Share

Chapter 1

Author: Ajai_Kim
last update Last Updated: 2023-10-21 12:47:43

Adi's POV

Mahirap maging batang ina. 16 years old pa lamang ay maaga na akong namulat sa responsibilidad bilang isang ina. Tanging puso lang ang pinairal ko noon at hindi na naisip ang pamilya kong umaasa sa akin makapagtapos lang ako ng pag-aaral hanggang sa kolehiyo at makakuha sana ng magandang trabaho.

Bugso ng damdamin.

Masyado akong nagpadala rito at hindi na inalala ang mga negatibong komento tungkol sa ex-boyfriend ko noon na ama ng anak kong si Blair na si Leigh Davidson.

Si Leigh ay high school classmate ko noon. May lahi itong half German at German ang Dad nito kaya mestiso ito, may kulay abuhing mga mata, matangkad at sige na nga, gwapo siya! Kumbaga sa balikbayan box ay all in one package na.

Iyon nga lang ay ubod ito ng pagkababaero. Tanging magagandang babae lang ang nagiging girlfriends nito sa school namin at hindi naman niya siguro ako papatulan kung hindi ako maganda, hindi ba? Ako kaya ang Muse representative ng buong school noon at pambato sa mga pageant.

Si Leigh ang nakauna ng lahat sa akin. Alam kong playboy at maloko na siya noon pa pero hindi pa rin iyon naging hadlang para hindi ako humanga at magkagusto sa kanya. Noong niligawan niya ako ay sinagot ko siya kaagad. Nagtagal ng dalawang buwan ang relasyon namin hanggang sa may nangyari sa amin sa loob ng kwarto niya.

Sobrang minahal ko siya na dumating sa puntong pati ang virginity ko ay ibinigay ko sa kanya dahil nagtiwala at umasa pa rin ako na mahal niya ako. Umasa akong magbabago siya para sa akin, na ako lang ang tanging babaeng magpapatino sa kanya dahil ako ang pinakamatagal niyang naging girlfriend pero nagkamali pala ako.

"Leigh, buntis ako..." umiiyak kong sabi kay Leigh habang nakaluhod ako sa harapan niya at nagmamakaawang huwag niya akong iiwan.

Sinabi niyang aalis na sila ng pamilya niya papuntang Germany para doon manirahan at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. May kaya ang pamilya nila pero nag-aaral siya sa public school namin dahil malapit lang dito ang subdivision na tinitirhan nila. Hindi niya ako pwedeng iwanan ngayon dahil buntis ako at siya ang ama ng ipinagbubuntis ko.

Tumawa si Leigh sa sinabi ko at nginisian ako. "Ano'ng gusto mong gawin ko? Panagutan 'yan? Abort it; I don't need a child."

Parang tinarak ng kutsilyo ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi man lang ba niya ako minahal sa loob ng dalawang buwan kaya baliwala lang ako sa kanya at sa magiging anak namin?

"H-hindi ko kayang gawin 'yon, Leigh. Anak natin 'tong nasa sinapupunan ko-"

"Shut up! Kung gusto mo edi buhayin mo 'yang bata pero hinding-hindi ko 'yan pananagutan! We're leaving at hindi na kami babalik dito sa Pilipinas!" sigaw ni Leigh at akmang papasok na sa loob ng bahay nila nang hinawakan ko ang kaliwang braso niya at tinignan siya nang may pagmamakaawa.

"Leigh, m-minahal mo ba talaga ako?" tanong ko at hindi na napigilang mapahikbi.

"No, Adi, I don't love you; you're just one of my trophy girlfriends. Kung hindi ka lang maganda at sexy ay hindi naman kita papatulan. Sa tingin mo ay seryoso ako sa'yo? Nagtagal lang tayo ng two months para inggitin ang mga katropa ko na nagnanasa at nagagandahan sa'yo. Please don't be so desperate, okay? Buhayin mo 'yang ipinagbubuntis mo if that's what you want, but don't expect me to take responsibility for your shit!" Padarag na binitawan ni Leigh ang braso niyang hawak ko at nagsimulang humakbang paalis na muntik kong ikinatumba sa sahig.

Simula noong araw na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak sa loob ng kwarto ko. Sobrang nag-aalala na ang mga kapatid kong sina Kuya Hideyo at Haru, Mama Encar at Lola Andeng sa sobra kong pag-iyak araw-araw at pag-iisip ng hindi maganda dahil baka makasama raw iyon sa ipinagbubuntis ko. Isang buwan rin ako naging ganoon hanggang sa matauhan ako.

Kung ayaw na sa akin ng isang tao ay huwag ko ng i-depende at i-asa ang sarili ko dito. Dapat ay tumayo na ako sa sarili kong mga paa alang-alang sa magiging anak ko na siyang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kasama ko pa ang pamilya ko na nagmamahal sa akin. Ang Lolo Ponce kong namayapa na at ang Papa ko namang sumakabilang-bahay na at may iba nang pamilya na hindi ko na pala dapat i-mention dahil galit ako sa kanya.

Nahinto ako sa pag-aaral para matutukan ko ang pagbubuntis ko. Tumayong mga ama ang kapatid kong mga lalake na sina Kuya Hideyo at Haru sa ipinagbubuntis ko. Si Kuya Hideyo ay nagtatrabaho bilang isang chef sa karinderya samantalang si Haru ay Grade 7 student na noong mga panahong iyon. 2nd year college lang ang natapos ni Kuya Hideyo sa kurso nitong Electrical Engineering at hindi na nakatapos ng pag-aaral dahil maaga itong nagtrabaho para sa pamilya namin. Wala na kaming aasahan kay Papa kaya siya na ang may pasan ng responsibilidad nito. Naging pabigat ako kay Kuya Hideyo dahil nabuntis pa ako at kakailanganin ng malaking halaga para sa mga gamit at gatas ng magiging baby ko idagdag pa ang gastos para sa panganganak ko.

Hindi iniintindi ni Kuya Hideyo ang gastusin sa akin. Nag-oovertime pa siya sa karinderyang pinagtatrabauhan niya at suma-sideline ito bilang tricycle driver para lang kumita nang mas malaki. Maraming tao ang kasundo ng kuya ko idagdag pang gwapo ito at malakas ang tindig kaya hindi na mahirap sa kanya ang makahanap ng trabaho dahil sa karismang taglay niya kahit hindi nakapagtapos ng kolehiyo.

Sina Mama at Lola naman ay nagtitinda ng mga kakanin sa harap ng elementary school kung saan ay doon kami grumaduate nang tatlo kong mga kapatid. Pandagdag ipon rin daw ang kikitain nila doon para sa amin ng magiging baby ko sa oras na manganak ako. Nang manganak ako at isinilang ang malusog at healthy kong baby na si Blair ay napawi ang lahat ng sakit at pighati sa dibdib ko. Si Blair ang tanging yaman na iingatan ko, mamahalin at pangangalagaan ng panghabangbuhay.

Hindi ko na inisip at inintindi si Leigh. Bahala siyang magpalaki ng b*yag sa Germany kung gusto niya!

"Ate, may nakita ka bang guitar necklace dito? Hiniram ko lang 'yon kay Noah, eh?" tanong ni Haru habang hinahanap sa maliit naming sala ang guitar necklace na tinutukoy niya.

"Nilagay ko dyan sa stroller ni Blair. Pinaglalaruan niya kanina. Mabuti na lang at nakita ko. Ewan ko ba sa'yo, Haru at napakaburara mo talaga pagdating sa mga gamit!" umiiling kong sabi habang tinuturuang magkulay sa coloring book si Blair. Napakamot sa batok si Haru at dinampot sa stroller ni Blair ang guitar necklace ni Noah.

Si Noah ay best friend ni Haru na kapitbahay lang namin. Grade 12 Senior high school student na ang bunso kong kapatid. 18 years old na ito at magkokolehiyo sa susunod na taon. Katulad ni Kuya Hideyo noong elementary at high school pa lang ay palaging nominated as Escort sa buong school si Haru. Varsity player din ito sa basketball at dahil doon ay maraming babae ang nagkakagusto rito dahil bukod sa gwapo ay athletic pa sa Sports.

"Kain na tayo mga anak!" rinig kong sigaw ni Lola Andeng sa may bandang kusina. Nandoon rin si Mama na tinulungan si Lola sa pagluluto ng dinner.

Niligpit ko na ang coloring book at mga krayola ni Blair at hinila ito papunta sa kusina kasunod si Haru.

"Kain na tayo yey!" masayang sigaw ni Blair na nagpangiti sa akin.

Nagluto ng Chicken Curry at Pinakbet sina Mama at Lola na paborito naming ulam. Wala pa si Kuya Hideyo at baka mamaya pa ito makauwi dahil mukhang nag-overtime na naman sa trabaho niya.

"Nanliligaw ba sa'yo si Nikolai, anak?" biglang tanong ni Mama na muntik kong ikinasamid.

"Ha? Hindi po, Ma. Kaibigan ko lang po si Nikolai katulad nina Eiselle at Cristina." sabi ko at muling sinubuan ng pagkain si Blair.

"Ang sabi sa akin ng dalawang kapatid niyang babae ay may gusto raw sa'yo si Nikolai, apo. Wala akong tutol kung maging boypren mo man siya. Napakabait na bata no'n at minsan ay pinapakyaw pa ang mga paninda namin ng Mama mo sa iskul n'yo!" sabi ni Lola nang nakangiti.

"Nagpapalakas lang 'yon sa inyo para mapormahan niya si ate." pagsabat ni Haru kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bineletan niya lang ako habang natatawa kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Nako Mama and Lola, friends lang talaga kami ni Nikolai, okay? Saka wala akong gusto do'n, no! Ang lakas kaya mang-asar no'n palagi sa'kin." sabi ko ng nakasimangot.

Walang araw na hindi ako aasarin o pagti-tripan ni Nikolai. Wala talaga sa maamo at mukhang suplado niyang mukha ang pagiging madaldal, maingay at mahilig mang alaska sa amin nina Eiselle at Cristina.

Ewan ko rin kung bakit ang hilig niyang sumama sa mga lakad namin ng mga kapatid niya imbes na makihalubilo na lang siya sa mga lalakeng katrabaho niya sa call center.

Baka kasama sa federasyon si Nikolai kaya mas gusto niya ang girly time namin ng mga kapatid niya pero imposible iyon dahil lalakeng-lalake naman siya kung manamit at kumilos; idagdag pang every Saturday at Sunday ay hindi no'n makakalimutang mag-gym.

"Natutuwa lang talaga ako sa batang iyon, Adi. Magalang iyon at palaging nakikipagkwentuhan sa amin sa tuwing nakikita niya kami." nakangiting sabi ni Mama kaya umiling na lang ako.

Kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Nikolai. Tama naman sila, kahit makulit, maingay at pala-asar si Nikolai ay isa ito sa pinakamabait at mabuti kong kaibigan. Kababata ko ito kasama ang mga nakababata niyang kapatid na sina Eiselle at Cristina. Natutuwa rin ako na pagdating sa panlilibre sa akin ay hindi siya kuripot kaya mas bet ko talagang palaging magpalibre sa kanya dahil hindi niya ako matanggihan.

Pagkatapos naming kumain ay si Haru na ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan namin. Si Lola ay nagdilig ng mga halaman sa bakuran ng bahay namin habang si Mama naman ang umasikaso muna kay Blair para paliguan at turuan na itong magbasa sa edad na 4 years-old pa lang.

Nagtext si Nikolai at sinabi niyang nasa labas siya ng bahay namin at may dalang tatlong boxes ng pizza. Nang lumabas ako ay nakita ko siyang nakatayo sa may gate bitbit ang boxes ng pizza kaya binuksan ko ang gate at pinapasok siya sa loob ng bahay.

"Ang init sa labas kahit gabi na, grabe!" nakangiwing sabi ni Nikolai habang tinatanggal ang suot na itim na sumbrero at jacket. Naka plain black t-shirt na lang ito.

"Anong meron at naka all black ka? Member ka na ba ng kulto niyan?" natatawa kong sabi kaya inirapan niya ako.

"Dinalhan na nga kita ng paborito mong Hawaiian pizza tapos inaasar mo pa ako, no? Napakabuti mo namang kaibigan!" sarkastiko niyang sabi na ikinatawa ko.

"Eto naman hindi mabiro, oh! So, bakit ka nga nandito at may dala kang favorite kong pizza?" seryoso ko nang tanong habang nakangiti.

"A-ano, wala lang. Wala naman kasi akong magawa sa bahay dahil off ko tapos gumala pa sina Cristina at Eiselle kaya naburyo akong lalo sa bahay at pumunta na lang dito. Kahit nakakasawa 'yang pagmumukha mo dahil araw-araw ko na lang nakikita ay pagtityagaan ko na lang hindi lang mabored." sabi niya at nagsimula na namang asarin ako.

"Nakakasawa ang pagmumukha ko sa sobrang ganda ba?" nakakaloko kong tanong.

"Ang kapal mo ateng, ha!" sagot ni Nikolai at nagsalita pa ng tunog pangbeki na nagpatawa sa akin.

"Hoy! Hindi bagay sa'yo ang magsalita ng gamyan dahil ang lalim ng boses mo!" tumatawa kong sabi at inumpisahang buksan ang isang box ng pizza na nakapatong sa lamesang gawa sa kahoy.

Pinaabot ko kay Haru ang dalawang boxes ng natirang pizza at sinabing ibigay ito kina Mama at Blair na nasa loob ng kwarto. Sinabi ko ring tirhan nila ng pizza si Lola na nagdidilig pa rin ng mga halaman sa bakuran.

"Okay ba 'yong workplace mo kung saan kita ni-refer?" tanong ni Nikolai habang kumakain na ng binili niyang pizza.

"Okay naman. Kering-keri lang ang pagiging cashier ko sa Supermarket na iyon." nakangiti kong sabi.

"Pasalamat ka talaga at may gwapo at macho kang kaibigan na handang tumulong sa'yo," nakangisi niyang sabi at ipinakita pa sa akin ang braso niyang may muscles kahit papaano.

"Yeah, whatever!" inirapan ko siya ng pabiro na ikinatawa niya.

Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay nagpaalam na si Nikolai na uuwi na at matutulog ng maaga dahil 2:00 am raw ang shift niya bukas bilang isang Technical Support sa pribadong call center company na pinagtatrabauhan niya.

Hinatid ko siya sa labas ng bahay at nakasalubong pa nito si Lola sa bakuran na mukhang naglaba ng mga punda ng unan at kumot namin sa gilid ng bahay dahil may mga nakahanger na sa sampayan naming gawa sa alambre.

Nagmano at nakipag-usap saglit si Nikolai kay Lola bago ito tuluyang umalis sa bahay. Sabay na kaming pumasok ni Lola sa loob ng bahay. Dumiretso na ito sa loob ng kwarto niya para magpahinga habang ako naman ay tumambay muna sa sala para manood ng tv. Hinayaan ko na muna sina Mama at Blair sa loob ng kwarto ko.

Habang nanonood ako ng TV ay biglang tumunog ang messenger ko sa cellphone kong android na second hand phone ni Kuya Hideyo.

Tinignan ko kung sino ang nagmessage sa akin na nakalagay sa message requests inbox dahil hindi ko ito F******k friend.

Nang tuluyan kong nabasa ang pangalan ng sender at nabasa rin ang message nito ay biglang nanlamig ang mga kamay ko at kinabahan habang hawak ang cellphone ko.

From: Leigh Johann Davidson

Hello there, babe! How are you and our child doing? We'll see each other soon. Just wait for me. I miss you and I love you! :)

Bakit pa siya nagparamdam kung kailan ay maayos at tahimik na ang buhay namin ng anak ko?

-Ajai_Kim

Comments (1)
goodnovel comment avatar
coolkid27
maganda ang story. I love it
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Triplets Addiction   Chapter 2

    Adi's POV"Ang kapal naman ng apog ng lalakeng 'to, Ate Adi! Pagkatapos niya kayong iwanan ni Blair at takbuhan ang responsibilidad sa inyo ay bigla na lang siya magcha-chat nang ganito?" gigil na sabi ni Haru habang paulit-ulit na binabasa ang chat ni Leigh kagabi sa messenger ko."I-block mo 'yang lalakeng 'yan, sa oras na bumalik pa siya sa Pilipinas at guluhin kayo ni Blair ay ako ang makakalaban niya." seryoso at madiin namang sabi ni Kuya Hideyo habang inilalagay ang mga damit niya sa loob ng itim niyang backpack.Alam kong nagagalit si Kuya Hideyo sa biglaang pagpaparamdam sa akin ni Leigh ngunit kinokontrol lang nito ang emosyon niya. Malaki ang galit niya kay Leigh simula nang iwanan ako nito."Opo, kuya." sagot ko at napabuntong-hininga na lang.Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng chat ni Leigh. Paano kung magbalik siya na posible ngang mangyari? Paano kung guluhin niya ako at maging pati si Blair? At paano kung bigla niya itong bawiin sa akin?Hindi ako makakapayag

    Last Updated : 2023-10-21
  • The Triplets Addiction   Chapter 3

    Adi's POV"Harley Ruvin." madiin kong pagtawag kay Haru nang sinundo ko ito sa basketball court kung saan ay kalaro niya ang best friend niyang si Noah at ang iba pa nilang mga kaibigan.Nabaling ang tingin sa akin ng mga kaibigan ni Haru habang siya ay mukhang naiinis sa biglang pang-iistorbo ko sa laro nila."Ano ba 'yon, ate? Nakita mo namang naglalaro pa kami, e!" naiinis niyang sabi nang lumapit ito.Mahina kong piningot ang tainga niya at ang damuho ay umaaray pa na parang masakit ang pagkakapingot ko."Hoy! Anong oras na? 8:00 p.m na ng gabi pero hanggang ngayon ay naglalaro ka pa rin sa court. Wala ka bang balak kumain, ha?" masungit kong sabi at si Haru ay nagkamot ng batok."Kakain naman ako mamaya pero naglalaro pa kasi kami. Halika nga dito, Noah at i-explain mo kay Ate Adi na may sasalihan tayong liga sa kabilang baranggay," sabi ni Haru at pinalapit nito si Noah na nagpeace sign lang at ngumiti ng napipilitan."Tama si Haru, Ate Adi. May sasalihan nga kaming basketball g

    Last Updated : 2023-10-21
  • The Triplets Addiction   Chapter 4

    Adi's POVSaktong 6pm nang matapos ako sa duty ko sa trabaho. Si Nikolai ay 30 minutes early bird at maaga niya akong sinusundo sa Supermarket na pinagtatrabauhan ko. Kanina pa siya pinagtitinginan ng mga kasamahan kong babae sa trabaho kabilang na si Iska na nagkandahaba-haba na ang leeg dahil kanina pa lumilingon sa kinaroroonan ni Nikolai.Nakapwesto malapit sa ATM machine si Nikolai at nakasandal pa rito na parang model ng BDO ATM machine. Napapatingin halos ang mga taong napapadaan sa harapan niya. Head turner talaga ang mokong na 'to kaya masyadong bida-bida sa sarili kung minsan."Sure ka bang hindi mo jowa 'yan, Adi? Ang gwapo naman nyan! Mukhang koreano pero daks!" malanding bulong ni Iska kaya pinandilatan ko siya ng mata."Lalake rin ang hanap niyan kaya wala kang pag-asa dyan." sabi ko habang natatawa. Panigurado na kapag narinig ni Nikolai ang sinabi ko kay Iska ay baka mabatukan lang ako nito.Biglang lumungkot ang mukha ni Iska at ngumiwi ito. "Gano'n ba? Sayang naman a

    Last Updated : 2023-10-21
  • The Triplets Addiction   Chapter 5

    Adi's POVSa mga sumunod na araw ay naging payapa naman ang buhay ko. Hindi ako ginugulo ni Leigh kahit alam kong nandito pa rin siya sa Pilipinas, pero hindi pa rin panatag ang loob ko, naaalala ko ang huling sinabi niya sa akin na kukunin niya kami ni Blair. Hindi ako makakapayag roon at kahit kailan ay hindi na ako babalik sa kanya.Nang malaman ni Kuya Hideyo na nagpunta sina Leigh at Laarni sa bahay ay hatid-sundo na niya ako sa trabaho ko. Minsan kapag may oras si Nikolai ay siya rin ang naghahatid-sundo sa akin. Alam kong pinoprotektahan lang nila ako at baka bigla na lang sumulpot kung saan si Leigh at dukutin ako.Ang lalakeng iyon talaga! Wala ba siyang katiting na konsensyang nararamdaman matapos niya akong iwanan at itanggi si Blair bilang anak niya? Sinabi nga niyang ipalaglag ko ang bata pero hindi ko iyon ginawa. Kung umakto siya ngayon ay parang wala siyang naging kasalanan sa amin. Limang taon ang lumipas pero hindi pa rin siya nagbabago. Wala na talagang pag-asa ang

    Last Updated : 2023-10-21
  • The Triplets Addiction   Chapter 6

    Ahnwar's POVIt's been 3 days pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tumitigil sa kakamasid kay Supermarket girl na nakakuha ng atensyon namin ni Ahzik. We noticed her the day we saw her outside the supermarket while her boyfriend or whoever the fucktard he is kissed her temple.Ahzik and I were captivated by her beauty and light aura. Sa loob ng tatlong araw naming kakamasid at kakasulyap sa kanya mula sa malayo ay nakikita namin na she exudes positivity and joy. Palagi siyang nakangiti. This enhances her beauty and cuteness."Seriously? Na-love at first sight kayo sa babaeng 'yan? You've met a lot of lovely women in this country tapos sa kanya lang kayo nagkakaganyan?" Ahmed said bitterly.He doesn't like the idea na nagiging creepy stalker na kami ni Supermarket girl na maganda, sexy, mahaba at straight ang itim na buhok, may mapupulang labi at nakakaakit na mga mata. Damn the hell! Yes. We've met a lot of pretty and gorgeous girls at our university and workplace, but this girl

    Last Updated : 2023-10-21
  • The Triplets Addiction   Chapter 7

    Adi's POVMabuti na sabado ngayon at rest day ko sa trabaho. Hindi ko muna makikita ang baliw na triplets na iyon na sinabi sa aking manliligaw raw sila (except kay masungit na Ahmed) at wala pang pakialam ang mga ito nung nalaman nilang may anak na ako.Seryoso ba sila? Ano iyon, na-love at first sight sila sa 'kin sa una pa lang? Totoo ba talaga ang ganoon? Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ba nila ako o ano pero medyo naniniwala naman ako sa kanila na interesado sila sa akin. Sa ganda ko ba namang ito? Pero seryoso nga, hindi naman siguro sila mang-iistalk ng tatlong araw kung hindi sila nabihag sa alindog ko.Swerte ba ako dahil may tatlong nag-gagwapuhang triplets ang umaaligid sa akin- ay hindi pala dahil iyong isa sa triplets na may blue-grey na mga mata ay ang sungit at sinabing hindi niya ako type. Kung hindi niya ako type e, mas lalong hindi ko rin siya type, no! At sa tuwing naaalala ko ang ginawang paghalik sa magkabilang palad ko nina Ahnwar at Ahzik ay hindi ko mapig

    Last Updated : 2023-10-21
  • The Triplets Addiction   Chapter 8

    Adi's POVDahil birthday ngayon ng nakababatang kapatid nina Ahnwar at Ahzik na si Danielle ay niyaya nila kami ni Nikolai na maki-birthday sa bahay nila. Mukhang kaclose ni Nikolai ang dalawang boss niya dahil nag-uusap at nagtatawanan pa ang mga ito habang nasa loob kami ng kotse ni Ahnwar patungo sa bahay nila.Hindi alam ni Nikolai na nakilala ko na sina Ahnwar at Ahzik mula sa pinagtatrabauhan kong Supermarket kung saan niya ako ni-refer. At hindi ko rin alam na uncle pala ng triplets ang may-ari ng Supermarket kaya kilala nila si Nikolai at boss ang tawag ni Nikolai sa kanila.What a small world! Kilala ni Nikolai ang magkapatid sa triplets na sinabing liligawan daw ako and take note; hinalikan nila ang magkabilang palad ko dahilan para hindi ko na sila mai-alis sa isipan ko."I'm glad we saw you in that mall. Mabuti na lang at naisipan namin ni Ahzik na pumunta sa mall to bought gifts for Danielle's 14th birthday." nakangiting sabi ni Ahnwar kay Nikolai at sandaling sumulyap sa

    Last Updated : 2023-10-21
  • The Triplets Addiction   Chapter 9

    Adi's POVHindi ako halos makatingin ng diretso kina Nikolai, Kyrie, at Ahmed habang nasa iisang table kami kasama ang mga magulang ng triplets na sina Ma'am Rica at Sir Trevor maging pati na ang kadarating lang na mga ama ng iba pang kapatid ng triplets na sila Sir Zian, Wenhan, at Ran.Sinabi ni Ahnwar at Ahzik sa mga magulang niya na nililigawan nila ako. Hindi ko inaasahan na ayos lang iyon sa pamilya nila dahil nag-aalangan ako sa estado ng buhay ko kumpara sa estado ng buhay nila. Nakikita kong tanggap nila ako para sa mga anak nila. Tanggap rin nila kahit may anak na ako. Wala raw kaso sa kanila kung single mother ako. Talagang mabait ang pamilya ng triplets at hindi kami itinuturing na ibang tao nina Blair at Nikolai kahit na lumaki kami sa hirap at hindi mayaman na katulad nila.Kasama pa rin ni Blair sina Yesheem at Sahara. Kakatapos lang nilang maligo sa pool at ngayon ay nasa loob sila ng mansyon para ipakita at ipalaro kay Blair ang mga laruan nilang pinaglumaan noong mga

    Last Updated : 2023-10-21

Latest chapter

  • The Triplets Addiction   Bonus Chapter

    This is a bonus Chapter for TTA's first installment Wished One, But Got Five. PINAGMAMASDAN ni Zian si Rica habang natutulog ito sa kaniyang tabi. Kapwa silang nakahubot-hubad dahil kakatapos lang nilang magtalik.Simula nang may unang mangyari sa kanilang anim ay hindi na nila tinantanan si Rica. Minsan ay anim silang nakikipagtalik at minsan ay sino-solo nila katulad ngayon na nasolo niya muna ito dahil abala sa trabaho sila Trevor, Wenhan at Ran samantalang si Essam ay umuwi sa Amerika para puntahan ang ama nito at tulungan sa business.Natigil si Zian sa pagtitig kay Rica nang makitang nag-vibrate ang cellphone nito sa bedside table. They are in her room at ilang oras na natapos silang magtalik.Kinuha niya ang cellphone ni Rica sa bedside table at tinignan kung sino ang tumatawag.Si Maru.He clenched his teeth as he read this guy's name. Naalala pa rin ang eksenang nakita habang nakayakap ang lalakeng ito kay Rica at parehong magkatabi sa kama.Mas nainis at nagalit siya nang

  • The Triplets Addiction   The Triplets' Parents

    DALAWANG linggo ang lumipas ay nanatiling normal at payapa naman ang takbo ng buhay ni Rica at ng limang boyfriends niya na abala sa kani-kanilang mga trabaho.Kahit abala ang mga ito ay hindi pa rin nakakaligtaan ang kanilang boyfriend duties. Para makabawi ay napagpasyahan ng limang lalake na surpresahin si Rica sa restaurant ni Lolo Perry at yayain na makipag-date sa Amusement Park o sa kahit saang lugar na gusto nitong pasyalan.Sa restaurant naman ay kausap ni Rica si Maru at sinabi sa lalake ang pagpunta kasama si Trevor sa bahay nina Emily at Marlon.Sa nakita ni Rica ay mukhang hindi na apektado si Maru sa dalawa at tumatango lang ito sa sinasabi niya."I heard it from our maids. Ganoon naman talaga si Kuya Marlon, he can't treat his girls right after having sex with them." umiling si Maru."Hindi ka na ba nasasaktan dahil sa kanila?" maingat tanong ni Rica."No. I'd already move-on. Na-realized ko na tama lang na hindi kami nagtagal ni Emily. She used to love me, but it wasn'

  • The Triplets Addiction   The Triplets

    AHMED, AHNWAR, AHZIKIyan ang pangalan ng triplets nina Rica at ng asawa nitong si Trevor. Pitong taong gulang na ang triplets ngayon at lumaki ang mga ito na napakakisig na mga bata.Si Trevor ang ama ng triplets mula sa lumabas na DNA Paternity Test result na isinagawa nila siyam na taon na ang nakakalipas.Si Ahmed ang panganay dahil nauna itong lumabas nang ipinanganak ito ni Rica. Pangalawa namang lumabas si Ahnwar at ang panghuli ay si Ahzik.Magkakamukha man ang tatlong kambal ngunit iba-iba naman ang personalidad ng bawat isa sa mga ito.Si Ahmed ay tahimik na bata lamang. Mas ginugusto lang nitong magkulong sa loob ng kwarto at doon ay maglaro o 'di kaya'y magbasa ng libro. Masyado itong introvert na malayo sa personalidad nang sumunod dito na si Ahnwar.Si Anhwar ay maligalig, madaldal at masayahing bata. Madalas itong nakikipaglaro kay Ahzik sa labas ng bahay nila. Minsan nga ay ginagabi na ang mga ito sa kakalaro kaya todo sermon naman si Rica sa mga anak. Lumalaki kasing

  • The Triplets Addiction   Special Chapter

    Note: This special chapter is only exclusive here at Goodnovel and The Triplets Addiction book version.Ahmed's POVI keep glaring at the young boy in front of me. He's still harassing my daughter Blair at school, and this is the nth time we've been in the guidance office with his widowed father, who keeps staring secretly at my wife, Adi.We're in our thirties now, but Adi's beauty continues to captivate men. She doesn't look in thirties at all because she still looks very young for her age. I despise the fact that she appears to be in her mid-twenties. I'm still jealous when a guy looks at her with admiration, but I can't blame her for having such timeless beauty."I hate him, Dad Ahmed! He tried to kiss me earlier in the corridor, and his friends trapped me between them." umiiyak na sabi ng panganay kong anak na si Blair habang inaalo ni Adi.Mas lalong sumama ang tingin ko sa binatilyong nasa harapan namin. Maxton Rosell ang pangalan niya at simula nang mag-aral ng high school si

  • The Triplets Addiction   Extra Chapter

    Written by:TaraBatisTayoRiguel, adyyy_10Edited by: Ajai_KimADI'S POVFIRST DAY OF VACATIONHabang sinusubukan nang araw na ibaon ang sarili sa abot-tanaw, hindi ko maiwasang mamangha sa kagandahan ng natural na kalikasan.Natutuwa akong tumira sa probinsya dahil dito. Ang pagiging simple ng pamumuhay at hindi malilimutang sariwang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.Kahit hindi ka gumastos ng pera ay makakakain ka nang sapat. Ang mga gulay ay maaaring matagpuan lamang sa sariling likod-bahay, gayunpaman sa lungsod, lahat ng mga bilihin ay mahal na.Ang sarap ng simoy ng hangin sa probinsyang walang polusyon. Ang mga bukid ay 'kay ganda sa paningin. Ang huni ng ibon ay sadyang napakasarap sa pandinig. Napakasarap tumira sa lugar na mala Paraiso. Parang ayaw ko nang umalis at dito na lang manirahan nang panghabangbuhay. Simple lang ang pamumuhay pero ramdam na ang bawat pamilya ay masaya sa kanilang mga buhay.Ilang taon na noong ikinasal ako 'kila Ahmed, Ahnwar at Ahzik. A

  • The Triplets Addiction   Epilogue

    After 1 year.... Adi's POVNandito kami sa Luneta Park at masayang namamasyal kasama sila Blair, Ahmed, Ahnwar at Ahzik. Habang hindi pa lumalaki ang tyan ko dahil ngayon ay buntis ako sa pangalawang anak ko na si Ahnwar naman ang ama ay sinusulit na namin ang makapamasyal at gumala. Bukas pala ay may online class rin ako kaya ito ang magandang panahon para mamasyal kaming lima.Isang linggo na akong buntis at nararamdaman ko na kaagad ang matinding pagod at pagkahapo kahit lang sa maliit na bagay na ikinikilos ko. Ganito rin ako noong ipinagbubuntis ko si Blair at medyo maselan ako kapag buntis kaya nga noon ay todo asikaso sa akin si Nikolai at ang pamilya ko para lang maging maayos ang kondisyon namin ni baby Blair.Napagpasyahan naming magpicnic sa Luneta Park at kakatapos lang naming magsimba. Nagdala na rin kami ng mga pagkain at mat na mauupuan namin sa grass ground nitong parke.Tinotopak ngayon si Blair kaya hindi ito umaalis sa pagkakakapit sa Dada Ahmed niya. Nagpapabili k

  • The Triplets Addiction   Chapter 40

    Adi's POVNandito ako sa pool area kasama sina Blair at Sahara habang nagsu-swimming sila. Ang kasama kong sina Haru at Eiselle naman ay abala sa pagkuha ng litatro sa dalawang bata.Matapos ang klase nila ay kaagad na silang dumiretso dito sa mansyon para raw bisitahin si Blair. Kasama rin sa pagsu-swimming kanina si Yesheem pero nang biglang dumating sina Haru at Eiselle ay nagpaalam na itong tapos na siyang maligo at gagawa nalang raw ng kaniyang homeworks sa loob ng kwarto niya."Ate Adi, pinapasabi pala nina Mama at Lola na pumunta raw kayo bukas sa bahay kasama sila Kuya Ahmed, Ahnwar at Ahzik. Birthday ni Mama kaya inaasahan niyang pupunta kayo sa birthday celebration niya." sabi ni Haru habang winiwisikan nito ng tubig sina Blair at Sahara na natatawa naman sa ginagawa niya.Tumango ako. "Oo nga pala at birthday ni Mama bukas. Sige, pupunta kami. Sasabihin ko nalang 'yon sa triplets." sagot ko."Anong sikreto mo kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin mukhang losyang, At

  • The Triplets Addiction   Chapter 39

    Ahmed's POVI want to erase his annoying smirk while he's in front of me. Hindi ko inaasahan na ganito pa ang magiging asal niya pagkatapos niyang pagsamantalahan ang sarili niyang kapatid. They are not biological siblings pero lumaki pa rin silang kapatid na ang turingan sa isa't-isa.Hideyo's true colors were now revealed at ang akala ko ay sila Leigh, Nikolai at Kyrie lang ang magiging ganito kay Adi but we need to expect the unexpected dahil sa huli ay si Hideyo pa ang magiging malaking dahilan para masira ang pamilya namin kasama sina Adi at Blair."Nakakangiti ka pa ng ganyan pagkatapos ng ginawa mo kay Adi?" mariin kong tanong kay Hideyo na mas lalong ngumisi sa sinabi ko."Anong gusto mong gawin ko, Ahmed? Pagsisihan ko 'yong nagawa ko kay Adi? Mahal ko siya at nagustuhan ko ang ginawa namin." he said."You had no conscience at all, and Adi suffered too much pain and trauma as a result of what you did to her. Hindi mo man lang ba siya inisip bago mo siya balak pagsamantalahan?

  • The Triplets Addiction   Chapter 38

    Chapter 38Adi's POVIlang beses na akong napabuntonghininga habang pinagmamasdan ko ang pag-agos ng tubig mula sa ilog na tinitignan ko magmula pa kaninang umaga. Gusto ko ng tahimik na lugar at dito na muna ako sa may ilog naglagi.Sa nakalipas na tatlong buwan ay maraming mga nangyaring hindi ko inaasahan. Bigla na lang nag-iba ang takbo ng buhay ko, sakit na ilang beses kong kinimkim at galit na hindi ko na napigilan pang ilabas.Pagkatapos akong kausapin ng triplets tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan ay nakaramdam ako ng matinding konsensya dahil ang akala ko ay sila lang ang may pagkakasala sa amin ngunit nagkakamali pala ako.Nang dahil sa bugso ng galit at sakit na naramdaman ko ay nagtaksil ako sa magkakapatid at halos hindi ako pinatulog ng konsensya ko nang dahil doon. May nagawa silang kasalanan sa akin pero dahil hindi rin nila ginusto iyon.Hindi ko na maibabalik pa sa dati ang lahat. Pinagsamantalahan ako ng taong ang akala ko ay ituturing rin akong pami

DMCA.com Protection Status