Nagpatuloy ang ganoong relasyon ni CJ at Caren. Si CJ ang naging pansamantalang lunas ni Caren 'pag sinusumpong ang dalaga ng sakit nito at kahit papaano ay nakatulong iyon sa kalagayan ng kaibigan. Nanatili si CJ sa tabi ni Caren at lalong tumibay ang kanilang samahan bilang matalik na magkaibigan. Isang magkaibigan na may nakatagong lihim na pamilya lang ni Caren ang may alam pati na rin si CJ.
Pero hindi iyon hadlang sa binata para ipagpatuloy ang nasimulan nila ng dalaga. Ang mahalaga ay matulungan niya ito kahit na paulit-ulit siyang nagkakasala sa kanyang nobya. Dahil kung titimbangin niya ang halaga ng dalawang babae sa buhay niya, wala siyang pipiliin dahil sa ngayon pareho lang silang mahalaga sa buhay ng binata. Pantay at walang nakaka-lamang.Alam ni CJ na unfair iyon sa dalawang babae lalo na sa nobya niyang si Laila. Na handa siyang paulit-ulit na magkasala dito para lang matulungan ang kaibigan niyang si Caren. Samantalang sa parte naman ni Caren, wala"I need you, Jayvee.. Please help me. Hindi ko na kaya," boses ng umiiyak na dalaga. Pabaling-baling ang ulo ni CJ kaliwa't kanan habang naririnig ang boses ni Caren sa panaginip ng binata. Umiiyak ito at humihingi ng tulong."Please.. Hindi ko na kaya, Jayvee. Hirap na hirap na ako," muling anas ng boses ni Caren pero hindi makita ng binata ang dalaga. Kadiliman lang ang kanyang nakikita pero sobrang lapit ng boses ng dalaga sa kinatatayuan niya."Caren! Where are you, baby? I'm already here, Kulot!" CJ shouted pero tanging pag-iyak lang ng dalaga ang narinig niya. She's sobbing at bakas doon ang paghihirap nito."Caren!""Baby!""Kulot!"Paulit-ulit na pagtawag ni CJ kay Caren hanggang sa nagising siya buhat sa masamang panaginip. Napaupo siya sa kama habang habol ang paghinga at pawisan din ang kanyang noo. Napasabunot siya sa sariling buhok at bahagyang napahaplos doon bago umalis sa kama niya. Pilit inignora ang kanyang masamang panaginip.It'
Pagkarating ni CJ sa lungsod, dumiretso agad siya sa bahay ng magulang ni Caren para puntahan ang dalaga. Ilang oras din ang naging byahe niya bago makarating sa lungsod at maayos siyang nakapag-isip habang nasa byahe. Buo na ang desisyon niya at hindi na mababago pa iyon kahit na may humadlang pa. Mahal niya si Caren at sisimulan na niyang iparamdam at ipakita iyon sa dalaga. At gagawin niya ang lahat para mahulog din ito sa kanya.Pumasok siya ng gate bahay ng magulang ni Caren dala ang ilang gamit niya. Mamaya na lang niya iyon iuuwi dahil mas prayuridad niya ngayon ay ang kalagayan ng dalaga. Dahil hindi naman siya tatawagan ng Ninong Carlo niya kung hindi iyon mahalaga at sigurado siyang tungkol iyon sa sakit ng dalaga. And he's hoping na sana ay ayos lang si Caren. Sana ay walang masamang nangyari dito habang wala siya sa tabi ng kaibigan.Pagpasok niya sa bahay ay nakita niya sa living room ang magulang ng dalaga. Nagmano muna siya sa mga ito bago siya umupo kaharap
Mabilis na naalis ang pang-itaas at pang-ibabang suot ni CJ at tanging boxer lang ang naiwang saplot sa katawan ng binata. Hindi sila tumitigil sa maalab at puno ng kasabikang halik na parang doon naka-depende ang buhay nilang dalawa. Na parang hindi sila pwedeng tumigil dahil ikamamatay nila iyong pareho. Sabik at uhaw, iyon ang mababakas sa pamamaraan ng paglalaban ng mga labi nila. Kapwa nadadarang sa init ng katawan at tuluyang nakalimutan ang kasalukuyan at ang limitasyon o ang kanilang hangganan."Not so fast, baby. Let me pleasure you first," anas niya ng aktong ibaba ng dalaga ang boxer na suot niya. Hinawakan niya ang kamay nito at sa halip na alisin iyon sa katawan niya ay ipinatong niya iyon sa kanyang dibdib. At malakas siyang napadaing ng humaplos ang kamay ni Caren doon pababa sa six pack of abs niya.Napakainit ng palad nito at tila may hatid 'yong kuryente sa balat niya."Aahh!" he moaned dahil sa kiliting hatid ng bawat haplos ng kamay nito. Nak
Masigla ang bawat galaw ni Caren nang magising siya isang umaga. Bumalik ang saya at sigla sa kanya buhat ng makabalik si Jayvee sa tabi niya. Ibang-iba noong mga araw na wala ito at minsan niyang naisip na sumuko na lang dahil dobleng hirap ang naramdaman niya buhat nang pumunta ang binata sa Isla Montellano.Bukod dahil sa nasanay na siya sa presensya ng binata, hinahanap-hanap din ito ng katawan niya. Ang bawat haplos nito at ang masarap na sensasyong naidudulot ni Jayvee sa kaibuturan niya. At iyon ang hinahanap ng kanyang katawan kapag sinusumpong siya, ang nakakabaliw na epekto sa kanya ng binata.Ilang araw na ang mabilis na lumipas buhat ng makabalik ito galing sa isla. Ilang araw na ang nakakaraan pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang naganap ng araw na iyon. Ang nangyari sa pagitan nila ni Jayvee sa loob ng bathroom niya. Agad na nag-init ang mukha niya nang malinaw na bumalik iyon sa kanyang alaala.Alaalang mahirap kalimutan pero kay sarap balika
Naunang bumaba si Caren para magluto ng breakfast nila ni Jayvee. Iniwan niya ang binata na hindi tumigil sa panlalandi at pangungulit sa kanya pero nang makahanap siya ng magandang pagkakataon ay nakatakas siya sa kamay ng malanding si Jayvee at wala itong nagawa para habulin siya dahil wala itong saplot sa katawan. Naiwan ito sa loob ng kwarto na isinisigaw ang pangalan niya pero kasunod no’n ay ang malakas nitong pagtawa. Napakapilyo talaga at napakakulit..Sinimulan niya agad magluto nang makarating siya sa kitchen. Simpleng breakfast lang ang lulutuin niya at sinimulan niya sa pagpi-prito ng hotdog, itlog, ham, bacon at ang huli ay ang fried rice.Hindi naman maselan sa pagkain ang binata at kahit ano yatang pagkain ang ihain niya sa harap nito ay kakainin iyon ni Jayvee. Basta nakakabusog at laman-tiyan ay papatulan nito. ‘Yeah, kaya nga pati ikaw kinain ng binata!’ wika ng pilyang isipan niya na agad niyang itinaboy. Nahahawa na yata si
"So paano, bro? Labas tayo mamaya? Sama ka sa'min. Let's enjoy the night later," wika ng isa sa kambal na kaibigan ni CJ habang patungo sila sa parking lot.Kapareho ng kursong kinuha niya ang kurso ng kambal at simula nang tumapak siya sa school na pagmamay-ari ng magulang ng kambal ay naging kaibigan na niya ang mga ito mula noon. Ang kambal ang nakipagkaibigan sa kanya at mula noon ay kasama siya lagi ng dalawa sa loob ng University. At minsan lang sa labas dahil nasa tabi siya lagi ni Caren kapag wala siyang pasok.Total package kung ituring ng mga babae sa school ang kambal. Masasabi niyang may katotohanan naman iyon dahil halos lahat ay nasa kambal na. Mula sa hitsura, magandang pangangatawan, talino at syempre nagmula sa mayamang pamilya. Perpekto ang mga ito kung itong ng mga babae at ang mga babae na rin ang lumalapit sa kambal.At dahil sa may kalokohang ding taglay ang dalawa, sino ba naman sila para tumanggi. Kung palay na ang lumalapit sa mano
Medyo nahihilo at pumipintig ang sentido ni CJ habang minamaneho niya ang kanyang sasakyan pabalik sa bahay. Galing na siya sa bar kung nasaan ang kambal at nagdesisyon nang umuwi dahil sa nagsawa na siyang panoorin ang kapilyohan ng kambal sa mismong harapan niya.May balak pa ang kambal na isali siya pero panay ang tanggi niya sa dalawa. Hindi naman kaya siya nagpunta doon ay para sa babae dahil pinagbigyan niya lang talaga ang kagustuhan ng kambal na lumabas sila. At iyon na ang magiging una at huling paglabas na pagbibigyan niya ang mga kaibigan dahil sa kapilyohang taglay ng mga ito.Kanina, pagkarating pa lang niya sa bar kung nasaan ang kambal ay pinapunta agad siya ng dalawa sa isang VIP room kung nasaan ang mga ito. At doon niya nadatnan ang kambal na may kasamang isang babae na pinagsasaluhan ng mga ito. Nasa mahabang sofa ang kambal kung saan ng mga ito inaangkin ang babaeng malakas na dumadaing habang marahas na inaangkin ng dalawa.At kahit nang makapasok
Kunot ang noo at bahagyang nahilot ni CJ ang kanyang sentido nang magising siya ng sumunod na umaga. May kumawalang mahinang mura sa bibig niya dahil sa pagpintig ng kanyang sentido sa hindi niya agad mawaring dahilan. Kakaiba din ang pakiramdam ng kanyang katawan na tila nanghihina at parang sumabak sa matinding labanan kagabi. Nanatiling pikit ang kanyang mata at bahagyang natigilan nang maramdamang mayroon siyang katabi sa ibabaw ng kanyang kama. Nakayakap siya dito at gano’n din ito sa kanya. What the fuck!"Shit!" mura niya dahil sa pumasok na ideya sa kanyang isipan na baka nag-uwi siya ng babae galing sa bar ng kambal. Lalo na at may ipina-inom ang mga ito kagabi sa kanya na may halong nakakapag-pataas ng libido. Fuck! Nagkasala na ba siya sa girlfriend niyang si Caren! Oh shit! Huwag naman sana...Kinakabahan niyang iminulat ang mata at inihanda ang sarili sa mukha ng babaeng masisilayan na kanyang nakaniig kagabi. Kahit hindi pa tuluyang malinaw sa kan
Malayo ang tanaw ni Caren buhat sa balkonahe ng bahay nila ni Jayvee sa Isla Montellano. Binabalikan niya ang mga taong mabilis na lumipas buhat nang bumalik sila doon para magsimula ng kanilang binuong pamilya kasama ang anak nila. Naiwan sa lungsod ang magulang niya kasama ang kapatid pero bumibisita ang mga ito sa kanila at kadalasan ay doon nagbabakasyon.Dalawang taon na ang mabilis na lumipas buhat ng ikasal sila ni Jayvee at tatlong taon naman buhat ng maayos ang lahat sa pagitan nilang tatlo— siya, si Jayvee at si Laila. Nagpatuloy ang pagkakaibigan na mayroon sila ng dalaga at nagkaroon sila ng magandang samahan. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita sa asawa nitong si Darwin. At lahat sila ay hindi nawawalan ng pag-asa na babalik ito lalo pa at may anak na ang mga itong triplets.Dalawang taong gulang na ang anak nilang si Carla Jane at matanda lang ito sa buwan sa triplets na anak nila Darwin at Laila. Hindi na muna nila sinundan ang kanilang p
Lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa naging mga buwan. Naging payapa at matiwasay ang lahat at walang ng nanggulo sa pamilya Aldover. Wala na rin silang naging balita tungkol kay Mark Clemenso pero pinaghigpit at pinaghusay ang seguridad sa loob at maging sa labas ng bahay. Hindi pa rin sila kampante kahit na hindi na nagpaparamdam ang baliw na lalaki. Dahil malaya pa rin ito at ano mang oras ay pwede itong magpakita sa kanila at gumawa na naman ng kabaliwang naiisip nito.Nakapagsimula na rin sa Isla Montellano ang ginoo at ginang na ngayon ay masaya na rin bilang isang pamilya. Dumalo pa sila sa naging kasal ng mga ito pero mula noon ay wala na ulit silang naging balita sa mga ito. Tiyak naman silang nasa mabuting kalagayan ang mga ito dahil nasa seguridad ito ng kaibigan nilang si Christian. At agad na makakarating sa kanila kung ginugulo na naman ito ng baliw na lalaki.Bumalik na ang lahat sa dati at nakabalik na rin si Jayvee sa school. Ilang buwan na lang ang hi
Ilang beses pang sinubukan ng ginoo na ayusin ang sasakyan subalit katulad ng mga naunang subok ay bigo pa rin ito. Halos ilang minuto na silang nakahinto sa tabi ng kalsada at kahit isang bahay ay walang siyang matanaw buhat sa kanilang pwesto. Walang silang mahingian ng tulong at hindi mawala ang takot at pangamba sa dibdib niya dahil malaki ang posibilidad na maabutan sila ng baliw na lalaki kung magtatagal pa sila doon.Nanatili lang sila sa loob ng sasakyan habang hindi sumusukong ayusin ng ginoo ang sira ng makina nito. Naghihintay sila na magkaroon ng milagrong maayos nito iyon kahit na mababa lang ang posibilidad na magawa ‘yon ng ginoo. Lalo pa at wala itong tools na magagamit.Lumipas pa ang ilang minuto at mas lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa takot at kabang nararamdaman. Habang tumatagal ay mas nadadagdagan iyon na halos marinig na niya ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya.Maya't-maya rin ang pagtingin niya sa likod ng sasakyan para
Lumipas ang ilang araw at hindi tumitigil si CJ at ang magulang ni Caren sa paghahanap sa dalaga. Hindi sila nawawalan ng pag-asa sa paghahanap sa kasintahan pero sa bawat paglipas ng araw ay laging bigo silang matagpuan kung nasaan si Caren.Walang araw na hindi siya nag-aalala sa kalagayan ng kasintahan lalo na sa anak nilang dinadala nito. Kung nakakakain ba ito ng tama, kung umiiyak ba ito dahil sa sobrang takot at kung kumportable ba ito kapag natutulog. Sana naman ay hindi ito sinasaktan ng Mark Clemenso na iyon.Napabayaan na ni CJ ang sarili dahil sa paghahanap kay Caren. Hindi siya masyadong makakain nang maayos dahil tila nawalan siya ng gana at walang gabi ang hindi siya umiinom ng alak para dalawin siya ng antok. Dahil kahit ang pagtulog sa gabi ay hindi niya magawa sa sobrang pag-aalala sa dalaga. Tanging ang alak lang ang karamay at kasama niya hanggang sa makatulog siya sa sobrang kalasingan. Kaunti lang naman ang naiinom niya dahil mahina ang toleranc
Nagising si Caren sa hindi pamilyar na kwarto. Medyo may kaliitan lang iyon at sa maliit lang na papag siya nakahiga. Wala siyang ibang bagay na makita doon at gawa lang sa kahoy ang buong silid. At kahit sahig ng kwarto ay gawa sa tabla maging ang dingding nito. Makaluma iyon kung titingnan pero matibay at maganda naman ang kabuuan ng silid. Kulang lang sa mga kasangkapan na tila wala sadyang tao ang nakatira doon. Medyo maalikabok din ang silid na tila matagal ng walang umuukupa sa kwarto.Nanghihina at medyo nahihilo siya nang pilitin niyang bumangon sa papag na mayroong manipis na mattress. Mariin niyang naipikit ang mga mata dahil tila umiikot ang kanyang paningin at pasalamat siya ng agad din iyong nawala nang muling buksan niya ang kanyang mga mata. Unti-unting ding naging maaayos ang kanyang pakiramdam kasabay nang malinaw na pagpasok ng eksena sa kanyang isipan kung bakit siya napunta sa lugar na iyon. Oh God...Agad na binalot ng kaba at takot ang buong pagkatao
Ilang araw ang mabilis na lumipas buhat nang makabalik si Caren at Jayvee sa lungsod. Simula na rin ang klase ni Jayvee at isang taon na lang ang bubunuin nito para makapagtapos. Iyon na lang ang hinihintay nila para makapagsimula na sila sa bubuuin nilang sariling pamilya. At sa Isla Montellano nga nila napiling magsimula.Muling naiiwan si Caren sa bahay kasama ang kapatid nitong si Carl Angelo. Minsan ay hinihintay niya si Jayvee sa bahay nito pero kadalasan ay nasa bahay lang siya ng magulang dahil nahihirapan siyang gumalaw. Hindi niya rin maiwan na mag-isa ang kapatid dahil madalas nasa labas ng bansa ang magulang kaya kung nasaan siya dapat ay laging kasama niya ito.Limitado na rin ang mga galaw niya at iilan na lang ang gawaing-bahay ang pwede niyang gawin. Dapat magaan lang at madalas kapag kasama niya sa bahay ang binata ay hindi siya nito hinahayaang tumayo para tumulong sa gawaing-bahay. Nakaalalay din lagi ito sa bawat galaw niya at kulang na lang ay buhatin
"Wala ka na bang ibang lugar na gustong puntahan? Aalis na tayo bukas," wika ni Jayvee na nakakuha ng atensyon ni Caren buhat sa panonood ng tv. Kasalukuyan silang nasa living room at inuubos ang kanilang oras dahil wala silang planong puntahan ng araw na 'yon.Mabilis na lumipas ang mga araw at tulad ng sinabi nito ay bukas na ang alis nila sa isla. Walang araw na hindi nila sinulit habang nandoon sila pero kahit ganoon ay tila kulang pa rin dahil madami pa siyang lugar na gustong puntahan. Pero wala na silang natitira pang oras dahil mabilis na naubos ang dalawang buwang bakasyon nila doon. Gusto niyang manatili pa sila sa isla pero hindi na pwede dahil one week na lang ay magsisimula na ulit ang klase ni Jayvee."Madami pa akong gustong puntahan dito sa isla pero wala na tayong oras. Bakit kasi ang bilis lumipas ng mga araw?" nakangusong anas niya na mahina nitong tinawanan.Naramdaman niya ang paghalik ng kasintahan sa ulo niya bago hinaplos ang kanyang lima
Malawak ang ngiti ni Caren habang inaalala ang naganap sa mga nakaraang araw habang nananatili sila sa Isla Montellano. Mahigit isang buwan na ang mabilis na lumipas buhat ng nangyari ang lahat at marami na ang nagbago mula noon. May nawala, pero may pumalit. May umalis pero nangakong babalik. At naayos na ang lahat sa pagitan nilang tatlo ni Jayvee at Laila.Nagkapatawaran at nagkasundo sila ng dalaga na ngayon ay naging kaibigan na rin niya. She's really kind and beautiful katulad ng sinasabi ni Jayvee sa kanya. And she's also brave lalo na ngayong hinaharap nitong mag-isa ang lahat dahil pansamantalang umalis si Darwin para hanapin nito ang sarili at para paghilumin ang sugat na tinamo nito sa pagkawala ng anak. At alam nilang bukod doon ay may iba pang rason ang binata.Kaya naiintindihan nila iyong lahat because it's really hard and painful for him— for them. Kaya sila ngayon ang karamay at kasama ni Laila. Pati na rin ang mga magulang at ang kaibigan nito
Hindi mapakali at pabalik-balik si CJ sa tapat ng pinto ng emergency room kung nasaan si Laila. Agad niyang dinala ito sa hospital lalo na nang makita niya ang dugo sa mga hita nito. She's bleeding at labis ang takot at pag-aalala niya para sa dalaga. Lalo na at paulit-ulit na sinasambit nito ang salitang 'my baby' bago ito tuluyang mawalan ng malay.She's pregnant kaya doble ang nararamdaman niyang takot at pangamba. Sobra ang pag-aalala niya para kay Laila at sa batang nasa sinapupunan nito. Please, God.. Sana po parehong ligtas ang mag-ina.He keeps on pacing back and forth habang hinihintay na may lumabas sa emergency room. Gustong-gusto niyang malaman ang kundisyon ng dalaga and he's hoping na sana ay parehong ligtas ang mga ito. Halos isang oras na siya doon at habang tumatagal ay lalo siyang hindi mapalagay. Kinakain ng guilt ang buong pagkatao niya dahil kasalanan na naman niya. May panibagong kasalanan na naman siyang nagawa kay Laila samantalang hindi pa ni