Adi's POVHanggang ngayon ay hindi pa rin gaanong maiproseso ng utak ko ang mga nalaman ko isang linggo na ang nakakalipas. Kung joke lang sana ito ay dapat tumatawa na ako pero hindi dahil umamin na sa akin mismo si Neymar, ang dating matalik kong kaibigan noon na hindi ko alam na magiging kasabwat pala ni Leigh para sirain ang buhay ko.Kinalimutan ko na ang lahat ng masasaya naming alaala noon ni Neymar. Ngayon ay itinuturing ko na siyang parang hindi ko kilala dahil mas napalapit na siya kay Leigh at alam kong kinalimutan na rin niya ako. Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap lang ay biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin at ngayon nga nasusuklam na rin ako sa kanya.Papaano niya ito nagawa sa akin? Ni minsan ba ay hindi niya talaga ako itinuring na kaibigan man lang noon para magawa niya ang bagay na ito?At ang tungkol kay Durhin, kahit anong pilit ko palang kalimutan ang nakaraan ko sa kanya ay maaalala ko pa rin iyon. At ang Durhin na nakilala ko noon limang taon na an
Adi's POVKinabukasan ay maaga kaming nagpunta sa mall ni Ahmed kasama sina Ahnwar at Ahzik para bumili ng mga gamit na kakailanganin namin ni Blair at sa mga gamit sa kwartong tutuluyan namin ni Ahmed.May ilang akong nararamdaman dahil halos lahat ng mga taong nakakakita sa amin dito sa loob ng mall ay napapalingon sa amin.Alam ko na rin kung bakit, masyadong gwapo at matatangkad itong mga lalakeng kasama ko na triplets pa. Imposible talagang walang makakapansin sa kanila dahil hindi sa exaggerated ako pero parang mga tao silang inilabas mula sa isang Greek Gods mythology book. May pagkabanyaga ang mga itsura nila at kakaiba ang kulay ng mga mata nila kaya sino bang iignora sa ganitong klaseng mga lalake?Nagmumukha na rin silang mga matataas na pader sa tabi ko habang naglalakad kami sa loob ng mall at naghahanap ng pwedeng kainan. Sa taas akong 5'7 ay walang wala sa akin ang 6'0 feet pataas na mga height nila.Ewan ko lang talaga sa magkakapatid na ito kung ano ang nagustuhan nil
Adi's POVPagkatapos akong patahanin ni Ahmed mula sa pag-iyak ko ay muli na kaming bumalik sa upuan namin sa sinehan. Napansin ko kaagad na wala na sina Kyrie at Trina sa inuupuan nila na ipinagtaka ko."Nasaan na pala sina Kyrie at Trina?" tanong ko kay Ahmed na nakahawak sa isang kamay ko at pinaupo ako nito sa inuupuan nila kanina ni Trina.Nang tumingin ako saglit sa pwesto nina Ahnwar at Ahzik ay pareho lang silang tahimik habang nakatutok ang mga mata nila sa pinapanood nila. Hindi nila kami magawang tignan man lang ni Ahmed at hindi ko alam kung bakit."I told them to leave. They're ruining our day." sagot ni Ahmed saka nito inabot sa akin ang popcorn at drinks na binili namin kanina bago pumasok dito sa loob ng sinehan.Tinanggap ko naman ito at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa wakas ay wala na rin sa landas namin ang Trina na iyon- ay teka, bakit ba ako natutuwa kung pinaalis na siya ni Ahmed?"Pero si Kyrie-""Don't mind them. Let's just finish the movie." pagputol ni
Ahmed's POVI have too many questions to ask, too many problems to solve, and I want to punish those two cretins for what they've done to us. They make our lives miserable and clueless.I have no idea what happened five years ago.Para akong nangangapa sa dilim dahil sa mga katanungan sa isipan ko na hindi ko rin masagot-sagot.Bakit hindi ko maalala ang mga nangyari sa amin noon ni Adi? Kailangan ko talagang makausap ulit si Neymar tungkol sa ginawa nila sa amin ni Leigh limang taon na ang nakakalipas.I investigate alone dahil nagdududa na talaga ako sa kakaibang nararamdaman ko kay Adi at pati na rin kay Blair na mahahalata talaga na malaki ang pagkakahawig sa akin o sa mga kapatid ko. My Mom and Dad confronted me about that noong unang beses palang nilang makita si Blair na dinala noon nila Rica at ng mga kapatid ko sa bahay namin sa birthday celebration ni Danielle. Pati sila ay nagduda nang makita nila ang itsura ng bata.Leigh is our cousin at kamukha niya rin si Blair pero hi
Adi's POVNgayon ay kasama ko si Nikolai at nandito ako ngayon sa bahay nila. Hindi pa umuuwi galing sa klase nila sina Eiselle at Cristina at baka raw gabihin pa ng uwi ang mga ito dahil sa project na ginagawa nila sa school nila.Si Nikolai ay day-off ngayon sa pasok nito sa trabaho kaya ngayon ay may libre siyang oras para makausap at makasama ako. Sinabi ko na rin sa kanya ang lahat ng mga kaganapan sa buhay ko at pati na rin na sinagot ko na sina Ahnwar at Ahzik mula sa panliligaw nila sa akin."Ayos lang ba kay Sir Ahmed na jowa mo na 'yung dalawang kapatid niya?" tanong ni Nikolai habang abala kami sa pagkain ng halo-halo na nabili niya sa labas lang ng bahay nila."Ayos lang naman siguro. Hindi niya ako kinakausap tungkol doon saka 'yon nga, may sarili na kaming kwarto ni Blair at doon na lang namin inilagay ang mga furnitures na binili namin sa mall." sabi ko naman habang kumakain rin ng halo-halo.Inamin ko na kay Ahmed na boyfriend ko na sina Ahnwar at Ahzik. Wala siyang na
Adi's POVNgayon ay hindi ko magawang tingnan ng diretso si Ahmed na kanina pa nakatitig sa akin. Masyado akong nai-intimidate sa kanya sa tuwing nakakasama ko siya dahil siya iyong tipo ng lalake na parang ang hirap abutin o pakisamahan hindi gaya nina Ahnwar at Ahzik na madali kong makausap ng kaswal at normal.Maaga pa lang ay dinala na ako ni Ahmed dito sa isang Amusement Park. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang niya akong dinala rito gayong may pasok pa ito sa trabaho niya pero mukhang nagleave siya ng isang araw dahil sina Ahnwar at Ahzik ay maaga ring umalis kanina para pumasok sa trabaho nila.Nasakyan na namin ni Ahmed ang lahat ng rides dito sa Amusement Park at ano pa ba ang aasahan kong iaasal niya? Hindi na talaga bago sa kanya ang pagiging tahimik niyang tao."Did you enjoy here?" biglang tanong ni Ahmed na ngayon lang ulit nagsalita kaya ngumiti at tumango naman ako sa kanya."Mas maganda sana kung kasama rin natin si Blair para mag-enjoy siya dito." sabi ko."It's o
Adi's POV"Tama ba 'tong naririnig ko? Boyfriend mo na si Ahmed?" gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Ahnwar habang nakatingin sa amin ni Ahmed ng masama."Tama tayo ng narinig, bro, at ang kapatid natin na sa una ay wala raw gusto kay Jianna ay sumasalisi na pala habang nagpapaka-busy tayo sa trabaho natin. Wow!" nakangisi ngunit may bahid ng pagkainis naman na saad ni Ahzik.Alam ko na ito ang magiging reaksyon nina Ahnwar at Ahzik kapag inamin namin ni Ahmed sa kanila na magkarelasyon na kami. Kahit ako nga ay hindi rin makapaniwala sa nangyayaring ito pero pursigido talaga si Ahmed sa akin at ayaw na niyang bawiin ko ang sinabi ko sa kanya na boyfriend ko na siya."If there's one of us who deserves Adi, it's me; I'm Blair's biological father, and I've loved Adi since the first time I saw her five years ago." seryosong ani Ahmed dahilan para kumalabog ang puso ko.Hindi na siya nahihiyang sabihin ang nararamdaman niya para sa akin kahit pa sa mga kapatid niya o sa harap ng pamily
Adi's POVNatuloy ang family date naming apat at nagpapasalamat ako dahil hindi nag-aaway ang triplets ngayong araw na ito. Behave lang sila habang nililibot namin ang iba't-ibang pasyalan sa Maynila. Hindi rin mawawala kay Blair ang pag-anyaya niya sa Jollibee na hindi pupwedeng tanggihan ng mga Dada niya.Hindi pa man totally natatanggap nina Ahnwar at Ahzik na boyfriend ko na rin ang kapatid nilang si Ahmed ay nakikita ko namang pilit nilang iniintindi ang sitwasyon namin ngayon. Kahit ano pa man kasing gawin nila ay ama pa rin ni Ahmed si Blair at may karapatan talaga ito sa amin, idagdag pang mahal na rin ako ng kapatid nila katulad rin ng nararamdaman nila para sa akin.Hindi na mabitawan ni Ahmed si Blair at nang ipinasa ito kanina ni Ahzik sa kanya ay hindi na niya hinayaan pang kargahan ito ng mga kapatid niya. Iniintindi ko nalang ang nararamdaman ni Ahmed at alam kong medyo galit rin siya dahil kasama pa namin sina Ahnwar at Ahzik sa family date namin.Nagpunta kami sa Mani
This is a bonus Chapter for TTA's first installment Wished One, But Got Five. PINAGMAMASDAN ni Zian si Rica habang natutulog ito sa kaniyang tabi. Kapwa silang nakahubot-hubad dahil kakatapos lang nilang magtalik.Simula nang may unang mangyari sa kanilang anim ay hindi na nila tinantanan si Rica. Minsan ay anim silang nakikipagtalik at minsan ay sino-solo nila katulad ngayon na nasolo niya muna ito dahil abala sa trabaho sila Trevor, Wenhan at Ran samantalang si Essam ay umuwi sa Amerika para puntahan ang ama nito at tulungan sa business.Natigil si Zian sa pagtitig kay Rica nang makitang nag-vibrate ang cellphone nito sa bedside table. They are in her room at ilang oras na natapos silang magtalik.Kinuha niya ang cellphone ni Rica sa bedside table at tinignan kung sino ang tumatawag.Si Maru.He clenched his teeth as he read this guy's name. Naalala pa rin ang eksenang nakita habang nakayakap ang lalakeng ito kay Rica at parehong magkatabi sa kama.Mas nainis at nagalit siya nang
DALAWANG linggo ang lumipas ay nanatiling normal at payapa naman ang takbo ng buhay ni Rica at ng limang boyfriends niya na abala sa kani-kanilang mga trabaho.Kahit abala ang mga ito ay hindi pa rin nakakaligtaan ang kanilang boyfriend duties. Para makabawi ay napagpasyahan ng limang lalake na surpresahin si Rica sa restaurant ni Lolo Perry at yayain na makipag-date sa Amusement Park o sa kahit saang lugar na gusto nitong pasyalan.Sa restaurant naman ay kausap ni Rica si Maru at sinabi sa lalake ang pagpunta kasama si Trevor sa bahay nina Emily at Marlon.Sa nakita ni Rica ay mukhang hindi na apektado si Maru sa dalawa at tumatango lang ito sa sinasabi niya."I heard it from our maids. Ganoon naman talaga si Kuya Marlon, he can't treat his girls right after having sex with them." umiling si Maru."Hindi ka na ba nasasaktan dahil sa kanila?" maingat tanong ni Rica."No. I'd already move-on. Na-realized ko na tama lang na hindi kami nagtagal ni Emily. She used to love me, but it wasn'
AHMED, AHNWAR, AHZIKIyan ang pangalan ng triplets nina Rica at ng asawa nitong si Trevor. Pitong taong gulang na ang triplets ngayon at lumaki ang mga ito na napakakisig na mga bata.Si Trevor ang ama ng triplets mula sa lumabas na DNA Paternity Test result na isinagawa nila siyam na taon na ang nakakalipas.Si Ahmed ang panganay dahil nauna itong lumabas nang ipinanganak ito ni Rica. Pangalawa namang lumabas si Ahnwar at ang panghuli ay si Ahzik.Magkakamukha man ang tatlong kambal ngunit iba-iba naman ang personalidad ng bawat isa sa mga ito.Si Ahmed ay tahimik na bata lamang. Mas ginugusto lang nitong magkulong sa loob ng kwarto at doon ay maglaro o 'di kaya'y magbasa ng libro. Masyado itong introvert na malayo sa personalidad nang sumunod dito na si Ahnwar.Si Anhwar ay maligalig, madaldal at masayahing bata. Madalas itong nakikipaglaro kay Ahzik sa labas ng bahay nila. Minsan nga ay ginagabi na ang mga ito sa kakalaro kaya todo sermon naman si Rica sa mga anak. Lumalaki kasing
Note: This special chapter is only exclusive here at Goodnovel and The Triplets Addiction book version.Ahmed's POVI keep glaring at the young boy in front of me. He's still harassing my daughter Blair at school, and this is the nth time we've been in the guidance office with his widowed father, who keeps staring secretly at my wife, Adi.We're in our thirties now, but Adi's beauty continues to captivate men. She doesn't look in thirties at all because she still looks very young for her age. I despise the fact that she appears to be in her mid-twenties. I'm still jealous when a guy looks at her with admiration, but I can't blame her for having such timeless beauty."I hate him, Dad Ahmed! He tried to kiss me earlier in the corridor, and his friends trapped me between them." umiiyak na sabi ng panganay kong anak na si Blair habang inaalo ni Adi.Mas lalong sumama ang tingin ko sa binatilyong nasa harapan namin. Maxton Rosell ang pangalan niya at simula nang mag-aral ng high school si
Written by:TaraBatisTayoRiguel, adyyy_10Edited by: Ajai_KimADI'S POVFIRST DAY OF VACATIONHabang sinusubukan nang araw na ibaon ang sarili sa abot-tanaw, hindi ko maiwasang mamangha sa kagandahan ng natural na kalikasan.Natutuwa akong tumira sa probinsya dahil dito. Ang pagiging simple ng pamumuhay at hindi malilimutang sariwang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.Kahit hindi ka gumastos ng pera ay makakakain ka nang sapat. Ang mga gulay ay maaaring matagpuan lamang sa sariling likod-bahay, gayunpaman sa lungsod, lahat ng mga bilihin ay mahal na.Ang sarap ng simoy ng hangin sa probinsyang walang polusyon. Ang mga bukid ay 'kay ganda sa paningin. Ang huni ng ibon ay sadyang napakasarap sa pandinig. Napakasarap tumira sa lugar na mala Paraiso. Parang ayaw ko nang umalis at dito na lang manirahan nang panghabangbuhay. Simple lang ang pamumuhay pero ramdam na ang bawat pamilya ay masaya sa kanilang mga buhay.Ilang taon na noong ikinasal ako 'kila Ahmed, Ahnwar at Ahzik. A
After 1 year.... Adi's POVNandito kami sa Luneta Park at masayang namamasyal kasama sila Blair, Ahmed, Ahnwar at Ahzik. Habang hindi pa lumalaki ang tyan ko dahil ngayon ay buntis ako sa pangalawang anak ko na si Ahnwar naman ang ama ay sinusulit na namin ang makapamasyal at gumala. Bukas pala ay may online class rin ako kaya ito ang magandang panahon para mamasyal kaming lima.Isang linggo na akong buntis at nararamdaman ko na kaagad ang matinding pagod at pagkahapo kahit lang sa maliit na bagay na ikinikilos ko. Ganito rin ako noong ipinagbubuntis ko si Blair at medyo maselan ako kapag buntis kaya nga noon ay todo asikaso sa akin si Nikolai at ang pamilya ko para lang maging maayos ang kondisyon namin ni baby Blair.Napagpasyahan naming magpicnic sa Luneta Park at kakatapos lang naming magsimba. Nagdala na rin kami ng mga pagkain at mat na mauupuan namin sa grass ground nitong parke.Tinotopak ngayon si Blair kaya hindi ito umaalis sa pagkakakapit sa Dada Ahmed niya. Nagpapabili k
Adi's POVNandito ako sa pool area kasama sina Blair at Sahara habang nagsu-swimming sila. Ang kasama kong sina Haru at Eiselle naman ay abala sa pagkuha ng litatro sa dalawang bata.Matapos ang klase nila ay kaagad na silang dumiretso dito sa mansyon para raw bisitahin si Blair. Kasama rin sa pagsu-swimming kanina si Yesheem pero nang biglang dumating sina Haru at Eiselle ay nagpaalam na itong tapos na siyang maligo at gagawa nalang raw ng kaniyang homeworks sa loob ng kwarto niya."Ate Adi, pinapasabi pala nina Mama at Lola na pumunta raw kayo bukas sa bahay kasama sila Kuya Ahmed, Ahnwar at Ahzik. Birthday ni Mama kaya inaasahan niyang pupunta kayo sa birthday celebration niya." sabi ni Haru habang winiwisikan nito ng tubig sina Blair at Sahara na natatawa naman sa ginagawa niya.Tumango ako. "Oo nga pala at birthday ni Mama bukas. Sige, pupunta kami. Sasabihin ko nalang 'yon sa triplets." sagot ko."Anong sikreto mo kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin mukhang losyang, At
Ahmed's POVI want to erase his annoying smirk while he's in front of me. Hindi ko inaasahan na ganito pa ang magiging asal niya pagkatapos niyang pagsamantalahan ang sarili niyang kapatid. They are not biological siblings pero lumaki pa rin silang kapatid na ang turingan sa isa't-isa.Hideyo's true colors were now revealed at ang akala ko ay sila Leigh, Nikolai at Kyrie lang ang magiging ganito kay Adi but we need to expect the unexpected dahil sa huli ay si Hideyo pa ang magiging malaking dahilan para masira ang pamilya namin kasama sina Adi at Blair."Nakakangiti ka pa ng ganyan pagkatapos ng ginawa mo kay Adi?" mariin kong tanong kay Hideyo na mas lalong ngumisi sa sinabi ko."Anong gusto mong gawin ko, Ahmed? Pagsisihan ko 'yong nagawa ko kay Adi? Mahal ko siya at nagustuhan ko ang ginawa namin." he said."You had no conscience at all, and Adi suffered too much pain and trauma as a result of what you did to her. Hindi mo man lang ba siya inisip bago mo siya balak pagsamantalahan?
Chapter 38Adi's POVIlang beses na akong napabuntonghininga habang pinagmamasdan ko ang pag-agos ng tubig mula sa ilog na tinitignan ko magmula pa kaninang umaga. Gusto ko ng tahimik na lugar at dito na muna ako sa may ilog naglagi.Sa nakalipas na tatlong buwan ay maraming mga nangyaring hindi ko inaasahan. Bigla na lang nag-iba ang takbo ng buhay ko, sakit na ilang beses kong kinimkim at galit na hindi ko na napigilan pang ilabas.Pagkatapos akong kausapin ng triplets tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan ay nakaramdam ako ng matinding konsensya dahil ang akala ko ay sila lang ang may pagkakasala sa amin ngunit nagkakamali pala ako.Nang dahil sa bugso ng galit at sakit na naramdaman ko ay nagtaksil ako sa magkakapatid at halos hindi ako pinatulog ng konsensya ko nang dahil doon. May nagawa silang kasalanan sa akin pero dahil hindi rin nila ginusto iyon.Hindi ko na maibabalik pa sa dati ang lahat. Pinagsamantalahan ako ng taong ang akala ko ay ituturing rin akong pami