Nang bumaba si Selene at pumunta sa kusina ay naabutan niya si Rolphf doon na may hawak na kopita at nagbabasa ng dokyumento. Naupo siya sa katapat nito at nangalumbaba. Pinagmasdan niya ang seryosong mukha nito.
Maayos ang itim na itim na buhok nito na natural na makinis at kahit hindi magsuklay ay hindi man lang nagugulo. Masyadong maarte ang Kuya niya pagdating sa sarili kaya hindi nito hinahayaang magulo ang buhok at damit nito."Don't just look at me and tell me what you want," hindi nag-aangat ng mukhang saad nito.Umayos siya ng upo. "Kuya, gusto kong doon sa west dorm tumira. Pwede ba akong kumuha ng black identity card?"Napa-angat ito ng mukha at matiim siyang tinignan. "Don't you want to stay here?""It's not that, Kuya. Ayaw ko lang na malaman ng iba na isa akong Madrid. I don't want them to approach me because of that. Isa pa, marami kayong admirer baka gawin pa nila akong messenger—""Selena—""Ah?" Itinaas niya ang kamay. "I want to be an ordinary student," she quickly interrupted."Ordinary? Are you sure? Akala mo ba hindi ko alam na gumawa ka ng kalokohan kahapon. What if manggulo ka na naman sa dormitory at takutin mo ang mga estudyante roon," singit ni Ralphf na pumasok ng kusina."I won't. Nangako ako sa inyo na hindi ko gagawin ang ginawa ko sa Tibara," nakikiuusap ang tonong wika niya."Alright! Pumunta ka sa registrar sa 6th floor ng Dahlia building. Tawagan ko na lang si Miss Nessy para bigyan ka niya. Ano bang apelyido ang gagamitin mo?" tanong ni Ralphf."Pwede ko bang gamitin ang apelyido ni Tito Diego?" umaasang bigkas niya."I'll call Tita Moira. Or maybe, Arjoe. Nasa Spain sila, they migrated there after you went to death sleep," ani Rolphf."Thank you, Kuya!" Tumayo siya at pinagsalikop ang kamay at bahagyang yumukod.Blangko ang mukha na hinagilap ni Rolphf ang smartphone nito na nasa tabi ng kopita at tinawagan si Diego. Ilang minuto muna nitong kinausap ang nasa kabilang linya bago ibinaba ang cellphone at tumingin sa kanya. "Hmm! Tito said you can't use it," flat na saad nito."But—"Rolphf shot her a sharp glance as a warning so she immediately pursed her lips. "I understand, Kuya. Papasok na po ako," paalam niya. Pinagsalikop niya ang kamay at yumukod bago laglag ang balikat na lumabas ng bahay. Nasa labas na ang apat na kuya niya at hinihintay siya."Hindi ako sasabay sa inyo. Mauna muna ako—" Lalampasan sana niya ang apat subalit mariing hinila ni Arlan ang braso niya."What are you planning?" He asked firmly.She sighed. "I want to stay at the dorm. Ayokong palagi kong nasisilayan ang mukha ninyo ni Kuya Rolphf. It gives me chills every time you look at me. Mas natatakot pa ako sa inyo kaysa kay papa na palaging nereregla."Nandilim ang mukha nito at matalim siyang tinignan. "Shameless!""What? Just by mentioning that 'nereregla' I'm already shameless? Normal naman 'yan—" With just a blink of an eye, she's already a meter away from him. Kung hindi mabilis ang reflexes niya ay tinamaan na siya ng pinakawalan ng kamay nitong blue flames. That's his ability, kung natamaan ka 'nun sa leeg mo ay panigurado, humiwalay na ang ulo mo sa katawan mo. Arlan called it Vindya Runya."That's enough! Are you going to kill each other?" saway ni Arlon sa kanilang dalawa."I'm going down first, don't follow me," saad niya at nawala na sa paningin ng mga kapatid.Wala rin naman siya sa mood na makipagbasagan ng mukha sa kapatid lalo pa at hindi natupad ang gusto niya.Saka lang siya naglakad ng normal nang nasa may pathway na siya malapit sa campus. Walang pagmamadali sa paglalakad niya, hindi pa naman siya excited na kumuha ng identity card. Pwede pa naman niyang kunin ang card mamayang hapon. Pinili niyang manatili muna sa dorm ng isla para malaya siyang gumalaw kahit ilang araw lang. Kung sa mansion kasi siya titira ay pepestehen lang siya ng magagaling na kapatid niya.Habang naglalakad, hinayaan niyang tangayin ng morning breeze ang itim na buhok niya. Iba pa rin ang klema ng Havilland dito sa Alta Tiero.Nahinto siya sa pagkukumpara sa klema ng dalawang lugar nang makarinig siya ng mahinang yapak sa may kabilang pathway. Ikiniling niya ang ulo upang tignan si Miles na agad ngumiti at kumaway sa kanya. Gusto sana niyang umiwas at huwag itong pansinin subalit tumakbo na ito palapit sa kaniya."Good morning, Selena!"Tinanguan niya ito. "Good morning.""Eh! Saang dorm ka pala nakatira? Para naman mapuntahan kita?" animo close na close sila na tanong nito.Bahagyang kumibot ang labi niya bago sumagot. "West dorm.""Really?" she exclaimed. "I also want to live in the west dorm but my grades are always low." Bumuntong hininga ito."Well…" Ito lang ang lumabas sa bibig niya. "It's not hard to achieve what you want if you try your best."She pouted and said, "I'm trying my best naman pero 'pag gusto kong mag-concentrate ay biglang lumilipad ang utak ko kay Arlan."Huminto siya bigla at sa halip na mag-excuse para maiwasan niya ito ay tinanong niya ito, "do you like him?"Nilinga siya nito. "You know him?" Napakamot ito sa batok. "'Yun nga lang hindi ko masabi kung sino sa kanila si Arlon at Arlan."She amusedly said, "you told me you like Arlan. If you can't tell who is whom, how can you say you like him?""Magkamukha naman silang dalawa kaya pwede na rin." Humagikgik ito.She shook her head. 'Human!'"Oh right! I'll accompany you to get your identity card," alok nitoUmiling siya at agad na tumanggi. Kung gusto niyang umiwas sa dalagita ay kailangan na niyang maglagay ng pader sa pagitan nila. Kahit halatang gusto nitong maging kaibigan siya ay hindi niya mapapayagan ito."Ayaw mo talagang samahan kita?" pangungulit nito at akmang hahawakan siya pero pasimpleng umiwas siya."Mamaya ko pa sana kukunin," dahilan niya kaya napanguso ito."Bakit mamaya pa? Samahan kita," giit nito kaya napipilitang tumango siya.Thirty minutes pa naman ang bell kaya pumunta na sila sa faculty ng Dahlia building sa may last floor. Pinili nilang dalawa na sa elevator sila sumakay para mas madali silang makarating sa faculty.Nang kumatok si Miles sa pinto at pumasok ay sumunod siya. "Good morning po, ma'am," sabay na bati nila nang huminto sila sa mesa ng isang babae na nakaharap sa monitor ng computer.Nag-angat ng mukha ang professor. "Good morning!" Huminto ang mata nito sa kanya. "Miss Mad—""Selena po, Miss Nessy," she interrupted and simply glanced at Miles."Oh!!" Mukhang naiintindihan naman nito. Kinuha nito ang black card sa drawer at iniabot sa kaniya. Bago pa makita ni Miles ang pangalan niya ay naitago na niya sa bag ang card."Thank you!"Ngumiti ito at tumango. Nagpaalam na sila ni Miles at sumakay uli sa elevator."Ano nga pala last name mo?" Miles asked.Tinignan niya ito. "Kung sasabihin ko sa'yo, nangangako ka ba na huwag mong ikakalat?""Eh!! Bakit ko naman ikakalat?" nagtatakang tanong nito.She said jokingly. "My surname is priceless."Mahina itong tumawa bago itinaas ang kaliwang kamay. "Pangako!""Madrid," tinignan niya ang reaksyon nito."Huh—" clueless na sambit nito."My surname is Madrid," ulit niya.Miles's jaw dropped and her eyes widened in bewilderment."Come on," yakag niya rito at lumabas ng elevator.Hindi pa rin nawawala ang gulat sa mukhang sumunod si Miles sa dalaga.Inaantok man ay pinilit pa ring pumasok si Elmhurst. Hindi kasi siya pwedeng lumiban sa klase dahil ayaw niyang masira ang records niya. Simula ng tumaas ang grado niya at makalipat sa west building ay tinuring na siyang isa sa role model ng block nila. May mga dati kasing nakatira sa west building ngunit biglang nailipat sa pula o puting building dahil sa pagbaba ng grado nila.Nang maupo siya sa bakanteng silya ay nakangising tinignan siya ni Jones."Man, how many rounds did you do it last night? Bakit ang itim ng palibot ng mata mo? Nagmukha kang panda."Pabirong binigwasan niya ito. "Sino naman ang kasama ko? I'm single.""Eh? Hindi mo ba girlfriend si Miles?" takang usisa nito.He laughed. "Nope! We're friends""I thought—" Jones touched his nose."Si Arlan ang gusto 'nun," kibit balikat na wika niya."Ah!! Every girl admires and likes the Madrid brothers. I'm just wondering if meron ba silang kapatid na babae," wika nito.He rub his eyes and yawn. "Walang napabalitaang may kapatid silang babae. Kung meron man siguro nasa ibang bansa." Sumobsob siya sa mesa niya.Jone pokes his cheeks. "Elm, huwag kang matulog dito. Pag-usapan natin si Selena. Geez!! Everywhere, they are talking about her. Especially her eyes. Man, she's very beautiful like a jade."Ikiniling niya ang ulo para tignan ito."Do you also like her like them?" tanong nito.Mahina siyang tumawa. "Ako? Nagpapatawa ka ba?"Tinaasan siya nito ng kilay. "Hindi nga ba?""No… I'm not…"Tumaas lang ang sulok ng bibig nito bago tumingin sa may pinto.Pumasok doon si Selena at nakasunod naman si Miles na kinukulit ito."Seriously, you're not bluffing?" pangungulit ng huli.Tumaas ang kilay niya, paano naging magkaibigan ang dalawa gayong kahapon lang sila nagkakilala?"Dummy, kung totoo ang sinabi ko. Titira ba ako sa west dorm?"Narinig nilang sabi nito at naupo sa isang silya."Akala ko talaga—" The excitement in Miles face quickly change into disappointment."Hmm! Let's try visit—"Hindi niya narinig ang huling katagang sinabi nito dahil bumuka lang ang bibig nito at may ibinulong kay Miles."Hindi ba bawal 'yun?" nag-aalalang tanong ni Miles."Of course not! Wala naman silang sinabi na bawal ang pumunta 'run. Trust me, if something happens. Hindi ko hahayaang maparusahan ka," assurance nito.Bumalik na ang excitement sa mukha ni Miles bago tumango.'Ano ba ang pinag-uusapan ng dalawang ito?'Parang narinig ng dalaga ang katanungan sa isip niya kaya luminga ito sa kanya at bahagyang tumango.He didn't expected this so he was dumbfounded. Ang unang impresyon niya sa dalaga ay snub ito ngunit mukhang nagkamali siya."Elmhurst!!" ang lapad ng ngiting tawag ni Miles sa kanya pagkatapos makontento sa kung ano mang pinag-uusapan nila. Naupo ito sa silyang nasa pagitan ng dalawang silyang inuupuan nila ng una."You really have thick skin!" he whispered.She just pouted. "Bawal bang makipagkaibigan kay Selena. Hindi naman 'di ba?" Sinulyapan nito ang huli na nasa labas na naman nakatutok ang tingin.Mahinang pinitik niya ang noo nito. "Behave! She's a newbie here. Baka matakot siya sa kadaldalan mo at biglang lumayas.""She won't," siguradong saad nito."Miles—" mahinang saway niya rito.Sumimangot ito at umaktong nag-zipper ng kaniyang bibig.Napailing siya, sa kakulitan nito siguradong magsisisi ang huli na tinanggap nitong kaibigan ang una.Pagkatapos ng klase nila ng araw na 'yun ay hinila ni Miles si Elmhurst at sumunod sila kay Selena na tahimik lamang at hindi sila sinaway. Nagulat siya ng huminto ito sa harap ng west building at nilingon silang dalawa. Ang mga mata nito na animo tagos hanggang sa buto ay bahagyang tumutok sa kaniya bago nito kaswal na binawi iyon.Tumikhim siya nang dumako ang mata nito sa kanya. Bakit ba pakiramdam niya ay kaya nitong basahin lahat ng nasa isip niya at nakikita nito pati ang buto niya sa katawan? At parang gusto niyang panindigan ng balahibo sapagkat parang sa mata nito ay isa siyang delicacies na gusto nitong kainin.Selena's lips twitch before continuing to walk and enter the dorm's lobby."I have to tidy up my room first before we go. Just give me half an hour. Hintayin mo muna ako rito o kaya ay sa room ni Elmhurst," sabi nito kay Miles habang naglalakad ito palayo.Ngumuso ang huli na halatang nadismaya na hindi ito isinama ni Selena. "Hindi ba ako pwedeng sumama sa'yo sa magi
Napasunod ang mata ng dalawa sa dalaga na hindi na sila hinintay para sabay silang pumasok. At kahit na walang pagmamadali sa mga kilos nito at nag-iisa lang ito ay parang wala itong pakialam. It was as if she's already used to being alone. Watching her receding back was still radiant and not lonely at all."That sign! So strange," Miles commented. Animo napapa-isip pa ito ng malalim."That? Huwag mo nang bigyan pansin at pumasok na tayo sa loob," saad ni Elmhurst at nagpatiunang naglakad papasok. Pero agarang huminto siya at mabilis na nilinga ito nang marinig ang sumunod na lumabas sa bibig ng kaibigan."I'm going to cook dinner for tonight—""Don't think about it! Walang kakain sa mga lulutuin mo," mabilis na putol niya rito. Bakas pa ang labis na pagtutol sa kaniyang mukha. Natikman na niya minsan ang luto ni Miles at halos dalawang araw na masama ang kaniyang tiyan.She pouted. Hindi maikakaila ang disappointment sa mukha nito. "I want to cook food and invite Selena to eat with u
Lulugolugo at laglag ang balikat na naupo sa upuan si Miles at ipinakita kay Elmhurst ang papel na sinulatan ni Selena. Tinignan niya iyon bago bumalik sa mukha ng dalaga na parang maiiyak. Napaarko ang kilay niya kung bakit parang down na down ang kaibigan."Elm, p-pati ba pakikipagkaibigan ay kailangan din ng quiz?" she ask teary eyed.He snickered when he heard that. "Bakit? Ano ba 'to?"Suminghot ang dalaga at pinunasan ang imaginary na luha nito kaya napailing siya. "Ang sabi niya 'pag daw nasagot ko ng tama ito ay sasamahan niya tayo sa Vermillion falls."Mahina siyang tumawa at binalik ang papel dito. "Sagutan mo na para masamahan ka niya," pinagdiinan niya ang huling kataga bago ngumisi at itinuro pa ang papel."Paano ko sasagutin 'to, anong gagawin ko sa mga arrows na 'to?" maktol nito. Tama ang dalaga. Kahit sino ay malilito dahil sa mga sinulat ni Selena sa papel. Mga arrow ang mga ito at kung hindi mo talaga maiintindihan ay hindi mo makukuha ang tamang sagot."Try to foll
The weather is cold and the wind is quite strong coming from the West, but this did not stop Elmhurst. Pumunta pa rin siya sa shadow forest, ang pinakamalamig na bahagi ng Isla at may mga malalaking puno at wild flowers sa paligid. Karamihan sa kanila ay ayaw tumapak dito dahil sa lamig pero sa kaniya ay mas gusto niya ang pumunta rito kapag gusto niyang mapag-isa at magmuni-muni. After their P.E subject ay umuwi muna siya at nagpalit ng damit bago pumunta rito. Suot ang makapal na jacket, maong pants at hiking boots ay naglakad siya sa trail na sinadyang pinagawa ng mga Madrid para sa pamamasyal. Paminsan minsan ay umuuklo siya para hawakan ang isang bulaklak na kulay violet. Everytime na pumupunta siya rito ay palaging may paghanga at pagtataka sa mukha niya. Nakakapagtaka kase kung paanong ang bahaging ito ng Isla ang may maraming wild na bulaklak at hindi pangkaraniwang nakikita ng mga tao. Even the trees, para kang nasa fantasy world, mayayabong ang mga puno at ang mga ugat ng mg
Binubusisi ni Selena ang mga lumang gamit niya sa storage room ng kanilang mansion. Hinahanap niya ang mga gamit niya noon na nanggaling pa sa Havilland. Ito ay ang mga pala at pana na ginawa ng kanilang auntie Moira noon. They were all made out of jades and golds, and were preserved for more than a thousand years. Ang iba rito ay kagamitan ng kaniyang kapatid ngunit karamihan ay sa kaniya lahat.Dahil siya lamang ang nag-iisang babae na pinanganak sa kanilang bloodlines ay siya ang pinaka espesyal sa lahat. Nagbunsod nga ito para maging unrestrained siya at hindi kayang kontrolin nino man. Kahit ang magulang niya ay nabigyan niya ng sakit sa ulo dahil sa nga gawain niya. They can't force her to do something she doesn't want to do. They can't make decisions for her. Dahil ayaw niya ang napapakialaman.Tumaas ang sulok ng bibig niya nang makita niya ang tatlong klase ng pana sa may pinaka ilalim ng itim na storage box. They were made of black locust and hickory. At ang pinakapaborito n
Nakatayo si Selena at nakapuwesto sa may likuran ni Elmhurst. Kasalukuyang nandito sila sa indoor archery range ng ATI university at tinuturuan ang dalawa. Inaalalayan niya ang binata sa tamang posisyon nito nang bigla itong kumiling. Eksakto rin na napatingin siya rito kaya nagtama ang kanilang mata na dalawa. Kahit may dalawang sentemetro ang layo ng katawan at mukha nila ay nagkaroon pa rin ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Lalo na kay Elmhurst na biglang lumakas ang kabog ng pagtibok ng puso nito.Dahil natural na kay Selena ang poker face ay hindi halata sa kaniyang mukha na alam niya ang nararamdaman ng binata. Sinadya pa niyang makipagtitigan dito. And she saw his eyes contracted. The atmosphere around him started to rise. At ang dulo ng taynga nito ay kita niya ang pamumula 'nun. Kumibot pa ang labi nito kasabay nang paglunok nito. Dumako ang mata niya sa lalamunan nito at nang makita ang pagtaas baba ng adams apple nito tanda na hindi na ito komportabli ay bahagya na siyan
Nakasandal si Elmhurst sa dingding ng elevator at humihikab. Kagigising lamang niya at lalabas lang siya para pumunta sa canteen at bumili ng kaniyang agahan gamit ang meal card niya. Lahat kasi silang nag-aaral dito ay umaasa na lang sa canteen para sa kanilang pagkain, mula agahan hanggang sa hapunan.Muli siyang humikab at pumikit. Hindi niya narinig muli ang bulong na iyon pero late pa rin siya natulog. Nag-invite kasi ng laro ang kaibigan niyang si Reese at hindi nila namalayan ang oras at umabot sila hanggang sa alas tres ng umaga. Hanggang sa nag-victory ang team nila at nakuha nila ang perang pinanalunan nila. Kaya ito at inaantok pa rin siya. Wala silang klase ngayon dahil linggo naman at kung hindi lang nagreklamo ang tiyan niya ay hindi siya gigising.Nang huminto ang elevator at bumukas ay hindi pa rin siya nagmulat ng mata nang may sumakay. Nakapikit pa rin siya pero naririnig niya ang boses ng dalawang taong nag-uusap."Nagulat ako kagabi nang late akong umuwi. Pagtingin
Selena's gaze fixed on Elmhurst's beautiful and toned body when he unbuttoned his shirt. Dahil sa pagsaboy niya ng tubig dito ay nilamig ito kaya kinailangan nitong alisin ang pang-itaas. Hindi lang niya inaasahan na sa ganitong edad ng binata ay may perpekto na itong hubog ng katawan. Hindi halata iyon kapag nakasuot ito ng damit. Parang ang payat nito pero ngayon na lumantad sa kaniyang paningin ang hubad nitong katawan ay nagkamali siya.He has broad shoulders and toned muscles. It was all beautifully defined. His well built curves were so attractive and sexy that a woman wanted to touch and hug. Sa may bandang abdomen nito na parang ang sarap paglawayan dahil sa abs nito. At kung dadako ang mata mo sa mukha ng binata ay mas lalo pang nakakaakit dahil sa angking kaguwapuhan nito.Natigilan ito at napatingin sa gawi niya. Hindi man lang siya nahiyang tinitigan pa rin ito at tumaas pa ang sulok ng kaniyang labi. Akala niya ay mahihiya ito katulad kanina pero humarap pa ito sa kaniya.
Ang malaking kastilyo ng mga Madrid sa Havilland ay ngayon ay napapalamutin ng mga bulaklak na tinatawag nilang vermilion flower. Ang mga utusan ay abala sa pag-aasista ng iba pang mga bisita at pag-aayos ng mga gamit sa labas at loob ng malawak na bulwagan. Habang ang mga bisita ay nagkumpol-kumpol at nag-uusap ukol sa kasal ng nag-iisang babaeng anak ng kanilang pinunong si Lukas at ang reyna na si Maxine. Ang dalawang mag-asawa ay kahapon pa gumising sa kanilang mahimbing na pagtulog upang basbasan at saksihan ang kasal ng kanilang anak.Ang priestess na siyang magkakasal kay Selena at ai Elmhurst ay wala ring iba kundi si Maxine. Dahil siya lamang ang nag-iisang naiwan na elves mula sa kanyang angkan. Ang kanyang ina na si Daeia ang dating may mataas na katungkulan bilang priestess ng Havilland. Ngunit nang ito'y pumanaw at piniling maging hangin ng Havilland para bantayan ang nasabing lugar ay akala nila'y naputol na ang angkan nito. Pero dumating si Maxine noon na siyang nag-iis
Pagkalapag ng aircraft sa helipad ng gusali sa Alta Tiero ay agad na bumaba silang lahat. Pagtapak pa lamang ni Selena ng kanyang paa sa sahig ay mahigpit na hinawakan ni Elmhurst ang kamay niya. Pagkatapos ay mqlakas siyang hinila at iniwan na ang mga kapatid niya sa rooftop.Natatawang napasunod siya sa binata. Nabibirong tinanong pa niya ito kung bakit ito nagmamadali.“I'm going to punish you for scaring me,” ang sagot nito.Humagikgik siya sa sinabi nito bago pilyang bumulong, “what kind of punishment?”Wala siyang narinig na sagot mula sa binata at mas bumilis na ang takbo nila noong nasa may mountain range na sila at wala ng taong nakakakita sa kanila. Ang tinahak nilang daan ay ang papunta sa kweba.Ang ginawa pa nito ay bigla siya nitong binuhat at pinasakay sa likod nito para mag-piggy back ride siya rito. Hindi sa cliff sila humantong kundi sa ibaba ‘nun. At nang sapitin nila ito ay para itong unggoy na umakyat papunta sa kweba.Pagkarating nila sa bungad ng kweba ay binaba
Sa bahaging tunaw na tunaw ang ice ang lumusong si Elmhurst. Kahit na hindi tuluyang bumalik ang buong lakas niya ay kailangan niyang gawin ito para makita ang dalaga. Agad siyang lumangoy para hanapin ang kanyang kasintahan. Ngayong tapos ang gulo at hindi na nakokontrol ni Fenrir si Selena ay nararamdaman na niya ito sa koneksyon nilang dalawa. Pero napakahina nito tanda na hindi maayos ang kalagayan ng dalaga. Dahil sa totoo lang kanina ay labis siyang natakot nang hindi niya ito maramdaman. Iba yung takot ang naramdaman niya kanina kaysa noong nag-away silang dalawa at naputol ang kanilang koneksyon. Mas palagay ang loob niya dahil alam niyang buhay pa rin ito at nakatanaw sa kanya sa malayo. Binabantayan at kung sakaling may mangyari sa kanya ay agad itong susulpot. Ibang sitwasyon kasi ang meron sa kanila ngayon. Mula nang sinabi nito na kayang isakripisyo ng dalaga ang buhay nito para sa kanila ay hindi na siya mapakali. Hindi siya mapalagay sapagkat anumang oras ay bigla iton
“Where is Selena?” ang malakas na tanong niya kay Clark matapos na dispatsahin ang kalaban niya. Hindi niya napansin ang pag-alis nito kanina. Abala siya sa pakikipag-away at akala niya ay nasa malapit lamang ito. Pero nang paglinga niya ay wala na ang dalaga sa pwesto nito kanina.At habang nakikipaglaban siya ay hinahanap din ito ng kanyang mata. Ginagamit din niya ang koneksyon nila pero hindi niya ito maramdaman. Na parang pinutol iyon ng dalaga upang hindi niya ito masundan.Malakas na sinuntok niya ang isang sumugod sa kanya at pagkatapos ay kinagat ito sa leeg. Ang sumunod naman na ginawa niya ay inihambalos niya ito sa lupa bago tinapakan ang ulo nito. His reamins splattered at the ground. Pati na rin ang suot niyang combat shoes ay may dugo na rin.“Hindi ko siya napansin,” ang tugon ni Clark at tumanaw sa pinto ng gusali.Mukhang nagkaintindihan silang dalawa dahil sabay silang tumakbo papasok sa loob. Nakita nila ang pana ni Selena na nakalapag lamang sa sahig. Agad niya pi
“Fvck!!” malutong na mura ni Selena nang marinig sa link nila ang sinabi ng kanyang kapatid na si Roland. Habang naghihintay sila ng balita sa kanilang kapatid ay biglang narinig nila ang tinig nito sa kanilang koneksyon. At kumulo yata ang dugo niya sa sinabi nito.Parehong nahuli ang dalawa nang makapasok sila sa entrance ng palasyo ni Fenrir. Si Halen na mismong anak niya ay kasama ng kanilang kapatid sa iisang selda na nasa may underground. It was all made from silver. At nanghihina na raw si Halen. Habang si Roland ay palihim na ininom ang dugong tinago niya sa mismong katawan niya. Pero kahit bumalik ang lakas nito ay hindi naman nito magawang iwan si Halen sa loob. She's her thiramin after all.Wala pang sinabi ang kapatid nila kung anong gagawin sa kanila ng tauhan ni Fenrir pero ang sabi nito ay hintayin nila sandali na makita nito ng personal ang nasabing lalaki. Dahil simula nang mahuli at ikulong sila ay wala pang pumunta sa kanilang kulungan para magpakilalang si Fenrir.
Habang lumilipad ang aircraft sa himpapawid ay nakatanaw si Selena sa labas ng bintana. Medyo maulap ang panahon at animo nagbabantang may malakas na bagyong paparating. Ngunit sa kanila ay ganitongg klema ay mas gusto nila noon pa man. Subalit ngayon na hindi na sila matatakot sa sikat ng araw ay parang nakakasira sa magandang view kung nandito ka sa mataas na altitude.Ngunit hindi ang magandang view ang nasa isip niya sa oras na ito kundi ang pupuntahan nilang magkakapatid. At sa tuwina ay sinusulyapan niya ang mga ito. They wore a black overall camouflage and combat boots. They were all expressionless. Hindi man lang kinakabahan na ang pupuntahan nila ay ang hideout ni Fenrir. Dahil sa kanila ay mga mahihinang bampira lamang ang kanilang grupo. At sino ba ang mga kapatid niya? Sila ang mga elite warriors ng kanilang kaharian.Na kahit ang council ay agad na matatakot kapag sila na ang binabanggit sa usapan. Ngunit noong nanatili na sila rito sa mundo ng mga mortal ay maraming nagb
Nakatayo lamang si Selena sa sulok habang pinapanood si Elmhurst na hinuhubad ang suot nitong leather jacket. Nandito sila sa treatment room kasama ang mga kuya niya. At sa halip na kagatin ito sa leeg o kamay para sa dugo nito ay siya ang nagsuhestyon na gumamit sila ng syringe para kumuha ng dugo sa pulso nito sa kamay. Sa mata kasi niya ay parang hinahalikan nila ang thiramin niya kung iyon ang gagawin nila.Nang maupo ito sa silya at kumuha si Roland ng syringe ay naningkit ang mata niya. Kahit aware siya na hindi masasaktan ang binata ay napangiwi pa rin siya. Lalo na nang makita niyang itinusok na ito ng kuya niya sa balat ng binata.“Selena, hindi ba talaga magbabago ang disisyon mo?” nababagot na sabi ni Arjoe. “Baka sumikat na ang araw ay hindi pa tayo nakakuha ng sapat na dugo sa kanya.”“Magrereklamo ka pa at hindi kita papayagan na uminom ng dugo ni Elmhurst!” nagbabantang angil niya rito.“Can we just cut his wrist? It's easy if we do that,” hirit pa nito kaya dumilim ang
Laganap na ang gabi nang bumalik si Selena sa menowa. Sa kuweba lang naman siya nanatili habang kinakalma ang sarili. Dahil sa totoo lang nahihiya siya kay Elmhurst. Lalo pa at nasaktan na naman niya ito. Kung sana lang ay kaya niyang kontrolin ang abilidad niya ay wala siyang masasaktan na mga kapatid niya.Dahil isa ito sa pinag-aalala ng magulang nila noon. Ang darating ang ganitong senaryo na mawawalan siya ng kontrol at masasaktan ang lahat ng nakapaligid sa kaniya.Nangyari na kasi ito minsan noon. She was still young that time. They were having fun. Nagpapalakasan sila ng kanilang sariling kakayahan. She was proud and unbeatable. Tapos isama pa na siya lamang ang nag-iisang babae at palaging pinuputi ng karamihan. Lumaki ang ulo niya at naging mayabang. Ayaw niya ang natatalo at nauungusan. At kapag may nanghahamon noon sa kanya ay pakiramdam niya'y tinapakan nila ang buntot niya. Kaya kapag ganun ay hindi siya mangingiming pumayag na mapakitang gilas.Kaya nang araw na iyon ay
“What did he say?” tanong ni Selena kay Elmhurst nang makasalubong niya ito. Pababa ito ng hagdan papunta rito sa basement at hawak pa nito ang cellphone na ginamit nitong pangtawag ng police warden sa kulungan.Madilim ang mukha nito at halatang masamang balita ang narinig nito. Hinintay niyang makababa ito ng hagdan bago hinawakan ang kamay nito. Salubong ang kilay nito at taas baba ang dibdib sa pinipigilang galit. Narinig niya ang pag-crack ng nasirang bagay. At ng kanyang tignan ay ang cellphone pala na hawak nito ang nagkapira-piraso.“Kaninang umaga ang sabi ng warden may nagsabi raw na patay na ang aking ama. Kaya naman dinala siya sa morgue. Pero ng kanilang tignan muli ay bakante na iyon at wala na siya. Sinubukan nilang hanapin pero wala silang makita. Selena, alam mo ba kung ano ang agad na pumasok sa utak ko. Pinagtagpi-tagpi ko lahat. Two months ago nangyari ang aksidente ni Mama. Ang buwan din na iyon nag-drop si Reese—”“Si Reese at si Rojas ay iisa,” pagtatapos niya s