Kinawayan sila ni Ryleigh at lumapit kay Louis nang makaalis na ang mga estudyante. “Hinihintay mo ba ako?”Tiningnan siya ni Louis. “Sino pa ba ang hihintayin ko?” Tinaas niya ang kamay at nilaro ang ponytal ni Ryleigh. Malawak ang ngiti ni Ryleigh. “Mukhang maganda ang kinalabasan ng performance.”Tumalikod si Ryleigh at halatang proud. “Wala akong hindi kayang gawin.”Pinisil ni Louis ang pisngi niya at tumawa. “Anong gusto mo para sa dinner?”Kumapit si Ryleigh sa braso niya. “Gusto ko ng roasted chicken, lemon duck, roasted beef, at—-”“Bakit puro karne?”“Gusto kong kumain ng karne!” Nakakatakot ang ekspresyon niya.Tiningnan siya ni Louis at napatingin sa tiyan niya. “Oh, sa tingin mo ba—”Sumagot si Ryleigh. “Ano?”Nakangiting hinawakan ni Louis ang tiyan ni Ryleigh. “Ano sa tingin mo?”Tinabig ni Ryleigh ang kamay niya. “Imposible!”Tumawa si Louis at niyakap ang misis. “Buntis na si Barbara ngayon, kaya hindi tayo pwedeng magpahuli, tama?”Nabulunan si Ryleigh at
Tinitigan siya ni Mindy.Nakasuot ng sportswear si Xyla at mukhang nagpapraktis ng dance moves. Puro pawis ang kaniyang leeg, at naka-high ponytail siya gamit ang isang bandana, tumutulo ang pawis sa gilid ng kaniyang mga kilay.“Anong nangyayari?” Nagtatakang tiningnan ni Xyla si Mindy na nakatayo sa pinto, at biglang natigilan dahil sa lalaking nasa tabi ni Mindy.Hinarang ang pinto. Tiningnan ni Xyla si Mindy na yumuko at sinabing, “Pasensya na Xy, m…mag-ingat ka.”Tumakas na siya!Bago pa makapagsalita si Xyla, tinulak na siya ni Yorrick papunta sa loob at sinara ang pinto.“Yorrick, bahay ko ‘to. Baka i-report kita ng trespassing!” Tinulak siya ni Xyla, at napaatras siya. Hindi naman inaasahan ni Xyla na hihilaain siya nito, iikot at isasandal siya sa pinto. “Gawin mo.”Nilapat niya ang daliri sa mga labi ni Xyla at ngumiti. “Gusto rin kita i-report.”Napalunok si Xyla. “Para saan?”Lumapit si Yorrick. “Hindi ako binayaran ni Ms. Mayweather para sa s*x.” Pinisil niya ang
Malanding sumandal si Xyla. Hindi pa nakikita ni Yorrick ang ganitong side ni Xyla noon. Pagkatapos, narinig niyang sinabi nito, “Kung magiging girlfriend mo ako, mag-isa lang ba ako? O kailangan kong makipaglaban sa ibang babae at hintayin ka na ipatawag ako na parang emperador noong unang panahon?”Nilapat ni Yorrick ang dila niya sa likod ng kaniyang ngipin at tumawa. “Gusto mong ikaw lang mag-isa?”Pumalatak ang dila ni Xyla at hinawakan ang buhok niyang nakalugay. “Ayaw kong may kahati sa pagmamay-ari ko.”Inulit ni Yorrick ang tanong, “Gusto mo bang gawin?”Iniwas ni Xyla ang mukha. “Hindi, ayaw ko.”Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mukha ni Yorrick. Pinagmasdan niya si Xyla bago tumayo. Niluwagan niya ang kaniyang kurbata at nagtanong ulit, “Sigurado ka ba diyan?”“Oo, sigurado ako doon. Pareho pa rin ang sagot ko kahit ilang beses mo akong tanungin,” Mariin na sagot ni Xyla.“Sige.” Malalim niyang tiningnan si Xyla at sinabing, “Hahanapin mo rin ako.”Pagkatapos nito, b
“Salamat!” Masayang sumagot ang babae.Sinundan ni Naomi ang babae. Nang tumalikod ang babae, mayroon siyang nakitang lamig sa mga mata nito.Pagkalipas ng kalahating oras, nakakuha na rin ng kape si Ryleigh. Pero nang bumalik siya, hindi na niya makita si Naomi.Nagpalinga-linga siya, at binaba ang kaniyang kape. Nilabas niya ang kaniyang phone at tinawagan si Naomi.Gayunpaman, hindi sumasagot si Naomi. Tumawag siya ulit, at sa pagkakataong ito, makikitang nakapatay na ang phone.Tiningnan ni Ryleigh ang phone niya at napaisip. Nagtataka siya kung bakit papatayin ni Naomi ang phone niya.‘Imposibleng aalis na lang si Naomi nang hindi ako sinasabihan. Mayroon bang nangyari sa kaniya?’Nang sumagi yun sa isip niya, kinuha niya ang kape at hinanap si Naomi.Tumakbo si Ryleigh mula sa level two ng restroom hanggang level three, pero hindi niya pa rin mahanap si Naomi. Sinubukan niyang tumawag nang ilang beses, pero nakapatay pa rin ang phone nito.Mas lalo siyang natataranta hab
Sinampal siya ng lalaki sa mukha para patigilin siya sa pagpupumiglas. “Tumigil ka na sa pag-iyak. Hindi ka masisiyahan kapag hindi mo binigay sa akin ang gusto ko!”“Please, nagmamakaawa ako…Pakawalan niyo ako… Kaya kong…magbigay ng pera.” Hikbi ni Naomi. Nanginginig ang boses niya, malamig na ang kaniyang buong katawan at namumutla ang kaniyang mukha.“Kaya mo kaming bigyan ng pera?” Dinilaan ng lalaki ang mga labi niya. “Magkano ang kaya mong ibigay sa amin?”Nanginginig ang buong katawan ni Naomi, tumutulo din ang luha sa kaniyang mga mata. “Magkano ang gusto niyo?”Tumawa ang lalaki habang sumasagot, “Hindi namin kailangan ng pera ngayon. Gusto lang namin…magpakasaya sa iyo.”“Huwag! Lumayo kayo sa akin!” Iniwas ni Naomi ang mukha at umiyak.Kasabay nito, pumasok naman ang naka-mask na babae dala ang isang camera. Nakasunod sa kaniya si Jodie. “Kumalma kayo, guys. Hindi pa ba kayo nakakakita ng babae dati? Hindi pa tapos ang preparations ko.”“Huh? Magla-live streaming ba t
Tinulak ni Chenney si Naomi sa sahig. “Ano pang hinihintay niyo? Gawin niyo na ang gusto niyang gawin sa babaeng ‘to. Ire-record ko ang lahat.”Umiling si Naomi sa pagkataranta. Nang makita niya ang pagsugod ng mga lalaki sa kaniya, sumigaw siya at nagpumiglas.Tumawa nang malakas si Chenney habang si Jodie naman ay namumutla ang mukhang pinanood ang eksena sa harapan niya. Ngayon lang niya napagtanto na isang katakot-takot na babae ang nakatrabaho niya.Isang grupo naman ng mga lalaking nakaitim ang biglang pumasok sa pinto. Nang magsasalita na sana si Chenney, sinipa siya ng isang lalaking nakaitim at natumba siya sa sahig.Bago pa maintindihan ng grupo ng mga lalaki ang nangyayari, lahat sila ay napatumba na sa sahig. Samantala, sinamantala naman ni Jodie ang pagkakataon at tumakas.“Naomi!” Tumakbo si Ryleigh papasok sa loob, at nagulat siya sa magulong sitwasyon ni Naomi. Mabilis siyang lumapit para yakapin ito habang ang isang lalaking nakaitim ay hinubad ang kaniyang jacket
Sa huli ay pinadala si Chenney sa isang enclosed psychiatric hospital sa labas ng siyudad.Paglipas ng tatlong araw ay nakalabas na ng ospital si Naomi. Habang tinutulungan siya ni Anthony na asikasuhin ang discharge procedure, hinintay niya ang ama sa bench ng corridor.Lumingon siya at nakita ang isang matandang lalaki na mahuhulog na sa kaniyang wheelchair. Gayunpaman, hindi yun napansin ng nurse na nasa likod niya. Nang tatayo na sana siya para tulungang makatayo ang matanda, isang lalaki ang mas mabilis na nakalapit at tinulungan ang matanda na makabalik sa wheelchair.Hinawakan ng matanda ang kamay ng lalaki at sinabing, “Maraming salamat, hijo.”“Walang anuman,” Nakangiting sagot ng lalaki.Tinapik niya ang nurse sa likod ng matanda at mayroong sinabi. Humingi ng paumanhin ang nurse sa matandang lalaki at tinulak na ang wheelchair nito. Pagkatapos nito, pumasok na ang lalaki sa elevator.“Naomi, umuwi na tayo,” Tawag ni Anthony kay Naomi.Tumalikod si Naomi, at isang ngit
Doon lang kumilos ang bodyguard at tinitigan ang babae. “Pasensya na, miss. Ihahatid na namin kayo.”Nagbago-bago ang ekspresyon sa mukha ng babae.‘Nagkaroon na ako ng pagkakataon na makalapit sa isang binata at napakayamang lalaki galing sa Yaramoor, pero ngayon ay pinapabalik na ako nang hindi man lang siya nakakasama?”‘At ang babaeng yun, sino siya?’Naglakad si Xyla papunta sa parking lot at bubuksan na sana ang pinto ng kotse nang biglang isang tao ang humila sa kaniya. Napasandal siya sa pinto ng kotse niya at bago pa siya makakilos, naselyuhan na agad ang mga labi niya.Nagpumiglas siya dahil halos hindi na siya makahinga sa halik nito. Nang umalis sa katawan niya ang kamay nito, agad na bumigay ang butones ng kaniyang damit.Bumalik siya sa sarili dahil sa dampi ng hangin sa kaniyang dibdib. “Nababaliw ka na ba, Yorrick—-“Pinisil ni Yorrick ang baba niya at sinelyuhan ulit ang mga labi niya.“Nagbago ang ekspresyon ni Xyla nang marinig niya ang tunog ng mga papa
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa