Habang nakikita niya ang asawa niyang umiiyak na lang sa sobrang sakit ay wala siyang magawa kundi ang maawa lang. Lumapit na si Maximus sa gilid ni Celeste saka niya ito hinawakan sa kamay. "Maging ligtas lang kayo ngayon, ito na ang huling dadalhin mo ang mga anak ko. Hindi ko kayang mawala ka s
Hindi pa man tapos ang training ni Aurora nang ipinapatawad siya ng Daddy niya. Wala siyang magawa kundi ang sumunod kaagad dahil ayaw ng Daddy niya ng babagal-bagal.“Your eyes, Marcus.” Seryoso niyang saad kay Marcus dahil nakatingin ito sa kaniya sa salamin habang nagbibihis siya. Hindi niya na n
Tiningnan ni Aurora ang sarili niya sa salamin nang matapos siyang maggayak. Wavy ang mahaba at makapal niyang buhok at nakamake-up siya. Napangiwi na lang siya dahil baka mapagkamalan siyang tagapagmana ng kompanya kung ang suot niya ay red off shoulder, black pants at 4 inch heels. Simple na yun p
Paglipas ng ilang minuto ay tinawag na ang pangalan niya.“Miss Aurora Medina,” tawag sa pangalan niya pero walang tumayo sa kanila.“Aurora Medina,” muling tawag sa kaniya. Nang hindi siya tumayo ay nilapitan siya ng isang babaeng staff.“Miss Medina, may balak ka bang tumuloy?” tanong sa kaniya. N
Nang makauwi si Aurora ay tinanong siya kaagad ng kaniyang ama tungkol sa pag-aapply nito sa kompanya. “I’m hired, dad. Wala man lang po ba kayong kahit kaunting information tungkol sa taong hinahanap natin? What his position in that company? Why secretary? Susubukin ang pasensya ko araw-araw sa l
Napataas ang kilay ni Aurora saka niya tiningnan si Hunter na nasa loob ng office niya. Lalong tumaas ang kilay ni Aurora nang magsalubong ang mga mata nila ni Hunter, salubong ang mga kilay ni Hunter na nakatingin sa kaniya pero wala siyang pakialam. Nang matapos nang magtimpla ang mga nasa unaha
Inihatid na ni Aurora si Alexis sa office ni Hunter. Tila bata namang nagsumbong si Alexis kay Hunter dahil sa pagmamaldita ni Aurora sa kaniya. Napapairap na lang si Aurora sa kaartehan nito. Tiningnan ni Hunter si Aurora pero walang pakialam si Aurora sa kanilang dalawa. “Don’t worry, she will
Nang bumalik ang mga katrabaho ni Aurora ay napapatingin sa kaniya ang ilang mga empleyado dahil salubong na salubong ang mga kilay niya. “Are you okay?” tanong sa kaniya ni Jelai na siyang katabi niya. Tanging tango lang naman ang isinagot ni Aurora habang nasa computer pa rin ang tingin niya.