Nawala ang emosyon sa mukha ni Violet.“Hindi ako nagseselos!”“Sinong nagseselos?”Nanggaling ang boses ni Jackie mula sa likod niya.Ngumiti si Daisie at binati si Jackie, “Tapos ka na ba, Tito Jackie?”Tumango si Jackie habang diretso ang tingin kay Violet.Lumabas ang babae na maikli ang buhok sa cafe habang hawak ang bag niya, tumigil siya sa harap ni Jackie at tinawag siya, “Jackie.”Nakita ni Violet na malapit sila at natigil ang ekspresyon niya pero hindi yun halata. Ngumiti si Violet. “Sinong mag aakala na magkikita tayo habang nagsa-shopping?”Hindi sumagot si Jackie.Tiningnan siya ni Daisie, “Hindi ba't sinusundan mo si Tito Jackie?”Nabigla si Violet dahil nabunyag siya at agad siyang tumanggi, “Hindi ko siya sinusundan. Maliit lang ang area ng Octavia. Hindi mahirap na magkita tayo.”Umalis siya pagkatapos sabihin yun.Napagtanto ni Daisie na galit si Violet kaya tumingin siya kay Jackie. “Mukhang sumobra tayo.”Ngumiti si Jackie. “Ayos lang. Kakausapin ko si
Naisip ni Violet na kahit sino pag ang magustuhan niya, hindi magiging si Jackie yun pero hindi tama ang pakiramdam na yun.Huminga siya ng malalim. “Babalik na ko.”Inayos ni Jackie ang buhok ni Violet. “Iniiwasan mo ba ako ulit?”Naintindihan niya ang ginagawa ni Violet.Masyado siyang sensitibo.Nasa puso niya si Jacob at natatakot siya na mahulog sa kaniya at ‘pagtaksilan’ si Jacob. Hindi niya kayang aminin yun kaya ang kulungin siya para umamin ay gumana.Kinakabahan siya na pilitin si Violet para umamin.Hinawakan niya ang kamay ni Violet at mahinang sinabi. “Hindi kita pipilitin.”Natigil si Violet.“Violet Lovegood, seryoso ako tungkol dito kahit na ayaw mo maniwala sa akin. Ayaw ko siya palitan pero gusto ko umamin ka na may nararamdaman ka sa akin at sapat na sa akin yun.”Nag iwas ng tingin si Violet at galit na tonong sinabi, “Ano naman kung may naramdaman ako sa'yo, wala na yun ngayon.”Pinunasan niya ang labi ni Jackie gamit ang daliri niya. “Empleyado ang baba
Ibang-iba ang mga tao na nakakasama niya kay Jacob.Pumunta siya sa ibang bansa para mag aral noong 16 siya at nagsimulang kumilala ng iba. Kahit na halik at yakap lang yun, nakita niya ang iba bukod sa kaibigan niya dahilan para may mapagtanto siyang ibang bagay.Alam niya na walang ibang rason para magpanggap na inosente ang mga tao. Kailangan lang nila maging interesado at sumabay.Maraming tao mula sa bansa niya ang ganoon.Ang mga tao na lumalapit sa kaniya ay malinaw na sinasabing gusto ang bagay na yun.Kaya iniisip niya na mahalaga si Jacob. Dahil yun sa inosente talaga siya pagdating sa relasyon at hindi niya sinasamantala ang relasyon nila. Hihingi siya lagi ng permisyon kahit na halik lang.May pakialam siya sa pakiramdam ni Violet at ito ang unang pagkakataon na pakiramdam niya ay nire-respeto siya.Kaya hindi niya kayang bitawan si Jacob kahit na alam niya na hindi na siya babalik.Hindi niya inakala na ang lalaki na tulad ni Jackie Clifford ay bibigyan siya ng ga
Agad na kinuha ng kamay ni Violet ang bulaklak na may nakatagong maliit na pulang square box.Binuksan ni Violet ang box at nakita ang malaking pink na diamond ring.Hindi inakala ni Violet na naghanda siya ng singsing. “Jackie Clifford, bakit hinanda mo to agad?”Hindi pa siya pumayag na magpakasal agad. Paano niya nagawa yun!?Mukhang seryoso si Jackie. “Hindi kita nabigyan nung sa marriage of convenience natin kaya utang ko ito sa'yo, at pambawi yan.”Natigil siya. “Pambawi?”Kinuha niya ang singsing kay Jackie at tiningnan si Violet. “Tingnan ko nga kung tama ang size.”Hinawakan niya ang kamay ni Violet at sinuot ang singsing sa daliri niya. Kasyang kasya sa kaniya yun.Hindi napagtanto ni Violet na hinayaan niyang isuot sa kaniya ni Jackie ang singsing at bigla niyang napagtanto na may mali nang nakalagay na ang singsing.Nang makita na nakangiti si Jackie, biglang napagtanto ni Violet na na-trap siya. “Naloko mo ako!”Hinila siya ni Jackie sa bisig niya. “Hindi. Seryos
Inakusahan niya si Violet na sinira ang relasyon niya pero siya ang totoong nanira ng relasyon. Kahit na niloko siya ni Brooklyn at siya ang biktima ng buong pangyayari, pagkatapos niyang malaman na kasal na siya, tumanggi siyang iwan si Brooklyn. Sa halip, gusto niyang i-divorce ni Brooklyn ang asawa niya at pakasalan siya.Laging sinasabi ng mga tao na may rason kung bakit sila nagpakababa at naging kawawa at totoo yun.Lahat ng socialite ay pumunta at mainit siyang binati nang makita nila si Violet.Kahit na hindi gusto ni Violet yun, magalang pa rin siyang sumagot.“Ms. Lovegood, narinig ko na gusto kang balikan ni Mr. Clifford. Nakakakilig naman.”“Mukhang nagawa mong kunin ang puso ng ex-husband mo, Ms. Lovegood.”Nakaramdam ng hiya si Violet habang pinapakinggan ang sinasabi nila.Totoo naman na gusto siyang balikan ni Jackie pero hindi pa siya pumapayag sa kaniyang marriage proposal.At saka, komplikado ang circle na ito. Hindi niya nagkaroon ng mabuting kaibigan doon
Mas naging charming si Jackie kaysa sa mga lalaki na sinasabi na gusto siya agad.Gusto niyang gawin yun pero lumalayo siya. Kahit na may oras na lumalagpas siya hindi niya sinasamantala si Violet.Marahil ito ang pinakamataas na paraan para makuha ang loob ng babae.Isa isang hakbang siyang pumapasok sa mundo ni Violet. Pero sa halip na pilitin siya, iba ang galaw niya para mahuli siya gusto niya na si Violet ang mag first move.Nahirapan si Violet sa oras na yun. Sinubukan niyang makalaya pero hindi siya pinagbigyan ni Jackie. Kinakabahan siya dahil nag aalala siya na may dumating na tao at makita sila. Sa huli, kinagat niya ang kaniyang labi at sinabing, “Umuwi na tayo.”Dinikit ni Jackie ang noo niya kay Violet at lumalim ang hinga niya. “Babalik saan?”Nablangko siya sandali. “Umuwi?”Tumawa siya at nilaro ang palad ni Violet. “Bahay ko?”Blangkong tumango si Violet at natigil siya.Binuhat siya ni Jackie mula sa sahig at tumawa. “Sana sinabi mo agad.”Nakaparada ang sas
Tinanong ni Waylon, “Ano yun?”Sinabi ni Colton habang nakapangalumbaba na, “Kailangan lang natin siyang abalahin.”Sa Azoor Villa.Tumama ang mahinang ilaw sa awang ng kurtina. Madilim ang kwarto na may mainit na atmosphere.Tumingin si Violet sa labas at nag isip.Binalot ni Jackie ang braso niya kay Violet at niyakap siya mula sa likod. Pinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ni Violet at tinanong, “Nagsisisi ka ba?”Yumuko siya at sumagot, “Wala naman akong dapat pagsisihan.”Hindi niya alam kung paano ipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon. Parehong komplikado at kakaiba pero isa lang ang sigurado niya na hindi niya yun pinagsisisihan.Parang panaginip lang yun. Sa panaginip niya, ang buto at organ niya ay kinuha sa katawan niya. Parehong paradox ng pagiging iba at gulat sa pagkagising.“Sinisisi mo ang sarili mo,” sabi ni Jackie habang inaayos ang buhok na nasa leeg ni Violet. Dinampian niya yun ng halik at idinagdag, “Dahil alam mong hindi ka na pwedeng umatras ngay
Humalukipkip si Colton at sinabing, “May kinalaman ba sa'yo ang Knowles? At saka, wala akong gaanong oras.”Mahigpit na nakatikom ang labi ni Daisie. Nang may sasabihin na siya, nilagay ni Waylon ang kamay niya sa balikat ni Daisie at sinabing, “Daisie, nagkabalikan na si Tito Jackie at Tita Violet kaya sa tingin ko oras na para umalis tayo ng Octavia.”Nagawa niyang i-distract si Daisie at kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Babalik na ba tayo ngayon?”“Hindi. Bukas tayo babalik,” sumagot siya.“Sige. Sulitin ko na yung pagkakataon at magpaalam na kay Tita Violet,” sabi ni Daisie habang nakatalikod para bumalik sa bahay nila.Nag-aalala pa rin si Waylon tungkol doon at lumingon kay Colton. “Sigurado ka bang walang makakaalam doon?”Sobrang confident si Colton sa kakayahan niya. “Nope. Walang makakaalam. Kung may mahanap man sila makikita lang nila na galing sa Octavia ang ID. Nasa Bassburgh na tayo sa oras na yun kaya walang makakaalam na tayo ang gumawa non.”Kung malaman man n
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa