Share

Chapter 4

Penulis: jhoelleoalina
last update Terakhir Diperbarui: 2021-09-14 11:47:56

"Y-your a what?" gulat at hindi agad makapaniwalang anas ni CJ sa narinig sa dalaga. Baka nagkakamali lang siya ng dinig sa sinabi ni Caren kaya gusto niya muling marinig mula sa bibig ng dalaga ang huling sinabi nito.

"I'm a nympho," pag-uulit ni Caren at doon niya nakumpirma na hindi siya nagkakamali ng dinig kanina. Gulat at bumukas ang bibig niya sa nalaman pero agad din siyang nakabawi ng marinig niya ang pinipigilang paghikbi ng dalaga. At parang may mabigat na dumagan sa dibdib niya habang pinagmamasdan ang umiiyak na si Caren.

"Ssshh.. Stop crying, baby. Your secret is safe with me at pangako sa tabi mo lang ako kahit anong mangyari. You can trust me pagdating sa bagay na 'yon at hindi ko sasamantalahin ang sitwasyon mo. Pwede mong sabihin sa'kin lahat ng problema mo at hangga't makakaya ko tutulungan kita ng walang ano mang kapalit na hihilingin," puno ng sinsiridad na anas niya sa dalaga as he hushed her. Unti-unting kumalma ito buhat sa pag-iyak at bahagyang ngumiti sa kanya. Kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa wakas ay nasilayan niya muli ang magandang ngiti ng dalaga.

"Salamat, Jayvee.. At panghahawakan ko ang mga pangako mong ‘yan," anas ni Caren at sumilay ang ngiti niya sa sinabi ng dalaga. Sobrang saya niya dahil nakuha niya ang tiwala nito at gagawin niya ang lahat para hindi masira iyon. 

Pero ang gumugulo naman ngayon sa isipan niya ay kung bakit nagkaganon ang dalaga. Kung bakit ito naging isang nympho? Nagkaroon ba ito ng masamang karanasan noon? Ang alam niya kasing dahilan kung nagkakaganon ang isang tao ay dahil sa nagkaroon ito ng dark past about sex or minsan base din sa mental and emotional condition. It's a complicated condition na minsan ay naagapan pa ng mga psychiatrist pero ang kadalasan ay hindi na. Isang karamdamang kakaiba at hindi biro ang magkaroon ng sakit na iyon.

At hindi niya mapigilan ang humanga sa dalaga dahil nakakaya nitong labanan iyon. Kaya pala pansin niyang hindi ito lumalabas ng bahay at ngayon alam na rin niya ang dahilan kung bakit hindi siya nito hayaang pumunta ng bahay o makalapit dito. Dahil isa siyang lalaki at baka pag sinumpong ito ng sakit nito ay hindi niya mapigilan ang sariling angkinin ang dalaga dahil parang nag-iiba ang katauhan ni Caren at napapalitan iyon ng babaeng sabik at uhaw sa sex. At hindi niya rin mapigilan ang sariling makaramdam ng awa sa kalagayan ng dalaga. Dahil parang hindi nito nararanasan ang normal na buhay dahil sa kakaibang sakit nito. Isa iyong malaking hadlang sa kasiyahan ng dalaga at gagawin niya ang lahat para kahit papaano ay matulungan niya ito.

"But how did you get that kind of sickness, Caren? Since when and why?" tanong niya dito sa gitna ng namamayaning katahimikan sa pagitan nila ng dalaga. Kaagad itong nag-iwas ng tingin at alam niyang hindi pa ito handang sabihin iyon sa kanya. At naiintindihan niya ito dahil alam niyang napakahirap balikan ng isang alaala lalo na kung napakasama at napakasakit no’n. Pero syempre mas masakit pa ring balikan kahit sa alaala lang ang taong dahilan ng sakit na iyon. At baka pag nalaman niya kung sino ang taong iyon na gumawa no’n sa dalaga, baka pagbayarin niya iyon sa mismong mga kamay niya.

"Sorry pero ayaw ko munang balikan ang masamang nangyari sa akin noon. Halos gabi-gabi akong binabangungot ng masamang alaalang iyon at—"

"It's okay, baby.. Naiintindihan ko at hindi kita pipilitin tungkol sa bagay na 'yon. But always remember na nandito lang ako para makinig sa'yo, para damayan ka at para tulungan ka. Makakaasa ka na kahit anong oras ay pwede mo akong lapitan. I'm just one call away my Kulot," pagputol niya sa sasabihin nito dahil ramdam niyang tila nahihirapan itong sabihin iyon sa kanya. At naiintindihan niya iyon.

Nasagot ang mga katanungan sa isipan niya pero hindi niya alam kung bakit parang gusto pa din niyang mapalapit sa dalaga. He has this feeling inside na gusto niyang alisin lahat ng takot at sakit sa mata nito. Gusto niyang ikulong si Caren sa mga bisig niya para maramdaman nitong kasama at karamay siya nito kahit sa anong bagay. Na mayroon itong isang kaibigan na Carl Jayvee ang pangalan na handa itong damayan at tulungan.

Gusto niyang alisin lahat ng masasamang alaala nito at palitan iyon ng mga masasaya at bagong alaala kasama siya.

Lumipas pa ang mga araw at maagang umalis si CJ sa bahay ng magulang para mag-enroll. Sinulyapan pa niya ang balcony ng kwarto ng dalaga bago siya umalis pero wala pa ito doon. Maaga pa naman at isang oras pa bago ito lumabas doon base sa usual time na nakalkula niya sa araw-araw na sinusubaybayan niya ang bawat galaw ng dalaga. 

Malawak na lang siyang napangiti ng rumehistro ang magandang mukha nito sa isipan niya at parang wala sa sariling sumakay ng kanyang sasakyan. Babalik na lang siya agad mamaya pagkatapos niyang mag-enroll para masilayan niya muli si Caren. Para makipag-kwentuhan muli sa dalaga, para masilayan ang ngiti at marinig ang pagtawa nito.

Kadalasan ay nauubos ang oras nila ni Caren habang nag-uusap at nagtatawanan lang sila sa balcony. Parang hindi niya napapansin ang paglipas ng bawat oras kapag kasama niya ang dalagang kaibigan niya. Hindi naman lingid sa magulang ni Caren ang namumuong magandang ugnayan nila ng dalaga bilang matalik na magkaibigan at suportado naman sila ng magulang nito. Masaya ang mga ito dahil sa wakas ay bumalik ang saya at sigla kay Caren. At proud siya dahil alam niyang isa siya sa dahilan kung bakit unti-unti bumabalik ang masayahing dalaga.

Hanggang sa mabilis na dumaan ang mga araw hanggang sa naging buwan iyon. Naging matalik silang magkabigan pero nanatili silang magka-agwat sa isa't-isa. Tanging sa balkonahe lang ang pinaka-malapit nilang nagiging distansya at kuntento sila sa ganon. At natatawa na lang siya kapag naiisip niyang sa balcony nagsimula ang kanilang friendship at lumipas na ang ilang buwan pero nandoon pa rin sila. Sa balcony kung saan nagsimula ang lahat sa kanila bilang isang malapit at matalik na magka-ibigan.

Masayang nagtungo sa balkonahe ng kanyang kwarto si CJ at inasahan na nandoon na si Caren sa mga oras na iyon. Kagagaling lang niyang school at maagang natapos ang klase niya kaya gusto niyang ubusin ang natitirang oras niya sa maghapon sa pakikipag-usap sa dalaga dahil ilang araw ng maikling oras lang silang nakakapag-kwentuhan. At hindi niya itatanggi na namimiss na niya ang dalagang kaibigan.

Pero napakunot ang noo niya ng hindi niya doon nasilayan si Caren. Nagtaka siya dahil sa ganoong oras ay naroon na dapat ang dalaga pero bakit wala ito ngayon do’n. Naghintay pa siya doon ng ilang minuto at bahagyang sinilip ang bintana ng kwarto ng dalaga subalit hindi niya makita ang loob no’n dahil natatakpan iyon ng kurtina. Nakasarado naman ang sliding glass door ng balcony nito at hindi rin niya masilip doon ang loob ng kwarto ng dalaga. At hindi niya mapigilan ang mag-alala dahil nababaguhan siya kung bakit wala sa balcony ang kaibigan sa ganoong oras.

Hindi na siya nag-abalang magpalit pa ng kasuotan at mabilis siyang bumaba ng kanyang kwarto. He's just wearing his boxer shorts and his white sando na kalimitang suot niya pag nasa bahay. Hindi siya mapakali habang hindi niya nasisilayan ang dalaga kaya nagdesisyon siyang pumunta sa kabilang bahay.

"Good afternoon po, Ninong. Itatanong ko lang po kung nasaan si Kulot. Hindi po kasi siya lumalabas ng balcony ng kwarto niya," magalang na anas niya sa kanyang Ninong Carlo na natagpuan niya sa living room at parang hindi rin ito mapakali tulad niya.

"Nabanggit na ba niya sa'yo ang tungkol sa sakit niya?" mahinang anas ng ninong niya at tumango naman siya.

"She's inside her room. At sinusumpong na naman siya ng sakit niya," dagdag nito at bahagya siyang natigilan. Nakaramdam siya ng pag-aalala sa kaibigan at alam niyang gano’n din ang nararamdaman ng ninong niya dahilan kung bakit hindi ito mapakali. Malakas na kumabog ang dibdib niya dahil kinakabahan siya para sa kaibigan.

Alam naman niyang hindi lumilipas ang isang linggo ng hindi ito sinusumpong pero iyon ang unang beses na nalaman niyang sinusumpong ang dalaga ng mga oras na 'yon. Ang alam niya ay nagkukulong lang si Caren sa kwarto nito hanggang sa lumipas ang pag-iinit ng katawan na nararamdaman nito. At alam niyang sobra hirap iyon para sa kaibigan. Sobrang nahihirapan na ito dahil sa dulot ng hindi pangkaraniwang sakit nito at wala siyang magawa para damayan ito sa mga oras na iyon. Kahit na gustong-gusto niya itong yakapin at ikulong sa mga bisig niya.

"I'm worried sa anak ko, CJ. Pansin namin na these past few weeks ay matagal bago mawala ang init na kanyang nararamdaman. Dati ay isa o dalawang oras lang kapag sinusumpong siya pero ngayon umaabot na iyon sa lima hanggang anim na oras," wika ng ninong niya sa nag-aalala at nababahalang tono. Parang nanghihinang napaupo siya sa kaharap nitong sofa at bumukas ang bibig niya sa sunod na sinabi nito.

"She's always calling your name kapag sinusumpong siya and she's also crying. Sobrang sakit para sakin na naririnig ko siyang umiiyak at hindi ko man lang siya magawang mayakap dahil kahit sarili niya akong ama, hindi niya magawang kuntrolin ang gusto ng katawan niya. Kaya hindi ko man lang siya magawang malapitan kapag kailangan niya ng karamay once na sinusumpong siya," his ninong added kaya mas lalo siyang naawa sa dalaga. Mag-isa nitong hinaharap ang sakit nito at alam niyang sobrang hirap no’n para kay Caren.

"P-pwede po ba akong pumasok sa loob ng kwarto ni Kulot? Pangako po, wala po akong gagawin sa kanya," nagbabakasakaling anas niya.

"May tiwala ako sa'yo, CJ. Pero sa sakit niya wala akong tiwala. Baka hindi mo mapigilan ang sarili mong angkinin siya dahil ibang-iba ang anak ko kapag sinusumpong siya. Hindi mo makikita sa kanya ang normal na Caren. Hindi mo makikita sa kanya ang kaibigan mo," his ninong said.

"Alam ko po ‘yon, Ninong. At makakaasa po kayong hindi ko sasamantalahin iyon. Pipigilan ko po ang sarili kong magpadala sa gusto niya pero hindi ko po itatanggi na baka maapektuhan ako sa anak niyo. Pero pangako po, hanggang doon lang iyon at gusto ko lang pong tulungan si Kulot. Alam ko pong isang malaking tukso ang anak niyo pero lalabanan ko po iyon alang-alang sa pagkakaibigan namin ni Caren. Magtiwala po kayo sa'kin Ninong," determinadong anas niya dahil gustong-gusto niyang matulungan ang kaibigan. Nagpakawala ng buntong-hininga ang ninong niya at napangiti siya ng tumango ito.

"Sige, hijo. Magtitiwala ako sa'yo pero pakiusap gawin mo ang lahat para pigilan ang sarili mong patulan ang lahat ng gagawin niya. Pwede mong gawin ang lahat ng alam mong makakatulong sa kanya pero huwag mong gagalawin ang anak ko. Ayaw kong tuluyan siyang masira dahil sa sakit niya," may pakiusap na anas ng ninong niya at kita niya ang sobrang pagmamahal at pag-aalala nito para kay Caren.

"Pangako po, Ninong," seryosong saad niya bago sila sabay na tumayo at naglakad para umakyat sa hagdan. Hanggang sa makarating sila ng tapat kwarto ng dalaga kung saan naghihintay ang mommy nito. At buhat sa labas ng kwarto ni Caren ay naririnig niya ang mahinang pag-iyak ng dalaga habang paulit-ulit na sinasambit ang pangalan niya.

Bab terkait

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 5

    Hindi maiwasan ni CJ ang kabahan habang nasa tapat siya ng kwarto ni Caren. Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin pero gustong-gusto niyang tulungan ang dalaga pero nangangamba siya sa posibleng mangyayari sa loob ng kwarto nito. Lalo na at kilala niya ang dark side niya na sobrang matutuwa kapag tuluyan siyang nakalapit kay Caren.Iyon ang matagal na niyang pinipigilan kaya nakuntento na siya sa kung anong meron sila noon ng kaibigan, na ayos lang kahit na sa balcony lang sila nakakapag-usap. At ngayon nga, nangangamba siya na baka hindi niya mapigilan ang sariling katawan, his uncontrollable desire para sa kaibigan. Hindi lang iyon dahil parang obsessed na din siya kay Caren.Alam niyang mali ang nararamdaman niya sa kaibigan pero hindi niya mapigilan ang sariling mahumaling dito. Sa bawat araw na kausap niya ito sa balcony ay mas tumindi pa iyon. Lahat ng bawat galaw ng dalaga ay alam niya dahil nakasunod ang mata niya kay Caren. Yeah, it's kinda creepy pero hindi ni

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-14
  • The Unforgettable Mistake   Chapter 6

    Sunod-sunod ang paglunok at tila kinakapos ng paghinga si CJ nang magpantay ang mukha nila ni Caren. Tumigil ito sa ibabaw ng katawan niya at may kumawalang ungol sa labi niya ng umupo ito sa tapat ng kanyang pagkalalaki. He's already hard at tila mas nadagdagan pa iyon nang maramdaman niya ang walang saplot nitong kaselanan sa tapat ng kahandaan niya. She's fully naked above him at doon mismo nakaupo si Caren sa kahandaan niya. Tanging boxer na suot lang niya ang hadlang para tuluyang maglapat ang kanilang kaselanan. Pero hindi iyon hadlang para madama nila ang init ng isa't-isa.Hindi maalis ang titig niya sa katawan ni Caren mula sa may katamtamang laki ng dibdib nito na sigurado siyang sakto lang sa kamay niya na tila hinulma iyon para sa kanyang kamay, sa makurba nitong bewang at sa pinakamahalagang kayamanan na nasa pagitan ng hita nito na kasalukuyang nakadiin sa ibabaw ng pagkalalaki niya. She's really sexy and hot. ‘Yong tipong tutulo ang laway mo sa angking alin

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-14
  • The Unforgettable Mistake   Chapter 7

    "N-nothing happened, Ninong," nauutal na anas ni CJ sa mapanuring tingin ng ninong niya. Nang malaman ng mga magulang ni Caren na nakatulog ang dalaga ay isinama siya ng mga ito sa library at may pag-uusapan daw silang importante at tungkol iyon sa sakit ni Caren.. kung paano at saan nito nakuha iyon. Bahagya pa siyang natigilan ng dahil doon dahil sa wakas ay masasagot na rin ang isang malaking katanungan sa isipan niya. Lumabas naman saglit ang ninang niya para puntahan ang bunsong kapatid ni Caren sa kwarto nito."Wala ba talaga? Then where did you get that red marks on your neck? And you're having a boner ng buksan mo ang pinto ng kwarto ng anak ko. At anong nangyari diyan sa sugat sa labi mo?" seryosong anas ng ninong niya at napakamot na lang siya sa ulo dahil sa nahihiya siya dito. Hindi naman niya kasi alam na may mapanuring-mata pala ang ninong niya. Idagdag pa na hindi na niya nagawang ayusin ang sarili kanina dahil mas inasikaso niya si Caren. At hindi niya rin akala

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-14
  • The Unforgettable Mistake   Chapter 8

    Mabilis na lumipas ang ilang linggo at katulad ng mga nakaraang araw, nagising si Caren ng masaya at may ngiti sa labi. It's just five in the morning at panibagong araw na naman ang haharapin niya dahil isang taon na naman ang nalampasan niya. Isang taon na puno ng pagdurusa pero sa mga nakalipas na taon itong huli ang pinaka-thankful at feeling blessed siya. Dahil nakilala niya ang isang Carl Jayvee Rosal na naging kaibigan niya. Naging karamay niya, naging kasama niya at higit sa lahat naging pansamantalang gamot sa sakit niya. At sa kabila ng kanyang sakit na nararamdaman na halos araw-araw siyang pinapahirapan, pasalamat pa rin siya dahil may isang Jayvee na handang tumulong sa kanya sa abot ng makakaya nito. Walang kahit anong hinihinging kapalit at bukal sa loob ang pagtulong sa kanya ng binata.Ngayong araw ang kanyang ika-19 na kaarawan at parang hindi siya makapaniwala na nakaya niya ang mga taong nagdaan na may kakaiba siyang sakit na sinusubukang labanan. Pitong taon

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-14
  • The Unforgettable Mistake   Chapter 9

    "Bumalik kayo agad bago dumilim. And CJ, know your limitation. Ikaw na ang bahala sa prinsesa namin," istriktong wika ng dad ni Caren.Natatawa na lang si Caren sa kanyang dad dahil halos kanina pa itong nagsasalita mula ng makababa sila para mag-breakfast. At ngayon ngang magsisimula na silang kumain ay hindi pa rin ito tapos sa mga dapat at hindi dapat gawin ni Jayvee. May nalalaman pa ang mga itong limitations na hindi na lang niya binigyang pansin dahil kay Jayvee naka-sentro ang atensyon niya.. sa ginagawa nitong pagsisilbi sa kanya."Yes po, Ninong. Ako na po ang bahala kay Kulot," sagot ni Jayvee sa dad niya habang abala ito sa pag-aasikaso sa kanya.Halos hindi na siya gumagalaw buhat nang makaupo siya sa harap ng hapag kainan dahil si Jayvee ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Namumula ang mukha niya dahil sa ginagawa nito pero parang wala lang iyon sa kanyang magulang dahil nakangiti pa ang mom niya habang pinapanood ang ginagawa ng binata.&nb

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-14
  • The Unforgettable Mistake   Chapter 10

    Puno ng pagka-aliw at pilyong nakangiti si CJ habang nakatingin siya kay Caren. Pinipigilan niya ang sariling huwag tumawa sa reaksyon ng dalaga habang nakatingin sa ibabang parte ng katawan niya. He's still wearing his boxer brief at hapit iyon sa kanya kung kaya't sobrang nababakas doon ang kanyang kahandaan.He's already hard at alam niyang sobrang halata iyon sa suot niya. Bakas doon ang angkin niyang sukat na isa sa kanyang maipagmamalaki dahil hindi lang siya sa pisikal na anyo pinagpala, higit na mas pinagpala siya sa nasa pagitan ng kanyang mga hita.Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit gano’n ang reaksyon ni Caren kahit na minsan na naman nitong nakita iyon noong araw na nahuli niya itong nanonood sa kanya habang wala siyang kahit na anong saplot sa katawan na nagpapalakad-lakad sa loob ng kwarto niya."Enjoying the view, baby?" pilyong anas niya habang may namumuong pilyong ngiti sa labi. Sobrang namumula ang mukhang nag-iwas ng tingin si Caren

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-14
  • The Unforgettable Mistake   Chapter 11

    Malawak ang ngiti at walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ni Caren habang nakayakap siya sa bewang ni Jayvee at bahagyang nakasandal sa dibdib nito. Parehas silang naka-upo sa buhangin sa dalampasigan at humahangang nakatingin sa papalubog ng araw. Napakagandang pagmasdan ng kulay kahel na kalangitan pero ang mas maganda talagang pagmasdan ay ang sunset. Iyon ang unang beses na masaksihan niya iyon dahil mabibilang pa sa daliri sa kamay ang paglabas niya ng bahay simula noong nagparamdam na ang pagiging nympho niya.Pero ang masayang ngiti sa labi niya ay agad na nawala ng makaramdam siya ng kakaiba sa katawan niya. Bahagya niyang nakagat ang sariling labi ng maramdaman niya muli iyon at sinubukan niyang pigilan pero hindi niya kaya. Nagsisimula ng mag-init ang kanyang pakiramdam at kahit na medyo malamig na ang simoy ng hangin ay hindi iyon sapat para mapawi ang init na iyon. She's feeling it again.. she's in heat again.Habang tumatagal ay mas nag-aalab ang init na n

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-14
  • The Unforgettable Mistake   Chapter 12

    Nagpatuloy ang ganoong relasyon ni CJ at Caren. Si CJ ang naging pansamantalang lunas ni Caren 'pag sinusumpong ang dalaga ng sakit nito at kahit papaano ay nakatulong iyon sa kalagayan ng kaibigan. Nanatili si CJ sa tabi ni Caren at lalong tumibay ang kanilang samahan bilang matalik na magkaibigan. Isang magkaibigan na may nakatagong lihim na pamilya lang ni Caren ang may alam pati na rin si CJ.Pero hindi iyon hadlang sa binata para ipagpatuloy ang nasimulan nila ng dalaga. Ang mahalaga ay matulungan niya ito kahit na paulit-ulit siyang nagkakasala sa kanyang nobya. Dahil kung titimbangin niya ang halaga ng dalawang babae sa buhay niya, wala siyang pipiliin dahil sa ngayon pareho lang silang mahalaga sa buhay ng binata. Pantay at walang nakaka-lamang.Alam ni CJ na unfair iyon sa dalawang babae lalo na sa nobya niyang si Laila. Na handa siyang paulit-ulit na magkasala dito para lang matulungan ang kaibigan niyang si Caren. Samantalang sa parte naman ni Caren, wala

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-14

Bab terbaru

  • The Unforgettable Mistake   Epilogue

    Malayo ang tanaw ni Caren buhat sa balkonahe ng bahay nila ni Jayvee sa Isla Montellano. Binabalikan niya ang mga taong mabilis na lumipas buhat nang bumalik sila doon para magsimula ng kanilang binuong pamilya kasama ang anak nila. Naiwan sa lungsod ang magulang niya kasama ang kapatid pero bumibisita ang mga ito sa kanila at kadalasan ay doon nagbabakasyon.Dalawang taon na ang mabilis na lumipas buhat ng ikasal sila ni Jayvee at tatlong taon naman buhat ng maayos ang lahat sa pagitan nilang tatlo— siya, si Jayvee at si Laila. Nagpatuloy ang pagkakaibigan na mayroon sila ng dalaga at nagkaroon sila ng magandang samahan. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita sa asawa nitong si Darwin. At lahat sila ay hindi nawawalan ng pag-asa na babalik ito lalo pa at may anak na ang mga itong triplets.Dalawang taong gulang na ang anak nilang si Carla Jane at matanda lang ito sa buwan sa triplets na anak nila Darwin at Laila. Hindi na muna nila sinundan ang kanilang p

  • The Unforgettable Mistake   The End

    Lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa naging mga buwan. Naging payapa at matiwasay ang lahat at walang ng nanggulo sa pamilya Aldover. Wala na rin silang naging balita tungkol kay Mark Clemenso pero pinaghigpit at pinaghusay ang seguridad sa loob at maging sa labas ng bahay. Hindi pa rin sila kampante kahit na hindi na nagpaparamdam ang baliw na lalaki. Dahil malaya pa rin ito at ano mang oras ay pwede itong magpakita sa kanila at gumawa na naman ng kabaliwang naiisip nito.Nakapagsimula na rin sa Isla Montellano ang ginoo at ginang na ngayon ay masaya na rin bilang isang pamilya. Dumalo pa sila sa naging kasal ng mga ito pero mula noon ay wala na ulit silang naging balita sa mga ito. Tiyak naman silang nasa mabuting kalagayan ang mga ito dahil nasa seguridad ito ng kaibigan nilang si Christian. At agad na makakarating sa kanila kung ginugulo na naman ito ng baliw na lalaki.Bumalik na ang lahat sa dati at nakabalik na rin si Jayvee sa school. Ilang buwan na lang ang hi

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 43

    Ilang beses pang sinubukan ng ginoo na ayusin ang sasakyan subalit katulad ng mga naunang subok ay bigo pa rin ito. Halos ilang minuto na silang nakahinto sa tabi ng kalsada at kahit isang bahay ay walang siyang matanaw buhat sa kanilang pwesto. Walang silang mahingian ng tulong at hindi mawala ang takot at pangamba sa dibdib niya dahil malaki ang posibilidad na maabutan sila ng baliw na lalaki kung magtatagal pa sila doon.Nanatili lang sila sa loob ng sasakyan habang hindi sumusukong ayusin ng ginoo ang sira ng makina nito. Naghihintay sila na magkaroon ng milagrong maayos nito iyon kahit na mababa lang ang posibilidad na magawa ‘yon ng ginoo. Lalo pa at wala itong tools na magagamit.Lumipas pa ang ilang minuto at mas lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa takot at kabang nararamdaman. Habang tumatagal ay mas nadadagdagan iyon na halos marinig na niya ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya.Maya't-maya rin ang pagtingin niya sa likod ng sasakyan para

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 42

    Lumipas ang ilang araw at hindi tumitigil si CJ at ang magulang ni Caren sa paghahanap sa dalaga. Hindi sila nawawalan ng pag-asa sa paghahanap sa kasintahan pero sa bawat paglipas ng araw ay laging bigo silang matagpuan kung nasaan si Caren.Walang araw na hindi siya nag-aalala sa kalagayan ng kasintahan lalo na sa anak nilang dinadala nito. Kung nakakakain ba ito ng tama, kung umiiyak ba ito dahil sa sobrang takot at kung kumportable ba ito kapag natutulog. Sana naman ay hindi ito sinasaktan ng Mark Clemenso na iyon.Napabayaan na ni CJ ang sarili dahil sa paghahanap kay Caren. Hindi siya masyadong makakain nang maayos dahil tila nawalan siya ng gana at walang gabi ang hindi siya umiinom ng alak para dalawin siya ng antok. Dahil kahit ang pagtulog sa gabi ay hindi niya magawa sa sobrang pag-aalala sa dalaga. Tanging ang alak lang ang karamay at kasama niya hanggang sa makatulog siya sa sobrang kalasingan. Kaunti lang naman ang naiinom niya dahil mahina ang toleranc

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 41

    Nagising si Caren sa hindi pamilyar na kwarto. Medyo may kaliitan lang iyon at sa maliit lang na papag siya nakahiga. Wala siyang ibang bagay na makita doon at gawa lang sa kahoy ang buong silid. At kahit sahig ng kwarto ay gawa sa tabla maging ang dingding nito. Makaluma iyon kung titingnan pero matibay at maganda naman ang kabuuan ng silid. Kulang lang sa mga kasangkapan na tila wala sadyang tao ang nakatira doon. Medyo maalikabok din ang silid na tila matagal ng walang umuukupa sa kwarto.Nanghihina at medyo nahihilo siya nang pilitin niyang bumangon sa papag na mayroong manipis na mattress. Mariin niyang naipikit ang mga mata dahil tila umiikot ang kanyang paningin at pasalamat siya ng agad din iyong nawala nang muling buksan niya ang kanyang mga mata. Unti-unting ding naging maaayos ang kanyang pakiramdam kasabay nang malinaw na pagpasok ng eksena sa kanyang isipan kung bakit siya napunta sa lugar na iyon. Oh God...Agad na binalot ng kaba at takot ang buong pagkatao

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 40

    Ilang araw ang mabilis na lumipas buhat nang makabalik si Caren at Jayvee sa lungsod. Simula na rin ang klase ni Jayvee at isang taon na lang ang bubunuin nito para makapagtapos. Iyon na lang ang hinihintay nila para makapagsimula na sila sa bubuuin nilang sariling pamilya. At sa Isla Montellano nga nila napiling magsimula.Muling naiiwan si Caren sa bahay kasama ang kapatid nitong si Carl Angelo. Minsan ay hinihintay niya si Jayvee sa bahay nito pero kadalasan ay nasa bahay lang siya ng magulang dahil nahihirapan siyang gumalaw. Hindi niya rin maiwan na mag-isa ang kapatid dahil madalas nasa labas ng bansa ang magulang kaya kung nasaan siya dapat ay laging kasama niya ito.Limitado na rin ang mga galaw niya at iilan na lang ang gawaing-bahay ang pwede niyang gawin. Dapat magaan lang at madalas kapag kasama niya sa bahay ang binata ay hindi siya nito hinahayaang tumayo para tumulong sa gawaing-bahay. Nakaalalay din lagi ito sa bawat galaw niya at kulang na lang ay buhatin

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 39

    "Wala ka na bang ibang lugar na gustong puntahan? Aalis na tayo bukas," wika ni Jayvee na nakakuha ng atensyon ni Caren buhat sa panonood ng tv. Kasalukuyan silang nasa living room at inuubos ang kanilang oras dahil wala silang planong puntahan ng araw na 'yon.Mabilis na lumipas ang mga araw at tulad ng sinabi nito ay bukas na ang alis nila sa isla. Walang araw na hindi nila sinulit habang nandoon sila pero kahit ganoon ay tila kulang pa rin dahil madami pa siyang lugar na gustong puntahan. Pero wala na silang natitira pang oras dahil mabilis na naubos ang dalawang buwang bakasyon nila doon. Gusto niyang manatili pa sila sa isla pero hindi na pwede dahil one week na lang ay magsisimula na ulit ang klase ni Jayvee."Madami pa akong gustong puntahan dito sa isla pero wala na tayong oras. Bakit kasi ang bilis lumipas ng mga araw?" nakangusong anas niya na mahina nitong tinawanan.Naramdaman niya ang paghalik ng kasintahan sa ulo niya bago hinaplos ang kanyang lima

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 38

    Malawak ang ngiti ni Caren habang inaalala ang naganap sa mga nakaraang araw habang nananatili sila sa Isla Montellano. Mahigit isang buwan na ang mabilis na lumipas buhat ng nangyari ang lahat at marami na ang nagbago mula noon. May nawala, pero may pumalit. May umalis pero nangakong babalik. At naayos na ang lahat sa pagitan nilang tatlo ni Jayvee at Laila.Nagkapatawaran at nagkasundo sila ng dalaga na ngayon ay naging kaibigan na rin niya. She's really kind and beautiful katulad ng sinasabi ni Jayvee sa kanya. And she's also brave lalo na ngayong hinaharap nitong mag-isa ang lahat dahil pansamantalang umalis si Darwin para hanapin nito ang sarili at para paghilumin ang sugat na tinamo nito sa pagkawala ng anak. At alam nilang bukod doon ay may iba pang rason ang binata.Kaya naiintindihan nila iyong lahat because it's really hard and painful for him— for them. Kaya sila ngayon ang karamay at kasama ni Laila. Pati na rin ang mga magulang at ang kaibigan nito

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 37

    Hindi mapakali at pabalik-balik si CJ sa tapat ng pinto ng emergency room kung nasaan si Laila. Agad niyang dinala ito sa hospital lalo na nang makita niya ang dugo sa mga hita nito. She's bleeding at labis ang takot at pag-aalala niya para sa dalaga. Lalo na at paulit-ulit na sinasambit nito ang salitang 'my baby' bago ito tuluyang mawalan ng malay.She's pregnant kaya doble ang nararamdaman niyang takot at pangamba. Sobra ang pag-aalala niya para kay Laila at sa batang nasa sinapupunan nito. Please, God.. Sana po parehong ligtas ang mag-ina.He keeps on pacing back and forth habang hinihintay na may lumabas sa emergency room. Gustong-gusto niyang malaman ang kundisyon ng dalaga and he's hoping na sana ay parehong ligtas ang mga ito. Halos isang oras na siya doon at habang tumatagal ay lalo siyang hindi mapalagay. Kinakain ng guilt ang buong pagkatao niya dahil kasalanan na naman niya. May panibagong kasalanan na naman siyang nagawa kay Laila samantalang hindi pa ni

DMCA.com Protection Status