โHindi ka dapat lagi nakipag-inuman sa mga kliyente mo. Kung hindi mo kayang iwasan, kontian mo lang iniinom mo. Napahinto ng ilang segundo si Ian at pabirong sinabi, โO pwede ka namang magpanggap na umiinom.โ Napahinto siya bago tumawa. โNagpanggap ka na ba na umiinom dati?โUmiiwas lang sa pag-inom ang pagpapanggap na umiinom, ang paglalagay ng alak sa ibang glass o itapon na lang ito pag hindi nakatingin ang mga tao. Posible iyon sa mga party kasama ang mga kaibigan pero hindi iyon advisable pag kasama ang mga kliyente. Iisipin nila na hindi ka seryoso pag nahuli ka nila, at baka hindi pa matupad ang deal. Natawa si Ian. โLalaki ako, kaya hindi ako mapapahamak kahit uminom ako nang marami.โNapahinto si Elaine. Nang nasa Beyond Tech siya, siya ang anak ng may-ari nang lumabas siya para uminom kasama ang ilang kliyente, kaya magalang sila sa kaniya.Pero, iba na ngayon dahil isa na lang siyang empleyado. Pinagsamantalahan ang mga babae dahil kailangan nilang uminom para sa k
Tuso si Mr. Saldana, at walang may gusto sa kaniya. Walang naglakas loob na kalabanin siya dahil kailangan nila si Mr. Saldana para kumita at mayroon siyang panira sa kanila.Pero kung gagamitin niya ang ganoon na paraan kay Nolan ay nagkakamali siya.Tiningnan ni Nolan si Kevin at sinabing, โMagandang lokasyon ang Hydra Lake sa Hewston. Dahil may alitan ka sa mga ibang tao dito, pwede mo isaalang-alang na tanggapin sila mismo, Mr. Washington.โNatahimik si Kevin.Natapos ang meeting niya pagtapos ng kalahating oras.Lumabas si Nolan sa restaurant at naghihintay sa kaniya si Quincy sa harap ng pinto.Pagkatapos pumasok ni Nolan sa sasakyan, tinanong niya, โKumusta ang sitwasyon ni Mr. Saldana?โโUmaatras sila sa business sa Hewston. Nagkaroon ng ilang milyon na kinita si Mr. Saldana dito at natatakot na pumasok sa gulo.โPagkatapos magsalita ni Quincy, tinanong niya, โMapagkakatiwalaan ba natin si Mr. Washington, Mr. Goldmann?โNiluwagan ni Nolan ang tie niya at sinabing, โHin
Sinara ni Ian ang pinto at sumagot, โNabuo sa interes?โ Iniling niya ang ulo niya at tiningnan si Elaine. โWalang permanente na interes sa mundo.โWalang sinabi si Elaine na kahit ano.Humarap siya para tingnan si Elaine at ngumiti. โGusto mo ba manatili at tulungan ako linisin ang kalat na ito, Ms. Xavier?โTiningnan ni Elaine ang kalat sa sahig pati na rin ang mga baso sa mesa na hindi pa nalilinis. Tumawa siya bigla at sinabing, โHindi ako makapaniwala na pinapatulong mo ang customer na maglinis ng shop mo, Mr. Saldana.โBumalik si Ian sa front desk at sumagot, โHindi kita customer ngayon at hindi ako ang boss.โSa madaling salita, mula ng magsara ang shop niya, hindi na siya โcustomerโ ni Ian ngayon.Lumapit si Elaine at tinulungan siya na linisin ang mga baso sa mesa. Kahit na may katulong sa bahay nila, hindi mahirap para sa kaniya ang maghugas ng baso o ano pa man.Tiningnan niya si Ian na naglilinis ng lababo at tinanong, โSino yung dalawang lalaki? At tinawag ka nila na
Nilapit ni Elaine ang payong kay Ian at sinabing, โBasa na ang balikat at braso mo.โNaningkit si Ian at sumagot, โAyos lang.โHabang nakaupo sa sasakyan, pinanood ni Elaine si Ian na pumunta sa driving side at pumasok sa sasakyan. โDapat hinintay mo ako sa restaurant kasi umuulan.โHindi niya maintindihan kung bakit aabot pa si Ian sa pagpunta dito para sunduin siya mismo.โAko ang may gustong ibili ka ng dinner,โ sagot niya habang nag aayos. โKaya kailangan ko magpakita ng sinseridad.โTiningnan siya ni Elaine pero walang sinabi.Pareho silang pumasok sa restaurant. Kahit ma hindi yun up-scaled restaurant, komportable at tahimik ang ambiance.Dinala sila ng waiter sa private room sa second floor at binigay ang menu kay Elaine habang nakangiti.Kinuha ni Elaine ang menu at tiningnan si Ian. โMay recommendation ka ba?โTiningnan niya si Elaine at tumawa. โDepende sa kung ano ang gusto mong kainin, Ms. Xavier.โNag order si Elaine ng mga dish sa paliwanag ng waiter.Pagkatapo
Nagulat si Elaine pagkatapos makinig sa kwento ng lalaki. Hindi niya inakala na naging undercover agent si Ian.Delikado nga na trabaho ang pagiging undercover agent. Kapag nahuli sila, malalagay sa panganib ang buhay nila. Nang una niyang makita si Ian, mahinahon siya at nagpapakita ng matalinong aura. Akala niya na ordinaryo lang siya na may-ari ng coffee shop hanggang sa nakita mismo ng mga mata niya kagabi na hindi nagdalawang isip si Ian na basagin ang ulo ng lalaki gamit ang bote.Tiningnan ng lalaki si Elaine at ngumiti. โSa totoo lang, akala ko talaga girlfriend ka ni Ian. Kung tutuusin, puro lalaki ang dinadala niya dito.โโWalang babae sa kanila?โโWala, pero naiintindihan ko kung bakit.โ Inangat ng lalami ang kamay niya at nagkibit-balikat. Pagkatapos ay nag-aalala niyang sinabi, โNoong undercover agent siya, nahihirapan siyang panatilihin na buhay ang sarili niya kaya hindi niya kayang madawit sa ibang tao. Kapag nahulog ang isang tao na katulad niya, katulad yun ng pag
Nagulat si Elaine. Inalog niya ang kaniyang ulo at tumingin sa malalim na mata ni Ian sa gulat.Huminga siya nang malalim at tinanong, โNiloloko mo ako, hindi ba, Mr. Saldana?โโMarriage of convenience? Sa kaniya? Isang lalaki na nakita ko lang ng ulang beses at wala pa sa kalahating buwan kong kilala?โNakatitig lang siya kay Elaine at kalmado ang boses na nagpatuloy. โIbibigay ko sa'yo ang kalayaan na gusto mo pagkatapos ng kasal natin. Magagawa mo ang lahat ng gusto mo.โNatahimik ng ilang sandali si Elaine. โKasunduan ba ang tinutukoy mo? Parang pekeng kasal?โYumuko si Ian at kahit na wala siyang sinabi, alam ni Elaine kung ano ang gusto niyang sabihin.โBakit ako?โ tanong ni Elaine.Binawi ni Ian ang titig niya at nag-iwas ng tingin para tingnan ang wine glass. โAyaw mong makulong sa kasal at ayaw ko na dinidiktahan ng ibang tao ang gagawin ko sa buhay. Kung ako ang papipiliin, sa tingin ko ay ikaw ang karapat-dapat, Ms. Xavier.โWalang sinabi na kahit ano si Elaine.Mar
Natigil ang kamay ni Edward na naglilipat ng sa dyaryo, at napakunot siya. โBakit tinatanong mo sa akin โto?โHabang ngumunguya si Elaine, prangka niyang tinanong, โKung ang tao na gusto kong pakasalan ay anak niya, anong gagawin mo?โNagulat si Edward at hinampas ang dyaryo sa mesa. โWala ka ba sa tamang pag iisip!?โNatakot si Jenna. Hindi niya masyadong naiintindihan ang tungkol sa industriya ng asawa niya kaya hindi siya nanggulo. Ganunpaman, bahagya siyang nagulat na nagkusa si Elaine na banggitin ang salitang โkasalโ.Alam ni Elaine na hindi gusto ng dad niya si Mr. Saldana kaya imposible ang kasal na ito. Pero iniisip niya ang mga salita ni Ian.โHindi ko talaga gustong ikasal. Kung si Dad ang mag aayos para ikasal ako sa lalaki na hindi ko pa nakikilala o ano pa man, baka mas mabuti na piliin ko si Ian kaysa sa ganoon.โโDad, sabi niya sa akin ibibigay niya ang 5% ng Synergy Group share kapag pinakasalan ko siya. Hindi ka ba interesado doon?โNaging bahagyang masigla ang
Bumalik siya sa reyalidad dahil sa boses ni Ian.Napakunot si Elaine, lumapit siya kay Ian at humalukipkip. โMr. Saldana, tiningnan ko ang sinseridad mo, pero nagsinungaling ka sa akin?โโNagsinungaling ako?โ natigil ang kamay ni Ian na nakahawak sa kwelyo para ayusin ang shirt niya at ang mata niya ay nakatutok sa mukha ni Elaine.Tiningnan siya ni Elaine. โSinabi sa akin ng dad ko na may isang anak lang si Mr. Juan Saldana at mentally ill siya. Kaya naman Mr. Saldana, balak mo ba akong pagmukhaing tanga?โMahinang tumawa si Ian at walang sinabi na kahit ano.โAno ang tinatawa mo?โ nagtaka si Elaine.Naglakad siya sa gilid at kalmadong nagsalin ng kape sa tasa. โHindi kita ginawang tanga.โโEh hindiโฆ Hindi ko naman nakikita na may sakit ka sa pag iisip,โ bulong niya.โAnong nangyayari dito?โKinuha ni Ian ang tasa ng kape, pumunta sa couch, umupo, tumawa, at kalmado na sinabing, โIsa nga lang ang anak ni Juan Saldana pero yun ang buhay na hindi niya nilalabas sa publiko.โTi
โDaisie.โ Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. โSobrang ganda mo ngayon.โโThank you,โ nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. โI propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.โ Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. โSa inyo rin ni Morrison.โ Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. โAng galing mo kanina.โTumawa si Daisie. โTalaga?โDagdag pa ni Nolan, โIkaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.โNgumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. โDad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.โ โMa-swerte ka talaga.โ Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. โDapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriageโpuno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrickโs Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. โAng pawis ng palad mo.โ Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, โKinakabahan ako.โ Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. โNandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.โ Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. โAng gwapo mo sa uniform na โto.โTumawa si Nollace. โAt sobrang gand
โSiya nga pala, nasaan si Cameron?โ Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, โKasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.โMatapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. โNagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.โ โNagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.โ Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. โHoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.โ Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. โMrs. Goldmann.โ Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. โTapos na ba kayo mag-usap?โ โSyempre. โDi ba gusto mo pumunta sa Hathawaysโ villa kasama si Dad ngayong tanghali?โ Ngumiti si Nolan. โHinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.โ Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. โPwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.โ โฆDalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, โGodfather!โ Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, โNolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.โ โTalaga?โ Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. โAko rin, excited na ako.โ โPwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, โdi ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.โ Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. โAlam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.โTumingin si Daisie sa kaniya. โAnong mga hiling mo?โ โMaging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.โNagulat si
โOo, totoo โyon,โ sagot ni Zephir. โParang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.โ Tinapik ni Naomi ang balikat niya. โHinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.โ Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. โฆHindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. โMommy! Daddy!โ Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. โMalaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.โ Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, โPero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.โ Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. โMukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.โ Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. โWhat a coincidence.โ โMas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,โ sabi ni Leah. โNalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.โHinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, โDapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.โ Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. โSiya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.โ โNakita ko na sila dati noong wedding niyo,โ sabi ni Morrison. โKaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.โโKailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,โ sabi ni Leah. โEngage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?โ Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, โEngaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, โ$10 para sa tatlong chance.โโ$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,โ sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, โAko na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.โ Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, โIbigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.โ Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, โBigyan mo po kani ng anim na hoops.โ Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, โA
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. โAnong problema? Hindi ka makatulog?โ โOoโฆโ diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, โGusto ko sana umihi kaso natatakot ako.โHinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, โSasamahan na lang kita.โ Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, โYou wait for me here.โLumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, โHintayin mo ako dito.โTumango si Nollace. โIsigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.โ Naglakad si Daisie pa