Napalunok pa si Sky habang tila nababaliw na sa kaiisip. Iginala pa niya ang mga mata sa paligid para lang masigurong hindi siya pinagtitinginan nang mga tao dahil sa ekspresyong nakalarawan ngayon sa kanyang mukha.
She knew her eyes were almost bulging out of their sockets. And it was all because of this freakin’ letter! This was clearly made to torment and haunt her!
Huminga muna siya nang sobrang lalim… mas malalim pa yata sa balon ni Sadako bago muling ipinagpatuloy ang pababasa.
Don’t you dare forget me, Sky Isabelle. We’re married and you’re mine alone! I don’t know how I’ll be able to do it… but I’ll find you… I promise I’ll come back to you. Every beat of my heart is yours, remember? Forever and always still stands, My Love. So don’t you ever dare love another man other than me.
Sinalubong kaagad si Sky ni Maymay. Mula sa ‘di kalayuan ay natatanaw niya sina Kaloy at Mang Imo. Kasalukuyang may kausap na dalawang batang lalaki ang mga ito. Hula pa ni Sky ay nasa kinse o disisais anyos lamang ang isang binatilyo samantalang ang isa naman siguro’y nasa sampo or onse lang.“Ate, mabuti at hindi ka pa nakakasakay nang bus.” Bungad kaagad nito sa kanya.Atubiling ngumiti si Sky sa dalaga habang panaka-naka ay tinitingnan ang kinaroroonan nang apat. “Oo nga, eh. Sakto lang talaga ang pagtawag mo. Kararating lang nang bus na dapat sana ay sasakyan ko.”Hindi rin niya napigilang igala ang paningin sa paligid. Nasa labas sila nang isang nakatiwangwang na gusali isang bloke ang layo mula sa pampublikong ospital na pinagdalhan kay Miguel at Tatay Temyong. Sa hal
“Sky, where are you? Akala ko ba sa akin ka muna makikitira? Why aren’t you here? Are you having a hard time commuting? I can come and pick you up you know.” Pambungad kaagad sa kanya ni Charlie nang tawagan niya ito. Ni hindi pa nga siya nakakapag-hello rito ay sunud-sunod na kaagad ang pagsasalita nito. Her friend’s voice was laced with so much worry. Tuloy ay bigla siyang nakonsensya para rito. Malalim na kasi ang gabi nang maalala niyang tawagan ang kaibigan. She knew her friend was already worried sick dahil ni hindi na siya nakapagtext dito gaya nang nauna nilang usapan kapag nakarating na siya nang Maynila. But well… yun’ nga… she’s nowhere near Manila. “Charlie… the truth is---” “Oh no… don’t tell me nasa San Bernardino ka pa rin?!” Bulalas nito. Rinig pa niy
Nakatulala lang si Sky habang nakatitig sa malawak na ilog. It was already past 11 pm ngunit heto siya at nasa labas pa rin. She couldn’t sleep… ni hindi rin siya nakakain nang maayos kanina. All she could ever think about was her father… Wala sa hinagap niya na magkakaganoon ito. It’s just hard to imagine na ang isang kagaya nito ay dadapuan nang sakit o manghihina. Sky used to think of her father as the same level of an immortal being. Para itong makina na walang tigil sa kakatrabaho. He never got sick… or at least, she never saw him sick… never saw him cry… never saw him get hurt… wala siya ni minsang maalala sa buhay niya na nakita niya itong mahina. To her father, showing emotions made a person weak. Oras na makakitaan ito nang kahinaan, pakiramdam nito ay gagamitin iyon nang mga kakompitensya nito sa negosyo laban dito. That was how he raised her, too.
“Kamusta po kayo ni Tatay Carlos, Nay?” Hindi napigilang mapangiti ni Sky habang kausap ngayon sa cellphone ang matanda. Kahit na hindi pa nito makita iyon ay nagagalak pa rin siyang marinig ang boses nito. “Ayos naman kami rito, iha. Salamat sa mga tulong mo sa amin. Heto at tuloy-tuloy na ang pagpapatherapy ni Tatay Carlos mo.” “Wala ho iyon, Nay. Kagaya nga nang pangako ko bago ako umalis, hindi ko kayo pababayaan. Kahit na malayo ako sa inyo, basta kung may kailangan kayo, ‘wag kayong mahihiyang magsabi sa’kin, ha?” Paalala pa niya rito. “Naku… ‘wag mo kaming masyadong isipin dito. Alam kong abala ka pa rin sa pag-aasikaso nang negosyo ninyo. Ikaw nga diyaan ang inaalala namin, eh. Kumakain ka pa ba sa tamang oras? Baka mamaya niyan ay puro trabaho na lang din ang inaatupag mo.”
Sky glanced back and forth at the photograph and then to the sleeping form of her father. In a state of utter daze, she tried to rack her brains from any memories she had of when and where the picture was taken. But no matter how far she looked back on her mind, she really had no recollection of it or whatsoever. And as Sky was silently trying to gather her thoughts, hindi niya napigilang igala ang paningin sa kabuoan nang kama nang kanyang ama. Noon lang napansin nang dalaga ang isang maliit na wooden box sa tabi nito. It had the initials ‘AI’ engraved on top of it. One prominent thing that was noticeable about the box ay ang kalumaan niyon. Na tila ba ilang siglo na iyong hindi nakakatikim nang barnis o kahit anumang alaga galing sa may-ari. There are also areas on the edges of it that had been chipped. Hindi mawari ni Sky kung nahulog ba iyon mula sa
Napasinghap siya dahil sa mga salitang binitiwan nito. All the anger she felt seemed to have been drained out of her as she heard what her father just said. Pakiramdam pa niya’y nanghihina siya sa rebelasyon nitong iyon.Her father let out another shaky breath. Guilt was written all over his face as he had this faraway look in his eyes.“Kung maibabalik ko lang sana ang mga oras… If only I was there that night… if only I did not leave the party early… siguro ay hindi nangyari lahat nang ‘to. Siguro ay buhay pa sana siya ngayon… She and that man would’ve been able to spend their lives together… Ang dami kong sana, Sky… and even after more than 30 years… I still carry that guilt and regret in my heart…”Heneroso Bus
“Is this for real?!”Halos magkakasabay na bulalas nang mga kaibigan ni Sky. She had also just finished telling them the story about what happened several days ago between her and her father. Well, all except the New York University part… since hindi pa naman niya iyon lubusang napapag-isipan.Ava, Chiena, and Jax were now staring intently at the picture she placed in front of them. And from the looks of it, the longer they tried to gaze at the photograph, mas lalo lang din nanlalaki ang mata nang mga ito. Well, liban na lang marahil kay Julienne na noon ay kalmado lang na sumisimsim nang inorder nitong cold lemonade.They were all currently sitted inside The Delirium, ang bar na pag-aari ni Chase, who was Charlie’s first and only love. And speaking of Charlie, mukhang MIA yata ito nga
“If none of you are going to help me, then I might as well do it myself.” Nakasimangot na turan sa kanila nang kaibigan. Kinuha nito ang sariling cellphone at hinanap mula sa list of contacts ang numero ni Charlie. She then pressed the call button at ilang sandali pa ay nag-ring na ang kabilang linya. Natahimik naman sila habang pinapakinggan kung sasagutin ba nito ang tawag. Ngunit makalipas ang pang-anim na ring ay hindi pa rin sinasagot nang dalaga ang cellphone nito. It just rang… and rang some more. Chiena sighed dejectedly as she stared up at each of them. Akmang pipindutin na lang sana nito ang end call button nang sa wakas ay tila nahahapong sagutin na iyon ni Charlie. “I told you a million times, I won’t be going.” Pambungad kaagad nito. Out of nowhere