"Wag ka na bumaba. Ako na lang." Naka nguso na sabi ko nang tumigil na yung kotse ni Julian sa airport. In the back of my mind, para naman hindi ako talo, gusto ko'ng hayaan si Julian na isipin na may boyfriend ako, kahit na supposedly ay makikipag break ako.
He licked his lips before talking. "Make it quick."
I hope hindi nya iyon sinadya dahil parang ayoko na bumaba ng kotse at tingnan ko na lang sya habang ginagawa iyon.
"A-alright. I'll call you." Na lang ang sabi ko.
Bumaba ako ng kotse tapos pinaandar nya na agad iyon.
I called Baby kung nasaan sya at agad ko sya'ng pinuntahan. Kita ko ang pagtataka sa mukha nya nang makita na wala ako'ng dalang baggage.
"Ah ano kasi Baby.." Nahihiya ako sa totoo lang. Ang dami na naming effort para dito tapos bigla ako'ng hindi matutuloy?
"Ate? Bakit wala ka'ng gamit?" Sinalubong nya ako. Agad sya'ng tumayo mula sa pagkaka upo sa waiting area.
I pressed my lips before i sighed. "Baby.. Sorry. M-may nag offer kasi sa akin ng trabaho kahapon. Ano kasi.. ang ganda nung offer. Eh alam mo naman na gusto ko lang pumunta sa Canada dahil sa kikitain. P-pumunta ako dito para sana sabihin sa'yo ng personal n-na ano.. h-hindi na ako makakasama."
I saw Baby pouted. "Gano'n ba ate? Okay lang naman. At least hindi mo na kailangan umalis. Buti ka pa." Then she smiled.
"O-okay lang ba sayo? Di ka galit?" Inaarok ko kung baka magtatampo sya.
Umiling ito. "Hindi po. Okay lang talaga. Parang ang dating, destined na wag ka matuloy kasi bago ka umalis, nagka job offer ka."
I hugged her tapos iminuwestra ko sya na umupo ulit sa upuan sa waiting area. Wala naman masyado'ng tao kaya kahit bagahe ni Baby ay naka patong sa upuan. Plano ko na hintayin ko na lang na maka alis man lang sya pang bawi.
Ten minutes pa lang yata nang magsimulang tumawag ng tumawag si Julian sa cellphone ko.
Well, naka save sa akin number nya pero hindi nya alam iyon. Sasabihin ko na lang na hindi ko kilala yung number kaya di ko sinasagot. Wicked.
Five calls na hindi ko sinagot, then maya maya puro messages naman.
Makikipag break ka lang, ang tagal pa.
Hurry up! I don't like waiting.
Katrina San Sebastian!
Damn it! Where are you?
Gusto ko'ng matawa. Kung di sya nagsabi ng NO STRINGS ATTACHED iisipin ko na may gusto to sa akin eh tapos nagpapaka possessive. Nakakakilig na sana eh.
"Ate, mukhang may nangungulit sayo. May schedule ka ba? Mauna ka na, okay lang ako. Thirty minutes na lang naman." Maya maya ay sabi ni Baby.
Napa nguso ako. "Gano'n ba? Pasensya na ha. Yung magiging amo ko 'to. May usapan kasi kami. Are you sure you'll be fine?"
Tumango lang si Baby tapos nag smile.
I hugged her once more tapos nagpaalam na ako.
I dialled Julian's number then called him.
"Sino ba 'to?" Natatawa ako sa ginagawa ko.
"Oh. What game are you playing now, Katrina?" I felt the hostility in his voice.
Bigla ay natakot ako. "S-sorry. Hindi ko naman kasi kilala to'ng number kaya di ko sinasagot."
"Nasa parking lot ako. In five minutes nandito ka na." Yun lang at pinutol na nito ang linya.
I sighed in defeat. Ang bossy ng lolo mo. Sana naman kayanin ko 'to. Gusto ko kasi talaga makapag pundar. Bahay at business goal ko. Kung magkaka kotse, edi maganda. Pero kung hindi pwede, okay lang naman.
One year. One year ang pag titiis.
On the way sa terminal, nagtext na ako kay ate explaining bakit hindi ako matutuloy. Since kilala naman nya si Julian, sya ang sinabi ko na nag offer ng trabaho sa akin. Sa laki ng load na nabawas sa akin sana naman hindi magalit si Ate. Hindi pa sya nagrereply.
Agad ko'ng nakita ang kumikinang na kotse ni Julian. He's driving a brown BMW sedan at pansinin iyon kaya agad ko'ng nakita.
"What took you so long?!" Halata ang pagka iritado ng lalaki.
"Bakit ba ang sungit mo? Ikaw naman nag volunteer na samahan ako dito. Sabi ko ako na lang." Inirapan ko rin sya. Ang init init na nga, ang init pa ng ulo nito.
Hindi sya sumagot at bigla na lang pina andar yung kotse.
Alam ko rin kung sana sya naka tira at kung ano ang unit ng condo nya. Hindi ako stalker, i just happen to know. Besides, minsan kapag nagkikita kami ni Papa, hindi nawawala sa mga kwento nya si Julian. Stay in kasi si Papa sa mansion nila. Minsan pumupunta ako doon, minsan sa labas kami nagkikita.
At ano naman magiging reaction ni Papa kapag nalaman nya na hindi ako natuloy, and that Julian actually offered me a job?
Pinabitbit ni Julian sa mga sumalubong sa amin yung baggages ko.
"Come." Hinapit nya ako sa bewang na ikinabigla ko.
"What are you doing?" Gulat at kinikilig sa loob na tanong ko.
"What? I'm holding you." Patay malisya na sabi nito.
Sabay kaming naglakad habang hapit hapitn nya pa rin ako sa bewang. I feel uncomfortable but i guess kailangan ko nang masanay. May mga napapalingon sa amin. Sorry sila, akin na si Julian.. kahit technically, katawan nya lang! Ohlala.
Pumasok na kami sa elevator. I tried to resist pero lalo lang nya ako'ng hinapit sa kanya. I glared at him pero walang effect dahil straight sa elevator doors ang tingin nya. Inalalayan nya ako nang lumabas na kami sa elevator.
He really smells nice. Kung ako gagawin nya'ng secretary, araw araw ko sya'ng maamoy.
Pero teka. Ano'ng mangyayari sa secretary nya ngayon?
"Julian." I called him nang makapasok na kami sa unit nya. I heard he instruct na sa kabilang unit dalhin yung mga baggage ko.
"What?" He asked, not looking. Naglakad ito diretso sa kitchen nito tapos kumuha ng tubig.
"If magiging secretary mo ako.. ano'ng mangyayari sa secretary mo ngayon?"
Humarap sya sa akin, naka kunot noo habang umiinom ng tubig sa bote. He wiped his mouth with his left hand. "Bakit pati yo'n pinoproblema mo?"
"Nagtatanong lang ako." I curled my arms into my chest the cocked my head on the side while waiting for him to answer.
"You look so sexy in that pose." Imbes ay sabi lang nito at naghugas ng kamay sa sink.
Bigla ko'ng ibinaba yung kamay ko.
"And when you blush." Sabi ulit nito.
Pasimple ako'ng tumlikod sa kanya at kunwari ay tumingin tingin ng mga paintings na naka balandra sa pader. Gray and white ang interior ng ng condo ni Julian. It's my first time na makapasok dito. Accent yung mga light blue na furnitures. Lalaking lalaki ang feel. Amoy lalaki pati.
Napapitlag ako nang biglang may pumulupot na braso sa bewang ko mula sa likod ko habang tumitingin ako nang paintings.
"Aw! Nakakagulat ka. Stop doing that!" Kunwari ay inis ako. Pero hell! Hindi ko alam kung saan ko ilalagay yung kilig ko.
Lapat na lapat yung kamatawan nya sa likod ko. I can feel his heartbeat.
"But i do like skinship." He whispered in my ear.
"Right." Bored na sabi ko.
It's new. Gusto ko'ng matawa. Ang alam ko lang kasi about Julian ay masungit sya, over achiever at walang hilig sa babae. Although aminado naman ako na syempre, malamang na madami na ring dumaan na babae sa kama nito since he seemed experienced.
Bumaba yung labi nya sa leeg ko, giving me wet kisses again.
Utang na loob! May araw pa. Medyo masakit pa rin sa pagka babae ko. Medyo nahirapan nga ako maglakad pauwi. Pinagtatawanan ako ni Theresa kanina. Tapos parang gusto na naman ni Julian.
I tried to ignore him tapos naglakad para bitiwan nya na ako pero sumunod lang sya habang yakap pa rin ako. Humigpit pa yung yakap nya. Nakasubsob pa rin yung ulo nya sa leeg ko.
"Julian.."
"Hmm?"
"Let's talk about our arrangements." Sabi ko. Bago magkalimutan dapat kahit papaano may rules. Julian already dropped his NO STRINGS ATTACHED rules. And i have mine too.
"Tell me your preference." Sabi nya na hindi pa rin ako binibitawan.
"W-we can still date other people right?" I bit my lower lip after i asked that.
Napatigil si Julian tapos unti unting bumitiw sa akin.
Humarap ako sa kanya.
"No strings attached, right? Edi pwede tayo mag date. I mean.."
"Yeah, yeah. Of course. Pwedeng pwede. Pero sana hindi sagabal sa arrangement natin." Umupo ito sa sofa na naroon at tiningala ako.
"What do you mean?" Umupo naman ako sa upuan na katapat ng inupuan nito.
"You can date, pero sa akin ka lang." Mariin na sabi nito. "No physical contact with other men."
"What? Eh paano iyon?" Mangha na tanong ko.
He just shrugged his shoulders.
I cursed in my breath. Lalo ako nitong magiging patay na patay sa kanya eh.
"Fine. Whatever. Walang makaka alam sa office. I'm just your secretary. Walang pakealamanan ng private life. Okay ba yon?"
Tumango lang ito. "Yeah. Fine."
"Okay! Pupunta pala ako sa inyo. Pupuntahan ko si Papa."
Bigla sya'ng tumayo. "Sasamahan na kita."
"Wag na. A-ako na lang magpapaliwanag."
"I insist. Pupunta rin naman ako dapat sa bahay bukas. Edi ngayon na. Hindi na rin naman ako nakapasok sa office." Cassual na sabi nito.
Sinundan ko na lang sya ng tingin.
"Wait for me. Maliligo at magbibihis lang ako."
"Okay." Tatalikod na sana ako nang biglang hinapit nya na naman ako sa bewang. Automatic na napalingon ako sa kanya, and our lips met. Uurong sana ako pero nahawakan nya na yung ulo ko at inilapit sa kanya.
And when he kissed me, i responded quick. Minsan masarap mag feeling kung ganito ng ganito si Julian eh. Sana pala noon ko pa ginawa 'to.
I heard him laugh nang maghiwalay kami na kapwa habol ang hininga.
"Wait for me, sexy." Then tumalikod na sya at pumasok na sa kwarto.
Nanghihina lang ako na napaupo na parang tanga na naka ngiti.
Nang makita ko yung remote na nasa lamesa, kaya i sat back. Itinaas ko sa glass table ng living room ang paa ko at binuksan ang TV. Feeling ko nasa sinehan ako sa laki ng TV sa harap ko. Sorround pa yung sound! Damn.
Medyo madilim na nung marinig ko na bumukas yung pinto at nilingon ko yung pinanggalingan ni Julian. He went out while buttoning his polo. Naka tuck in ang white polo nya sa black slacks nya, his hair still dripping wet.
Napanganga ako nang makita sya. Good thing hindi sya lumingon sa akin. Bakit may mga nilalang na kagaya ni Julian na halos perpekto ang itsura at katawan? Hindi ko na tuloy mawala sa isip ko yung itsura nya kanina habang sarap na sarap sya sa ginagawa namin.
Shit. Ang pervert na ng isip ko.
Pero naman eh. Pakiramdam ko naaaddict ako sa ganung itsura nya.
I giggle to the thought.
He walked to the kitchen and got another bottle and drink it. Nilingon nya ako habang umiinom ng tubig. Kitang kita ko pa ang pangungunot ng noo nya.
"Something wrong?"
"Uh.. No. Tara na?" Tumayo ako, pinatay ang TV using the remote then looked at the huge mirror nearby to check on myself. Medyo oily na mukha ko, pero nasa bag ko nga pala yung mga gamit ko. Wallet at cellphone lang nasa akin. "May kailangan ako sa bag ko. Pwede bang pumunta na sa kabila?" Nilingon ko sya.
"What is it?" Walang gana na tanong nito.
"Pulbo. Ang oily na ng mukha ko, oh?" Turo ko sa mukha ko.
"You look fine. Geez. You girls are really annoying with your beauty regimens." Naiiling na sabi nito.
Napasimangot ako. "For God's sake It's just a powder. Hindi naman na ako mag lalagay ng kung anu ano."
"Sa kwarto may pulbo ako. Go. Now." Itinuro pa nito ang kwarto nito in an authoritative tone.
Hindi na ako nagsalita at agad na pumunta na sa itinuro nya'ng pinto. Medyo inaanticipate ko pa dahil ito ang unang beses na makakapasok ako sa kwarto ni Julian. I love the idea. When i came in, agad ko'ng isinara yung pinto at inilibot ang paningin ko.
Kumpara sa sala na maliwanag, brown ang interior ng kwarto ni Julian. Shades of brown to peach. Pati mga furnitures, gawa sa kahoy or kulay brown or shades of brown. Ang homey ng dating. Bigla ko na lang naisipan na humiga sa kama nya nang padapa tapos feel na feel ko haplusin yung bedsheet.
So. Sa ganito kagara na kwarto natutulog si Julian. Ang sarap sarap lang sa pakiramdam.
Napabalikwas ako nang makarinig ako ng pag ubo.
"Uh.." Hindi ko mahapuhap ang sasabihin ng makita ko si Julian na nakatayo sa may pinto at naka tingin lang sa akin.
"Are you sleepy or what?" Tapos tumingin sya sa wrist watch nya. "Gagabihin tayo."
Agad na ako'ng tumayo mula sa pagkakahiga at pumunta sa isa'ng estante kung saan naka lagay yung pulbo. I poured an ample amount on my palm, tapos nauna na ako'ng lumabas, linagpasan ko sya. Humarap ako sa salamin at nagsimulang mag pulbo.
"Make it fast." Parang nauubusan na ng pasensya na sabi nito.
Minsa ang sarap asarin ni Julian eh. Kung pwede lang magpa gabi aasarin ko sya, eh habol sa oras. Sasabihin ko kay Papa na hindi ako natuloy, at inoffer-an nga ako ng trabaho ni Julian.
Nasa kotse na kami nang antukin ako. Sinabi ko naman sa kanya na gisingin na lang ako kapag nandoon na kami sa gate papasok sa Corinthian. Tumango lang sya.
Nang maramdaman ko na tumigil yung kotse ay automatic naman na bumukas yung mata ko. Paglingon ko ay nakapasok na yung kotse ni Julian sa loob ng gate. Sabay kaming bumaba.
"Good evening po Sir Julian." I saw Manang Clarissa came to us. "Oh! Katrina!" Gulat na sabi nya nang makita ako na lumabas din ng kotse ni Sir. "Kayo na ba? Nasabi mo na ba?" Tila excited na tanong nito.
Nanlaki ang mga mata ko na linapitan si Manang at iginiya papasok. Ngumiti lang ako kay Julian na tila nagtataka.
"Manang naman. Wag nyo naman ako ibuko. Magiging secretary nya ako, walang kami." Mahinang sabi ko habang naglalakad na kami papasok.
"Ay ganoon ba? Akala ko pa naman ay kayo na. Aba'y katagal na ng huling dalaw mo dito! Hindi ko na nabalitaan ang love story nyo."
Tumawa ako. "Ikaw talaga Manang. Nasaan ho ba si Papa?" Tanong ko na lang.
Mula bata pa ako tapos dumadalaw ako dito sa mansyon, si Manang Clarissa ang umaasikaso sa akin. Nakakasalamuha ko rin yung ibang katulong pero sya pinaka close ko. Alam nya na crush ko si Julian, nahuli nya ako'ng naglalaro ng barbie na Julian at Katrina ang pangalan nung mag asawa. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko yun.
"Nasa likod, may inaayos lang. Si Senyor naman, kasama si Senyora. Sa labas daw sila kakain. Alam ba ng Papa mo na dadating ka? Aba'y sabi nya tutungo ka na daw sa Canada? Grabe ang ganda ganda at sexy mo na talaga."
Natawa ako sa huling sinabi nya. "Eh iyon nga po ang ipinunta ko dito."
May katabaan kasi ako dati. Noong elementary ako, unang punta ko dito dahil pinakilala ako ni Papa kay Mr. Scott, pinanggigilan ako nila Manang Clarissa at nang ibang kasambahay. Nung nag High School ako nagsimulang lumiit at nagka hubog although hindi naman ako nag diet or what. May mga ganung tao daw kasi.
Edi nag kwentuhan na muna kami ni Manang. Lagpas isa'ng taon na ang nakakalipas mula nang huling pumunta ako dito. Kadalasan sa labas na kami nagkikita ni Papa eh. Pareho kaming nahihiya na kung pumupunta ako dito.
After mga ten minutes, bumaba na si Julian. He was holding a brown folder.
He looks so royal going down the stairs.
"Kagwapo pa rin talag ni Sir Julian. Walang kupas." I heard Manang said habang tila slow motion ang pagbaba ni Julian sa paningin ko.
"Ang yummy pa Manang.." Wala sa sarili na sabi ko habang naka titig kay Julian pababa.
"Ano kamo?" Napalingon ako at naka kunot ang noo ni Manang.
Tumawa ako. "Ah, wala po."
"Naku, ikaw talagang bata ka. Hindi ba kayo magtatagal?"
"Uhm hindi po eh. Magpapaalam lang po ako kay Papa tapos aalis na po yata kami." Umiling ako.
"Ganoon ba? Dalasan mo naman ang pagpunta rine at nakaka miss ka."
Napangiti ako sa sinabi ni Manang. "Opo, promise dadalawin ko po kayo." Then i hugged her.
"Magiging secretary ka kamo? Akitin mo na nang kayo ay magkatuluyan na." Biro ni Manang.
Tumawa na lang ako.
"Let's go?" In a swift second ay nasa harap ko na si Julian. Ngayon ko lang napansin na nakasuot na sya ng salamin. Kita nya siguro ang pagtataka sa mukha ko kaya nagsalita sya. "Medyo malabo kaliwang mata ko. Ayoko mag contacts." Yun lang sabi nito.
Tumango lang ako at nagpaalam na kay Manang tapos dumiretso na kami sa likod.
Malawak ang likuran ng mansion ng mga Scott. May tatlo'ng maliliit na tila mga kubo na concrete. Isa doon ang tinutuluyan ni Papa. Naka aircon sila at maluwag ang space kaya comfortable si Papa doon.
Julian knocked on Papa's room's door. Kinakabahan na ako. Bahagya ako'ng gumilid upang hindi ako ang mabungaran ni Papa sa pag bukas nya ng pinto.
"Julian? May kailangan ka ba? Akala ko ay bukas ka pa dadating?" Halata ang pagkagulat at pagtataka ni Papa.
Imbes na sumagot ay nag fake cough lang ito at tumingin sa akin na sinundan din ni Papa ng tingin. Nanlaki ang mga mata nya nang makita ako.
Hindi nagalit si Papa nang sabihin ko kung bakit hindi ako natuloy.Pero kita ko na may tanong pa sya sa mata nya at hindi nya na lang in-open dahil kaharap namin si Julian. I tried my best para SIR JULIAN ang maitawag ko kay Julian para naman kapani paniwala. Tinulungan ako ni Julian mag segway ng story.At ang loko, magaling sa reasoning!What do you expect? Nag excel sa academics pati extraculicular activities yan kaya sanay na sanay ang utak mag isip.Nakahinga ako nang maluwag nang nasa kotse na kami ni Julian.This day has been a long and tiring one. Ang daming beses ko natulog at nagising.Paakyat na kami sa condo ni Julian nang maalala ko sila Theresa. Bakit hindi nila ako kinulit kung bakit hindi ko sila sinipot sa coffee shop? Something's fishy here. Pero bukas ko na lang sila haharapin dahil pakiramdam ko ay drained na drained ako."Dito ka na muna matulog. Pinapalinis ko pa sa kabila." Sabi ni Julian nang nasa harap na kam
Sa two blocks na nilakad namin, nakakatuwa na nagkapalagayan kami ng loob ni Seven. Three years na daw sya sa Centero at okay naman daw dun. Isang taon daw sya'ng nag house to house servive muna sa pag gawa ng mga computers at laptop after his graduation tapos nagpasya sya na mag apply na nang marinig nya na may hiring sa Centero."Yep, nasa twentieth floor din ang I.T department. Hati ang twentieth sa office nang I.T department at nang mga executives. Yung lower floor kasi pinapaupahan sa iba'ng companies. Nakakatuwa nga, may tatlo'ng law firm sa Centero Towers."Napapatango lang ako habang nagkekwento sya. I lIike intelligent guys. Seriously. I feel drawn to Seven all of a sudden. Papasok na kami noon sa Centero Towers. Ang daming nagmamadali'ng empleyado.Pumunta ako sa front desk. Kasunod ko naman si Seven."Hi! I'm Katrina San Sebastian. New secretary ako ni Mr. Julian Scott." Nakangiti na sabi ko. I flipped my hair, ang init!Nagkatinginan yu
"I was seriously laughing hard when he woke up tapos tawag ng tawag ng pangalan mo. Eh nasa kitchen kami noon ni Zara." Pailing iling pa na sabi ni Reiza. "Noong sinabi ko na umalis ka na, nag kamot lang sya ng ulo. Tapos pasimple na tinanong kung saan ka nakatira."Tumango tango si Zara. "Tapos edi sinabi ko! Pero sabi ko na aalis ka na papunta'ng Canada that afternoon. Kita'ng kita ko nalukot lalo mukha nya. Grabe! Ginayuma mo ba yo'n habang nagsesex kayo?" Tapos humalakhak ng malakas si Zara."Sira ulo ka!" Kinurot ko si Zara. "Hindi ko na nga dapat itutuloy. Natulog na ako. Sya kaya unang gumalaw." Naka nguso na sabi ko.Nagtawanan yung tatlo. After ko makausap si Jeff kahapon ay tinawagan ko agad yung tatlo. Tawa lang sila ng tawa. Tapos ayun nga, ang usap kami na magkita kami'ng apat ng dinner somewhere in Makati kinabukasan."At eto pa! Sabi ko kasi, kung sana may trabaho ka na makukuha na kasing laki o lagpas pa ng kikitain mo sa Canada, hindi mo
I went in with pressed lips and my arms on my waist.Mula sa pagkakayuko ay tumingin si Julian sa akin, he half smiled. Nang makita nya na naka simangot ako, nawala rin ngiti nya."What? Inis ka pa din ba sa akin?" He stood up tapos naglakad palapit sa akin.Aabutin nya na sana ako pero lumayo ako."Mr. Scott, if you are not aware of it yet, when you called me Kat Baby a while ago in the intercom, it was fortunate enough na kasama ko kanina yung secretary ng Daddy mo at ng iba'ng managing directors." Straight face na sabi ko.Napa awang yung labi nya. Tapos kumunot yung noo. "So what?"Ibinuka ko yung bibig ko. "So what? Really? Diba i'm just a plain employee dito? No one is supposed to know na may relationship tayo, or if it's even called relationship." I raked my hand through my hair. "This is insane. Paano na lang kung sabihin ng secretary ng Daddy mo yun?""She won't.""How can you be sure?""Monina likes me. Hindi n
Sabay sabay na napabuga ng hangin sila Theresa, Zara at Reiza nang sabihin ko sa kanila ang nangyari at plano ko. Nagkita kita na naman kami somewhere in Ortigas.Three days na mula nung 'nagkabati' kami ni Julian. At we both decided na ayoko na mag work as his secretary. Kakalat at kakalat sa company yung nangyari. Hell, baka pinag peystahan na ng mga taga I.T yung cctv footage sa elevator.Wala kaming usapan ni Julian. Basta doon ako ulit tumutuloy sa kabilang unit, minsan sya pumupunta, minsan ako. Pero pinagluluto ko sya ng agahan at hapunan. It's kind of nice dahil madalas tumatawag sya.Pero wala talaga malisya sa akin. He's jerk and will always be."Seriously. You planned all of this in what, three seconds, while Julian Darl Scott wa back hugging you?!" Amused na amused na tanong ni Reiza."Genius ka na sana. Pero hindi mo ba naisip na pwede'ng nagkaka gusto na sya sayo kaya medyo jerk ang lolo mo?" That's Theresa.Tumawa ako. "Wag ny
Napabalikwas ako nang tumunog yung cellphone ko sa bedside table. Inabot ko iyon.Alarm. 7am na.Umikot ako at humarap kay Julian na tulog na tulog pa rin habang naka yakap sa akin."Julian.." Gising ko sa kanya. "Hey.. 7am na.." Mahina ko sya'ng inalog.Imbes na dumilat at bumangon, lalo lang himigpit yung yakap nya."Julian.." I groaned. Antok na antok ako. Shit. Walang gabi ba na hindi kami magsesex?Sinusulit ko na rin. In two days na yung flight ko at wala pa rin alam si Julian. Kaya ako pumayag na maging FUBU kami ulit dahil para hindi nya na ako kulitin. Bigla na lang ako mawawala."Ayoko pumasok." He said. Pikit na pikit pa rin ito tapos ibinaon sa leeg ko yung ulo nya.He's starting to have stubbles and facial hair kaya nakikiliti ako."Baby.." Tawag nya."Hmmmm?" Mulat na mulat na yung mata ko. Nakatitig lang ako sa kisame."Date tayo today. What do you think?"Hindi ko kunwari narini
Ayoko pa bumangon. Yun yung nasa isip ko habang nararamdaman ko na paumaga na. Hindi ako halos naka tulog buong gabi. All i want to do is feel Julian next to me.Ngayo'ng araw na kasi ang flight ko. Na plano ko na ang lahat. Ihahatid ako nila Reiza sa airport ng walang ingay. Na rehearse na din nila sasabihin nila kay Julian kapag nagtanong ito."Baby! Bangon na. I cooked you breakfast!" Just then i heard Julian's voice near the door.Did i heard him right?"What?" Pupungas pungas pa ako nang bumangon.Malapad yung ngiti ni Julian. He looked creepy, parang may masama na binabalak."Tada!" Excited na parang bata na sabi nito nang marating namin ng sabay ang kusina."Woah! Ikaw nagluto nito?" Gulat na tanong ko.Carbonara yung nasa table, may saging at fresh milk pa."Oo. Para naman magka laman ka na ulit. Ang payat na ng Baby ko eh. Sorry kung gabi gabi na lang." Tapos humalakhak sya. "I promise to make it up to you." Tap
For four years in Vancouver, i worked my way up hanggang maging store supervisor ako ng isa'ng kilala na grocery chain sa Canada. Hawak ko lahat ng branch within a certain city, at medyo matrabaho pero worth it ang sweldo.Madami ako naging kaibigan, pero never ako nagka boyfriend na kagaya ng pagka intimate namin ni Julian. Hindi naging madali sa akin na kalimutan si Julian. Kung noon nga na hindi nya ako pinapansin, di ko na sya matigilan kakaisip, ngayon pa na may nangyari sa amin? At madaming beses pa.But i made my choice. Magsasawa din sya sa akin. Saan ako pupulutin? This has been my plan all along. Huli na nang malaman ni Papa na umalis pa rin ako. Kahit sila Mama at Kevin naguluhan, i just explained myself tapos umiiwas na ako sa topic.Bihirang bihira din ako makapag usap with the girls. The firs few years we're a struggle for me. Homesick, di ako nakapag adjust agad.. tapos sobrang miss ko na si Julian. Tinago ko lahat kay Ate iyon. Wala ako'ng ipinak
"That's Tito Adler's assistant's daughter, right?" Nilingon ko si Luis nang magsalita sya sa tabi ko, tapos sinundan ko ng tinggin kung saan sya naka tingin. Nasa bahay na naman pala yung batang yun. She's nosy. I don't hate her, i just don't like girls her kind. Gusto ko tahimik lang. "Yeah." Bored na sagot ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ng hawak ko na magazine. Hinayaan ko na lang sya as he went near her and start a talk. I don't really mind having visitors in the house. Specially Dad's assistant's daughter. She can be a handful at times pero hindi ko sya pinapansin na lang. Madalas naman na kapag nasa bahay sya ay may pinupuntahan ako'ng musical concerts and overnight projects with friends hanggang mag High School ako. Naging close rin yata sila Luis at si Katrina. Lumipat na kasi sila Luis sa Cebu at doon sya nag High School kaya nawalan ng communications. Hanggang sa dumalang ng dumalang ang pagpunta ni Katrina
Two weeks went by at puro physical contact ang nangyayari sa amin ni Julian. I am always the one that initiates. He doesn't say anything pero pakiramdam ko, bigay na lang din sya sa hilig ko. Hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ko sa kanya. Medyo cold at distant.Hindi ko rin maintindihan sarili ko. I can't deny the fact na tuwing magniniig kami ay tsaka lumalabas ang tunay na nararamdaman namin. I know that Julian can feel it too. Maybe i'm just too afraid to give in, maybe naiisip ko lang kasi na once bumalik kami sa dati, mas masasaktan ako kapag nagkaroon ulit ng chance na may mangyari.Ayoko isipin na mangyayari ulit yung ginawa nya or may mas worse pa. He's been too possessive at hindi malabo na gawin nya iyon or worse, mas malala at ibang bagay pa just to let me stay. I will stay. I will always stay, pero naiisip ni Julian na baka mawala pa rin ako.Kinapa ko ang bulsa ni Julian habang nakaibabaw sya sa akin. He was kissing me in my shoulders when i re
"Are you free tonight?"Hindi pa ako nakakapag hello ay iyon agad ang bungad ni Julian sa akin sa kabilang linya."No." Maikli na sagot ko."Are you going out?" Nakikinita ko na ang pagkunot ng noo nya base sa tono ng boses nya."Yes." Sagot ko pa."Saan? Saan ka pupunta?" His voice is full of curiosity and urgency."Basta. I'll be out." Inis na sagot ko pa.I heard him sigh. One week na kaming ganito. Isang beses ko pa lang sya pinagbigyan sa araw araw na pag aaya nya sa akin lumabas. It's no secret na grabe ang effort nya sa pagsuyo sa akin. Nagugustuhan ko iyon pero lately ay parang naiinis na ako sa kakulitan nya.I mean, he's been extra sweet and all. Araw araw sya nagpapadal ng bulaklak. Pag gising ko ay tinuturo na lang sa akin ni Kevin yung baskets ng flowers na may note. Then he would call me para ayain mag lunch na palagi ko'ng tinatanggihan. Hindi sya maka reklamo.Last Wednesday ay pumayag ako makipag dinner
Pagulong gulong ako sa kama. Julian's face while explaining is still haunting me. Nasa kabilang kwarto lang sya pero pakiramdam ko ang layo layo namin sa isa't isa and it hurts. Hindi ko ginusto na mangyari 'to sa amin, kaya hindi ganoon kadali matanggap. In the end ay bumangon ako, nag indian sit sa kama at yumakap sa unan.Muling naglaro sa isip ko yung nangyari kanina bago sya nag offer na dito na ako matulog ng wala ako masabi."I met Adriana two months before you came back. I wasn't a saint since you've been gone, and I know you're perfectly aware of it and i won't explain for my actions. I've been a jerk. I date girls once, let then tell every one about it then dump them. Akala ko, kapag ganoon ginagawa ko, sasaya ako. Na maaalis na kita sa sistema ko. I was thinking na sa kabila ng pagmamahal ko sayo, kalahati ng intensidad noon ay galit that's why i am so attached to you." He paused then looked at me.Parang tinatantya nya ang reaction ko, a
"You gotta be fucking kidding me.." Mahinang usal ko tapos mabilis na yumuko."Excuse me? Did you just cursed, Kat?"Nagulat ako ng marinig si Seven. Nasa gilid ko na pala sya at mukhang nagulat sa sinabi ko.Mag eexplain sana ako but i saw him smile."Ang lutong ah!" Tapos tumawa sya at umupo na sa harap ko.Kumakabog yung dibdib ko. Honestly, kung wala si Seven baka nag walk out na ako sa sobrang sakit. Ang kapal ng mukha nya sabihin na mahal nya ako at magpapaliwanag sya tapos makikita ko sya na kasama si Adriana? That bitch!Umiiwas ako ng tingin sa bandang pinto."Are you okay?" Kunot ang noo na tanong ni Seven."S-seven.. i would love to see your performance until the end but i have to go." Bigla ko'ng hinablot yung purse ko at tumayo. Maglalakad na sana ako pero mabilis ako sinundan ni Seven.Hinarang nya yung katawan nya sa akin, and we bumped into each other. Pero bago ako makalayo sa kanya ay nahawakan nya ako
"Ate.. sagutin mo na yan. Mag usap na kayo."Hindi ko pinansin yung sinabi ni Kevin. Ipinagpatuloy ko lang ang pag aayos ng sarili ko sa harap ng salamin. It's my second day to go out, exactly fifth day since the inevitable happened. The first three days was agonizing, and it was never better.The first day, hindi ako lumabas. Hindi ako makausap ni Kevin. Pagkauwi ko galing sa condo ni Reiza, tulala na lang ako. Umiyak lang ako ng umiyak doon, all i told Reiza was nag away kami ni Julian. She comforted me. Gusto ko'ng sabihin kay Reiza ang lahat, pero hindi ko alam kung bakit pinoprotektahan ko pa din si Julian.Deep inside me, inisip ko na susundan nya ako. Susuyuin. Magpapaliwanag.Although alam ko sa sarili ko na kapag nangyari iyon, sa sobrang galit ko ay hindi ko pa rin sya mapapatawad. But at least he should try.But damn. Mabaliw baliw ako the second day. I miss Julian so damn much pero galit ako sa kanya. Hindi din mapakali si Kevin. Hindi
The opening of the first ever branch of Bliss Mart in the country is successful.Sa kabila ng pagka praning ko, Julian is still the same. After a week ay ganoon pa rin sya, maasikaso, possessive tapos sweet. I am torn between the idea of him taking a revenge plus Adriana's presence or the fact na wala naman na talaga syang balak gawin iyon."Daming tao! Kapagod!" Pabagsak na naupo sa sofa si Kevin nang makauwi na kami.Twenty four hours yung Bliss Mart at umalis na kami kaninang alas diyes ng gabi para magpahinga tapos iniwan ko na sa mga employee ang lahat. Umalis papunta sa Macau si Julian for a business conference for three days at bukas pa sya darating."So damn tired. Hindi ka na ba kakain?" Kaya ko pa naman magluto para kay Kevin. Hindi ko na muna sya pinapasok sa bar ng kaibigan nya para tulungan muna ako sa Mart."Hindi na ate. Matutulog na lang ako." Inayos nya ang pag higa at kinuha ang unan. Sa sofa sya natutulog habang nandito sya
Parang nagkaroon ako ng bikig sa lalamunan.Automatic na tumayo si Julian at gulat na lumapit sa akin. Adriana, on the other hand, stood up too at walang reaction na tumingin sa akin. Gusto ko bigla maiyak."Kat? What are you.. Bakit ka bumalik?" Puno ng pagtataka na tanong ni Julian.Nanginginig yung labi ko. Hindi ko sya nasagot, nakatingin lang ako kay Adriana. Parang bigla ay gusto ko sya sugurin at saktan. But damn. Hindi ako ganoon. Ano ba ang malay ko bakit sya nandito? I need to relax. Hindi naman sila magkapatong ng datnan ko. But.."Isasama na sana kita. M-may bisita ka pala.." Halos hindi na iyon nanulas sa bibig ko. Nagkatitigan kami ni Adriana. Sa huli ako ang pumutol ng tingina namin at hinarap ko si Julian."Ah yeah. S-si Adriana.. y-you know her.." Parang hindi rin alam ni Julian ang sasabihin."Don't be silly. We aren't properly introduced." Ngumiti si Adriana tapos lumapit sa amin. Inilahad nya yung kamay nya sa harap ko. Y
After umalis ni Papa ay nag two days pa kami doon ni Julian. I was being mum about the whole thing as stupid i was. I don't want to take away this moment for us. Pinili ko naman 'to eh. I honestly don't know kung paano ako nakaka akto ng ganito, pero para kay Julian gagawin ko."I would love to go back here. Madami pa tayong hindi napupuntahan. One week isn't enough." Malawak ang ngiti na sabi ni Julian."Kuya, sinabi mo. Di ka pa nakaka rating sa mga beach dito. Sa coastal. Paharap na kasi sa pacific ocean yung mga beach dito banda doon." Nagturo si Kevin habang nasa back seat sya. Pabalik na kami sa bahay, naligo kami sa kilalang paliguan doon. It's the third day we went out mula ng dumating si Julian."Yeah, we'll definitely go there soon." Sagot naman ni Julian. Muli syang nag focus sa pagda drive. Medyo malubak pa rin yung daan dahil hindi pa concrete lahat ng daan doon but hindi naman nagreklamo si Julian.In twenty minutes ay naka balik na kami sa