These past few days, Selena and Elmhurst have been hunting every half-blood roaming around when nighttime arrives. Pagkatapos nilang umalis ng isla ay wala silang ginawa kundi ang maglibot. Lahat ng galit niya ay ibinunton niya sa pagpatay sa mga kalahi ni Halen. She's furious and angry.She killed them mercilessly and ruthlessly. Either whacking their skull and crushing it into pieces or digging their heart and letting it burn to her flames. At kung hindi naman ay puputulin niya ang ano mang parte ng katawan nito at pagkatapos ay hihintayin niya hanggang sa mag-umaga at ang sikat ng araw ang susunog sa kanila.Lahat ng mga ginagawa niya ay tahimik lang si Elmhurst at sinasamahan pa siya sa kabaliwan niya. Tutulungan siya sa mga nais niyang gawin at ginawa nilang laro ang pag-torture sa mga nahuhuli nila. Aware siya na trap ang ginagawa nila. Dahil bakit naman nila hahayaan na lahat ng mga kalahi nila ay huhulihin nila at papatayin. Lalo pa at ang mga nahuhuli nila ay may mga lugar s
“I want to go there alone,” wika niya.Kasalukuyang nakahiga silang dalawa ni Elmhurst sa bubong ng isang bahay dito sa tribu. Nakatanaw silang dalawa sa madilim na kalangitan. At ngayong gabi ay maraming bituin na kumikinang doon.Dapat sana ay umalis na sila rito pero nagdisisyon siyang mantili muna sila rito ng dalawang araw. Nakita niya kasi ang mga sinira nina Zaria rito at gusto niyang ayusin nila ito ni Elmhurst. Kahit na wala na ang mga taong nakatira rito ay kung totoo man ang sinasabi ng mga tao na nakikita pa rin nila ang nangyayari rito ay maging masaya sila.Pinuntahan nila kanina ang tinatamnan ng mga bulaklak na naamoy niya kanina. Flower farm pala iyon at hula nila ay ito ang business ng tribung ito. Hindi naasikaso ang farm at marami na itong damo. At ibang bulaklak ay nalanta na rin. At ito ang unang inasikaso nila kanina at natapos nila within an hour.Ang isusunod naman nila ay ang mga nasirang bubong ng bahay at kapag tapos na sila ay saka sila aalis. At balak niy
“Still haven't heard some news from them?” tanong ni Arjoe kay Clark na pinupunasan ang kamay ng natutulog na si Lira.Ang mga pasa sa mukha nito ay hindi pa tuluyang nawawala. Ang malaking peklat naman sa pisngi nito ay palaging nilalagyan ni Clark ng scar remover na ointment. May fracture ang ankle nito kaya naka-bandage.“No. Pati ang link natin ay nakasara at hindi ko siya makausap. That twin of mine is really something. Baka sa oras na ito ay nagbabangayan na naman sila ni Elmhurst,” tugon ni Clark at inalalayan na maupo si Lira. Alagang-alaga ng binata ang huli at halos ayaw nitong iwan ito.“Kuya, nauuhaw ako,” mahinang wika ni Lira at agad naman na kumuha si Clark. Bakit ‘pag sa batang ito ay lumalabas ang pagiging protective nito? Pero ‘pag sila ang kaharap ay ni hindi man lang marunong ngumiti.“Kid, do you think he's handsome?” nagbibirong tanong niya kay Lira.Matalim na tinignan siya ni Clark habang namula naman ang mukha ng dalagita.“Umalis ka na at hanapin mo sila. Hin
Madilim-dilim pa nang lumakad na sina Selena paalis ng tribu. Natapos na nilang ayusin ang mga nasirang bahay. Pati ang nasunog na bahay na iyon ay muli silang nagtayo ng binata. She already memorized the structure of the house. Kaya naman kung ano ang hitsura ‘nun ay ganun din ang ginawa nila. Walang naging sagabal sa kanilang trabaho kaya naman agad nila itong natapos. Pinaganda pa nila ang ibang bahay at nagtanim ng bulaklak sa harap ng mga ito.At habang nagtatrabaho sila ay nabanggit nito ang bahay na pinasukan ng dagger nito noong unang araaw nila rito. Ang mga nakalagay daw doon ay mga kalansay ng mga tao. At isang wild na hayop lang ang pala ang gumawa ng ingay. Kaya naman gumawa sila ng mga libingan sa likod ng mga bahay at doon nila inilibing ang mga iyon. Hindi man nila kilala ang mga tao rito ay nagbigay sila ng tribute.Malayo na nag nilakad nila. Oo, naglakad lang talaga sila sa halip na gamitin nila ang speed na taglay nila. Sinasamyo nila ang malamig at malinis na hang
Nakamasid si Selena sa binata nang umagang ito. Alam niyang hindi ito tulog at nakapikit lang. Aware ito na pinagmamasdan niya ito. Pero wala siang pakialam. Bakit pa siya makakaramdam ng hiya kung nagawa na nila ang mainit na tagpong iyon kagabi. Nais lang niya itong titigan. Dahil habang ginagawa niya ito ay nababalotan siya ng hindi matatawarang saya. Naghahatid din ito ng mga alaala ng lahat ng maliligayang panahon simula nang ligawan siya hanggang sa kasalukuyan.Binigay ng binata sa kanya ang matagal na niyang minimithi. Ang taong magiging tapat sa kanya at hindi siya tatalikuran. O kaya ay ippagkakanulo katulad ng mga mortal na naging kaibigan niya. Naging totoo siya sa kanila pero ang naging sukli ay ang pagtatraydor nila. At hinangad ang buhay na mayroon siya. Maliban kay Yuan noon na anak talaga ng isa sa mortal na naging tapat sa pamilya nila. Lahat ay naging taksil pa rin sa kanya at umanib sa kaaway nila.Pero si Elmhurst na kahit nagalit ito at inignora siya ay hindi pa
Selena imposingly entered their house. She even flipped her hair and then snorted. At nang makita niya ang mga kuya niya na hinihintay ang pag-uwi nila ni Elmhurst ay napaarko ang kilay niya. Animo iinaasahan na talaga nila na ngayon oras mismo sila makakarating.Lumipat ang tingin niya kay Roland na seryosong nakatingin sa kanya. Itinaas niya ang noo at nilabanan ito ng tingin. Pero kapuna-puna sa reaksyon nito na wala naman talaga itong balak na makipagtalo sa kanya.“Istupido!” she chastised. Nakita niya na nahihirapan din ito sa kinasusuungan nitong sitwasyon at hindi rin pala niya magawang kutyain ito ng labis.“Kararating mo pa lamang ay iyan ang agad na lalabas sa bibig mo,” ang may disgustong wika ng kanyang kuya Arlon.“Bakit, hindi ba tama naman ako? His stupidity will bring disaster to his life,” masungit na ganti niya. “Noong sinabi ni Mama na may isa sa atin ang may taglay ng pinakamalambot na ugali ay siya agad ang unang pumasok sa utak ko. At tama ako, ‘di ba?”Tumayo s
Nakaupo si Halen sa sahig at nakasandal sa dingding ng sandaling ito. Hindi siya hinang-hina katulad noong unang ikinulong siya rito. Simula nang isaksak ni Roland ang dugong iyon sa dibdib niya ay napansin na niya ang kakaibang pagbabago sa kanyang katawan. At dahil half-blood siya ay kailangan niyang uminom ng dugo sa tuwing nagugutom siya. Hindiniya kayang kontrolin ang thirst niya. Subalit ngayon lamang nakaraang dalawang araw ay may bagay na nagbago sa kanya.She's not as thirsty as she was used to be. Even her senses became stronger unlike in the past. Noon kasi aware siya na mahina pa rin siya. At ang alam niya ay dahil nga sa dugo nilang pagiging half-blood. Ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi rin niya hinangad na maging katulad ng mga Madrid. Strong and has abilities. Pero suntok sa buwan lamang ang umasang mangyayari ito.Her parents never hope that one day she will do something they can be proud of. Dahil nga mahina siya at hindi katulad ni Rowena. Sa isang undergroun
“What did he say?” tanong ni Selena kay Elmhurst nang makasalubong niya ito. Pababa ito ng hagdan papunta rito sa basement at hawak pa nito ang cellphone na ginamit nitong pangtawag ng police warden sa kulungan.Madilim ang mukha nito at halatang masamang balita ang narinig nito. Hinintay niyang makababa ito ng hagdan bago hinawakan ang kamay nito. Salubong ang kilay nito at taas baba ang dibdib sa pinipigilang galit. Narinig niya ang pag-crack ng nasirang bagay. At ng kanyang tignan ay ang cellphone pala na hawak nito ang nagkapira-piraso.“Kaninang umaga ang sabi ng warden may nagsabi raw na patay na ang aking ama. Kaya naman dinala siya sa morgue. Pero ng kanilang tignan muli ay bakante na iyon at wala na siya. Sinubukan nilang hanapin pero wala silang makita. Selena, alam mo ba kung ano ang agad na pumasok sa utak ko. Pinagtagpi-tagpi ko lahat. Two months ago nangyari ang aksidente ni Mama. Ang buwan din na iyon nag-drop si Reese—”“Si Reese at si Rojas ay iisa,” pagtatapos niya s