Binaba ni Jackie si Violet sa kama at naglagay ng unan sa ilalim ng ulo niya. Mahimbing ang tulog niya at walang alam.Kinumutan niya si Violet at tumayo sa tabi ng kama sandali bago pinatay ang ilaw at umalis ng kwarto.Nang makita siya ni Rose na pababa, tumayo siya. “Jackie.”Tumigil sa paglalakad si Jackie at tumingin sa kaniya. “Yes, ma’am?’“Salamat sa paghatid sa kaniya.”“Walang anuman.” Tumango siya. “Uuwi na ako.”Tumango si Rose.Habang pinapanood siya palabas sa pinto, nalungkot siya dahil gusto niya si Jackie at hindi niya maintindihan kung bakit hindi makita ni Violet kung gaano siya kabuti.Maagang natulog si Violet at nagising ng 6:00 a.m. kinabukasan. Agad siyang umupo nang idilat niya ang kaniyang mata at at napagtanto na nasa kwarto niya siya.‘Hindi ba't nakatulog ako sa sasakyan? Paano ako nakarating dito?’Pagkatapos maglinis ni Violet, bumaba siya para uminom. Ginawan siya ng soup ng katulong nila. “Maaga kang nagising, ma'am?”Pumunta siya sa kusina p
Hindi tanga si Violet at nakikita niya na sinusubukan ng mga bata na magbalikan sila ni Jackie.Divorced na sila kaya wala ng patutunguhan pa.“Tita Violet, galit ka ba kay Tito Jackie?”“Siya ang may galit sa akin.”Tiningnan siya ni Daisie. “Galit ka ba sa kaniya?”Malakas ang loob na sinabi ni Violet na, “Galit siya sa akin kaya natural na magalit din ako sa kaniya.”“Pero paano kung hindi siya galit sa'yo?”Natigil siya sandali. “Magagalit pa rin ako sa kaniya.”“Bakit?” Tiningnan siya ni Daisie.Kinuha ni Violet ang teacup, tumawa, at sinabing, “Dahil mayabang siya, mapagpanggap, at mainitin ang ulo. Hindi siya mahinahon.”Biglang may anino na lumapit kay Violet at tumigil sa tabi niya. “Ayan ang tingin mo sa akin?”Nataranta si Violet at lumingon.Nakasuot ng gold-framed glasses si Jackie at nakatayo sa likod niya habang naka suit.Nakakadagdag ng dating ang salamin pero walang sinumang lalaki ang bagay na may salamin bukod kay Jackie. Mukha siyang charming at cool p
Hindi pa sila nag almusal sa tatlong taon nila na mag asawa o kahit mag usap man lang at ang dami na nagbago mula ng mag divorce sila. Bakit hindi siya magugulat?Nanatili ang tingin ni Jackie sa mukha ni Violet, “Medyo.” Pagkatapos ng ilang segundo, idinagdag niya, “Pero mas ayaw ko ang ikasal.”Nagulat si Violet pero hindi niya alam kung bakit. “Pagkatapos nung hindi na tayo kasal, hindi ka na galit sa akin?”“Hindi ka ba masaya na natapos na ang marriage natin?” tanong ni Jackie.May gustong sabihin si Violet pero tumigil siya at yumuko.Oo, malaya siya pagkatapos ng divorce nila. Dapat masaya siya pero may kakaiba siyang pakiramdam.Sa kabilang banda, dinala ni Maisie at Nolan ang mga bata sa parehong cafe para mag almusal.Nang makita ni Maisie si Daisie na binuksan ang pinto, ngumiti siya. “Hindi ba't naga-almusal ka kasama si Violet?”“Kasama niya si Tito Jackie. Ayaw kong maging third-wheel.”Mabilis siya makaintindi.Nagulat si Nolan. “Pero hindi mo ba naisip na thir
May napansin si Violet at agad na tumingin para makita ang likod ng dad niya. “Dad.”Tumigil si Aaron pero hindi lumingon.Tiningnan siya ni Violet. “Anong responsibilidad ang tinutukoy mo?”Tumingin sa taas si Aaron at huminga ng malalim. “Pagbabayaran ko ang kasalanan ko.” Umalis siya nang hindi lumilingon pagkatapos sabihin yun.Natigilan si Violet. Pagkatapos ay tumakbo siya para sundan ang dad niya pero nakasakay na siya sa sasakyan at umalis.Binalot ng ulan ang sasakyan niya.Pumunta si Aaron sa police station at binuksan ang abduction case noon sa pag amin na siya ang nasa likod non.Hindi siya nilaglag ng mga kidnapper dahil may mga kinausap siya at nakaiwas sa parusa.Ngayon na umamin na si Aaron sa krimen, hindi siya humingi ng abogado, at hindi niya plano dumipensa. Nagulat ang mga police officer pagkatapos makinig sa pag amin niya.Maraming tinago na impormasyon si Aaron nang mangyari yon kaya trinato lang yun ng mga pulis bilang abduction case at nakitang normal
“Ihahatid na kita pauwi.” Sinimulan ni Jackie ang engine at nagmaneho palayo.Walang nagsalita sa buong byahe.Bumalot ang katahimikan sa puso ni Violet. May gusto siyang sabihin pero natatakot siya na hindi niya maiintindihan.Umiya siya sa harap niya ng dalawang beses—ang unang beses ay sa kwarto ni Jacob at ang pangalawang beses ay sa police station.Nakaparada ang sasakyan ni Jackie sa labas ng Lovegood mansion at hinatid siya sa loob.Umupo si Rose sa couch at mukhang miserable, mukhang may inaasikaso. Nang makita niya si Jackie at Violet na pumasok nang magkasama, mabagal siyang tumayo. “Violet, nakabalik ka na.”“Mom, I—”“Sige na, wala kang dapat sabihin.” Mahinahon siyang pinatigil ni Rose. “Naiintindihan ko ang desisyon ng dad mo.”Lumapit siya kay Violet at hinawakan ang kamay niya. “Nakagawa ng mali ang dad mo. Hayaan natin ang korte ang mag desisyon at hintayin natin siyang bumalik, okay?”Namumula ulit ang mata ni Violet habang tumatango.Tumingin si Rose kay Ja
Nag-aalala lang si Rose na baka pagsisihan ito ng anak niya sa hinaharap kung hindi niya pa kukunin itong oportunidad.Nang may maisip siya, sabi niya, “Violet, kailangan ko umuwi at mawawala muna ako ng ilang araw, pero hindi ako panatag na iwan kang mag-isa dito. Bakit hindi ka na lang muna mag-stay sa mga Clifford sa mga susunod na araw?”Nagulat si Violet. Matapos ang ilang sandali, tinanong niya, “Hindi mo naman ako iiwan, ‘di ba?”Nagulat si Rose. “Anong sinasabi mo? Aalis ako dahil may kailangan akong hawin. Nasa Octavia pa rin naman ang pinsan mo. Pwede mo siyang puntahan kung mainip ka doon.”Buti na lang, kilalang-kilala niya ang anak niya.Kinagat ni Violet ang labi niya at tiningnan Jackie. “Pero sa tingin mo ba hindi naman pangit tingnan na mag-stay ako sa mga Clifford? At saka, kaya ko naman na dito na lang mag-isa sa bahay.”Tinanong ni Rose, “Wala dito yung katulong natin pag weekend. Kaya mo na ba ang sarili mo?” Hindi nakapagsalita si Violet.Sinabi na ni Ros
Hindi lang lola ni Nolan ang nabigo ko kundi pati ang lola ni Jackie. Hindi ko nabigay ang pagmamahal na gusto niya. Sa huli, namatay siya dahil sa depression, at naging dahilan ito kaya sobrang galit sa akin ang tatay ni Jackie. Kaya binibigay ko ang lahat ng pagmamahal ko ngayon kay Jackie, dahil ayun na lang ang kaya kong gawin para makabawi.”Walang sinagot si Violet. Sobrang nagulat siya at hindi na niya alam mo ang kaniyang sasabihin. Inangat ni Thomas ang ulo niya para tingnan siya. “Violet, kaya lang naman ako pumayag na mag-divorce kayo ni Jackie dahil ayokong magaya kayo sa akin, at ayokong kainisan niyo ang isa’t isa habang buhay.“Sana rin makalimutan mo na lahat ng nangyari dati at kilalanin niyo ulit ang isa’t isa bilang magkaibigan. Mahaba pa ang panahon niyo. May mga tao at bagay na hinding-hindi makakalimutan kasi nakatatak na ito sa puso mo. Pero, magpapatuloy pa rin dapat ang buhay.Kinuha ni Violet ang chess piece sa kamay niya at mahigpit na tinikom ang kaniya
Ngumiti si Jackie at sinabi, “Marami pa tayong oras.”Nagulat si Violet nang ilang sandali. Lalo na’t minsan niya lang makitang ngumiti si Jackie. Hindi naman sa hindi siya makangiti. Talagang minsan lang siya ngumiti sa harap ni Viole.Isinantabi ni Violet lahat ng mga iniisip niya. Inisip na lang niya na gusto pa siyang makilala ni Jackie bilang “kapatid” niya.“Ikaw bahala. Hindi ko naman siguro mababago ang isip mo. Inangat niya ang mukha niya para tingnan si Jackie. “At saka, hindi naman ako magsasabi ng kahit ano sayo tungkol sa akin.”Naglakad na siya at pumunta sa kaniyang kwarto.Tiningnan ni Jackie ang pag-alis niya at natawa.Nilabas ni Daisie ang ulo niya mula sa sulok. Nakatayo sila Colton at Waylon sa likod niya. Pareho silang nagulat at walang magawa sa pakikinig ni Daisie sa usapan ng iba.Sa ngayon, nakita siya ni Jackie.Nilapitan ni Jackie si Daisie at tinakpan ang tinitingnan niya. “Mukhang sobrang saya mo dyan.”Kinamot ni Daisie ang baba niya sa kahihiy
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa