The weather is cold and the wind is quite strong coming from the West, but this did not stop Elmhurst. Pumunta pa rin siya sa shadow forest, ang pinakamalamig na bahagi ng Isla at may mga malalaking puno at wild flowers sa paligid. Karamihan sa kanila ay ayaw tumapak dito dahil sa lamig pero sa kaniya ay mas gusto niya ang pumunta rito kapag gusto niyang mapag-isa at magmuni-muni. After their P.E subject ay umuwi muna siya at nagpalit ng damit bago pumunta rito. Suot ang makapal na jacket, maong pants at hiking boots ay naglakad siya sa trail na sinadyang pinagawa ng mga Madrid para sa pamamasyal. Paminsan minsan ay umuuklo siya para hawakan ang isang bulaklak na kulay violet. Everytime na pumupunta siya rito ay palaging may paghanga at pagtataka sa mukha niya. Nakakapagtaka kase kung paanong ang bahaging ito ng Isla ang may maraming wild na bulaklak at hindi pangkaraniwang nakikita ng mga tao. Even the trees, para kang nasa fantasy world, mayayabong ang mga puno at ang mga ugat ng mg
Binubusisi ni Selena ang mga lumang gamit niya sa storage room ng kanilang mansion. Hinahanap niya ang mga gamit niya noon na nanggaling pa sa Havilland. Ito ay ang mga pala at pana na ginawa ng kanilang auntie Moira noon. They were all made out of jades and golds, and were preserved for more than a thousand years. Ang iba rito ay kagamitan ng kaniyang kapatid ngunit karamihan ay sa kaniya lahat.Dahil siya lamang ang nag-iisang babae na pinanganak sa kanilang bloodlines ay siya ang pinaka espesyal sa lahat. Nagbunsod nga ito para maging unrestrained siya at hindi kayang kontrolin nino man. Kahit ang magulang niya ay nabigyan niya ng sakit sa ulo dahil sa nga gawain niya. They can't force her to do something she doesn't want to do. They can't make decisions for her. Dahil ayaw niya ang napapakialaman.Tumaas ang sulok ng bibig niya nang makita niya ang tatlong klase ng pana sa may pinaka ilalim ng itim na storage box. They were made of black locust and hickory. At ang pinakapaborito n
Nakatayo si Selena at nakapuwesto sa may likuran ni Elmhurst. Kasalukuyang nandito sila sa indoor archery range ng ATI university at tinuturuan ang dalawa. Inaalalayan niya ang binata sa tamang posisyon nito nang bigla itong kumiling. Eksakto rin na napatingin siya rito kaya nagtama ang kanilang mata na dalawa. Kahit may dalawang sentemetro ang layo ng katawan at mukha nila ay nagkaroon pa rin ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Lalo na kay Elmhurst na biglang lumakas ang kabog ng pagtibok ng puso nito.Dahil natural na kay Selena ang poker face ay hindi halata sa kaniyang mukha na alam niya ang nararamdaman ng binata. Sinadya pa niyang makipagtitigan dito. And she saw his eyes contracted. The atmosphere around him started to rise. At ang dulo ng taynga nito ay kita niya ang pamumula 'nun. Kumibot pa ang labi nito kasabay nang paglunok nito. Dumako ang mata niya sa lalamunan nito at nang makita ang pagtaas baba ng adams apple nito tanda na hindi na ito komportabli ay bahagya na siyan
Nakasandal si Elmhurst sa dingding ng elevator at humihikab. Kagigising lamang niya at lalabas lang siya para pumunta sa canteen at bumili ng kaniyang agahan gamit ang meal card niya. Lahat kasi silang nag-aaral dito ay umaasa na lang sa canteen para sa kanilang pagkain, mula agahan hanggang sa hapunan.Muli siyang humikab at pumikit. Hindi niya narinig muli ang bulong na iyon pero late pa rin siya natulog. Nag-invite kasi ng laro ang kaibigan niyang si Reese at hindi nila namalayan ang oras at umabot sila hanggang sa alas tres ng umaga. Hanggang sa nag-victory ang team nila at nakuha nila ang perang pinanalunan nila. Kaya ito at inaantok pa rin siya. Wala silang klase ngayon dahil linggo naman at kung hindi lang nagreklamo ang tiyan niya ay hindi siya gigising.Nang huminto ang elevator at bumukas ay hindi pa rin siya nagmulat ng mata nang may sumakay. Nakapikit pa rin siya pero naririnig niya ang boses ng dalawang taong nag-uusap."Nagulat ako kagabi nang late akong umuwi. Pagtingin
Selena's gaze fixed on Elmhurst's beautiful and toned body when he unbuttoned his shirt. Dahil sa pagsaboy niya ng tubig dito ay nilamig ito kaya kinailangan nitong alisin ang pang-itaas. Hindi lang niya inaasahan na sa ganitong edad ng binata ay may perpekto na itong hubog ng katawan. Hindi halata iyon kapag nakasuot ito ng damit. Parang ang payat nito pero ngayon na lumantad sa kaniyang paningin ang hubad nitong katawan ay nagkamali siya.He has broad shoulders and toned muscles. It was all beautifully defined. His well built curves were so attractive and sexy that a woman wanted to touch and hug. Sa may bandang abdomen nito na parang ang sarap paglawayan dahil sa abs nito. At kung dadako ang mata mo sa mukha ng binata ay mas lalo pang nakakaakit dahil sa angking kaguwapuhan nito.Natigilan ito at napatingin sa gawi niya. Hindi man lang siya nahiyang tinitigan pa rin ito at tumaas pa ang sulok ng kaniyang labi. Akala niya ay mahihiya ito katulad kanina pero humarap pa ito sa kaniya.
Nayayamot na kinuskos ni Elmhurst ang basang t-shirt niya. Pagkauwi niya galing vermilion falls ay nilabhan niya ito pero dahil naiinis siya ay halos ilang minuto na niya itong kinukuskos at sinasabon. He felt as if his head had exploded into a mess. Bakit? Dahil sa biglaang pagbabago ni Selena kanina. Kung bakit bigla na lamang itong nagagalit gayong wala naman siyang ginagawa.He fiercely slammed his clothes at the basin and cursed. Ang dilim ng mukha niya at nag-iigtingan ang muscles niya sa mukha. Mas matindi pa yata ang tantrums ni Selena kaysa kay Miles. Dahil kahit na naiinis ang kaibigan niya ay hindi siya nito malamig na tatratuhin katulad ng ginawa ng una.Tumigil siya sa pagkuskos at nade-depress na mariing pumikit. He covered his face with his hand and rubbed it roughly. Wala siyang pakialam kahit pa basa at may bula ang kamay niya. He forced himself to calm down. Hindi rin niya maintindihan kung bakit naiirita siya dahil sa ginawa ng dalaga sa kaniya. Siguro ay dahil ito
Sa halip na turuan ni Selena si Elmhurst ng archery ay nakaupo lamang sila sa mataas na flood control at pinapanood ang malakas na alon. Habang sa pagitan nila ay may mga kahoy na sinindihan nila at ginawa nilang bonfire. Hindi sana ito maiisip ni Selena subalit nakita niya na nilalamig ang binata at pilit lamang nitong tinatago iyon.Kanina pagkatapos nitong itanggi na iniignora siya nito ay humiling itong pumunta muli sila rito na dalawa. Hindi siya tumanggi at sumang-ayon na lamang upang hindi mas lumalim ang pagtatampo nito. At kung hindi siya nagkakamali ay ganito rin ang ginagawa niya noon kay Yuan. She will indulge him in everything he wants. Ayaw niya ang nagtatampo ang lalaki. At hindi niya maintindihan kung bakit kay Elmhurst ay ginagawa rin niya ito."Bago ka lang dito pero alam mo agad ang bandang ito ng Alta Tiero," biglang saad ni Elmhurst kaya napalinga siya rito. Nakatingin pa rin ito sa baybayin pero sumulyap sa kaniya nang maramdaman ang tingin niya rito. "Pumasyal k
The scenery around them was like they were in a horror world. Pagdating nila sa may bandang kakahuyan ay tuluyan na kasing dumilim at walang kahit na sinag ng buwan na liliwanag sa kanilang dinadaanan. Mas lalo pa't matataas at malalaki ang mga punong kahoy. Mayayabong ang mga dahon at kumapal na rin ang fogs ng buong kasukalan.Hindi mahirap para kay Selena ang makita ang paligid nila dahil kahit ganito kadilim ay maliwanag pa rin sa kaniya. Samantalang si Elmhurst ay naniningkit ang mata habang naglalaka. Kaya naman kinuha nito ang cellphone at binuksan ang flashlight upang maging tanglaw sa dinadaanan nila. Subalit sa kapal ng ulap ay hindi pa rin ito sapat at kailangan nitong mag-ingat sa paghakbang. Nasa gitna pa sila ng pathway pabalik sa dorm at mga tatlumpong minutos pa ang lalakarin nila. At nahihirapan na rin ang binata na makita ang daan.Huminto si Elmhurst at hinarap siya. "Are you okay?""I'm okay," tugon niya at tumanaw sa madilim na daang tatahakin nila. She can feel a
Ang malaking kastilyo ng mga Madrid sa Havilland ay ngayon ay napapalamutin ng mga bulaklak na tinatawag nilang vermilion flower. Ang mga utusan ay abala sa pag-aasista ng iba pang mga bisita at pag-aayos ng mga gamit sa labas at loob ng malawak na bulwagan. Habang ang mga bisita ay nagkumpol-kumpol at nag-uusap ukol sa kasal ng nag-iisang babaeng anak ng kanilang pinunong si Lukas at ang reyna na si Maxine. Ang dalawang mag-asawa ay kahapon pa gumising sa kanilang mahimbing na pagtulog upang basbasan at saksihan ang kasal ng kanilang anak.Ang priestess na siyang magkakasal kay Selena at ai Elmhurst ay wala ring iba kundi si Maxine. Dahil siya lamang ang nag-iisang naiwan na elves mula sa kanyang angkan. Ang kanyang ina na si Daeia ang dating may mataas na katungkulan bilang priestess ng Havilland. Ngunit nang ito'y pumanaw at piniling maging hangin ng Havilland para bantayan ang nasabing lugar ay akala nila'y naputol na ang angkan nito. Pero dumating si Maxine noon na siyang nag-iis
Pagkalapag ng aircraft sa helipad ng gusali sa Alta Tiero ay agad na bumaba silang lahat. Pagtapak pa lamang ni Selena ng kanyang paa sa sahig ay mahigpit na hinawakan ni Elmhurst ang kamay niya. Pagkatapos ay mqlakas siyang hinila at iniwan na ang mga kapatid niya sa rooftop.Natatawang napasunod siya sa binata. Nabibirong tinanong pa niya ito kung bakit ito nagmamadali.“I'm going to punish you for scaring me,” ang sagot nito.Humagikgik siya sa sinabi nito bago pilyang bumulong, “what kind of punishment?”Wala siyang narinig na sagot mula sa binata at mas bumilis na ang takbo nila noong nasa may mountain range na sila at wala ng taong nakakakita sa kanila. Ang tinahak nilang daan ay ang papunta sa kweba.Ang ginawa pa nito ay bigla siya nitong binuhat at pinasakay sa likod nito para mag-piggy back ride siya rito. Hindi sa cliff sila humantong kundi sa ibaba ‘nun. At nang sapitin nila ito ay para itong unggoy na umakyat papunta sa kweba.Pagkarating nila sa bungad ng kweba ay binaba
Sa bahaging tunaw na tunaw ang ice ang lumusong si Elmhurst. Kahit na hindi tuluyang bumalik ang buong lakas niya ay kailangan niyang gawin ito para makita ang dalaga. Agad siyang lumangoy para hanapin ang kanyang kasintahan. Ngayong tapos ang gulo at hindi na nakokontrol ni Fenrir si Selena ay nararamdaman na niya ito sa koneksyon nilang dalawa. Pero napakahina nito tanda na hindi maayos ang kalagayan ng dalaga. Dahil sa totoo lang kanina ay labis siyang natakot nang hindi niya ito maramdaman. Iba yung takot ang naramdaman niya kanina kaysa noong nag-away silang dalawa at naputol ang kanilang koneksyon. Mas palagay ang loob niya dahil alam niyang buhay pa rin ito at nakatanaw sa kanya sa malayo. Binabantayan at kung sakaling may mangyari sa kanya ay agad itong susulpot. Ibang sitwasyon kasi ang meron sa kanila ngayon. Mula nang sinabi nito na kayang isakripisyo ng dalaga ang buhay nito para sa kanila ay hindi na siya mapakali. Hindi siya mapalagay sapagkat anumang oras ay bigla iton
“Where is Selena?” ang malakas na tanong niya kay Clark matapos na dispatsahin ang kalaban niya. Hindi niya napansin ang pag-alis nito kanina. Abala siya sa pakikipag-away at akala niya ay nasa malapit lamang ito. Pero nang paglinga niya ay wala na ang dalaga sa pwesto nito kanina.At habang nakikipaglaban siya ay hinahanap din ito ng kanyang mata. Ginagamit din niya ang koneksyon nila pero hindi niya ito maramdaman. Na parang pinutol iyon ng dalaga upang hindi niya ito masundan.Malakas na sinuntok niya ang isang sumugod sa kanya at pagkatapos ay kinagat ito sa leeg. Ang sumunod naman na ginawa niya ay inihambalos niya ito sa lupa bago tinapakan ang ulo nito. His reamins splattered at the ground. Pati na rin ang suot niyang combat shoes ay may dugo na rin.“Hindi ko siya napansin,” ang tugon ni Clark at tumanaw sa pinto ng gusali.Mukhang nagkaintindihan silang dalawa dahil sabay silang tumakbo papasok sa loob. Nakita nila ang pana ni Selena na nakalapag lamang sa sahig. Agad niya pi
“Fvck!!” malutong na mura ni Selena nang marinig sa link nila ang sinabi ng kanyang kapatid na si Roland. Habang naghihintay sila ng balita sa kanilang kapatid ay biglang narinig nila ang tinig nito sa kanilang koneksyon. At kumulo yata ang dugo niya sa sinabi nito.Parehong nahuli ang dalawa nang makapasok sila sa entrance ng palasyo ni Fenrir. Si Halen na mismong anak niya ay kasama ng kanilang kapatid sa iisang selda na nasa may underground. It was all made from silver. At nanghihina na raw si Halen. Habang si Roland ay palihim na ininom ang dugong tinago niya sa mismong katawan niya. Pero kahit bumalik ang lakas nito ay hindi naman nito magawang iwan si Halen sa loob. She's her thiramin after all.Wala pang sinabi ang kapatid nila kung anong gagawin sa kanila ng tauhan ni Fenrir pero ang sabi nito ay hintayin nila sandali na makita nito ng personal ang nasabing lalaki. Dahil simula nang mahuli at ikulong sila ay wala pang pumunta sa kanilang kulungan para magpakilalang si Fenrir.
Habang lumilipad ang aircraft sa himpapawid ay nakatanaw si Selena sa labas ng bintana. Medyo maulap ang panahon at animo nagbabantang may malakas na bagyong paparating. Ngunit sa kanila ay ganitongg klema ay mas gusto nila noon pa man. Subalit ngayon na hindi na sila matatakot sa sikat ng araw ay parang nakakasira sa magandang view kung nandito ka sa mataas na altitude.Ngunit hindi ang magandang view ang nasa isip niya sa oras na ito kundi ang pupuntahan nilang magkakapatid. At sa tuwina ay sinusulyapan niya ang mga ito. They wore a black overall camouflage and combat boots. They were all expressionless. Hindi man lang kinakabahan na ang pupuntahan nila ay ang hideout ni Fenrir. Dahil sa kanila ay mga mahihinang bampira lamang ang kanilang grupo. At sino ba ang mga kapatid niya? Sila ang mga elite warriors ng kanilang kaharian.Na kahit ang council ay agad na matatakot kapag sila na ang binabanggit sa usapan. Ngunit noong nanatili na sila rito sa mundo ng mga mortal ay maraming nagb
Nakatayo lamang si Selena sa sulok habang pinapanood si Elmhurst na hinuhubad ang suot nitong leather jacket. Nandito sila sa treatment room kasama ang mga kuya niya. At sa halip na kagatin ito sa leeg o kamay para sa dugo nito ay siya ang nagsuhestyon na gumamit sila ng syringe para kumuha ng dugo sa pulso nito sa kamay. Sa mata kasi niya ay parang hinahalikan nila ang thiramin niya kung iyon ang gagawin nila.Nang maupo ito sa silya at kumuha si Roland ng syringe ay naningkit ang mata niya. Kahit aware siya na hindi masasaktan ang binata ay napangiwi pa rin siya. Lalo na nang makita niyang itinusok na ito ng kuya niya sa balat ng binata.“Selena, hindi ba talaga magbabago ang disisyon mo?” nababagot na sabi ni Arjoe. “Baka sumikat na ang araw ay hindi pa tayo nakakuha ng sapat na dugo sa kanya.”“Magrereklamo ka pa at hindi kita papayagan na uminom ng dugo ni Elmhurst!” nagbabantang angil niya rito.“Can we just cut his wrist? It's easy if we do that,” hirit pa nito kaya dumilim ang
Laganap na ang gabi nang bumalik si Selena sa menowa. Sa kuweba lang naman siya nanatili habang kinakalma ang sarili. Dahil sa totoo lang nahihiya siya kay Elmhurst. Lalo pa at nasaktan na naman niya ito. Kung sana lang ay kaya niyang kontrolin ang abilidad niya ay wala siyang masasaktan na mga kapatid niya.Dahil isa ito sa pinag-aalala ng magulang nila noon. Ang darating ang ganitong senaryo na mawawalan siya ng kontrol at masasaktan ang lahat ng nakapaligid sa kaniya.Nangyari na kasi ito minsan noon. She was still young that time. They were having fun. Nagpapalakasan sila ng kanilang sariling kakayahan. She was proud and unbeatable. Tapos isama pa na siya lamang ang nag-iisang babae at palaging pinuputi ng karamihan. Lumaki ang ulo niya at naging mayabang. Ayaw niya ang natatalo at nauungusan. At kapag may nanghahamon noon sa kanya ay pakiramdam niya'y tinapakan nila ang buntot niya. Kaya kapag ganun ay hindi siya mangingiming pumayag na mapakitang gilas.Kaya nang araw na iyon ay
“What did he say?” tanong ni Selena kay Elmhurst nang makasalubong niya ito. Pababa ito ng hagdan papunta rito sa basement at hawak pa nito ang cellphone na ginamit nitong pangtawag ng police warden sa kulungan.Madilim ang mukha nito at halatang masamang balita ang narinig nito. Hinintay niyang makababa ito ng hagdan bago hinawakan ang kamay nito. Salubong ang kilay nito at taas baba ang dibdib sa pinipigilang galit. Narinig niya ang pag-crack ng nasirang bagay. At ng kanyang tignan ay ang cellphone pala na hawak nito ang nagkapira-piraso.“Kaninang umaga ang sabi ng warden may nagsabi raw na patay na ang aking ama. Kaya naman dinala siya sa morgue. Pero ng kanilang tignan muli ay bakante na iyon at wala na siya. Sinubukan nilang hanapin pero wala silang makita. Selena, alam mo ba kung ano ang agad na pumasok sa utak ko. Pinagtagpi-tagpi ko lahat. Two months ago nangyari ang aksidente ni Mama. Ang buwan din na iyon nag-drop si Reese—”“Si Reese at si Rojas ay iisa,” pagtatapos niya s