Share

4

Author: MM16
last update Last Updated: 2023-12-21 11:25:48

C H A P T E R 4

Nanghihinang pilit na tumayo si Catharine nang maramdaman niya ang paggaan ng likod niya. Umalis ang babae sa pagkakasakay sa kanya. Umalis ba o inalis ng lalaking kaboses ng namatay na Señor Abelardo?

“The investigation isn’t fully done. You can’t hurt her just like that.” Mariin na sabi ng lalaki pero lalong umiyak ang babae.

“What further investigation, Dark? It was clearly stated that there was a drug in your Dad’s bloodstream! Ano pang proof ang kailangan mo?! May syringe, may pera? May drugs? Come on Dark! Don’t fucking tell me that you’ll let this pass!”

“I won’t.” Bumaba ang tono ng lalaki pero kung bakit lalong napaluha si Catharine.

He won’t let this pass? Si Dark na nga ang lalaki na natatakot niyang malingunan kung katulad ng sabi ng ama nito ay mukhang isinanla na raw kay Satanas ang kaluluwa. Ibig sabihin ay kaya siya nitong patayin kung talagang madidiin siya na siya ang may kagagawan sa pagkamatay ng matanda.

Ano bang nangyayari sa buhay niya?

“Aayusin ko lang ang burol ni Daddy at maghaharap kami ng babaeng ‘yan.” May bakas na ng galit sa boses nito kaya tuluyan na siyang lumingon.

At sa pagkagulat niya ay napatigil siya sa paghikbi nang maaninag niya ang mukha nito sa malamlam na ilaw.

Sa kabila ng nanlalabo niyang paningin at kumakabog na dibdib ay nakuha pa niyang makita ang kagwapuhan ng lalaking nakatayo sa tabi ng isang babae na seksing-sexy at madilim ang mukha habang umiiyak.

He isn’t dark. He is gorgeous, masculine, tall and sexy.

Napatitig din ito sa mukha niya at nagtama ang mga mata nila pero wala siyang makitang emosyon sa mga mata nito na tingin niya ay dark brown ang kulay.

“Get out Fiona. I’ll handle this.” Utos nito sa babae na hindi tumitigil sa paghikbi.

Wala man lang itinapon na sulyap ang lalaki roon at nakatutok lang sa kanya ang mga mata.

Para siyang lalong nanghina sa tiim ng titig ng lalaki na parang nakakasunog ng kaluluwa.

Diyos ko… nayakap niya ang sarili at naiilang na napaiwas ng tingin pero hindi niya napigil na huwag ulit itong tingnan sa mata.

Lumabas ang babae at isinara ang pintuan. Nabalot lalo ng lamig ang buo niyang sistema nang maiwan silang dalawa pero hindi niya magawang bawiin ang mga mata. Inaaral niya ang emosyon na meron sa mukha ng lalaki pero wala siyang makita bukod sa galit.

He’s analyzing her as well until his eyes traveled across her body. Dumako ang mga mata nito at napirmi sa maliit niyang baywang at pagkatapos ay sa mga hita niya na balot ng leggings. Iyon ba ang tinitingnan nito o ang bakat niyang pagkababae?

Susko…

“I could kill you, as if you don’t know.” Basag nito sa katahimikan.

Alam ko. Sinabi na ng ama mo.

Hindi niya magawang sabihin iyon dahil lahat ng lakas ng loob ay tinakasan na siya. Humikbi na lang siya at pinahid ang luha pero may kasamang dugo iyon dahil sa sugat niya.

“Lights on.” Anang lalaki at napatakip si Catharine ng mukha nang biglang lumiwanag ang paligid at mas higit iyon sa inaasan niyang liwanag. Pumikit siya dahil masakit sa mata pero sa isang iglap nang magmulat siya ay nasa mismong harap na niya ang lalaki na animo ay isang bampira sa bilis ng kilos at walang kaingay-ingay na ginawa ang sapatos.

Napaatras siya pero malabakal na kamay ang humawak sa maliit niyang braso kaya napatingala siya kasabay ng pagngiwi.

Hindi pala dark brown ang mata ng lalaki kung hindi light. His eyes are expressive but dead.

“Bitiwan mo po ako.” Hikbi niya at nagpumilit na pakawalan ang braso pero matigas ang pagkakahawak nito na halos ikaputol yata ng buto niya.

“Po?” parang lalong nagalit ang aura ng mukha ni Drear at hinaklit lalo ang braso niya kaya halos mabitay na siya dahil ang laki nitong tao.

Ano bang gusto nito? Makipagpatayan siya? Huwag magbigay ng galang kung iyon naman ang natutunan niya sa eskwelahan simula kinder siya? Hindi kasi siya nag-prep kaya kinder lang.

“Pinatay mo ang kaisa-isang ama na meron ako tapos mamumupo ka sa akin? You’re a masquearading bitch! You’ve murdered him to steal his money!” pabalya siya nitong isinalya at mabuti na lang at sa kama siya tumilapon kaya nag-bounce lang siya.

“Hindi ko pinatay! Hindi ko sabi pinatay at mas lalong hindi ko pagnanakawan! Bakit ba ako ang pinagbibintangan niyo? Bakit ako?!” Umiyak siya at nagmamadaling sumiksik sa may ulunan ng kama habang nakatingin siya sa lalaki.

Bakit ang gwapo ng walang hiyang Dark ay ang sama naman ng ugali?

Tumingin siya sa braso niya dahil nananakit iyon at humikbi ulit siya dahil pulang-pula iyon na halos mangitim na nga dahil sa pagkakahawak ng lalaki roon.

“You must be very thankful for now but I guess you gotta start praying, bilang na ang oras mo sa oras na lumabas ang lahat ng ebidensya at resulta na magtuturo sa iyo.” Dinukot nito ang bulsa at inilabas doon ang isang cellphone at isang bagay na nakabalot sa plastic.

Maang niyang tinitigan ang mga iyon at nang makilala niya na cellphone niya iyon ay kaagad siyang umiyak. At ano ang nasa plastic?

Lumuluhang kinilala niya iyon at syringe iyon na itinapon niya kanina sa basurahan dahil nagkakalat sa dressing room ng club. Pero anong magagawa noon para idiin siya?

“I can beat you now to death but you’re a woman and I am not that brutal. But when the final investigation came out, you’d be dead sorry, lady. These…?” Nangatal ang boses nito at parang nanubig ang mga mata habang siya naman ay napalakas ang iyak dahil sa kaisipan na mamamatay siya na walang kalaban-laban.

“These are one of the proofs that you killed my father inside the dressing room! You’ve injected him with potassium chloride! Hindi sana iyon lalabas na foul play dahil hindi naman nakita iyon sa dugo ni Daddy other than that high level of potassium that could only possibly be the effect of the damaged tissues, but these things were presented right before my very eye! Damn you! You could escape but you left the evidences right in front of everyone’s senses!” Singhal nito sa kanya kaya marahas siyang umiling.

Hindi totoo ‘yon. Hindi nga niya alam kung ano ang lintik na potassium chloride na iyon. Oo alam niyang chemical elements pero hindi niya alam na may ganoong component na nakakamatay.

“And your text messages pointed at you, too. Gipit na gipit ka sa pera kaya ang ama ko ang biniktima mo!”

“Hindi totoo ‘yan!” Ganting sigaw niya habang yakap ang mga tuhod. “Hindi totoo ‘yan dahil kahit na mahirap ako, hindi ako papatay ng tao para makapagnakaw. Kaya nga mas pinili kong ibenta ang sarili ko para may magastos ako sa pangangailangan ng nanay ko tapos sasabihin niyo na pinatay ko si Señor Abelardo para lang makuha ko ang pera?! Anong klaseng nilalang ka ba? Tama ba ang ama mo sa paratang niya na isinanla mo na ang kaluluwa mo kay Satanas para pumatay ka ng isang katulad ko na walang laban at wala namang kasalanan?!” She cried frantically but Drear was halted.

Hirap na hirap na siya sa paghikbi dahil kanina pa siya umiiyak. Ang sakit na ng dibdib niya, ng sentido niya at lahat na sa kanya masakit.

“Naghanap ako ng pera para sa nanay kong manganganak at may mayoma. One hundred fifty thousand ang kailangan ko.” Patuloy si Catharine sa pag-iyak at buhol buhol ang salita pero itutuloy niya kung iyon na lang ang huling segundo na masasabi pa niya ang side niya. At least naman kung hindi maniwala ang Dark na ito ay naipagtanggol pa rin niya ang sarili sa kasinungalingan na bumabalot ngayon sa buo niyang pagkatao.

“Ibinenta ko ang sarili ko sa halagang two hundred thousand. Ibinenta ko kasi ‘yong singkwenta mil pampagamot ko sa nanay ko pagkatapos niyang manganak. Kung magnanakaw ako, bakit ako papasok sa mundo na marumi? Pwede ko naman na gawin iyon na hindi pumapasok sa club. Ang gusto ko lang ay makapanganak ang nanay ko pero bakit ganito ang ibinigay sa akin ng Mama L na iyon? Tinanong niyo ba ang bruha na iyon kung kanino galing ang bag?! Tinanong niyo ba?!”

“It’s my Dad’s and you stole it!” halos manlaki ang magagandang mga mata ng lalaki kaya napapikit siya.

Galit na galit ito at namumula ang mukha.

Stole it? Diyos ko…

Ngayon alam na niya. Kung totoo man na pinatay si Señor Abelardo, malamang na kasabwat ang Mama L na iyon ng pumatay dahil planadong-planado na siya ang madidiin.

Bahagya siyang yumuko at umiyak na lang. “Patayin mo na nga ako kaysa naman pahirapan mo ako rito kung ‘yan ang akala mo. Pero kahit na balatan mo ako ng buhay, paninindigan ko hanggang sa kahuli-hulihang hininga ko na hindi ko pinatay ang ama mo. Two hundred thousand lang ang inasam ko at ni minsan hindi ako nanggulang ng kapwa ko para lang umasenso. Sayang naman, mabait ang tatay niyo pero ang sama ng ugali mo.” Pinanaliman niya ng mga mata ang binata na napatiim bagang na lang.

Kahit na nangangatog ang mga tuhod ay tumayo siya at mabilis na lumapit dito. She stood in front of him and looked into his eyes.

“Titigan mo nga ang mata ko at saka mo sabihin sa akin na pinatay ko siya! Tingnan mo nga ako mula ulo hanggang paa at saka mo sabihin sa akin na pinatay ko siya.” Umiiyak na hamon niya. “Aralin mo nga ako.” Aniya pa pero walang nagbabago sa ekspresyon ng mukha ng kaharap niya kahit halos magkahalikan na sila sa sobrang paglalapit niya ng sarili sa lalaki at nakayuko naman itong sinasalubong ang tapang ng titig niya.

“Aralin mo ako kasi mukhang magaling ka naman doon. Magaling ka kasing manghusga base sa estado ng buhay ng tao at higpit ng pangangailangan sa pera. Subukan mo naman na mukha ko mismo ang tingnan mo at iyong mga mata ko!”

Mataman siya nitong pinagmasdan hanggang sa bumuka ang bibig ni Drear para magsalita.

“Looks can always be deceiving.” Walang buhay na sagot nito kaya nawalan na siya ng pag-asa.

Totoo nga ang sinabi ng matanda bago namatay na madilim ang pagkatao ng kaisa-isang Niño noon.

Walang buhay na yumuko siya at tumalikod. “And maybe then it’s true because the perfect example is you.” She barely said.

Ubod ng gwapo at sa unang tingin ay aakalin na isang anghel o Santo dahil sa ganda ng mga mata na parang ngingiti rin kapag ngumiti ang labi, pero taliwas ang anyo nito sa totoong kulay ng pagkatao. Kung gaano kaganda ang kutis at ang kulay ay ganoon naman kaitim ang ugali at kaluluwa.

Natigilan siya sa paghakbang nang ma-realize kung ano ang sinabi niya. Parang pinuri pa niya ito sa pisikal na aspeto at parang ang ibig pa niyang sabihin ay pogi ito dangan lang na ubod ng bintangero.

Lalo na siyang napailing sa katangahan. Mana rin siya minsan sa mga tiyahin niyang lukarit. Mahilig sa pogi pero naman palaging napipili ay tabingi at bungi.

Tumuloy siya sa isang sulok ng kwarto at doon ulit isiniksik ang sarili at nag-umpisa na naman na umiyak. Kahit na gusto niyang magtapang-tapangan ay hindi niya magawa. Kung para sa sarili niya kaya niya, hindi kapag naiisip niya ang nanay niya at kapatid.

They’re always her main concern and she did everything to keep the pregnancy safe. Minsan kahit na pamasahe na niya sa eskwela ay ibinibili pa niyang pagkain ng nanay niya para naman hindi araw-araw na tuyo o sardinas ang ulam noon. Kasi gusto niya sana na malusog ang baby brother niya paglabas, pero paano pa niya tutulungan ngayon ang ina niya kung naroon siya sa isang sulok ng malaki at malungkot na kwarto na parang kwarto ng mga taong nagbibilang ng oras bago humarap kay San Pedro, iyon ay kung kay San Pedro siya haharap.

Baka sa impyerno siya mapunta.

Niyakap niya ulit ang mga tuhod at doon itinabingi ang mukha papalayo sa lalaking nakatayo at nakatingin sa kanya.

Wala iyong imik na inaaral siya at ramdam niya iyon.

Pero naniniwala siya na hindi siya hahayaan ng Diyos na mamatay. Kung mamamatay man siya, tatayo pa rin siya sa katotohanan kahit na ilang libong beses siyang pugutan ng ulo…

Related chapters

  • The Traded Maiden   5

    C H A P T E R 5 Nang hindi na nakuha humarap sa kanya ang babaeng nabili ng ama ni Drear ay tumalikod na siya at lumabas ng kwarto na iyon. “Lock this.” Mariin na utos niya sa pinagkakatiwalaang tauhan na si Greg. “Yes, boss.” Sagot nito tapos ay nangiti. Napatanga siya sa tauhan at nangunot ang noo. Anong inginingiti ng lalaki sa harap niya na parang nasiraan ng ulo habang parang nakalutang sa langit ang aura ng mukha? “Boss, pwede bang ma-albor si Miss Chinita kapag lumabas na ang lahat ng ebidensya? Ang ganda kasi, sayang naman.” Ani Greg na dumila pa sa labi. Umigting ang panga ni Drear sa narinig. It was unexpected but his dick was also kicking a while back when he raked the young woman’s body, especially when he noticed her womanhood that was so damn overtly traced beneath her leggings. She’s so petite but quite enough for her height. Hindi dapat na ganoon ang maging reaksiyon niya sa babae na suspect sa pagkamatay ng ama niya pero kusang umiinit ang katawan niya at gust

    Last Updated : 2023-12-21
  • The Traded Maiden   6

    C H A P T E R 6 Tumahan ka na. Hindi niya sasaktan ang pamilya mo.” Masuyong utos ng matandang babae nang daluhan nito si Catharine sa sulok.Nakatakip siya sa tainga dahil takot siya sa kulog na maya’t maya ang dagundong sa kalangitan. Pakiramdam niya ay ilang daang taon na siyang umiiyak at pagod na siya. Sino bang hindi iiyak sa sitwasyon niya? Mas mabuti pang nakulong na siya sa preso kaysa sa kwartong iyon na parang hindi niya alam kung anong kahayupan ang gagawin sa kanya.“Sabi niya po papatayin niya.” Hikbi niya saka lang nag-angat ng mukha. Nang tumalikod kasi ang lalaki ay kaagad naman siyang tumakbo kanina sa sulok at sumiksik doon na parang takot na kuting.“Maniwala ka roon. Ganoon talaga ang batang ‘yon pero nag-iisip ‘yon. Hindi ka noon basta na lang sasaktan. Hihintayin noon ang lahat ng ebidensya at titimbangin niya iyon nang husto.” Hinaplos nito ang gasa na nakatapal sa noo niya.“Hindi ko naman po talaga pinatay. Ako pa nga po ang humin

    Last Updated : 2023-12-21
  • The Traded Maiden   7

    C H A P T E R 7 Drear tersely sat straight when he heard something. It’s a woman’s voice that was frenetically screaming. Nakaupo siya sa silya sa bar at umiinom pa rin ng alak pero nabulabog siya ng boses na iyon. Alak kasi ang nakakatulong sa kanyang mag-isip pero parang malalaglag na ang mga mata niya sa puyat.He stood up when the woman screamed again in accordance with the thunder and lightning.It’s Niña Catharine.Hindi niya gustong bumaba pero hinila siya ng mga paa niya at naglakad sa hallway na iisa ang ilaw habang hawak ang bote ng alak.He grabbed the key which was dangling over the hook that was attached to the wall.“Nanay! Nanaaaaay!” Another scream when lightning strikes.Marahas niyang binuksan ang pintuan at literal na nanlaki ang mga mata ni Drear nang itapon ni Catharine ang sarili sa kanya.“Nanay...” She cried.Halos magpakaraga na ito sa paglambitin sa batok niya at nagpupumilit na sumiksik sa katawan.Holy Christ. Mukha na ba siyang

    Last Updated : 2023-12-21
  • The Traded Maiden   8

    C H A P T E R 8 Napabalikwas ng bangon si Drear nang makarinig siya ng kalampag sa pintuan. He cupped his head and shut his eyes. May hang-over pa siya, hang-over ng alak at hang-over ng babae.Matapos niyang magawa ang hinihingi ng katawan niya sa batang-bata na si Catharine, umalis siya na walang paalam at naglakad nang hubad papunta sa kwarto niya. Her damn pussy felt so perfect on his dick. Wala siyang pagsisisi kahit na medyo naging marahas siya. The fact that he had helped her reach orgasm was more than a big proof that somehow her body enjoyed the pleasure, too. At madidismaya siya kung hindi nilabasan ang babae sa pagkalalaki niyang malaki na, may hikaw pa.Kung may pinagsisisihan man siya, iyon ay hindi niya nakuha pang gumamit ng condom. He was so damn horny and the more that lady struggled, the more he was so tempted to taste her. Nawala sa utak niya na gumamit ng proteksyon. It was okay somehow because she’s a virgin, what’s not okay is what

    Last Updated : 2023-12-21
  • The Traded Maiden   9

    C H A P T E R 9 Takang napatingin si Drear sa iniaabot ni Greg sa kanya sa loob ng matapos na pumasok ang lalaki. Wala naman siyang kagalaw-galaw at nakaarko lang ang mga kilay habang relax na nakataas ang mga paa sa mesa.It’s been four days since his father’s first wake and yesterday was the interment. No one saw him cry when he bid his father the last goodbye, unlike Fiona who passed out twice while booming like a freaking cow. Walang nakakitang lumuha siya pero nang mapag-isa siya sa kwarto ay doon siya umiyak para sa amang kahit kailan ay hindi na babalik pa.Gusto niyang durugin sa suntok ang may kasalanan ng pagkamatay ng Daddy kaya lang sino? He had raped Niña Catharine, yes, but he never beaten her up. And he can’t find it in his heart to maul an innocent woman, if she’s innocent then regarding about the demise of his father. Ang paglapastangan niya sa batang babae na iyon ay parte ng pangangailangan niya bilang lalaki at hindi iyon parusa sa sinasa

    Last Updated : 2023-12-21
  • The Traded Maiden   10

    C H A P T E R 10 Drear cleared his throat after satiating his damn eyes by staring at the girl. That lucid reaction of his manhood is so very familiar but he had made his words and now he wanted to regret it.Umangat ang tingin ni Catharine sa mukha niya pero hindi iyon talagang titig, sulyap lang at parang takot pa.Kanina pa ito hila nang hila sa isang pink na bestida pero baba naman nang baba kaya dibdib ang nakikita niya.“If I were you, you gotta stop pulling that stupid dress down before you regret it. Nakakapanggigil ka.” Hindi napigilan na sabi niya kaya kinagat nito ang labi.Coming over tonight to see her is a big mistake. Hindi niya yata kayang kontrolin ang init ng katawan na bumabalot sa buo niyang sistema. He’s one hot fucking mammal who sees sex as part of his everyday life. Kaya nga pinasok niya ang iligal na negosyo ng pagbebenta ng mga babae para kahit na limang babae ang gustuhin niyang paupuin sa mukha niya sa isang araw ay pwede.Kaya lang bakit p

    Last Updated : 2023-12-21
  • The Traded Maiden   11

    C H A P T E R 11 "Can we talk?” Drear asked while bracing his hand against the jamb and looking at Fiona. Mataray na nilakihan ng babae ang pagkakabukas ng pintuan at sa pagkadismaya ni Drear ay naka panty lang ang babae at isusuot pa lang ang bra. “Heaven’s sake.” Tumalikod siya at naglakad papalayo pero kaagad siyang hinawakan sa braso ng madrasta. “Sandali lang. Magdadamit pa ako.” Itinulak siya nito papasok sa loob ng kwarto at pormal naman siyang tumayo sa may pintuan lang. He scanned her while she’s walking sexily toward the closet. Naiiling siya dahil nakabuyangyang ang katawan pero hindi nakalimutan ang high heels. Ganoon naman palagi ang babae. Minsan naliligo sa jacuzzi na panty lang ang suot at labas ang s**o. Kung sa silip ay higit pa ang nakita niya kaya lang simula nang makagawa siya ng kasalanan sa Daddy niya noong pinakialaman niya si Star, hindi na niya naatim na magkaroon pa ng pagnanasa sa mga stepmothers niya. Maganda si Fiona. Paanong hindi gaganda na dating

    Last Updated : 2023-12-21
  • The Traded Maiden   12

    C H A P T E R 12 Drear pressed the loudspeaker button of the phone and placed it on the table, beside Niña Catharine’s plate. Emotional na naman kaagad ang dalaga na tumulo ang luha. Hindi niya nga sana pagbibigyan nang matanggap niya ang text galing sa nanay nito na tatawag daw, pero ayaw niyang makahalata ang pamilya ng dalaga na itinatago niya at ikinukulong. And besides, nakakaawa naman na hindi makausap ang kaisa-isang ina. Nawalan na rin siya ng ama kaya alam niya ang pakiramdam. “H-Hello ― ?” Anang boses na may kalakasan sa kabilang linya. Napahikbi ang dalaga pero tinakpan ang bibig. “H-Hello? Catharine anak? Niña? Niña, hello? Anak?” the old woman’s voice is quacking. He pursed his lips and cleared his throat. Sumulyap sa kanya si Catharine at lumunok. Parang nakuha ang ibig sabihin niya na sumagot na ito. “N-Nanay? Nanay? I miss – you, Nay!” Pilit nitong pinigil ang pag-iyak pero tumutulo pa rin naman ang mga luha. He just chose to continue his meal while listening t

    Last Updated : 2023-12-21

Latest chapter

  • The Traded Maiden   Epilogue

    “I am always proud to let the whole world know that my wife once became a traded maiden. She had traded herself for the life of her mother and that made me fall for her, knowing how kind her heart was and knowing how kind her heart would always be.” sinundan ang mga salitang iyon ng matiim na titig kaya parang nalaglag ang panty ni Catharine.Kahit na narinig na ni Catharine ang mga salitang iyon ni Drear noong gabi na ibandera siya nito sa madla ay napaiyak pa rin siya. Tatlong taon na ang nakalilipas simula nang mag-propose ito at ngayon ay kasal na sila, may instant dalawang anak na babae at lalaki, ang kambal na maliit na Drear at isang babaeng maliit na Kat-Kat – their fraternal twins.Masaya na siya at graduate na rin sa wakas. Isa na siyang Senior flight attendant, Mommy at asawa.At kaya may speech ang asawa niya ay sa charity workshop niya para sa mga kabataang babae at lalaki na kamuntik na ibenta ang sarili sa mga clubs at gay bars. Karamihan sa mga iyon ay pinondohan ng

  • The Traded Maiden   SC

    The Traded Maiden…is the dark billionaire’s rumored girlfriend, a slut, a whore, a woman from a brothel, and was impregnated by a billionaire, Dark Villaraigosa. The question is – is he the father of the slut’s baby or he doesn’t know, either?We learned that the said woman did not come from a decent family. The trading of their own flesh runs in their blood streams, from her Aunts who had been long term…Hindi niya tinapos. Umigkas ang panga niya sa nabasang mga kataga na iyon na direktang humahamak sa pagkatao ng babaeng kaisa-isa niyang minahal.His heart got badly painful and his eyes welled up too fast in tears.My poor woman.“Drear, calm down, son.” Mahinahon na awat sa kanya ng tiyuhin pero kaagad ang mga iyon na napatalon papalayo nang walang habas niyang balikwasin ang mesa na may lamang mga kape at pagkain.Ang insulto ay di hamak na triple ang sakit para sa kanya kaysa sa babaeng hinahamak ng mga iho de putang pilato na nagti-tsismis sa buhay nila.“Hahanapin ko ang

  • The Traded Maiden   SC

    S P E C I A L C H A P T E RStronger Than EverCatharine has never been so happy in her entire life, seeing her only family intact. Kinuha na ni Drear ang pamilya niya ilang araw matapos silang makapag-usap at ang pinaninindigan ng ina niyang ayaw na sumama ay nalusaw nang umiyak siya at nakiusap na sumama na sa mansyon.At ngayon ay nakangiti siya habang nakikita ang ina na nag-aasikaso ng mga halaman habang ang baby bunso naman niya ay nasa stroller.Nang bumukas ang pintuan ay kaagad siyang naglakad papalapit kay Drear at syempre pinupog ng halik ang mukha ng bossing niya at naglambitin pa. And she got a warm smile in return, a very loving gaze.“Let’s go. I have an important golfing session to attend with some of my business partners. Baka hindi ako makasundo, babe. Will you be fine?” He asked plainly but she pursed her lips and starts to march.“Ei naman kasi.” Marahas niyang kinamot ang ulo at tinatamad na inilaylay ang mga balikat at mag-isang naglakad papunta sa hagdan.

  • The Traded Maiden   46

    C H A P T E R 46 Umiiyak na napasugod si Catharine sa mansiyon pero wala roon si Drear. Kahit na gusto niyang magpaliwanag sa yaya Lerma niya ay umalis na lang ulit siya kaagad at sa building ng mga Villaraigosa siya tumuloy.Nalulula siya sa tayog ng building habang tinitingala niya sa labas at saka siya tumingin sa mga gwardiyang hindi mabilang sa napakalaking entrance. Kapag wala si Drear sa opisina, nasaan? Baka nga naroon sa bahay ni Shae Miranda at natutulog kagaya ng sabi niyon.Namumugto ang mga matang nilakasan niya ang loob na lumapit at nagtangkang pumasok.“Ma’am bawal po ang bisita na walang appointment. Saang opisina po kayo?” Tanong ng isa sa mga gwardiya na magalang naman.“Office of the CEO/CFOO.” Matatas na sambit niya kahit na nagkatinginan ang mga gwardiya at mukhang hindi pinaniniwalaan na doon ang punta niya.Such a fool Niña Catharine. Ganoon ba talaga siya hindi kilala ng mga tao bilang babaeng inilalabas ni Drear at nililigawan na maging girlfr

  • The Traded Maiden   45

    C H A P T E R 45 Drear faces Brent for the second time inside his building. Hindi niya alam kung anong sadya ng lalaki pero hindi na siya interesado. Matyaga siya sa pangliligaw kay Catharine at napapanindigan niya ang salitang walang galawan na magaganap hangga’t hindi inaamin sa kanya ng dalaga ang totoong nararamdaman niyon para sa kanya. They’re intimate almost every minute while they’re spending their time together, but he had learned to control himself and be contented for a passionate kiss and warm hugs. And that girl is as sweet as hell. Palagi na lang siyang inaasar tapos maya’t maya ay panghalik nang panghalik. At kilikilig naman siya. They’re merely like best of friends and he enjoys every moment he spends with her and with her family. She has a great family. Mga lahi ng kalog pero masarap kasama at kahit na minsan ay hindi niya naramdaman na etsapwera siya. Pakiramdam niya ay totoong parte na siya ng pamilya at nabubuo ang kulang sa pagkatao niya. Para nga sa kanya ay

  • The Traded Maiden   44

    C H A P T E R 44 Nakaupo si Catharine sa ilalim ng pine tree at naghihintay kay Drear na puntahan siya dahil schedule ng prenatal check-up niya. Ilang linggo na rin ang lumipas at dalawang buwan na ang tiyan niya, may umbok na at halata na. Hindi pa siya kinakausap ng mother counselor nila pero handa naman siya. Hanggang sa mga oras na iyon ay matyaga pa rin si Drear na pabalik-balik para ihatid at sundo siya, kapag wala ay si Greg ang sumusulpot. Nag-umpisa na rin kasi ang trial ni Fiona at ang unang beses na tindig ni Drear sa korte ay naroon siya. Grabe ang paghanga niya sa binata lalo kapag nagsasalita ay napapanganga siya. Nganga siya sa English na may British accent. Lalo na lang tuloy na napaglilihihan niya at minamahal. Patingin-tingin siya sa suot na relo pero wala pa rin si Drear. “Wala ka pa bang sundo? Tanghali na, baka gutom na si baby.” Ani Clarissa na naiwan dahil umuwi na si Psyche. As usual may inaasikaso na naman ang kaibigan niya sa mga kapatid na naiwan. “Wa

  • The Traded Maiden   43

    C H A P T E R 43 "Ayiiii!” kilig na kilig si Catharine nang makatanggap siya ng pabulaklak at pa-chocolate nang buksan niya ang pintuan ng condo. Hindi man sabihin ay iisang lalaki lang ang gusto niyang panggalingan niyon at doon na nga galing – kay Drear. “Ano ‘yan, Katarina anak?” usisa ng t’yang Bebeng niya nang masilip siya na halos tumalon pa. Naalala niya lang ang baby niya kaya tumigil siya. “Pabulaklak t’yang galing kay boss Light.” Ngumisi siya at sabay sila ng tiyahin na nagtaas-baba ng kilay tapos maya-maya ay sumimangot ito. “Hmp! Hindi naman makakain iyan.” Anito na umirap pa. “Ma’am, pinabababa po kayo ni Sir Dark.” Nanlaki ang mga mata niya. “He’s here?” Tumango iyon. “Isama niyo raw po ang mga nanay niyo. Nasa dining po siya at ang Tito niya.” Anang lalaki kaya nanlaki na naman ay ang bibig niya. “Ayan ang kainan. Diyos mo Katarina huwag ng magpatumpik-tumpik pa, boomkara-raka. Tara na!” mabilis na nagsuot ng tsinelas ang t’ya Bebeng niya. “Hoy nga kapatid

  • The Traded Maiden   42

    C H A P T E R 42 Catharine flinched while she was standing under the shed of the pine tree, when she felt a big and warm arm wrapped around her tummy. Agad siyang tumingin sa kaliwa pero ang isang kamay ng estranghero ay humawi sa mahabang buhok niya at may humalik na sa kabila naman niyang balikat.She smiled with the familiar scent of a man, no other than Drear.Ibinaling niya pakabila ang mukha at sumalubong ang mukha nito sa kanya. She missed him so bad and she felt like bursting into tears.Tinitigan niya muna ito saglit kahit na naririnig niya ang hagikhikan ng dalawa niyang kaibigan sa may kabila ng sementadong mesang bilog.Hindi niya maipaliwanag kung bakit naiyak siya nang maka-receive ng text message nito kahapon matapos na iabot sa kanya ni Greg ang cellphone habang naglalakad siya sa lilim ng mga puno, kasabay si Brent.It’s me, how are you my lady? Iyon lang ang text ni Drear pero baldeng luha ang iniiyak niya at kulang ang salitang gusto niyang magtatalon s

  • The Traded Maiden   41

    C H A P T E R 41 Drear lights up another cigarette as he steps inside the house. It’s been days since the last time he saw Catharine, no more Porsche car to fetch her, no more bodyguards to keep her unscratched, no more brain wrecking sex at night. And what’s with him? Silence – total silence. Walang madaldal, walang maingay. Parang walang tao sa loob ng mansyon niya, sa loob ng kwarto. Walang magandang babae na bumababa sa hagdan at humahagikhik, walang babaeng nakikisawsaw sa pagluluto sa kusina at walang nangungulit ng pagkain na gustong kainin ng buntis. Walang naglalaba, walang nagdidilig ng halaman, walang kumokontra sa lahat ng mga sinasabi niya. “Kakamiss si Ma’am Chinita, ano pareng Greg? Noong nandito parang buhay ang bahay kahit mag-isa lang siya na nagbibigay ng kulay. Ang lambing pa naman no’n at nauuna pa tayong pakainin kapag may niluto. Ngayon wala na. May Rebecca naman nga tayo, ubod naman ng tahimik.” Ani ng isa sa mga tauhan niya na parang nasa dining hall yata.

DMCA.com Protection Status