KASALUKUYAN ng nasa airport si Lucas at hinihintay ang oras ng kanyang flight patungong Canada. Kahit naka private plane ay panay ang tingin niya sa kanyang orasan sa kamay at panay ang silip sa salamin na dingding na natatanaw lang ang eroplano sa labas, maya maya lang ay lumapit na sa kanya ang isang lalaking nakaitim saka siya tumayo at naglakad habang bitbit ang attache case. Ilang minuto lang ang lumipas ay lumapit sa kanya ang stewardess at binigyan siya ng maiinom habang naka upo na siya sa loob ng eroplano, saka siya nagpasalamat na may ngiti sa labi. Inayos ang sarili at nagsuot ng setbuilt, maya maya lang ay nararamdaman niya ang paggalaw ng eroplano hudyat na umandar na ito. Habang nasa himpapawid ay nakaramdam siya ng antok, kaya nilagay niya sa kanyang leeg ang neck pillow at ipinilig ang ulo saka pumikit."Welcome back sir," saad sa kanya ng lalaking nakanitim na siyang driver niya dito sa Canada at kinuha mula sa kanya ang kanyang dala dalang maleta."Thank you," sa
"Troy!" tawag ni Leah sa binata na abala sa pakikipaglaro sa kambal."Ohh," aniya na hindi nililingon ang binata."Kailangan kita rito, tawagin mo muna si Bernadette, siya muna bahala sa kambal!" sambit ni Leah na may pasigaw.Nasa isang resort sila at ginaganap ang isang taon na kaarawan ng kambal, isang malawak na swimming pool na pambata at pangmatanda ang nasa harapan nila habang abala si Leah sa pagiihaw ng lempo at hotdog para sa mga bata."Ano maitutulong ko?" aniya ng lumapit ito kay Leah na nakangiti."Paki naman nito, nakalimutan yata ni mama na lagyan ng mga stick." ibinigay ni Leah ang mga hotdog na nakalagay sa tray."Okay yan lang pala eh, akala ko naman kung ano na!" aniya na kinuha ang sinasabi at inilapag sa lamesa saka inumpisahan ng tuhugin ang hotdog gamit ang barbeque stick.Sa 'di kalayuan ay pasimpli lang na tinitigan-tignan ni Lucas ang dalawa na magkasamang nag iihaw ng pagkain, habang siya ay nagbabantay kay Laica na tuwang tuwa na naliligo sa swimming pool n
"Leah, pwede ba tayong mag usap?" sambit ni Lucas ng makita niya na nag iisa si Leah na nakatayo sa dalampasigan at tahimik habang hinahampas ng maliit na alon ang kanyang paa.Isa itong resort na may swimming pool at sa di kalayuan ay dalampasigan at matatanaw ang malawak na dagat. "L-Lucas?" gulat niyang turan ng makita ang binata na nasa tabi na niya at blangko ang mukha na nakatitig sa kanya."Siya ba ang ama ng kambal mong anak?" tanong nito sa dalaga na ikina hagalpak ng tawa ni Leah."Si Troy? ama ng kambal? hahaha," tawa nito at napapahampas pa sa sarili niyang hita habang tumatawang malakas."May nakakatawa ba?" tanong naman ng binata dahil wala naman nakakatawa sa tanong niya."Ikaw, natatawa ako sayo!" aniya at hindi parin maawat sa kakatawa.Mayamaya ay biglang dumating si Troy at medyo nakainom na ito dahil nakipag inuman ito sa mga ka trabaho ni Leah na palaban sa inuman.Nag over night sila sa resort, naglalakad lakad lang si Leah sa dalampasigan, habang tulog na ang m
KINABUKASAN, ay maagang nagising si Lucas. Paglabas niya ng kwarto ay nakita niya na nagkakape si Leah at naglalaro naman si Laica na nasa harapan ng dalaga. Andito pa sila sa resort at naghahanda naman ang iba para sa almusal nila. Lumapit sa kanya ang kanyang anak at yumakap saka humalik sa pisngi."Good morning my princess," sambit niya."Good morning din po daddy, daddy pwede po ako mag swim?" saad ng bata at lumingon siya sa gawi ni Leah na biglang ibinaling sa iba ng tingin na kanina lang ay sa kanya nakatitig."Paalam ka muna sa mommy mo anak at sasamahan kita sa pool," saad pa niya na ikinatuwa ng bata."Yehey! Mommy mommy," tawag ni Laica sa kanyang ina habang nilalapitan ito.Si Lucas ay naglakad na papunta sa swimming pool dahil naka summer shorts naman siya at manipis na t-shirt ay akma na sana niyang huhubarin ang kanyang t-shirt ng nilingon niya ang anak na tuwang tuwa at ngayon ay hila hila ang ina. "Come here Mommy," aniya ni Laica. "Ayaw kong maligo anak, maaga pa!
"Leah," tawag ni Lucas sa dalaga ng pumasok ito sa kwarto dahil alam na mag isa ang dalaga sa loob ng kwarto kaya naglakas loob na siyang kausapin ito habang nag aayos si Leah ng mga gamit dahil uuwi na sila. Napalingon naman si Leah sa binata."Anong ginagawa mo rito?" saad ni Leah at napatayo ito."Gusto ko lang tanungin ka tungkol sa kambal," aniya at lumapit siya kay Leah na tumigil sa ginagawa at tahimik na nakatitig sa kanya. "Anak ko ba sila Leah?" tanong nito sa dalaga."Sabihin mo Leah, wag mo itago sakin ang totoo!" singhal niya."Diba ikaw na nagsabi na kumalantare ako sa ibang lalaki?! ano ang karapatan mo ngayon na mang angkin ng mga anak ko?!" singhal ni Leah na nakataas na ang boses. "Leah, wag na natin pahirapan ang mga sarili natin! ano pa ba ang pwede kong gawin para matanggap mo ako ulit? Oo pinangakuan kita pero hindi ko ginusto ang nangyari!" sambit ni Lucas at lumapit kay Leah saka hinawakan ang kamay ni Leah."Leah, magsimula nalang tayo muli. Gusto kong luma
"L-Lucas," sambit ni Leah ng ilapag siya ng binata at bumitaw mula sa pagkaka kapit sa leeg ni Lucas."I miss you Leah," saad ni Lucas habang nakatitig lang siya sa dalaga."Hindi ko alam Lucas kung kaya kong makisama ulit sayo," aniya at ipinilig ang ulo."Leah, subukan lang natin para sa mga bata." Malamlam ang mga mata ni Lucas at hinawakan ang mukha ng dalaga para humarap ito sa kanya, mga isang minuto pa silang nagtitigan bago marahang hinalikan ni Lucas si Leah. Nanatiling walang imik ang dalaga habang kumikibot ang labi ni Lucas sa paghalik kay Leah, pinapaikot ikot nito ang kanyang dila sa loob ng bunganga ng dalaga na para bang may hinahanap, hanggang sa dina namalayan ni Leah na sumasabay na pala siya sa halik ng binata. "I want you Leah.." saad niya ng bumitaw sa paghalik sa dalaga at hinahabol naman ni Leah ang labi ng binata kaya muling ibinalik ni Lucas ang kanyang labi dito."Ahhhh.. L-Lucas," pilit na binabanggit ni Leah ang pangalan ng binata."Marry me Leah," saad
Naramdaman ni Leah na yumakap si Lucas mula sa kanyang likod. Sabay na silang naligo at pagkatapos ay nagpa tuyo muna ng buhok si Leah bago nila pinagtulungan na maayos ang mga gamit na hindi natapos ligpitin ni Leah. nilagay nila ito sa maleta at pagkatapos ay hinila na ni Lucas palabas ng kwarto. "Daddy, kanina pa kita hinahanap. Sabi ni Lalo wala daw po kayo sa kwarto," saad ni Laica at sinilip pa ang likuran ng ama ng lumabas si Leah sa pinto na inaayos pa ang buhok."Mommy? magkasama kayo ni daddy sa loob?" sambit pa nito at pasimpling napapangiti."Psst, Anak halika rito." Tawag ni Leah sa anak."Bakit po mommy?" tanong ng bata ng lumapit siya sa ina.Nagyuko naman ng ulo si Leah at lumapit sa mukha ni Laica."Wag Ka maingay kay Lola na nakita mo kami ni daddy na magkasunod lumabas ng kwarto," utos nito sa anak."Okay po Mommy," saad ng bata at nag thumbs up pa sa ina. "Umiiyak po kasi kanina ang kambal kaya hinahanap ka po ni Lola mommy, saad pa ni Laica. Nauna nang nagsi
Kinabukasan ay maagang nagising si Leah dahil may naririnig siyang ingay mula sa labas ng mansyon, nagpunta siya sa balkonahe ng mansyon at sumilip sa baba. "Anong nangyayari?" tanong niya sa sarili at madaling lumabas.Habang abala ang maraming tao sa malawak na harden, dinidisenyuhan nila iyon. May mga dumarating na maraming bulaklak at mga iba pang gamit."Manang? Ano po meron bakit abala sila sa pag aayos?" tanong niya sa kasambahay ng nakababa na siya at nakita niyang lalabas si manang Liena at may bitbit na meryenda. "Ay ma'am andiyan ho pala kayo, sorry po hindi ko rin po alam ehh. Maaga po kasi umalis si sir kanina at ilang oras lang ay nagsidatingan po sila," saad nito."Hindi ba nabanggit ng sir mo kung anong meron mamaya?" tanong niya muli sa kasambahay."Pasensya na ho ma'am pero hindi ko po kasi alam eh," sagot nito at humingi ng paumanhin sa kanya at nagpatuloy na sa paglabas ng mansyon. Napasandal siya sa gilid ng pinto ng mansyon at nakatingin sa mga taong abala, m