"Hi, Princess." Isang yakap na mahigpit ang sinalubong sa akin ni Daddy, napaiyak naman ako dahil sa pag surpresa nya sa akin at dahil ilang buwan ko rin na miss si daddy."Kailan ka pa umuwi 'dad?" Tanong ko habang pinapahid ko ang aking luha at naka akbay naman siya sa akin.Napansin ko ang mga estudyante sa loob ng canteen na nakatingin sa amin ni daddy at ang iba ay halatang kinikilig at may halong inggit. Dahil nga naman sa ama kong wala paring kupas ang kagwapuhan at sweet na ama, simula pa 'man ng una kong ma mate ang aking ama noong maliit pa ako ay napaka gwapo na niya. Sa aming anim na magkakapatid, ako at si Aikeen lang ang sobrang kahawig ni Daddy, ang iba kasi ay halo na kay mommy at daddy ang itsura nila. "Kaninang umaga, hindi kita naabutan sa mansyon kaya pinuntahan nalang kita rito at tama naman na pinatawag ako ni Dean Martin, dahil may pag-uusapan daw kami," aniya."Daddy, siya pala si Austin ang bestfriend ko at the rest po ahm friends, new friends? Yeah," saad
"Hi, my love," bati ni daddy kay mommy ng makapasok na kami sa loob ng LLS building at nakita namin na naghihintay si mommy sa may lobby.Humalik sila sa isa't-isa at ako naman ay hinalikan ni mommy sa pisngi."Mabuti naman at nakarating na kayo, at kanina pa naka ready ang mga staff ko para sa photo shoot," aniya at tumuloy na kami sa pag akyat sa taas kung saan naghihintay ang mga staff sa isang room para sa gagawing photo shoot. Naka standby na ang lahat habang hinihintay ako na matapos ayusan at lagyan ng kaunting make up sa mukha."Napaka ganda naman talaga ng prinsesa namin," saad ni mommy habang nakahawak sa kanyang bewang si daddy at pareho ng nakatingin lang sa akin at nakangiti Pakiramdam ko ay para akong ikakasal dahil sa ramdam ko ang presensya ng aking magulang na todo suporta kahit saang bagay, medyo naalala ko nuon ng ikakasal na si mommy at daddy.Flashback……..Habang inaayusan si mommy ng kanyang make up artist na si miss Sandra, na siyang nag recommend din sa weddi
Austin's POVKakarating ko lang galing sa mansyon ni Laica at kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa aking kama, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Iniimbitahan kasi ako sa dinner ng ama niya."Pupunta ba ako?" Tanong ko sa aking sarili habang nilalaro ko ang aking mga daliri. Hindi ako mapakali, panay rin ng aking gulong-gulong sa kama.Kanina sa photo shoot, hindi ko mapigilang hindi humanga kay Laica napaka ganda kasi niya lalo na nung unang beses ko siyang makita sa ganoong ayos, para siyang anghel na bumaba sa langit. Hindi ko tuloy maintindihan ang aking sarili kong bakit napaka bilis ng tibok sa aking puso tuwing magdidikit ang aming mga balat ni Laica. Nung araw na unang beses ko siyang nakita na sumakay sa isang luxury car ay medyo naiinis at nagtampo ako sa kanya dahil sa paglilihim niya sa akin dahil una pa lamang na magkakilala kami sa university ay halata kong mayaman siya ayon narin sa postura niya at tindig, ngunit isang mahirap nga lang na tao ang pagpapakilala niy
Masayang kaming kumakain sa hapagkainan kasama si Austin na katabi ko ngayon sa upuan, napansin ko na hindi siya kumukuha ng hipon at pusit na siyang pinaka paborito ko, kaya naman ay kumuha ako ng hipon at binalatan ko ito saka inilagay sa kanyang plato, dahil nakatingin siya sa dalawang kambal ay hindi niya napansin na nasama sa kutsara niya ang hipon na aking binalatan. Napapa hagikhik pa ako dahil nagawa ko na mapakain siya ng hipon, ngunit napansin ko rin si daddy at mommy na pinandilatan ako ng mata. Kaya nakangiti akong yumuko at inabala narin ang sarili sa pagkain, nagkakamay lang ako dahil mas masarap kumain pag nagkakamay at lalo na pag seafood ang nakahain sa hapagkainan. Habang abala ako sa pagkain ay napalingon ako sa aking katabi dahil panay ang ubo nito at hindi mapakali ang kamay na panay ang kamot sa leeg at mukha. Napansin ko rin na nagpapantal at namumula ang kanyang mukha. "Austin, what's happening to you?" Tanong kong sambit at tumayo na ako. "H-Hindi ko ala
Hindi rin naman nagtagal ang magulang ni Austin sa hospital at umalis rin ito, hindi rin nila isinama si Austin sa kani-kanilang sasakyan dahil may importanti pa raw itong mga lakad kahit na gabi na, sa huli ay samin pa rin sumama si Austin pabalik sa mansyon."Salamat po tito, tita. Buti pa po kayo ay ramdam ko ang pagiging magulang kisa sa aking sariling magulang na puro trabaho lang ang inatupag at halos wala na silang pakialam sa akin," saad niya habang papasok kami sa pinto ng mansyon."Wag kang mag-alala iho, welcome ka dito sa bahay, pumunta ka lang dito kung kailangan mo ng magulang," saad naman ni daddy at tinapik pa ang likod ni Austin."Akyat muna ako Dad," paalam ko sa aking ama at mabilis akong umakyat sa taas.Pagkasara ko ng pinto ng aking kwarto ay, tinutup ko ang aking dibdib dahil bumilis ang tibok nito, hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan ng marinig ko ang sinabi ni daddy."Nakakainis, baka naman maglipat bahay na yung mokong na yun at dito nalang tumira
"Anak, ano sa tingin mo?" Tanong sa akin ni mommy habang naka tayo kami sa edsa at tinitingala ang billboard na kaming dalawa ni Austin ang nasa larawan. Matamis ang mga ngiti habang hawak ang produkto na aming iniindotso. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko ang aking sarili, parang akong na speechless at nakatanaw lang sa aking larawan. "I like it mommy, thank for this opportunity," sambit ko at niyakap ko si mommy. "Thanks you so much anak at pinag bigyan mo ako, sabi ko nga sayo na oras na makita mo ang iyong sarili sa billboard ay tiyak na magugustuhan mo," aniya.Nilingon ko si Austin na nasa aking likuran. Nakatingin lang siya ngunit walang reaksyon, blangko ang mukha na nakatitig sa billboard. Hindi batid kong ano ang iniisip niya. "Austin," tawag ko sa kanya."Uhm," tipid niyang sagot."Did you like it?" Tanong ko sa kanya. "Yeah," aniya at bahagyang ngumiti. Bumalik siya sa sasakyan at hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi siya masaya sa nakikita niya. Hindi
Lumipas ang mga araw. Nakatanggap si Lyca ng mensahe mula kay Austin gamit ang cellphone."Lyca, nakakahiya man pero gusto ko sana na magkita tayo, sana pagbigyan mo ako. Promise ngayon lang, pag tinanggihan mo ako, hindi na ako mangungulit sayo," mensahe ni Austin.Nag set ng araw at lugar si Austin para sa pagkikita nilang dalawa. Kasalukuyang nag hihintay si Lyca sa lugar kung saan sila magkikita ni Austin. Excited din naman si Lyca dahil umaasa siyang maibabalik na ang dati niyang best friend na makulit at masayahin lang palagi. Ngunit isang oras na siyang naghihintay ay wala pa ring Austin na dumating o kahit anino man lang ng kanyang inaasahan na special na tao ay wala. Nakapag desisyon siyang maghintay pa ng isang oras, dahil nag baka sakali siyang baka darating pa si Austin at baka na traffic lang ito."Ma'am, mag oorder na po ba kayo?" Tanong ng waiter na lumapit sa kanya. "Mamaya na lang siguro, may hinihintay pa ako," malungkot niyang sagot. "Pahingi nalang ng tubig," d
"Hi babe," bati ni Lyca kay Ryan. "Kumusta ang flight mo?" Dagdag pa nito."Jet lagged," kibit balikat niyang sagot sa isang taon niyang boyfriend na si Ryan. Pagsakay sa kotse ay isinandal ni Lyca ang kanyang ulo sa balikat ni Ryan habang magkahawak kamay silang naka ngiti. Kagagaling lang ni Lyca sa US dahil dinalaw niya ang kanyang lolo na naospital dahil sa sakit nito. Dalawang buwan din ang itinagal niya roon, kailangan din niya agad maka balik ng pilipinas dahil may trabaho siya at ayaw niyang iasa iyon sa kanyang ama dahil naipangako niya rito na pagka graduate niya ay tutulungan niya ang kanyang daddy sa pagpapatakbo ng kumpanya.Si Ryan ay ang naging malapit sa dalaga sumula noong naging magka klase sila sa kolehiyo at ito na ang lagi niyang nagtatakbuhan tuwing may problema siya at kasa-kasama niya sa araw-araw. Naging maayos ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa magtapat ng pag ibig si Ryan at mabilis na napasagot si Lyca dahil palagay na ang kanyang loob sa binata dahil