Muling nagtanong si Jenny, "Bakit ka naman sigurado na hindi gusto ni Hillary na maging ginang ng pamilya Gavinski?” "Napilitan siyang pakasalan si Hugo. Alam mo ba kung bakit ka niya hinarap noong araw na iyon? Lahat ng tao ay may kahinaan, at ang kahinaan ni Hillary ay ang kanyang mga magulang. Ginamit sila ni Dad upang pilitin siyang pakasalan si Hugo. Kung hindi, bakit siya magpapakasal sa lalaking hindi pa niya nakikita noon?" "Ni hindi nga niya ginusto ang pagpapakasal, paano pa niya nanaising agawin ang posisyon mo bilang ginang ng pamilya Gavinski? Isang titulo lang naman iyon, pero masyado mong pinahalagahan ang panlabas na anyo kaya naloko ka ni Vanessa." "Pinilit siyang magpakasal kay Hugo?" Nanginig ang mga mata ni Jenny, na para bang unti-unting luminaw ang kanyang paningin sa katotohanan. Matapos magsalita, muling huminga si Harry. "Oo. Isipin mo na lang, gugustuhin ba ng pamilya niya na ipakasal siya kay Hugo? Narinig ko rin na dahil kay Hillary, binawasan ng pa
Nang makita ni Jackson si Hillary, nagsimula siyang tumili na parang isang nakakita ng multo. Para bang may nakita siyang nakakatakot. Ngumiti si Hillary nang maliwanag. "Hoy! Dati kitang kaklase ah!" Nagulat ang lahat sa loob ng silid. Lahat sila ay napatingin kay Hillary at Jackson. Pati si Hugo ay nagulat. Hindi niya inaasahan na ang kanyang asawa at pamangkin ay naging magkasama sa upuan noon? Sa mata ni Jackson, si Hillary ay parang babaeng bersyon ng kanyang nakakatakot na tiyuhin. Hindi niya inaasahan na bigla na lang nagpakasal ang kanyang pinakakinatatakutan—at sa kanyang dating kaklase pa! Agad siyang tumalikod at nagbalak tumakas mula sa lugar na iyon. Ngunit halos sabay na nag-utos sina Hillary at Hugo kay Jackson na tumigil. "Bumalik ka!" Pagkatapos noon, nagkatitigan ang bagong kasal. Masaya sanang umuwi si Jackson, pero sa unang araw pa lang ay may masamang balita na siyang natanggap. Mukhang paparating na ang mga mahihirap na araw niya. Lahat ng nasa
Tumango si Jackson. “Narinig ko ang sinabi ni Lolo. Huwag mong ipagsabi kahit kanino. Sinabi ko lang sa’yo dahil ikaw ang asawa niya.” Tumango rin si Hillary. “Huwag kang mag-alala, hindi ko ipagsasabi ang ganitong klaseng bagay.” Habang nagbubulungan silang dalawa, halos magkadikit na ang kanilang mga ulo. Hindi nila alam na may isang lalaki sa likuran nila, at tahimik silang pinagmamasdan. “Hillary, huwag mo ring sasabihin sa pamilya ko na natalo mo ako ng tatlong beses.” “Huwag kang mag-alala, hindi kita ipapahiya. Isa pa, kung ipagsasabi ko ‘yan sa pamilya mo, baka patayin ako ng nanay mo.” Tumayo si Hillary sa dulo ng mga daliri niya at tinapik ang balikat ni Jackson. “Hindi ko akalaing si Hugo pala ang tiyuhin mo. Ang alam ko lang, anak ka ng isang opisyal, hindi anak ng mayaman.” “Hindi mo pa rin sinasagot kung bakit mo pinakasalan ang tiyuhin ko.” “Magandang tanong ‘yan. Sa totoo lang, gusto ko ring malaman kung bakit ko siya pinakasalan.” Tanging si Joaquin la
"Gusto kong makita na itim na ang buhok mo sa loob ng tatlong oras." Ani ni Hugo.Si Joaquin ay lumingon kay Hugo at sinabi, "Umalis ka mamayang hapon. Pero siguraduhin mong sa loob ng tatlong oras, naka-itim na ang buhok ni Jackson. Kung aalis ka ngayon, walang makakapagpatino sa kanya." Hindi pa nakakapag-usap si Jenny kay Hugo at sa asawa nito ngayong araw. Pero nang magsalita siya, sinubukan niyang pigilan ang bayaw, "Bakit ba ang bilis niyong umalis? Kung mananatili si Hugo, matutulungan niya akong supilin si Jackson." "Mom, kain na tayo. Kukuha kita ng karne," mabilis na sagot ni Jackson, pilit na tinatakpan ang bibig ng ina para hindi na ito makapagsalita tungkol sa pagpigil kay Hugo. Pareho niyang gustong umalis ang malaking demonyong tiyuhin at ang maliit na demonyong kaklase. Kinahapunan, handa na ang mga bagahe—maliban sa makulay na buhok ni Jackson. Tinitigan siya ni Hugo nang may matinding dismaya. "Kailan mo babaguhin ang kulay ng buhok mo?" Mabilis ang tibok
Naiinis si Jenny na sinabi, "Hugo, kakasabi mo lang na gusto mong humanap ng asawa para kay Jackson. Kung aahitin mo ang buhok niya, magiging pangit siya. Wala nang magkakagusto sa kanya, at sira na ang plano mo sa pagpapakasal." Labis ang takot niya habang nakatitig sa tiyuhin. Napalunok siya, nanginginig ang tuhod. "Tito, anong ibig mong sabihin sa pagpapakasal?" Biglang lumakas ang interes ni Hillary. Mabilis siyang lumapit kay Hugo, hinila ang manggas nito at tinanong, "Hugo, sino ang magiging asawa ni Jackson? Sabihin mo na, baka kilala ko!" Napakunot-noo si Hugo. Iba-iba ang tawag sa kanya ng babaeng ito. "Ano'ng tawag mo sa akin?" "Mr. Gavinski, Hugo, asawa? Oh, sige na, sabihin mo na. Baka kakilala ko!" Dahil sa labis na pag-uusisa, hindi na niya napansin na parang naglalambing na siya. Sa wakas, lumambot ang ekspresyon ni Hugo. "Wala pang napipili. Bilang tiyahin niya, dapat mong isipin ang kasal niya." "Natural! Responsibilidad ko iyon!" Napapailing si Hil
Napangiwi si Hillary at umupo sa tabi ni Hugo. Sa ganitong sitwasyon, mas mabuting manatili sa tabi ng kanyang asawa. Hindi na niya ininda kung masakit man ang kanyang kamay. Ang mas mahalaga ay makaalis agad. "Hugo, okay na ang buhok ni Jackson at wala namang problema. Pwede na ba tayong umalis?" Napansin ni Hugo kung paano siya tinawag. Kapag kailangan siya ni Hillary, tinatawag siyang asawa. Kapag hindi, tinatawag siyang Hugo. Hindi siya natuwa at bahagyang lumunok. "Tama si Dad, hindi akma ang paglipat sa gabi." Sa isang pangungusap lang, nakatakda nang manatili si Hillary sa bahay ng pamilya Gavinski ng isa pang gabi. Sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay bumagsak ang langit. Gabi na. Nakaupo si Hillary sa sofa habang paulit-ulit na sinusuntok ang likod ng unan sa kanyang yakap. "Aalis na sana ako, pero dahil sa masama kong dila, nakapagsalita ako ng hindi maganda. Ngayon, problema na ito. Hindi na ako makaalis." Hindi niya alam na hindi dahil sa sinabi niya kaya hind
"Hindi ka ba mapakali kapag hindi kita hinahawakan?" Tanong ni Hugo.“Hindi naman.”Bahagyang yumuko si Hugo at tumingin sa kanyang maliit ngunit maayos na hubog na dibdib. Sinundan naman ito ng tingin ni Hillary at ibinaba rin ang ulo niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumangga ang noo niya sa noo ng lalaki. Dali-daling iniangat ni Hillary ang ulo niya at napatingin kay Hugo. Saktong iniangat din ni Hugo ang ulo niya, at nagtagpo ang mga mata nila. Napakasuwerte ba o malas nilang dalawa dahil sa pagkakataong ito, nagdikit ang kanilang mga labi! Mabilis na kumurap si Hillary, natulala sa nangyari, at hindi agad nakaiwas. Bumilis ang tibok ng puso niya na parang gustong lumabas. Si Hugo naman ay seryosong nakatitig sa kanyang maliit na asawa na may makinis at mala-porcelanang balat. Napalunok si Hugo, bahagyang bumuka ang kanyang labi, at lumapit pa para ganap na mahagkan ang malambot na labi ni Hillary. Ang init ng kanyang hininga at ang banayad ngunit mariing halik an
Kinabukasan. Nagising si Hillary mula sa kama. Nag-inat siya nang maayos at napangiti. "Matagal na rin mula noong huli akong nakatulog nang ganito ka-komportable." Lumipat siya sa kanang bahagi at diretsong bumagsak sa mga bisig ng isang lalaki. Napatingin siya sa matipunong katawan sa harap niya, saka itinaas ang kanyang ulo upang makita ang lalaking yakap siya. Pumikit siya. Pagkatapos ay pumikit ulit. "Masama ba ang pakiramdam ng mga mata mo o hindi mo lang ako matandaan?" Nagulat si Hugo. Aba, hindi man lang nagulat si Hillary nang makita siyang katabi niya pagkagising. Mukhang inisip na niya ang eksenang ito bago pa man mangyari—ang matulog na magkasama at magising nang ganito. Napangiti siya sa kanyang sarili at ipinikit ang kanyang mga mata, umaasang mangyayari ang iniisip niya. Tatlong segundo ng katahimikan. Pagkatapos noon, biglang bumagsak si Hillary mula sa kama at mabilis na tumakbo papunta sa banyo, halos kasing bilis ng pagtakas ni Jackson kahapon. Sumar
Maagang-maaga pa lang ay nakasuot na ng sportswear sina Jackson at Hugo habang tumatakbo sa oval sa loob ng kanilang bakuran."Alis ako ng ilang araw. Ikaw na muna ang bahala sa mga gawain sa paaralan. Kapag sumibat ka pa ulit, pagbalik mo, babaliin ko mga binti mo." Pananakot ni Hugo.Napalunok ng laway si Jackson na agad nangako, “Promise!”Muling nagsalita si Hugo, "I -report mo rin sa akin araw-araw kung anong ginagawa ni Hillary.""Ayoko. Gusto mo pa akong maging espiya sa tabi niya."Pagkasabi pa lang nito, tinapik agad ni Hugo ang likod ng ulo ng pamangkin niya."Sinasabi ko sa'yo, bantayan mo siya!"Napangiwi si Jackson habang hawak ang batok niya, "Hindi na kailangan bantayan ng asawa mo. Mas okay pa ngang siya ang magbantay sa akin.""Wala ka talagang silbi.” Panunukso ni Hugo.Makalipas ang ilang ikot, umuwi na silang dalawa.Nagising si Hillary at naka-pajama pang hinanap ang asawa niya sa buong bahay."Nasaan ang asawa ko?"Sumagot ang kasambahay, "Nasa likod mo po."Pagha
Tinakpan ng makakapal na ulap ang luha ng buwan. Tahimik na nag-upo ang mag-aama sa loob ng mahabang oras bago sila naghiwa-hiwalay.Pagbalik ni Hugo sa kwarto, nakita niya ang kanyang pusa na nakahiga sa kama—mainit tulad ng araw, at muli siyang nakaramdam ng pagiging konektado. Ang pamilya na nabuo niya kasama si Hillary ang siyang nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng saya at kapanatagan.Bumalik siya sa kanyang pwesto, marahang inangat ang ulo ng babae, at inakbayan ito. Masyado na itong antok at hindi na namalayang muli siyang hinalikan nito.Sa panaginip niya, ibinuka niya ang kanyang bibig at kinagat ang labi ng asawa niya."Mm, ang sarap~" Biglang ungol ni Hillary.Nagitla si Hugo at bahagyang natawa. "Ano na namang pagkain ang napanaginipan mo?"Sa panaginip ni Hillary, tinawag niya ang asawa, "Asawa ko... hmm, ang sarap mo.."Muling natawa si Hugo at mahina niyang sinabi, "Ibig sabihin, napanaginipan mong kinakain mo ang asawa mo."Napailing si Hugo na hinalikan ng pisnge nito
Kumatok si Hugo sa pinto. "Dad, labas ka muna sandali."Masama ang timpla ni Mr. Joaquin at sumagot, "Tulog pa ako.""Bibigyan kita ng limang minuto, pumunta ka sa opisina ko." Pagkasabi nito, umalis na si Hugo.Napamura si Mr. Joaquin, “Panira naman ‘to si Hugo."Pero, makalipas ang limang minuto, nagtungo rin siya sa opisina ng kanyang bunsong anak na may masamang mukha. "Ano bang problema?"Nasa loob din si Harry, nakaupo sa opisina ng kapatid niya.Isinara ni Hugo ang pinto, umupo siya sa gilid at seryosong sinabi sa kanyang ama at kuya, "Nakita ko yata si Amelia."Pagkasabi ni Hugo, napansin ni Mr. Joaquin ang bigat ng sinabi ng anak, kaya pala pinatawag sila sa opisina.Nang marinig ang sensitibong pangalan, agad na nanlamig ang paligid. Hindi agad nakapagsalita si Mr. Joaquin. Nakaramdam siya ng isang matinding kaba na hindi niya maipaliwanag kung takot ba ito o tuwa.Tinanong siya ni Harry, "Sigurado ka bang hindi ka lang namalik-mata? Labinlimang taon na ang lumipas, baka hind
Ang mga reklamo ni Hillary ay nauwi sa mga impit na ungol.Wala nang matakbuhan ang kanyang dila sa bibig, at dahil sa halik ay nawalan siya ng ulirat, hindi na niya napansin na may dalawang malalaking kamay na dahan-dahang pumapasok sa kanyang bewang.Hanggang sa dahan-dahang umakyat ang mga kamay na iyon.Napakislot si Hillary at mabilis na itinulak ang kamay ng kanyang asawa mula sa kanyang katawan. “Mmm, mahal, ikaw talaga.”Lasing na lasing si Hugo sa halik kaya halos ipadapa niya ang kanyang misis sa mesa at tuksuhin ito sa ilalim niya. Isang halik lang, muntik nang mauwi sa kung ano pa.Pagbalik nila sa kwarto, dumiretso si Hugo sa banyo para maligo. Samantalang si Hillary ay gumulong sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot.Napapikit si Hugo habang tumatagaktak ang tubig sa kanyang mukha. Noong binata pa siya, wala siyang interes sa ganoong bagay. Pero ngayon na may asawa na siya, nag-iba na ang takbo ng kanyang utak. Dati, ayaw niya ng laman. Ngayon, gustong-gusto niya.Parang
"Hillary, huwag ka nang pupunta sa lugar kung saan kayo nagpunta kahapon."Kagat-labing hindi sumagot si Hillary.Sabi ni Hugo, "Pagkatapos ng klase, manatili ka na lang sa bahay at maghintay sa akin na umuwi.”Tahimik lang si Hillary.Ang dali lang para sa asawa niyang sabihin na manatili siya sa bahay eh lakwatsera siyang babae. Kahit saan-saan nalang din siya napapadpad at naglilibot sa mga hindi alam na lugar, tsaka paborito niyang libangan ang billiards pero paminsan-minsan lang siya na maglaro kapag magkasama sila ni Jackson.Sa loob ng kwarto, nagkwento naman si Hugo ng matagal tungkol sa masasamang epekto ng billiards at iba pang competitions. Nagkunwari si Hillary na nakikinig. Pero sa loob-loob niya, iniisip lang niya na gusto lang siyang ilayo ng asawa sa kanyang mga libangan at ilihis ang atensyon niya rito."Hillary, ano ang sinabi ko kanina?"Napatulala si Hillary na hinypnotize ng sarili niya. Patay! Hindi niya alam na may pa-quiz pala! Wala siyang narinig!Kita ni Hugo
Bumalik si Hugo noong hapon. Nakauwi na rin mula sa paaralan sina Hillary at Jackson.Pagkakita kay Hugo na dumating, agad na tumakbo si Hillary papalapit sa kanya. “Asawa ko, andito ka na.”Nakita ni Hugo ang pag-iingat sa kilos ng asawa, kaya niyakap niya ito saglit.Pagkatapos, agad niyang binitiwan si Hillary at sinabi, “Behave ka muna, may aasikasuhin lang ako.”Lumapit naman si Hugo kay Jackson na nakaupo sa sofa habang naglalaro sa cellphone. Nang marinig ang tawag ng tiyuhin, itinapon niya ang sandalan, tumayo, at sumunod kay Hugo paakyat sa study room.“Uncle, kung paparusahan mo ako, sabihin mo na agad para hindi ako kabahan.”Halos kusa nang pumasok si Jackson sa "kulungan" para parusahan. “Hindi ko alam kung ano ang pinaggagagawa mo, pero sinasabi ko na ngayon pa lang, kapag may nangyari kay Hillary, ikaw ang sisingilin ko. Huwag na huwag kang babalik sa gano’ng klaseng lugar.”“Rinig mo ba ako?” tanong ni Hugo, seryoso ang tono.Hindi sumagot si Jackson. Dahil kung sasang
“Hillary, magpaliwanag ka ngayon sa akin!”Galit na sigaw ni Hugo habang nakatayo sa harap ng kanyang asawa. Mula nang ikasal sila, hindi naging maayos agad ang pagsasama nila. Ngunit kalaunan, si Hillary ay parang batang inalagaan at pinahalagahan ni Hugo. Kaya't nang bigla niya itong sigawan, ikinagulat iyon ng lahat.Nasa loob sila ng opisina ni Hugo sa mansyon. Nakatayo si Hillary sa gitna ng silid, at doon na siya napaiyak. Tumulo ang luha niya at hindi siya tumigil sa paghikbi. Para siyang batang pinagalitan ng magulang, at hindi niya alam ang gagawin.Paulit-ulit niyang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang manggas ng suot niya.Nainis si Hugo sa sarili. Napakuyom siya ng kamao at padabog na lumapit sa kanyang umiiyak na asawa. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.“Hillary, sabihin mo na sa akin kung bakit ka nakipaglaro sa mga siraulong lalaki doon?” mariin niyang sambit.Hindi na halos makita ni Hillary ang paligid dahil sa luha. Hindi na niya alam kung anong isasagot.
Habang si Hugo ay balisa na mabilis na nagmamaneho, hinahanap ang kanyang nawawalang asawa. Tinawagan niya ang kanyang biyenan upang alamin kung nasaan ang kanyang asawa. Nang malaman nina Harold at Lucille na nawawala ang kanilang anak na si Hillary, agad nilang tinawagan si Jeah, ngunit walang sumasagot."Hugo, hindi ko makontak si Hillary, Jackson, at Jeah. Paano kung tawagan na natin ang pulis?" mungkahi ni Lucille.Nakapagitan si Hugo. Binaba niya ang tawag sa kanyang mga biyenan at tinawagan si Denmark, isang kaibigan na kilala sa pagiging madaldal. "Denmark, nawawala na naman ang asawa ko. Kailangan ko ng tulong mo para hanapin siya."Hindi nagtagal, naging aktibo muli ang grupo ng limang magkakaibigan. Desperadong tinawag ni Johanson si Hugo sa group chat, "Hugo, may problema ba kayo ng asawa mo? Bakit siya nawawala tuwing kailan lang? Hindi ba't kamakailan lang ay nagpadala kayo ng rosas para ipakita ang pagmamahalan ninyo?"Alam din ni Dave ang tungkol sa pagkawala ng asawa n
“Pasensiya ka na kung naiinggit ka. May asawa ako, eh. Wala akong magagawa ro’n. Kung naiinggit ka sa pagmamahal na natatanggap ko, kapag natalo ka mamaya, hahanap ako ng lalaking maglalagay ng love mark sa leeg mo para hindi ka na malungkot.”Tahimik ang paligid matapos bigkasin ni Hillary ang mga salitang iyon. Parang lumamig ang hangin sa loob ng venue. Ang mga tagahanga ni Dexter na kanina’y todo hiyaw, ngayon ay natigilan, napaatras, habang ang ilan ay napanganga sa tapang ng sinabi ni Hillary.Natural na bagay sa mundo na ang babae ay may asawa, at walang masama ro’n. Pero ang suhestiyon ni Hillary na dapat maghanap ng asawa ang kalaban ay isang insulto sa tinatawag na dragon master na si Dexter. Hindi nagpigil si Hillary sa pagkamuhi niya—bumanat siya agad. Nilait siya kanina, kaya huwag siyang sisihin kung may kagat ang mga salita niya ngayon.Kung sumasapol si Hillary, palaging sa puso. Para siyang kutsilyong dumudulas sa kalamnan—hindi siya marunong magpakahinahon sa salita.