May lalaking lumapit kay Leah at tinanong, “Ikaw ba si Ms. Younge?”Tumingin si Leah. Akala niya hindi na darating ang lalaking pinakilala ng kaniyang Dad. Aalis na sana siya pagkatapos niyang kumain pero hindi niya inaasahan na darating din pala sa huli ang lalaki. Ngumiti si Leah.”Oo, ako ‘yon. Please umupo ka.”Umupo ang lalaki at tiningnan ang pagkain sa mesa. Nanatiling nakangiti si Leah at sinabi, “Pasensya ka na. Pangatlong araw pa lang ng bagong taon ngayon. Akala ko hindi ka na pupunta kasi isang oras na rin ang nakalipas.”Hindi nakapagsalita ang lalaki. Dahil sinabi ni Leah na halos isang oras na siyang late.“May nangyari kasi. Siya nga pala, Ms. Younge, narinig ko na nagtatrabaho ka raw sa ibang bansa bilang interpreter?” Hawak pa rin ni Leah ang kaniyang tinidor at sumagot, “Yeah. Iniisip ko pa rin kung babalik ba ako o hindi pagkatapos nito.”Habang nakangiti, tinanong niya, “Plano mong bumalik doon?”“Depende sa sitwasyon ko,” sabi ni Leah. Matapos iyon, tum
Nagulat si Leah at umiling siya. “So, paano mo ito ipapaliwanag? Sigurado akong marami namang restaurant sa Bassburgh, ‘di ba?” Nagkibit-balikat si Leah. “Pero wala rin namang mga high-end restaurants sa Bassburgh.”Tumawa si Morrison at tinanong, “Bawal ka bang pumili ng ibang restaurant na may lower ranking?”“Well, hindi naman na ‘yon importante dahil alam ko na ang pangalan mo ngayon.” Ngumiti si Leah. Matapos iyon, tumalikod na siya at umalis.Pinatunog ni Morrison ang kaniyang dila, nararamdaman niyang nagamit siya ng iba.Nagmaneho na si Waylon at ni-lock ang pinto nang makapasok si Cameron. Pumunta si Morrison sa passenger seat at kumatok sa bintana nang hindi niya mabuksan ang pinto. “Anong ginagawa mo?”Tumingin si Waylon sa kaniya at ngumiti. “May isa pa kaming date kaya ikaw na bahala sa sarili mo ngayon.”“Ano? Ikaw—”Inapakan ni Waylon ang accelerator at nagmaneho paalis kahit hindi pa tapos si Morrison sa kaniyang sinasabi. Tumingin si Morrison sa kotse na
Nilapag ni Nolan ang hawak niya at sinabi, “Dad, linisin muna natin ang puntod ni mom. Tingnan mo itong mga tumutubong damo.”Tumango si Nicholas. Nagsuot siya ng gloves at nagsimulang maglinis ng mga dahon at damo sa paligid ng puntod. Tumulong din si Maisie sa kanila.Halos umabor sila ng kalahating oras para malinis ang mga dahon sa puntod. Naglagay ng bagong bouquet ng white roses si Nicholas sa puntod at basket ng prutas na paboritong kainin ni Natasha bago siya namatay.Nagdesisyon sila Nolan at Daisie na bigyan muna ng privacy si Nicholas kasama ang asawa niya. Lumabas silang dalawa sa sementeryo at tumingin sa paligid. “Laging si mom ang iniisip ni Dad sa mga nagdaang taon matapos niyang mamatay. Siguro mahal na mahal talaga nila ang isa't isa.”Niyakap ni Nolan si Maisie. “May maganda silang relasyon sa naalala ko. Sabi pa nga ng grandfather ko, weakness ng dad ko si mom, at natalo siya sa isang babae tulad ng great-grandfather ko.”Tumawa si Maisie. “Well, kusa pa rin
Tumawa si Cameron at tinanong, “Pareho ba kayo ng school dati ni Ms. Younge?” “Oo, lahat kami pareho ng school.” Maayos na nilagay ni Waylon ng steak sa plato bago nilagay sa mesa. “Anong problema? Nagseselos ka ba sa kaniya? Kaklase ko lang naman siya.”“Hindi ako nagseselos. Nagtataka lang.”Lumabas ng kusina si Cameron at nilagay ang baso ng gatas sa mesa. Hinila niya ng upuan at umupo. “Hindi ko na nakausap ang mga kaklase ko. Parang ang dami niyo namang kaklase.”Umupo na si Waylon at tinanong, “Bakit?”Sabi ni Cameron, “Kasi military school ang pinasukan ko sa Southern Eurasia. Lahat ng kaklase ko ay lalaki. May kakilala ang dad ko sa school kaya binigyan nila ako ng dorm ba ako lang mag-isa.“Nang dumating ako dito, lahat sila ay walang tiwala sa akin at palihim nila akong binubully dahil akala nila isa akong masamang tao na may hindi magandang background. Hindi naman ako ang tipo ng taong hahayaan na ma-bully na lang ako, kaya gumanti ako sa kanila at binugbog ko silang
“Di ba sobrang close ang pamilya mo sa pamilya ni Zephir? Hindi mo talaga alam ang tungkol dito?”Hindi sumagot si Leah at nakatingin lang siya kala Roxy at Zephir na naglalakad palapit sa kanila. Nakita rin ni Roxy si Keab at agad na binalot ang kamay niya kay Zephir na para bang pinapakita niya na sa kaniya lang si Zephir. “Ms. Younge, what a coincidence.”Tiningnan ni Zephir si Leah pero wala siyang sinabi.“Yeah, what a coincidence.” Tumango lang si Leah bilang respeto. Kinuha niya ang wine glass niya at uminom na para bang ayaw niya ng makipag-usap pa kay Roxy. Ilan sa mga kaklase nila ang hindi napigilan na maramdaman na parang may kakaiba sa interaksyon nilang tatlo.Isa sa mga kaklase nila ang tumingin kay Zephir at tinanong, “Zephir, girlfriend mo ba siya?”Hindi sumagot si Zephir pero agad naman na sinagot ni Roxy ang tanong. “Oo, medyo matagal na rin kaming dating ni Zephir.”‘Zeph...’Kilala ng lahat ng kaklase nilang nandoon si Daisie Vanderbilt ng mga Goldmann,
‘Di ba may gusto siya kay Zephir, sobrang gusto niya si Zephir at mamatay siya pag wala ito ‘di ba? Siguro ang tanga naman niya kung nahulog agad siya sa ibang tao kaya paano naman siya nagbago agad ng gusto?‘Siguro sobrang nahihiya siyang aminin, kaya nagbibigay na lang diya ng excuse para ibahin na lang ang usapan.’ “Sa tingin mo ba nagloloko ako?“Hindi naman ako ang tipo ng taong mahilig magbiro.” Nilabas ni Leah ang kaniyang phone, nag-scroll siya sa contact list, hinanap niya ang number, at nilagay ang phone sa kaniyang tainga. ‘Please sumagot ka! Bigyan mo naman ako ng konting respeto!”Matapos ang ilang sandali, may sumagot na ng tawag at inaantok na bumati. “Hello?” Pumunta sa gilid si Leah at nakangiti na sinabi, lumingon siya sa mga kaklase niya na may kakaibang ekspresyon. “Honey, kagigising mo lang ba?” Nang marinig ng nasa kabilang linya ang salitang “honey”, agad na nawala ang antok niya. Agad siyang tumayo, tiningnan ang ID caller sa screen, at nakita na isa
Napagtanto ni Roxy ang lalaki na nasa harap ng grupo. “Hindi ba't siya ang lalaki sa cafe nung nakaraang araw?”“Oo.” Tumingin si Leah kay Roxy. “Kami na ng panahon na yon. Nagpanggap lang siya na hindi ako kilala para ibunyag ang coffee shower performance mo.” Nagbago agad ang ekspresyon ni Roxy.Binalot ni Morrison ang braso niya sa balikat ni Leah, agad na sumabay sa pagpapanggap. “Yo, kaibigan mo sila?”“Classmates.”“Oh, mga kaklase mo. Hey guys, kumusta kayo?” Binati ni Morrison ang lahat habang nakangiti.Sumagot ang nga classmates ni Leah sa pagbagi niya, mas masaya siyang trinato kumpara sa trato nila kay Roxy.Tiningnan ni Morrison si Zephir at Roxy. “Oh, pamilyar ang dalawang ito. Nakita ko na kayo noon.”Nagdilim ang paningin ni Zephir. “Oo.”Hindi nagsalita si Roxy sa takot na ilabas ni Morrison ang nangyari noong nakaraang araw pero ayaw niyang tanggapin ang pagkatalo at tinanong, “Mister, boyfriend ka ba talaga ni Ms. Younge?”Agad na nandiri ang ekspresyon ni
Gumalaw ang gilid ng labi ni Cameron. Sumandal siya sa upuan at hindi na nagsalita.‘Salamat sa Diyos at hindi ako nagising. Nakaiwas ako sa nakakahiyang pangyayari.”Nang dumating ang sasakyan sa villa, binuksan ng mga bodyguard ang pinto para sa kanila at sabay na lumabas si Waylon at Cameron sa sasakyan.Tumingin siya sa parang resort na villa sa harap niya na mayroon pang private na swimming pool.“Mr. Goldmann.”Isang matangkad na kayumanggi na lalaki ang lumabas sa villa at niyakap si Waylon habang nakangiti. “Bumalik ka na. Nasaan na ang batang ‘yon, si Morrison? Hindi mo ba siya kasamang bumalik?”Tinapik siya si Waylon sa balikat. “Hindi pa siya gaanong nagsasaya sa Zlokova kaya ayaw pa niyang bumalik.”Tiningnan ng lalaki si Camera. “Ito ba ang…”Pinakilala ni Waylon si Cameron sa kaniya, “Siya ang misis ko.”Nagulat ang lalaki. “Narinig ko kay Morrison na nakahanap ka ng babae pero hindi ako makapaniwala doon. Ikinasal ka na pala habang nasa Zlokova ka?”Dinala ni
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng