Home / Fantasy / The Supreme Nature / 3: Knight in the Rusty Armor

Share

3: Knight in the Rusty Armor

Author: UnknownPN93
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

CHAPTER THREE

Dahil sa kakaisip na baka hindi na ako makakalabas ng selda dahil pamilyang Lopez ang kinalaban ko, tuluyan akong bumigay sa tukso na tumakas.

Lumabas agad ako ng selda pagkatapos ay binalik ko sa dating ayos yung rehas na binaluktot ko. Medyo baluktot parin yun pero hindi na sya madadaanan ng tao.

Pagkatapos ay humanap agad ako ng bintana na maaring daanan ko palabas nang di ako maririnig. Pero wala akong mahanap dahil lahat nang bintana ng Police Station ay gawa ng salamin at may iron grills. Maririnig nila ako kapag binasag ko ang salamin at bago ko pa mabaluktot yung iron grills, baka mababaril na ako.

Kaya ang ginawa ko, naghanap nalang ako ng ventilation opening sa ceiling ng building. Nang makahanap ako, tinalon ko ito upang abutin. At laking gulat ko nang naabot ko ito. Gumamit ako ng lakas at sinira ito, nagulat ulit ako nang parang ang dali lang nitong sirain. Pagkatapos nito ay pumasok agad ako doon at humanap ng iba pang ventilation opening na nasa labas ng building.

Nahanap ko naman agad ito, at nang masigurong walang pulis sa paligid ay binuksan ko ito at tumalon pababa. Pagkatapos ay mabilis akong tumakbo patungo sa pader ng Police Station at tinalon ito.

I can really say that I have unbelievable abilities now, dahil nagawa kong talonin ang pader na may dalawang metro ang taas.

I have super strength enough to bend iron bars. I also have enhanced sense of hearing. At ngayon kaya ko rin palang tumalon ng matataas na istraktura. Lahat ito ay nagawa ko mula nung insedenteng nangyari sa Redwood's mini-lake. If I'm really stuck in flight or fight state, then it's a good thing since I have these abilities now. However, hindi ko alam kung hanggang kailan ito mananatili sa akin o kung kailan ito mawawala sa akin.

Ah! Hindi na bali. Saka ko na iisipin yun kapag darating na ang pagkakataong yun.

Kailangan ko munang pagtuonan ng pansin ang pagtakas sa Police Dentention Cell. Hindi ito simpleng bagay, dagdag ito sa aking kaso kung sakaling mahuli ako. Pero mas mainam ito kesa mananatili ako dun kahit na wala akong kasalanan. Kailangan ko lang ngayon humingi ng tulong sa kakilala kung tao na may mataas na status sa lipunan. Pero sino?

Habang iniisip ko ang mga bagay na ito ay hindi ako humihinto sa pag takbo.

Nasa bente minutos na siguro akong tumatakbo kaya nakalayo na ako ngayon sa Police Station. Pero kahit na tumatakbo ako nang ganun katagal, hindi pa ako nakaramdam ng pagod.

Isa ba ito sa ability na dulot nang adrenaline rush? Ang high stamina?

"Anong kailangan nyo sa akin? Hindi nyo ba ako kilala?"

Bigla kong hininaan ang pagtakbo nang makarinig ako ng sigaw ng isang babae. At dahil enhanced ngayon ang pandinig ko, hindi ko matantya kung gaano kalayo ang kinaroroonan ng babae.

"Kilala ka namin, kaya nga kikidnapin ka namin para manghingi ng ransom sa pamilya nyo, eh."

Maya-maya'y isang boses lalaki naman ang narinig ko.

Pinikit ko ang aking mga mata upang malaman kung saang direksyon nanggaling ang mga boses na naririnig ko.

"Don't you dare! Kung kilala nyo ako, alam nyo rin ang kayang gawin ng pamilya ko."

Sabi ulit nung babae.

"Wala kaming paki sa gagawin ng pamilya mo. Matagal na naming pinlano ito kaya alam namin ang ginagawa namin."

Tugon naman ng isa pang boses lalaki. Hindi ito yung lalaking nagsalita kanina.

"Bitiwan nyo ako!! Ano ba!!"

Sigaw nung babae.

Matapos marinig ang sigaw ng babae, natukoy ko agad ang direksyon nila. Kaya dali-dali ko itong pinuntahan.

Tumatakbo ako ng mabilis nang makita kong may isang babaeng pilit isinakay ng tatlong lalaki sa isang puting van, halos isang daang metro ang layo mula sa akin. Nang makapasok na ang babae sa sasakyan ay pinatakbo na ng mga lalaki nang mabilis ang van. At patungo ito ngayon sa direksyon ko.

'Shit!'

Napamura ako sa isip nang muntik na akong masagasaan ng sasakyan. Mabilis kasi ang takbo ko at mabilis din ang takbo nung sasakyan nila.

"Gago yun, ah!" Narinig ko pang sigaw ng isa sa mga lalaking sakay nung van.

Napatingin nalang ako sa lumalayo nang van dahil wala na akong magawa upang pahintuin ito.

At dahil gusto kong subukan ang bagong kakayahang dulot ng adrenaline, sinubukan kong sundan ang puting van nang tumatakbo lang.

Nakita kong may sasakyan na nakagilid sa tabi ng daan kung saan nakahinto yung puting van kanina. Sasakyan siguro yun ng babae. Pero hindi ako marunong magmaneho ng sasakyan kaya wala akong choice kundi ang sundan sila nang tumatakbo lang.

Napansin kong kahit mabilis ang takbo ng puting van, hindi sila nawawala sa aking paningin. Ibig sabihin nito, medyo nakakasabay ako sa bilis ng takbo niyon.

At upang hindi nila ako mapansin at ng mga pulis. Sinubukan kong tumalon sa mga pader na nadadaanan ko, tapos talon ulit sa bobong ng mga bahay.

I wasn't surprised anymore that I was able to jump that high and maintain my speed. Pero ang ikinagulat ko ay parang ang liksi ko ngayon. I was so agile that I can still run at this speed while freely jumping over several buildings and houses. At habang tumatagal ay mas tumataas na ang natatalon ko at mas lumalapit na ako sa sasakyang hinahabol ko. And the best thing is, hindi pa ako nakaramdam ng pagod.

This is great. This feels so great.

Makalipas ang halos isang oras ay nakita kong huminto na ang sasakyang sinusundan ko. Nasa harap sila ng isang abandoned building, mga 300 meters yata ang layo mula sa Wagner Plains. Ang Wagner Plains ay isa sa mga exclusive and luxurious subdivisions dito sa Santa Mesa, puro mayayamang negosyante at politiko ang nakatira dyan. Narinig kong nasa 500 Million ang average price ng mga residential properties dyan. Kaya hindi pwede yung mga hindi multi-millionaires dyan.

Ahh! Wala akong paki sa mga nakatira dyan sa subdivision na yan. Kailangan kong pagtuonan ng pansin ang mga kidnappers at yung babaeng kinidnap nila.

Nang makita kong pumasok na sila at pumwesto sa loob ng abandoned building na yun. Gumalaw na ulit ako. Patalon-talon lang ako sa rooftops ng mga buildings at bahay. Hindi ako nahihirapan dahil maliban sa matataas at malalayo ang natatalon ko, medyo dikit din itong buildings na tinatalon ko. At so far, wala namang nakapansin sa akin.

Maya-maya lang bumaba na ako sa lupa dahil hindi ko na kayang talonin ang rooftop nung abandoned building kasi medyo malayo na. Kaya tinakbo ko nalang ito ng tahimik para di ako mapansin ng mga kidnappers. Nakita ko ang pwesto nila kaya dun ako dumaan sa blind spot nila. Pagkarating ko sa building ay tinalon ko lang ito at nakarating agad ako sa ikalawang palapag. Apat na palapag lang ang building at may rooftop. Papuntang rooftop kanina ang dalawa sa mga kidnappers dala ang babae, kaya kailangan kong makapunta agad sa rooftop.

Ginaya ko lang ang mga moves na ginagawa ng mga traceurs habang nagpa-parkour sila. At parang isang minuto lang ang nakalipas ay nasa ikaapat na palapag na ako nang hindi napapansin ng mga kasama ng kidnappers na nakapwesto sa bawat palapag.

Pinikit ko ulit ang aking mga mata upang malamang ang position ng mga nasa rooftop.

Napansin ko kasi kaninang kapag pinipikit ko ang aking mga mata ay mas tumatalas pa ang aking pandinig. Kaya ginawa ko ulit ito ngayon, at effective nga dahil natukoy ko kaagad ang pwesto ng mga kidnappers. Ang hindi ko lang alam kung saang banda o direksyon sila nakaharap.

Pero di bale, medyo mabilis naman ang mga galaw ko kaya di siguro sila makakapag react kapag makita nila ako.

Kaya tinalon ko na naman ulit ang rooftop. Nang makatapak na ako sa sahig nito ay mabilis akong tumakbo patungo sa lalaking pinakamalapit sa akin sabay suntok ng malakas sa batok nito.

Tumba agad ang lalaki nang hindi man lang nakagawa ng ingay, agad itong nawalan ng malay pagkatapos tamaan ng aking suntok. Medyo napalakas siguro ang suntok na yun kasi medyo sumakit din ang aking kamao. Nang tingnan ko ang babaeng kinidnap nila, para itong gulat na gulat dahil nanlaki ang mga mata nito at nakanga-nga. Siguro nakita nya ang lahat nang ginawa ko mula nung makaakyat ako rito sa rooftop hanggang sa mapatumba ko yung isang kidnapper.

"Gago ka--" Gulat na sabi ng kasama ng pinatulog kong lalaki nang makita niya ang kasama niyang nakahiga at wala nang malay.

Pero bago nya pa natapos ang kanyang sasabihin ay mabilis na akong nakagalaw at nasuntok na sya sa sikmura. Natumba agad ito at nawalan ng malay. Medyo kinabahan pa ako nang makitang bumubula ang bibig nito.

Pero pinabayaan ko lang ito at nilapitan ang babaeng nakatali sa isang upuan. Kinalagan ko kaagad ito ng tali at dahan-dahang pinatayo.

"S-sino ka?! Anong kailangan mo sa akin?" Utal-utal at nanginginig na sabi ng babae nang maka-recover ito mula sa pagkabigla sa mga nakita.

"Don't worry Miss. Hindi nila ako kasama. Nakita ko kaninang pilit ka nilang isinama kaya sinundan ko sila upang mailigtas ka." Sabi ko habang pinipilit ipakita sa kanyang kalmado lang ako. Pero ang totoo nyan. Nanginginig rin ang mga kalamnan ko. First time ko kasing manapak ng tao at parang napuruhan ko pa lahat.

"T-thank you." Tugon naman nito, nandun parin sa boses nya ang takot.

"Kailangan nating tumawag sa pamilya mo." Sabi ko sa kanya sabay lapit sa mga lalaking nawalan ng malay. Kinapa ko ang kanilang mga bulsa upang maghanap ng Cellphone na maaring gamiting pantawag.

"T-tinawagan na nila ang Kuya ko. Pupunta na yun dito mamaya." Tugon naman ng babae.

"Ah! Mabuti naman." Tugon ko naman sabay tingin sa ibaba ng building.

At tama nga ang sinabi ng babae. May nakita akong dalawang sasakyan na papunta sa direksyon namin. Yan na siguro ang kuya nya. Ang bilis namang maka-responde nito. Siguro galing lang ito dun sa Wagner Plains. Mayaman talaga siguro ang pamilya ng babaeng to kaya sya kinidnap.

"May dalawang sasakyang papunta rito. Baka nandun na ang kuya mo." Kaswal na sabi ko sa babae sabay lapit dun sa hagdan pababa ng ikaapat na palapag.

"N-no! P-papatayin nila ang Kuya ko. You have to help him. You have to help him!" Tarantang sabi nito sa akin sabay hawak sa aking mga balikat at niyugyog ako.

"Hah? Bakit nila papatayin ang Kuya mo? Ransom naman ang habol nila." Naguguluhang tanong ko.

"You don't understand. Hindi lang ransom ang habol nila. I-I can't explain it to you right now." Taranta paring sabi nito. "Please help him."

Napabitaw nalang ako ng malalim na buntong hininga. "Okey. Dito kalang, wag kang aalis para hindi ka madadamay sa kung ano mang mangyayari later on." Sabi ko sa kanya. "Gamitin mo yang lubid na itinali nila sayo at talian mo yang mga yan bago magising." Dagdag ko pa sabay turo dun sa dalawang lalaking pinatulog ko.

Tumango lang ito habang parang naiiyak parin sa pinaghalong takot at kabang naramdaman nito. I can clearly hear her fast heart beats right now.

Pagkatapos siyang kausapin ay bumaba na ako sa fourth floor, at dahil alam ko kung saan naka-pwesto ang kasama ng mga kidnappers ay hindi na ako nahirapang hanapin ito. Pagdating ko sa fourth floor ay saka ko pa nalamang hindi pala nag-iisa ang lalaking narito. Dalawa pala sila rito at parehong nakapwesto at may hawak na mga matataas na kalibre ng mga baril.

Talagang pinaghandaan pala ng mga ito ang ginagawa nila.

With a swift and quiet move, nakalapit agad ako sa kanila. Binigyan ko sila ng malalakas na suntok. With that simple moves, napatulog ko kaagad ang dalawang lalaki sa fourth floor. Kaya mabilis na akong bumaba sa third floor.

Katulad nung sa fourth floor, may dalawa ring lalaking nandito at may hawak na matataas na kalibre ng baril. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at sinugod ko agad ang mga ito. Mabilis namang nakagalaw ang isa sa mga ito at tinutukan ako ng baril. Pero bago pa niya nakalabit ang gatilyo ng kanyang baril pinabagsak ko na siya sa isang suntok na tumama sa panga nya. Paglingon nung kasama nya, sinalubong ko rin agad ito ng isa pang suntok sa mukha at nawalan din ito ng malay.

Pagkatapos nito ay bumaba na ako sa second floor. Pero bago pa ako makababa ay narinig ko nang may sasakyang huminto, at sinundan kaagad ito ng sunod-sunod na putok ng mga baril.

Nataranta naman ako dahil baka binanatan na nila ang sakay nung sasakyan. Kaya dali-dali akong bumaba sa second floor. Pero wala na akong naabutang mga tao rito.

"Baba dyan!"

"Baba dali!"

Narinig kog sigaw ng mga lalaki mula sa baba.

"Finally, we met again, Heath Smith." Isang kalmadong boses ang narinig kong nagsalita. Mula rin ito sa baba.

"You cowards! How dare you use my sister to lure me out." Galit na sabi ng isa pang boses.

"Coward? Look who's talking?" Sabi ulit nung kalmadong boses sabay tawa.

Out of curiosity ay dahan-dahan akong sumilip sa mga taong nag-uusap sa baba.

Nakita kong may dalawang lalaking nakatayo habang nakalagay sa batok ang nanginginig na mga kamay, sa kanilang likuran naman ay nakatayo ang dalawa pang lalaking may hawak na baril at nakatutok iyon unang dalawang lalaki. Sa harap nila may isang lalaking may tattoo sa leeg at may hawak na baril.

"You know what we want, Heath. Kung hindi mo kayang ibigay sa amin yun, then say goodbye to your attractive little sister." Yung lalaking may tattoo sa leeg ang nagsalita. "And oh! I won't kill her, by the way. I will just make her my sex toy." Nang-iinis na dagdag nito.

"You bastard!" Sabi nung isa sa dalawang lalaki na nakalagay sa batok ang mga kamay.

Isang tingin lang dito, malalaman nang isa syang mayaman. Dahil maliban sa suot nitong mamahaling mga damit at accessories, napakakinis din ng kutis nito at napakaayos ng pormahan.

"Ano na?" Tanong ulit nung lalaking may tattoo. "Anyways, whatever is your answer, it would be both beneficial to me." Patawang sabi nito.

Kitang-kita sa mukha ng lalaking mayaman ang galit at inis. Pero naroon naman ang helplessness sa mga mata nito.

Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero nakikita kong mabuting tao yung lalaking mayaman. Kaya gumalaw ako mabilis na tumalon pababa ng building.

"What the--!! Who are you?" Gulat na gulat na tanong nung lalaking may tattoo sa leeg matapos akong makababa.

"The girl's knight in a shining armor." Tugon ko naman.

"Shining armor my ass! Look at yourself in the mirror, you look like a knight in a rusty armor." Sabi ng lalaki sabay tutok ng baril sa akin.

Napatingin naman ako sa aking suot. Tama, ang dumi pala ng suot ko. Nabasa kasi ito mula dun sa ginawang paghagis nina Gin sa akin sa Redwood's mini-lake, tapos na-detain pa ako sa Santa Mesa Police Station. Tapos napalaban pa ako. Kaya literally, tama ang sinabi ng lalaking may tattoo.

"Piss off!" Sabi nito sabay kalabit ng gatilyo ng baril na hawak na nakatutok sa akin.

Bang!

Bang!

Both of those shots are killer shots. But I swiftly moved and managed to avoid the bullets from those shots. At bago pa ulit nito maiputok ang baril sa pangatlong pagkakataon, I was already standing in front of him holding his neck.

"What the heck!" Gulat na gulat na sabi nung lalaking mayaman.

Bago pa makapag-react yung dalawang kasama ng lalaking may tattoo, napatulog ko na ito sa pamamagitan ng isang suntok sa sikmura.

Bang!

Bang!

Sunod-sunod na putok ang umalingaw-ngaw nang pagbabarilin ako ng gulat na gulat na mga kasama ng lalaking may tattoo.

"Boss!" Sigaw ng dalawa nang makitang natumba ang kanilang boss.

Di pa sila tapos sa pagpapaputok ng kanilang mga baril nang sumulpot ulit ako sa harapan nila at binigyan sila isa-isa ng malalakas na suntok. Biglang natahimik ang paligid nang nawalan ng malay ang dalawa.

Napalunok naman ang dalawang lalaking tanging natirang nakatayo malapit sa akin.

"W-what are you?" Tanong nung lalaking tinawag ng lalaking may tattoo sa leeg na Heath.

"Your Sister is in the rooftop. She is safe now." Sa halip na sagutin sya sa tanong niya ay itinuro ko sa kanya ang kinaroroonan ng kanyang kapatid. Tsismoso ako kaya alam kong kapatid ng Heath yung babaeng kinidnap ng grupo nitong lalaking may tattoo sa leeg.

Related chapters

  • The Supreme Nature   4: Family Protector

    CHAPTER FOUR"Your Sister is in the rooftop. She is safe now." Sabi ko dun sa kuya ng babaeng niligtas ko.Tumango lang sya bilang tugon, hindi parin nawawala sa mukha nya ang pagkagulat dahil sa mabilis na pangyayari. Pero maya-maya lang ay umakyat ito sa building para siguro puntahan ang kanyang kapatid.Sinundan ko agad ito, pero hindi ako dumaan dun sa hagdanan, umakyat lang ako sa building tulad nung ginawa ko kanina.Isang minuto lang ang nakalipas ay narating ko agad ang rooftop, at hindi ko inaasahang nandun parin ang babae. Nakaupo ito sa gilid na animoy takot na pusa.Nakita kong nakatali ang mga kamay at paa ng mga lalaking pinatulog ko kanina. Pagkaraan ang ilang minuto ay nakaakyat narin ang kapatid nung babae."O-oh, how come you're already here?" Gulat na namang tanong nito nang makita akong nandito na sa rooftop."A-Abi!" Sigaw nung kapatid ng babaeng niligtas ko nang makita niya ang kapatid na naka-upo sa gilid. Patakbo niya itong tinungo at niyakap."K-Kuya." Paiyak n

  • The Supreme Nature   5: Hero Emerged

    CHAPTER FIVE"Ahhh!!"Narinig kong sigaw ng isang boses babae.Naglalakad ako papasok ng main gate ng Lexington Academy nang maagaw ng aking pansin ang isang babaeng sumigaw. Nakatayo ito sa isang lane ng daan, twenty meters ang layo mula sa kinatatayuan ko. Nakaguhit ang takot at pagkabalisa sa mga mata nito.As if my instinct is telling me that the girl is in danger, kaya mabilis ko itong nilapitan. Hindi ko alam kung bakit sya sumigaw at kung bakit takot na takot sya.'Shit!'Pero napamura ako sa isip nang isang nakakasilaw na ilaw mula sa isang sasakyang mabilis na tumatakbo papunta sa kinatatayuan namin ng babae. It was only five meters from where we stand. It would only take a couple of milliseconds before the car hit us.Pero dahil mas mabilis ang naging reaction ko, niyakap ko agad ang babae at mabilis na iniwasan ang rumaragasang kotse. Muntik pa akong mahagip nito, buti nalang at bahagya ko itong naitulak gamit ang aking paa."You're safe now." Bulong ko dun sa babaeng tinul

  • The Supreme Nature   6: The Phantom Hero

    CHAPTER SIX"Gale, hindi ka yata interested sa pinanood namin?" Puna ni James nang makitang humiga ako sa aking kama."Medyo pagod ako sa araw na ito, Buddies." Tugon ko naman."Relax lang tayo, Gale ah. Isipin mo nalang na bilog ang mundo. May araw din yang mga yan sa atin." Sabi ni Melchor, pampagaan ng loob."Okey lang ako Mel, sanay na ako sa mga yan." Sabi ko naman sa kanya sabay ngiti.Tumango lang sila at pinabayaan ako habang humiga sa aking kama. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata habang nag-iisip kung ano ang mabuting gagawin sa gabing ito.I am still overwhelmed with my current abilities. Kaya kailangang gamitin ko ito habang nandito pa. Baka kasi kinabukasan nito babalik na ulit ako sa normal. So, I better make use of it.Ilang oras lang ang lumipas ay kanya-kanya nang tulog ang aking mga roommates. Kaya dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng room namin nang dumaan sa may bintana. Baka kasi makikita ako sa CCTV kung sa pasilyo ako dadaan.At dahil medyo kabisado ko an

  • The Supreme Nature   7: The Big News

    CHAPTER SEVEN"Bran Davis has been brought to the hospital after he accidentally fell from the rooftop of his house. It was said that he is drunk and depressed after knowing that his name was involved in the latest murder in the City.""Bran Davis has sustained a grave injury after he fell from the rooftop of his house, the reasons are yet to be investigated.""Top personality of Randolf Nuñez murder case has been brought to the hospital after falling from the rooftop of his house.""Iba talaga kapag mayaman, nahulog ka lang sa rooftop ng bahay mo dahil sa kalasingan, headlines kana ng ilang news media outlets." Patawang sabi ni James sabay lapag ng kanyang cellphone sa study table ng room namin.Mahilig kasing manood ng balita kanyang Cellphone yan, kaya everytime na gigising yan ang page agad ng mga news media outlets ang iba-browse niya sa kanyang Cellphone."Baka kinarma lang yang Bran na yan. Halata namang sya talaga ang nagpapatay dun kay Nuñez, eh." Sabi naman ni Melchor na kak

  • The Supreme Nature   8: The Class A Assassin

    CHAPTER EIGHTThe Class A assassin, huh. So may mga class pala ang mga ito. Is this their rank or what?Anyways, I don't care.Hmm let's see nalang kung ano ang ability ng assassin na ito, yun kung mahahanap nga nila ako.But infairness to the Dark Web, magaling silang mag investigate. Nalaman agad nilang mula sa Lexington Academy ang Phantom Hero. Well, nagmula rin kasi sa Lexington's Platform ang top trending video na nag-expose sa mga Davis. Yun siguro yung basis nila."Guys! It's confirmed. The Phantom Hero is responsible for everything. He entered the Carmen Subdivision minutes before before Bran fell from his rooftop. He was even spotted in one of Bran's residence' CCTV camera."Maya-maya'y may narinig akong boses na puno ng excitement. Nang tingnan ko ito nakita ko ang tatlong estudyante na naka upo sa isa sa mga bench na narito sa student's park. Halatang galing din sa pagjo-jog ang mga ito dahil sa suot nila."What?! How did you found out?" Tanong nung isa sa tatlong naroon.

  • The Supreme Nature   9: Elites are on the Move

    CHAPTER NINEJudging by their looks, these two are not here for a good reason.And I just heard that the guy who looks like a ninja is a Class A Assassin, thus, I could assume that they're from a certain organization operating in the dark web."We're coming HERO." Sabi nung mukhang ninja sabay dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ko. He emphasized the word 'hero' in a rediculing tone.He's taking me as a joke, huh.Lumingon ako sa paligid. Walang tao. Guess I've made a considerable distance from the crowd, that's why these two casually showed up.So it's safe to fight with all my strength here. Anyways, these two right here already knew my identity. How did they do that isn't an issue right now. Maybe I can ask them later."Phantom Knives!" Sigaw nung assassin sabay bato ng dalawang kutsilyong hawak nya sa akin.I don't know how he did it, pero lumipad nang straight na parang mga arrows ang dalawang kutsilyo patungo sa akin. He's style in throwing those knives are different from the c

  • The Supreme Nature   10: Black Card's Identity

    CHAPTER TENIt was already two days mula nung mahuli ng mga pulis ang isa sa mga most wanted killers na si Henry Damper at ang Branch leader ng isang well known mafia na Golden Circle.I thought na useless yung taong yun, but it turns out na malaking figure din pala sa underground society.Heath warned me to lie low dahil alam nyang isang hidden organization ang Golden Circle na nag-o-operate in the Dark Web. I didn't know where did he got those information, but he's resourceful and well connected, kaya sinunod ko yung advice nya.He even made an arrangement na mailipat agad sa maximum security prison ang dalawang nahuli ko at sinigurado nyang walang makakapag-usap dito from outside.As for my issue with Sunny which made quite a commotion in the Academy, hanggang ngayon pinag-uusapan parin ng karamihan. Some students shared their respective theories about me hiding my real strength to keep a low profile. Some even linked me to the Phantom Hero. At dito ako kinabahan, dahil may iilang

  • The Supreme Nature   11: Shameful Lesson

    CHAPTER ELEVENNagulat ang lahat dahil sa ginawa ni Jude Jones, ang kilala at kinatatakutang Gangster Boss ng Santa Mesa."Boss what are you doing?" Naguguluhang tanong ni Jiggy nang makita ang ginawa ng Boss."You piece of shit! Do you want me to suffer the same fate with the Lopezes?! Now, quit complaining and kneel beside me!" Matigas sabi nito kay Jiggy. Lahat ng mga tauhan ni Jude Jones ay lumuhod din sa aking harapan. Lahat nanginginig at pinagpapawisan, lalong lalo na si Jiggy."What are you all doing? Kneeling in front of a trash? Are you really Jude Jones the notorious Gangster Boss?" Parang natatawang sabi ni Sherly nang makita ang ginawa nina Jude Jones at ng kanyang tauhan sa harapan ko. Hindi pa kasi natakpan ng tape ang bibig nito."Boss Jude, you misunderstood his identity. He's not a bigshot. He's just a poor student in Lexington Academy. Everyone knew him as a loser and consider him a country bumpkin." Suporta naman ni Gin sa sinabi ni Sherly."You.." Nagtatagis ang

Latest chapter

  • The Supreme Nature   Announcement

    Hello My dear readers! I am writing this announcement part to inform you all that I will be making a major edit on the story line and plot of this story. I know that you have all read this far and had spend time and effort in doing so, so I want to apologize for what I would do. The reason why I am doing this edit has something to do with its face pace that I haven't focused on some important events that would make it more interesting. There were plotholes that I struggled to repair which explains the very long hiatus of this work. Rest assured that after this edit, there will be a daily update. What's in the New "Supreme Nature" Story? 1. The Mystery of what is the Supreme Nature Still Remains. 2. The Character's names, identities and skills still remained the same, but I will be adding some back stories for you to understand them. 3. It is still a cultivation themed story, but I made the MC, Gale, a little different. Yes, he can still cultivate his powers but in some ot

  • The Supreme Nature   44: Grant Rushton

    *CHAPTER FORTY FOUR*"Very well, I will tell everything I know about Grant." The Master said as his gaze shifted to a distant memory, his voice filled with a hint of nostalgia as he delved into the untold story of Grant Rushton, his long-lost companion. Seated upon his majestic throne, he seemed to transcend the present, lost in the depths of his recollections."Grant, my dear friend, hailed from distant lands unknown to us. Yet, even in our closest bond, he revealed little about his origins, shrouding himself in mystery," the Master began, his words weaving a tale of intrigue and wonder.As he continued, his eyes fixed upon the grand ceiling of the hall, as if transported to another realm, the Master's voice resonated with the weight of his memories."Curiosity was Grant's defining trait. It was evident that his previous surroundings lacked the wonders and marvels he encountered here, or perhaps he was forbidden from venturing beyond his confines. The truth eluded us all.""It was on

  • The Supreme Nature   43: Family Heirloom

    *CHAPTER FORTY THREE*In the far reaches of Santa Mesa City, nestled in the North, a colossal mountain stood tall and proud, casting an imposing shadow over the land. Much like the legendary Mount Serat and the Bronze Mountain Range in the east, this majestic peak boasted rugged summits that seemed to yearn for the heavens. Adorned in a vibrant tapestry of lush greens and earthy browns, it demanded the attention and reverence of all who beheld its awe-inspiring splendor.As the sun reached its zenith, its scorching rays bathed the mountain's craggy facade, illuminating every intricate detail etched into its weathered slopes. The dance of light and shadow across the rocky terrain created a captivating spectacle of contrasting hues, captivating the eyes of any beholder.At the mountain's base, a sprawling forest thrived, its emerald canopy serving as a sanctuary for a diverse array of flora and fauna. Nestled within this verdant embrace, was a small village lay hidden from prying eyes,

  • The Supreme Nature   42: Uncle

    *CHAPTER FORTY TWO*"SO WHAT'S THE water armor?" Tanong ni Gale sa lalaking nakaupo parin sa lupa na kaharap nya.Matapos nakompirma na nagsasabi ito ng totoo ay hindi nya na pinakita rito ang kanyang killing intent. Kaya naman nakahinga na ito ng maluwang ngayon, subalit nandun parin sa mga mata nito ang takot."It's the instinctive manifestation of the Cultivator's Defensive Elemental powers when they are in danger. For us, it's called fire armor, earth armor for the cultivators from the Earth Faction and so on." Tugon naman ng lalaki. "But this ability will only activate when the cultivator is in a state where they can't do anything about the dangers coming into them. Just like what happened to you earlier. You were too pre-occupied that you have no enough time to dodge my attack. Thankfully your water armor activated in time." Dagdag pa nito."So it's the last defense of our body?" Tanong nya naman dito."Something like that." Tugon naman nito sabay tango."Anyways, are you workin

  • The Supreme Nature   41: Two Special Natures

    CHAPTER FORTY ONEBANG!BANG!BANG!Umalingawngaw sa buong Red Wood Forest ang sunod-sunod na mga putok ng baril. Habang si Gale naman ay kasing bilis ng Isang kidlat na tumakbo at humanap ng matataguan.Nang makapag-cover na sya sa isang malaking puno, agad nyang sinilip ang pinanggalingan ng mga putok ng baril. At napakunot ang kanyang noo nang makita at makilala ang dalawang lalaking nakasuot ng itim ang nakatayo sa maliit na daan palabas ng kakahuyan.Hindi sya makapaniwalang si Bran Davis at si Gin Lopez ang mga ito, inakala nyang isa ito sa mga taong galing sa Golden o Dark Circles na dati pang naghahanap sa kanya.May hawak na baril si Bran at nakatutok yun sa lugar kung saan sya nakatayo kanina. Bakit gusto syang patayin nito? Napatingin naman siya sa tuktok ng bulubundukin kung saan naka-pwesto ang dalawang lalaki kanina ay bumaril sa kanya. Naisip nyang baka mga kasama 'yon ni Bran.Kaya labis ang kanyang pagtataka kung bakit gusto sya nitong patayin? Alam na kaya nito na s

  • The Supreme Nature   40: Sensed Danger

    CHAPTER FORTYHindi alam ni Gale kung ano ang gagawin nang naramdaman niyang gumapang na sa buong katawan niya ang lamig na nagmula sa kanyang t'yan. Dali-dali syang nagbihis baka sakaling uminit pa ang kanyang katawan, ngunit walang silbi iyon dahil nararamdaman nya parin ang lamig.Nang lumamig na ang buo nyang katawan, naramdaman nya na ang unti-unting pagbaba ng temperatura sa paligid. Dahil sa lamig na iyon pakiramdam nya ay nasa loob sya ng isang freezer. Nagsimula syang kabahan nang maramdamang tumitigas na ang ilang parte ng kayang katawan at mas lumakas pa ang kabog ng kanyang dibdib nang maramdaman na parang nagye-yelo na ang kanyang tyan dahil sa lamig.Kahit naninigas na ang kanyang mga kamay ay pinilit nya itong iginalaw upang damhin ang kanyang t'yan, at halos mawalan na sya nang malay dahil sa takot nang maikompermang nagye-yelo na nga ito. Ang yelo na iyon ay dahan-dahang gumapang sa kanyang buong katawan. Sinubukan nya itong basagin n

  • The Supreme Nature   39: The Secret of Redwood's Lake

    CHAPTER THIRTY NINEKinaumagahan, alas nwebe na nang magising sina Gale at Kelly. Late narin kasi silang nakatulog kagabi, dahil dito, dali-daling bumangon si Kelly upang maligo dahil may exam sila sa araw na ito at ayaw nyang ma-late. Dahil 10AM ang kanilang schedule, binilisan nya ang pagpi-prepare dahil kakain pa sila mamaya. Sumabay nalang din si Gale sa kanya sa pagligo. At dahil nagmamadali si Kelly, wala na muna silang ibang ginawa sa shower kundi ang maligo. Pagkatapos nito ay mabilis din silang nagbihis at umalis ng Dormitory upang kumain sa labas.Si Gale narin ang nagbayad ng kanilang kinain dahil dala-dala nya naman palagi ang Black Card. Pagkatapos nito ay ihinatid na niya si Kelly sa building kung saan naroon ang kanilang Classroom.Dahil wala na syang ibang gagawin, naisipan niyang pumunta sa Redwood Forest. Gusto nyang alamin kung ang Red Wood Lake na tinutukoy ng mahiwagang aklat ay ang mini-lake na nasa gitna ng Redwood Forest. Kaya mabil

  • The Supreme Nature   38: Spending Time with Her

    CHAPTER THIRTY EIGHTPumasok ang taxi na sinakyan ni Gale sa Campus ng Lexington Academy, hinarang sila ng mga security guard sa Main Gate ngunit pinapasok din naman agad sila nang iniwan ng Taxi Driver ang kanyang ID. Hindi kasi nadala ni Gale yung school ID nya kasi biglaan yung pag-alis nya noon.Pagkapasok nila sa Campus ay pina-diretso nya na sa Men's Dormitory ang taxi, at maya-maya lang ay huminto na sila sa Ordinary Men's Dormitory.Kinabahan pa si Gale nung siningil na sya ng Taxi Driver ng pamasahe nya kasi wala syang dalang pera. Buti nalang at medyo advance narin ang payment system ng mga taxi dahil pwede nang magbayad sa pamamagitan ng Card. Matapos ang successful payment ay bumaba na si Gale dala ang isang malaking Paper bag kung saan naroon ang limang boxes ng mga sapatos na binili nya.Unlike the other Dormitories, walang guard dito sa Ordinary Men's Dormitory, kaya nakapasok dito si Gale kahit na parang hindi na sya estudyante ng Academy.Pagpasok nya ay sa kanilang r

  • The Supreme Nature   37: Collected the Interest

    CHAPTER THIRTY SEVEN"Hello, Dad?! C-can you lend me a fifteen Million? May bibilhin sana ako. Don't worry, Dad. I'll pay it back as soon as possible." Sabi ni Steven sa kanyang ama sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag niya."What?!" Gulat na gulat namang tugon nito nang marinig ang sinabi nya. "Where would I get that kind of money?! At anong bibilhin mo nyan?" Mataas ang boses na tanong."It's a.. It's complicated, Dad. Can you please do it now, Dad? I'll just explain it to you later." Nauutal na tugon niya matapos marinig na galit ang kanyang ama."Did you messed up again? Saan mo gagamitin yang fifteen Million? You can't just ask me for a money and say that you'll explain later. It's a fucking fifteen Million, Steven! I don't even have that amount in my bank account now!" Galit na galit na sabi nito sa kabilang linya.Dahil sa narinig, mas lalong pinagpapawisan si Steven at tuluyan nang nanginginig ang kanyang mga kamay at tuhod. Siguro kung walang mga tao sa paligid kanin

DMCA.com Protection Status