Aliyah's POV (Adi)Simula nang magtalo kami ni Francis sa fiesta sa bayan ng San Mariano ay hindi na niya ako pinapayagang lumabas dito sa loob ng bahay. Pareho kaming galit at may alitan sa isa't-isa at hindi ko na magagawang magsorry dahil wala naman akong ginawang masama para magalit siya sa akin.Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa pagkatao ko. Wala akong maalala kahit isang ala-ala noong kabataan ko. Basta't nagising nalang akong nasa ospital ako pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa amin tatlong taon na ang nakakalipas.Hindi man ako kumikibo o madalas na magtanong kina Francis o Kuya Jeddaih ay hindi naman ako tanga o manhid katulad ng iniisip nila. Alam kong may itinatago sila sa akin at aalamin ko iyon.Dahil nasa loob lang naman ako ng bahay ay naisipan ko na lang na maglampaso ng sahig namin. Nasa trabaho pa ngayon sa talyer si Francis at sinabi niyang gagabihin raw siya ng uwi dahil mag-oovertime sila ni Goyong na pandagdag kita rin ngayong araw. Mas mabuti nang g
Third Person's POV"Kuya, that's her. Am I right?" tanong ni Dawson sa kanyang nakatatandang kapatid na si Dean.Tumango si Dean habang iniinom ang hawak na wine."Then we should tell this to Ahnwar. Matagal na nilang hinahanap si Jianna at-""I know what I'm doing, Dawson. Hindi mo ako kailangang pangunahan sa mga dapat kong gawin. I have plans and of course, I will help them to reunite with the girl they'd love." seryoso namang saad ni Dean.Dawson sighed. "We see how much they suffered simula nang mawala si Jianna Adiel. Si Ahnwar ay napapabayaan na ang sarili niya sa patuloy pa ring paghahanap kay Jianna. Don't be a jerk too, kuya. I can see that you like her but she has a family who's still waiting for her return." mariin niyang sabi dahilan para matahimik doon si Dean.Dawson know him so well. Kaagad nitong napansin ang pagiging interesado niya kay Aliyah simula nang una niya itong makita. Alam niya ring ito ang babaeng hinahanap ng kaibigan niyang si Ahmed at hinahanap rin ng m
Aliyah's POV (Adi)Nandito ako sa bahay nila Gelyn dahil birthday celebration ng kapatid niyang kambal na sina Edmond at Emir. Hindi nawawala sa tabi ko si Francis na kung todo naman ang pagbabakod sa akin dahil may iilang mga kaklase at kaibigang lalake ang kambal na birthday celebrant na inimbita rito.Napapatingin lang ang mga kaibigan ng kambal sa akin ay kaagad na itong sinasamaan ng tingin ni Francis. Dahil ayoko nang magtalo pa kami ay hindi ko na siya pinupuna sa ginagawa niya. Gusto kong maging payapa lang ang gabi naming ito na walang away o pagtatalo na mangyayari sa amin."Kain lang kayo. Maraming pang handa sa loob ng kusina. Kung gusto niyo ay mag-uwi kayo mamaya." nakangiting sabi ni Gelyn habang inilalatag niya sa lamesa namin ang isang bilao ng pancit bihon at biko. Naglapag rin ito ng buko juice na nakalagay sa isang pitsel."Salamat, Gel! Ngayon ay makakakain na rin kami ng disenteng pagkain hindi iyong puro de lata at noodles na lang sa kampo namin sa Maynila ang k
Ahnwar's POV Sa loob ng tatlong taon ay hindi na naging maayos ang buhay namin simula nang mawala si Jianna. Walang araw na hindi naming sinisising magkakapatid ang mga sarili namin kung bakit siya tuluyang nawala sa amin. Dapat kami ang nagpoprotekta at nagbabantay sa kanya pero sa isang iglap lang ay nawala siya sa amin at nawalan din ng ina si Blair.Blair is always praying for her mother's safety. Lumaki rin itong mabait at masunuring bata. At the age of 7 years old ay matured na siyang mag-isip. Alam niya ang sitwasyon namin ngayon na kaming triplets ay karelasyon ng kanyang ina.She grew up na hindi masyadong maalala si Jianna. She's only 4 years old nang mawala ito but she also know na mabuting ina si Jianna at ginawa nito ang lahat para lang mapalaki siya ng maayos at maibigay ang mga pangangailangan niya.One call from Dean Sandoval; The Governor in the province of San Mariano, older brother of my friend, Dawson and Ahmed's new friend ay lahat ng paghihirap, pangungulila at
Adi's POVTila para akong nasa ibang mundo dahil kaharap ko ang mga taong sinasabing totoong pamilya ko. Hindi ko man maintindihan ang lahat ng mga nangyayaring ito sa akin ay pilit kong binubuksan ang isipan ko sa posibilidad na sila ang totoo kong pamilya.Yakap ako ng nagpapakilala sa aking ina ko, lola ko, dalawang kapatid kong lalake at ang sinasabi nilang anak ko. Hindi ko maitatanggi na kamukha ng triplets si Blair na anak raw namin ni Ahmed. Kanina pa ito umiiyak sa harapan ko habang nakayakap ito sa akin.Dahil sa hindi ko maipaliwanag na lungkot at bigat na nararamdaman ay umiiyak na rin ako katulad ng bata."I missed you, Mama…" paulit-ulit na sambit ni Blair."Namiss rin kita, Blair…" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha niya."Adi, hindi kami makapaniwalang nandito ka na ngayon. Ilang taon ka naming hinanap pero wala talaga kaming naging ideya kung nasaan ka." malungkot na sabi ni Kuya Hideyo at nasa tabi nito si Haru na tahimik lang ring umiiyak."M-mabuti at nahanap
Adi's POV"Ate Adi, hindi talaga namin inaasahan na gagawin sa'yo 'yon ni Kuya Nikolai. Kahit kami nina Mama at Papa ay hindi maintindihan kung paano niya 'yon nagawa sa'yo. Alam naming matagal ka na niyang gusto pero hindi namin naisip na aabot sa puntong kikidnappin ka niya." umiiyak na sambit ni Eiselle na nasa harapan ko habang nakaalalay sa kanya si Haru na pinapatahan naman siya."Bad influence lang siguro kay kuya ang mga naging bagong kaibigan niya. Hindi niya 'yon magagawa sa'yo, Ate Adi kung hindi niya nakilala ang kapatid mo at ang grupo nila." sabi naman ni Cristina na nasa tabi ni Noah.Inosente ang mga babaeng kapatid ni Nikolai at wala rin silang alam sa balak sa akin noon ng kapatid nila. Maging pati ako ay nasasaktan rin ngayong nakikita ko na mas nasasaktan sila sa ginawa sa akin ni Nikolai.Hindi ko maintindihan si Nikolai, hindi man lang ba niya naisip ang pamilya niya bago niya ako balaking dukutin at itago sa San Mariano? Sa nakikita ko ay mapagmahal na kapatid s
Adi's POVNgayon ay kausap ko si Kyrie. Madali ko lang siyang nakapalagayan ng loob dahil mabait naman ito at nakakatuwang kausap. Ikinukwento niya sa akin si Ahmed na matalik niyang kaibigan. Mabuti raw itong kaibigan at palaging nagpaparaya para sa kanya.Mas matanda siya ng dalawang taon kay Ahmed at kung tutuusin ay mas bata siyang tignan kumpara kay Ahmed. Siguro ay dahil iyon sa maamo at palangiting mukha ni Kyrie kaya mas lalo itong nagpapabata sa kaniyang itsura. Ikwinento ko na rin sa kanya ang lahat ng mga kaganapang nangyari sa akin sa San Mariano at kung paano ako itinago doon ni Nikolai ng tatlong taon."Is he did something bad to you, Adi? Did he already took advantage of you?" sunod-sunod na tanong ni Kyrie na inilingan ko."Wala namang ginawang masama sa akin si Nikolai. Ayon nga lang ay sobra siyang possessive pagdating sa akin at ayaw niya akong lalayo sa lugar namin. Hindi pa niya nakuha ang pagkababae ko dahil kahit nagtatabi kami sa iisang kama ay ayoko talagang m
Adi's POV Simula nang dumating sina Ahmed at Ahnwar galing sa San Mariano ay halos hindi na ako mabitawan o maiwanan man lang ni Ahnwar. Palagi itong nakadikit sa akin at hindi na rin halos pumapasok sa kaniyang trabaho.Sina Ahmed at Ahzik ang sumasalo sa lahat ng mga gawain niya at naiintindihan naman iyon ng magkapatid dahil sobrang namiss lang raw talaga ako ni Ahnwar at natutuwa siya nang magbalik na ako sa kanila.Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang malaman ko ring hindi namin tunay na kapatid ni Haru si Kuya Hideyo. Alam ko na balang araw ay malalaman rin niya ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya pero umaasa pa rin kaming pamilya niya na hindi niya kami iiwan kahit hindi niya kami tunay na mga kadugo.Napamahal na kami kay Kuya Hideyo at ganoon rin siya sa amin. Sa tulong ng mga therapy at gamot na iniinom ko kay Doctor Salcedo ay unti-unti na ring bumabalik ang mga ala-ala ko.Si Kuya Hideyo ang isa sa tumayong ama ni Blair at siyang tumulong sa akin para mapal
This is a bonus Chapter for TTA's first installment Wished One, But Got Five. PINAGMAMASDAN ni Zian si Rica habang natutulog ito sa kaniyang tabi. Kapwa silang nakahubot-hubad dahil kakatapos lang nilang magtalik.Simula nang may unang mangyari sa kanilang anim ay hindi na nila tinantanan si Rica. Minsan ay anim silang nakikipagtalik at minsan ay sino-solo nila katulad ngayon na nasolo niya muna ito dahil abala sa trabaho sila Trevor, Wenhan at Ran samantalang si Essam ay umuwi sa Amerika para puntahan ang ama nito at tulungan sa business.Natigil si Zian sa pagtitig kay Rica nang makitang nag-vibrate ang cellphone nito sa bedside table. They are in her room at ilang oras na natapos silang magtalik.Kinuha niya ang cellphone ni Rica sa bedside table at tinignan kung sino ang tumatawag.Si Maru.He clenched his teeth as he read this guy's name. Naalala pa rin ang eksenang nakita habang nakayakap ang lalakeng ito kay Rica at parehong magkatabi sa kama.Mas nainis at nagalit siya nang
DALAWANG linggo ang lumipas ay nanatiling normal at payapa naman ang takbo ng buhay ni Rica at ng limang boyfriends niya na abala sa kani-kanilang mga trabaho.Kahit abala ang mga ito ay hindi pa rin nakakaligtaan ang kanilang boyfriend duties. Para makabawi ay napagpasyahan ng limang lalake na surpresahin si Rica sa restaurant ni Lolo Perry at yayain na makipag-date sa Amusement Park o sa kahit saang lugar na gusto nitong pasyalan.Sa restaurant naman ay kausap ni Rica si Maru at sinabi sa lalake ang pagpunta kasama si Trevor sa bahay nina Emily at Marlon.Sa nakita ni Rica ay mukhang hindi na apektado si Maru sa dalawa at tumatango lang ito sa sinasabi niya."I heard it from our maids. Ganoon naman talaga si Kuya Marlon, he can't treat his girls right after having sex with them." umiling si Maru."Hindi ka na ba nasasaktan dahil sa kanila?" maingat tanong ni Rica."No. I'd already move-on. Na-realized ko na tama lang na hindi kami nagtagal ni Emily. She used to love me, but it wasn'
AHMED, AHNWAR, AHZIKIyan ang pangalan ng triplets nina Rica at ng asawa nitong si Trevor. Pitong taong gulang na ang triplets ngayon at lumaki ang mga ito na napakakisig na mga bata.Si Trevor ang ama ng triplets mula sa lumabas na DNA Paternity Test result na isinagawa nila siyam na taon na ang nakakalipas.Si Ahmed ang panganay dahil nauna itong lumabas nang ipinanganak ito ni Rica. Pangalawa namang lumabas si Ahnwar at ang panghuli ay si Ahzik.Magkakamukha man ang tatlong kambal ngunit iba-iba naman ang personalidad ng bawat isa sa mga ito.Si Ahmed ay tahimik na bata lamang. Mas ginugusto lang nitong magkulong sa loob ng kwarto at doon ay maglaro o 'di kaya'y magbasa ng libro. Masyado itong introvert na malayo sa personalidad nang sumunod dito na si Ahnwar.Si Anhwar ay maligalig, madaldal at masayahing bata. Madalas itong nakikipaglaro kay Ahzik sa labas ng bahay nila. Minsan nga ay ginagabi na ang mga ito sa kakalaro kaya todo sermon naman si Rica sa mga anak. Lumalaki kasing
Note: This special chapter is only exclusive here at Goodnovel and The Triplets Addiction book version.Ahmed's POVI keep glaring at the young boy in front of me. He's still harassing my daughter Blair at school, and this is the nth time we've been in the guidance office with his widowed father, who keeps staring secretly at my wife, Adi.We're in our thirties now, but Adi's beauty continues to captivate men. She doesn't look in thirties at all because she still looks very young for her age. I despise the fact that she appears to be in her mid-twenties. I'm still jealous when a guy looks at her with admiration, but I can't blame her for having such timeless beauty."I hate him, Dad Ahmed! He tried to kiss me earlier in the corridor, and his friends trapped me between them." umiiyak na sabi ng panganay kong anak na si Blair habang inaalo ni Adi.Mas lalong sumama ang tingin ko sa binatilyong nasa harapan namin. Maxton Rosell ang pangalan niya at simula nang mag-aral ng high school si
Written by:TaraBatisTayoRiguel, adyyy_10Edited by: Ajai_KimADI'S POVFIRST DAY OF VACATIONHabang sinusubukan nang araw na ibaon ang sarili sa abot-tanaw, hindi ko maiwasang mamangha sa kagandahan ng natural na kalikasan.Natutuwa akong tumira sa probinsya dahil dito. Ang pagiging simple ng pamumuhay at hindi malilimutang sariwang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.Kahit hindi ka gumastos ng pera ay makakakain ka nang sapat. Ang mga gulay ay maaaring matagpuan lamang sa sariling likod-bahay, gayunpaman sa lungsod, lahat ng mga bilihin ay mahal na.Ang sarap ng simoy ng hangin sa probinsyang walang polusyon. Ang mga bukid ay 'kay ganda sa paningin. Ang huni ng ibon ay sadyang napakasarap sa pandinig. Napakasarap tumira sa lugar na mala Paraiso. Parang ayaw ko nang umalis at dito na lang manirahan nang panghabangbuhay. Simple lang ang pamumuhay pero ramdam na ang bawat pamilya ay masaya sa kanilang mga buhay.Ilang taon na noong ikinasal ako 'kila Ahmed, Ahnwar at Ahzik. A
After 1 year.... Adi's POVNandito kami sa Luneta Park at masayang namamasyal kasama sila Blair, Ahmed, Ahnwar at Ahzik. Habang hindi pa lumalaki ang tyan ko dahil ngayon ay buntis ako sa pangalawang anak ko na si Ahnwar naman ang ama ay sinusulit na namin ang makapamasyal at gumala. Bukas pala ay may online class rin ako kaya ito ang magandang panahon para mamasyal kaming lima.Isang linggo na akong buntis at nararamdaman ko na kaagad ang matinding pagod at pagkahapo kahit lang sa maliit na bagay na ikinikilos ko. Ganito rin ako noong ipinagbubuntis ko si Blair at medyo maselan ako kapag buntis kaya nga noon ay todo asikaso sa akin si Nikolai at ang pamilya ko para lang maging maayos ang kondisyon namin ni baby Blair.Napagpasyahan naming magpicnic sa Luneta Park at kakatapos lang naming magsimba. Nagdala na rin kami ng mga pagkain at mat na mauupuan namin sa grass ground nitong parke.Tinotopak ngayon si Blair kaya hindi ito umaalis sa pagkakakapit sa Dada Ahmed niya. Nagpapabili k
Adi's POVNandito ako sa pool area kasama sina Blair at Sahara habang nagsu-swimming sila. Ang kasama kong sina Haru at Eiselle naman ay abala sa pagkuha ng litatro sa dalawang bata.Matapos ang klase nila ay kaagad na silang dumiretso dito sa mansyon para raw bisitahin si Blair. Kasama rin sa pagsu-swimming kanina si Yesheem pero nang biglang dumating sina Haru at Eiselle ay nagpaalam na itong tapos na siyang maligo at gagawa nalang raw ng kaniyang homeworks sa loob ng kwarto niya."Ate Adi, pinapasabi pala nina Mama at Lola na pumunta raw kayo bukas sa bahay kasama sila Kuya Ahmed, Ahnwar at Ahzik. Birthday ni Mama kaya inaasahan niyang pupunta kayo sa birthday celebration niya." sabi ni Haru habang winiwisikan nito ng tubig sina Blair at Sahara na natatawa naman sa ginagawa niya.Tumango ako. "Oo nga pala at birthday ni Mama bukas. Sige, pupunta kami. Sasabihin ko nalang 'yon sa triplets." sagot ko."Anong sikreto mo kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin mukhang losyang, At
Ahmed's POVI want to erase his annoying smirk while he's in front of me. Hindi ko inaasahan na ganito pa ang magiging asal niya pagkatapos niyang pagsamantalahan ang sarili niyang kapatid. They are not biological siblings pero lumaki pa rin silang kapatid na ang turingan sa isa't-isa.Hideyo's true colors were now revealed at ang akala ko ay sila Leigh, Nikolai at Kyrie lang ang magiging ganito kay Adi but we need to expect the unexpected dahil sa huli ay si Hideyo pa ang magiging malaking dahilan para masira ang pamilya namin kasama sina Adi at Blair."Nakakangiti ka pa ng ganyan pagkatapos ng ginawa mo kay Adi?" mariin kong tanong kay Hideyo na mas lalong ngumisi sa sinabi ko."Anong gusto mong gawin ko, Ahmed? Pagsisihan ko 'yong nagawa ko kay Adi? Mahal ko siya at nagustuhan ko ang ginawa namin." he said."You had no conscience at all, and Adi suffered too much pain and trauma as a result of what you did to her. Hindi mo man lang ba siya inisip bago mo siya balak pagsamantalahan?
Chapter 38Adi's POVIlang beses na akong napabuntonghininga habang pinagmamasdan ko ang pag-agos ng tubig mula sa ilog na tinitignan ko magmula pa kaninang umaga. Gusto ko ng tahimik na lugar at dito na muna ako sa may ilog naglagi.Sa nakalipas na tatlong buwan ay maraming mga nangyaring hindi ko inaasahan. Bigla na lang nag-iba ang takbo ng buhay ko, sakit na ilang beses kong kinimkim at galit na hindi ko na napigilan pang ilabas.Pagkatapos akong kausapin ng triplets tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan ay nakaramdam ako ng matinding konsensya dahil ang akala ko ay sila lang ang may pagkakasala sa amin ngunit nagkakamali pala ako.Nang dahil sa bugso ng galit at sakit na naramdaman ko ay nagtaksil ako sa magkakapatid at halos hindi ako pinatulog ng konsensya ko nang dahil doon. May nagawa silang kasalanan sa akin pero dahil hindi rin nila ginusto iyon.Hindi ko na maibabalik pa sa dati ang lahat. Pinagsamantalahan ako ng taong ang akala ko ay ituturing rin akong pami