Nang nasa bahay na sila pareho ay kaagad na kinompronta ni Lander ang Kuya Cali niya, “Kuya, hindi mo sana binabastos si Alexa lalo pa at wala naman syang ginagawang masama saiyo.”“Pambabastos ba ang magsabi ng totoo? At saka magkalinawan nga tayo, Lander, bakit ba palagi mo na lang ipinagtatanggol ang babaeng iyon? Hindi mo ba napapansin na ng dahil sa kanya, nag aaway na tayo?”“Dahil your being unreasonable, Kuya. Minsan nga iniisip ko ng naggagalit galitan ka lang sa kanya dahil defense mechanism mo yan para pagtakpan ang totoong nararamdaman mo sa kanya!”Parang isang malaking biro kay Cali ang sinabing iyon ni Lander kung kayat natawa siya sa sinabi nito. “Huwag mong baligtarin ang sitwasyon Lander. Ikaw ang may gusto sa kanya!”“Oo gusto ko sya at hindi ako natatakot na aminin ang totoong nararamdaman ko para sa kanya! Hindi ako ipokritong kagaya mo, Kuya!” diretsong sagot ni Lander kay Cali.Hindi kaagad nakasagot si Cali. Matagal na niyang nararamdaman na may espesyal na pag
Nang makalabas ang kanyang Mommy sa kwarto ay kaagad na tinawagan ni Alexa si Lander at niyayang mag bar hopping.“Tamang tama bored na rin ako dito sa bahay,” sagot ni Lander sa kanya.“Actually masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako pumasok sa school pero feeling ko mas lalo akong magkakasakit dito sa bahay.” aniya sa binata. “Sunduin mo ko dito?”“Sure. Pero sarado pa ang mga bars ng ganito kaaga. Gusto mo bang manuod muna tayo ng sine?” suggestion ni Lander sa kanya.“Okay. Isama mo si Sophie, tatawagan ko si Debbie para kumpleto tayo. Tuloy na natin iyong naudlot na panunuod natin ng sine last week dahil sa epal mong kuya.”“Ahmm, Alexa, kasama nina Kuya Cali si Sophie ngayon,” anitong halatang napilitan lang sabihin iyon ni Lander sa kanya.Bigla siyang kinutuban kaya nag usisa siya, “nina? Sino pang ibang kasama ni Sophie maliban sa Kuya mo?”Hesitant ito nang sagutin ang tanong niya, “S-si Chelsea. Sinundo niya sina Kuya dito.”“Wow, sumama si Sophie kay Chelsea?” may pait sa
Excited si Lander nang subduin si Alexa, “Tayo na talaga ha? Wala ng bawian,” paniniyak pa ni Lander nang nasa sasakyan na sila.“Oo na nga,” tila wala sa kanya ang atensyon nito habang may tinatawagan sa phone. Ang gulat niya nang si Sophie pala ang tinatawagan nito, “Hi Sophie, I am just wondering kung gusto mong sumama sa amin ng Kuya Landser mong manuod ng sine.”Natigilan si Lander. Parang nahuhulaan na niya kung saan tatakbo ang conversation ng dalawa. Ngunit hindi siya nagsalita.Pagkatapos nitong makipag usap kay Sophie ay nakangiti itong tumingin sa kanya, “Dun tayo sa rockwell, andun sila ngayon nina Cali.”Biglang naglaho ang sayang nararamdaman ni Lander,” so susundan natin sila? Nakipag jowa ka ba sakin para malaya mong mananmanan ang mga kilos ni Kuya?”“Lander, first day natin bilang mag boyfriend/girlfriend pagkatapos naghahanap ka na kaagad ng away?” tanong nito saka pinapungay ang mga mata,”Sige na, pagbigysn mo na ako, please?” naglalambing na pakiusap nito sa kanya
NANG makalayo sila Alexa kina Cali ay mabilis na siyang bumitaw kay Lander. Napasin iyon ni Lander ngunit nanahimik lamang siya lalo pa at kasama nila si Sophie. Ngunit pinagdududahan niya kung ginagamit lang ba siya ni Alexa para pagselosin nito si Cali. Nakakatawang girlfriend na niya ito ngunit pinagseselosan pa rin niya ang Kuya Cali niya.Samantala ay parang nawala na sa mood si Alexa habang naiisip na binigyan niya ng pagkakataong makapagsolo sina Chelsea at Cali ngayon. Kung bakit ba naman kasi hindi siya nag-iisip.“Sophie, nililigawan ba ng Kuya Cali mo si Chelsea, di ba hindi naman? Hindi ba si Chelsea lang naman ang lapit ng lapit sa kanya?”Tiningnan siya ng matiim ni Sophie, “Bakit interesado kang malaman? Hindi ba si Kuya Lander na ang boyfriend mo ngayon? Dapat nasa kanya ang atensyon mo, hindi kay Kuya Cali!” Paalala nito sa kanya saka kumunot ang nuo, “O baka naman ginagamit mo lang si Kuya Lander para pasakitan si Kuya Cali?” Bulong niya rito, “Ako ang makakalab
“HEY, ARE YOU WITH ME?” Kunot-nuong tanong ni Chelsea kay Cali nang mapansing tila malayo ang itinatakbo ng utak nito. “Kanina pa ako kwento ng kwento saiyo, parang hindi ka naman nakikinig.”Napakurap-kurap si Cali saka napatingin kay Chelsea, “Come again?”Napahinga nang malalim si Chelsea, “Never mindi. Mabuti pa umuwi na lang tayo at mukhang bored na bored ka nang kasama ako. In the first place, bakit ka sakin sumama kung napipilitan ka lang naman? Magkalinawan nga tayo, may something ka ba kay Alexa?”“Ha? S-syempre wala.” Mabilis na sagot ni Cali.“Eh sakin?” Nakangising tanong ng dalaga sa kanya. Napatitig siya rito. Tila hirapan siyang sabihin dito ang totoo, “Sumama ako saiyo kasi. . .kasi gusto kong maging close si Sophie saiyo. Gusto kong maimpluwensyahan mo sya kasi masipag kang mag-aral.” Pagtatapat niya.Sumama ang mukha ni Chelsea dito, “Iyon lang iyon?”“Oo, bakit, ano ba dapat?” Tanong niya. “Kaibigan ang turing ko saiyo at masaya akong kasama ka. . .”“Masay
NAGTAKA SI ALEXA. Bakit bigla ay nagkainteres si Cali na kausapin niya? Effective ba ang ginawa niyang pagpapaselos dito? Ngunit hindi siya nagpahalatang na-excite siya.“Hindi ba magkausap na tayo?” sinadya niyang iparamdam na kunwa’y hindi siya interested na makausap ito, “Saka ano pang pag-uusapan natin? Don’t tell me pagbabawalan mo akong makipagrelasyon sa kapatid mo? For your information, may basbas ng parents mo ang relastionship namin.”“Listen, kung ginagamit mo lang si Lander para pagselosin ako. . .”Napaikot ang mga eyeballs niya. Sinasabi na nga ba niya at dito ang pupuntahan ng pag-uusap nilang ito, “Don’t flatter yourself too much, Cali. Kung iniisip mong ginagawa ko ito para pagselosin ka lang, you’re wrong. Mahal ko si Lander at. . .at wala na akong nararamdaman para saiyo,” pagkakaila niya rito, “Now, go back to your bed at matulog ka na ng mahimbing! Not unless pinagseselosan mo si Lander kaya moa ko tinatawagan?”“Hah, at bakit naman ako magseselos? Bothered
NAGDIWANG ng ika-18th birthday si Sylvia, isa sa mga kaibigan ni Alexa na tiga-village rin nila at isa siya sa mga imbitado. Isinama niya si Lander bilang escort niya. Expected na niyang nanduon rin si Chelsea pero hindi niya inaasahang isasama nito si Cali. Bakit ba palagi na lamang available si Cali kapag si Chelsea ang nag-aanyaya dito? Talaga bang may pagtingin ito sa dalaga? Very plain looking lamang si Chelsea. Napakalayo sa ganda niya pero bakit kahit na anong gawin niya, hindi siya magustuhan ni Cali? Para tuloy bumababa ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili sa tuwing binabalewala siya ng binata.Hinawakan niya ang kamay ni Lander at hindi siya nagpahalatang apektado siya kay Cali. Siguro, it’s about time na si Lander ang pagtuunan niya ng pansin.“I’m so happy for you, friend. Bagay na bagay kayo ni Lander. Ang swerte mo talaga,” tila naiinggit na sabi ni Sylvia nang batiin niya ito sa kaarawan nito at iabot ang kanyang regalo, “Marami kang dapat na ikwento sa akin, fr
HINDI NAMAN SIYA UMINOM ngunit parang nahihilo na ang pakiramdam niya kung kaya’t nagtungo siya sa terrace para makalanghap ng sariwang hangin. Hindi naman niya akalaing dadatnan niya duon si Cali, nag-iisa. “Hindi naman siguro private ang lugar na ito kaya pwede ako rito,” sabi niya sa binata.Tiningnan lang siya nito pero hindi nagsalita. Napangisi siya, “Bakit nga pala hindi mo kasama iyong asungot na ex-bestfriend ko?” Nanunuyang tanong niya rito.“Si Lander, bakit iniwan mo sa loob?” Tanong naman nito sa kana.Napatawa siya, “Boyfriend ko si Lander but it does not mean dapat twenty four hours kaming magkasama.” Aniyang lumapit dito, “Nililigawan mo na ba si Chelsea, or kayo na? Ano bang score sa pagitan nyo?” Usisa niya rito.“I think it’s none of your business kung kami man ni Chelsea or hindi,” pasupladong sagot nito sa kanya.May sarcasm sa tonong tinawanan niya ito, “Ang galing mong makialam sa amin ni Lander pero ikaw, ayaw mong pinapakialaman ka?” Nakaangat ang isang kil
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na