Natahimik so Daisie pagkatapos banggitin ni Freyja si Deedee.Kailangan niyang alagaan ang anak ng kuya niya kaya totoo naman na hindi niya pwede gastusin nang malaya ang pera niya.Tumalikod si Colton at sinabing, “Hindi mo kailangan magbayad.”Pagkatapos ay umalis siya ng ward.Sa huli, “pwersahan” na inilipat si Freyja sa VIP inpatient department sa 16th floor. Dahil nasa mas mataas na floor ang ward, mas may araw doon. Mas maganda rin ang sound insulation, at walang tao sa corridor. Hindi maingay tulad ng ward sa baba at mas magandang lugar para magpagaling.Tiningnan ni Daisie si Colton. Nagulat siya na kayang gumastos ni Colton sa ibang tao bukod sa kaniya. Kung tutuusin, hindi lahat ay kayang pagastusin ang kapatid nila para sa kanila.Pero, masaya rin siya. Kahit papaano gumagaan na ang loob ni Colton kay Freyja.Nakatanggap ng tawag si Colton at lumabas para sagutin yun.Lumapit si Freyja sa kaniya at bumulong. “May mali ba sa ulo ng kapatid mo?”Bumalik sa katinuan s
Kung sinisisi ni Colton si Daisie sa pagiging hadlang sa pagkakaroon niya ng girlfriend, nasa malaking problema siya.Ngumiti siya pero walang sinabi.Pagkatapos umalis ng ward, pumunta siya sa first-floor lobby sakay ng elevator.May nurse na tumutulak sa wheelchair sa dami ng tao at ang nakaupo sa wheelchair ay walang iba kundi si Ayan.Mas mapayat siya kumpara noong huli niyang nakita si Ayan. Mapayat ang mukha niya at katawan at walang liwanag ang mata niya. Nawala na ang energetic na Ayan.Nang mapatingin si Daisie sa walang laman na kanang pantalon, nagulat siya.Tinulak siya palagpas sa kaniya pero hindi siya napansin ni Ayan. Natigil sa paglalakad si Daisie. Lumingon siya para tingnan ang katawan na pumapasok sa elevator at napa isip.Hinihintay siya sa labas ng entrance ni Colton. Binuksan niya ang pinto at pumasok sa sasakyan. “Colton, alam mo ba ang nangyari kay Ayan?”Kumunot si Colton. “Bakit iniisip mo pa siya? Dapat lang yun sa kaniya.”“Nagtataka lang ako.” Ki
Kinagat ni Ean ang labi niya at walang sinabi pabalik.“Ean, wala ng balikan kasi nagkikita tayo ng palihim sa likod niya. Alam nating dalawa kung ano ang kaya niya. Lahat ay kaya niyang gamitin. Kung magpapatuloy tayong magtrabaho sa kaniya, sandali lang bago niya tayo tanggaling dalawa.”Nilagay niya ang daliri niya sa labi ni Ean at nagpatuloy. “At saka, kaya mo bang ibigay ang babaeng mahal mo sa malupit na lalaking yon?”Huminga nang malalim si Ean para pakalmahin ang sarili niya. Pagkatapos ng ilang sandali, pinakawalan niya si Maggie at tumalikod para pumunta sa pinto. Huminto suya sa tapat ng pinto at sinabi habang hindi lumilingon. “Susubukan ko pigilan.”Pinanood siya ni Maggie habang paalis siya ng kwarto.Pumunta si Ean sa parking lot. Alerto siya at agad na may naramdaman. Humarap siya pero nahuli pa rin siya.Habang nakatutok ang baril sinabi ni Edison na, “Gusto ka makita ng master ko.”Tumingin si Ean sa sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan at nagdilim ang mu
Nanliit ang mata ni Brandon dahil hindi niya inakala na lalabas sa bibig niya ang mga salita na yun.“Bumalik na lang kayo. Gusto ko magpahinga.” Hinila niya ang kumot at humiga habang nakatalikod sa pinto. Nang marinig niyang sumara ang pinto, tumulo ang luha sa gilid ng mata niya.Bahagya niyang naaalala noong bata pa siya, sumasakay siya sa balikat ng dad niya habang naglalakad sila sa halamanan kapag hapon.Hindi sa masama ang dad niya. Sadyang mahina ang loob ng dad niya at laging nakikinig sa sinasabi ng mom niya. Matapang na babae ang mom niya habang ang dad niya ay mahina at ito ang pinaka rason sa kakaiba nilang relasyon.Nang marinig niya na may papasok, akala niya ay hindi pa umalis ang dad niya. “Hindi ba't sinabi ko sa'yo na iwan mo ako mag isa?”“Sino ang pumunta dito?”Nagulat si Freyja. Lumingon siya para makita si Colton na nakatayo sa pinto. Bumangon siya sa kama niya at inalis ang lungkot sa mukha niya. “Wala. Nga pala, bakit ka nandito?”“Nag aalala si Daisi
Walang sinabi si Daisie.Lumapit si Nollace sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo. “Dahil hindi ko tatanggihan lahat ng bagay na ibigay mo sa akin.”Biglang namula ang kaniyang pisngi, at tinulak niya palayo si Nollace at pumasok sa kotse mag-isa. “Dalhin mo ako sa ospital.” Tumawa nang malakas si Nollace.Binuksan ni Daisie ang pintuan sa ward, at sinara ni Freyja ang laptop niya, tumingin, at tiningnan ang dalawa na pumasok. “Napakasipag mo naman na pumunta pa sa ospital para bisitahin ako ngayon.” Nakita ni Daisie ang bag na nilagay niya sa counter at tumingin sa paligid. “Nasaan si Colton?”Nilagay ni Freyja ang laptop sa gilid. “Umalis na siya pagkatapos niya ihatid ang mga gamit ko.”“Gusto ko sabihin sa kaniya na bantayan ka baka kasi dumating ang walang kwenta mong pamilya at guluhin ka pa.” Alam niya na nakalabas na ng ospital si Sandy, at natatakot siya na baka pumunta doon si Sandy para gumanti dahil sa nangyari. Hindi siya mag-aalala masyado kung nandoon si Col
May kumatok sa pintuan, at pumunta si Ean sa study. “Sir, hinahanap niyo raw ako?” “Inutusan kitang hanapin kung sino ang traydor. Nakita mo na ba o hindi pa?” Masamang nakatingin ang malamig na mata ni Ken sa kaniya.Yumuko si Ean at parang may ideya na siya paano siya sasagot. “Sir, hinanap ko na po, pero hindi pa rin ako sigurado sa imbestigasyon ko.” “Bakit ba napakatagal mong kumpirmahin ang nangyari!” Inalis ni Ken lahat ng dokumento sa mesa, lumapit kay Ean, at hinawakan ang damit niya. “Sino yun?” Kinuyom ni Ean ang kamay niyang nakalagay sa kaniyang gilid at sumagot, “Mga tauhan ni Mr. Matthews. Nagtulungan na sila pati si Nollace, at alalm nilang plano mong gamitin ang pagkamatay ni Mr. Reese para pagbintangan sila.” Bumukol ang ugat sa likod ng kamay ni Ken. “Bakit may ebidensya si Nollace sa dahilan ng pagkamatay ni Jonah Reese? Naalala ko na may sinabi ako sayo na linisin lahat ng maiiwan na ebidensya na may kinalaman sa pagkamatay niya.” Tiningnan niya nang mas
Sumagot ang lalaki, “Mga 9:00 a.m.” Sa kabilang banda, sa presinto…Dinala ng dalawang pulis sa interrogation room si Ean, at nasa kwarto na si Nollace. Nakaposas si Ean, naglakad siya papunta sa upuan sa harap ni Nollace, umupo siya. “Marahil tama nga ang sinabi mo.” Tumingin si Nollace sa kaniya habang tinatapik ng kamay niya ang mesa. “Dapat magpasalamat ka sa mga pulis na tamang oras ang pagdating nila. Kung hindi, patay ka na ngayon.” Ang naging deal nila noong gabi ay magiging witness ng kaso si Ean, at kailangan protektahan niya si Maggie. Kasama si Ean sa krimen dahil siya ang naglinis ng mga ebidensya ng pagpatay ni Ken kay Mr. Reese. Gagawing sakripisyo ni Ken si Ean.Malakas ang loob ni Nollace na mas magtitiwala si Ken sa iniisip niya kaysa pagkatiwalaan si Ean na iligtas siya. Kung gusto niya maging ligtas, kailangan mawala sa mundo si Ean. Pag patay na si Ean, wala na magiging proweba, kahit ebidensya o witness.Gusto ni Ken na patagong patayin si Ean, pero h
Nasaktan ang anit ni Lara, nakatingin sa galit at namumulang mata ng taong nasa harap niya. “Pinatay mo ang Dad ko, at plano mong tumakas? Hindi ko hahayaang magtagumpay ka, Ken Pruitt. Dapat mapunta sa impyerno ang mga tulad mo!”“Kung pupunta ako sa impyerno, paano ka naman?” Lumapit si Ken sa kaniya habang nag-iisip. “Ikaw ang dahilan kaya naging ganito ang sitwasyon ng mga Reese ngayon. Sa tingin mo ba talaga tutulungan ka ni Nollace? Ginagamit ka lang niya. Huwag mo kakalimutan, kung hindi kita binigyan ng kapansanan, siguro napunta ka na sa mga kamay ni Donald at hihilingin mo na lang na sana namatay ka na lang.” Dinuraan siya ni Lara.Tumagilid ang ulo ni Ken, namula ang pisngi niya, at sinampal si Lara gamit ang likod ng kamay niya. Tumagilid ang katawan ni Lara, at makikita ang dugo na tumutulo sa gilid ng labi niya. Pero nakakatakot siyang tumawa. “At least nakita ko ang tunay mong kulay. Kahit na mapunt ako sa kay Donald, sa tingin ko na mas mabuti na yun kaysa naman s
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa