Blessings
"Anak. Anong nangyari?" humahangos na si mama ang pumasok sa presinto. I bit my lip. Nakaabala pa tuloy ako kay mama.
"Ma, 'yung lisensiya?" tanong ni ate ng makalapit si mama.
"Ito," inabot iyon ni mama kay ate. "Sir, ano po bang nagawa ng mga anak ko?" tanong ni mama sa pulis na nasa harapan namin. Nasa gilid lang ang lalaki at nagpo-phone. Nakakunot ang kilay niya habang nagta-type pero ang gwapo niya talaga. Ehe.
"Ang anak niyo po ay nakabangga ng sasakyan, Ma'm. Pag-uusapan po ang bayad sa damages ng kotse ni Sir," sabay turo ng pulis sa lalaki na abala pa rin sa phone niya.
"Lumabag din po ang anak niyo sa kawalan ng lisensiya at nag-maneho ng sasakyan kahit minor de edad pa," Ate Yiesha tsked at abot sa pulis ng lisensiya ko.
"Kuya, sabi ko po sa inyo may lisensiya ang kapatid ko, ayan po oh," inis na sabi ni ate.
"Naiwan lang ng anak ko ang lisensiya sa bahay kaya idinala ko rito," dagdag ni mama na parang nai-stress na rin sa nangyayari.
"Sir," tawag ng pulis doon sa lalaki. Nag-angat ito ng tingin sabay baling sa amin. Ang piercing niya ay sumilaw dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas. Ba't sa kanya bagay ang piercing sa tenga pero doon sa mga tambay sa amin mukhang mga naka-droga? Tsk.
He walked near us and faced the police.
"Sir, may lisensiya ang nakabangga. Ayusin na lang ang bayad sa sira ng kotse," anang pulis. Tinitigan ko siya. Hay nako! Ang gwapo talaga eh. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-gwapong lalaki sa tanang buhay ko.
Siniko ko si ate, liningon niya ako. Nginuso ko ang lalaki kaya taka niya itong binalingan.
Humagikhik ako ng mahina. "Ate ang gwapo niya," I pursed my lips and bit it. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Alam kong gwapo siya pero nakabangga ka, Yenji. Anong magagawa ng papuri mo diyan?" supladang sagot ni ate. Napatikom na lang ako ng tingin.
"Totoy," muntik na akong matawa sa tawag ni mama doon sa lalaki. Mukhang nagulat din ito sa tawag sa kanya ni mama.
"Yes?"
"Magkano ba ang babayaran ng anak ko? Malaki ba ang sira?" tanong ni mama.
"My car wasn't like the car that you owned. It's a BMW, it's way expensive than what you think, Ma'm," napalunok si mama sabay bulong kay ate na rinig ko rin naman.
"Pa-translate nga anak," I tried to stifle my laugh. Jusko ma, kailangan pala natin ng translator dito!
Tumango-tango si mama ng i-translate na sa kanya ni ate ang sinabi ng lalaki.
"Magkano nga ulit, Toy?" tanong ulit ni mama.
Nagulat ako ng tumingin ito sa akin. Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko. Nagagandahan ba siya sa'kin? Oh my, alam ko na 'yon dati pa! He licked his lower lip kaya pumula ito lalo. Malapit na ata ako mag-deliryo rito!
"Can I talk to your daughter, Ma'm?" nanlaki ang mga mata ni mama at tiningnan kaming dalawa ni ate.
Bumulong ulit si mama kay ate.
"Yiesha, anong english ng 'alin sa kanila'?"
"Which of them, ma," tumango si mama at tumingin na ulit kay pogi at nginitian.
"Which of them?" nagkatinginan ulit kami ni pogi.
"Her," then he pointed me out. Tumango-tango si mama.
"Privately," dagdag pa ni pogi. I bit my lip. Tumalikod ako ng kaunti sa kanila sabay dila dahil sa kilig. Oh guliwawawaw! Jackpot na ba 'to? Gusto niya na ba ako? Sana pala dati pa ako nang-bangga ng kotse kung ganito lang rin pala ang makaka-encounter ko lagi!
Napadaing ako ng kurutin ako ni ate.
"Umayos ka nga, Yenji. Ang gaslaw mo," puna ni ate, sumimangot ako pero ngumiti rin ng mapansing nakatitig na naman sa'kin si pogi. Hays, 'di ka ba makapagpigil na titigan ako? Pwede naman kitang hayaan mag-hapon eh basta mag-sabi ka lang.
Nakakasawa talagang maging maganda.
"You don't need to pay for the damages now. I'll just buy a new one later," he boredly told me. Nasa tabi na kami ng police station sa labas. Private raw eh, shige ne nge.
Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga? Thank you!" at ngumiti ng malapad. Edi wala na palang po-problemahin si mama eh! But I got conscious when he scanned me from head to toe.
"Bakit?" I asked him. Our eyes locked again. He licked his lips. Ang haba ng pilik niya! Mahaba rin naman ang akin at malantik pa kahit hindi ko na gamitan ng lash curler.
"But you need to be my.. fake girlfriend," then he looked away. Nalaglag ang panga ko at sinundan ang tingin niya.
"Teka! Teka! Sinabi ko lang naman na pogi ka pero hindi ko sinabing jejewain kita 'no!" tumaas ang kilay niya.
"Handsome, huh?" napakurap-kurap ako.
Umirap ako. "Hindi pwede. Gwapo ka lang talaga pero ayaw ko pa mag-boyfriend. No! No! No!" maarte kong sagot. He tsked. Ang suplado talaga.
"Pay for the damages, then," sabay lagpas niya sa akin at pumasok na ulit sa presinto.
Napakamot ako ng ulo. Anong girlfriend sinasabi niya? Napaka-speed naman nito! I LOVE YOU NA NGA KASI! Psh.
"I'll just send you the amount of the damages. I need your address, Ma'm," anang lalaki kay mama. Tiningnan niya ako kaya napayuko ako.
"Hindi na ba ito magagawan ng paraan, Toy? Wala kaming sapat na pera pambayad sa kotse mo," seryoso akong binalingan ulit ni pogi.
"Talk to your daughter, Ma'm," he replied then shrugged his shoulders. I glared at him. Lumapit kaagad sa akin si mama at tinanong ako.
"Ano bang pinag-usapan niyo, Yenji?" usisa ni mama. Bumuntong hininga ako at tingin kay Ate Yiesha na nakatingin na rin pala sa'min.
"Ma.. sabi niya wala na raw tayong babayaran," malumanay kong sagot. Bahagya akong pinalo ni mama sa braso.
"Eh 'yun naman pala eh!" at lumitaw ang malapad niyang ngiti. Sana ol.
"Pero magiging fake girlfriend niya raw ako, ma," doon nawala ang ngiti ni mama.
Akala ko magagalit siya pero nagulat ako ng tumawa siya at bahagya akong tinulak sa tabi para harapin si pogi. Kumunot ang noo ko. Problema ni mama?
"Sus! 'Yun lang ba, Toy? Hanggang kailan ba?" his brow raised, his serious expression remained. He looked at me.
Umiling-iling ako at pinandilatan siya ng mata.
"Until it was paid," he shortly answered.
"Walang specific na araw?" tanong ni mama.
"Yes, I can't still count on it."
"Ma.." tawag ko sa kanya pero hindi ako nito pinansin.
"Sige lang, Toy! Mabait 'yang si Yenjilane," at ngumiti pa si mama. Umayos si pogi ng tayo at tumango kay mama. Lumakad naman ito papunta sa akin at naglahad ng kamay sa harap ko. Tiningnan ko iyon.
"Ash," he introduced his name. I raised my brow.
I shook his big hand with long fingers. Ang liit ng kamay ko kumapara sa kanya.
"Yenjilane, but you can call me, baby--ay este Yenji," sabay tawa ng mahina at kalas agad sa kamay niya. Mamaya 'di niya na pakawalan kamay ko eh. Charot kapal ko naman. Tumango siya. May nilabas siya sa wallet niya at inabot iyon kay mama.
"Here's my number, Ma'm, if you need to ask me something," he said. Tsk! Hindi man lang nagpakilala sa magiging mama niya at ate niya charot.
"Salamat talaga, Ash!" anang mama. Pasimple kong inamoy ang kamay ko at dumikit doon ang amoy ng kamay ni Ash. Hays baby pala. My bad.
"You're welcome, Ma'm," bumaling ito sa pulis. "Thank you for the service, Sir," tumango ang pulis.
"Welcome, Sir," tumango si Ash sa kanya at sa amin.
"Aalis na po ako," nanlaki ang mga mata namin. Nagta-tagalog pala 'to eh!
"Oh siya, ingat sa biyahe, Ash!" pamamaalam ni mama kaya lumabas na siya sa presinto at iniwan kami. Ako na baby niya. Ehe. Enebe.
"Sana pala ako na lang 'yung bumangga," napalingon ako kay ate ng magsalita ito sa tabi ko. Tumawa ako.
"Hay, ate. Akala ko malas ang araw na 'to pero ang laki palang blessings ang matatanggap ko!"
Umirap si Ate Yiesha. "Edi sa'yo na ang korona."
"Akin na talaga si Ash," sabay mahinang tili at kinurot-kurot si ate.
Goodluck"Nabangga?" gulat na tanong ni papa ng kumakain kami sa hapag kinagabihan.I pouted. "I'm sorry, pa.""Ipapa-ayos ko na lang sa talyer, pa," singit ni ate. Tiningnan ni papa si mama."Wala tayong pambayad sa damage ng sasakyan kaya pumayag ako, Yain," sagot naman ni mama. Napabuga si papa ng hangin sabay hilot sa sintido niya."Bakit naman kasi tinuruan mo agad ang kapatid mo, Yiesha? Hindi ba't sabi ko ay dapat kasama ako?" anang papa. Napayuko si ate."Sorry po," bumaling naman siya sa akin."Okay lang ba talaga sa iyo 'yon, Yenji?" tanong niya sa'kin. Tumango ako at bahagyang ngumiti."Okay lang po, pa," magalang kong sagot. Tumango siya."Oh siya, magpatuloy na sa pagkain."Tumikhim si mama. "Pero ang gwapo ng Ash na 'yon, Yain! Mukha tal
PinambayadPagkatapos ng quiz ay nag-end na rin ang klase namin. I stood up and tied my hair in a high ponytail. While Teasia on the other hand, applied tint on his lips and cheeks."Teasia," I called her. She raised her brows, still looking at the small mirror she's holding."Can you just wait me outside the campus? I'll just talk to someone," I caught her attention now. Teasia closed her compact mirror and slid it inside her bag as well as her tint. She stood up and smiled at me."Sure. Let's go," I nodded and just followed her outside.We are now walking in the hallway leading outside the campus when I saw Pearl and her friends nearing us.Pearl's brow raised. She made her squad stopped from walking. She crossed her arms in front of me. Tiningnan niya si T
Water"You should have just called me so I can lend you some money!" she ranted. I frowned."Ehh! Nakakahiya naman," she rolled her eyes and crossed her arms against her chest. Ay, wala nga pala siyang hinaharap. Charot."Since when did you feel the shame?" I glared at her."Ang sama ha! Buraot lang ako pero nahihiya rin naman ako minsan! Minsan nga lang!" she tsked."Oh, eh pa'no 'yan? Kaya mo ba? You never did boyfriends before. Baka nga hindi mo pa alam ang mga ginagawa ng mga mag-boyfriend and girlfriend," I rolled my eyes."Alam mo? Umuwi ka na lang kaya? Tinutuya mo lang ako dito eh.""Eh totoo naman kasi! Never ka pang nagka-boyfriend!""Eh sa ayoko eh! Bakit ko pipilitin? Hindi naman ako katulad mo na kapag sawa na sa isa, hanap na lang ulit sa listahan mo then, boom
Deal"Yenji! Aba't bakit nagpa-hatid ka pa kay Ash? Nakuu! Nakakahiya naman kay pogi!" si mama ng pinapasok niya pa si Ash sa bahay. Tss. Kahit kailan talaga nakakahiya si mama kapag may poging bisita! Ibinaba ko ang bag sa may upuan at sumimangot. Samantalang sa maliit na sofa naman pinaupo ni mama si Ash. Napaka-unfair ni mama."It's fine, Ma'm. At least your daughter was safe on her way back home," I made a face as I bit on the bread thay was placed over the table."Ma! Nakauwi na ba si Ate?" paniningit ko sa usapan nila."Tumaas ka ng makita mo, Yenji," tugon niya. I sighed and just marched upstairs if there's sign that Ate Yiesha's already home.But there's no Ate. Nasa trabaho pa siguro.Nag-aaral na ako sa kwar
Comfort and calmKinaumagahan ay maaga akong nagising. Bumangon ako sa kama at nag-hilamos na sa banyo bago bumaba at naabutan ko naman si mama na nagluluto ng umagahan para sa amin. Ngumiti ako. Nagluluto siya ng tuyo at itlog, tapos meron pang sinangag."Morning ma! Ang sarap naman ng niluluto mo!" anang ko at umupo sa monoblock. Nangalumbaba ako roon habang nakatanaw lang kay mama. Tumingala ako sa may orasan at nakitang five thirty pa lang ng umaga. Alas siyete ang oras ng first subject ko ngayon. Ang aga kong magising ngayon ah? Ang ganda rin ng gising ko. Bakit kaya?"Goodmorning, 'nak. Ang aga mo ata ngayon?" tanong sa akin ni mama at inilapag sa lamesa ang mga niluto niya. Napahimas ako sa tiyan ko dahil natakam sa mga ulam. Pinagtimpla ako ni mama ng mainit gatas at kanin."May trabaho ngayon si papa, 'ma?""Oo, pero mama
End upUmiiyak lang ako habang kalapit ko pa rin siya, walang imik at pinapanood lang ako. My hands were covering my face as I sobbed hard."What happened? I was waiting for you at the parking lot but you didn't go there," he told me.Pinunasan kong muli ang luha ko at inayos ang mukha bago siya sagutin."Nagkasagutan lang kami ng ex mo," natigilan siya at hinabol ang tingin ko."Si Pearl? You did know each other?" tumango ako at tumawa pero walang humor doon."Yeah. Kontrabida iyon sa buhay ko," diretsahan kong tugon sa kanya."I didn't know that. So was she the reason why you are crying right now?" he asked.I scoffed. "Oo. Hays, tama na nga 'to. Nakapag-ditched pa tuloy ako ng klase dahil sa pag-i-emo ko," sabay tayo ko at kuha sa bag ko. Ilang minuto na lang naman at matatapos na ri
Jerlane"Ma.." tawag ko sa kanya habang nagsa-saing siya sa lababo. Liningon niya ako saglit bago ilagay na sa bukas na kalan ang kaldero."Ano 'yon?" tanong niya at nag-pahid ng kamay sa pamunasan na nakasabit sa handle ng refrigerator.I bit my lip. "Magpa-part time na ako."Natigilan siya at mariing tumingin sa akin. Maging ang mga kilay niya rin ay nagsa-salubong."At bakit naman?""Ako na ang magbabayad doon kay Ash. Nag-back out na 'ko 'ma," bumuntong-hininga siya at umupo sa harap ko."Bakit ka naman nag-back out? Alam mo namang mahal ang babayaran sa kotseng 'yon, Yenji! Kahit mag-part time ka pa. Bakit naman kasi sa mamahaling sasakyan ka pa bumangga?" tanong ni mama sa akin. Yumuko ako at nanahimik."Ano? Saan ka magpa-part time? Maayos ba 'yan?"Nag
ReasonNahiya tuloy ako ng makarating sa iba't-ibang building ang asaran kanina sa amin ni Sir Jerson. Pero sa bagay, dati naman ay marami na talagang nai-issue kay sir kaya normal na ang mga ganito sa campus. Pero nakakahiya talaga dahil kahit ang mga engineering students ay inaasar ako sa cafeteria!"Oy Yenji! Bagay kayo ni Sir Jerson!""Jowain mo na!""Ilan ba agwat niyo? Baka pwede pa!"Natawa ako sa tanong na 'yon. Agwat? Tae hindi ko naman naiisip na jowain si sir 'no! Crush lang pwede pa pero ang jowain? No way! Wala 'yan sa vocabulary ko, tsk."Grabe ha. Sumisikat ka sa campus ah?" asar sa'kin ni Teasia habang kumakain kami ng lunch dito sa cafeteria. Ngumiwi ako at uminom ng juice bago sumagot sa kanya."Bakit ba kami na-issue agad? Eh ang sabi lang naman niya, "Just make sure it's me you are thinking ab
Ring"Bro! Kanina ka pa nakatitig diyan kay Yenjilane! Ligawan mo na kasi!" I glared at my friend, Cris."Torpe siya, bro!" Phillip butted in. I sighed and stood up."Oh! Magpapalipas na naman sa ibang babae! Kung dinidiskartehan mo na lang ang crush mo!" my brows arched."The fuck, bro?! Crush?! That's just for highschool! That's corny," tumawa sila."Oh sige na, Ash. Diskartehan mo na lang ang mahal mo," Cris teased me more.I threw my plastic cup on them before I walked away from them. But my eyes immediately locked up when I saw her, Yenjilane. She's talking with his friend, Teasia. I pressed my lips and ruffled my hair, getting frustrated. I saw some guys hitting her everyday but she kindly take them all down so I am that scared to confess my feelings for her. I know that was cheesy but, damn.. I like her a lot.I took out my
CrazyNanlamig lalo ang mga kamay ko ng makarating na kami sa mansion nila sa Cavite. I bit my lips that was starting to tremble a bit now.I looked at our hands when Ash intertwined it an held my hand tightly. Like before, he caressed it that gaves me comfort. I exhaled and smiled at him."Let's go?" I nodded.Bahagyang nagulat ako ng sumalubong sa amin ni Ash ang mommy niya na nakangiti sa amin. Yinakap niya ang anak niya kaya't napa-iwas ako ng tingin at sinusubukang kumalas sa magka-salikop naming mga kamay pero humigpit lamang ang kapit ni Ash doon. Kinagat ko ang labi ko pero umayos din ng mapansing tinitingnan ako ng daddy ni Ash kalapit ng asawa niya."Yenjilane, hija. Kamusta ka na?" tanong niya sa akin. Napasulyap ako kay Ash at tinanguan niya lang ako. Sinasabing okay lang, at sumagot ako sa daddy niya.
WaffleLumipas ang ilang linggo at hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin akong nililigawan ni Ash. Sabi niya'y hindi raw siya titigil sa panliligaw kahit anong mangyari.I am on my apartment here in Cavite again. Still busy replying to our clients for some renovations, meetings with clients, and such. Ang sakit na nga ng mata ko dahil kanina pa akong nakaharap dito sa computer ko.Nag-ring ang phone ko kaya't napatigil ako sa pagti-tipa at tinanggal muna ang salamin sa mga mata ko.Tumatawag si Ash. Bumuntong-hininga ako at sinagot ang tawag niya."Hello.""Are you in your apartment today?" tanong niya. Sumandal ako sa upuan ko at nag-unat."Oo. Busy ako. Bakit?""Nothing. I'm just checking. You have your period this week. What do you want to eat?" kumunot ang noo ko. At napatingin sa kalendaryo. Tama siya. Mero
Pipilitin"Oh, Jorise! Yiesha nandito na si Jorise!" tawag ni mama kay ate na nasa taas."Magandang umaga po, tita," bati ni Jorise at nag-mano kay mama.Bumuntong-hininga ako at kumuha ulit ng popcorn sa mangkok na hawak ko dahil nanonood ako ng movie sa t.v namin. "Upo ka, Jorise. Teka't maglalabas ako ng makakain," anang mama at pumunta sa kusina.Tumingin siya sa akin bago umupo sa isa pang couch kalapit ko."Hello, Jorise. May date kayo ni ate?" tanong ko, nakatutok pa rin ang paningin sa palabas. Tumango siya at umayos ng upo."Yes. I think she's still dressing up," he told me and I nodded. "How's your work in Cavite?" biglang tanong niya sa'kin. Medyo close naman kami nitong magiging kuya ko eh.I smiled. "Ayos naman lang naman, kuya. Nakakapagod pero okay lang," tumango siya at para may sasabihin pa
Right time"U-Uh.. Ash!" I awkwardly laughed and quickly pay for the phone cases I bought and took it from the girl. "I'm really in a hurry. Bye!" I quickly walked away from him, getting stressed out and a bit tensed.My heart is still beating fast. I feel like it could go out of the rib cage in any minute because of it, pounding really hard."Yen!" I got goosebumps when I felt his cold hand held my elbows. I turned to him, nagtataka kung bakit tinawag niya ako. He bit his lip. "You.. forgot about this.." my eyes literally widened. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako ano mang oras.It was his picture that I got out of my hold a few minutes ago!I shook my head. "T-That's not from me," I lied and looked away.His brows arched. "But I saw how this picture fell from your hand a while ago."I cleared my throat. "Why would I keep a pictur
Case"Ma.. uuwi na rin ako diyan. Siguro next week? Marami lang akong appointment kaya madalang na akong nakakabisita diyan," I explained through the call.I heard my mother sighed. "Sobrang tutok mo na sa trabaho, 'nak. Bawal bang mag-leave ka muna? Sobra ka ng napapagod diyan," she seems worried about me. I smiled and placed my phone between my shoulder and ear then I continued typing on my laptop."Okay lang ako, mama. Uuwi na rin naman talaga ako next week. Magpapahinga lang ako ng ilang araw bago pumunta diyan. Gusto ko na ring makita 'yang pina-renovate na bahay," I chuckled a bit."Oh, kakausapin ka raw ng papa mo--Yenjilane, anak?" napabuga ako ng hangin ng marinig muli ang boses ni papa. Nami-miss ko na sila. Sobra.Tuwing ika-dalawang b
Architect"T-Teka, teka," hinatak ko ang kamay ko mula sa kanya. Napatigil kaming pareho at nilingon niya ako, nagtataka."Why?""Uuwi na ako. Walang taxi na dumadaan diyan," I reminded him. His brows arched."But my car is here. I'll take you home now--" kaagaran akong umiling."Hindi na, hindi na. Kaya ko. Hindi naman ako lasing," sabay talikod ko sa kanya at nagsimula ng maglakad palayo sa kanya. Rinig ko pa ang tawag niya sa'kin pero hindi ko na pinansin pa.I texted my friend, Teasia, that I'm going home na. I can't go inside the bar again dahil baka makasalubong ko na naman ang Cole na 'yon. Medyo nahihilo pa rin ako pero I can manage naman.Tila nagliwanag an
Get out of here"Tara, gala tayo," yaya ko kay Teasia pagkatapos ng klase. Tumingin siya sa akin at itinago ang phone niya sa bag niya."Let's drink? I know some bar here. Few shots lang," she suggested."Hindi naman ako umiinom, Teasia," pagpapaalala ko sa kanya at nagkibit-balikat."Kaunti lang naman! Hindi tayo maglalasing!" pamimilit niya.Umirap ako. "Sige na. Sunduin mo na lang ako sa'min."She smiled. "Yeah, hatid ka na rin namin pauwi," tumango ako."Sige ba, para tipid," we laughed and finally get in their car. As usual may driver siya at nasa work ang parents niya abroad para sa business nila. Ang kasama niya lang sa bahay ay ang kuya niya na may trabaho n
Get out of here"Tara, gala tayo," yaya ko kay Teasia pagkatapos ng klase. Tumingin siya sa akin at itinago ang phone niya sa bag niya."Let's drink? I know some bar here. Few shots lang," she suggested."Hindi naman ako umiinom, Teasia," pagpapaalala ko sa kanya at nagkibit-balikat."Kaunti lang naman! Hindi tayo maglalasing!" pamimilit niya.Umirap ako. "Sige na. Sunduin mo na lang ako sa'min."She smiled. "Yeah, hatid ka na rin namin pauwi," tumango ako."Sige ba, para tipid," we laughed and finally get in their car. As usual may driver siya at nasa work ang parents niya abroad para sa business nila. Ang kasama niya lang sa bahay ay ang kuya niya na may trabaho n