Tahimik nilang tinitigan ang isa't isa. Pagkatapos ng ilang sandali, inayos niya ang kaniyang katawan at tumikhim. “Sa wakas. May sinabi ka na rin na matino.”Tumawa si Freyja. “Well, hindi nakakairita tingnan kapag tahimik ka.”Natahimik si Colton.Sa normal na pagkakataon, lalaban na dapat siya pero nang makita kung gaano siya kasaya, hindi niya alam kung bakit pero naramdaman niya na mas magandang manahimik paminsan-minsan.Wala siyang sinabi pagkatapos nang ilang sandali.Hindi na napigilan ni Freyja ang sarili niya at tumawa. Hinila niya ang sleeve ni Colton at sinabing, “Hanggang kailan ka mananahimik nang ganito?”Humalukipkip siya at nahihiyang iniwas ang ulo niya. “A… ayaw ko lang magsalita.”“Talaga?” tumawa si Freyja.Alam niya na si Colton yung tao na ayaw ipakita ang totoo niyang emosyon sa ibang tao. Hindi lang niya inakala na na may cute side siya. Nang sinabi niya na hindi siya mukhang nakakairita kapag tahimik siya, hindi niya inakala na seseryosohin ni Colton
May naisip si Daisie at biglang tinanong, “Mr. Johnson, may alam ka bang director na nagda-direct ng suspense drama o pelikula?”Nagulat siya. “Bakit tinatanong mo sa akin ‘to?”Sumagot si Daisie, “May kaibigan ako na author, at magaling siya sa pagsusulat ng suspense novel—”“Huminto ka diyan.” Inangat ni Charlie ang kamay niya para patigilin si Daisie. “Daisie, hindi naman sa gusto kong gawing mahirap ang mga bagay sa'yo, pero kapag gusto ng isang kilalang direktor magsimula ng project na base sa nobela, mas gusto nila ang kilalang nobela na may intellectual property. Dabil bukod sa pagpili ng nobela na gusto nila, kailangan nilang isama ang kagustuhan ng mga investor, kasama ang kita, gastos, at epekto na mabibigay ng crew sa mga manonood gamit ang camera.“Ang film adaptation bg literary work ay hindi isang bagay na masisimulan mo dahil sa gusto mong gumastos ng pera. Walang direktor ang may gusto na magbigay ng malaking effort sa bagay na magiging kawalan ng pera sa huli.”Ni
Samantala, sa Blackgold…Inabot ni Leonardo kay Colton ang copyright contract ng maraming libro na pinirmahan nila sa overseas online novel platform company at nagtataka na tinanong, “Mr. Goldmann, anong plano mong gawin sa mga kontrata na ‘to ngayong binili mo ang copyright ng lahat ng libro na ito?”Bahagyang inangat ni Colton ang tingin niya. “Wala ka na dito. Sabihin mo lang sa kumpanya na dahil binili ko na ang lahat ng copyright, hindi na nila pwedeng abusuhin ang paghihirap ng author ng mga libro na ‘to.”Nilinaw ni Colton ang sarili niya kaya hindi na nagtanong pa si Leonardo at sumunod na lang sa inutos sa kaniya.Lumabas siya ng opisina at nakasalubong si Giselle sa entrance ng elevator.Ngumiti si Leonardo at lumapit. “Ms. Peterson.”May hawak na ilang dokumento si Giselle sa kamay niya at tumango. “Nandiyan si Mr. Goldmann, hindi ba?”“Oo, nandito ka ba para magpasa ng report? Pero, may nagbibigay naman mula sa finance department non dito, kaya hindi mo kailangan gaw
Ngumiti si Freyja. “Ayos lang. Ikaw ang nagsabi na bata pa ako, hindi ba? Hindi naman ibig sabihin hindi na ako makakapagsulat.”Sumandal si Daisie sa likod ng couch. “Pero naiinis pa rin ako dito. Pang-aapi ‘to!”‘Iba pa na nasa kumpanya pa rin ang copyright ni Freyja kahit natapos ang kontrata nila, pero ang isa pa ay wala siyang makukuha na bayad sa bagay na pagmamay-ari niya. Dapat mawala sa business at ma-bankrupt ang ganiyang kumpanya!’Umupo si Freyja sa gilid niya. “Daisie, hindi ba't gusto mo ang script? Kunin mo na.”Tumigil siya sandali at bumaba ang tingin. “Pero…”‘Ang rason kung bakit hindi ko ‘yon tinanggap ay dahil kay Freyja ang copyright non pero may s*raulo na kumuha ng lahat ng tagumpay dahil dito.‘Kaya kahit gaano ko kagusto yung script, hindi ko tatanggapin.’Alam ni Freyja na nag-aalala sa kaniya si Daisie at nilagay ang palad niya sa likod ng kamay ni Daisie. “Kahit na hindi na sa akin ang copyright at wala na akong kinalaman sa trabaho nila, sinulat ko
Dahil doon, hindi nakakagulat na pupunta siya para makipagkita sa kaniya pagkatapos malaman ang relasyon niya kay Colton.Uminom lang si Giselle ng tsaa pero walang kinain. “Bakit hindi mo pa gawing public? May problema ba sa parte mo?”Parang may kakaibang ibig sabihin ang tanong niya.Kung totoo at tunay ang nararamdaman ng dalawang tao, natural lang na gawin nilang publiko ang relasyon nila.At kapag pinili nila na hindi ito gawin, hindi yon makatarungan, o masyadong magulo ang family background niya.Saglit na natahimik ang paligid, at kalmado na sumagot si Freyja, “Bakit hindi mo pesonal na tinanong sa kaniya kung bakit hindi niya nilalabas sa publiko ang relasyon namin? Sa tingin ko kung gusto niyang sabihin sa'yo, hindi mo sana kinailangan na puntahan ako.”Natigil sandali si Giselle, mukhang bahagyang nagulat.Inakala niya na may pakialam din si Freyja sa magulo niyang background kaya hindi niya gustong ipubliko ang relasyon niya. Kung tutuusin, si Colton ang pangalawang
Pero, walang nakapansin sa kanila na ang mga babae na nasa rear deck ay nakatuon ang atensyon sa kanilang usapan.Tinanggal ni Ryleigh ang kamay ni Maisie na nakatakip sa bibig niya at hininaan ang kaniyang boses. “Holy sh*t! May lihim na karelasyon ang anak mo?”Bukod pa doon, inasar ng babae na yon ang anak ng Peterson dahil wala siyang nasabi.Kinuha ni Maisie ang tinidor at kumuha ng dessert sa plato. “Matagal ko na ‘yang alam.”Nahulaan niya na hindi ganoon ka-simple ang relasyon sa pagitan ni Colton at Freyja. Sadyang hindi niya lang inakala na ganoon ang nangyayari.Lumapit si Ryleigh sa kaniya. “So, sinasabi mo ba na kumakampi ka sa babae na gusto ni Colton? Sa tingin ko ay matalino ang babae na ‘yon. Ito ang unang pagkakataon na narinig ko sa babae na ayaw niyang maging daughter-in-law ng mga Goldmann.”Mula nang bumalik si Colton sa Zlokova at pinamunuan ang Blackgold Group, ilan sa mga sikat na socialites at artista sa Bassburgh ang nakapagdesisyon na kung sino ang pak
Bumalik si Colton sa katinuan niya nang tumunog ang phone.Kinuha ni Colton ang phone at tiningnan ang caller ID. Si Nollace ‘yon.Nag-swipe siya sa screen at sinagot ang tawag. “Anong problema?”“Kasama ba ni Daisie si Freyja?”Nagulat si Colton. “Wala ba siya sa Taylorton?”Nakakatakot ang pagiging kalmado ng tunog ni Nollace. “Wala at wala rin siya sa Goldmann mansion kahit sa Tenet. Hindi ko rin siya matawagan. Sa tingin ko may nangyari sa kaniya.”Agad na tumayo si Colton at biglang naalala ang paalala ni Nollace bago mangyari ito.‘F*ck! Naging pabaya ako!’“Magpapadala ako ng tao ako ngayon.”Narinig ni Freyja na may kausap si Colton at naisip niya na si Nollace yon.‘Si Daisie kaya ‘yon?’Tinanong niya, “May nangyari ba kay Daisie?”Kinuha niya ang kaniyang coat at pumunta sa labasan. “Baka may nangyari sa kaniya. Kailangan ko na umalis ngayon.”Natigil si Freyja. Kinuha niya ang kaniyang cell phone at tiningnan ang message na pinadala niya kay Daisie noong tangha
Tiningnan siya ni Daisie. “Ilang milyon lang ‘yan. Pwede kitang bayaran.”Hindi mapigilan ni Mitchell na matawa nang malakas. “Syempre, kaya mo akong bayaran nang ganoong halaga pero sa kasamaang palada, hindi na ako natutuwa sa pera.”Kung tutuusin, A-lister noon si Mitchell. Wala lang sa kaniya ang ilang milyon, kaya natural lang na hindi siya natutuwa sa pera.Kumunot si Daisie. Pinipilit ng kamay niya sa likod na makawala sa tali. “Kung ganoon anong gusto mo?”Madilim na ngumiti si Mitchell. “Gusto king matulad kayo sa akin. Nakaka-excite ‘yon.”Tumalikod siya at tinawag ang mga tao sa labas ng pinto. “Pasok.”Apat na lalaki ang dumating sa labas ng pinto, malaswang tumingin sa dalawang babae na nasa sahig. “Mga celebrity ang dalawang babae na ‘to. Hindi ba't ang ganda nila? Magiging masaya ang gabing ito.”Mabilis na nanginig si Susan, lumuhod sa sahig at umiyak. “Mitchell, pakawalan mo na ako. S… susundin ko ang lahat ng utos mo, okay?”Huminto si Mitchell sa harap niya