PINAGBIGYAN NI JANICE na makapag-usap sila ni Alex nang maayos sa isang maliit na canteen. “Marami na akong pera. Kayang-kaya ko na kayong buhayin ng anak natin,” anito sa kanya habang maganang kumakain ng pancit. “Magsam ana tayong muli.” “Saan ka kumuha ng pera?” Nagtatakang tanong niya rito, “Ano na namang illegal ang pinasok mo?” “Pambihira ka naman, Janice!” asar na sabi nito, “Bakit ba yan ang iisipin mo? Ang mahalaga, kaya ko na kayong buhaying mag-ina!” “Ayokong madamay pa kami sa mga kalokohan mong yan, Alex,” napapailing na sabi niya rito. “Talaga lang ha?” Sabi nitong kumunot ang nuo, “Baka naman may ipinagmamalaki ka na, ha?” “Wala akong ipinagmamalaki. Iniisip ko lang ang kapakanan ng anak ko!” Mariing sabi niya rito. Kinakapa niya ang damdamin niya para kay Alex. Ngayon niya napagtantong tuluyan na iyong naglaho. “Anak ko rin sya.” Paalala nito sa kanya.
BAGO pa masundan ni Alex ang sasakyan ni Janice ay naharang na siya ng mga mobile patrol at pinara ang kanyang sasakyan. Napapakamot na lamang si Alex habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan nito. “Lisensya,” anang malaki ang tiyan na pulis saka kumunot ang nuo nang wala siyang mailabas na lisensya, “Nagmamaneho ka ng walang dalang lisensya?” Nilingon nito ang mga kasamahang tauhan, “Hilahin nyo ang motor ng lalaking ito.” “Bossing, baka naman pwede natin tong pag-usapan,” naglabas si Alex ng dalawang libo at pasimpleng iniabot dito. Tinanggap iyon ng pulis saka tiniketan siya. “Kunin mo na lang sa presinto ang motor mo kapag may lisensya ka na,” anito sa kanya. Wala nang nagawa si Alex kundi ang kumamot sa ulo. Dahil sa nabulilyaso ang diskarte niya ay nag-iinit ang ulo niya. Nang makabalik sa hide out ay sinita siya ni Nelia. “Alam mo namang kailangan natin ng malaking pera dahil malapit na ulit akong m
MUKHANG mapipilitan si Janice na ikwento kay Damian ang tungkol kay Alex lalo pa at mukhang hindi siya nito tatantanan hangga’t hindi nito nalalaman ang mga nangyari. Nilingon niya si Yaya Nida, “Pwede bang duon muna kayo ni Alexa sa kwarto?” aniya sa babae saka muling hinarap si Damian. “Ginugulo ako ni Alex. Hindi ko alam kung handa na ba si Alexa na makilala ang ama nya.” Nakita niya ang paglalapat ng mga bagang ni Damian, “What do you mean ginugulo? Sinabi mo bang magkasama tayo?” Umiling siya. “Kung sinabi mo sanang may kinakasama ka ng iba, titigilan ka na nun!” Tila may halong inis na sabi nito sa kanya, “Baka naman kasi nagpapahabol ka rin naman sa kanya,” ewan ba niya kung imahinasyon lamang niya ang naramdamang selos sa tono ng pananalita ni Damian nang sabihin iyon. “Anong gusto mong sabihin ko sa kanya? Na may kasunduan tayo? Kilala ko si Alex. Mas lalo iyong manggagalaiti kapag nalamang.
INAKALA NI JANICE na si Alexa ang kumakatok sa kanyang kuwarto kaya pinagbuksan niya ito kahit nakatapis lang siya ng tuwalya. Katatapos lang kasi niyang maligo, at nagpapatuyo siya ng buhok nang may marinig siyang kumatok sa pinto. Laking gulat siya nang si Damian ang mabungaran. Nahalata marahil ni Damian na bigla siyang na-conscious. “Don’t worry, never pa akong nang-rape” matabang na sabi nito sa kanya, “Anyway, mamayang hapon may lakad tayo,” sabi nitong bahagyang napatingin sa may dibdib niya. Napalunok siya dahil parang nakita niya ang pananabik sa mga mata nito ng mga sandaling iyon. At nang magtama ang kanilang mga paningin, hindi niya maipaliwanag ang damdaming lumukob sa kanya. Bakit parang natataranta siya? Hindi niya naramdaman ang ganitong klaseng pakiramdam kay Alex. At unti-unti siyang natatakot sa posibleng mangyari. “And next time, pwede bang huwag mo akong pagbubuksan ng pinto ng ganyan ang ayos mo?” sabi nito sa
“MAY KAPATID KANG NAMATAY?” Tumango si Damian, “Siya ang paborito ni Papa dahil magaling syang magpatakbo ng negosyo, besides, magkasundo sila sa lahat ng bagay. Kaya nung mawala sya dahil sa aksidente, sa akin lahat ibinunton ni Papa ang galit nya.” Ramdam niya ang kalungkutang pilit nitong itinatago sa dibdib. Hindi rin pala problem proof ang mga mayayamang gaya ni Damian. Tulad niya, nasasaktan rin ito. Ang kaibhan nga lang ng gaya ni Damian, pansamantala nitong naiibsan ang kalungkutan sa pamamagitan ng pera. Ngunit gaya niya, hindi nito kayang bilhin ng salapi nito ang tunay na kaligayahan. Hindi namamalayan ni Damian, nailabas na niyang lahat ng kinikimkim na mga sama ng loob para sa ama. Never siyang naging ganito ka-open sa ibang babae. Pero kay Janice ay malaya niyang nasabi ang lahat. Nang makalapag sila sa kanilang farm ay nakita niya ang katuwaan sa mga mata nito. “Alam mo bang pangarap ko ring magkaro
KUNG MAY isang bagay mang kinatatakutan si Janice, iyon ay ang kulog at kidlat. Naiwan kasi siya minsan sa bahay dahil dinala ng Papa niya si Jasmine sa ospital habang ang Mama naman niya ay hindi niya alam kung saan nagpunta. Magdamag siyang iyak ng iyak at naging very traumatic sa kanya iyon. Sa katunayan ay dinamdam niya ng husto na hindi siya isinama ng Papa niya sa ospital at iniwan na lamang siya nito sa bahay. Simula nuon ay ipinalagay na niyang si Jasmine lang ang mahalaga para dito at ito lang ang mahal nito. Isa rin iyon sa dahilan kaya ayaw niya ng umuulan. Maraming mga masasamang alaala ang hatid niyon sa kanya. Kaya naman hindi siya mapakali nang sabihin ni Damian na dito sila sa farm nito magpapalipas ng magdamag dahil sa masamang panahon. “Kung inaalala mo si Alexa, safe na safe sya sa bahay,” sabi ni Damian nang mabakas sa mukha niya na hindi siya mapakali. “Kumain ka na, bukas kapag maganda na ang panahon, uuwi na
NARAMDAMAN NI JANICE na sinapo ni Damian ang kanyang puwetan habang bumibilis ang paghalik nito sa kanya. Hirap na hirap siyang paglabanan ang init na nararamdaman dahil kahit kay Alex ay hindi niya naramdaman ang ganitong klaseng pananabik. Idagdag pang napakabango ni Damian at napakalapad ng dibdib nito, mas lalo tuloy siyang nawawalan ng lakas na tanggihan ang mga halik nito. Iniangat nito ang isang hita niya. Para siyang isang dahon, hinayaan niyang matangay siya ng alon. Binuhat siya nito at inihiga sa malaki nitong kama. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. Papayag ba siyang may mangyari muli sa kanila? Napasinghap siya nang gumapang ang mga labi nito paibaba sa kanyang leeg. Nasaan na ba ang tapang niya? Bakit hinahayaan siyang matangay ng lalaking ito? Hindi. Hindi pwedeng talunin ang utak niya ng lalaking ito. Oo at isa siyang pole dancer ngunit hindi ibig sabihin niyon ay mababang uri na siya ng babae
NAPADUNGAW sa terrace si Janice nang marinig ang malakas na tawanan. Sumimangot siya nang makita si Damian at ang pamangkin ni Inang Arsenia na si Elisa na nagtatawanan habang nagbabalat ang babae ng mangga. Hindi naman kagandahan, sabi niya sa sarili habang pinagmamasdan ang dalaga. Pabilog ang mukha nito, makapal ang mga kilay, mahaba ang itim na itim na buhok at may malaki itong hinaharap na waring nais ipagduldulan kay Damian. Malanding babae, bubulong-bulong na sabi niya nang muling pumasok sa kusina para tulungan si Inang Arsenia sa paghahanda ng pananghalian. “Malapit lang ho ba dito ang bahay ng pamangkin nyo?” Tanong niya sa matanda, “Mukha talagang close na close sila ni Damian, ano po?” “Isang sakay lang ng jeep dito ang bahay nina Elisa pero madalas, dito yan natutulog lalo na kapag lumuluwas ng Maynila ang mga anak ko. Kagabi nga sana’y sasamahan niya kaming mag-asawa dito, kaso’y ginamit mo ang kwartong tutulugan sana niya.” Anang mat
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na