Lumapit si Ayan at sinuportahan siya. “Daisie…”Sinubukan siya itulak palayo ni Daisie pero wala siyang lakas.Agad na binalot ni Ayan ang braso niya sa balikat ni Daisie at sinabing, “Mukhang pagod ka. Hayaan mo akong tulungan ka para makapag pahinga ka.”Napansin ng ilang estudyante ang sitwasyon nila at lumapit para magtanong. Ngumiti si Ayan at sumagot, “Hindi maganda ang pakiramdam niya kaya dadalhin ko siya sa infirmary.”Walang sinagot ang grupo ng estudyante pagkatapos.Biglang tinulak siya ni Daisie palayo gamit ang lahat ng lakas niya pero aksidenteng tumama ang tuhod niya sa kanto ng upuan. Napasinghap siya at nagising agad siya dahil sa sakit. Kinuha niya ang pagkakataon na yun para umalis nang hindi kinukuha ang script.Kinuha ni Ayan ang script at sinabing, “Susundan ko siya.”Nagtataka na nagtinginan ang grupo ng mga estudyante.Naglalakad si Daisie nang mabagal habang nakahawak ang kamay sa pader. Mabilis na umiikot ang mundo sa paningin niya. Nauntog ang ulo ni
Biglang bumukas ang pinto mula sa labas na gumulat sa kaniya. Lumingon siya at dumampi ang kamao sa mukha niya bago pa man siya makagalaw. Bumagsak siya sa sahig.Pumatong si Colton sa kaniya at kinwelyohan siya habang hindi binibigyan ng pagkakataon na huminga. Habang pinapaliguan ng suntok si Ayan, sumigaw siya, “Ang lakas ng loob mo!? Bakit mo ‘to ginawa sa kaniya!?”Nang pumasok si Freyja, ang una niyang nakita ay si Colton na sinusuntok si Ayan habang nasa ibabaw nito. Nilibot niya ang kaniyang paningin at tiningnan si Daisie.Napagtanto niya na pinainom ng droga si Daisie kaya agad niya tinayo si Daisie mula sa sahig. Tinapik niya ang pisngi ni Daisie at tinawag ang pangalan niya, “Daisie?”“Tumigil ka na sa pakikipag away! Tingnan mo muna si Daisie!” sumigaw siya.Tumigil ang kamao ni Colton sa ere. Tinulak niya palayo si Ayan at sinipa siya sa huling pagkakataon. Dinuro niya ito at sinabing, “Kapag may nangyari sa kaniya, hindi lang ikaw ang mananagot, sabihin mo kay Ken
Yumuko si Daisie at sumagot, “Mas maayos na pakiramdam ko.”“Mabuti na lang nahanap ka agad ng kapatid mo. Naaalala mo pa ba kung paano ka na-roofie?”Nagulat si Daisie. “Na-roofie ako!?”Wala siyang alam sa kung anong nangyari sa kaniya. Wala siyang kinain na kahit ano. Ang ininom niya lang ay yung Coke…Biglang natigil si Daisie. “Coke… yung bote ba ng Coke?”Tiningnan siya ni Freyja at tinanong, “May naaalala ka pa ba?”“Uminom… uminom lang ako ng Coke. Pero hindi si Ayan ang nagbigay sa akin. Lahat ng classmate ko ay may bote ng Coke.”Lagi siyang nag iingat kapag malapit sa kaniya si Ayan. Hindi siya uminom sa bote ng tubig na binigay niya noong nakaraan.Pero, ibang classmate ang nagbigay sa kaniya ng bote ng Coke at halos lahat ng estudyante sa auditorium ay uminom non. Kaya ininom niya yun nang walang pagdududa.Pagkatapos makinig sa kwento ni Daisie, naisip ni Freyja na baka may nilagay ni Ayan sa bote ng Coke.“Oh yeah, si Ayan…” May gustong itanong si Daisie pero t
Gumamit ng pwersa ang lalaki at hinila ang kuko na may kaunting laman. Tumalsik ang dugo sa mukha ng lalaki, naiwan ang duguang daliri.Malakas ang sigaw ni Ayan. Namumula ang mata niya, nakalitaw ang ugat niya sa gilid ng kaniyang noo at puno ng pawis ang noo niya.Pagkatapos tanggalin ang ikalimang kuko, nawalan ng malay si Ayan sa sakit. Tiningnan ng lalaki si Nollace at sinabing, “Nawalan na siya ng malay.”Pinaglaruan ni Nollace ang relo niya at malamig na sinabing, “Gisingin niyo gamit ang tubig at ipagpatuloy.”Tumayo siya habang walang ekspresyon sa kaniyang mukha. “Ibalot niyo ang mga kuko na yan at ibigay kay Ken. Sabihin niyo na malaking regalo yun mula sa akin.”Pagkatapos nun, tumalikod siya at umalis.Nang matanggap ni Ken ang duguan na “package,” nagdilim ang mukha niya.Maingat na inangat ng secretary ang ulo niya at sinabing, “Mr. Pruitt, sinabi niya na kuko ‘to ni Ayan. Mukhang nakuha ni Young Mr. Knowles si Ayan. Mukhang nasa panganib siya.”Huminga nang mala
Mukha pa ring nagpipigil ang ekspresyon ni Colton. “May iba pa bang tao dito bukod sa'yo?”Tumawa si Freyja. “Masyado kang nagiging magalang. Kung may mangyari kay Daisie, hindi ko maipapaliwanag kay Nollace yun.”Nang sabihin niya yun, tiningnan niya nang maigi si Colton. “Mukhang hindi gaano maganda ang trabaho mo bilang kuya.”Mukhang galit ang mukha ni Colton.Bago pa siya may sabihin, umalis na si Freyja nang hindi lumilingon.Bumaba si Daisie at nakita si Colton na nakatayo sa entryway, nagpapalit ng sapatos kaya lumapit siya. “Colton.”Tinanong ni Colton, “Nasaan ang katulong?”Nakangiting ipinaliwanag ni Daisie, “May sakit ang anak ng katulong ngayon at sinabihan ko siya na mag day off para alagaan ang anak niya.”“Kumain ka na ba ng lunch?”Nang makita na inangat ni Colton ang sleeves niya at pumunta sa kusina, sumunod si Daisie sa kaniya. “Magluluto ka ba?”Naghugas ng kamay si Colton. “Kung hindi, gagawin mo ba?”Noon, nang kasama pa nila si Waylon, siya ang naglu
Nakahiga si Maggie sa kama, nakabalot ang buong mukha ng gasa at nagpanggap siyang galit. “Sobrang sakit! Namamaga pa rin lahat.”“Gagaling na rin yan paglipas ng ilang buwan.” Hinawakan ni Ken ang likod ng kamay niya. “Huwag ka mag alala, hindi agad magsasawa si Mr. Matthews sa mukha mo.”Palipat lipat ang tingin ng mata ni Maggie. “Pero paano kung magsawa siya sa akin?”May ngiti si Ken sa mukha niya pero walang bakas ng kasayahan sa mata niya. “Kapag nagsawa siya sa'yo. Kukuha ako ng tao na susundo sa'yo at aalis ka sa lugar niya.”“Talaga?”“Oo, magpahinga ka na muna.” Tumayo si Ken at pumunta sa pinto.Sa oras na yon, tumigil ang isang tauhan niya sa gilid niya.“Sir.” Nang lumapit ang lalaki sa tainga niya at may binulong doon, agad nagdilim ang mukha ni Ken, at agad na hindi pinansin ang taong nakahahiga sa ward at umalis kasama ang mga tauhan niya.Pagkatapos nila ymalis, kinuha ni Maggie ang phone niya, nag text siya kay Nolan at binura ang text pagkatapos ma-sent.Sa
Masama ang tingin ni Ken sa mga tauhan niya.Agad na nataranta ang lahat. “Sir, wala talaga kaming ideya tungkol dito! Hindi kami magtataksil sa'yo!”“Ean, anong ginawa ni Maggie bago ang surgery?” diretso ang tingin ni Ken sa mukha ni Ean.Pinagdududahan niya si Maggie.Tumulo ang namumuong pawis sa likod ni Ean habang yumuyuko at sumagot na, “Wala siyang kinausap ng three days bago ang surgery. Tinanong niya lang ako tungkol kay Mr. Matthews at mukhang hinahanda niya ang sarili niya.”Walang sinabi na kahit ano si Ken. Kahit na may pagdududa siya kay Maggie, wala siyang naging interaksyon sa Knowles.Suminghal si Ken. “Hindi ba niya ako sinisisi sa pagpapadala sa kaniya kay Donald?”Ang pinaparating ng tanong ay baka nagtaksil sa kaniya si Maggie dahil hindi niya gusto ang nangyayari.Kalmado na nagpaliwanag si Ean, “Pero wala lang si Ayan sa kaniya. Kaya kahit na may galit siya sa'yo, hindi siya gagawa ng kahit ano tungkol sa problema ni Ayan.”Naramdaman niya na may punto
Naningkit si Daisie at ngumisi. “Kanina pa tapos.”“Anong hawak mo?”“Ito…” Hindi alam ni Daisie kung paano ipaliwanag. Kaya naman, yumuko siya at kinagat ang labi niya. “Kung sasabihin ko ba sa'yo ang totoo, magagalit ka ba?”Tumitig si Nollace sa mukha niya at naningkit. “Hindi na dapat ipag alala mo na magagalit ako kapag tinago mo sa akin?”“Dala ‘to ng dad ni Ayan para sa kaniya. Hindi siya makausap ng dad niya, kaya naman—”Bago pa man siya matapos magsalita, huminga ng malalim si Nollace. “Si Ayan na naman. Plano mo bang patawarin siya?”“Hindi naman ‘to tungkol sa kung patatawarin ko siya o hindi. Mukhang kawawa ang dad niya kaya ibibigay ko lang ‘to kay Ayan para sa kaniya. Walang kinalaman ang dad niya sa ginawa niya.”Napasinghap sa galit si Nollace. “Alam mo ba kung nasaan siya?”Nagulat si Daisie. “Hindi ko alam kaya sasabihan ko si Colton na tulungan ako…”“Hindi rin niya alam.” Kalmado si Nollace, “Ako lang ang nakakaalam kung nasaan siya ngayon.”Tiningnan siy
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa