Share

1

Author: MM16
last update Last Updated: 2023-12-19 21:14:02

C H A P T E R 1

One hundred fifty thousand pesos ang kailangan mo para sa panganganak ng nanay mong kwarenta anyos, iha. May mayoma siya ay siguradong mangangailangan siya ng maraming dugo at lalaki pa ang bill kapag magdesisyon tayong gamutin siya.” Iyon ang sinabi ng duktor kay Niña Catharine nang kausapin niya ito sa loob ng opisina.

Isang Obstetrician si Dra. Epifania, na inirekomenda sa kanya ng private hospital na pinagdalhan niya sa nanay niya matapos na sumakit ang t'yan. Ayaw niyang mapahamak ang ina niya lalo na ang kaisa-isang kapatid niya na nasa t'yan noon, pero saan siya magbubungkal ng mahigit isandaang libong piso? Ni pang-almusal nga ay hirap sila dahil nagtitinda lang naman siya ng mga kakanin sa palengke tapos heto at may gastusan pa siyang daang libo?

Diyos ko po.

Matatag siyang babae sa kabila ng edad niyang bente uno anyos. Subok siya ng buhay pero ngayon ay naiiyak siya. Wala siyang yaman, walang pera, walang bahay na maganda dahil tagpi-tagpi ang bahay nila na ilang metro lang ang layo sa tulay na kapag bumabaha ay kasamang inaanod ng malakas na agos. Nag-aaral naman siya kaya lang ay hindi siya makatapos dahil patigil-tigil. Kung minsan ay nauunahan pa siya sa mga scholarship programs dahil wala siyang kapit.

Wala siyang kapit kasi hindi naman siya tuko.

“Salamat po duktora. Basta kayo na po ang bahala sa nanay ko at sa kapatid ko. Ako na po ang bahala sa pera.” Matatag pa rin niyang sabi rito na mukhang awa sa kanyang tumingin. Tumango ito at ngumiti sa kanya.

“Makakaasa ka.”

Tumayo siya at naglakad papalabas ng opisina. Kailangan niyang makadiskarte ng pera para sa dalawang yaman ng buhay niya.

Kaya lang ay bumulwak ang galit niya sa lalaking naging ka-live in ng nanay niya na matapos malaman na nagbubuntis ay galit pa ang demonyong ‘yon at lumayas na walang paalam. Tapos ang nanay naman niya ay iiyak-iyak.

“Ayan, sige ,nay, bukaka lang nang bukaka na parang palaka para naman mukha kang bullfrog na nasobrahan sa himas kaya lumobo ang t'yan.” Daldal nya sa nanay niya nang makita iyon na iiyak-iyak matapos na iwanan ng h*******k na miron, sugarol na, lasenggo pa.

Noong una pa-responsible effect ang dyablo at paligaw-ligaw sa ina niyang lukarit naman at nadala sa pa-beautiful eyes. Ano naman ang karapatan niyang humadlang ay hindi naman niya maibibigay ang kakaibang kaligayahan na gusto ng ina niya?

Bata pa siya pero hindi siya bulag sa nakikita ng mga mata niya sa paligid. Nawala ang kainosentehan ng utak niya ay nang minsan na manguha siya ng saging sa sagingan at ibang saging ang nakita niya. Maitim na saging at may buhok. Ang taga kabilang tulay na si Alfon na tagahuli ng s**o sa ilog. Ang bwisit na ‘yon ay pinatayo lang si Lupe na tagatinda naman ng gulay na pako sa katawan ng saging at shoot na kaagad ang bwisit na pagkalalaki ni Alfon.

Kakaripas sana siya ng takbo kaya lang hindi niya nagawa lalo na nang parang makita niyang nahihibang ang babae na umaatungal na parang asong ulol. Curious na pinanood niya ang dalawa na kahit may mga saplot ay nakakapagtalik.

Pero ‘yon na ang una at huli dahil hindi na ‘yon nasundan pa ng kalaswaan.

Napabuga siya nang hangin nang silipin ang ina niya sa labor room. Hindi siya nagpapakita sa ina ng kahinaan dahil ayaw niyang makunsensya ang nanay niya. Mabait naman kasi ang nanay niya at lukarit nga o sa ibang salita ay luka-luka. Wala naman itong sayad sa utak pero parang ganoon na rin dahil sobrang mabiro at walang pilo kaya ang daming ka-chismisan lalo kapag nasa palengke at nakikitinda ng isda o gulay o kung ano pa man na pwedeng itinda. Kaya nga yata lapitin ng lalaki kahit na medyo may edad na.

Pero hindi pa naman matanda ang nanay niya. Kwarenta y dos pa lang at nakapag-buntis pa. Napaiwas siya ng tingin nang parang mamilipit ‘yon sa sakit. Pipilitin daw kasi na makapag-normal delivery dahil kapos nga sila sa pera. Sa government hospital niya lang sana dadalahin kaya lang ay nadiskubre nga na may mayoma kaya hindi pwedeng walang private doctor na mag-assist.

Tumalikod na lang siya at hahanap siya ng paraan para magkaroon ng pera. Dapat ihanda niya rin ang sarili sa posibilidad na ma-CS ang nanay niya dahil sa katandaan at sa kundisyon.

Hindi naman siya nagsisisi. Naniniwala pa rin siya na blessing ang lahat kaya aalagaan niya ang ina niya at kapatid kahit na gaano pa siya mahirapan.

“Diyos ko tulong po. Hindi ko po kaya at desperada na akong magkaroon ng pera.” Mahinang bulong niya nang mapadaan siya sa chapel ng ospital at mapatitig sa isang imahe ni Jesus na nakapako sa krus.

“Kung ano man ang mapasukan ko, sana po maging maayos pa rin ang lahat para sa nanay ko at kapatid ko. Kahit sila na lang po Pudra Jesus. Kahit huwag na ako kasi biniyayaan mo na ako ng kagandahan at kagagahan. Sila na lang ang bigyan Mo ng matinong buhay. Kailangan ko rin po yata ng gatas kasi mukhang tuyot na ang s**o ni Nanay. Mukhang wala na siyang sustansya kasi araw-araw na lang na ulam namin ay tuyo. Sana bigyan Niyo po ng sabaw. ‘Wag Niyo naman pong lunurin ha kasi mahal ko ‘yon.” Nanubig ang mga mata niya sa kabila ng mga kalokohan na lumalabas sa kanyang bibig.

“Simula po ng kunin Niyo si Tatay noong nine years old ako, inalaagaan naman ako ni Nanay na sobra at minsan lang naman po siya nagka-jowa. ‘Wag Niyo po muna sanang kunin ang Nanay ko sa akin kasi siya na lang ang meron ako at ang kapatid ko. God bless me po Pudra Jesus. Babye po.” Nag-antanda siya ng krus at nag-flying kiss pa kahit na naiiyak siya sa bigat ng problema niya.

Naniniwala siya na may paraan pa at naniniwala siya na mapupunta siya sa tamang daan. Iyong ang positivity ng isang Niña Catharine na kahit na hikahos sa buhay ay swerte pa rin niyang itinuturing ang sarili niya dahil sa paborito niyang kasabihan na,

Habang may buhay, may pag-asa.

♥♥♥♥

Tuloy-tuloy si Catharine sa Tagpi-tagping bahay ng kanyang tiyahin sa isang remote area sa Maynila. Naabutan niyang nakahilata ang babae sa upuang kahoy at nakabikaka na parang isa ring palaka.

“Diyos mo naman, Tiyang Bebeng, mahiya naman kayo.” Tumalikod siya dahil pwet ng lalaki ang sumalubong sa mga mata niya. Parang may mga pinigsahan pa ang lintik at pwede ng ipalit sa mapa ng Pilipinas sa mga markang nakaukit sa mgakabilang pisngi ng pwit noon.

Tutop niya ang noo habang nakaharap papalabas ng pintuan. She can even hear the creaking sound of the wooden bench. Binabayo yata ng lalaki ang tiyahin niyang hostes na wala namang humpay sa pag-agrangay na parang mamamataying pusa.

“Ikaw itong susulpot nang walang paalam tapos ako ang mahihiya. Aba, Katarina, umayos ka… oohhh Diyos ko, sige pa.” Sermon pa ng tiyahin niya habang patuloy ang pagtunog ng upuan at maya-maya ay nasundan ng ungol ang salita noon.

Pakiramdam niya ay namula siya sa hiya.

Anong swerte nga naman ng buhay niya na ganoon pa ang inabutan niyang eksena. Aba, daig pa niya ang nasa porn site sa tindi ng posisyon ng dalawa.

Tila wala namang pakialam ang lalaki na sige lang yata ang bira habang nakatalikod siya.

“Ano na? Hindi pa ba tapos Tiyang? May kailangan ako sa’yo.” Napapakamot na martsa niya sa may labas ng pintuan.

Nagsi-sex tapos hawal na hawal ang pinto? Libre silip lang. Pero wala siyang magagawa dahil sanay na ang tiyahin niya sa ganoon. Nagkaisip na siya ay reyna na ng mga p****k ang tiyahin niya na hindi naman totoong kapatid ng nanay niya. Ampon lang ang ina niya nang mapulot iyon mula sa naaksidenteng jeep at inalagaan ng mga totoong magulang ng Tiyang Bebeng niya at Tiyang Lydia. Parehas na hostess ang dalawa. Ang tiya Bebeng niya ang napipirmi sa isang club at ang tiya naman niyang si Lydia ay parang tinalo ang isang babaeng tagapag-tinda ng tahong sa araw-araw noong paglalaskwatsa para ialok ang sarili sa kung sino ang naghahanap ng aliw.

Kung sa pamilyang pinagmulan ay baka masasabi ni Catharine na isinusuka sila ng madla. Walang matino sa mga tiyahin niya na kahit kulubot na ang mga tinggil ay ibinebenta pa rin ang mga sarili para lang makatawid sa pang-araw-araw na buhay. Ang Nanay lang niya ang hindi tumulad sa dalawa dahil matino naman iyon kahit na paano.

Maano kayang kaskasin na lang niya ng papel de liha kung makati hindi ‘yong titi ang ikakakaskas niya tapos nakakabuntis pa.

“Huwag kang maingay at nasisibol ako.” Sabi pa ni Bebeng kaya nairolyo ni Catharine ang mga mata.

Diyos ko Pudra Jesus, patawad po sa kakatihan ni Tiyang.

Anong nasisibol? Tae lang na hindi lumalabas? Hindi niya alam kasi wala naman siyang alam sa pakikipagtalik. Inosente siyang totoo kahit na ba napapalibutan siya ng mga taong makakati. Wala kasi siyang pakialam sa mundo dahil busy siya sa mga pwedeng mapagkakitaan katulad ng paglalabada para may pambaon sa eskwela at pangkain silang mag-ina.

At siguradong magagalit ang nanay niya kapag nalaman na pumunta siya sa tiyahin niya. Kaya nga pilit siya noong itinira sa may distansya dahil ayaw ng ina niya na mamulat ang mga mata niya sa mundong ginagalawan ng mga hostes niyang tiyahin.

But now she has no choice. Hindi naman siya magho-hostes. Magtatanong lang siya na baka may maitutulong naman ang dalawang kapatid ng nanay niya sa panganganak noon.

Humakbang siya papalayo nang kaunti para huwag masibol ang tiyahin niya.

“Bilisan mo na Burcio! Lalabas na, aaaaahhhh… ooohhh Burcio, Tiburcio aaaahhh…”

Inay!

Natakpan niya ang mga tainga nang parehas na umatungal ang dalawa.

Anong lalabas? Tae nga yata. Kadiri naman. Nagsi-sex tapos nilalabasan ng tae.

Lumayo pa siya at naupo sa may ilalim ng punong bayabas. As much as possible, she’s trying to calm down. Ayaw niyang iniisip ang problema pero kapag sumasagi sa utak niya na buhay ng nanay at kapatid niya ang nakataya, naiiyak siya. Matatag siyang babae at pinatatag siya ng panahon. Bata pa lang ay natuto na siyang kumayod para sa kanilang mag-ina at hindi niya iyon pababayaan lalo pa ngayon na medyo may edad na.

Napalingon si Catharine nang marinig na parang lumabas na ang lalaki at nagsisinturon pa ang damuho sa may pintuan. Napatanga iyon sa kanya at kaagad na hinagod siya ng tingin saka ngumisi at kumindat.

Naku, sigurado kapag nagkita ulit sila ng lalaki at pwit nito ang maaalala niya na mukhang tinatakan ng mapa.

Pairap niyang inismiran ang lalaki at ibinaling ang tingin sa ibang bagay. Ano na ang tiyahin niya, pipili na lang ng lalaki, bukod sa may mapa na, ang pangit pa at ang tanda. Parehas na ang dalawa na mukhang dalawang dekada na lang ay papasok na sa nitso.

“Niña,” Tawag na ng tiyahin niya kaya lumingon ulit siya sa may pintuan.

Nakita niyang nagharutan pa muna ang dalawa habang pakapa-kapa ang lintik na miron sa kulubot na tinggil ng t’yahin niya.

Ano na ba? Naitirik niya ang mga mata nang parang teenager na humagikhik ang matandang babae. Tinalo pa siya sa kalandian.

“Tiyang, bilis na nga.” Naiinis na napapadyak siya.

Umismid pa ang babae at saka ibinaba ang palda.

Nagpalda pa. Wala rin namang tinakpan.

“Ano bang problema mong bata ka at napasugod ka pa sa kalagitnaan ng pagpapasarap ko?” Baling na nito sa kanya matapos na ipagtulakan ang lalaki papaalis.

Lumapit na sa kanya ang tiyahin na naupo sa may tabi niya.

“Si nanay,” Sagot naman niya. “Manganganak na at malaking pera ang kailangan ko.” She added worriedly.

“Natural. Alam mo naman na magastos manganak. Buti ako ay menopos na.” Anito na pinagmamasdan ang mukha niya.

“Tiyang, baka naman may alam kang mauutangan ng 150 thousand.” Tumulis ang mga labi ni Catharine pero napahawak ang matandang babae sa upuang kahoy na para bang mahuhulog ito sa kinauupuan.

“Bakit naman ang mahal? Ginto ba ang gunting na igugupit sa pwerta ni Karina?”

“Hindi Tiyang, may mayoma si Nanay. Kailangan niya ng maraming dugo kapag nanganak siya kung ipipilit niyang mag-normal. Hindi ko alam kapag caesarian, baka mas mahal pa. Tulungan mo ako, tiyang. Baka naman may alam kang mauutangan ko.” Hinawakan niya ito sa braso.

Kita niya ang awa sa mga mata ni Bebeng pero umiling ito.

“Anong ikokolateral mo? Lahat ng utang ngayon ay dapat na may nakaprenda. Wala naman tayong yaman. Kaluluwa lang at puri ang pwede nating isanla. Ayoko naman na isanla mo ang iyo. Mabuti sana kung may tatanggap pa sa akin para sa ganyang halaga kaya lang kahit na yata bumukaka pa ako sa harap ng kostumer, hindi ako pauutangin ng wan hanred pipty tawsan. Wan hanred pipty libog, oo.”

Napahagikhik siya sa kalokohan ng tiya niya.

“Nasaan na ospital? Bakit hindi pa biyakin?” tumingin ulit sa kanya ang babae.

“Nasa private na ospital, tiyang, sa Sta. Lucia Medical Hospital. Nagli-labor. Hindi nga ako nagpapakita kasi umiiyak kapag nakikita ako, binigyan niya pa raw kasi ako ng pasanin.” Kaagad na parang naluha siya.

Hindi naman niya iyon iniisip. Kulang pa ‘yon na kabayaran sa siyam na buwang pagdadala ng nanay niya sa kanya sa loob ng t’yan noon at sa pag-aalaga sa kanya noong bata pa siya para umabot siya ngayon ng bente anyos na wala ni gahiblang galos.

“Pupuntahan ko at babantayan ko. Iyon na lang ang maitutulong ko, Niña. Wala naman akong pera. Kita mo naman na kahit saan na lang ay tumitihaya ako para nga may makain sa araw-araw. Wala naman akong alam na mauutangan. Si Mamang Lucifera sana kaya lang ayoko dahil sa ganda mong yan na kahit luma ang damit mo ay dinaig mo ang engkantandang isinumpa sa engkantasya, hindi ka noon pakakawalan. Sigurado mawawala ang kainosentehan mo.” Sinilip nito ang mukha niya. “Wala ka pang boypren? Wala pa bang tumutusok sa iyo?”

Umiling siya. “Wala tiyang. Uunahin ko pa ba ‘yan ay busy ako sa paghahanap ng pambaon sa eskwela at sa pang-araw-araw namin ni Nanay. Hindi ko nga alam kung paano. Ayoko sana na itira ang kapatid kong baby sa may gilid ng tulay dahil delikado kapag tumataas ang tubig, kaya lang saan naman ako hahanap ng pang-upa sa magandang apartment? Studio type apat na libo kaagad. Paano pa? Hindi naman ako makapag-full time yaya kasi nag-aaral ako at ang susungit pa ng mga amo ko. Pinagseselosan na ako parati ng amo kong babae.”

“Ay huwag talaga. Baka mamaya ay gahasain ka pa at ikaw pa ang mabaliktad sa huli.”

Napatitig siya sa mukha ng tiyahin niya. Despereda na talaga siya at kailangan niya ng pera. “Tiyang, saan makikita ang Mama Lucifera mo?”

Biglang napatayo ang matandang babae at pinakatitigan siya. “Diyos mo, Niña Katarina, huwag mong babalakin ang balak mo. Mapapatay ako ni Karina kapag pumasok kang p****k. Huwag ka ng gumaya sa amin ni Lydia na mga uwak na mababa ang lipad.” Sermon nito sa kanya.

Ito naman ang gusto niya sa mga ito. Palagi lang na binibiro ang ina niya na ibebenta siya sa club pero sa loob naman ay hindi iyon totoo. Ayaw ng mga ito na tumulad siya sa mga uri ng trabaho ng dalawa na dahil sa kawalan at kahirapan sa buhay ay napipilitan na kumapit sa patalim.

Noon hindi niya maintindihan ang rason kung bakit ganito ang trabaho ng mga tiyahin niya pero nang lumaon na nagkaroon siya ng mga kaklase na nagbebenta ng aliw kapalit ng pangmatrikula, nakuha na niya ang dahilan. It’s easy to earn money though the work is dirty. At hindi siya nanghuhusga at itinatanong kung bakit ganoon ang mga trabaho ng tiya niya at ng iba niyang mga kaklase. Sa mundo na mahirap at marumi, ano pa nga ba ang tamang gawin ng mga katulad niyang dukha kung ang lahat naman ay umiikot sa kayamanan at pera?

Minsan napapaisip siya kung ang mundo ba talaga ay ginawa para sa mga katulad niyang mahirap pa sa daga o para lang sa mga mayayaman, pero mukhang oo naman. Hindi lang yata magka-level ang mga estado sa buhay at kapag dukha, asahan na mas lalo pang naaapi.

Bumuntong-hininga siya. Patawarin siya ng nanay niya pero wala na siyang paraan para makakuha ng pera. Hahanapin niya ang Lucifera na iyon dahil alam naman niya kung saan nagta-trabaho ang tiya Bebeng niya.

Noon na kabataan pa nito ay naroon ito sa pinaka-base pero nang tumanda na ay dinala na sa mga club na kahit sino na lang ang nagti-take out.

Naalala niya noong bata pa siya at parang bente singko pa lang ang babae, tumitiba ito ng pera dahil hindi pa raw gaanong gamit. Ngayon wala na. Siguro paminsan ay tama na lang na pang-kape.

Isa lang nanay. Isang lalaki lang kapalit ng buhay mo at ni baby bunso ko. Hindi na ako babalik. Ibebenta ko na ang virginity ko para sa 150 thousand mo o gagawin ko ng two hundred.

Parang hindi na siya makalunok na isipin pa lang iyon. Kung kapalit ng kaligtasan ng mga mahal niya ay ang pagbukaka niya sa loob ng tatlong araw o isang linggo man, papayag na siya. Wala siyang hindi gagawin para sa mahal niyang nanay at lalaking kapatid. Isa lang naman, pagkatapos ay hindi na siya uulit. Kung darating man ang araw na makapangasawa siya at isumbat sa kanya na hindi na siya virgin, at least may maganda siyang rason. Hindi naman niya basta ginawa lang para sa sarili niya.

Magkano ba ang kailangan niya talaga? Bukod sa ganoong halaga ng pera ay may maibibigay naman daw ang PCSO na pitong libo kaya lang kapag nanganak na ang nanay niya sigurado saka lang siya pwedeng pumila roon sa PCSO.

“Tiyang, ikaw ang magbantay kay Nanay. Huwag mong iiwan ha. Basta kung anong sabihin ng duktor, oo ka lang nang oo at ako na ang bahala sa pera.” She’s determined and no one could even stop her.

Kahit na ang nagmamakaawa niyang puri ay hindi niya papansinin.

“T-Teka, s-saan ka kukuha Niña?” Takang habol tanong ng tiyahin sa kanya pero halos tumakbo siya papaalis.

Hahanapin niya ang Mama Lucifera ng Tiya Bebeng niya bago pa magbago ang isip niya.

“Basta. Huwag mong pababayaan si Nanay at ang baby bunso ko ha.” Kumaway siya sa tiyahin na nakahabol da kanya ng tingin.

Napaluha siya pero mas matatag pa kaysa sa Statue of Liberty ang determinasyon niya.

Hindi siya pwedeng magpaalam dahil hindi papayag ang babae. Isi-sikreto na lang niya at siya lang ang makakaalam at ang Lucifera na iyon at ang lalaking makakabili sa kanya. Presyong pang 200 thousand,

Take it or leave it.

Related chapters

  • The Traded Maiden   2

    C H A P T E R 2 Drear is looking at the woman who is sitting opposite to his seat. He’s quite bored while hearing these new aspiring trainees’ sample presentations. Wala naman doon ang atensyon niya kung hindi nasa babaeng kaharap niya, bata at maganda. Ito ang tipo ng babaeng mukhang handang kumapit sa blade ng kutsilyo para lang makapasa sa OJT.Yes, he’s personally conducting the on the job training of those college students who wanted to grab the opportunity to be trained inside his multibillion company, of course not to count his secret filthy business, trading women for a big amount of money. Nasa front row malamang ang magandang kumpanya niya na humahawak ng mga hindi mabilang na artista at ang kanyang hindi mabilang na sinehan, recording studios, at ang pagiging producer niya at pagmamay-ari ng pinakasikat na production company na kahit Hollywood ay bumibida.Inip na bumuga siya ng hangin. Inaantok na siya at kailangan niyang magising.“Everybody out ex

    Last Updated : 2023-12-19
  • The Traded Maiden   3

    C H A P T E R 3 Umiiyak na nakatulala si Catharine sa kawalan habang pilit na inaalis sa isip niya ang nangyari. Ang bilis-bilis ng pangyayari at ngayon ay nakakulong siya sa isang napakalaking kwarto na walang ibang ilaw kung hindi ang nag-iisang maputlang bombilya.Pakiramdam niya ay isa siyang babae na nasa loob ng pelikula. Iyong isang tao na malapit ng patayin.Humagulhol siya ng iyak. Ayaw pa niyang mamatay, baka madurog ang puso ng nanay niya kapag napahamak siya. Mahal na mahal siya ng nanay niya na kahit ang laki-laki na niya ay pinapaypayan pa siya kapag walang kuryente. Gusto pa niyang makita ang baby bunso niya at tulungan ang ina sa pag-aalaga sa bata, magkandakuba sa pagtitinda at paglalabada para sa panggatas ng kapatid niyang baby. Kahit ano handa siyang gawin basta makaalis lang siya sa lugar na kinaroroonan niya sa mga oras na iyon.She had waited for twenty years to finally have a sibling that’s why she never regretted when she found out that her m

    Last Updated : 2023-12-21
  • The Traded Maiden   4

    C H A P T E R 4 Nanghihinang pilit na tumayo si Catharine nang maramdaman niya ang paggaan ng likod niya. Umalis ang babae sa pagkakasakay sa kanya. Umalis ba o inalis ng lalaking kaboses ng namatay na Señor Abelardo?“The investigation isn’t fully done. You can’t hurt her just like that.” Mariin na sabi ng lalaki pero lalong umiyak ang babae.“What further investigation, Dark? It was clearly stated that there was a drug in your Dad’s bloodstream! Ano pang proof ang kailangan mo?! May syringe, may pera? May drugs? Come on Dark! Don’t fucking tell me that you’ll let this pass!”“I won’t.” Bumaba ang tono ng lalaki pero kung bakit lalong napaluha si Catharine.He won’t let this pass? Si Dark na nga ang lalaki na natatakot niyang malingunan kung katulad ng sabi ng ama nito ay mukhang isinanla na raw kay Satanas ang kaluluwa. Ibig sabihin ay kaya siya nitong patayin kung talagang madidiin siya na siya ang may kagagawan sa pagkamatay ng matanda.Ano bang nangya

    Last Updated : 2023-12-21
  • The Traded Maiden   5

    C H A P T E R 5 Nang hindi na nakuha humarap sa kanya ang babaeng nabili ng ama ni Drear ay tumalikod na siya at lumabas ng kwarto na iyon. “Lock this.” Mariin na utos niya sa pinagkakatiwalaang tauhan na si Greg. “Yes, boss.” Sagot nito tapos ay nangiti. Napatanga siya sa tauhan at nangunot ang noo. Anong inginingiti ng lalaki sa harap niya na parang nasiraan ng ulo habang parang nakalutang sa langit ang aura ng mukha? “Boss, pwede bang ma-albor si Miss Chinita kapag lumabas na ang lahat ng ebidensya? Ang ganda kasi, sayang naman.” Ani Greg na dumila pa sa labi. Umigting ang panga ni Drear sa narinig. It was unexpected but his dick was also kicking a while back when he raked the young woman’s body, especially when he noticed her womanhood that was so damn overtly traced beneath her leggings. She’s so petite but quite enough for her height. Hindi dapat na ganoon ang maging reaksiyon niya sa babae na suspect sa pagkamatay ng ama niya pero kusang umiinit ang katawan niya at gust

    Last Updated : 2023-12-21
  • The Traded Maiden   6

    C H A P T E R 6 Tumahan ka na. Hindi niya sasaktan ang pamilya mo.” Masuyong utos ng matandang babae nang daluhan nito si Catharine sa sulok.Nakatakip siya sa tainga dahil takot siya sa kulog na maya’t maya ang dagundong sa kalangitan. Pakiramdam niya ay ilang daang taon na siyang umiiyak at pagod na siya. Sino bang hindi iiyak sa sitwasyon niya? Mas mabuti pang nakulong na siya sa preso kaysa sa kwartong iyon na parang hindi niya alam kung anong kahayupan ang gagawin sa kanya.“Sabi niya po papatayin niya.” Hikbi niya saka lang nag-angat ng mukha. Nang tumalikod kasi ang lalaki ay kaagad naman siyang tumakbo kanina sa sulok at sumiksik doon na parang takot na kuting.“Maniwala ka roon. Ganoon talaga ang batang ‘yon pero nag-iisip ‘yon. Hindi ka noon basta na lang sasaktan. Hihintayin noon ang lahat ng ebidensya at titimbangin niya iyon nang husto.” Hinaplos nito ang gasa na nakatapal sa noo niya.“Hindi ko naman po talaga pinatay. Ako pa nga po ang humin

    Last Updated : 2023-12-21
  • The Traded Maiden   7

    C H A P T E R 7 Drear tersely sat straight when he heard something. It’s a woman’s voice that was frenetically screaming. Nakaupo siya sa silya sa bar at umiinom pa rin ng alak pero nabulabog siya ng boses na iyon. Alak kasi ang nakakatulong sa kanyang mag-isip pero parang malalaglag na ang mga mata niya sa puyat.He stood up when the woman screamed again in accordance with the thunder and lightning.It’s Niña Catharine.Hindi niya gustong bumaba pero hinila siya ng mga paa niya at naglakad sa hallway na iisa ang ilaw habang hawak ang bote ng alak.He grabbed the key which was dangling over the hook that was attached to the wall.“Nanay! Nanaaaaay!” Another scream when lightning strikes.Marahas niyang binuksan ang pintuan at literal na nanlaki ang mga mata ni Drear nang itapon ni Catharine ang sarili sa kanya.“Nanay...” She cried.Halos magpakaraga na ito sa paglambitin sa batok niya at nagpupumilit na sumiksik sa katawan.Holy Christ. Mukha na ba siyang

    Last Updated : 2023-12-21
  • The Traded Maiden   8

    C H A P T E R 8 Napabalikwas ng bangon si Drear nang makarinig siya ng kalampag sa pintuan. He cupped his head and shut his eyes. May hang-over pa siya, hang-over ng alak at hang-over ng babae.Matapos niyang magawa ang hinihingi ng katawan niya sa batang-bata na si Catharine, umalis siya na walang paalam at naglakad nang hubad papunta sa kwarto niya. Her damn pussy felt so perfect on his dick. Wala siyang pagsisisi kahit na medyo naging marahas siya. The fact that he had helped her reach orgasm was more than a big proof that somehow her body enjoyed the pleasure, too. At madidismaya siya kung hindi nilabasan ang babae sa pagkalalaki niyang malaki na, may hikaw pa.Kung may pinagsisisihan man siya, iyon ay hindi niya nakuha pang gumamit ng condom. He was so damn horny and the more that lady struggled, the more he was so tempted to taste her. Nawala sa utak niya na gumamit ng proteksyon. It was okay somehow because she’s a virgin, what’s not okay is what

    Last Updated : 2023-12-21
  • The Traded Maiden   9

    C H A P T E R 9 Takang napatingin si Drear sa iniaabot ni Greg sa kanya sa loob ng matapos na pumasok ang lalaki. Wala naman siyang kagalaw-galaw at nakaarko lang ang mga kilay habang relax na nakataas ang mga paa sa mesa.It’s been four days since his father’s first wake and yesterday was the interment. No one saw him cry when he bid his father the last goodbye, unlike Fiona who passed out twice while booming like a freaking cow. Walang nakakitang lumuha siya pero nang mapag-isa siya sa kwarto ay doon siya umiyak para sa amang kahit kailan ay hindi na babalik pa.Gusto niyang durugin sa suntok ang may kasalanan ng pagkamatay ng Daddy kaya lang sino? He had raped Niña Catharine, yes, but he never beaten her up. And he can’t find it in his heart to maul an innocent woman, if she’s innocent then regarding about the demise of his father. Ang paglapastangan niya sa batang babae na iyon ay parte ng pangangailangan niya bilang lalaki at hindi iyon parusa sa sinasa

    Last Updated : 2023-12-21

Latest chapter

  • The Traded Maiden   Epilogue

    “I am always proud to let the whole world know that my wife once became a traded maiden. She had traded herself for the life of her mother and that made me fall for her, knowing how kind her heart was and knowing how kind her heart would always be.” sinundan ang mga salitang iyon ng matiim na titig kaya parang nalaglag ang panty ni Catharine.Kahit na narinig na ni Catharine ang mga salitang iyon ni Drear noong gabi na ibandera siya nito sa madla ay napaiyak pa rin siya. Tatlong taon na ang nakalilipas simula nang mag-propose ito at ngayon ay kasal na sila, may instant dalawang anak na babae at lalaki, ang kambal na maliit na Drear at isang babaeng maliit na Kat-Kat – their fraternal twins.Masaya na siya at graduate na rin sa wakas. Isa na siyang Senior flight attendant, Mommy at asawa.At kaya may speech ang asawa niya ay sa charity workshop niya para sa mga kabataang babae at lalaki na kamuntik na ibenta ang sarili sa mga clubs at gay bars. Karamihan sa mga iyon ay pinondohan ng

  • The Traded Maiden   SC

    The Traded Maiden…is the dark billionaire’s rumored girlfriend, a slut, a whore, a woman from a brothel, and was impregnated by a billionaire, Dark Villaraigosa. The question is – is he the father of the slut’s baby or he doesn’t know, either?We learned that the said woman did not come from a decent family. The trading of their own flesh runs in their blood streams, from her Aunts who had been long term…Hindi niya tinapos. Umigkas ang panga niya sa nabasang mga kataga na iyon na direktang humahamak sa pagkatao ng babaeng kaisa-isa niyang minahal.His heart got badly painful and his eyes welled up too fast in tears.My poor woman.“Drear, calm down, son.” Mahinahon na awat sa kanya ng tiyuhin pero kaagad ang mga iyon na napatalon papalayo nang walang habas niyang balikwasin ang mesa na may lamang mga kape at pagkain.Ang insulto ay di hamak na triple ang sakit para sa kanya kaysa sa babaeng hinahamak ng mga iho de putang pilato na nagti-tsismis sa buhay nila.“Hahanapin ko ang

  • The Traded Maiden   SC

    S P E C I A L C H A P T E RStronger Than EverCatharine has never been so happy in her entire life, seeing her only family intact. Kinuha na ni Drear ang pamilya niya ilang araw matapos silang makapag-usap at ang pinaninindigan ng ina niyang ayaw na sumama ay nalusaw nang umiyak siya at nakiusap na sumama na sa mansyon.At ngayon ay nakangiti siya habang nakikita ang ina na nag-aasikaso ng mga halaman habang ang baby bunso naman niya ay nasa stroller.Nang bumukas ang pintuan ay kaagad siyang naglakad papalapit kay Drear at syempre pinupog ng halik ang mukha ng bossing niya at naglambitin pa. And she got a warm smile in return, a very loving gaze.“Let’s go. I have an important golfing session to attend with some of my business partners. Baka hindi ako makasundo, babe. Will you be fine?” He asked plainly but she pursed her lips and starts to march.“Ei naman kasi.” Marahas niyang kinamot ang ulo at tinatamad na inilaylay ang mga balikat at mag-isang naglakad papunta sa hagdan.

  • The Traded Maiden   46

    C H A P T E R 46 Umiiyak na napasugod si Catharine sa mansiyon pero wala roon si Drear. Kahit na gusto niyang magpaliwanag sa yaya Lerma niya ay umalis na lang ulit siya kaagad at sa building ng mga Villaraigosa siya tumuloy.Nalulula siya sa tayog ng building habang tinitingala niya sa labas at saka siya tumingin sa mga gwardiyang hindi mabilang sa napakalaking entrance. Kapag wala si Drear sa opisina, nasaan? Baka nga naroon sa bahay ni Shae Miranda at natutulog kagaya ng sabi niyon.Namumugto ang mga matang nilakasan niya ang loob na lumapit at nagtangkang pumasok.“Ma’am bawal po ang bisita na walang appointment. Saang opisina po kayo?” Tanong ng isa sa mga gwardiya na magalang naman.“Office of the CEO/CFOO.” Matatas na sambit niya kahit na nagkatinginan ang mga gwardiya at mukhang hindi pinaniniwalaan na doon ang punta niya.Such a fool Niña Catharine. Ganoon ba talaga siya hindi kilala ng mga tao bilang babaeng inilalabas ni Drear at nililigawan na maging girlfr

  • The Traded Maiden   45

    C H A P T E R 45 Drear faces Brent for the second time inside his building. Hindi niya alam kung anong sadya ng lalaki pero hindi na siya interesado. Matyaga siya sa pangliligaw kay Catharine at napapanindigan niya ang salitang walang galawan na magaganap hangga’t hindi inaamin sa kanya ng dalaga ang totoong nararamdaman niyon para sa kanya. They’re intimate almost every minute while they’re spending their time together, but he had learned to control himself and be contented for a passionate kiss and warm hugs. And that girl is as sweet as hell. Palagi na lang siyang inaasar tapos maya’t maya ay panghalik nang panghalik. At kilikilig naman siya. They’re merely like best of friends and he enjoys every moment he spends with her and with her family. She has a great family. Mga lahi ng kalog pero masarap kasama at kahit na minsan ay hindi niya naramdaman na etsapwera siya. Pakiramdam niya ay totoong parte na siya ng pamilya at nabubuo ang kulang sa pagkatao niya. Para nga sa kanya ay

  • The Traded Maiden   44

    C H A P T E R 44 Nakaupo si Catharine sa ilalim ng pine tree at naghihintay kay Drear na puntahan siya dahil schedule ng prenatal check-up niya. Ilang linggo na rin ang lumipas at dalawang buwan na ang tiyan niya, may umbok na at halata na. Hindi pa siya kinakausap ng mother counselor nila pero handa naman siya. Hanggang sa mga oras na iyon ay matyaga pa rin si Drear na pabalik-balik para ihatid at sundo siya, kapag wala ay si Greg ang sumusulpot. Nag-umpisa na rin kasi ang trial ni Fiona at ang unang beses na tindig ni Drear sa korte ay naroon siya. Grabe ang paghanga niya sa binata lalo kapag nagsasalita ay napapanganga siya. Nganga siya sa English na may British accent. Lalo na lang tuloy na napaglilihihan niya at minamahal. Patingin-tingin siya sa suot na relo pero wala pa rin si Drear. “Wala ka pa bang sundo? Tanghali na, baka gutom na si baby.” Ani Clarissa na naiwan dahil umuwi na si Psyche. As usual may inaasikaso na naman ang kaibigan niya sa mga kapatid na naiwan. “Wa

  • The Traded Maiden   43

    C H A P T E R 43 "Ayiiii!” kilig na kilig si Catharine nang makatanggap siya ng pabulaklak at pa-chocolate nang buksan niya ang pintuan ng condo. Hindi man sabihin ay iisang lalaki lang ang gusto niyang panggalingan niyon at doon na nga galing – kay Drear. “Ano ‘yan, Katarina anak?” usisa ng t’yang Bebeng niya nang masilip siya na halos tumalon pa. Naalala niya lang ang baby niya kaya tumigil siya. “Pabulaklak t’yang galing kay boss Light.” Ngumisi siya at sabay sila ng tiyahin na nagtaas-baba ng kilay tapos maya-maya ay sumimangot ito. “Hmp! Hindi naman makakain iyan.” Anito na umirap pa. “Ma’am, pinabababa po kayo ni Sir Dark.” Nanlaki ang mga mata niya. “He’s here?” Tumango iyon. “Isama niyo raw po ang mga nanay niyo. Nasa dining po siya at ang Tito niya.” Anang lalaki kaya nanlaki na naman ay ang bibig niya. “Ayan ang kainan. Diyos mo Katarina huwag ng magpatumpik-tumpik pa, boomkara-raka. Tara na!” mabilis na nagsuot ng tsinelas ang t’ya Bebeng niya. “Hoy nga kapatid

  • The Traded Maiden   42

    C H A P T E R 42 Catharine flinched while she was standing under the shed of the pine tree, when she felt a big and warm arm wrapped around her tummy. Agad siyang tumingin sa kaliwa pero ang isang kamay ng estranghero ay humawi sa mahabang buhok niya at may humalik na sa kabila naman niyang balikat.She smiled with the familiar scent of a man, no other than Drear.Ibinaling niya pakabila ang mukha at sumalubong ang mukha nito sa kanya. She missed him so bad and she felt like bursting into tears.Tinitigan niya muna ito saglit kahit na naririnig niya ang hagikhikan ng dalawa niyang kaibigan sa may kabila ng sementadong mesang bilog.Hindi niya maipaliwanag kung bakit naiyak siya nang maka-receive ng text message nito kahapon matapos na iabot sa kanya ni Greg ang cellphone habang naglalakad siya sa lilim ng mga puno, kasabay si Brent.It’s me, how are you my lady? Iyon lang ang text ni Drear pero baldeng luha ang iniiyak niya at kulang ang salitang gusto niyang magtatalon s

  • The Traded Maiden   41

    C H A P T E R 41 Drear lights up another cigarette as he steps inside the house. It’s been days since the last time he saw Catharine, no more Porsche car to fetch her, no more bodyguards to keep her unscratched, no more brain wrecking sex at night. And what’s with him? Silence – total silence. Walang madaldal, walang maingay. Parang walang tao sa loob ng mansyon niya, sa loob ng kwarto. Walang magandang babae na bumababa sa hagdan at humahagikhik, walang babaeng nakikisawsaw sa pagluluto sa kusina at walang nangungulit ng pagkain na gustong kainin ng buntis. Walang naglalaba, walang nagdidilig ng halaman, walang kumokontra sa lahat ng mga sinasabi niya. “Kakamiss si Ma’am Chinita, ano pareng Greg? Noong nandito parang buhay ang bahay kahit mag-isa lang siya na nagbibigay ng kulay. Ang lambing pa naman no’n at nauuna pa tayong pakainin kapag may niluto. Ngayon wala na. May Rebecca naman nga tayo, ubod naman ng tahimik.” Ani ng isa sa mga tauhan niya na parang nasa dining hall yata.

DMCA.com Protection Status