Miguel P.O.V.
“Mabuti naman kung ganun’. Itong resulta nang mga pagsusuri sa’yo, lumalabas namang normal lahat kaya wala tayong dapat ipag-alala.” Ani Dr. Lagro habang inilalagay na ang stethoscope sa tainga.
Humugot siya nang malalim at sunod-sunod na paghinga nang magsimula itong ipatong ang bilog na dulo niyon sa kanyang dibdib. Naglabas din ito nang pen light at itinutok iyon sa kanyang mga mata. Matapos ay sinuri naman nito ang noo’y nakabenda niyang sugat. His wound needed to be sutured because it was deep enough to penetrate the internal layers of his skin and damage some blood vessels.
“Mamaya lang ay may pupuntang nurse rito para linisin iyan. Hindi na naman namamaga kagaya kahapon. Basta’t ipagpatuloy mo lang ang pag-inom nang nireseta kong antibiotic.” Dagdag pa nito.
Katatapos lang dumaan nang gabing maladelubyo ang hatid nang hangin at pag-ulan. Maagang nagising si Temyong upang sana’y silipin ang kanyang mga itinaling panggal sa mga puno nang bakawan. Nilalagay niya ang mga iyon malapit sa may bukana nang ilog palabas na sa may karagatan. Karaniwan kasing naglalagi roon ang mga alimango lalo pa’t malayo ang lugar sa mga kabahayan at hindi nagagambala ang mga ito roon. Matapos mainitan ang tiyan sa paghigop nang kape ay dali-dali siyang nagtungo sa parte nang ilog kung saan nakatali ang kanyang munting bangka. Lumulan na siya roon at tahimik na nagsagwan papunta sa may bukana nang ilog. Naraanan niya ang mga malalaking sanga nang mga kahoy na palutang-lutang sa ilog. Hindi na lang napigilang mapailing nang matanda. Wala talagang nag
Tatlong araw na ang lumipas buhat nang madala nila sa ospital ang binatang estranghero. Kahit papaano’y bumubuti na ang lagay nito at tuluyan nang humupa ang lagnat. Magkagayon ma’y nananatili itong parating mahimbing na natutulog at panaka-naka lang ang paggising upang makahingi nang tubig. Saglit pang napatunganga rito si Kaloy bago ibinalik muli ang atensyon sa binabasa. Pilit niyang pinag-aaralan ang kanyang libro sa eskwela ngunit kanina pa walang pumapasok sa kanyang isipan. May takdang-aralin kasing binigay ang kanilang guro at pilit niyang iniintindi ang kanyang binabasa. Siguro’y magtatatlumpong minuto na siyang nananatili sa parehong pahina. Napabuntong-hininga na lang siya. Sa totoo lang ay medyo nababagot na siya sa pananatili sa ospital. Halos bahay na niya iyon dahil parating siya ang nakatokang magbantay sa binata. P
Kasalukuyang nakatunghay si Lily sa labas nang bintana. Pumapailanlang sa katahimikan nang gabi ang mga pinong patak nang ambon sa bubungan nang bahay. Lagpas hatinggabi na ngunit heto siya’t hindi na naman dalawin nang antok. Laman pa rin nang kanyang isip ang naging pag-uusap nila kanina ni Miguel. Sa lahat nang mga sinabi nito, there is just this one realization that keeps on coming back to her: He has amnesia. Sure, it was easy to say that she wanted to get to know him. Madaling sabihing hindi mahalaga kung ano pa man ang naging nakaraan nito, ngunit iyon ba talaga ang tunay na nararamdaman niya? Hindi nga ba talaga iyon mahalaga? His past is unknown. There could be a million things hidden there. Halimbawa, papaano na lang kung…. may asawa pa lang naghihintay sa lalaki? Papaano kung hindi na pala
Kinabukasan ay maaga muling nagtungo sa ospital ang dalaga. Tulad kahapon ay nagluto rin siya nang mga pagkain upang madala para sa binata. Hindi napigilang mapabuntong-hininga ni Lily habang tangan ang bag na may lamang mga pagkain. Just last night, she was questioning her feelings for Miguel. Pero heto siya ngayon at pilit pa ring bumabalik sa tabi nito. What am I even doing? Tama bang nagpunta-punta pa ako rito? Atubili siyang nakatayo sa labas nang kwarto nang binata. Ngayon ay tanging manipis na sementong pader at kahoy na pintuan na lamang ang nagbubukod sa kanilang dalawa. Muli siyang napasulyap sa dalang pagkain. Well....masasayang naman ‘to kung wala ring kakain. Minsan pang huminga nang malalim si
“Lily…” Miguel’s voice was like honey to her ear. Pakiramdam nang dalaga ay sabay-sabay na nagsitayuan ang mga balahibo niya sa boses nitong iyon. Hindi rin nakakatulong sa kanyang imahinasyon na ngayon ay tuluyan na silang napagsolo. Gyaaaaaah! Tumigil ka! Istaaaap! Nasa ospital kayo, ene be! Sa halip na lingunin ito ay dumiretso siya sa banyo upang hugasan ang mga nagamit nilang kubyertos. She did her best not to be tempted to take a glimpse of the alluring man lying on the hospital bed. Napahinga pa siya nang malalim nang sa wakas ay nasa loob na siya nang banyo. She felt the safe sanctuary temporarily offered by the four walls of the tiny comfort room. Lily tried to clear her foggy mind habang nasa loob.
“Naku… Kanina pa nakaalis si Kuya Migz, Ate. Sayang at hindi kayo nagpang-abot.” Kunot-noo pang sagot sa kanya ni Kaloy. Katatapos lang nang pananghalian nang mga oras na iyon at dahil tirik na tirik ang araw ay pawisan na ang binata. Kahit pa malilim sa parteng iyon nang bakuran nina Mang Temyong, hindi pa rin naiibsan nito ang maalinsangang hapon. Beads of sweat were dripping from the young man’s forehead. Pasimpleng pinunasan iyon nang binata gamit ang likod nang palad nito. Nababakat na rin ang katawan nito sa suot na long sleeve t-shirt. Mukhang naabala pa yata niya ito sa ginagawang pagsisibak nang kahoy. It had only been a week since Miguel was discharged from the hospital ngunit heto siya ngayon at mukhang maha-highblood na sa sobrang kunsumi rito.
Mabilisan ang naging pagkilos nila nang binata. Patakbo nilang tinungo ang kagubatan upang maiwasan ang mga pinong patak nang ambon. Ewan ba niya pero kanina lang ay kay ganda naman nang sikat nang araw. Ngayon ay heto ang kalangitan at tila may plano na naman yatang pagsakluban sila. Kilig na kilig pa man din sana siya sa moment nila nang binata. Pakiramdam niya kanina, para silang nasa shooting nang pelikulang napakaromantiko nang tema. It felt like time stood still at tanging silang dalawa lang ang mga taong nabubuhay sa mundo. Everything else was just background noise. Kulang na lang ‘yung pa-soundtrack nang “A Thousand Years” at dadaigin na nila sina Bella Swan at Edward Cullen sa ending nang Breaking Dawn. Pero iyon nga’t biglang kumulimlim ang panahon. Dark and thick clouds started to hover over them. Not before long, it started drizzling.&
Nahigit nang dalaga ang hininga nang tuluyan nang makarating sa rooftop nang gusali. What greeted her was a complete 360° full view of the mountain tops. Dahil nasa gitna nang lugar ang gusali ay malaya niyang nailibot ang paningin sa kabuuan nang tanawin. And oh, just look at the sea of clouds hovering beneath the sunset. Nagkukulay ginto pati ang mga ulap dahil sa sinag nang araw. Kay gandang pagmasdan nang pagsasabog nang kulay sa kalangitan… at ang pag-aagaw nang liwanag at dilim. Truly, this was a magical experience for her. Pansin niyang maging ang binata ay tila ganoon din ang nararamdaman. Miguel was also staring up ahead. Tinatangay pa nang marahang ihip nang hangin ang buhok nito. He had this contented look in his face as he basked in the glory of the sunlight. Nasa unahan ito nang dalaga at kasalukuyang nakatalikod sa kanya. It gave her full