Nilapit ni Chadwick ang smartwatch s kaniyan labi. “911, may nag-aaway dito.”Mabilis na lumapit ang babaeng pula ang buhok. “Siraulo ka! Sino ka para tumawag sa 911?”Bago pa makapag-react si Chadwick, natumba na siya sa sahig. Nalaglag ang bag niya, at nagkalat ng lahat sa sahig.Nagngalit ang kaniyang ngipin, tumayo siya at nakipaglaban sa babae. Pero hindi katulad ng lakas niya ang isang 16 o 17-year-old na bully, lalo na't marami sila.Tinaas ng babaeng pula ang buhok ang sleeves niya. “Siraulo ka! Ang lakas pa ng loob mong lumaban? Tuturuan kita ngayon ng leksyon.”Lalapit na sana ang babaeng pula ang buhok ng bigla siyang yakapin ni Sapphire sa likod, pinipigilan niya ito. Sa oras na iyon, sinigawan ni Sapphire su Chadwick, “Bakit nakatayo ka pa dyan? Takbo!”Sinipa ng isang tao sa tabi ng babaeng pula ang buhok su Sapphire para makaalis ito. Natumba si Sapphire sa sahig, tumama ang kaniyang kamay kaya nasugat ito.“Sapphire!”Sumigaw ng babaeng pula ang buhok at hin
‘Pero gusto matuto ng batang ito ng martial arts kahit ilang taon pa lang siya. Maaari kayang dahil ito sa hindi niya kayang hindi pansinin pag may nangyayari na hindi makatarungan?’ “Napadaan lang ako.” Matapos iyon sabihin, lumapit si Cameron sa dalawang bata, umupo siya, tiningnan si Chadwick, at pinatong niya ang kaniyang kamay sa balikat nito. “Bata ka pa pero matapang ka na. Mabuti ‘yan. Gusto ko ng ganyan.” Yumuko si Chadwick at hindi siya nakapagsalita. Hinawakan ni Sapphire ang baba ng damit ni Chadwick sa oras na iyon at mahina ang boses nang sinabi, “Dapat tayong magpasalamat sa kaniya. Tinulungan niya tayo.”Kahit na nahihiya si Chadwick at parang umiiwas siya, nagawa pa rin niyang magpasalamat kay Cameron. Yumuko si Cameron para tingnan ang dalawa. “Gabi na. Paano kung ihatid ko na lang kayo pauwi?” “Hindi, uuwi na lang kami .” Hinawakan ni Chadwick ang kamay ni Sapphire, naglakad sila papalayo kay Cameron at umalis na sa lugar. Tumingin pa si Sapphire kay
‘Wala akong ibang paraan kundi lumaki na agad.’ Tumingin si Cameron sa rearview mirror at napansin niya ang pagkadismaya sa mukha ni Chadwick. “Sa totoo lang, hindi mo naman kailangan panghinaan ng loob. Bata ka pa.“Gaano ka na ba katagal sa martial arts? May mga tao dyan na ilang dekada ng nag-aaral ng martial arts pero nahihirapan pa rin silang talunin ang mga kalaban nila pag nagkakaroon sila ng mag match. Kaya inaasahan mo bang makukuha mo iyon kahit wala pang isang taon?” Tinikom ni Chadwick ang labi niya at nanatiling tahimik. Ngumiti si Cameron. “Bakit hindi na lang ako ang gawin mong coach? Pangako ko sayo na gagalingan ko sa pag-train sayo at huhulmahin kita sa kung ano ang gusto mong maging.”Sumandal si Chadwick sa kaniyang upuan. “Edi kailangan ko pa rin sabihin kay Coach Wickam na i-train ako.”Mas naging kakaiba ang ekspresyon ni Cameron. “Ang sama mo.”Suminghal si Chadwick at umiwas siya ng tingin. Dumating ang kotse sa Boucher manor, bumaba na ng sasakyan
“Aray…”Habang unti-unting bumabalik ang malay ni Maisie, tanging ang pumipintig lamang niyang ulo at masakit niyang katawan ang kaniyang nararamdaman, para bang nabangga siya ng sasakyan. Nagsalubong ang mga kilay niya sa sakit ngunit wala siyang lakas para labanan ito.Halos hindi niya maaninag ang anino ng lalaking nasa dilim ngunit naamoy niya ang kakaiba nitong Gucci cologne, binabalot nito ang hangin sa paligid.Nanatiling tahimik ang lalaki habang dinidikit nito ang katawan sa kaniya, hinahalikan at dinidilaan ang kaniyang makinis na leeg…Kasabay nang bukang-liwayway, suminag na ang araw.Biglang idinilat ni Maisie ang kaniyang mga mata. Nagulantang siya nang makita niya ang sariling nakahubad sa kama katabi ang isang taong hindi niya nakikilala. Nakatalikod ito sa kaniya.Namutla ang mukha ni Maisie nang bumalik sa kaniya ang mga alaala mula kagabi. Hindi iyon panaginip lang!Paano siya napunta rito?Ang tanging naaalala lang ni Maise mula sa mga nangyari kagabi ay nag
Sa airport ng royal capital of Bassburgh…Sa gitna ng hindi mabilang na mga turista, isang mag-ina ang lumabas. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanila.Ang totoo, isang ina at tatlong magagandang bata ang kasama niya.Mahinhin at napakaganda ng babae. Ang kumuha sa atensyon ng mga tao ay ang napakagandang batang babae na buhat-buhat nito sa isang braso. Kulot at makapal ang buhok ng batang babae, dahilan para magmukha siyang manika.Ang dalawang magkamukhang dalawang batang lalaki na sumusunod sa kaniya ay napakaganda rin ng features ng mukha, isang pares ng makikinang at kulay amber na mga mata, kulay dark brown na buhok, at napakaputing mga balat. Parang hindi sila totoo!Inalis ng babaeng nakatayo sa harapan ng BMW ang kaniyang sunglasses. Pinapanood niya si Maisie Vanderbilt na karga-karga ang isang bata at ang dalawa pang nakasunod rito, napasingjap siya sa gulat. “Grabe, Zee! Tatlo kaagad ang anak mo sa isang pagbubuntis lang?”Wala siyang masabi nang makita niya ang apat! Hi
Ang matalim na tingin ng lalaki ang tumambad kay Maisie nang lumingon siya. Natulala siya dahil sa mukha nito.Maputi ang balat ng lalaki, napakaganda ng features ng mukha nito, kapansin-pansin ang kulay amber nitong mga mata na tila mayroong tinatagong lalim, at isang linya ng maninipis na labi na kasing talim ng kutsilyo.Kamukhang-kamukha nito sina Colton at Waylon. Pareho din sila ng kulay ng mga mata!Nalaman lang ni Maisie na triplets ang magiging anak niya noong nasa labor na siya sa Stoslo. Walang namana sa itsura niya ang panganay at pangalawa niyang anak. Pero, mayroong kaunting pagkakahawig sa kaniya ang bunso na mayroong itim na itim na buhok–kapareho din ng lalaking nakatayo sa harapan niya ngayon.Nagdilim ang mga mata ni Maisie habang tinititigan niya ang lalaki sa harapan niya.‘Sino ang lalaking ito? Anong relasyon niya kay WIllow?’Naka-focus ang mga mata ni Nolan Goldmann sa mukha ni Maisie. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. ‘Ang babaeng ito…’Nang makitang
”Alam ng lahat na isang VIP si Nolan na minsan na rin inimbita ng royal family ng Stoslo, at kaibigan niya rin ang prinsesa ng Stoslo. Natural lamang na nakita na niya ang commemorative medal ng royal family. Makikita niya ang tricks ni Maisie kahit na mayrooon man itong maipakita!”Ngumisi si Maisie. “Bakit ko ipapakita sa iyo ang ganoong kahalagang bagay?”Pinapahawatig nitong hindi siya karapat-dapat!Nanginginig na sa galit si Willow pero mayroon pa rin ngisi sa mukha niya. “Ibig bang sabihin ay wala kang lakas ng loob na maipakita iyon?”“Tingnan mo siya, Nolan. Sinungaling siya. Alam niyang minsan ka ng bumisita sa royal family at makikilala mo ang medal. Kaya wala siyang lakas ng loob na ilabas iyon.” Ibang-iba ang ugali ni Willow pagdating kay Nolan.Seryosong tumaas ang maninipis na labi ni Nolan. “Ideya ko ang pagbabayad ng $150,000,000. Ideya ko rin ang pagkuha kay Zora bilang designer namin. Kaya naman, palalagpasin ko ang nangyari ngayong araw kung mapapatunayan mong
Dinaka ni Maisi ang cell phone papunta sa balcony at sinagot ang tawag. “Anong nangyari, pinagsisisihan na ba ni DIrector Vanderbilt ang ginawa niya?”Nagngangalit ang mga ngipin ni WIllow sa inis nang marinig niya iyon. “Maisie, huwag kang magpakampante.Karangalan mo na handa kaming bayaran ka ng $150,000,000 para magtrabaho sa amin!”“Oh talaga? Parang pinapalabas mo namang kailangan na kailangan ko ng milyones niyo.” Sumandal si Maisie sa balcony habang mayroong ngiti sa mga labi. “Dahil hindi naman sincere ang collaboration na ito, huwag mo na akong tawagan.”“Sandali!” Sigaw ni Willow, umupo siya sa kaniyang office’s desk at ngumisi. “Maisie Vanderbilt, huwag mong kalimutan na hawak ko pa rin ang video.”Unti-unting nagdilim ang ekspresyon ni Maisie nang marinig niya ang salitang “video.”Ngumisi si WIlow nang wala siyang narinig na sagot sa kabilang linya. “Kung ayaw mong ilabas ko ang nangyari noon, pinapayuhan kitang pumunta rito at makipag-usap sa akin bukas nang umaga.”