SORRY po, nasira na naman ang internet connection namin. It took 7 days bago dumating ang nagrepair. Sinubukan kong magsulat gamit ang phone pero ang hirap. Bilib ako sa mga writers na kayang magsulat gamit ang kanilang cp. Talagang panglaptop lang ako. Thanks po sa paghihintay ng Update. -Michelle Vito
BIRTHDAY ng bunsong kapatid ni Cali na si Sophie at invited rin si Alexa kung kaya’t dumalo siya. Tuwang-tuwa ang mga kaibigan niya nang makita siya. Ang ibang mga dati niyang manliligaw ay muling nagparamdam. Pero si Sylvia ay pansin niyang umiiwas na sa kanya kung kaya’t siya na mismo ang kusang lumapit dito.“Parang gusto ko ng magtampo, may galit ka ba sa akin?” Tanong niya kay Sylvia na hindi makatingin ng diretso sa kanya.“Alexa,” anitong biglang yumakap sa kanya, “I’m sorry.”“Hey, sorry for what?” Nagtatakang tanong niya rito.“Dahil. . .dahil hindi ko napigilan ang sarili kong umibig kay Lander,” hiyang-hiyang sabi nito sa kanya.“So, kaya mo ako iniiwasan dahil iniisip mong inagaw mo sya sakin?” Matiim na tanong niya rito.Napatungo ito.Hinawakan niya ang mga kamay ni Sylvia. Nuon pa man ay pansin na niyang may pagtingin ito kay Lander, “Look, Sylvia, wala kang inagaw sakin, okay? At bago pa naging kayo, matagal na kaming hiwalay.” Pagbibigay assurance niya rito, “Kaya
“AY HINDI MO PA BA ALAM ang nangyari kay Chelsea?” Sabi ni Lander sa kanya, tinapik siya nito sa balikat, “Siya na lang ang tanungin mo tungkol dyan. Maiwan ko na muna kayong dalawa!”“Hey friend!” sabi ni Chelsea na yumakap nang mahigpit sa kanya, “Long time no see, ang tagal mong nawala.” Sabi nitong kumunot ang nuo, “Hey, hindi mo pa ba ako mapapatawad sa kamalditahang ginawa ko saiyo? Heto nga at nakarma na ako sa lahat ng mga kasalanan ko,” sabi nitong hinimas ang tiyan.Kumunot ang nuo niya, “Nakarma?”Bumuntong hininga ito ng malalim, “First, namatay sa car accident si Daddy,” malungkot na sabi nito sa kanya.Nagulat siya. Walang nakapagkwento sa kanya ng tungkol dito. Tuwing nagkikita sila ng Mommy niya ay never naman nilang napag-uusapan ang mga kaibigan niya. Siguro ay sa isip ng Mommy niya ay ayaw na niyang maalala pa ang mga nakaraan kung kaya’t never itong nagbukas ng topic na may kinalaman sa mga nangyayari dito sa Pilipinas.“I’m sorry to hear that,” halos paanas la
“ALEXA!” Sigaw ni Cali ngunit ni hindi na siya nilingon pa ni Alexa. Nakita niyang nagmamadali itong sumakay sa sundo nitong sasakyan. Naiwan siyang nakasunod na lamang ng tingin dito. “It’s too late, Kuya,” sabi ni Lander mula sa kanyang likuran. “Kung ipinaglaban mo lang sana nuon iyong feelings mo para sa kanya, hindi ka sana nagsisisi ngayon,” may pait sa mga labing tinapik siya nito sa balikat, “Sayang. Pero tingin ko, ayaw na niya saiyo.” Tila nanunuya pang sabi nito sa kanya saka iniwan na siya.Parang gusto niyang sumigaw habang nakatingin sa kawalan. Nilapitan siya ni Chelsea at inabutan ng kopita ng wine, “Uminom ka na lang, ‘tol. Nakakatawa, hindi ba, nuon habol ka ng habol sa kanya. Pumayag akong gamitin mo para lang layuan ka nya. Ewan ko kung bakit nagpatangay ako sa inggit ko. . .ngayong nakalimutan ka na nya, kailangan mong tanggapin na ito ang karma mo!”Hindi siya umimik pero mabilis niyang tinungga ang ibinigay nitong wine sa kanya.“Hindi ko alam kung mabab
NAGULAT SI ALEXA nang bigla siyang ginising ng maid at sabihing nasa salas si Efraim. Ang akala niya ay next week pa ang uwi nito ng Pilipinas. Hindi niya inaasahang mapapaaga ito. Nagmamadali siyang nag-shower at nagbihis. Paglabas niya ay kausap na ng Mommy niya at Tito Damian niya si Efraim. Pansin niyang madali itong nakasundo ng dalawa dahil parehong mahilig magnegosyo ang mga ito.Nang makababa siya ay binigyan silang dalawa ng espasyo ng Mommy at Tito Damian niya. Tuwang-tuwa si Efraim na makita siya, na para bang ang tagal nilang hindi nagpangita samantalang three weeks pa lamang naman siya dito sa Pilipinas.At ewan kung parang nanadya ang pagkakataon, dumating si Debbie kasama si Cali. Hindi niya alam kung namamalikmata lang din siya, pero nakita niya ang selos sa mukha ni Cali nang makita nito si Efraim.Ipinakilala niya si Efraim sa mga ito. Nagtatanong ang mga mat ani Efraim nang lingunin siya na parang sinasabing; So siya si Cali? Ang lalaking hindi mo nagawang
HE WAS IN PAIN. Naririnig niya ang tinig ni Alexa habang umiiyak ito at tinatawag ang pangalan niya ngunit walang lumalabas na tinig sa kanya. Nilalabanan niya ang kanyang katawan. Ayaw pa niyang bumigay. Gusto niyang maging malakas para kay Alexa. Gusto niyang marinig nito kung gaano niya ito kamahal. Na wala yatang gabi na hindi niya inasam na makasama ito. Gusto niyang sabihin dito na masaya siya sa muli nitong pagbabalik. Five years na wala siyang ginawa kundi ang maghintay. Five years na wala siyang palya habang pinagmamasdan ang itinago niyang larawan nito. Limang taon siyang umasa na isang araw ay maririnig niyang muli kay Alexa na mahal pa rin siya nito. Kaya gusto niyang paglabanan ang lahat ng panghihinang nararamdaman. Pero tila napapagod na ang puso niya at gusto ng bumigay ng kanyang katawan.“Cali,” nagsusumamo si Alexa habang nakahawak sa mga kamay ni Cali. May oxygen ito at kung anu-ano ng nakasaksak sa katawan, “Lumaban ka Cali, please.” Pakiusap niya rito.
MATAPOS MAILIBING SI CALI AY HINDI KAY SYLVIA sumabay si Lander sa halip ay sinamahan pa nito si Alexa para damayan. Kahit masama ang loob ni Sylvia ay initindi na lamang niya ito, besides ng mga sandaling iyon ay kailangan naman talaga ni Alexa ng makakaramay.Pero hindi man niya aminin, may bahagi sa puso niya ang natatakot kahit nan ga binigyan na siya ni Alexa ng assurance na wala itong dapat na ikatakot dito. Kahit gustong mapanatag ng kalooban niya, hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng selos lalo pa at alam naman niyang si Alexa ang titoong mahal ni Lander.At ngayong wala na si Cali, paniguradong muling magkakaroon ng lakas si Lander na iparamdam iyon sa dating kasintahan.Sino nga lang ba siya sa buhay ni Lander?Hindi naman siya nito talagang gusto. Napilitan lang itong pakasal sa kanya dahil nabuntis siya nang hindi sinasadyang may mangyari sa kanila two years ago. Pero para namang nanadya na pagkatapos nilang maikasal ay nakunan siya. Galit na galit si Lander lal
HATINGGABI na nang makauwi si Lander. Tinangka ni Sylvia na linisan ito ng katawan ngunit itinaboy lang siya nitong palayo.“Matulog ka na at wag mo na akong intindihin. Hindi ko kailangan ng asawa dahil kaya ko naman ang sarili ko!” Iritadong sabi nito sa kanya, padarag itong nahiga sa kama at ilang sandali pa ay naghihilik na ito.Napakagat labi si Sylvia habang pinagmamasdan si Lander. Naturingang mag-asawa nga sila ngunit halos hindi naman ito umuuwi ng bahay. Madalas ay nasa trabaho ito naglalagi at kapag weekends ay nasa mga kabarkada ito, nilulunod ang sarili sa alak. Obvious namang ayaw siya nitong makasama kaya panay ang iwas sa kanya.Minsan ay nahuhuli niya itong tinatawagan si Alexa at kinukulit. Parang binibiyak ang puso niya sa tuwing ipinararamdam sa kanya ni Lander na never siya nitong magiging priority kahit na kailan. Na hanggang sa mamatay siguro siya, mananatili siyang namamalimos ng pag-ibig dito.Ang sabi nga ng mga kaibigan niya, para siyang tanga. Kung
MADALING araw ay nagising si Sylvia sa mga halik ni Lander na gumagapang sa kanyang buong katawan. Para siyang kinukuryente na hindi niya maintindihan habang dinidilaan nito ang kanyang leeg, ang mga kamay nito ay mabilis na hinuhubad ang suot niyang night gown. Ganito palagi si Lander sa tuwing nag-iinit ang katawan. Nagigising na lamang siyang pinupupog ng mga halik nito ngunit pagkatapos mairaos ang init ng katawan ay parang allergic na naman ito sa kanya.Pero ewan ba niya kung bakit pagdating sa lalaking ito, nakakalimutan niyang gamitin ang kanyang utak. Lahat ay handa niyang isuko, mapaligaya lamang ang lalaking ito na sobrang pinakamamahal niya. “Lander. . .” ungol niya nang ganap na siya nitong mahubaran at pinaglalaruan ng mga labi nito ang dungot ng kanyang kaliwang dibdib habang ang isang kamay naman nito ay nilalamas ang kanan na dibdib niya.Nang tila magsawa sa kanyang mga dibdib ay bumaba ang labi nito sa pagitan ng kanyang mga hita, “Ohhh. . .Lander,” daing niya
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na