blake sa kanilang mansyon. Pagpasok niya sa kwarto, tulog na ang fiancé niyang si Lilia. Dahil medyo nakainom dahil uminom pa siya ng beer pagkagaling sa resto na paborito niya, para siyang tinamaan nang makita ang suot ni Lilia na pulang night gown na litaw na litaw pa ang dibdib. Parang mina-magnet ang mga mata niya kaya hindi maalis ang tingin niya dito. Hinimas ni Blake ang pisngi ni Lilia habang may ngiti sa labi niya. Naramdaman ni Lilia ang dampi ng mga daliri ni Blake kaya naalimpungatan siya. “Love, bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay.”“Sorry, love! May inutos kasi sa akin si daddy kaya inasikaso ko muna bago ako umuwi.” Paliwanag ni Blake. Nakatagilid siya’t nakaharap dito habang nagsasalita. “Pasensya ka na kung naistorbo ko ang tulog mo. Sige na, bumalik ka na sa pagtulog. Papanoorin lang kita hanggang sa makatulog ako.”“Love, naman! Sabay na tayo. Gusto ko kapag nagpahinga ako, ikaw din. Marami pang aasikasuhin
“I don’t think you're still safe here, Alianna!”“I don’t understand what you’re talking about, dad!” Alianna said in a calming tone. “Am I in danger?”Alvin heaved a sigh. He tried to be calm as much as possible. “I had a chance to talk to my private investigator earlier on the phone, and he told me that your ex-husband was trying to locate you. And you know what’s worse? He was willing to spend a huge amount of money just to know your current address.”Hindi nakasagot si Alianna. Umawang ang bibig niya dahil sa gulat.“Buti na lang at loyal ang mga private investigators ko. Nagagawa nilang iligaw ang private investigator ng matandang Palacios kaya hindi nila natutunton ang villa. P-pero hindi tayo pwedeng makampante. Maimpluwensya ‘yang mga Palacios na ‘yan. Isang pitik lang ni Don Gregorio, mauungkat niya ang lahat.”“So, what’s your plan, dad?” tanong ni Blake. Walang imik namang nakatingin lamang si Harrison sa kanila.Kasalukuyang nasa office ni Alvin ang tatlong mga anak niya.
“Talaga bang aalis ka na ng bansa? Hindi ka na talaga mapipigilan?”Tumango bilang tugon si Alianna. “Kailangan kong gawin ‘to. Malaki na ang tiyan ko. Hindi ko na ‘to kayang itago kung sakaling mag-krus muli ang landas namin ni Dwaine kaya mas mabuti nang lumayo muna ako ng tuluyan. Para rin naman ‘to sa ikabubuti ng magiging anak ko eh! Balang araw, maiintindihan din niya kung bakit ko siya nilayo sa ama niya.”“Nakakalungkot lang! Pinili kong mag-stay dito sa Pilipinas kasi gusto kitang makasama. Pero heto ka… pipiling mag-stay sa ibang bansa para sa ikabubuti mo!” Huminga ng malalim si Steven. Inilagay niya ang magkabilang palad sa likod ng kanyang ulo, at tsaka nahiga sa kama ni Alianna. “Kailan kaya tayo pagbibigyan ng tadhana?”Tinapik ni Alianna ang hita ni Steven. Huminto siyang sandali sa pag-aayos ng gamit na nilalagay niya sa kanyang maleta. “Tanggapin mo na lang kasi na hindi tayo ang para sa isa’t isa. Malay mo… pag-alis ko ay makahanap ka ng babaeng kayang suklian ang p
“Nandito na tayo—”Pagdating sa airport, ramdam na ang magkahalong saya at lungkot ng bawat isa. Sanay naman si Alvin at ang dalawa niyang anak na lalaki na hindi nakakasama ng madalas ang kanyang bunsong anak dahil nag-asawa ito at nagkaroon pa ng sariling bahay na may kalayuan din sa kanila, ngunit iba ang araw na ‘yon. Hindi lang lilisan si Alianna para lumipat ng tahanan, o mangibang bayan. Hindi lang kilometro, kung hindi milya-milya na ang magiging layo nito sa kanila."Alianna, sigurado kang ayos na ang lahat ng gamit mo? Wala ka na bang nakalimutan?” tanong ni Alvin habang naka-akbay sa bunsong anak. “Basta kapag may kailangan ka, huwag kang mahihiyang tumawag ha!”“Daddy naman! Kanina niyo pa po tinatanong sa akin ‘yan. Okay na ang mga gamit ko. Importante lang naman po ang dinala ko. Tsaka huwag na po kayong mag-alala, dad! Malapit lang po ang Canada. Ilang oras na flight lang ay pwede na tayo muling magkasama. Tsaka hindi rin naman ako magtatagal do’n. Mga isang taon siguro
Isang buwan na ang nakalipas mula nang umalis ng bansa si Alianna. Tuloy pa rin naman ang buhay ng lahat. Patuloy pa rin sa pagtutulungan ang mag-aamang Sebastiano habang si Dwaine naman ay huminto na ang pagpapahanap kay Alianna matapos niyang madiskubre na umalis na ng bansa ang dating asawa upang umiwas sa kanya.Isang mapayapang gabi sa Canada. Habang umiinom ng mainit na gatas si Alianna sa kanyang condo, hindi niya mapigilan na mapangiti habang nakatitig sa mahabang papel na hawak niya. Hawak niya kasi ang kopya ng resulta ng ultrasound niya mula sa kanyang doktor sa Canada.“Hindi na ako makapaghintay na sabihin kay daddy at kina kuya ang magandang balitang nalaman ko. Gustong-gusto ko na ‘tong sabihin sa kanila.” Mangiyak-ngiyak na turan ni Alianna. Tuwang tuwa siya sa naging resulta ng huling ultrasound niya dahil ang unang ultrasound niya ay sa pilipinas pa.Samantala, bala sa pag-aayos ng papeles sa opisina ni Alvin ang kanyang sekretarya nang biglang mag-ring ang laptop ni
Habang naglalakad patungo sa kanyang kwarto, pasipol-sipol pa si Blake. Marami siyang ginawa buong araw ngunit hindi niya alintana iyon dahil nagagawa pa niyang iduyan ang kamay na may bitbit na laptop.Nang marating niya ang kanyang kwarto, dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob.Pagbukas niya ng pinto, sumalubong kay Blake ang mahinang tunog ng speaker na tumutugtog ng mellow music. “Nasaan kaya si Lilia?”Hinanap ni Blake ang fiancé niya sa buong silid ngunit ni anino nito ay hindi niya natagpuan kaya dumiretso na siya sa kanyang walk-in closet. Kaswal niyang tinanggal ang kanyang coat at isinabit ito sa rack. Namili na rin siya ng pamalit na isusuot. Paglabas ni Blake sa kanyang walk-in closet, naabutan niya si Lilia na nakaupo sa kama. Nakasuot ito ng nighties at nakasuot pa ng robe habang hawak ang cellphone niya.“Hi, Love!” Napatingala si Lilia. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at ngumiti nang makita si Blake. “Kanina ka pa?”“Hindi naman. kadarating ko lang din.
“Thank you for the food, love! You’re the best.” Masayang humigop ng sabaw si Lilia. Tiningnan muna niya ng malagkit na tingin si Blake bago muling humigop ng sabaw.Pasado alas onse na ng gabi pero ngayon pa lamang kumakain ng hapunan si Lilia. Paano ba naman, hindi makataong pagkain ang hiniling niya. Madali ngang lutuin, pero ang mga sangkap ay hindi madaling kunin. Mangiyak-ngiyak na lamang si Blake habang pinapanood siyang kumain.“Cravings satisfied, love! Thank you—” “You’re welcome.” Dismayadong sagot ni Blake. Gustong-gusto na niyang magpahinga pero ni-request ni Lilia na panoorin siya nitong kumain kaya naman nagsilbing torture ito para kay Blake.Bumuntong hininga si Blake. Nagsalin siya ng tubig at ininom ito. Ilang sandali pa, biglang dumating si Harrison. Nagkukusot pa ito ng mata habang naglalakad patungo sa pantry.“Uy, ano ‘yan?! Nilaga… mukhang masarap ‘yan ah!” bati ni Harrison nang aksidente niyang tapunan ng tingin ang nakahain sa hapag kainan. “Pwede bang patik
“Riyanna, open this fúcking door!” Sigaw ni Lilia habang kinakatok ng malakas ang pintuan ng condo ng kaibigan. Maagang umalis sa mansyon ng mga Sebastiano si Lilia. Buong gabi rin niyang kinimkim ang sama ng loob buhat ng balita tungkol sa pinagbubuntis ni Alianna.Makailang ulit pa niyang kinatok ang nasabing pintuan bago siya nito tuluyang pagbuksan.“Ano’ng problema mo? Alam mo ba kung ano’ng oras pa lang?” Ani Riyanna. Kinukusot pa nga niya ang kanyang mga mata ng salubungin niya si Lilia dahil kakagising pa lang niya. “Alas sais pa lang ng umaga, Lilia! Kung morning person ka, huwag mo naman akong idamay. May hangover pa ako dahil sa ininom ko kagabi.”“Wala akong pakialam kahit ano pa ‘yang dahilan mo.” Tinabig ni Lilia si Riyanna saka siya pumasok sa loob ng condo nito. “Mainit ang ulo ko. Bwísít na Alianna ‘yon. Malayo na nga siya pero malaking threat pa rin siya para sa akin.”“Bakit na naman? Ano na namang ginawa ng mortal mong karibal sa ‘yo?”Bumwelo si Lilia. Huminga ng
Sunod-sunod na katok ang bumasag sa tahimik na sesyon ni Don Gregorio. Kasalukuyan kasi niyang ine-enjoy ang mainit niyang tsaa habang nakatitig sa screen ng monitor sa computer na nasa kanyang opisina.“I’m so proud of my people. Napanatili nilang mataas ang sales ng third quarter ngayong taon.”Pagkahigop ni Don Gregorio sa kanyang tsaa, muli niyang narinig ang katok. “Ano bang kailangan ninyo?!” sigaw ni Don Gregorio. Binaba niya ang tasa na hawak niya, at tsaka binaling ang tingin sa pinto. Nang bumukas iyon, niluwa nito ang kanyang sekretarya. “What do you need, Sandy?! Haven’t I told you to let me enjoy my session?! Can’t you see I’m drinking my favorite tea? You know it’s my daily routine.”“I know, Don Gregorio, but your personal bodyguard is here. He wants to talk to you. He said it’s an important matter.”“Fine! Let him in—”Tumango si Sandy, saka niya tinawag mula sa labas si Joven. Pagpasok nito, sinampolan kaagad siya ng kasungitan ng matanda. “Ano’ng ginagawa mo dit
“In fairness dito sa bunso ni Alianna ha! Ang gwapo. Ang sarap halik-halikan.”Iritableng inikot ni Lilia ang mga mata niya. “Pwede ba, Riyanna… tigilan mo na nga ang pagpuri-puri mo sa batang ‘yan. Matalino ang batang ‘yan. Kapag na-adopt niya ‘yang mga sinasabi mo… masisira ang mga plano ko. Tigil-tigilan mo na ‘yan ha! Baka mabugbóg ko pa ‘yan.”“Kumalma ka nga! Pati ba naman bata ay papatulan mo pa. Ang bait-bait kaya nitong si Caspian oh. Ang behave pa.”“Hay nako. Wala akong pakialam kahit ano pang ugali ng batang ‘yan. Idi-dispose ko lang din naman ‘yan kapag nakuha ko na ang gusto ko.” Nilapitan ng kaunti ni Riyanna si Caspian qReid. Tinakpan niya ang magkabilang tainga nito bago magsalita. “Ikaw, grabe ka magsalita dito sa bata. Inosente ‘to at walang kinalaman sa history niyo ng mga magulang niya, kaya huwag mo siyang idamay. Ginamit mo na nga siya sa plano mo, tapos ayaw mo pa siyang itrato ng maayos.”“Pwede ba, Riyanna… huwag mo na nga akong pangaralan. Kahit ano pang sa
“What happened to my parents?”Diretso ang tingin ni Lilia sa kaibigang biglang binanggit ang mga magulang niya.“Nakausap mo na ba sila?!” Muli pang tanong ni Riyanna. Umiling si Lilia. “I haven’t seen them for years. Mula nang makipag-live in ako kay Blake, hindi na ako umuwi sa amin. Palagi lang kaming magka-videocall ni mommy. I didn’t even mention my pregnancy to her. Magugulat na lang siya kapag nabalitaan niya na meron akong anak.”“Too late, Lilia! She already knew the truth. They knew the truth rather.”Nanlaki ang mga mata ni Lilia dahil sa isiniwalat ng kaibigan. “ANO?! Paano nangyari ‘yon? Sinabi mo ba sa kanila?” Umiling si Riyanna. “No! Blake did it for you.” “Bwísét na Blake talaga ‘yan. Inunahan pa ako sa sarili kong mga magulang. Alam mo, nagsisisi talaga ako na pinatulan ko ‘yang kapatid ni Alianna eh. Pareho silang panira sa buhay ko.” “Hindi mo naman masisisi si Blake. Mabaliw-baliw ‘yon kakahanap sa ‘yo. Halos suyodin na niya ang buong pilipinas mahanap ka lan
“Open this fúcking door—”Nabulabog ang masarap at payapang tulog ni Riyanna nang makarinig siya sa ng sunod-sunod na malakas na katok mula sa pintuan ng condo niya. Ang ganda pa naman ng pagkakahiga niya sa bago niyang sofa ngunit bubulabugin lamang siya ng kung sino.“Sino ba ‘yan?! Agang-aga naman!” Tumayo na si Riyanna. Kahit gulo-gulo pa ang buhok niya’y dumiretso na siya sa pintuan para buksan iyon.Mariing hinawakan ni Riyanna ang doorknob. Pagpihit niya, agad niya itong binuksan. Pagbukas niya, ilang sandaling nanigas ang katawan niya dahil sa gulat.“Oh, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit parang bigla kang nakakita ng multo?”“What are you doing here, Lilia? After more than two years of ghosting everyone… you still have the audacity to show your face here?” Riyanna said while raising one of her eyebrows. “You know what… I still can’t forget how you hurt me even though I’m just telling the truth.”“Blah… blah… blah…” ani Lilia sabay ikot ng magkabila niyang mata. “It’s been two yea
“Lilia?!”Nanlaki ang mga mata ni Dwaine matapos makita ang ex-girlfriend na matagal nang hindi nagpapakita sa kanya.“Did you miss me?!” nakasuot ng mala-demonyonyong ngiti si Lilia habang nakatingin kay Dwaine nang mata sa mata.Tiningnan ni Dwaine ang dating nobya mula ulo hanggang sa paa. Ibang-iba na ang itsura nito ngayon sa itsura nito noong mga panahon na mahal na mahal niya ito.“What happened to you?” tanong ni Dwaine habang sinisipat ang pisikal na anyo ng dating nobya. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Malayong-malayo na kasi ito sa itsura ng babaeng minahal niya noon. Ang buhok nitong dating palaging palaging bagong rebond ay naka-pusod na lamang at mukhang hindi pa nasusuklay. Ang damit nito’y gusot at mukha pang luma. Ang dating Lilia na mahilig sa mataas na takong ay naka strap na tsinelas na lang. Ang itsura niya’y ibang-iba na sa itsura niya noon.“I can’t believe what I’m seeing right now. Ano’ng nangyari sa ‘yo? Bak
MAKALIPAS ANG DALAWANG TAON…“Excuse me, Miss! Can I talk to Ruston Dwaine Palacios?” “May I have your appointment slip, Ma’am?” The girl sitting on the front desk politely asked. She look at the girl that was holding a two-year-old toddler in front of her.“Appointment slip?! W-wala ako no’n, Miss. Pero kailangan ko kasing makausap si Dwaine. Importante lang, kaya parang awa niyo na… payagan niyo na akong makapasok. Hindi ako manggugulo.”“I’m sorry, Ma’am, but we will not allow you to enter and talk to Mr. Dwaine Palacios if you don’t have an appointment slip. It’s our policy and you have no choice but to follow it.” “Miss, ano ba?! Papasukin niyo na ako. Hayaan niyo na akong makausap si Dwaine. Sandali lang naman ako eh!”“I’m sorry, Ma’am! Hindi ko po kayo maaaring pagbigyan na basta na lang pumasok. Kung gusto po ninyo, magpa-appointment po muna kayo sa secretary ni Mr. Dwaine Palacios at hintayin niyo po na bigyan kayo ng specific date bago po kayo bumalik sa akin.” May kinuha
Matapos ang bugbugang trabaho sa opisina, napagpasyahan ni Alvin na doon mag hapunan sa Villa kasama ang dalawang anak na si Blake at Harrison. Masyado silang maraming ginagawa kaya naisip nito’y magsabay-sabay sa pagkain para kahit papaano ay mabawasan ang pagod na nararamdaman ng bawat isa. Ang villa ay maaliwalas, puno ng ilaw at init mula sa mabangong pagkain na inihahanda ng chef na tagapag luto sa villa. Sa hapag kainan, nakalatag na ang mga plato at kubyertos, ngunit wala pang nakaupo. Habang hinihintay ang hapunan, nasa salas sina Blake at Harrison, abala sila sa pakikipaglaro sa dalawang buwang gulang na mga anak ni Alianna. Gising kasi noong sandaling iyon si William at si Wyatt kaya inalagaan muna nila ito.Kinakanta-kantahan ni Blake ang dalawang bata habang makailang ulit nitong inaalog ang kanyang ulo.“Ayusin mo, Kuya Blake. Hindi pa tumatawa oh!” Ani Harrison habang tinuturo ang dalawang bata.Nakahiga ang dalawang sanggol sa malambot na sapin sa malambot na sofa at
Dahil pasado alas kwatro pa lamang ng madaling araw nang magising ang dalawang bata, gumising na rin si Alianna para mag-breastfeed sa mga ito.Hindi biro ang mag-alaga ng dalawa ng sabay pero kinakaya ito ni Alianna. Ine-enjoy pa nga niya ang bawat sandali habang inaalagaan ang mga anak.Pinalipas pa ni Alianna ang oras at nagpasya siyang ilabas na ang mga bata ng pumatak ang oras ng alas sais ng umaga. Paglabas niya, binati siya ni Cita na kakatapos lamang magtimpla ng tsaa. “Magandang umaga, senyorita! Inom po tayo ng tsaa.” Nakangiting alok nito. Itinaas pa nito ang maliit na tasang may nakalawit pang tali na may kakabit na brand ng tsaa na tinimpla niya.“Maraming salamat po. Mamaya na lang po ako. Igagala ko muna po itong mga anak ko dito sa villa. Maganda po kasi ang view dito kapag umaga.” Tulak-tulak ni Alianna ang isang malaking stroller na dalawang bata ang laman. Binili niya talaga ang ganoong size dahil ayaw niyang mahirapan kung bibilhan niya pa ito ng tig-isa na hindi
“Where’s Alianna? I want to see her—”Agad na tinanong ni Steven si Yaya Cita nang makita niya ito matapos niyang pumasok sa entrance ng villa. “Bakit gan’tong oras naman ang oras ng dalaw mo kay senyorita, Sir—” tumingin sandali si Cita sa wall clock na nakalagay sa entrance bago muling ibinalik ang tingin kay Steven. “Alas otso na ng gabi. Nagpapahinga na siya kasama ang mga anak niya sa kwarto.”“Galing ako sa meeting kaya ngayon lang ako nakarating. Tsaka sobrang busy ko kaya hindi ako nakaka-bisita.” Paliwanag ni Steven sa matanda.“Nagpapahinga na ‘yon si senyorita. Balik ka na lang bukas, Sir.” Giit ng matanda pero hindi pumayag si Steven. Hindi kasi niya sigurado kung may libreng oras pa siya bukas, o sa mga susunod pang araw.“Baka naman gising pa ‘yon, Yaya Cita. Pagbigyan mo na ako. Sandali lang naman kaming mag-uusap eh. Hindi rin naman kami magtatagal.”“Pasensya na, Sir Steven. Kapapanganak lang halos ni Senyorita Alianna. Ngayon pa lang siya nakakabawi ng pahinga dahil