"Nagugutom ako," saad ni Leah at parang bata na nanguso sa harap ni Lucas."Pagluluto kita, anong gusto mong pagkain?" aniya at bumaba ng kama saka nagsuot ng damit. "Gusto ko ng bulalo," saad nito at nag kunot ng noo ni Lucas."Natuyot kaba, at gusto mo ng sabaw?" aniya at hinila na si Leah, naka hubot hubad pa ito ng mahulog ang kumot na tanging nagtatakip ng kahubaran ng dalaga."Oh my sexy lady," nasambit ni Lucas at inilabas pa ang dila na parang adik."Hoy! hindi kana nagsawa, kakatapos lang eh!" Singhal ni Leah na napahagalpak naman ng tawa si Lucas. "May round two pa tayo mamaya, mag papalakas lang tayo. Magluluto ako ng masarap na bulalo at hihigop ng masarap na sabaw para pampalakas ng tuhod," aniya bago hinampas na naman ni Leah sa balikat si Lucas."Aray!" daing nito at hinagod ang balikat dahil napalakas ang pagkaka hampas ni Leah."Ang landi mo eh!" Asik ni Leah. Tinulungan na ni Lucas si Leah na makapag suot ng damit para makababa na sila at para makapag handa na ng
HINDI naramdaman ni Lucas na nakikinig lang pala mula sa likod niya si Leah. Habang si Leah ay sininyasan ang yaya ng mga bata na wag mag ingay na nakita nito si Leah.Maingat na lumabas si Leah sa playroom at bumalik sa sala na naka ngiti na nagppahiwatig ng masamang gagawin sa nobyo.Maya maya ay bumalik na si Lucas sa sala at biglang hinawakan ang kamay ni Leah at nakanguso pa itong tinuturo ang taas ng mansyon. Nagpatianod naman si Leah sa paghila ni Lucas, nakangisi na naglakad ai Lucas habang hila niya si Leah."Saan mo ba ako dadalhin?" Angal ni Leah."Sumama ka nalang kasi," saad ni Lucas at hila parin si Leah habang umaakyat sila ng hagdan."Ikaw may binabalak ka na naman ano?" Sambit ni Leah sa mahinang boses ngunit madiin."Basta nga lang eh," d***g nito.Hanggang sa nakarating sila sa kwarto nila, at hinayaan lang ni Leah ang nobyo kung ano ba ang gagawin nito. Pinaupo ni Lucas si Leah sa sofa at lumapit ang binata sa may malapit sa tv at merong maliit na speaker duon, bi
Alas nuebe na ng gabi at kakalabas lang ni Lucas at Leah sa kwarto ng mga bata, magka akbay silang naglakad patungo sa kwarto nila. Kailangan narin nila na magpahinga dahil maaga pa silang aalis bukas.Ilang minuto pa ang lumipas at nakahiga na sila sa kama, si Leah na nakayakap kay Lucas at ginawang unan ang balikat ng binata habang nakatihaya si Lucas. Mulat na mulat parin si Lucas dahil hindi pa siya makatulog samantalang si Leah ay pinipilit din ang sarili na makatulog na. Tumagilid siya ng higa na nakayakap kay Leah, pasimple niyang ginapang ang kanyang kamay sa may hita ng dalaga papunta sa pang upo ng nobya. Pagkalapat ng palad niya sa pang upo ni Leah ay bahagya itong pinisil."Ohhmmm," daing ni Leah. "You smell so good.." bulong nito sa nobya."Matulog na tayo, maaga pa tayong aalis bukas." Saad nito at kinuha ang kamay ng binata sa kanyang pwet."Five minutes lang please!" Aniya at tumingin pa sa mukha ng nobya."Anong five minutes? Ikaw…." Hindi na nito natapos ang sasa
Isang malakas na katok mula sa labas ng master bedroom ang ginawa ni Melissa dahil alas otso na ng umaga ay hindi pa buma-baba si Lucas ate Leah. Ang usapan ay maagang aalis pero sila na lang ang hinihintay ng lahat. Ang iba ay nakasakay na sa van at sila ay nasa kasarapan pa ng tulog.Napabalikwas ng bangon si Leah ng marinig ang katok na iyon, pinulot niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang oras. "Lucas! Gumising ka late na tayo!" Niyugyog pa nito ang binata na masarap pang natutulog."Lucas!" Sambit niya habang niyuyogyog pa rin ang binata at tinatapik-tapik pa ng braso.Bumaba siya ng kama at nagsuot ng night robe at tinakpan muna ng kumot ang hubad na katawan ni Lucas bago binuksan ang pinto."Ma' ikaw pala," napangiti pa siya ng pilit habang kinukusot ang mata, kunwari ay nakalimot sa lakad nila ngayong araw."Akala ko ba ay aalis ng maaga, bakit hanggang ngayon eh tulog pa kayo'ng dalawa?!" Turan ni Melissa."Gigisingin ko na ho ma, pasensya na ho at napuyat yata siya kaga
Sumapit ang gabi at sinigurado muna nila na maayos na ang mga tulugan ng mga bata bago sila bumalik sa dalampasigan. Gumawa sila ng bonfire habang nag gigitara ang isang houseboy nila sa mansion nagkakantahan naman ang iba, bawat isa ay may hawak na mahabang stick na may nakatusok na marshmallow at iniihaw ito sa apoy na nasa harap nila.Napakaswerte ng mga kasambahay ng mansion dahil kahit strikto ay mabait ang amo nila na si Lucas, dahil tulad nila ay lumaki si Lucas sa mahirap na pamilya kaya bawat taong nakapaligid sa kanya ay pinapahalagahan niya at itinuturing na isang pamilya. Kahit sa kompanya nito ay mabait na strikto siya sa mga impliyado niya. Medyo tipsi na si Leah kaya tumayo na siya at napapa-sayaw, habang hinihila si Lucas para sabayan siyang sumayaw. Ipinatong ni Leah ang kanyang braso sa balikat ng binata habang nagsasayaw at nakahawak naman si Lucas sa bewang ng nobya.Maya maya ay napapasandal na nakatalikod na si Leah sa dibdib ni Lucas habang nakataas ang kamay a
"My love, bilisan mo kanina pa tayo hinihintay ni Miss Sandra." Saad ni Lucas kay Leah habang kinakabit ang butones ng kanyang long sleeve shirt."Mabilis na lang 'to," sambit ni Leah ng naglalagay na ito ng pulang lipstick sa labi.Pagkatapos mag pahid ng lipstick ay kumuha na siya ng high heels na sandals at umupo muna sa couch habang inaayos ang pagsusuot ng sandals."My love, are you done?" Saad ni Lucas ng lumabas ito mula sa walk in closet. "Let's go," sambit ni Leah at pinulot ang sling bag na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Paglabas nila ng kwarto ay pinuntahan muna nila ang mga bata para magpaalam. "Yaya, kayo na muna bahala sa mga bata ha? Manang Liena, pasuyo na lang po." Saad ni Leah ng pumasok ito sa playroom at nasa labas si manang habang tinuturuan ang bagong pasok na kasambahay. "Opo ma'am, mag ingat po kayo ni sir." Saad nito at ngumiti.Habang si Lucas ay lumapit sa mga bata at hinalikan ang mga ito, ganun natin si Leah.Pagkatapos ay nagtungo na sila sa parking a
"That very moment I found the one and My life had found its missing piece So as long as I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now 'til my very last breath" Maririnig ang napakaganda na kantang beautiful in white sa isang nagaganap na garden wedding sa farm hill garden dito sa silang cavite at makikita ang kagandahan ng malawak na harden. Matamis ang ngiti ng mga panauhin sa kasalukuyang kasal, nag umpisa ng maglakad si Lucas habang katabi nito si Mr. Guirero na tumayong magulang ng groom sa mahabang red carpet at napapaligiran ito ng mga puting bulaklak. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ni Lucas ng mga oras na iyon tumikhim pa siya ng umayos siya ng tayo sa gilid ng altar. Kasunod na naglakad sa aisle ay ang groomsmen na si Sammy ang bestfriend ng binata at gwapong gwapo sa sarili. Sumunod ang Bridesmaids na si Bernadette at ang flower girl na si Laica na malapad ang ngiti at ang ring bearer na si Flynn at Aikeen na inaal
Laica's POV "Best, kakarating mo lang ba?" Tanong ko sabay tapik sa braso sa aking boy bestfriend na si Austin Del Vecchio, siya ay crush ng kampos dito sa University of San Rafael. Nasa ikalawa na kami sa kolehiyo sa parehonh kursong BSBA. Nagkakilala kami simula noong unang pasok ko dito sa university at agad kaming nagkapalagayan ng loob, naging magkasundo kami sa halos lahat ng bagay, hanggang sa naging matalik kaming magkaibigan. Ngunit sa kabila ng masaya naming pagkakaibigang dalawa ay naging mang-aagaw naman ako sa mata ng grupo ni Yena. "Halos kakarating ko lang din, inaantay lang talaga kita rito para sabay na tayo pumasok sa classroom." Nakangiti niyang sagot, napatingin naman ako sa aking balikat ng agad niya akong inakbayan. "Hhmmmm!" Tumikhim ako saka kami naglakad patungo sa aming classroom. Sanay naman na ako sa pag akbay ni Austin, ngunit may mga pagkakataon na bigla na lamang akong kinakabahan sa tuwing bigla siyang didikit sa akin. Sabagay sa dalawang taon n