“Paano kung alam niya ang tungkol doon?” Tanong ni Jackie na ikinagulat naman ni Francisco.Tiningnan niya si Francisco at tumawa. “Sige sabihin mo sa kaniya. Wala akong pakialam.”Pagkatapos niyang magsalita, tinapik niya ang balikat ni Francisco at saka sinabi, “Pagkatapos ng lahat, kusa niya yung ginawa. Hindi ko siya pinilit.”Malamig ang tingin ni Francisco, at mahipit na nakakuyom ang mga kamao niya.”Hindi ko ‘to palalampasin.”Tumalikod siya, bumalik sa kotse niya at nagmaneho palayo. Pinanood ni Jackie ang pag-alis ng kotse at saka pumalatak ang dila.Mukhang hindi na makapagpigil pa si Francisco.‘Mukhang kailangan ko pa siyang itulak sa huling pagkakataon.’…Sa sumunod na hapon, nagpunta si Naomi sa restaurant, binook na ni Jackie ang buong restaurant at hinihintay siya nito.Naglakad siya papunta sa upuan sa tapat ni Jackie at naupo. At saka sinabi, “Hindi mo kailangan gumastos ng malaking pera, Mr. Clifford.”“Ayos lang. Ayaw ko ng naiistorbo,” Sabi ni Ja
Binuksan ni Naomi ang pinto, at nang makita niya ang lalaking nakatayo sa harapan niya, nagulat siya, at nablangko ang isip niya.Nang makita siya ni Francisco na nakasuot ng bathrobe at naalala kung sino ang tinatawag nito kanina, nagdilim ang mukha niya.Sa sandaling yun, bumalik na sa sarili si Naomi. “Mr. Boucher, anong ginagawa mo—”Bago pa niya matapos ang sasabihin, tinulak siya ni Francisco papasok sa kwarto. Sinara ang pinto at nang makita niya ang rose petals sa kama, tumalim ang tingin niya at ngumiti nang malamig. “Hinihintay mo ba si Jackie?”“Ano?” Tanong ni Naomi.“Honeymoon suite ‘to, at nag-shower ka pa,” Sabi ni Francisco, nagdidilim sa galit ang mukha niya. “Ibibigay mo ba ang sarili mo sa kaniya?”‘Honeymoon suite ‘to?’Nagulat si Naomi. Bago pa siya bumalik sa sarili, pinasandal na siya ni Francisco sa pader at hinalikan siya.Gumalaw ang mga pilikmata ni Naomi. Puno ng pagnanasa ang halik nito, at mas dominante ito kaysa sa huling beses siya nitong
‘Mukhang tapos na ang trabaho ko dito.’Nilapit ni Jackie ang baso sa tapat ng mga labi niya at sumimsim ng wine.Habang nakatingin sa walang lamang baso, hindi niya mapigilang tumawa. Mukhang naging isa siyang kupido. Bakit siya pumayag sa ganito kaboring na bagay? Parang hindi naman niya style ang magpareha ng mga couple.Bigla naman tumunog ang phone sa mesa niya. Tiningnan niya ang incoming call at kumunot ang noo bago yun sagutin. “Lolo.”Malakas na narinig ang boses ni Thomas sa kabilang linya. “Ikaw bata ka, bibigyan kita ng dalawang araw para bumalik dito.”Napahawak si Jackie sa noo niya. Mukhang nalaman ng lolo niya ang tungkol sa fake engagement.…Nagising si Naomi sa mga braso ni Francisco. Pakiramdam niya ay nananaginip siya nang pagmasdan niya ang mukhang nasa tabi niya.Dahan-dahan, lumapit siya at magaang hinalikan ang mga labi nitl. Bigla naman inunat ni Francisco ang braso at niyakap siya na ikinagulat naman niya.Nahuli siyang hinahalikan niya ito, namula
Bumaba ang tingin ni Naomi. Nagulat siya ng malaman ang tungkol sa engagement ni Naomi at Jackie. Sabagay, hindi matagal na magkakilala ang mga bata kaya nag-aalala siya tungkol sa pagpapakasal agad bukod pa sa kakahiwalay lang ni Francisco kay Naomi.Dahil nag-alala siya at ayaw hayaan na lang yun, kinausap niya si Nolan. Kung tutuusin, may koneksyon si Nolan sa mga Clifford.Nalaman niya rin ang katotohanan mula kay Nolan na peke na engagement lang ang mayroon si Jackie sa anak niya. Nagkaroon na ng marriage agreement noon si Jackie bago niya makilala si Naomi, at anak ng hari ng mga casino naman yun. Kasal yun na kinilala ng parehong pamilya.Ang peke na engagement ni Jackie kay Naomi ay para i-test ang gagawin ni Francisco. Kahit na bahagyang nagalit si Anthony nang malaman niya ang totoo, mas maganda ang balita na yun kaysa lapitan ni Jackie ang anak niya para lokohin.“Dad.” Umupo si Naomi sa tabi niya at pinulupot ang braso niya sa braso ni Anthony. “Totoong mahal ako ni
Nakatayo si Maisie sa balkonahe at may kinakausap sa phone. Nang matapos ang tawag, may jacket na sinabit sa likod niya.Tiningnan niya ang lalaki na niyakap siya patalikod. “Bakit ang aga mo umuwi?”Tumawa si Nolan. “Wala naman mahalagang gagawin ngayon sa kumpanya, kaya umuwi ako agad.”Tiningnan siya ni Maisie. “Nagkabalikan na si Francisco at Naomi. Mukhang epektibo ang peke na engagement.”“Ikaw lang ang bukod tangi na nakaisip na makakaisip na humingi ng tulong kay Jackie.” Minasahe ni Nolan ang ilong ni Maisie at naningkit ang mata niya. “Pero base sa ugali niya, hindi siya tutulong nang walang kapalit. Kaya paano mo siya napapayag sa gusto mo?”Ngumisi si Maisie, tumingkayad, at pinulupot ang kaniyang braso sa leeg ni Nolan. “Dahil yun sa'yo.”Napakunot si Nolan. “Dahil sa akin?”“Pinsan mo siya kaya bakit hindi ka nagpapakita ng paggalang? Hindi niya mapapanatili ang negosyo niya sa Bassburgh kung hindi siya papayag na tumulong, hindi ba?” Tumawa si Maisie.Walang nag
Lumapit si Francisco sa kaniya at inabot ni Anthony ang anak niya kay Francisco. Tiningnan ni Naomi si Francisco at tumayo sa harap ng master ng ceremony.Tumingin kay Naomi ang master ng ceremony. “Ms. Naomi Topaz, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong asawa, na magsama sa matrimony, mahalin siya, samahan siya, damayan siya, at manatili sa kaniya sa hirap at ginhawa, habang nabubuhay kayo?”Tumingin si Naomi kay Francisco at nakangiting sinabi, “I do.”Pagkatapos ay tumingin kay Francisco ang master ng ceremony. “Mr. Francisco Boucher, tinatanggap mo ba ang babaeng ito bilang iyong asawa, na magsama sa matrimony, mahalin siya, samahan siya, damayan siya, at manatili sa kaniya sa hirap at ginhawa, habang nabubuhay kayo?”Hindi nagdalawang isip si Francisco. “I do.”Mahina niyang inangat ang veil ni Naomi, hinalikan siya sa pisngi at pareho silang nagpalitan ng singsing kasabay ang palakpakan ng mga tao.Ngumiti ang master ng ceremony at sinabi, “Ganap na kayong mag-asa
“Ma’am, ako ito.”Lumaki ang ngiti sa mukha ni Maisie nang marinig ang boses sa kabilang linya. “Saydie?”Pumunta si Saydie sa Morwich halos kalahating buwan na, sinabi niya na nahanap na niya ang kaniyang totoong magulang. Pero, wala siyang narinig kay Saydie nang matagal. Nakatanggap din siya ng tawag mula kay Saydie pagkatapos ng matagal na panahon, sa sobrang tagal naisip niya na nakalimutan na siya ni Saydie.“Pasensya na, Ma’am. Natagalan ako bago kita matawagan.”“Wala yun basta ligtas ka.” Sumandal si Maisie sa pader. “Kumusta ka ngayon sa Morwich?”“Ayos lang ako, huwag ka mag-alala. At babalik na rin ako.”Nagulat si Maisie. “Saan ka babalik?”Sandaling natahimik si Saydie at sinabing, “Nakita ko na ang mga magulang ko pero… hindi naging maganda ang buhay katulad ng inaakala ko. Kaya nag desisyon ako na bumalik sa'yo.”Hind nagsalita si Maisie. Naririnig niya na naguguluhan si Saydie.‘Matagal niyang hinihintay na makita kung nasaan ang totoo niyang magulang. Kung tu
“Gusto niyang malaman kung handa na ang katawan niya para mabuntis.” Nagtaka rin ang nurse. “Mukhang gusto talaga niya na magbuntis pero mahihirapan siya dahil sa malala niyang anemia at inflammation.”Mahigpit na nakatikom ang bibig ni Maisie.‘Sinasabi ng nurse na laging may pasa si Pearl sa palapulsuhan niya at iniisip niya na inaabuso si Pearl pero hindi siya makapaghintay na mabuntis…’May pakiramdam si Maisie na hindi lang ito ganoon kasimple pero walang kinalaman ang bagay na ito sa kaniya at ayaw niya na idawit ang sarili niya sa problema na ito.Hindi niya mapigilan na alalahanin ang lahat.‘Dati matapang at mapagmataas na babae si Pearl. Anak siya ng La Perla Group at talagang inaalagaan at sunod sa layaw. Isa siyang mataas na taong tinitingala ng mga tao na nakapaligid sa kaniya.‘Bukod sa pagiging arogante at mapagkumbaba, simple-minded lang din siya. Kung hindi, hindi siya mauutakan na Willow para i-frame ako.‘Sabagay, ang nangyayari sa kaniya ngayon ay dapat lang
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa