Lumapit si Maisie at nilagay ang kamay niya sa balikat ni Ryleigh. “Huwag ka mag-alala kay Naomi. Wala namang gagawin sa kaniya si Francisco.”“Zee, ang weird niyo ni Barbara ngayong araw.” Nilayo niya ang kamay ni Maisie nang may napagtanto siya. “Bakit parang may nalalaman kayong hindi ko alam?”Umubo si Louis. “Hindi mo lang kasi iniisip nang maayos.”Inapakan ni Ryleigh ang paa niya at napigilan sa paghinga si Louis. Kailangan niya yun tiisin kasi misis niya si Ryleigh.Niyakap ni Nolan si Maisie sa balikat. “Tama na, gumagabi na. Dapat magpahinga na tayo. Babalik na lang sila bukas ng umaga.”Bumalik na silang dalawa sa tent nila, at sumunod sila Barbara at Helios.Humawak si Ryleigh kay Louis. “Sabihin mo sa akin anong nangyayari.” Niyakap siya ni Louis. “Little lady, sasabihin ko sayo pag nasa tent na tayo.”Napakunot ng noo si Ryleigh. “Huwag kang magsinungaling sa akin.” Hindi napigilang sabihin ni Louis, “Hindi ko yun gagawin.”Mas nagdilim ang gabi, at nakasilip
‘Itong taong na naman.’Tiningnan siya ni Naomi. “Kailangan ko ba ng rason?”Ngumiti si Francisco. “Kilala mo ba talaga ako? Paano ka humanga sa akin kung hindi mo naman ako kilala? Hindi ka ba natatakot na baka masama akong tao?”Yumuko si Naomi at mabagal na sinabing, “Alam ko na hindi ka ganoon.”Hinaplos ni Francisco ang labi niya gamit ang kaniyang daliri. “Paano ka naman nakarating sa konklusyon na iyan? Pakiramdam mo ba ay ligtas ka kapag kasama mo ako?”Kumunot si Naomi at bahagyang nagtataka.“Napaka inosente mo.” Tinitigan siya ni Francisco. “Hindi ka masyadong maingat sa lalaki. Kung ibang lalaki yun, sa tingin mo ba ligtas ka sa lalaki?”Nakatikom ang labi ni Naomi. “Pero hindi ka sila.”“Hindi nga pero dahil lang yun sa pinipigilan ko ang sarili ko.” Bumitaw siya at umupo habang nakatalikod kay Naomi. “Kailangan mong mag ingat sa lalaki.”Tumayo siya at lumapit sa apoy na papunta na sa kaniyang jacket at sinuot yun pagkatapos ay tumingin siya sa langit. “May araw
“Oo.” Ngumiti si Naomi at tumango bago umupo sa kaharap na upuan ni Mr. Roswald.Tiningnan niya si Naomi at ngumiti. “Nakakagulat. Hindi ko inakala na… elegante ka, Ms. Xavier. Akala ko…”“Akala mo ano?”Tumawa si Mr. Roswald at nagpatuloy. “Kung tutuusin, hindi ka katulad ng sinabi mom mo.”Tumango si Naomi. May sumagi sa isip ni Mr. Roswald at kinuha ang menu. “May gusto ka bang kainin? Mag order ka lang ng gusto mo.”Bahagya siyang nagulat bago nakangiting sumagot. “Hindi, salamat na lang. Kumain na ako. Pumunta lang ako dito kasi sinabi mo na gusto mo akong makita.”“Ganoon ba. Gusto mo ba ng maiinom?” Tanong ulit ni Mr. Roswald.Dahil hindi makatanggi si Naomi, nag order siya ng kape.Habang kumakain si Mr. Roswald, tinanong niya si Naomi tungkol sa trabaho niya. Dahil nagtatrabaho si Naomi sa Soul, pamilyar siya doon. Pagkatapos niyang magsalita, mukhang nagustuhan siya ni Mr. Roswald habang sinasabi na, “Talagang nabigla ako na seryoso ka sa trabaho mo? May plano ka ba p
Nilapit ni Mr. Roswald ang kamay niya at hinaplos ang likod ng kamay ni Naomi.Nagulat si Naomi at napakunot habang nagpapatuloy si Mr. Roswald. “Sigurado ako na mangyayari din yun. Kailangan ko ng disente at matalinong misis tulad mo, Ms. Xavier.”Biglang hinila ni Naomi ang kaniyang kamay at sinabing, “Pasensya na pero may iba na akong nagugustuhan.”Nagbago ang ekspresyon ni Mr. Roswald, at hinila niya palayo ang kamay ni Naomi. “May nagugustuhan ka ng lalaki? Ano naman? May relasyon ba kayo? Kasal ba kayo? Kung alam ng magulang mo ang relasyon niyo, papayag ba sila?”Nagulat si Naomi. Sinubukan niyang hilahin ang kamay niya sa pagkakahawak ni Mr. Roswald pero hindi yun nangyari. Nagdilim ang mukha niya habang nagbabanta na, “Mr. Roswald, bitawan mo ang kamay ko.”“Ms. Xavier, gusto talaga kita. Gusto kita mula ng una kitang makita.” Hinila ni Mr. Roswald ang kamay niya at hinalikan dahilan para magtaasan ang balahibo sa kaniyang balat.Nandiri si Naomi at hinila ang kamay niy
Sandaling nagulat si Naomi. Nanginginig ang pilikmata niya habang sinasabi na, “Wala rin akong ideya. Hindi ko alam kung ano ang relasyon natin ngayon. At saka hindi mo sineseryoso ang relasyon natin, hindi ba?”“Kahit na hindi pa ako nagkaroon ng relasyon noon alam ko na ang halik sa pagitan ng lalaki at babae ang nagpapakita ng paglalim ng relasyon. Pero wala tayo sa ganoong relasyon. Baka para sa'yo, hindi tayo ganoon.”Hindi alam ni Francisco kung tatawa ba siya o magagalit ngayon. Diretso lang siyang nakatayo sa harap ni Naomi at tinanong, “Sa tingin mo ba laro lang para sa akin ang mayroon tayo”“May pagkakaiba ba?” Namula ang mata ni Naomi na parang rabbit na kinakawawa.“Oo, mayroon.” Nilagay ni Francisco ang kamay niya sa pader sa gilid ni Naomi habang lumalapit siya. “Kung laro sa akin ‘to, hindi kita hahalikan. Makikipag-s*x lang ako sa'yo.Natakot si Naomi at na-estatwa siya sa pwesto niya. Diretso ang tingin niya kay Francisco habang palapit sa kaniya. Isang mala demo
Nang hindi sumagot ai Naomi, lumingon si Francisco sa kaniya. “Ayaw mong makipag-date sa akin?”“Syempre gusto kong makipag-date sa'yo…” Napatigil si Naomi at tinanong, “Tayo na ba?”Humigpit ang hawak ni Francisco at hinila si Naomi palapit sa kaniya. “Talaga? Ayan yung tanong mo para sa akin? Mas ignorante ka pa sa inaakala ko.”Tiningnan siya ni Naomi at may ngiti sa kaniyang mukha.Kinabukasan, sa Soul…“Salamat kahapon, Naomi. Sinabi sa akin ni mom na tumawag sa kaniya yung lalaki at sinabi na hindi kami para sa isa't isa. Humingi pa siya ng tawad sa mom ko at nagulat siya.” Nagpapasalamat na sinabi ni Lucy.“Ayos lang. Ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo.” Nakangiting sagot ni Naomim“Pasalamatan ako?” Naguluhan si Lucy. “Bakit mo ako pinasasalamatan?”Yumuko si Naomi. Kakaiba ang pakiramdam niya mula kahapon.Habang tinitingnan ang ngiti sa mukha ni Naomi, sinabi ni Lucy, “Tingnan mo at nakangiti ka na parang pusang Cheshire. Hindi naman in love, ano?”Namula sa kahi
Nakatikom ang labi ni Naomi.Tiningnan ni Anthony ang box ng snack sa kamay ni Naomi at malalim na napakunot. “Nelly, si Francisco… ba yun?”Tumigil sa pagtibok ang puso ni Naomi, ar kinabahan siya. Pero, hindi niya sinubukan na itago yun sa dad niya at inamin lahat. “Oo. Pasensya na, Dad. Dapat sinabi ko agad sa inyo.”“Kailan pa nagsimula?”“Kahapon…”“Hindi yun ang tinatanong ko. Gusto ko malaman kung kailan pa kayo nagkikita.” Napakunot si Anthony.“Isang buwan na ang nakalipas…” sumagot siya. “Naomi, sinabi mo sa akin na hindi ka makikigulo sa relasyon ko. Gusto ko talaga siya.”Huminga ng malalim si Anthony at seryoso na sinabing, “Oo, sinabi ko sa'yo noon na hindi ako makikialam sa relasyon mo, pero depende kung sino ang karelasyon mo. Nelly, hindi bagay sa'yo si Francisco.”“Dad, alam ko hindi maganda ang reputasyon niya pero wala akong pakialam sa paat niya.” Sumagot si Naomi. Ito ang unang pagkakataon na hindi siya sumunod sa dad niya.Nang mapagtanto ni Anthony kung
Kumuha ng mangkok si Nolan, naglagay ng soup at malakas na tumawa. “Hindi na kita aasahan na magluto. Ikaw na ang kikita ng pera at magpapakain sa akin.”Kinuha ni Maisie ang mangkok ng soup at tumawa. “Ang mahal magpakain ng CEO.”May sasabihin na sana si Nolan nang tumunog ang phone niya. Naningkit ang mata niya at sinagot ang tawag nang makita niya ang caller ID. “Anong problema?”May sinabi sa kaniya ang nasa kabilang linya at mahinang hum ang naging sagot niya. “Pupunta ako diyan ngayong gabi.”Nang matapos ang tawag, tiningnan siya ni Maisie. “Anong problema?”Bahagyang ngumisi si Nolan. “May gathering ngayong gabi, at nandon yung classmate mo.”Alam ni Maisie kung sino ang tinutukoy niya at pinatunog ang kaniyang dila. “Classmate ko? Hindi ba’t pinsan mo din yun?”Mas namangha si Nolan. “Pinsan mo rin yun.”Nang lumalim ang gabi, napuno ng ilaw ang siyudad. Napuno ang VIP Room #1 ng hotel restaurant ng mga kilalang tao. Habang pinapalawak ng mga Clifford ang kani
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa