Nakaupo si Fabio sa sofa at nakasuot ng bathrobe, nilagay niya ang kamay niya sa magandang babaeng blonde sa tabi niya. Sumandal ang babae sa kamay niya, masunuring nakangiti kay Fabio.Naglakad palapit si Manuel at yumuko siya. “Mr. Puzo.”Tinaas ni Fabio ang glass na nasa mesa sa kaniyang harap at tiningnan ang babaeng nasa tabi niya. Habang naglalagay ng wine ang magandang babae sa glass niya, tinanong ni Fabio, “Narinig ko na sikreto mong kinuha ang pera ng The Commune sa account nila at sinarili mo?”Nagulat si Manuel.Kahit si Joaqin ay hindi alam na kinuha niya ang pera kaya paano nalaman yun ni Fabio?Habang umiinom si Fabio ng wine, tinaas niya ang ulo niya at masamang tiningnan si Manuel. “Mukhang hindi nga nagsisinungaling si Cameron. Kinuha mo nga talaga ang pera.” Nakaramdam ng lamig si Manuel sa likod niya. Hindi niya inaasahan na mapapansin pa ni Cameron ang nawalang pera sa account ng The Commune. ‘Bwiset! Bakit kailangan niya harangan lago ang plano ko!’“Mr.
Seryoso ang boses ni Daisie habang sinasabi, “No way! Ang unang rule ng chess ay dapat mag all out tayo kahit sino pa ang kalaro mo. Kung talo ka, talo ka.”Humalukipkip si Cameron at sinabi, “Dad, tanggapin mo na lang na hindi ka magaling tulad niya. Huwag mo na awayin ang isang batang babae.” Suminghal si Cameron. “Wala ng magpapatuloy sa lahi ko. May mas malala pa ba doon?”Hindi napigilan ni Daisie ang sarili niya at natawa siya.Seryoso na sinabi ni Cameron, “Kung makapagsalita ka para namang matutulungan kita ipasa ang lahi mo.”Kinuha ni Sunny ang cup ng tea at suminghal. “Pero paano mo ito maipapaliwanag ngayon?” Ayaw niyang masayang ang oras niya kay Sunny kaya sinabi na lang niya, “Sige, tigilan na natin yan. May kailangan ako sabihin sayo.”Naging seryoso si Sunny at tinanong, “Tungkol saan?”Alam ni Daisie na hindi na dapat siya manatili doon kaya tumayo siya at sinabi, “Babalik muna ako sa kwarto ko.”Umupo si Cameron sa upuan ni Daisie at sinabi kay Sunny lahat
‘S*raulong Cameron! Talagang ginamit niya ang account book para kumbinshin si Fabio na magkakilala kami ni Manuel.’May matabang lalaki ang naglakad sa likod ni Donald. “Sir, anong gagawin natin ngayon?”Kinuha ni Donald ang baso ng tubig sa mesa at mabagal na ininom ang tubig, at biglang naging seryoso ang tingin niya. “Anong magagawa natin? Magagawa ko lang na iwan ang chess piece na iyon para mapakita ang loyalty ko kay Mr. Puzo.”…Pagkatapos bumalik ni Manuel, iniisip niya pa rin na tutulungan siya ni Donald na ayusin ang problema. Pero, sa hindi inaasahan, nakatanggap siya ng tawag sa hindi kilalang babae.May sinabi ang babae sa kaniya at agad nagbago ang reaksyon ni Manuel. “Paano nangyari ito!?”“Maniwala ka man o hindi, Mr. Estrada, sa tingin mo ba talaga tutulungan ka ni Donald? Nakapag desisyon na siya na itulak ka sa panganib. Kailangan mo humanap ng paraan para makatakas ngayon. Kung hindi, baka patayin ka ni Donald para iligtas ang sarili niya.”May gustong sabihi
Bumalik si Cameron sa katinuan at nahuli ang tingin ni Waylon.‘Nakatitig ba ako sa kaniya mula kanina?’Tumikhim si Cameron at nag-iwas ng tingin. “Lumaki ka bang kumakain ng walnuts?”“Walnuts?” Kumunot si Waylon, naningkit at mahinang ngumisi. “Kakaiba naman ‘yan pero pinupuri mo ba ako, Mr. Southern?”Tumingin siya sa labas ng bintana. “Whatever, isipin mo kung ano ang gusto mong isipin.”Hindi niya alam kung dahil ba sa usap-usapan pero mas naiilang siya kapag kasama niya si Waylon.‘Siguro ay narinig din niya ang usap-usapan na ‘yon pero hindi niya siniseryoso. Posible kaya na ako lang ang nag-iisip ng tungkol doon?’Pagsapit ng ala singko ng gabi, pumunta si Manuel sa pier.Nang magising si Florence sa back seat, nagulat siya nang makita na nasa loob siya ng sasakyan. Inisip niya ang mga salita na sinabi sa kaniya ni Manuel bago siya nawalan ng malay at nainis siya. “Saan mo ako dadalhin!? Manuel Estrada, pakawalan mo ako!”Tumingin si Manuel sa rearview mirror. “Hindi
Dinala ni Mateo ang ilang miyembro mula sa The Serpents na kasama niya at naghintay sa gilid ng harang ng mga pulis. Dismayado ang mukha niya nang makita ang mga katawan.Kumunot si Cameron. “Dinamay pa talaga ni Manuel si Florence.”Tahimik si Waylon. Walang nakakaalam sa kung ano ang nasa isip niya sa oras na yon.…Natanggap ni Donald ang balita sa aksidente ni Manuel at Florence. Nilagay niya ang kaniyang cell phone sa desk, hinawakan ang dulo ng wine glass, at mahinang inikot yon, mukhang masaya siya.Lumapit sa kaniya ang matabang lalaki. “Sir, alam ni Manuel na iiwan mo siya at piniling tumakas kasama si Ms. Serrano.”“Alam ko na ‘yan.” Inalis ni Donald ang tingin niya sa baso. “Nakakapanghinayang na hindi pumabor sa kaniya ang Panginoon ngayon. Kung hindi niya dinala ang problema kasama niya, nagawa niya sanang tumakas. Babae pa rin ang tumapos sa kaniya sa huli.”‘Hindi ko na kinailangan pa na may gawin.‘Nang nag-text si Florence sa akin para humingi ng tulong, alam
Ngayong patay na si Florence at ginagamot pa si Manuel sa ICU, nanatili si Mateo sa labas ng operation theater, baka lang may biglang mangyari. Kung mamamatay si Manuel dito, mababaon habambuhay ang katotohanan.Sa oras na yon, namatay ang pulang ilaw sa taas ng pinto ng operating theater habang bumukas ang berdeng ilaw.Lumabas ang doctor sa operating theater at agad na tumayo si Mateo at lumapit. “Doctor, kumusta ang pasyente?”Hinubad ng doctor ang mask niya at mukhang dismayado ang ekspresyon niya. “Pasensya na. Ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya.”Nagulat si Mateo at hinawakan niya sa balikat ang doctor. “Anong ibig mo sabihin sa ginawa niyo na lahat? Sinasabi mo ba sa akin na ito ang para sa kaniya?!”Emosyonal siya pero nasanay na ang doctor sa ganoong reaksyon. Kalmado niyang ipinaliwanag ang kondisyon ni Manuel, “Malala ang natamo niya. Nadurog ang lahat ng organ niya dahil sa lakas at matindi ang pagdurugo niya. Dinala siya dito nang nag aagaw buhay. Ginawa nami
Sa huling parte ng recorder, makikita at maririnig ang mental breakdown ni Manuel. Kahit na dapat mamatay si Manuel, hindi dapat naging biktima si Florence. Pero, nadamay siya ni Manuel at namatay dahil sa pagiging ignorante niya.Tumawa si Waylon. “Hindi ko inakala na may sentimental side ka, Mr. Southern.”Tumingin sa kaniya si Cameron. “Hindi ko lang matanggap. Limang kilometro lang ang layo natin mula sa pier at muntik na natin siya makuha. Sino ang mag aakala na mangyayari ito?”‘Mas maayos sana ang pakiramdam ko kung pinatay si Manuel at Florence papunta sa pier. At least nasa harap ko na mismo ang direksyon, at alam ko kung sino ang pupuntahan. Gagawa ako ng hakbang sa mga taong yon.‘Pero, sila ang gumawa ng aksidente at walang clue o kung ano pa man. Wala man lang kinalaman si Donald.’Habang mas iniisip niya yon, mas lalo siyang nagagalit. “Sa huli, madaling nakatakas si Donald doon.”Bumagal si Waylon. “Hindi maiiwasan ang ganoon at wala tayong magagawa para baguhin pa
Naningkit si Waylon at tumango. “Sasabihan ko siya na mas maging maingat.”Kinabukasan, nalaman ni Joaqin na namatay si Florence sa isang aksidente at agad namutla ang mukha niya.Nakatulala siya sa kama at matagal na hindi makapagsalita.Tinapik ni Sunny ang balikat niya. “Nakikiramay ako.”Hindi maitago ni Joaqin ang lungkot niya at nanghihina ang ekspresyon niya. “Hindi ko inakala na mamamatay ang anak ko dahil sa pakikipagsabwatan ko.”‘Kung nalaman ko lang agad ang ambisyon ni Manuel, pinalayo ko sana siya sa kahit anong paraan.’Sa kasamaang palad, walang sinuman sa mundo ang pinagpala sa maraming “kung” sa kanilang buhay.Dumating si Mateo sa labas ng ward. “Boss.”Tumingin siya kay Sunny, pumasok sa ward, at biglang lumuhod sa tabi ng hospital bed. Gustong tumayo ni Joaqin para suportahan siya pero hindi pa lubos na magaling ang hita niya kaya hindi niya magagawang umalis sa kama. “Anong ginagawa mo?”“Boss, ako ang dapat sisihin sa insidente na ito. Hindi ko binantaya