PUMITLAG si Elise nang hawakan siya ni Terrence sa kanang kamay. Napatitig siya rito. “Are you okay?” tanong nito sa malamyos na tinig. “Uh…. i-ikaw na lang ang pumasok. Maghihintay na lang ako rito,” sabi niya. “Mainit na rito. Come on,” pilit nito. Pumasok na sa bahay ang babae at iniwang bukas ang main door. Nawawala siya sa wisyo dahil sa bugso ng damdamin. “Dito na lang ako,” giit niya. “Please, don’t show you’re weak and affected, Elise. It’s the perfect time to talk to Thrasius,” bulong nito sa kaniya. Humapit ang kamay ni Terrence sa kaniyang baywang. Ang init ng palad nito ay nagbigay ng kakaibang enerhiya sa kaniya. Naudyok siya nitong sumama rito sa loob ng bahay. “Gising na si Thrasius. Pakihintay na lang,” sabi ng babe. “What do you like to drink, guys? What about breakfast?” “Drinks na lang, kahit ano, please,” tugon ni Terrence. Umupo na sila sa sofa. Ayaw na paawat ng puso ni Elise sa pagwawala dahil sa kirot na sumisigid. Gusto na niyang umiyak ngunit mulin
HINDI nakahuma si Elise nang gupuin siya ng nakaliliyong sensasyon sa kaibuturan. Dahil iyon sa pangahas na halik ni Terrence, at halos ayaw pakawalan ang kaniyang mga labi. Ang higpit ng hapit ng kamay nito sa kaniyang batok ngunit ramdam niya ang panginginig nito.Awtomatikong natigil ang kaniyang pagluha at naglaho pansamantala ang kirot sa kaniyang puso. Makapangyarihan ang halik ni Terrence, tila tamang lunas sa kaniyang pasakit. Mariin siyang pumikit at tumugon sa halik ni Terrence. Inalipin na siya ng maalab na pagn*n*sa lalo nang dumapo ang isang kamay ni Terrence sa kaniyang dibdib.“Sh*t! Not here,” usal nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi.Nadarang na siya sa tukso at natatakot siyang mawala ng tensiyon sa kaniyang pagkab*b*e baka bumalik ang sakit sa kaniyang puso.“T-Terrence, take me, please,” nahihibang niyang hiling sa binata.“As you wish, baby.” Mabilis na lumipat sa tabi niya si Terrence.Binuhat siya nito at naipangko sa kandungan nito. Maikling palda lang a
SAGLIT lang binilad ni Terrence ang mga damit sa araw dahil tuyo naman na ang mga ito. Gusto lang niyang mainitan ito para mas mabango. Natapos din silang naglaba at kaagad naligo sa swimming pool si Elise kahit may araw pa. Tumambay siya sa umbrella hut at doon sinagot ang tawag ni Tristan. Hindi maalis ang tingin niya kay Elise na lumalangoy, hindi man lang naghubad ng damit. “Elise, baka kukupas ang pulang damit mo! Hubarin mo!” sigaw niya. “Hindi ito kukupas!” sagot naman nito. “Tsk!” “Terrence,” ani Tristan buhat sa kabilang linya. Bihira siya nitong tawagan, madalas ay siya ang tumatawag. “What’s the matter?” tanong niya naman. “I’m waiting for Thrasius to call, but he didn’t do it. What happened? Are you two talked already?” “Uh, yes, kanina. Nabigay ko na sa kaniya ang flash drive na pinabigay ni Damaon. You should meet him to see the files from the flash drive. Dad saved the details about the company for you to access the documents. Bago kayo pumuntang Spain, planuhi
BAGO nagpunta sa bahay nila Seth ay nakaluto na ng egg pie si Elise. Pinalamig na niya ito at inilipat sa paper plate. Ito lang ang ambag nila sa dinner. Hindi naman sila lalabas ng poultry kaya nagsuot lamang siya ng pink na blouse at itim na leggings. Medyo malayo ang bahay ni Seth kaya sumakay pa rin sila ng kotse. “Hindi ako nakarating sa property ni Seth noong naglibot ako,” sabi niya. Lulan na sila ng kotse ni Terrence. “Binakuran kasi ni Seth ang property niya pero dadaan pa rin siya sa main road ng poultry. Bale hati kami sa right of way,” ani Terrence. Nakapasok na sila sa property ni Seth at medyo malayo ang mismong bahay sa main gate. Nadaanan nila ang maraming puno ng mangga at kasoy. May sampung minuto lang namana ng itikakbo ng kotse at narating nila ang dalawang palapag na bahay ni Seth. “Ang ganda pala rito!” nagagalak niyang wika. “Yes. Dati kasing family house nila Mommy ang bahay ni Seth, pina-renovate lang.” “Talaga? So, mas maraming memories rito ang mommy m
TATLONG araw na palaging nasa labas si Terrence kaya malayang kumilos sa opisina si Elise. Hinahati niya ang oras, sa hapon ay nasa warehouse siya. Hindi naman masyadong marami ang paperwork kaya pumayag si Terrence na maglagi siya sa warehouse. Biyernes ng gabi ay mag-isang naghapunan ang dalaga. Hinintay pa niya si Terrence hanggang alas-otso kaso hindi dumating. Maaga pa siya sa orphanage kinabukasan kaya natulog siya isang oras pagkatapos ng hapunan. Kaso alas-kuwatro ng umaga ay gising na siya. Hirap na siyang makatulog ulit kaya lumabas siya ng kuwarto. Hindi niya namalayan kung anong oras nakauwi si Terrence. Naroon na sa garahe ang kotse nito. Iniwan niya’ng hindi naka-lock ang main door baka kasi hindi nagdala ng susi si Terrence. Nang tingnan niya ang pinto, hindi pa rin ito naka-lock. Wala ang sapatos ni Terrence sa shoerock, iyong ginamit nitong umalis. Inisip niya baka hindi ito naghubad ng sapatos at diretso na sa kuwarto. Pero imposible. Palagi itong naghuhubad ng sa
NAGISING na si Terrence nang balikan ni Elise. Naghain na siya ng lugaw sa bowl at dinala rito kasama ng isang bagong tubig. Inilapag niya ang pagkain sa mesita. “Ano’ng nangyari sa ‘yo?” tanong niya sa binata. “Wala ‘to,” paos nitong tugon. Nanatili lang itong nakahiga, tila hirap kumilos. “Anong wala? Marami kang pasa. Nadisgrasya ka ba?” balisang usisa niya. Nagpumilit umupo si Terrence kahit dumada*ng. “Don’t mind me. May nakaaway lang ako sa bar na lasing. Napagtripan ako,” sabi nito. Nakontento siya sa sinabi nito, obvious naman kasi na napaaway ito. “Nalasing ka rin, eh. Mag-isa ka lang bang pumunta sa bar?” usisa niya. “No, may kasama akong kaibigan pero naiwan ako.” Duma*ng na naman ito nang maigalaw ang mga kamay. “Huwag mo munang piliting kumilos. Kumain ka muna nang makainom ka ng gamot. Kung may kilala kang doktor, baka puwedeng tawagan mo. Baka mamaya may pilay ka na.” “I can’t move,” angal nito. “Kaya nga huwag kang kumilos.” “How can I eat then?” Tumitig ito
TERRENCE gripped the spoon tightly as his emotions got intense. Elise’s reaction toward Thrasius being hospitalized proved that she still cares for him. Hindi nito matiis si Thrasius. He doesn’t have a choice but to tell Elise the truth. “Sorry I lied,” he said huskily. “B-Bakit? Huwag mo sabihing si Thrasius ay--” “Siya ang nakaaway ko,” walang abog niyang tugon. Shocked na napatitig sa kaniya si Elise. “Paanong….” “Inunahan niya ako, so I have to deal with him,” agap niya. Itinabi niya sa mesita ang pagkain at nawalan na siya ng gana. “Nagkita kami kahapon sa rest house. I ignored him, but he started an argument.” “Dahil ba sa akin?” “As usual.” Biglang napaupo si Elise at tulala. Naiinis siya sa reaksiyon nito. “Don’t tell me you’re still care for Thrasius? Makuntento ka na sa pananakit niya sa puso mo, Elise. Nagalit ako kasi iginiit pa rin ni Thrasius na wala siyang intensiyong saktan ka. And don’t dare give your sympathy to him!” gigil niyang wika. “Hindi mo naintindih
HINDI pumayag si Elise na tulungan siya ni Terrence sa pagluluto ng hapunan. Maagang dumating sina Seth at Ashley kaya may katuwang siya sa pagluluto. Late nang nalaman ng mga-asawa na na-ospital si Terrence dahil umalis ang mga ito at nagpuntang Subic Bay. “Ano ba ang nangyari kay Terrence?” tanong ni Ashley. “Nag-away sila ni Thrasius,” aniya. Hinango na niya ang nalutong ulam. “Gosh! Naulit na naman ang matinding away nila last year. I thought they were okay since nag-uusap naman sila.” Nilamon na naman siya ng guilt. Umaasa siya na susunod si Thrasius sa sinabi niya. Hindi niya masabi kay Ashley na siya ang dahilan ng away ng magkapatid. “Puwede na ba tayong kumain? Nagugutom na ako,” apela ni Terrence. Pumasok na ito sa kusina at nakialam sa nalutong pagkain. “Dalhin mo na sa dining ang pagkain, Terrence,” sabi naman ni Ashley. “Alright!” Tumalima si Terrence. Hindi na nagtanong si Seth kung bakit naospital si Terrence. Malamang ay alam na nito ang dahilan. Iba ang paksa
NAHIRAPAN si Elise sa labor dahil gabi pa lang ay humilab na ang kaniyang tiyan. Nataon pa na nasa Maynila si Terrence. Mabuti kasama niya ang mommy nito na kararating. Gusto kasi nitong masaksihan ang paglabas ng apo nito. Kaya three days bago ang due date niya sa panganganak ay naroon na ito. Napaaga ang labor niya. Kung kailan dumating si Terrence sa ospital ay saka lang nagmadaling lumabas ang anak niya. Ang tatay lang pala nito ang hinihintay. Saktong sumikat ang araw ay matagumpay niyang nailuwal ang anak nila, their first son. “Welcome to the world, Baby Elrence!” bati ni Terrence sa anak nila. Huhat na nito ang baby. Hindi na niya pinalitan ang naisip ni Terrence na pangalan ng anak nila na kinuha sa mga pangalan nila. Nagustuhan din naman niya ito. Natuwa siya dahil may nakuha rin sa mukha niya si Elrence, ang kaniyang mga labi. Pagdating sa mga mata at ilong, kopyang-kopya naman kay Terrence. Maputi ang anak nila, makinis, nakuha ang pa rin ang karesma ng angkan ng Del Val
MAY kirot pa rin sa puso ni Terrence habang nakatingin kina Thrasius at Elise na magkayakap. Hindi niya maiwasang isipin na matimbang pa rin talaga sa puso ni Elise si Thrasius. Well, he can’t blame her. Pero nag-usap na sila ni Thrasius, at sinabi nito na hindi na ito makikialam sa relasyon nila ni Elise. Katunayan ay pinaubaya nito sa kaniya ang kaligtasan ni Elise. Thrasius was finally letting go of Elise. He’s happy to feel Thrasius’s genuine feelings and prove that brotherhood matters to him. Na-realize na rin ni Thrasius ang lapses nito at mga maling mindset. Okay na siya roon. Ang kailangan na lang niyang tutukan ay si Elise. Dapat maka-recover na ito sa amnesia. Huling check-up nito sa doktor, nabanggit ng doktor na malaki na ang improvement ni Elise. At maaring bigla lang umanong babalik ang memorya nito na hindi namamalayan. Nagpaalam na sa kanila si Thrasius. Si Elise naman ay bumalik sa warehouse ng itlog at nangolekta na naman ng rejected eggs. Mukhang may binabalak na
PAULIT-ULIT na umukilkil sa kukoti ni Elise ang mga eksenang napanood niya sa video. Nanuot pa rin ang kirot sa kaniyang puso. Maaring galit na galit siya noong masaksihan sina Terrence at Thalia sa opisina. Pero habang inuulit niya ang eksena sa kaniyang isip, unti-unti siyang nakukumbinsi na inosente si Terrence. Ang hindi niya maintindihan ay bakit apektado pa rin siya. Maaring may iba pa siyang iniisip noon. Ayaw niyang ma-stress kaya natulog na lamang siya. Kinabukasan ay nagpasya si Elise na umuwi na sa Tarlac. Umaga sila umalis ni Terrence lulan ng kotse nito. Sa tuwing may madaanan silang nagtitinda ng kung anong pagkain sa gilid ng kalsada ay pinahihinto niya ang sasakyan. Bumili siya ng mga pagkaing bihira niya makita. Nakapunta na sila ni Terrence sa Zambales at doon din ay may ilang senaryo siyang naalala. Hirap pa rin siyang maipagbuklod ang naipong memorya, senyales na hindi pa siya lubusang magaling sa amnesia. Nakaidlip siya sa biyahe at ginising lang ng malakas na
KABADO si Terrence habang hinihintay ang sagot ni Elise sa sinabi niya tungkol sa kasal. She’s obviously confused and can’t focus on him. “If you’re not ready yet, it’s okay. I will wait na lang hanggang maalala mo na lahat ng nangyari. It would help you to decide,” aniya. “Uh….. pasensiya na. Gusto ko munang mawala ang amnesia ko,” saad nito. “Ayos lang. At least may mga na-recover ka na ring memories. It’s a good start.” Tumayo na siya at nagligpit ng pinagkainan nila. Iniwanan lang niya ng isang basong tubig si Elise bago hinakot ang mga kubyertos. Tuloy ay hinugasan na rin niya ang mga ito. Unti-unti na ring nare-recover ni Elise ang memories nito ngunit hindi pa nito naunawaan lahat ng senaryo. Apektado pa rin ang emosyon nito. And to push it through, Terrence gave his best to help Elise. Dinala niya ito sa mga lugar na madalas nilang puntahan, lalo na sa Clark. Sa Clark nagsimulang mapabilis ang pagbabalik ng alaala ni Elise, kaso sumabay ang pagsisimula rin ng paglilihi n
KINAIN ni Terrence ang kinagatang cookies ni Elise. Nakatulog na ang dalaga sa couch sa lobby. Saka lang ito iniwan ni Grace nang makalapit siya. Binuhat na niya ang dalaga at inilipat sa opisina ng kaniyang tiya. Mas malamig doon at may malaking sofa. “Nagsisimula na bang maglihi si Elise?” tanong ng kaniyang tiya. “I think she just started her cravings. Inaatake pa rin siya ng morning sickness pero hindi na ganoon katindi,” turan niya. Lumuklok siya sa isang couch mas malapit sa table ng kaniyang tiya. “How’s her memories?” “May mga naaalala na siya. Good thing, Elise draw those scenes she recalled.” “Mabuti naman. Dapat talaga makaalala na siya bago niya maranasan ang matinding paglilihi. First time niyang magbuntis kaya asahan natin na mahihirapan siya.” He sighed. “Iyon din po ang inaalala ko. Kahit papano ay hindi na stress si Elise. Simula noong nakausap niya ulit si Thrasius, nabawasan ang confusion niya.” “Ingatan mo sa pagkain si Elise. Baka mamaya ay hindi mo mamalay
NABUHAYAN na sana ng pag-asa si Terrence dahil may naaalala na si Elise. Pero bigla na namang nagbago ang mood nito. Maybe Elise also recalled some scenes in the office. He felt panic again. Naisip niya na maaring maungkat ang emosyon ni Elise once naalala nito ang huling pangyayari bago ito nabundol ng truck. It might trigger her anger towards him. He needs to explain the scene before Elise holds hate against him. Nabuhay nang muli ang galit niya kay Thalia, na dahilan bakit nagkalitse-litse ang buhay nila. Nang muli niyang silipin si Elise, wala na ito sa lobby. Nagbukas siya ng laptop at nag-connect ng access sa CCTV footage sa lahat ng sulok ng opisina at warehouse, maging sa lobby. Nakita sa video na pumasok sa warehouse ng mga itlog si Elise. Napanatag siya dahil nilapitan ito ni Candy at nilibang. Dumating na rin si Seth kasama si Ashley. Nanggaling sa doktor ang mga ito at nagpabili siya ng dalawang bandle ng band paper. “Kumusta na si Elise?” tanong ni Ashley. Umupo ito s
MALAYO ang farm kaya sumakay sila ni Grace sa tricycle na hiniram nila kay Mang Toni. Marunong mag-drive ng motor si Grace kaya ito ang nagmaneho at nakaupo lang si Elise sa loob ng sidecar. Nagtanong-tanong naman ito sa tauhan kung saan ang farm ng mga gulay dahil limot din niya. May munting gate ang farm at malaya naman silang nakapasok. Mainit sa mismong taniman ng gulay pero malilim naman sa gigilid dahil maraming punung-kahoy. May dala silang dalawang malalaking echo bag na paglagyan ng mga gulay. Natakam si Elise sa malalaking bunga ng dalandan kaya kinuha niya ang panungkit na merong net. Pinagtigaan niyang makuha ang malalaking bunga na nasa matataas. Si Grace na ang namitas ng bunga ng kamatis na hinog at ibang gulay. Mainit kasi sa puwesto nito. Tuwang-tuwa siya nang makakuha ng anim na bunga ng dalandan. Nang hawak na niya ang isang prutas ay may senaryo na namang sumagi sa isip niya. Napaupo siya sa bench at pumikit. Nakikita niya ang kaniyang sarili na nanunungkit ng da
NAG-BAKE ng chocolate cake si Elise pero hindi siya satisfied sa lasa. Mukhang limot na rin niya kung paano niya napasarap ang cake na ginawa niya noong bago nagka-amnesia. “Keep trying, Elise. Masarap din naman ang lasa, eh,” ani Grace. Ito ang tagahatol niya sa cake. “Pero parang may kulang,” nakasimangot niyang wika. “Huwag kang malungkot. Mag-bake ka pa hanggang sa mapamilyar ka sa lasa. Malay mo, makaalala ka once nakuha mo ang lasang hinahanap mo.” Nahango na niya ang maliit na cake kasama ang cupcakes. Pati ang frosting ay nakulangan siya sa lasa. Parang may mali talaga kahit nasunod niya ang recipe sa libro. Noong natikman niya ang tirang mango cake na ginawa niya, may something sa lasa niyon na pamilyar sa kaniya. Maaring may ibang paraan siya sa pagbi-bake at hindi nasusunod ang nasa recipe. Sabi pa ni Terrence, nag-e-imbento umano siya ng receipe ng cake at cookies. “May kulang talaga, eh,” giit niya. “Hayaan mo na. Better luck next time na lang. Marami naman kayong
SA pagpasok ni Elise sa orphanage ay awtomatikong bumalik ang kaniyang isip sa nakaraan. Hindi niya maintindihan bakit pakiramdam niya ay matagal siyang hindi nakapunta roon. Sabi naman ni Grace ay nagtuturo siya ng arts sa mga bata sa tuwing Sabado. Maraming bata na hindi niya kilala, pero sabi ni Grace ay nakilala na niya ang mga bagong bata. Iyong ibang malalaking bata ay wala na sa orphanage. Naninibago siya sa ambiance ng lugar. May bagong gusali ring tinatayo para umano dagdag tulugan ng mga bata at staff. Pumasok siya sa library na paborito niyang tambayan noon, nila ni Thrasius. And some memories suddenly appeared in her mind. Noong umalis na si Thrasius, palagi na siyang mag-isa roon pagkatapos ng tanghalian. Paulit-ulit niyang binabasa ang sulat na iniwan noon ni Thrasius, na inipit sa librong madalas nilang basahin. Madaling araw kasi umalis noon si Thrasius kasama ang kamag-anak umano ng daddy nito. Hindi niya ito naabutan kaya iyak siya nang iyak paggising. Nagtampo ka