Home / Romance / The Tycoon's Pampered Wife / Chapter 47 : Unexpected Kiss

Share

Chapter 47 : Unexpected Kiss

Author: Watermelon
last update Last Updated: 2024-12-23 00:05:17

Nang gabing iyon, inalalayan ni Sunny si Rowan papunta sa kama. Malakas ang amoy ng alak sa hininga ng asawa, at kahit gaano niya subukang itulak ang inis, hindi niya maiwasang mapailing. Mahigpit ang hawak niya sa baywang nito habang naglalakad sila sa kwarto, bawat hakbang ay parang isang labanan.

Lasing ka na naman, bulong niya sa isip, pinipigilan ang sariling boses na lumabas. Hindi ito ang unang beses na umuwi si Rowan nang lasing, ngunit tila mas malala ngayon. Ang kanyang mga mata ay magulo, tila ba may sariling mundo, at ang bigat ng katawan niya ay nakasandal nang buo kay Sunny.

Bakit niya ba ginagawa 'to! Paanong ang lalaking inarrange marriage sa kaniya ay ngayon ay inaalagaan niya na dahil lasing!

And worst wala siyang magawa, sabi niya kanina ay hindi niya masisisi ang mga kaibigan nito at isa pa minsan lang naman ito mangyari kay Rowan

Pero mukhang nag bago ang isip niya! Sa susunod na uuwi si Rowan ng
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 48 : Can't Understand

    Sa taimtim na gabi. May mabigat na nararamdaman si Rowan. Hawak niya ang kanyang noo habang bahagya niyang nilalamas ang sentido gamit ang hinlalaki. Sa bawat pilit niyang alalahanin ang nangyari, hindi niya mawari kung bakit niya nagawang halikan si Sunny. Hindi lang basta halik iyon—sinipsip pa niya ang kanyang mga labi hanggang namula ang mga ito. Ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya? Simula ng dumating ang babae ay kung ano ano na lamang nagagawa niyang hindi niya maipaliwanag. Para siyang naenkanto! Sinasapian na ata siya ng masamang espirito! Ang imahe ko, bulong niya sa isip. Ganito ba ang sinasabi nilang pagiging promiskuwoso ng isang lasing? Ilang beses din naman siyang nalasing dahil hindi siya sanay na uminom pero kahit kailan ay hindi siya humalik ng babae! Kung sabagay ay hindi naman ibang babae si Sunny, dahil asawa niya ito. Pero hindi naman sila mag kasintahan! Ang kasal ay arrange marriage lamang na ginawa ng kaniyang ama. Kaya kahit anong isipin niya ay

    Last Updated : 2024-12-24
  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 49 : Stubborn Girl

    Si Rowan ay nakapikit pa rin, tila walang pakialam sa nangyayari. Ngunit sa loob ng kanyang isipan, pilit niyang kinakalma ang sarili upang huwag magpakita ng kahit anong reaksyon.Samantala, si Sunny ay abala sa pagtitig sa kanyang asawa. “Natulog ka na ba?” tanong niya, ngunit halatang may kasiyahan sa kanyang tono. Napangiti siya ng palihim, sabay tiningnan ang anyo ng "natutulog" na si Rowan.“Hmm,” aniya, “sabi ni Mama, ang lasing daw parang patay na baboy. Hindi mo na magigising kahit anong gawin mo.”Isang mapaglarong ngiti ang lumitaw sa kanyang labi. “Hindi ko inakala na ikaw, Rowan Morris, na matapang at walang kinatatakutan, ay magiging parang patay na baboy sa harapan ko. Aha! Nasa mga kamay na kita ngayon!”Lumapit si Sunny nang mas malapit at sinimulan niyang abutin ang pisngi ng asawa. “Tingnan natin kung gaano ka kabilis magising,” wika niya habang marahang pinisil ang pisngi ni Rowan. Sa una’y mahina lamang, ngunit habang tumatagal, tila nag-eenjoy si Sunny sa ginagaw

    Last Updated : 2024-12-25
  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 50 : unbelievable

    Habang natutulog si Rowan. Sa di niya inaasahan, tinawag siyang parang isang “patay na baboy.” Pinisil nito ang kanyang pisngi, inipit ang kanyang ilong, at hinawakan pa ang kanyang Adam’s apple. Tila ba nangangarap ang babae ng kung ano-ano, na parang nagbabalak pang agawin ang Morris Group mula sa kanya sa hinaharap. "Ang babaeng ito," naisip ni Rowan nang lihim. "Napakabata at pabigla-bigla, parang hindi niya alam kung gaano kalawak ang mundo."Sa kabilang banda, si Sunny naman ay mabilis na binuksan ang pinto nang dumating ang tagasilbi na may dalang hapunan. "Salamat," magalang na tugon ni Sunny habang inaabot ang plato. Ngumiti ito at sinabihan pa ang tagasilbi, "Kumain na rin kayo." Hindi na niya nagawang isara ang pinto dahil puno ang kanyang mga kamay, kaya ang tagasilbi na ang nagsara para sa kanya.Inilapag niya ang plato sa mesa malapit sa sofa, saka tinignan ang mga laman nito. Tatlong gulay at dalawang ulam na may karne. Napakagat-labi si Sunny habang hinihimas ang kanya

    Last Updated : 2024-12-26
  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 51 : Clarification

    Narinig ni Sunny ang tunog ng tubig mula sa loob ng banyo habang nakadikit ang tainga niya sa pinto. May pilyang ngiti sa kanyang labi nang magsalita siya, “Rowan Morris, naliligo ka ba?”Sandaling natahimik bago narinig ang mababang boses ni Rowan, “Oo.”Napakagat-labi si Sunny, tila ba hinahanda ang sarili para asarin pa ang asawa. “Sigurado ka bang okay ka? Hindi ka nahihilo o ano? Kailangan mo ba ng tulong?”“Nasa ayos ako,” sagot ni Rowan, malamig ngunit bahagyang may halong aliw.Hindi pa rin tumigil si Sunny. “Eh paano kung madulas ka? Gusto mo ba akong mag-volunteer na—”“Gusto mo bang ikaw na ang magkusot ng likod ko?” sabat ni Rowan, kalmado ang boses ngunit may bakas ng panunukso.Imbes na mahiya, mas lalo pang lumapad ang ngiti ni Sunny. “Aba, kung gusto mo talaga, sige! Pero baka masyado kang ma-enjoy, Rowan.”Narinig niya ang mahinang tawa ni Rowan mula sa loob. “Kung ganyan ka rin lang kapilya, mabuti pang tumigil ka na diyan,” sabi niya, ngunit halata sa tono na hindi

    Last Updated : 2024-12-27
  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 52 : Dots

    Nakatingin nang seryoso si Evelyn Morris kay Sunny. Sa kasabihan, ang mga mata ng tao ay hindi nagsisinungaling. Nakita ni Evelyn ang sinseridad sa mga mata ni Sunny, dahilan para mapaisip siya sa mga nangyari kamakailan.Naalala niya ang gabing nasa hotel siya kasama ang kanyang asawa. Sinabi nito sa kanya na niloko siya ni Celeste Borja, ngunit hindi siya naniwala noon. Parang may bumalik na alaala sa kanya habang nag-uusap sila ni Sunny ngayon. Sinabi rin ni Sunny na may mga taong nag-udyok sa kanila, at hindi lahat ng bagay ay tulad ng kanilang iniisip.Pinagpatuloy ni Evelyn ang usapan, “Noong araw na iyon, matapos kang bumalik sa bahay… ano ang sinabi mo kay Celeste sa labas? Bakit siya umiiyak?”Bago pa man makasagot si Sunny, isang pamilyar na boses ang sumingit. “Ako ang kumausap sa kanya noong araw na iyon.”Napalingon si Evelyn, at nakita si Rowan Morris na paparating mula sa likuran. Kakatapos lang nitong kumain sa loob ng bahay ngunit mukhang sinundan ang asawa. Tumigil i

    Last Updated : 2024-12-28
  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 53 : Samuel

    “Bakit ka naman sigurado na ayaw ni Sunny maging ginang ng Morris family?” tanong muli ni Evelyn Morris, ang kanyang tono ay punong-puno ng pag-aalinlangan habang nakaupo sa gilid ng kama ni Mr. Morris. Napabuntong-hininga si Mr. Morris bago sumagot. “Pinilit siyang magpakasal kay Rowan. Alam mo ba kung bakit hinarap ka ni Sunny noong araw na iyon? Lahat ng tao ay may kahinaan, at ang kahinaan ni Sunny ay ang kanyang mga magulang. Ginamit ng ama natin ang pamilya niya bilang banta para pilitin siyang magpakasal kay Rowan. Kung hindi dahil doon, sa tingin mo ba papayag ang batang iyon na magpakasal sa lalaking hindi niya pa nakikilala?” Nanginig ang mga mata ni Evelyn habang naririnig ang mga salitang iyon. Ang totoo’y tila nalinawan siya, at biglang nabura ang ulap ng pagdududa sa kanyang isipan. Patuloy si Mr. Morris, “Hindi nga niya gustong magpakasal, kaya paanong nanaisin niyang agawin sa iyo ang titulong iyon? Isang walang saysay na titulo lang iyon para sa kanya. Evelyn, ma

    Last Updated : 2024-12-29
  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 54 : History

    Habang nakatayo si Samuel at nakita si Sunny, para siyang isang batang nakakita ng multo. Hindi niya mapigilang tumili, parang groundhog na tila natakot nang todo. Ngumiti si Sunny nang napakaliwanag, na parang walang nangyari. "Kumusta, deskmate," sabi niya. Nagulat ang lahat ng nasa kwarto. Ang kanilang mga mata ay lumipat kay Sunny at kay Samuel. Maging si Rowan, ang asawa ni Sunny, ay hindi makapaniwala. Paano naging magka-desk si Sunny at ang kanyang pamangkin? Sa mata ni Samuel, si Sunny ay ang babaeng bersyon ng kanyang Uncle Rowan—parehong nakakatakot, parehong dominante. Hindi niya sukat akalain na ang kanyang pinaka-nakakatakot na uncle ay biglaang nagpakasal sa babaeng kinatatakutan niya mula pa noong bata siya. Sa kanyang takot, mabilis siyang bumaling at tinangkang tumakas mula sa lugar na iyon. Ngunit bago pa man siya makalabas, magkasabay siyang tinawag nina Sunny at Rowan, "Bumalik ka rito!" Nagkatinginan ang mag-asawa matapos nito, at napansin ni Samuel ang

    Last Updated : 2024-12-30
  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 55 : Overbearing

    Sa ilalim ng tirik na araw, nag-uusap sina Sunny at Samuel sa likod ng bahay ng Morris family. Nagbubulungan ang dalawa, tila may mga lihim na pinag-uusapan. “Samuel, sigurado ka ba sa narinig mo?” tanong ni Sunny, habang nakayuko at halos magdikit ang kanilang mga ulo.Napatakip ng bibig si Sunny sa narinig, hindi niya inaakala na may ganitong lihim pala ang asawa niya.bumungisngis siya, para itong bumalik sa pagiging highschool na mahilig sa mga kwela na nakinig lamang sa mga kapwa studyante.Naalala niya dati na lagi silang suki ni Samuel sa mga kwento sa kanilang skwelehan. Sila lagi ang puno't dulo ng mga chismis noon.Hindi aakalain ni Sunny na muling mauulit ang mga kwentuhan nila ni Samuel.Akalain mo nga naman, bilog talaga ang mundo. “Oo, narinig ko mismo si Grandpa. Pero huwag mong sasabihin kahit kanino, ha? Sinabi ko lang ito sa’yo dahil asawa ka na ng uncle ko,” sagot ni Samuel habang bumubulong. Ngumiti si Sunny at tumango. “Huwag kang mag-alala. Hindi ko ikakalat a

    Last Updated : 2024-12-31

Latest chapter

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 107 : Mad

    "‘Yung uncle kanina, kasing-edad lang ng tatay natin. Pwede mo siyang pagalitan kung gusto mo, pero hinagisan mo pa siya ng papel. Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman niya? Paano kung nakita ‘yon ng mga anak niya? Siguradong magagalit sila sa’yo! Kung may gumawa niyan sa tatay ko, hindi ko palalampasin."Napakunot ang noo ni Rowan Morris. So iniisip pala ni Sunny ang tatay niya habang pinapanood siya kanina."Ang tatay natin ay chairman ng Fajardo Group. Wala namang maglalakas-loob na galitin siya."Ngayon, siya na rin ang biyenan nito. Lahat gustong bumango sa pangalan nito, kaya walang sinumang susubok na harangin ito.Pero hindi nagpatinag si Sunny. "Husband, bakit hindi mo maintindihan ang punto ko? Ikaw ang walang respeto sa tao!""Hindi siya nagtatrabaho nang maayos. Binabayaran ko siya nang mataas na sweldo...""Porke ba mataas ang sahod niya, pwede mo na siyang hiyain?"Huminga nang malalim si Rowan, pinipigil ang inis na kanina pa niya gustong bitawan. "Sunny, makini

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 106 : Employee

    hinila ni Rowan si Sunny papalapit at niyakap siya nang mahigpit.Inabot niya ang unan sa tabi at itinapon ito sa dulo ng kama. Ginamit niya ang kanyang braso bilang unan para kay Sunny. "Matulog ka na.""Oh." Napakasuwerte niya, may pinakamahal na "unan" sa mundo.Pero hindi siya komportable—dahil yakap na naman siya ng asawa niya.Tumingala siya kay Rowan, na nakapikit na at mukhang nagpapahinga. Parang may gusto siyang sabihin, pero pinigilan niya ang sarili.Hindi pa siya antok. Kaninang umaga pa siya natulog nang matagal.Samantala, patuloy lang ang mahinhing paghinga ni Rowan.Matagal ang lumipas bago siya naglakas-loob na bulungan ito. "Honey, gising ka pa?""Sabihin mo."Napalunok si Sunny. Yumakap siya sa dibdib ng asawa at mahinang bumuntong-hininga. "Sorry, honey, may ginawa akong mali."Agad dumilat si Rowan at lumingon sa kanya, halatang nag-alala. "Ano ‘yun?""Kasi... kasi... hindi talaga ako nakasabay sa elevator kanina. Ang totoo, lihim akong gumamit ng... special elev

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 105 : Love

    Habang kumakain, hindi mapakali si Sunny.Ni hindi niya napansin nang kumuha si Rowan ng pagkain para sa kanya."Ano bang iniisip mo?" tanong nito, nakamasid sa kanya.Nag-alinlangan si Sunny bago sumagot. "Natatakot akong hindi mo magustuhan kapag sinabi ko."Hindi na siya pinilit ni Rowan. Iginagalang niya ang desisyon ng kanyang batang asawa.--Pagkatapos kumain, kinuha ni Rowan ang sarili niyang tasa at nilagyan ito ng maligamgam na tubig para sa asawa. "Dala mo ba 'yung gamot?"Umiling si Sunny. Alam niyang tinutukoy nito ang painkillers.Naintindihan ni Rowan at itinuro ang kanyang lounge. "Pumasok ka muna at humiga. Bibilhan kita ng gamot.""Hindi na kailangan, mahal. Hindi na masakit ang tiyan ko."Hindi siya pinaniwalaan ng lalaki.Ipinaliwanag ni Sunny, "Lagi lang sumasakit ang tiyan ko sa unang araw at gabi, tapos nawawala na. Kung maghihirap ako nang pitong araw sa isang buwan, baka wala na akong gana sa buhay."Tinitigan ni Rowan ang mukha ng asawa at napilitang maniwala

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter : 104 : Cat

    Tinaas ni Sunny ang kamay at mahinang kumatok. "Pasok." Ang boses ni Rowan ay puno ng kaligayahan, sa isip isip niya ay alam niya na kung sino ang kumatok. Pumasok si Sunny at ipinakita ang kanyang maliit na mukha, sabay bati sa kanyang gwapong asawa na nakaupo sa upuan ng boss, "Hi, husband~" "Bakit ka nandito? Nakapagpahinga ka na ba?" Tumayo si Rowan upang salubungin siya. Pumasok si Sunny sa loob at isinara ang pinto. Sa labas ng pinto, nagkagulo ang mga sekretarya. Isa isa silang nag tinginan sa pintuan na nakasara at hindi napigilang makichismis sa mga ganap. "Ang bait ng misis ngayon." "Oo, parang ganun nga. Noong huling dumaan siya dito, sinabihan pa ang presidente, baka mapatanggal tayo kung maririnig pa natin yun." "Nandito ba siya para mag-apologize? Parang may ibang tono siya ngayon, parang pinapaboran ang presidente." "Posible." Marami silang pinag-uusapan sa labas ng pinto. Samantalang sa loob, puno ng init ang atmosphere. Umakyat si Sunny sa sof

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 103 : Days

    Patuloy na hinagod ni Rowan ang tiyan ng asawa habang ito’y nakahiga. Sa kanyang pag-aalaga, nakatulog agad si Sunny sa kama. Habang natutulog, natural na gumalaw si Sunny, paharap kay Rowan, at sumiksik sa kanyang bisig. Napangiti si Rowan sa kilos ng asawa kahit nasa mahimbing na pagtulog ito. Dahil sa pagkaantala ng kanyang trabaho kahapon, kailangan niyang bumawi ngayon. Dahan-dahan siyang bumangon, inayos ang kumot ng asawa, at tahimik na lumabas ng kwarto. --- Tanghali nang magising si Sunny. Walang bakas ng asawa sa tabi niya. Agad siyang bumangon, isinuot ang kanyang tsinelas, at diretso sa study room ni Rowan. Ngunit pagpasok niya, malinis at maayos ang kwarto—wala ang taong hinahanap niya. "Honey?" Walang sumagot. Bumaba siya ng hagdan at sinalubong ng mga kasambahay. Yumuko ang mga ito bilang pagbati. "Madam, kakain na po ba kayo?" Hindi sumagot si Sunny at sa halip, inilagay ang mga kamay sa kanyang bewang. "May nakakita ba sa asawa ko? Paggising ko, wal

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 102 : Kisses

    Kinabukasan, maagang dumating sina Evelyn Morris at Mayor Morris sa ospital. Ginising nila si Sunny, na nakatulog sa sofa, at sinabihan silang mag-asawa na umuwi na para makapagpahinga nang maayos.Dumating din si Samuel.Tiningnan niya ang maputlang mukha ni Sunny. “Grabe naman, gaano ka ba napagod kagabi? Mukha kang lantang gulay.”Ramdam na naman ni Sunny ang sakit sa tiyan niya. Wala na ang bisa ng gamot, at nagsimula na namang sumakit ang puson niya.Umupo si Rowan sa tabi niya at pinagtanggol siya, “Masama ang pakiramdam ng tita mo kagabi.”Tumingin si Samuel sa kanya nang may pag-aalala. “Hala, may sakit ka ba?”Umiling si Sunny at mahina pero pabiro niyang sinabi, “Nagdadaan sa pagsubok.”Agad naintindihan ni Samuel ang ibig niyang sabihin at tumango. “Ahh, gets! Mental support lang meron ako sayo ngayon, kaya mo 'yan!” sabay taas ng kamao na parang cheerleader.Napatingin si Rowan sa kanilang dalawa, nakakunot ang noo. Paano naintindihan ni Samuel agad ang ibig sabihin ng kan

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 101 : Red Days

    Alam niyang walang pakialam si Sunny sa menstrual cramps niya tuwing buwan. Ang hilig pa niyang kumain ng maaanghang, uminom ng malamig, at sumubok ng kung anu-anong pagkain na nagdudulot ng mas matinding sakit tuwing may regla. Pero hindi niya inaasahan na dito pa sa ospital mangyayari ito. Huminga nang malalim si Sunny, kinagat ang labi, at mukhang naiiyak na. Sa pa-baby niyang boses, nagreklamo siya: "Huhu, hindi na ako kakain ng ice cream, spicy foods, malamig na beer, potato chips, at chocolate!" Napatitig si Rowan sa maliit na katawan niyang nakayakap sa sarili. Ramdam niya ang awa. Nakita niyang patuloy na hawak ni Sunny ang kanyang puson, kaya't inabot niya ito at marahang pinatong ang palad sa may tiyan niya. Napatingala si Sunny, namamasa ang mga mata—mukha siyang batang umiiyak sa sakit. "Honey?" Agad na binawi ni Rowan ang kamay niya, tila naalangan. Kinuha niya ang unan at inilagay sa tabi niya. "Saglit lang, lalabas ako sandali." Sa labas ng kwarto, binuksan ni Ro

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 100 : Menstruation

    Isang Masayang Gabi sa Pamilya MorrisSunny ay walang kontrol sa sarili at tila naakit nang husto sa lalaking nasa harapan niya."Uy, Sunny, ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Bilisan mo at idikit mo na 'yan. Tapos, maglalaro pa tayo ng dalawa pang round!" masayang sabi ni Mr. Morris, na gustong ipagpatuloy ang laro. Hindi niya namalayang ang kanyang manugang ay natulala sa kanyang anak.Bata pa si Sunny, kaya nang mapansin siya ni Rowan, wala na siyang kawala."Nasiyahan ka na ba sa kakatingin?" malambing na tanong ni Rowan, ang tinig niya ay malalim pero magaan sa pandinig, may kasamang ngiti na parang simoy ng hangin sa tagsibol.Napakurap si Sunny at kinikimkim ang pagkapahiya. Diyos ko, natulala lang naman ako sa asawa ko, nakakahiya kung aaminin ko 'yon!Wala sa sarili niyang dinikit ang papel sa mukha ni Rowan at bumalik sa pwesto niya na may bahagyang namumulang pisngi. Inumpisahan niyang kumain ng rice crust habang patuloy ang laro."Three pairs," sabi ni Rowan na siyang dealer

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 99 : Play

    "Mahal, ang galing mo mag-shuffle ng baraha! Madalas ka bang nag-shuffle para sa iba?" tanong ni Sunny habang nakatitig sa maliksi at sanay na kamay ni Rowan. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang paghanga, tila ba mesmerized siya sa ginagawa ng asawa.Napangiti si Rowan at, para lalong ipakita ang husay niya, inulit niya ang pag-shuffle ng baraha, mas mabilis at mas maayos pa sa unang beses."Mahal, turuan mo naman ako! Ang astig mong tingnan habang ginagawa mo 'yan."Itinaas ni Rowan ang isang kilay, bahagyang nakangisi. "Astig?" tanong niya, tila may interes sa komento ng asawa.Tumango si Sunny, nakangiti habang patuloy na nakatitig sa kanya. "Oo, lahat ng ginagawa mo, astig. Kaya turuan mo ako?"Walang pag-aalinlangan, kinawayan siya ni Rowan. "Halika rito. Sundan mo ako, ituturo ko sa’yo nang dahan-dahan."Pero bago pa sila makapagsimula, biglang sumingit si Ginoong Morris na tila nawalan na ng pasensya. "Teka, teka! Andito ba kayo para samahan ako o para maglandian?!" Inis itong

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status