“Dwyne, stop! Stop!” awat ko dito habang hinahawakan ito sa braso nang hindi makalapit pa kay Calvin.
“I already warned you,” umiigting ang panga na saad ni Dwayne habang nag-aapoy ang mga mata nitong nakatingin kay Calvin.
“Dwayne, tama na.” Pilit ko siyang hinihila palayo. “Dwayne, please.”
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ayoko ng gulo pero tila hindi na maiiwasan ngayon. Bakit bigla-bigla na lang siyang nanapak?
“I told you to stay away from my wife. Are you trying to test my patience?” Hindi ako pinansin ni Dwayne at nanatiling nakatutok ang galit na tingin nito kay Calvin. “You can steal her. She is mine. Don't show your face in front of her again or I'll f*cking kill you.”
Pinahid ni Calvin ang dugo sa labi niya at sinalubong ang tingin ni Dwayne. “You just came out of the blue and claimed her as your wife. It’s you who interfered with us. She almost gave
REBECCATahimik ang araw ko ngayon. Wala si Dwayne na biglang susulpot at ganoon din si Calvin.Bumalik sa dati ang araw ko noong mga panahong hindi pa sumusulpot si Dwayne. Sana ganito na lang palagi.Papasok ako sa trabaho at susunduin ang kambal sa eskwelahan nila.Nakaupo sila sa bench gaya ng lagi nilang ginagawa kapag sinusundo ko sila.“Mommy, when will dad come?” tanong ni Cupid nang makapasok na kami sa bahay.Umupo sila sa sofa pareho. Kinuha ko naman ang mga bag nilang dala.“He is still busy,” mahinahong saad ko. “Don't worry he will be back soon.”“Can I call him?”Nagtatanong na tumingin ako sa kanya. Wala akong numero ni Dwayne dahil hindi naman iyon mahalaga. Saka wala akong balak na tawagan siya dahil wala naman akong kailangan sa kanya.Alanganin akong ngumiti kay Calvin pero itinaas ni Eros ang hawak na selpon.“D
Sunday. I went to grocery. Hindi ko na sinama ang kambal dahil mamimili lang naman ako ng grocery kaya iniwan ko na lang siya kay manang Nerma. Mas mahirap kasi mamili kapag kasama ko ang dalawa lalo na si Cupid na may kakulitan. The last time na sinama ko sila muntik na silang makasira ng stall. Kaya mula noon kahit gusto nilamg sumama hindi na ako pumapayag.Mabilis lang naman akong nakapamili dahil mga importante lang naman ang binili ko pero marami-rami rin ang laman ng malaking pushcart na tulak ko. Mga pangangailangan lang namin sa buong linggo at mga personal necessities.Napakunot ang noo ko ng biglang tumigil ang kotse ko habang pauwi na ako. May gasolina pa naman ako ng tingan ko ang gas meter ko.Muli kung ini-start ang kotse pero ayaw na nitong umandar. Napipilitang bumaba ako.Iniangat ko ang takip ng harap ng kotse ko. Napaubo dahil sa usok na lumabas sa makina ng kotse ko.Napahawak ako sa likuran ko habang problema
REBECCA“Ano na naman ba ang ginagawa mo?” yamot na tanong ko kay Dwayne.I was about to sleep pero ang ugok na ito pinagbabato na naman ang bintana ko. Daig pa niya ang teenager na nanliligaw. Kaya kahit tinatamad na ako napilitan akong bumangon dahil hindi niya tinatantanang batuhin ang bintana ko.“Let's talk,” malamig na saad nito. Pumasok pa ito sa gate at dumiretso sa loob ng bahay. Wow, nakakahiya naman sa kanya. Talagang kusa na niyang inimbitahan ang sarili para pumasok.Napakamot ako sa ulo ko sa sobrang inis sa kanya. “Alam mo ba kung anong oras na?”Tumingin naman ito sa relong pambisig nito pero hindi naman ito nagsalita. Bakit ba bumalik pa ito? At kababalik pa lang nito pero nandito na naman para inisin lang yata ako. Wala na ba siyang ibang pwedeng gawin sa buhay niya?Gusto ko rin siyang kausapin tungkol sa nahanap niyang bagong lugar na malilipatan ng shop. Ang balak ko sana t
Hawak-hawak ni Dwayne ang kaliwang kamay ko habang mabilis itong nagmamaneho patungo sa sa boutique. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Tila gusto kong liparin agad ang lugar kung nasaan ang gusaling nasusunog. Hindi ko na namamalayan na kinakagat-kagat ko na ang kuko ko. Noong may tumawag kay Dwayne na may nasusunog, hindi ko agad inisip na ang boutique ko iyon kahit na sinabi nito na magbihis ako at pupunta kami sa boutique. Pero nang makompirma ko ang hinala ko dahil sa tawag ni Margaruta pakiramdam ko biglang tumigil ang mundo ko. Ang pangarap ko. Nasusunog ngayon ang pangarap ko na ilang taon kong pinaghirapan. Sa isipan pa lang na iyon ay naiiyak na ako. Paano pa kaya kapag nakita ko na ang nangyayari? Mabilis akong bumaba sa kotse at nagtatakbo papalapit pero may pumigil sa akin kahit anong pilit kong makalapit. “Irish, stop,” pigil sa akin ni Dwayne at hinila niya ako palayo. Muntik na akong matumba habang nakatanaw sa gusali kung nasaan ang botique. Mabuti na lang at m
Ilang minuto lang kaming magkahawak kamay ni Margarita pero walang nagsasalita sa aming dalawa. Tila sinisikap naming maging kalmadong muli matapos ang nangyari.Alam ko wala na akong nangyari na pero ang sakit at panghihinayang na nararamdaman ko ay hindi agad mawawala.Pasalamat na lang talaga ako at may kaibigan ako sa tabi ko. Ganoon din kay Dwayne hindi ko man aminin malaki ang naitulong niya para sa akin.Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto ng may kumatok dito. Rinig na rinig ko pa ang usapan ng parang nagkakagulong boses sa labas.Si Dwayne ang nagbukas ng pinto at sunod-sunod na pumasok ang tatlong lalaki.Kung si Margarita ay natulalang muli dahil sa nakitang tila mga lalaking lumabas mula sa runaway. Nasapo ko naman ang noo ko. I know them at sana lang hindi nila ako natatandaan. Tila mas nadagdagan ang stress na nararamdaman ko habang nakatingin sa mga nakangiti nilang mukha.Cohen, Troy and Sven, they are Dwayne's
MARGARITA Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa tatlong lalaking bagong dating. Nakakatakot din kasing tumingin ang asawa ni Reb parang mananakmal palagi kaya sumunod na lang ako. Alam ko namang hindi niya papabayaan ang kaibigan ko. Kahit puno ng panlulumo sa nangyari pero ayoko namang panghinaan ng loob. Reb needs me right now. Alam kong matatag siya pero sa nangyari siguradong mahihirapan siyang tanggapin iyon. Napatingin ako kotse nang sumakay sila. Ang lalaking seryoso alng ang mukha ang siyang nasa driver seat. Ang kasama naman nito sa datingan pa lang ay halatang babaero na ang sa passenger seat habang pumasok naman si Atty. Delgado sa kabilang side para sumakay sa backseat. Binuksan nito ang bintana at tumingin sa akin. “Get in.” Napasimangot na sumakay ako at naupo sa tabi niya. Ang gagwapo nila pero hindi man lang sila gentlman. Dapat pinagbuksan nila ng pinto ang gaya kong dalagang Pilipina. “Just show me the direction, Ms?” nakangiting saad ng lalakingvnasa
RRBECCA“Aalis ka na ba talaga? I mean sasama kana kay Dwayne?” tanong ni Margarita habang pinapanood akong mag-impake.Muli siyang bumalik dito sa bahay uoang kumustahin ako.Kinuha ko ang selpon ko at ipinakita sa kanya ang na natanggap ko ang natanggap kong mensahe. Kinuha kaksu ni Dwayne ang orihinal na sulat kaya pinicturan ko na lang ito. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakaupo sa kama at binabasa ang nakasulat.“Sinong baliw ang nagpadala nito sayo?”Humarap ako sa kanya. “Hindi ko alam. Wala akong ideya. Basta ang sabi ni Manang natagpuan na lang niya iyan sa may labas ng gate kaninang umaga.”“Pinapaiwas ka sa isang lalaki? Kanino kay Dwayne ba?”“Naisip ko na rin iyon noong una pero parang imposible naman na si Dwayne ang tinutukoy. I even asked him kungvmay girlfriend ba siya na nasagasaan ko noong bigla kaming magpakasal ng hindi ko nalalaman pero wala raw.” Ka
REBECCCA“Mommy, is it true? We are going to Manila?” Cupid asked.Karadating lang nila galing school. Si Dwayne na rin ang sumundo sa kanila at iyon na ang huling pasok nila sa eskwelahan na pinapasukan nila dahil bukas ng umaga ay aalis na kami.“Yes, we are goung to live with your dad?” sagot ko at hinaplos ang kanyang ulo.“Really? We are going to be a real family na?”Ngumuti na lang ako sa tanong ni Cupid. I am not sure yet. Hindi pa rin ako sigurado kung ano ba ang meron sa amin ni Dwayne. Pero sa ngayon hindi muna iyon ang isipin ko. Mas maraming bagay pa akong dapat pagtuunan ng pansin sa pagbabalik ko.“But how about Ninang Margaret? Nana Nerma and Tito Calvin? Hindi na ba natin sila makikita? I don’t like Tito Calvin because he is trying to steal you from dad but he is still a good guy. He loves treating me an ice cream.”Natatawang ginulo ko ang buhok niya dahil s