"By the way dad, meron po pala kaming outing next week po sa Quezon province, para po sa gagawing proyekto namin sa school," saad ko sa kanya bilang paalam. "Okay anak, nagpaalam ka na ba sa mommy mo?" Tanong naman ni daddy. "Not yet daddy, later na po sa dinner," sambit ko at tumayo ako para kunin ang mini diary book ko."Anak, may emergency calls ako, tawagan kita ulit ha, i love you princess," sambit niya at biglang namatay ang tawag. Balak ko sana basahin ang isinulat ko kanina sa dairy book ko.Umupo ako ng pa-bagsak sa kama sabay higa at nagpakawala ng buntong hininga, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nag kakaganito, dahil sa tagal naming magkaibigan ni Austin ay ngayon lang ako nainis ng may kinausap siyang ibang babae, actually noon wala naman akong pakialam kung may iba siyang babae na kinakausap ngunit ngayon ibang iba ang nararamdaman ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng bigla akong napabalikwas ng bangon ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko, bumaba nalang a
NAGISING akong humihikbi, bumangon ako sa kama at nagtungo sa banyo at naghilamos. Habang naka tapat ako sa salamin ay sumagi sa isip ko ang tagpo namin ni Austin, isang panaginip lang pala iyon hindi ko alam kung bakit bigla na lang naging ganun ang panaginip ko, nalilito na ako sa sarili ko.Maya-maya ay bigla nalang tumunog ang aking tiyan, naalala ko na wala pa pala akong hapunan kaya naisip kong bumaba sa kusina at maghahanap ng makakain. "Paano kung maging totoo ang panaginip ko, kamu-muhian ba talaga ako ni Austin?" Nasambit ko sa aking sarili habang sumisip ako ng kape at nakaupo sa dining table, kape at tinapay na lang ang kinain ko dahil wala rin naman akong ganang kumain ng kanin."Senyorita, ikaw po pala!" Bigla akong nag angat ng ulo ng may magsalita sa harap ko na parang gulat na gulat na nakita ako, 3am palang sa madaling araw."Manang, bakit gising kana?" Tanong ko sa kanya."Ahm Senyorita, kasi mamalengke po kasi ako."Tumango nalang ako at muling pinagtuunan ng pa
"Senyorita Laica," bigla akong naalimpungatan dahil sa boses ni Mildred na gumigising sa akin.Kinusot ko ng bahagya ang aking mata at pinagbuksan ako ng pinto ni kuya driver bago ako lumabas ng sasakyan, pagkatapos ko magpasalamat ay nag-lakad na ako papasok sa gusali ng university matapos kong isuot ang aking bag at habang bitbit ang aking dalawang libro, ngunit parang may kung ano sa akin dahil napansin ko ang mga taong nasa paligid na nagbubulungan at ang iba ay napapa-nganga. Saka ko lang namalayan na sa mismong harap ng university pala ako bumaba mula sa aking sasakyan na Mercedes Benz.Kaya naman ay napalingon ako sa gawi ng sasakyan at si Mildred ay aligaga sa kanyang mga kagamitan habang paalis na ang sasakyan. "Mildred!" "Ay Señorita Laica, bakit po," nasambit niya sa harap ng mga taong nakapaligid sa amin.Mas lalong umugong ang bulungan ng mga ito at marahan kung ipinikit ang aking mata bago ko sinuklay ng pasabunot ang aking buhok gamit ang aking kamay dahil sa inis ng
"Hi, Princess." Isang yakap na mahigpit ang sinalubong sa akin ni Daddy, napaiyak naman ako dahil sa pag surpresa nya sa akin at dahil ilang buwan ko rin na miss si daddy."Kailan ka pa umuwi 'dad?" Tanong ko habang pinapahid ko ang aking luha at naka akbay naman siya sa akin.Napansin ko ang mga estudyante sa loob ng canteen na nakatingin sa amin ni daddy at ang iba ay halatang kinikilig at may halong inggit. Dahil nga naman sa ama kong wala paring kupas ang kagwapuhan at sweet na ama, simula pa 'man ng una kong ma mate ang aking ama noong maliit pa ako ay napaka gwapo na niya. Sa aming anim na magkakapatid, ako at si Aikeen lang ang sobrang kahawig ni Daddy, ang iba kasi ay halo na kay mommy at daddy ang itsura nila. "Kaninang umaga, hindi kita naabutan sa mansyon kaya pinuntahan nalang kita rito at tama naman na pinatawag ako ni Dean Martin, dahil may pag-uusapan daw kami," aniya."Daddy, siya pala si Austin ang bestfriend ko at the rest po ahm friends, new friends? Yeah," saad
"Hi, my love," bati ni daddy kay mommy ng makapasok na kami sa loob ng LLS building at nakita namin na naghihintay si mommy sa may lobby.Humalik sila sa isa't-isa at ako naman ay hinalikan ni mommy sa pisngi."Mabuti naman at nakarating na kayo, at kanina pa naka ready ang mga staff ko para sa photo shoot," aniya at tumuloy na kami sa pag akyat sa taas kung saan naghihintay ang mga staff sa isang room para sa gagawing photo shoot. Naka standby na ang lahat habang hinihintay ako na matapos ayusan at lagyan ng kaunting make up sa mukha."Napaka ganda naman talaga ng prinsesa namin," saad ni mommy habang nakahawak sa kanyang bewang si daddy at pareho ng nakatingin lang sa akin at nakangiti Pakiramdam ko ay para akong ikakasal dahil sa ramdam ko ang presensya ng aking magulang na todo suporta kahit saang bagay, medyo naalala ko nuon ng ikakasal na si mommy at daddy.Flashback……..Habang inaayusan si mommy ng kanyang make up artist na si miss Sandra, na siyang nag recommend din sa weddi
Austin's POVKakarating ko lang galing sa mansyon ni Laica at kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa aking kama, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Iniimbitahan kasi ako sa dinner ng ama niya."Pupunta ba ako?" Tanong ko sa aking sarili habang nilalaro ko ang aking mga daliri. Hindi ako mapakali, panay rin ng aking gulong-gulong sa kama.Kanina sa photo shoot, hindi ko mapigilang hindi humanga kay Laica napaka ganda kasi niya lalo na nung unang beses ko siyang makita sa ganoong ayos, para siyang anghel na bumaba sa langit. Hindi ko tuloy maintindihan ang aking sarili kong bakit napaka bilis ng tibok sa aking puso tuwing magdidikit ang aming mga balat ni Laica. Nung araw na unang beses ko siyang nakita na sumakay sa isang luxury car ay medyo naiinis at nagtampo ako sa kanya dahil sa paglilihim niya sa akin dahil una pa lamang na magkakilala kami sa university ay halata kong mayaman siya ayon narin sa postura niya at tindig, ngunit isang mahirap nga lang na tao ang pagpapakilala niy
Masayang kaming kumakain sa hapagkainan kasama si Austin na katabi ko ngayon sa upuan, napansin ko na hindi siya kumukuha ng hipon at pusit na siyang pinaka paborito ko, kaya naman ay kumuha ako ng hipon at binalatan ko ito saka inilagay sa kanyang plato, dahil nakatingin siya sa dalawang kambal ay hindi niya napansin na nasama sa kutsara niya ang hipon na aking binalatan. Napapa hagikhik pa ako dahil nagawa ko na mapakain siya ng hipon, ngunit napansin ko rin si daddy at mommy na pinandilatan ako ng mata. Kaya nakangiti akong yumuko at inabala narin ang sarili sa pagkain, nagkakamay lang ako dahil mas masarap kumain pag nagkakamay at lalo na pag seafood ang nakahain sa hapagkainan. Habang abala ako sa pagkain ay napalingon ako sa aking katabi dahil panay ang ubo nito at hindi mapakali ang kamay na panay ang kamot sa leeg at mukha. Napansin ko rin na nagpapantal at namumula ang kanyang mukha. "Austin, what's happening to you?" Tanong kong sambit at tumayo na ako. "H-Hindi ko ala
Hindi rin naman nagtagal ang magulang ni Austin sa hospital at umalis rin ito, hindi rin nila isinama si Austin sa kani-kanilang sasakyan dahil may importanti pa raw itong mga lakad kahit na gabi na, sa huli ay samin pa rin sumama si Austin pabalik sa mansyon."Salamat po tito, tita. Buti pa po kayo ay ramdam ko ang pagiging magulang kisa sa aking sariling magulang na puro trabaho lang ang inatupag at halos wala na silang pakialam sa akin," saad niya habang papasok kami sa pinto ng mansyon."Wag kang mag-alala iho, welcome ka dito sa bahay, pumunta ka lang dito kung kailangan mo ng magulang," saad naman ni daddy at tinapik pa ang likod ni Austin."Akyat muna ako Dad," paalam ko sa aking ama at mabilis akong umakyat sa taas.Pagkasara ko ng pinto ng aking kwarto ay, tinutup ko ang aking dibdib dahil bumilis ang tibok nito, hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan ng marinig ko ang sinabi ni daddy."Nakakainis, baka naman maglipat bahay na yung mokong na yun at dito nalang tumira